You are on page 1of 11

PAGSUSULIT AT EBALWASYON

Ano ang Pagsusulit?

 Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ito ay maaaring
pormal kung itinatakda at may proctor na mamamahala sa pagsusulit.

 Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa lamang sa maraming paraan sa


pagsukat ng natutuhan ng mga mag-aaral. Ang pagtataya o pagsukat sa
natutuhan ay isang walang-tigil na proseso at ito'y maaaring maganap anumang
oras.

 Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong


magagamit niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng
pagtuturo. Ang mga impormasyong makukuha ay magbibigay ng ilang kabatiran
hinggil sa kagalingan ng isang pagtuturo- pagkatuto sa loob ng klasrum.

Ang Pagsusulit vs. Pagtuturo

 Totoong malapit ang ugnayan ng pagsusulit at pagtuturo. Ngunit nagkakaiba


lamang sila sa pokus o diin.

 Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto,


samantalang ang pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay ng patnubay
sa mga mag aaral upang mapagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto.

 Ito'y naisasagawa sa pamamagitan ng mabisang pag-aayaw-ayaw ng mga


konteksto sa pagkatuto gaya ng mga kagamitan sa pagtuturo, metodolohiya, at
ang klasrum upang mabigyan ang mag-aaral ng pagkakataong maangkin ang
inaasam na pagkatuto.

 Nagagawa rin ng pagsusulit na sukatin ang dating natutuhan ng mga mag-aaral.


Sa pagtuturo, ang pangunahing target ng mga guro ay matiyak na may
magaganap na pagkatuto at ginagamit niya ang pagsusulit upang mapag-ibayo
ang kanyang pagtuturo.

 Ang pagsusulit ay isa lamang paraan upang makatiyak kung mayroong


pagkatutong nagaganap. Nagagawa rin ng pagsusulit na masukat ang masteri
ng mga mag-aaral sa mga lawak ng wika na nililinang sa klase.
Ang Pagsusulit at ang Guro

 Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto. Kaya't


nararapat lamang na ang bawat guro ay hindi lamang magaling sa pagtuturo
kundi marunong din siyang maghanda ng mga pagsusulit.

 Ano ang kahalagahan ng pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika? Una, ang


pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay malaki ang naitutulong upang
magkaroon ng interes sa pag-aaral ang isang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng
pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng isang bata sa
kanyang pag-aaral. Ikalawa, nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang
pagkatuto ng wika. Natuto ang mga bata habang nag-aaral para sa eksamen, at
pagkatapos na maiwasto ang kanilang mga papel. Makikita sa resulta ng
pagsusulit kung ano ang lubusang natutuhan ng bata at kung aling mga
kasanayang ang dapat pag-aralang muli.

 Sa pamamagitan ng pagsusulit malalaman ng guro ang katugunan sa mga


sumusunod. "Naging mabisa ba ang aking pagtuturo? "Angkop ba ang aking
aralin sa aking mga estudyante?"

 "Aling mga kasanayan ang dapat bigyang diin sa pagtuturo?" "Alin ang
kailangang ituro muli?"

Ang Tatlong Panahon ng Pagsusulit wika

 Maraming pagbabago sa larangan ng pagsusulit wika at ang mga pagbabagong


ito'y naaayon sa pamamaraan ng pagtuturo ng wika.

 Ayon kay Bernard Spolsky, isang dalubhasa sa pagsusulit wika, ang mga
pagbabagong ito ay mahahati sa tatlong panahon.

1. Pre-scientific o Intuitive Stage.

 Sa panahong ito ay binibigyang diin sa pagtuturo ng wika ang pagsasaulo ng


depinisyon at mga tutuntunin, at mga pagsasalin ng mga salita o pangungusap.

Ang pre-scientific stage ay umabot hanggang 1961. Sa panahong ito walang sinunod
na mga simulain ang guro sa paghahanda ng pagsusulit. Inakala noon na ang
sinumang marunong magturo ay makapaghanda na rin ng pagsusullit.

2. Scientific Stage
 Sa panahong ito lumaganap ang aural-oral approach sa pagtuturo ng wika. Ito ay
salig sa paniniwalang mahalaga ang anyo kaysa kahulugan, at upang matutuhan
ang isang wika, kailangang pag-aralan ang mga tunog, ang mga morpema, at
paggamit ng mga sangkap ng mga pananalita at hindi sa pangkalahatang
kasanayan sa wika.

 Ang panahon ito ay nagsimula kasunod ng paglalathala ng aklat na Language


Testing ni Robert Lado noong 1961. Dito nagsimulang maging popular ang mga
objective test.

 Sa scientific stage rin nagsimula ang pagtataya ng pagsusulit upang matiyak


kung ito ay mapanghahawakan at balido.

 Naging malawakan ang paggamit ng pagsusulit na maraming pagpipiliang sagot


(multiple choice) sa panahong ito.

3. Communicative Stage

 Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang kasanayan sa


wika dahil ang binibigyang diin sa pagtuturo ng wika ang paggamit nito, hindi ang
mga sangkap nito.

 Nasa communicative stage na tayo sa pagtuturo ng wika ngunit hindi


nangangahulugan hindi na mabisa ang mga pagsusulit na ginagamit noong mga
unang panahon. Ang pagsasalin, ang pagsusulit na padikta, ang komposisyon at
ang pagsulat ng buod na tinanggihan noong scientific stage ay muling
binibigyang buhay ngayon sapagkat ang mga ito ay umaayon sa layunin sa
pagtuturo ng wika. Ang objective test naman ay ginagamit parin sa pagsukat ng
kasanayang natamo sa isang kurso, o bilang panuring pagsusulit.

Kailan Ibinibigay ang Pagsusulit?

1. Bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan, maaaring magbigay ng pagsusulit


upang malaman kung ang mag-aaral ay may taglay na ng mga kinakailangang
kasanayan ("pre-requisite skills"). Ang pagsusulit na ito ay tinatawag na "pretest."

2. Sa katapusang ng pagtuturo ng isang kasanayan, nagbibigay tayo ng "posttest"


upang malaman kung natutuhan ang ating itinuro.

3. Maaari ring magbigay ng maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin bawat


araw. Ang mga quiz ay may lima hanggang sampung aytem lamang at nilalayong
sukatin ang pagkatuto sa kasanayang itinuro sa loob ng apat napung minuto o isang
oras. Ito ang tinatawag na panubaybay na pagsusulit (formative test).
4. Sa katapusang ng isang yunit o "quarter," nagbibigay tayo ng pagsusulit na
pangwakas (summative test). Ang kinalalabasan ng pagsusulit na ito ang ginagamit na
basehan ng antas ng mga mag-aaral.

Mga Uri ng Pagsusulit

A. Ayon sa layon, ang pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:

1. Pagsusulit sa natamong kabatiran o achievement test.

 Ito ay batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang


pagsusulit na ito ay isang pagsusulit na pangwakas. Nilalayon ng ganitong
pagsusulit na malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-
aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon.

2. Panuring pagsusulit o diagnostic test.

 Ito'y ibinibigay bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak
kung taglay na ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-requisite
skills). Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa isang baitang ay maaaring
magsilbing panuring pagsusulit sa kasunod na baitang.

3. Pagsusulit sa Kakayahan o Proficiency Test.

 Ito'y pagsusulit na naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang


wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa
wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong pagsusulit ay hindi ibinabatay sa
nilalaman o mga layunin ng mga kursong pangwika na maaaring napag-aralan
na ng taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang
espisipikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang kukuha ng
pagsusulit para sabihing may kakayahan siya sa wika.

4. Pagsusulit sa Aptityud o Aptitude Test.

 Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang


wika. Sinusukat nito ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak.

B. Ayon sa dami ng kakayahang sinusubok ng bawat aytem.

1. Pagsusulit na "discrete point. Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa


bawat aytem.

2. Pagsusulit na "integrative." Sinusubok nito ang pang kalahatang kasanayan sa


wika. Ang ilang mga halimbawa ng "integrative test" ay ang mga sumusunod:
a. Cloze. Itoy ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang para
sa mga kinaltas na mga salita. Ang pag kaltas ay maaaring tuwing ikalima, ikaanim,
ikapito, ikawalong salita. Kung mahaba ang "cloze," maaaring hayaang walang kaltas
ang una at huling talata. Kung maikli ang piniling kuwento o sanaysay ang una at huling
pangungusap lamang ang hindi kakaltasan ng salita. Kung ang pagkaltas ay laging
ikalima, ikasampu, o anumang "ratio" na napili, tinatawag itong "fixed-ratio deletion.
Kung ang pagkaltas ay walang sinusunod na "ratio" dahil mga pangngalan o mga
pandiwa lamang ang kinaltas, ito'y tinatawag na "variable-ratio deletion." Kung may
pagpipiliang sagot ang mag-aaral, ito ay "multiple-choice cloze"at kung walang
pagpipilian ng sagot, ito ay "basic cloze."

b. Pagsusulit na idinikta o dictation test. Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig,


sa talasalitaan, sa kayarian, at maaari ring sa pagbaybay at wastong paggamit ng
malaking titik at ng bantas. Ang dalawang uri ng pagsusulit na idinikta ay ang "standard
dictation" at ang "partial dictation." Sa "standard dictation," isinusulat ng mga mag-aaral
ang buong talatang ididikta. Sa "partial dictation," ang mag-aaral ay binibigyan ng sipi
ng talatang ididikta, pero ito ay may kaltas na mga parirala o pangungusap. Pupunan na
lamang niya ang mga puwang upang mabuo ang talata.

c. Ayon sa kakayahang sinusubok

1. Pakikinig- ito ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


pandinig.

A. Pagkilala ng mga tunog b. Pag-unawa sa pinakinggang teksto

2. Pagsasalita- ito ay nakatinig sa anyo ng komunikasyon ng tao. Karaniwang


ginagamit sa pagsasalita sa araw-araw na pamumuhay.

A. Pagbigkas ng mga tunog

B. Pakikipag-usap

3. Pagbasa- ito ay isang posibleng gawain at walang interaksyong nagaganap sa


pagitan ng mag-aaral at teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral.

A. Pagkilala at pag-unawa ng salita

B. Pag-unawa sa seleksyon c. Kasanayan sa pag-aaral

4. Pagsusulat- sinusubok ang kakayahan at kasanayan sa paggamit ng bantas at


walang baybay na salita.

A. Pagsulat ng komposisyon
B. Paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik

D. Ayon sa gamit ng kinalabasan ng pagsusulit

1. Pagsusulit na norm-referenced. Sa pagsusulit na norm-refer enced inihahambing


ang bawat mag-aaral.

 Ang resulta ng ganitong pagsusulit ang ginagamit na batayan ng mga marka sa


isang kurso. Ang pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm referenced.

2. Pagsusulit na Criterion-referenced. Ang pagsusulit na criterion-referenced ay


may itinakdang pamantayan na dapat mapagtatagumpayan ng eksameni.

 Kailangang makaabot ang mag-aaral sa ito upang masabing naipasa niya ang
pagsusulit.

E. Ayon sa paraan ng pagmamarka at pagwawasto

1. Pagsusulit na obhektibo (objective type)

a. maraming pagpipilian (multiple choice)- • ang pagmamarka ay walang kaugnayan sa


saloobin o opinyon ng taong nagwawasto o ng guro

b. pagtatapat (matching type)- ang pagmamarka ay depende sa tiyak na kasagutan na


hinihingi sa pagsusulit

c. pagpupuno sa puwang/patlang (completion type)- iisa lamang ang tamang sagot

2. Pagsusulit na subhektibo (subjective type)

a. pagsulat ng sanaysay (essay type)

b. pagsasalin (translation)

c. tanong na walang limitasyon ang sagot (openminded question)

Ang Paghahanda ng Pagsusulit

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga
kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at
paghahanda.
1.Pagpaplano ng pagsusulit

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit

b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit

c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga


kasanayan at kakayahang susukatin.

d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa tala hanayan ang kabuuang


saklaw ng pagsusulit.

e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispe sipikasyon bilang patnubay
hinggil sa kung ilang aytem ang bubuuin para sa bawat kasanayang susukatin.

b. Suriin at ayusin ang mga aytem. Makatutulong kung maipa susuri sa isa o dalawang
kaguro ang mga aytem. Magagamit ang sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng
mga aytem.

1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa


talahanayan ng ispesipikasyon?

2. Akma ba sa sinusubok na kasanayan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?

3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?

4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang aytem?

5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mgA kukuha ng pagsusulit?

6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang pakakabalanse at


hindi magtutunton sa wastong sagot?

7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa talahanayan


ng ispesipikasyon?

8. Hindi ba kakikitaan ng regular na padron ang paghahanay ng mga wastong sagot?

c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit


1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.

2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang madadaling
aytem bago ang mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga
sumusunod na impormasyon:

a. Ang layunin ng pagsusulit

b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit

c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang isusulat o
sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?

2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pag susulit, kailangang
magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa bawat
partikular na uri ng pagsusulit.

3 Pabibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel

4. Pagpapahalaga ng pagsusulit

Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem

1. kahirapang ng aytem (index of difficulty)

2. kakayahang magtangi (discriminatory power)

3. pagkamabisa ng bawat distraktor

4. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit


Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit

1. Pagsusulit na Tama o Mali

 Ang Tama o Mali ay isang uri ng aytem na kung saan, tinutukoy ang mga salita,
parirala, pangungusap o talasalitaan na tama o mali ang kahulugan. May mga
tuntunin sa paghahanda ng pagsusulit na tama o mali. Ito ay ang mga
sumusunod:

A. Sikaping isa lamang ang binabanggit sa pangungusap.

B. Ipahayag nang maliwanag at tiyak ang tanong upang hindi mapag-alinlanganan ang
sagot.

C. Gawing payak at maikli ang pangungusap.

D. Iwasan ang paggamit ng pananggi o negatibong salita sa aytem.

E. Kung gagamitin ang opinyon, ibigay ang ngalan ng nagsabi nito.

F. Iwasan ang paggamit ng mga pahiwatig tulad ng mga salitang kadalasan, lahat, kung
minsan, maaari, lamang, at iba pa.

2. Pagtukoy ng mali o error recognition

 Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang


pangkalahatang kasanayan sa wika. Iba't iba ang maaaring maging anyo ng
pagsusulit na ito.

3. Pagsusulit na may Pinagpipilian o Multiple Choice

 Ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot o multiple choice ay binubuo ng


dalawang bahagi. Ang stem o bahagi ng aytem na nagpapayahag ng suliranin at
ang mga opsyon o mga pamimiliang sagot. Isa sa mga opsyon ang tamang
sagot, iyong mga maling sagot ay tinatawag na mga distraktor. Ang stem ay
maaaring nasa anyong pangungusap na hindi tapos, pangungusap na may
patlang, buong pangungusap at pangungusap na patanong gaya ng mga
sumusunod:

1. Pangungusap na hindi tapos

Halimbawa:

Sa kwentong binasa, nanalo ang mga tutubi sapagkat

A. higit na malalakas sila kaysa matsing


B. malalaki ang mga pambombong dala nila

C. hindi ginamit ng mga matsing ang isip at utak nila D. ginamitan ang mga ng mga
agimat

2. Pangungusap na may puwang

Halimbawa:

Si Prinsesa Tutubina ay mahilig

A. makipag-away sa mga matsing

B. mamasyal sa labas ng palasyo

C. makipagbiruan sa mga matsing

D. magsumbong ng hindi totoo sa amang hari

3. Pangungusap na buo

Halimbawa: Nagtataingang kawali ka na naman.

A. Nagpapatawa

B. Nagpapaloko

C. Nagbubulungan

D. Nagbibingi-bingihan

4. Pangungusap na patanong

Halimbawa:

Ano ang kahulugan ng nagtataingang kawali?

A. Nagtutulungan

B. Nagpapatawa

C. Nabibingi-bingihan

D. Nagbubulungan
4. Pagsusulit na Pagpuno sa Patlang o Completion Test

Ito ay pagsusulit na sa halip na pinamimili ang mag-aaral sa wastong sagot ay


ipinabibigay ang tamang sagot.

GAWAIN:

Panuto: Maghanap ng isang paksang filipino na nasa ikaanim baitang at pagkatapos ay


gawan ito ng pagsusulit. Maglagay ng mga kasagutan sa bawat tanong.

 5 para sa pagsusulit ng Tama o Mali


 5 para sa pagtukoy ng mali o error recognition
 5 para sa pagsusulit na may pinagpipilian o Multiple choice
 5 para sa pagsusulit na pagpuno sa patlang o Completion test

TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik at pag-aralan ang tungkol sa pagtataya sa panitikan.

You might also like