You are on page 1of 3

ANG TATLONG PANAHON NG PAGSUSULIT WIKA

Maraming pagbabago sa larangan ng pagsusulit wika at ang mga pagbabagong ito’ynaaayon sa


pamamaraan ng pagtuturo ng wika.
Ayon kay Bernard Spolsky, isang dalubhasa sapagsusulit wika, ang mga
pagbabagong ito ay mahahati sa tatlong panahon
1.Pre-scientific o Intuitive Stage
Sa panahong ito, ang mga ginamit na pagsusulit ay gaya ng mga sumusunod:
a.Pagsusulit ng kaalaman tungkol sa wika
Halimbawa: Ano ang pangungusap?
Sipiin ang simuno at ang panaguri ng mga pangungusap
b.Pagsasalin
c.Sulatin o komposisyond.
D.Pagsusulit na padikta.
Pagsulat ng buod
Mga tanong na walang tiyak na sagot (open-ended questions)
Sa panahong ito ay binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ang pagsasaulo ng
depinisyonat mga tuntunin, at mga pagsasalin ng mga salita o pangungusap.
Ang pre-scientific stage ay umabot hanggang 1961. Sa panahong ito, walang
sinunodna mga simulain ang guro sa paghahanda ng pagsusulit.
Inakala noon na ang sinumangmarunong magturo ay makapaghahanda rin ng
pagsusulit.
2.Scientific StageAng panahong ito ay nagsimula kasunod ng paglalathala ng aklat na
Language Testingni Robert Lado noong 1961. Dito nagsimulang maging popular ang
mga objective test
Sa panahong ito lumaganap ang aural-oral approach sa pagtuturo ng wika. Ito ay
saligsa paniniwalang mahalaga ang anyo kaysa kahulugan, at upang matutuhan ang
isang wika,kailangang pag-aralan ang mga tunog, ang mga morpema at paggamit ng
mga sangkap ngmga pananalita at hindi sa pangkalahatang kasanayan sa wika.
Sa scientific stage rin nagsimula ang pagtataya ng pagsusulit upang matiyak kung ito
ay mapanghahawakan at balido.
3.Communicative Stage
Ang pokus ng mga pagsusulit sa panahong ito ay pangkalahatang kasanayan sa wika
dahil ang binibigyang-diin sa pagtuturo ng wika ay ang paggamit, at hindi ang
sangkap nito.
Nasa communicative stage na tayo sa pagtuturo ng wika ngunit hindi
nangangahulugang hindi na mabisa ang mga pagsusulit na ginagamit
noong mga unang panahon. Ang pagsasalin, ang pagsusulit na padikta, ang
komposisyon, at ang pagsulat ngbuod na tinanggihan noong scientific sta ay muling
binibigyang-buhay ngayon sapagkat angmga ito ay umaayon sa layunin sa pagtuturo
ng wika. Ang objective test naaman ay ginagamitpa rin sa pagsukat ng kasanayang
natamo sa isang kurso, bilang isang panuring pagsusulit.

Panahon ng pagsusulit

Tatlong panahon ng pagsusulit ng wika


Kalian ibinibigay ang pagsusulit
Paghahanda ng pagsusulit

Kailan Ibinibigay ang Pagsusulit?


1. Pagsusulit bago simulan ang pagtuturo ng isang kasanayan (pre test)
2. Pagsusulit matapos maituro ang isang kasanayan (post test)
3. Maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin (formative test)
4. Pagsusulit sa katapusan ng isang yunit o quarter (summative test
Paghahanda ng Pagsusulit-Pangwika

Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa


ngkanyang mga estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para
matamo ang pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng
isang estudyante,malaki rin itong basihan kung naging maayos ba o hindi ang
ginawang pagtuturo ng guro.Mahalaga ang pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika
dahil: Una, ang pagsusulit namahusay ang pagkakagawa ay naktutulong upang
magkaroon ng interes sa pag-aaral angisang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng
pagsusulit nagkakaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng isang estudyante sa
kanyan pag-aara. Ikalawa,nagiging daan din ang pagsusulit sa lubusang pagkauto
ng wika.Para sa mga Guro, mahalaga rin ang pagsusulit.

Ito‘y nagbibigay tugun sa mgasumusunod: ―Naging mabisa ba ang pagtuturo?‖,


―Angkop ba ang aking aralin sa aking
mga estudyante?‖, ―Aling mga kasanayan ang dapat Bigyang diin?‖ at ―Alin ang kailangang
ituro muli?‖

MGA TANONG:
1. GAANO KAHALAGA ANG PAGSUSULIT PARA SA MGA MAG-AARAL?
2. MABISA BA ANG PARAAN NG PAGSUSULIT SA PANAHON NG Pre-scientific o Intuitive
Stage?
3. ANO- ANO ANG DAPAT ISAALANG -ALANG SA PAGBUO NG PASULIT?
4. ANO ANG IBIG SABIHIN NG AURAL – ORAL APPROACH?
5. ANO-ANO ANG TATLONG PANAHON NG PAGSUSULIT?

You might also like