You are on page 1of 5

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II

Panitikan ng Pilipinas

Kabanata 8

Mungkahing Gawain sa
Pagtataya sa Panitikan

1|Pahina
Kabanata 8
Mungkahing Gawain sa Pagtataya sa Panitikan

Panimula

Bago pa magsimula ang mga mag-aaral na gawin ang pangkalahatang gawain sa unit,
sila ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod na mga pagtataya at gawain. Panimulang
Pagtataya ay isang mahalagang bahagi sa pagtuturo at pagkatuto, dahil dito nalalaman ng isang
guro na sa kung saan lebel na ng pagkatuto ang isang mag-aaral. Malaking tulong din ito para
matukoy sa kung hanggang saan na ang nalalaman ng isang mag-aaral sa naturang paksa/unit.
Gumamit ng istratihiyang Brainstorming para maidebelop ang kasanayan ng mga mag-
aaral sa pagbuo ng mga ideya/konsepto. Maaari ring gamitin ang KWLH Chart at
mga GraphicOrganizer/Conceptmap para mas komprehensibong pagkatuto ng mga
pangunahing kaalaman o konsepto na kinakailangang matutunan sa unit. TALAKAYAN,
isang magandang istratehiya para pag-usapan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral at
para maiugnay ang mga ito sa mga bagong impormasyon.
Pagkatapos ng talakayan ay maaaring magbigay ng isang Pangwakas na Pagsusulit,
dahil ito ay isang paraan na kung saan nasusukat ang kaalaman (content) ng mga mag-aaral at
pati na rin sa kung saan sila nahihirapan.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoiy ang ibat-ibang aralin bilang mukahing gawain sa pagtataya sa panitikan

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay

Kabanata 8: Mungkahing Gawain sa Pagtataya sa = 3 oras


Panitikan (1 oras para sa talakayan; 2 oras
para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

2|Pahina
Talakayan
Bago pa magsimula ang mga mag-aaral na gawin ang pangkalahatang gawain sa unit,
sila ay inaasahang maisagawa ang mga sumusunod na mga pagtataya at gawain. Panimulang
Pagtataya ay isang mahalagang bahagi sa pagtuturo at pagkatuto, dahil dito nalalaman ng isang
guro na sa kung saan lebel na ng pagkatuto ang isang mag-aaral. Malaking tulong din ito para
matukoy sa kung hanggang saan na ang nalalaman ng isang mag-aaral sa naturang paksa/unit.
Gumamit ng istratihiyang Brainstorming para maidebelop ang kasanayan ng mga mag-
aaral sa pagbuo ng mga ideya/konsepto. Maaari ring gamitin ang KWLH Chart at
mga GraphicOrganizer/Conceptmap para mas komprehensibong pagkatuto ng mga
pangunahing kaalaman o konsepto na kinakailangang matutunan sa unit. TALAKAYAN,
isang magandang istratehiya para pag-usapan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral at
para maiugnay ang mga ito sa mga bagong impormasyon.
Pagkatapos ng talakayan ay maaaring magbigay ng isang Pangwakas na Pagsusulit,
dahil ito ay isang paraan na kung saan nasusukat ang kaalaman (content) ng mga mag-aaral at
pati na rin sa kung saan sila nahihirapan.

Mungkahing Gawain sa Pagtataya sa Panitikan

Scaffold Instruction

- Ito ay ang mga gabay na ibinibigay ng guro sa buong proseso ng pag-aaral. Ang suporta
na ito ay partikular na iniaakma sa bawat mag aaral.
Sa pagtuturo, kaakibat nito ang mga salitang estratehiya, ito ang mga kagamitan at gawaing
ginagamit ng guro sa bawat hakbang ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ito rin ang paraan na
ginagamit sa paglilipat ng konsepto, ideya, katotohanan at kasanayan sa mag-aaral. Natatamo
ang layuning ito sa walang sawang paggabay ng mga guro
Ang scaffolding ay pinakamahusay na diskarte kapag ang tagapagturo ay gumagamit ng
pamamaraan sa anumang sitwasyon sa loob ng klase.
Halimbawa, ang isang guro ay maaaring:
•Magtanong ng mga naaangkop na katanungan

•Gumawa ng mga suhestiyon


•Pag-alok ng pampatibay-loob
•Magpose ng mga tanong na may limitadong sagot

Gumamit ng mga demonstrasyon


•Pagmomodelo ng isang aktibidad sa mag-aaral bago sila hilingin na makumpleto ang pareho
o katulad na aktibidad

3|Pahina
•Humungi ng mga katanungan habang nagbabasa upang hikayatin ang mas malalim na
imbestigasyon ng mga konsepto
•Paggamit ng graphic organizers upamng mag-alok ng isang visual na balangkas para sa
bagong impormasyon
Modeling

- Ito ay demonstrasyonna kung saan sa pagtuturo ay ang pagbibigay sa mga estudyante


ng direktang atensyon kung paano matututunan ang isang bagong kasanayan.
- Ito rin ay isang pamamaraan na nagpapakita ng pagsasagawa ng gawain sa pagkatuto.
Ang modeling(pagmodelo) ng guro ay isang estratehiya sa pagtuturo kung saan ipinapakita
ng guro ang isang bagong konsepto sa pag-aaral at natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan
ng pagmamasid o obserbasyon.
Cooperatve Learning

- Ito ay ang sama- samang pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang
layunin.
- Ito rin ay isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon
na humihikayat sa mnga mag-aaral na gumawa nang sama- sama bilang isang pangkat
upang matutuhan ang isang aralin.
Kagandahan ng Pangkatang Pagkatuto:

1. Natutuhan ng mga mag-aaral ang pagiging responsable sa sarili at sa mga kapangkat.


2. Naghihikayat ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral.
3. Naghihikayat ng aktibong intereksyon ng mga mag-aaral na makakapaglinang ng kanilang
mga kasanayan at pagtitiwala sa pakikitungo sa iba.
Having Choices

- Ang pinakamahusay na paraan upang mas mapaganda ang pagtuturo ay bigyan ang
mag-aaral ng papipilian sa kung paano nila nais ipakita ang kanilang natutunan.
- Ang lahat ng mag-aaral ay natututo sa kanilang sariling pamamaraan at kailangan
nilang maipakita ang kanilang sariling kakayahan at interes.
Binibigyan ng mga guro ang mga mag-aaral ng pagpipilian kung paano nila ipapakita ng mas
mahusay ang kanilang natutunan, kung paano sila mas magiging malikhain at mas mahusay sa
pakikibahagi sa iba.

Sanggunian:

https://www.coursehero.com/file/94221484/GROUP-6-PPTpptx/

4|Pahina
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA

Ako si , __________________________________________________________ nakatira sa


___________________________________________________ay opisyal na nagpatala sa
President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus ngayong _______ Taong
Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at sumunod sa mga akademikong
patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na sumunod sa lahat ng pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________

(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________

(Guro at Lagda)

Tandaan : Marapat na ibalik ang form na ito sa guro ng asignatura isang linggo pagkatapos
ng talakayan.

5|Pahina

You might also like