You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 1

I-Mga Layunin:

Pagkatapos ng Aralin ang mga bata ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos.

b. Nakikilala ang mga salitang nagsasaad ng kilos at

c. Naisusulat nang maayos ang mga salitang nagsasaad ng kilos

II-Paksang Aralin:

Paksa: Salitang nagsasaad ng kilos

Sanggunian: Landas sa Wika at Pagbasa, pahina 82-92.

Kagamitan: Mga larawan, tsart ng kwento

III-Mga pamamaraan:

A. Panimulang gawain

Sisimulan ang aralin sa pamamagitan ng isang laro (sundin niyo ako).hahatiin sa tatlong grupo
ang mga bata.

B.Balik aral

Magpakita ng mga larawan ang guro ukol sa mga kasapi ng mag-anak. Magtatanong ang guro
kung ano ang ginagawa ng ano ang ginagawa ng tatay, Nanay,ate,kuya at bunso.

C.Pag-alis ng balakid

Pandiwa-ay isang salitang kilos na nagbibigay kilos sa katawan. Tulad ng sumasayaw, lumilipad,
lumalangoy at umiinom.

D. Pagganyak

Magpakita ng mga larawan ang guro, hayaan ang mga bata na hulaan ang mga larawang
ipinapakita at bigyan ng premyo (lollipop) ang batang maka hula ng tama.

E.Paglalahad

 Ipabasa sa mga bata ang maikling kwento

 Ipakilala ang mga salitang nagsasaad ng kilos

F. Paglalahat

Ano ang tawag sa mga salitang naghuhugas, nagluluto, nagwawalis at naglalampaso?

G. Paglalapat
 Pangkatin sa tatlong grupo ang mga bata at ipagawa sa kanila ang kanilang pagsasanay.

 Bigyan ang bawat grupo ng mga larawan hayaan silang idikit ito sa papel at isulat ang
wastong kilos na nagsasaad sa bawat larawan.

 Bawat lider ng pangkat ay dapat mag-ulat sa kanilang ginawa.

H. Pagpapahalaga

Nagpapakita ng pagkakaisa habang nagsasagot ng kanilang pagsasanay

IV- Pagtataya

Panuto: Lagyan ng (/) tsek kung ang salita ay nagsasaad ng kilos at (X) ekis naman kung hindi.

_______1.Nagsusuklay _______6.naghuhugas

_______2.Papel _______7.manok

_______3.libro _______8.Nagsasalita

_______4.nagluluto _______9.mesa

_______5.nagtatanim _______10.naglalakad

V-Takdang Aralin

Panuto: Piliin ang wastong salitang kilos na angkop sa pangungusap.

Naglalaro Natutulog langit

Nanonood kumakain

Naglilinis papel

1.________________ Ang mga bata sa labas.

2. Si Elvie ay _______________ng palabas sa telebisyon.

3.________________Si Ana ng kanilang bahay.

4.Si Amy ay _________________tuwing tanghalian.

5. Ang mga bata ay ______________ ng pandesal.

Prepared by: Jocelyn L. Eborde

Student teacher
Ivy Joy G. Lubiano

Cooperating teacher

You might also like