You are on page 1of 33

MGA URI NG

PAGSUSULIT
4.1 PAGSUSULIT AYON SA LAYON

1. PAGSUSULIT SA NATAMONG KABATIRAN O


ACHIEVEMENT TEST
Ang pagsusulit na ito ay batay sa
mga kakayahang itinuro na nakapaloob sa silabus at
isa itong pagsusulit na pangwakas. Layunin ng
pagsusulit na ito ay malaman ang hangganan ng
pagkatutong natamo ng mga mag-aaral sa mga
layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon.
2. PANURING PAGSUSULIT O DIAGNOSTIC
TEST
Ito ay ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng
isang kasanayan upang matiyak kung taglay ng
mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan
(pre-requisite skills). Ang pagsusulit sa
natamong kabatiran sa isang baitang ay maaring
magsilbing panuring pagsusulit ng kasunod na
baitang.
3.PAGSUSULIT SA KAHUSAYAN O
PROFICIENCY TEST
Ito ay pagsusulit na naglalayong malaman
ang kakayahan ng isang tao sa isang wika
na hindi isinasaalang-alang ang anumang
kasanayan na taglay niya sa wikang ito.
4.PAGSUSULIT NA APTITYUD O
APTITUDE TEST
Ito ay sumusukat sa kakayahan sa pag-aaral
ng isang wika o isang lawak o disiplina.
4.2 PAGSUSULIT AYON SA DAMI NG
KAKAYAHANG SINUSUBOK NG
BAWAT AYTEM
1. PAGSUSULIT NA DISCRETE POINT
Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa
bawat aytem.
Dumaraan sa mga kritisismo dahil sa mga
makabagong pananaw tungkol sa wika maging sa
layunin at komunikatibong kalikasan nito.
Halimbawa:
Sa paghahanda ng mga pagsusulit na diskrito, ginagamit
ang mga pagsusulit na obhektibo tulad ng:
 maramihang pagpipiliin (multiple choice test)
dalawahang pagpipilian (alternate response test)
 pagpupuno (completion form)
pagtatapat-tapat (matching type test).
2. PAGSUSULIT NA INTEGRATIVE
Sinusubok nito ang pangkahatang kasanayan sa wika.
Nilalayon ng pagsusulit na integrative na masubok ang
iba’t ibang kakayahan ng isang indibidwal sa bawat
aytem.
Halimbawa:
a. Cloze
 Ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang
para sa mga kinaltas na mga salita. Kung ang pagkakaltas ay laging
ikalima, ikasampu, o anumang ratio na napili, ito ay tinatawag na-
fixed ratio deletion. Kung ang pagkakaltas ay walang sinusunod na
ratio dahil mga pangngalan o mga pandiwa lamang ang kinakaltas, ito
ay tinatawag na variable ratio deletion. Kung may pagpipiliang sagot
ang mga mag-aaral, ito ay multiple choice cloze at kung wala naman
ito ay basic cloze.
b. Pagsusulit na idinidikta o Dictation Test
 Sinusubok nito ang kakayahansa pakikinig, sa talasalitaan, sa
kayarian, maari ring sa pagbabaybay at sa wastong paggamit ng
malalaking titik at ng bantas.
 Ang ganitong uri ng pagsusulit ay nahahati sa dalawang uri. Una ay ang
standard dictation na isinusulat ng mga mga-aaral ang buong talatang
ididikta.
 Ikalawa ay ang partial dictation. Binibigyan ng sipi ang mga mag-
aaral ng talatang idinidikta, pero may mga kaltas na mga parirala o
pangungusap. Pupunan na lamang niya ang mga puwang upang mabuo
ang talata.
c. Interbyu
Sinusubok nito ang kakayahan ng isang tao sa
pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon,
kaalaman, reaksyon, at kuro-kurong kailangan
sa paghahanda ng isang bagay na ilalathala sa
pahayagan.
4.3 AYON SA GAMIT NG
KINALABASAN NG PAGSUSULIT
1. Pagsusulit na Norm-referenced- Inihahambing
ang bawat mag-aaral sa kanyang kapwa mag-aaral.
2. Pagsusulit na Criterion-referenced-ito ay
itinatakdang pamantayan na dapat
mapagtagumpayan ng eksameni.
4.4 AYON SA PARAAN NG
PAGMAMARKA AT PAGWAWASTO
1.Obhektibong pagsusulit na ang pagmamarka
ay walang kaugnayan sa pansariling saloobin o
opinion ng taong nagwawasto ng mga papel.
Halimbawa:
Maramihang pamimili ng sagot (multiple choice)
Pagpupuno ng patlang (completion type)
Pagtatapat-tapat (matching type)
Dalawang pamimili (alternative response test)
Pagsusulit cloze
Pagsusulit padikta
Pagtukoy sa mali (error recognition test)
2. Subhektibong pagsusulit na ang
pagwawasto ay maaaring maimpluwensyahan
ng pansariling saloobin ng nagwawasto ng
papel.
Halimbawa:
Pagsasalin (translation)
Pagsulat ng sanaysay (essay type)
Tanong na walang limitasyon (open-ended
questions).
4.5 MGA URI NG AYTEM NG
PAGSUSULIT
1. True or False/Pagsusulit na Tama o Mali
a. Simpleng Tama o Mali
b. Modified true or false
c. True or False with correction
d. Cluster true or false
e. True or false with option
2. Error Recogniton Test o Pagtukoy sa Mali
 Hinahati
ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi
ay may salungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.
 Nilalagyan
ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating
pangungusap.
 Mga piling salita lamang ang sinasalungguhitan.
 Ang mali sa pangungusap ay maaring isang salita o bahagi ng
salita na nawala.
 Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali .
3. Multiple Choice Test o Uring papili
a. Pangungusap na hindi natapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong
4. Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno
sa Patlang
Ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang
salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na
obhektibo na sa halip na pinamimili ang mag-
aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang
tamang sagot.
5. Cloze Test- ito ay isang uri ng
pagsusulit na binubuo ng isa o higit
pang talata na may puwang para sa mga
kinaltas na salita. Ang pagkaltas ay
maaaring tuwing ikalima, ikaanim,
ikapito o ikawalong salita.
5. Pagtatapat-tapat o matchingtype
ito ay may dalawang grupo o kolumn
ng mga salita, pangungusap o kung ano
pa na naglalaman ng mga sagot at
tanong.
4.6 MGA SIMULAING DAPAT
SUNDIN SA PAGBUO NG
PAGSUSULIT NA MAY
PINAMIMILIANG SAGOT
a. Ang STEM
Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha
ng pagsusulit ang suliraning aytem.
Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem.
Iwasan ang paggamit ng maliligoy na mga salita.
Iwasan ang pag-uulit ng mga opsyon ng mga salitang
maaaring ilagay sa stem.
Isulat ang stem sa anyong positibo.
b. Ang mga Opsyon

Hangga’t maaari, gawing halos


magkakasinghaba ang mga opsyon.
Huwag gawing pinakamahaba o pinakamaikli
ang wastong sagot.
Kung hindi ito maiiwasan may mga padron na
maaaring sundin.
c. Ang mga distraktor

Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-


akit sa mga sasagot sa pagsusulit. Dapat tanawin
ng mga eksameni na halos tamang sagot lahat
ng opsyon.
Hindi dapat maging mas mahirap ang mga
distraktor kaysa sa tamang sagot.
c. Ang tamang sagot

Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.


Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong
sagot.
Iwasang gawing pinakamahaba o
pinakamaikli ang wastong sagot.
d. Ang buong aytem

Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning


kinakatawan nito.
I-angkop ang bokabularyo at kayarian ng
aytem sa mga sasagot nito.
4.7 TALAHANAYAN NG
ISPESIPIKASYON
Ang layunin nito ay upang mailarawan ang
nakamtang domeyn na sinusukat at upang
masigurado na patas ang bawat
narepresentang halimbawa ng mga
katanungang lalabas sa pagsusulit.
 tinatawag naman itong two-way tsart ni Chase (1991) na naglalarawan
ng paksa na saklaw sa isang pagsusulit.
 Sina Carroll at Hall (1985)ay nagsabing ang TnI ay pinal na produkto sa
unang hakbang ng pagbubuo ng pagsusulit.
 Para naman kay de Guzman Santos (2007), isang mapa ng pagsusulit ang
TnI na gabay ng titser sa pagbuo ng pagsusulit.
 Ito ay nagsisilbing plano sa lahat ng kasunod na mga hakbang sa
pagbubuo ng pagsusulit at ang gamit nito. Sa kabuuan, katulad ng
pahayag nina Brown at Hudson (2002:87), ang TnI ay nagbibigay
patnubay kung ano ang dapat sukatin ng titser sa ginawang pagtuturo.
Ginagamit ito bilang gabay ng titser sa pagsulat/paggawa ng pagsusulit.

You might also like