You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

Inihanda ni: Angelica D. Cabuyadao


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
3. Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa sa Elementarya sa pahina
78-79
KAGAMITAN: Kartolina, Pentlepen, Manila Paper
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat

-Magandang Umaga Klas! -Magandang Umaga din po Ma’am


Angelica!
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
-Mayroon ba kayong mga napansin sa mga
pangungusap klas? -Ma’am meron po, sa dulo ng bawat
pangungusap po.
-Tama! Okay ating basahin ang mga
pangungusap.
- MGA PANGUNGUSAP
 Ilan hain ng gulay at prutas ang
iminumungkahing kainin araw-
araw?
 Kumain ka ng prutas at gulay
araw- araw.
 Ang gulay at prutas ay mainam sa
ating katawan.
 Wow, ang sarap ng mga pagkain!
-(Tatanungin ang mga mag- aaral sa
pagkakaiba ng mga pangungusap na
kanilang nabasa.)

C. Pagtalakay sa Aralin
-Ang ating mga binasa ay mga
pangungusap.
-Ngayong araw ay ating tatalakayin ang
mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit.
May apat na uri ang pangungusap ayon sa
gamit, ito ay ang Paturol o Pasalaysay,
Patanong, Pautos, at Padamdam.
-Jing, pakibasa nga ang ibig sabihin ng
Paturol o Pasalaysay. -Paturol o Pasalaysay – pangungusap na na
nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang paksa.
Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa
bantas na tuldok (.).
-Salamat Jing. Ito ay nagsasaad sa paksa.
Halimbawa ay Ang mga damit sa mall ay
napakamahal ngunit napakaganda. Tama
ba na ito ay nagsasaad ng sa paksa na gulay
at prutas? -Opo Ma’am.
-At dapat kailangang nagtatapos ito sa
bantas na tuldok.
-Naintindihan na ba ang Paturol Klas? -Opo Ma’am.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa Paturol? Mae. -Ma’am Ang mga libro ay napakahalaga sa
pag- aaral.
-Tama! Ano pa? -Ma’am Ang mga bata ay nakikinig sa
kanilang guro.
-Napakahusay! Ngayon ay dumako na tayo
sa pangalawang uri, ito ay ang Patanong.
Pakibasa nga ang ibig sabihin nito Jay? -Patanong- pangungusap na naghahanap
ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang
pananong. (?)
-Salamat Jay. Ito ay dapat may sagot. Ang
pangungusap na ito ay nagtatanong. At
dapat nagtatapos sa tandang pananong.
Halimbawa ay Ano ang mga proyektong
binigay ng ating guro? Tama ba na ito ay
pangungusap na nagtatanong? -Opo Ma’am.
-Naintindihan na ba ang Patanong? -Opo Ma’am.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa pananong? Riza -Ma’am, Bakit napakabigat ng bag mo?
-Tama! Ano pa? -Ma’am Nagawa mo na ba ang ating
takdang aralin?
-Magaling! Dumako na tayo sa pangatlong
uri, ito ay Pautos. Pakibasa nga ang ibig
sabihin nito John? -Pautos – pangungusap na nagsasabi na
gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa
tuldok (.).
-Salamat John. Ito ay nagsasabi na gawin
mo ang bagay na kanyang sinasabi. At ito
rin ay nagtatapos sa tuldok gaya ng Paturol.
Halimbawa ay Pakibigay nga kay Jenny
ang panyo na hiniram ko sa kanya. Tama
ba na ito ay pangungusap na nag- uutos? -Opo Ma’am.
-Naintindihan niyo na ba ang Pautos? -Opo Ma’am.
- Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa Pautos? -Ma’am, Pakiabot nga kay Jane ang lapis
na ito.
-Mahusay! Ano pa? -Ma’am, Huwag kang kumain ng Junkfood
dahil hindi maganda sa katawan.
-Napakagaling! Dumako na tayo sa
panghuling Uri at ito ay Padamdam.
Pakibasa nga ang ibig sabihin nitoTroy? -Padamdam – pangungusap na nagsasaad
matinding damdaming gaya ng galit, tuwa,
inis o gigil. Ito ay nagtatapos sa tandang
padamdam (!).
-Salamat Troy. Ito ay mga pangungusap na
ating sinasabi kapag tayo ay masaya,
naiinis o nagugulat. Ito ay nagtatapos sa
Halimbawa ay Wow, ang daming pagkain
sa lamesa! Tama ba na ito ay
nagpapahayag ng matinding damdamin? -Opo Ma’am.
-Naintindihan niyo na ba ang Padamdam? -Opo Ma’am.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa padamdam?
Anna -Ma’am, Yahoo, napakasaya ng araw na
ito!
-Mahusay! Ano pa? -Ma’am, Yehey, walang pasok bukas!
-Napakagaling! Ayon sa inyong mga
kasagutan ay naintindihan niyo na ang
ating aralin ngayon.
D. PAGLALAHAT
-Klas, ano nga uli ang ating aralin ngayong
araw? Janine -Ma’am mga Uri po ng Pangungusap Ayon
sa Gamit.
-Tama! Ano ano naman ang mga uri nito? -Ma’am Paturol o Pasalaysay po
-Magaling! Ano pa? -Ma’am Patanong po
-Mahusay! Ano pa? -Ma’am Pautos po
-Napakagaling! At ang panghuli? -Ma’am Padamdam po.
-At ano nga ba ang kahalagahan ng ating
tinalakay ngayong araw? -Ma’am ito ay para magamit namin sa
pang- araw- araw naming pakikipag- usap
at maaari din sa pagsusulat.
-Tama! Ngayong tapos na nating natalakay
ang ating aralin ay handa na ba kayo sa
maikling pagsusulit? -Opo Ma’am.

IV. Pagtataya
Isulat kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong, o padamdam. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____________1. Mahilig ka bang kumain ng JunkFood?
_____________2. Iwasan mo ang ganyang uri ng pagkain.
_____________3. Makabubuti kung masustansiyang pagkain ang iyong binabaon sa
paaralan.
_____________4. Huwag kang magpupuyat sa gabi para hindi ka inaantok sa paaralan.
_____________5. Ang sarap bumangon sa umaga kapag kompleto ang iyong tulog.
_____________6. Yehey, makikita ko na naman ang aking mga kaklase!
_____________7. Wow, ang sarap ng almusal ngayon ha!
_____________8. Sino ang naghanda ng mga iyan?
_____________9. Pakiabot mo nga ang matamis na saging para sa panghimagas.
_____________10. Hindi ako pumapasok sa paaralan nang hindi nag- aalmusal.

V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.

You might also like