You are on page 1of 16

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II

Panitikan ng Pilipinas

Kabanata 9

Pagsusulit sa Panitikan

1|Pahina
Kabanata 9
Pagsusulit sa Panitikan

Panimula

Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ito ay maaaring pormal kung
itinakda at may proctor na mamamahal sa pagsusulit. Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa
lamang sa maraming paraan sa pagsukat ng natutuhan ng mga mag-aaral. Ang pagtataya o
pagsukat sa natutuhan ay isang walang-tigil na proseso at ito’y maaaring maganap anumang
oras. Kung ang guro’y nakikinig habang nagbabasa ang mga mag-aaral, kung inoobserbahan
niya ang mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain at kung binabasa at minamarkahan
niya ang mga produkto sa pagsulat ng buong klase, nagsasagawa siya ng isang paghuhusga o
pagtatataya. Ang gawaing ito’y maituturing na mga impormal na paraan ng pagsukat sa
natutuhan.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

(a) Nabibigyang-kahulugan ang pagsusulit;


(b) Natutukoy ang ibat-ibang simulain, uri at paraan ng pagsusulit;
(c) Nakalilikha ng sariling pagsusulit pagkatapos talakayin ang isang akdang
pampanitikan.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 9: Pagsusulit sa Panitikan = 3 oras


(1 oras para sa talakayan; 2 oras
para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

2|Pahina
Talakayan
Ano ang Pagsusulit?

Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ito ay maaaring pormal kung
itinakda at may proctor na mamamahal sa pagsusulit. Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa
lamang sa maraming paraan sa pagsukat ng natutuhan ng mga mag-aaral. Ang pagtataya o
pagsukat sa natutuhan ay isang walang-tigil na proseso at ito’y maaaring maganap anumang
oras. Kung ang guro’y nakikinig habang nagbabasa ang mga mag-aaral, kung inoobserbahan
niya ang mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain at kung binabasa at minamarkahan
niya ang mga produkto sa pagsulat ng buong klase, nagsasagawa siya ng isang paghuhusga o
pagtatataya. Ang gawaing ito’y maituturing na mga impormal na paraan ng pagsukat sa
natutuhan.

Mga Uri ng Pagsusulit

A. Ayon sa ayon, ang Pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod

1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement Test

Ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang


pagsusulit na ito ay isang pagsusulit na pangwakas. Nilalayon ng ganitong pagsusulit
na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning
itinakda para sa isang tiyak na panahon.

2. Panuring Pagsusulit o Diagnostic Test.

Ito'y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak
kung taglay na ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite skills).
Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baitang ay maaaring magsilbing
panuring pagsusulit sa kasunod na baitang.

3. Pagsusulit sa Kahusayan o Proficiency Test.


Ito'y pagsusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang
wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wikang ito.
Ang nilalaman ng ganitong pagsusulit ay hindi ibinabatay sa nilalaman o mga layunin
ng mga kursong pangwika na maaaring napag-aralan na ng taong kukuha ng pagsusulit.
Ang pagsusulit ay batay sa isang ispesypikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa
ng isang kukuha ng pagsusulit para sabihing may kakayahan siya sa wika.

4. Pagsusulit sa Aptityud o Aptitude Test.


Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang
wika. Sinusukat nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.

3|Pahina
B. Ayon sa dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem

1. Pagsusulit na Discrete Point.


Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat aytem.

Halimbawa: "Karen, bakit para kang lumuluha?


Paano y napuwing ang aking kanang _____.
a. kamay c. mata
b. tainga d. paa

2. Pagsusulit na “Integrative.”
Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Ang ilang mga
halimbawa ng integrative test ay ang mga sumusunod:

a. Cloze
Ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na puwang para sa mga
kinaltas na mga salita. Ang pagkaltas ay maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito,
ikawalong salita. Kung mahaba ang cloze, maaaring hayaang walang kaltas ang una at
huling talata. Kung maikli ang piniling kuwento o sanaysay, ang una at huling
pangungusap naman ang hindi kakaltasan ng salita. Kung ang pagkaltas ay laging
ikalima, ikasampu, o anumang ratio na napili, tinatawag itong Fixed-ratio deletion.
Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod na ratio dahil mga pangngalan o mga pandiwa
lamang ang kinaltas, ito’y tinatawag na Variable-ratio deletion. Kung may pagpipilang
sagot ang mag-aaral, ito ay multiple-choice cloze at kung walang pagpipiliang sagot,
ito ay basic-cloze.

b. Pagsusulit na ldinikta o Dictation Test.


Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan, at kayarian, at
maaari ring sa papbaybay at wastong paggamit ng malaking tink at ng bantas. Ang
dalawang uri ng pagsusulit na idinidikta ay ang standard dictation at ang partial
dictation. Sa standard dictation, isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang
ididikta. Sa partial dictation, ang mag-aaral ay binibigyan ng sipi ng talatang ididikta
pero ito ay may kaltas na mga parirala o pangungusap. Pupunan na lamang niyn ang
mga puwang upang mabuo ang talata.

c. Ayon sa kakayahang sinusubok

1. Pakikinig
a. Pagkilala ng mga tunog
b. Pag-unawa sa pinakinggang teksto

2. Pagsasalita
a. Pagbigkas ng mga tunog
b. Pakikipag-usap

3. Pagbasa
a. Pagkilala at pag-unawn ng salita
b. Pag-unawa sa seleksyon
c. Kasanayan sa pag-aaral

4|Pahina
4. Pagsulat
a. Pagsulat ng komposisyon
b. Paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik

d. Ayon sa gamit ng kinalabasan ng pagsusult


1. Pagsusulit na Norm Referenced. Sa pagsusulit na norm referenced, inihahambing ang
bawat mag-aaral ang resulta ng ganitong pagsusulit ang ginagamit na batayan ng mga
marka sa isang kurso. Ang pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm referenced.

2. Pagsusulit na Criterion Referenced. Ang pagsusulit na criterion referenced ay may


itinakdang pamantayan na dapat mapagtagumpayan ng eksameni. Kailangang
makaabot ang mag-aaral sa pamantayang ito upang masabing naipasa niya ang
pagsusulit.

e. Ayon sa paraan ng pagmamarka at pagwawasto

1. Pagsusulit na Obhektibo (Objective Type)


a. maraming pagpipilian (multiple choice)
b. pagtatapat (matching type)
c. pagpupuno sa puwang/patlang (completion type)

• Ang pagmamarka ay walang kaugnayan sa saloobin o opinyon ng taong nagwawasto


ng guro.
• Ang pagmamarka ay depende sa tiyak na kasagutan na hinihingi sa pagsusulit
• Iisa lamang ang tamang sagot

2. Pagsusulit na Subhektibo (Subjective Type)


a. pagsulat ng sanaysay (essay type)
b. pagsasalin (translation)
c. tanong na walang limitasyon ang sagot (open minded question)

Ang Paghahanda ng Pagsusulit

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan
ang mga kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayosna pagpaplano at
paghahanda.

1.Pagpaplano ng Pagsusulit

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.


b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Ttala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayan
at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang kabuuang
saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin

5|Pahina
2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyonbilang patnubay


hinggil sa kung ilang aytem ang bubuuin para sa bawat kasanayang susukatin.

b. Suriin at ayusin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri saisa o dalawang
kaguro ang mga aytem. Magagamit ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng mga
aytem

a. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayangkasama sa talahanayan ng


ispesipikasyon?
b. Akma ba sa sinusubok na kasanayan ang bawat uri ng aytem sapagsusulit?
c. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
d. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem?
e. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuhang pagsusulit?
f. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos angpagkakabalanse at hindi
magtutunton sa wastong sagot?
g. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa talahanayan ng
ispesipikasyon?
h. Hindi ba kakikitaan ng regular na padron ang paghahanay ng mgawastong sagot?

c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.


1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.
2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang madadaling aytem
bago ang mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.


1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapatmagbigay ng
sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit
b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang isusulat o
sisipin ba sa sagutang papel ang sagot?
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangang magkaroon
ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa bawat partikular
na uri ng pagsusulit.

3. Pagbibigay ng Pagsusulit at Pagwawasto ng mga Papel

4. Pagpapahalaga ng Pagsusulit
Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisang mga aytem.
a. kahirapan ng aytem (index of difficulty)
b. kakayahang magtangi (discriminatory power)
c. pagkamabisa ng bawat distractor

5. Pagbibigay ng Interpretasyon sa Kinalabasan ng Pagsusulit

Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit na may Pagpipiliang Sagot


(Multiple Choice)

6|Pahina
A. Ang stem

1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuna ng pagsusulit ang


suliranin ng sytem. Dapat maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng maliligoy na mga salita.

Halimbawa:

May tindahan si Nena. Kahapon, napansin niyang wala ng bawang sa tindahan. Kaya
nagpunta siya sa palengke at_________ng bawang.

a.bibili c. binibili

b. bumili d. bumibili

Pinabuti:si Nena ng bawang kahapon.

a.bibili c. binili

b. bumili d.binibili

2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sastem.

Halimbawa: Masaya silang nagkukwentuhan_________

a. sapagkat pinaonood ang paglubog ng araw


b. bago pinanonood ang paglubog ng araw
C. habang pinanonood ang paglubog ng araw
d. kahit pinanonood ang paglubog ng araw

Pinabuti: Masaya silang nagkukwentuhan _________ pinanonood ang paglubog ng


araw.

a.sapagkat c. habang
b. bago d. kahit

3. Isulat ang stem sa anyong positbo. Kung hindi maiwasan ang anyong negatibo,
salungguhitan ang Salitang negatibo o di kaya'y isulat ito sa malalaking titik.

Halimbawa:

Aling salita ang hindt naglalarawan sa batang si Juan?

a. maliit c. magalang
b. masipag d. malinis

B. Ang mga opsyon

1. Hangga't maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon.

7|Pahina
Huwag gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito
maiwasan, may mga padron na maaaring sundin gaya ng
inilahad sa ibaba.

1. A……... 3. A………… 5. A…………


B…....... B………… B…………
K……... K………… K…………
D……… D………… D…………

2. A……… 4. A………… 6. A…………


B……… B………… B…………
C……… C………… C…………
D……... D………… D………....

C. Ang mga distraktor.

1 Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ngpagsusulit. Dapat
tanawin ng mga eksameni na halos tamang lahat ang mga opsyon.

Halimbawa: Ibinigay ko ang lahat _________ Juan kay Rosa.

a. ng c. ni
d. ang d. kay

2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distraktor kaysa tamang sagot.

Halimbawa: Kailangan ng _________ para makapasok sa paliparang iyon.

a. pahinuhod c. pahimtulot
b. paiyakan d.pagtaliwas

Halimbawa: Mananakop

a. matmamay an c. manananim
b. mangingisda d. manlulupig

D. Ang tamang sagot

1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot


2. Pag-iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot
Swasang ghwing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot

E. Ang buong aytem

Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.

Halimbawa

8|Pahina
Layunin Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao.
Si Nena at si Rina ay magkaibigan.

_________ ay magagaling na manlalaro.

a. Siya c. Sila
b. Sina d. kami

Ang distraktor na Sina ay maaaring palitan ng Ako.

2. Iangkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito.

Halimbawa: Nabaghan ni Nina sa nanlilimahid na pulubing lumapit sa

a. Natuwa c. Nagulat
b. Nainis d. Naawa

Ang aytem na ito ay angkop sa mataas na paaralan.

Paghahanda ng Pagsusulit Pangwika


Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pagunawa ng
kanyang mga estudyante. Ang pagsusult ang pinakamabisang paraan para matamo ang
pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakayahan ng isang estudyante, Malaki
rin itong basehan kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng guro.

Mahalaga ang pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika dahil: Una, ang pagsusulit na
mahusay ang pagkakagawa ay nakakatulong upang magkaroon ng interes sa pagaaral ang isang
bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit nagkaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng
isang estudyante sa kanyang pagaaral. Ikalawa, nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang
pagkatuto ng wika.
Para sa mga guro, mahalaga rin ang pagsusulit. Ito’y nagbibigay tugon sa mga
sumusunod: - Naging mabisa ba ang pagtuturo? – Angkop ba ang aking aralin sa mga
estudyante? – Aling kasanayan ang dapat bigyang diin at – Alin ang kailangang ituro muli?
Katangian ng Pagsusulit Pangwika

Dalawang Suliraning Kinasasangkutan:


a. Ang pagtiyak sa paksang susulitin.
b. Pamamaraan sa pagsukat sa gagamitin.

Batayang Simulain ng Pagsusulit-Pangwika


1. Pagsusulit panwika sa makabuluhang pakikipaghatiran. (Communivative Test)
2. Pagsusulit panwika sa mga bagay na kinapapalooban ng suliranin sa pagkatuto.

3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ay dapat subukin sa tunay na pakikipagusap o


pakikipaghatiran.

9|Pahina
4. Subukin ang mga kahirapan isa-isa lamang.
5. Subukin lamang ang naiturong puspusan.

6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isaalang-alang gayundin ang pamantayan
sa pagpapahalaga sa pagsusulit.
Gabay sa Pagbubuo ng Pagsusulit Pangwika

Ang Paghahanda ng Pagsusulit (Badayos, 1999)


Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito ng buong katapatan ang mga
kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.

1. Pagplano ng Pagsusulit.
a. Tiyakin ang layunin ng pagsususlit.
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.

c. Itala ang mga layunin pangkagawian (Behavioral objectives) batay sa mga


kasanayan at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang Talahanayan ng Spesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang
kabuuang saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.
2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng spesipikasyon bilang


patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bubunuin para sa bawat kasanayang
susukatin.
b. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o dalawang
kaguro ang mga aytem. Magagamit ang sumusunod na tanong sa pagsusuri ng mga
aytem.
1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayan na kasama sa
talahanayan?

2. Akma ba sa sinusubok na kasanayan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?


3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
4. Wala bang mga di kailangang salita o pahiwatig ng aytem.

5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsususlit?
6. Ang mga distractor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pagkabalanse
at hindi nagtutunton sa wastong sagot?

10 | P a h i n a
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa
talahanayan ng spesipikasyon.
8. Hindi ba kakikitaan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong
sagot?
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.


2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang
madadaling aytem bago ang mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.


3. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay
ng mga sumusunod na impormasyon:

a. Ang layunin ng pagsusulit.


b. Ang panahong nakalaan sa pagsasagot ng pagsusulit.
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang
isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?
4. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit,
kailangan magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na
panuto sa bawat particular na uri ng pagsusulit.
5. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel.

6. Pagpapahalaga ng pagsusulit.
Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pahkamabisa ng mga aytem.
1. Kahirapan ng aytem (Index of Difficulty)

2. Kakayahang magtangi (Discriminatory Power)


3. Pagkamabisa ng bawat distraktor.
7. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.

Mga Dapat Isaisip ng Guro sa Paghahanda sa Isang Mahusay na Pagsasabay at


Pagsusulit (Castaneto at Abad, 2001)
May mga bagay na dapat tandaan ang isang guro sa paghahanda sa paghahanda
ng pagsasanay at pagsusulit. Ang ilang pinakamahalaga ay ang mga sumusunod:
1. Kailangang may ganap siyang kaalaman sa paksang araling nasasaklaw ng pagsusulit
ng ihahanda, ng sa gayo’y makabuo ng lalong mahalaga at makabuluhang tanong.

11 | P a h i n a
2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga pamamaraang
sikolohiya ng mga batang gagamit upang maiangkop sa kanilang kakayahan ang
kahirapan ng tanong.
3. Kailangan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastasan (Pasulat
o Pabigkas) upang maging maikli subalit tiyak na malinaw ang mga bagay na
binabanggit sa mg katanungan.
4. Kailangang may sapat siyang kabatiran tungkol sa pamamaraan ng pagsulat at
pagbubuo ng tanong, sa iba’t- ibang uri at anyo ng mga tanong upang madali niyang
makita ang kahit kaliit liitang kamalian sa paghahanda ng mag ito.
5. Kailangang mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda ng mga tanong upang
makatiyak sa kahusayan ng pagsubok.

6. Kailangang mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang kakayahan at


kabatiran sa paghahanda ng pagsusulit at nakauunawa sa kakayahan na mahusay na
pagsukat ng mga kaalamang pang-edukasyon.
7. Kailangang siya’y naniniwala na ang wika ay pinagaaralan upang magamit ng mabisa
sa pakikipagtalastasan.

Mga Simulain sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit Pangwika


a. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga
estudyante. Ang mga uring tama/mali, oo/hindi at iba pang dadalawa lamang ang
pagpipiliian sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang
di naman mapapaniwalaan.

b. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanay o pagsusulit


ng sa gayo’y masukat di lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang
umunawa at gumait ng kaalamang natutuhan.

c. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o


pagsusulit. Ito’y isang paraan upang lalong makatiyak sa kawastuhan ng sagot sa bawat
tanong. Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto, may pagkakataon siyang
makitabang mumunting kamalian, o mga bagay-bagay na maaaring makalito sa mga
bata.
d. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang
ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong ang pagsasanaysay na
pagsusulit ay hindi magtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-
paniwala ang marka o iskor sa mga pagsusulit na pasanaysay sapagkat ito’y nababatay
o nasasalin sa kondisyon ng tagapagwasto.
e. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan
ng nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa’y walang makasagot
masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin nito.

12 | P a h i n a
Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata ang
kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.
f. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang
napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga bata
ang hinihinging bawat tanong.

g. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga


estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng pagsusulit
ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata.

Pamatayan at Katangian sa Pagsusulit Pangwika:


1. Mabisa/Pagkabalido (Validity)
- kung talagang sinusukat ng pagssusulit ang nais nitong sukatin

a. Criterion Validity – pagsukat sa dapat sukatin.


b. Content Validity – kahusayan sa paggamit ng kalayaan ng lawak ng paksa sa
paggawa ng konklusyon.
c. Construct Validity – antas ng paggamit ng mga batayang theoritikal sa paggawa ng
pagsusulit.
Mga Katangiang Sinusukat (Castaneto at Abad):

1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang mga bagay na hangad sukatin.
2. Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat nito.

3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw nito ay isang paraan ng


pagiging mabisa ng pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong ng maayos.

5. Hindi sapat na ang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kaalamang natamo ng


mga estudyante kung hindi pati na ang pangunawa at paggamit sa mga kaalaman.
6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.

7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang gagamitin.


8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layuning, paksa at kakayahan ng mga
estudyante.

2. Mapanghahawakan (Reability)
- ang pagsusulit ay mapagtitiwalaan kung ito’y may kaugnayan sa katatagan sa
isang antas ng mag-aaral.

3. Pagiging Praktikal (Practicality)

13 | P a h i n a
- hindi magugugol sa salapi at panahon: maaring ibigay, iwasto at bigyan ng
interpretasyon ang iskor.
Ang Pagsusulit sa Panitikan

LAWAK KASANAYANG/ URI NG PAGSUSULIT


KAALAMANG TATAYAIN

1. Impormasyong 1. Kaalaman hinggil sa mga ss: 1. Obhektibo


Pampanitikan (Literary 1.1. buhay ng may-akda
Information) 1.1. pagsusulit na may
1.2. kalikasan at kapaligiran pagpipilian
1.3. panahon ng pagkakasulat 1.2. pagpuno sa patlang
2. Pagpapakahulugan/ 2. Pag-unawa sa teksto 2. Obhektibo
Pag-unawang 2.1. Literal - discrete point
Pampanitikan 2.2. Pagpapakahulugan - integratibo
2.3. Mapanuri
2.4 Integratibo o Paglalangkap
3. Pagtugon 3. Paggamit sa mga talasalitaang 3. Sanaysay
pampanitikan kaugnay ng mga ss: - pasalita
3.1. pagbuo ng mga - pasulat
ideya/kaisipan
3.2. pagpapakahulugan ng mga
binasa
3.3 pagsusuri ng akda

Klasipikasyon ng mga Kasanayan sa Pagbasat at Panitikan

A. Literal. Nakatuon sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa babasahin. Ang


mga kasanayang kaugnay rito’y maaaring payak (1-3) o di kaya’y masalimuot (4-6).
1. Pagtiyak sa detalye
2. Pagtukoy sa paksang diwa
3. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
4. Alusyon sa mga salita, tao, lugar o pangyayari
5. Pagbabalangkas (ginagamit ang tuwirang pahayag o paraphrased statements)
6. Paglalagom o pagbubuod

B. Pagpapakahulugan
1. Natutukoy ang mga kaisipan ng akda na di tuwirang inilahad.
2. Nahuhulaan ang susunod na pangyayari, nakapagbigay ng haypotesis.
3. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at salita ng mga tauhan.
4. Nahuhulaan ang kalalabasan ng pangyayari.
5. Nabibigyang-kahulugan ang mga tayutay at simbolo.

14 | P a h i n a
6. Natutukoy ang mga impresyong kaugnay ng pandamdam, tono o himig ng akda.
7. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

C. Mapanuri/Kritikal na Pagpapahalaga
1. Nasusuri ang pagkamakatotohanan o di-makatotohanan ng mga pangyayari sa akda.
2. Nasusuri kung katotohanan o opinyon ang inilahad sa akda.
3. Nasusuri ang kaangkupan ng mga kaisipan o pangyayari.
4. Napahahalagahan ang antas ng pagtanggap ng mga ideya, kaisipang inilahad sa
akda.

D. Integratib (Paglalangkap)
1. Kasangkot dito ang personal na pananaw, saloobin at pagpapahalaga (valuing) sa
liwanag ng sariling karanasan sa pagbasa.

II. Talasalitaan
A. Ayon sa pagkakagamit ng akda
B. Ayon sa ibat-ibang antas ng pagpapakahulugan
C. Kasingkahulugan at kabaliktaran
D. Konotasyon
E. Denotasyon

III. Pagpapahalagang Estetiko (Aesthetic Approach)

A. Pagtugong emosyonal sa nilalaman. Paglalahad ng damdamin hinggil sa


kawilihan, pagiging masigla, pagkabagot, pagkainis at iba pa.

B. Paglalagay ng sarili sa mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Tatayain dito


kung paanong ang isang mambabasa ay naging sensitibo sa mga kilos at gawin ng
tauhan at pangyayari sa akda.

C. Imahen. Naipapahayag ng mag-aaral ang kanyang damdamin kaugnay ng mga


masining na kaparaanang ginagamit ng may-akda upang makita, maamoy, marinig
at malasahan ang mga pahayag/kaisipang inilahad sa akda.

15 | P a h i n a
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA

Ako si , __________________________________________________________ nakatira sa


___________________________________________________ay opisyal na nagpatala sa
President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus ngayong _______ Taong
Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at sumunod sa mga akademikong
patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na sumunod sa lahat ng pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________

(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________

(Guro at Lagda)

Tandaan : Marapat na ibalik ang form na ito sa guro ng asignatura isang linggo pagkatapos
ng talakayan.

16 | P a h i n a

You might also like