You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


KAGAWARAN NG EDUKASYON
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION X
DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
MOPUSTA Bldg., Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental

Tanggapan ng Tagapamanihala Direct Line: (088) 531-1872


Office of the Schools Division Superintendent Fax: (088) 531-0076
Division of Misamis Occidental E-mail address: deped_misocc@yahoo.com
____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Banghay Aralin sa FILIPINO 3


Ikalawang Markahan

I. Layunin
A. Pamantayan sa Pangnilalaman:
Naipamalas ang ibat-ibang kasanayan upang makilala at mabasa
ang pamilyar at di pamilyar na salita.

B. Pamantayan sa Pagganap :
Nababasa ang usapan, tula, talata, kwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at
ekspresyon.

C. Kasanayan sa Pagkatuto:
Nababasa ang mga salitang may klaster - F3 PP-11c-d2.3

II. Nilalaman
Mga Salitang may Klaster

III. Kagamitang Panturo


Aklat, larawan, plaskard/Chart, Video, Factsheets

IV.Pamamaraan

A. Paglalahad

Sa araw na ito ay magbasa tayo ng mga salitang may klaster. Gagawin natin ito
upang kayo ay masanay at maging mahusay na mambabasa. Kaya pagkatapos ng ating
mga pagsasanay ay tatawagin ko kayo isa isa upang basahin amg mga salitang may klaster.

Ang klaster o kambal-katinig ay ang tawag sa dalawang katinig na magkatabi sa


isang pagpapantig ng isang salita.
Ang Klaster o Kambal-katinig ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o
hulihan ng isang salita.
Pero ay pagtuunan muna natin ang mga klaster na makikita sa unahan ng salita.

B.Pagmomodelo

Tingnan ninyo ang larawang hawak ko, ito ay kwaderno.


Uulitin ko, Ito ay kwaderno.
Ulitin ninyo, sabay-sabay, unang pangkat, ikalawang pangkat, lahat? Kwaderno
And kwaderno ay nagsimula sa klaster o kambal katinig na /kw/.
Bigkasin ko at making kayo…/kw/
Ulitin ninyo? /kw/ sabay-sabay? /kw/ unang pangkat? /kw/ ikalawang pangkat?
/kw/, lahat? /kw/..Magaling
Ano ulit ang kambal katinig sa salitang ito?
Ihanay sa pisara o paskilan ang bawat salitang inilahad o binigkas.

(Note : sundin ang proseso sa paglalahad ng ibang salita. Lahat na salita na may kalster
sa unahan ay dapat mailahad lalong lalo na ang mga di-pamilyar na klaster)

1. Dyaryo-
2. Krayola-
3. Blusa- -
4. Dyaket-
5. Kwaderno-

C.Pagsasanay
1. Isahang pagsasanay

Maglaro tayo ng basketbol.. ang gagawin nyo ay ihagis ang bola sa balde na
magsisilbing ring.Kung nakapasok ang bola sa balde bumunot kayo ng limang salita na
nakabalot. Bukasan ito upang Makita kong ano ang salita at ang nakadikit sa gilid yon ang
premyo ninyo.(note bawat salit may nakadikit na menthol candy)
Basahin ang limang salita sa harap ng klase at kung mabasa ito nang tama ay
mapasa iyo na ang candy bling gantimpala.
(ang balde ay may maraming mga salitang may klaster sa unahan.)
Handa na ba kayo?
Sege simulan na nating ang laro.

2. Pangkatang Pagsasanay

Ngayon ay magpangkat pangkat tayo, ito ay paramihan ng mabasa ng mga salitang


may klaster.
(Bawat pangkat ay bigyan ng mga saliatang may klaster, lahat na salitang
nailahad )
Ang gagawin nito ay mag Jak empoy muna kung sinong una taya.

Sa hudyat ng guro ang tumaya ay siyang babasa sa lahat na salita na ipabasa sa


kanila ng kabilang kupunan. Bawat kasapi ng kupunan ay may hawak na salita at ipakita
niya lamang ito matapos maipakita at mabasa sa kabila ang salita ng kanyang katabi.

Sa gabay ng guro simulant na ang laro. Bawat pagkamali ay bawas punto sa grupo.

D. Malayang pagsasanay
Ngayon bigyan ko kayo ng tiglilimang kard. Ang bawat kard ay may salitang
klaster o kambal katinig ,pumnta kayo sa harapan at basahin ito ng patula.

lV. Pagtataya.
Pangkatin ko kayo uli, at bigyan ko kayo ng tula. Basahin ng may wastong bigkas
ang tula na naglalaman ng mga salitang klster o kambal katinig.
Ako’y Batang Matalino

Hawak ko ang kwaderno


Binasa ko ang dyaryo
Krayola ang pangkulay ko
Blusang pula ang suot ko
Kung uulan,
dyaket naman ang isusuot ko

IV. Takdang Aralin:

Bumasa ng isang maikling Kuwento/Tula o Talata at Magtala ng 5-10 salita na may


Klaster.Isulat sa Kalahating Papel.

Inihanda ni:

GNG. LORAN R. SIMBAJON MARILYN D. PANUNCIALMAN,ED.D


EPSVISOR FILIPINO PSDS

Inidit ni:

SAMUEL C. SILACAN, ED,D


CID-Chief

INAPROBA NI:

AGUSTINES E. CEPE, PH.D.,CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like