You are on page 1of 4

Mala - Masusing Banghay Aralin sa Filipino 3

Inihanda ni: Christine Mae Amor Alipis

I-Mga Layunin: Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat;
b. nakakasulat nang may wastong baybay, bantas at mekaniks ng pagsulat; at
c. nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat.

II-Paksang Aralin
Paksa: Pagsulat ng salitang Dinaglat
Sanggunian: Batang Pinoy Ako Kagamitan ng Mag-aaral pahina: 196-198
Kagamitan: Visual Aids, Larawan

III-Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pangunahing Aktibidad

a. Panalagin
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban at di-liban sa
klase
d. Tuntunin Ang mga mag-aaral ay makikilahok

B. Pagbabalik Aral

Ang guro ay magtatanong sa mag aaral


tungkol sa nakaraang paksang tinalakay.

Sino sa inyo ang nakaka alala ng paksang


tinalakay noong nakaraan? Tungkol po sa Pangalawang Pangulo teacher.

Magaling!

C. Pagganyak
Magpapakita ng larawan ang guro.
Tutukuyin ng mga mag-aaral kung ano
ang kani-kanilang trabaho/ profession.

Doktor
Attorney
Pangulo
Binibini

D. Pagtatalakay
Basahin ang Liham ni Danica para kay
Vanessa
06 Purok 190
Brgy. Malinis, Ginhawa
Okt. 2, 2013

Mahal kong Vanessa,


Kamusta ka na? Sayang hindi ka
nakarating noong nakaraang sabado.
Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal
na iginawad sa aming baranggay bilang
Child-Friendly Barangay ng Rehiyon IV-A.
Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang
makiisa sa Pagdiriwang. Nagsalita ang
puno ng aming barangay na si Kapt. Joel.
Sinabi niya na sa wakas ay nagbunga na
rin ang aming pagsisiskap at
pagtutulungan.
Dumating din si Kgg. Agnes na aming
punong lungsod at si Cong. Abraham
Pagkatapos ng maikling palatuntunan,
nagbigay ng libreng serbisyong medikal
ang grupo ni Dra. Rey.
Sina Bb. Badillo at G. at Gng.
Derla naman ay nanguna sa pamimigay
ng libreng miryenda para sa lahat
Ang saya talaga, sana nakarating ka.

Ang iyong kaibigan,

Danika

Para kanino ang liham? Para kay Vanessa

Sino ang sumulat? Si Danica

Sino-sino ang mga dumalo? Sina Kapt. Joel, Kgg. Agnes,, Cong. Abraham, Dra.
Rey, Bb. Badillo, G. at Gng. Perla

Basahin ang mga salita


Kapitan, Kagalang galang, Congressman,
Doctora, Binibini, Ginoo at Ginang.

Ano kaya ang tawag sa mga salitang Salitang Dinaglat Teacher


nabanggit kanina?

Magaling!
Bakit ito dinadaglat? Upang umiksi ang mga panawag sa tao.
Dinadaglat ang mga titulo kapag nasa unahan ng
buong pangalan.
Sino makapagbibigay ng halimbawa ng
salitang Dinaglat? Ginang – Gng. Ginoo- G.

Paano isinusulat ang salitang dinaglat? Isinusulat ito sa pamamagitan ng pagpapaikli sa


mga panawag. Nagsisimula ito sa malaking titik
at nagtatapos sa tuldok.

Mga Daglat Kahulugan


Dr. Doktor
Atty. Atorni/ Attorney
Mr. Mister
Mrs. Misis
Gng. Ginang
G. Ginoo
Bb. Binibini
Blg. Bilang
St. Street

IV- Pagtataya
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang dinaglat
sa sumusunod na pangungusap at ibigay ang
kahulugan.

1. Si Dr. Chris ay pumunta sa aming lugar 1. Si Dr. Chris ay pumunta sa aming lugar
upang magsagawa ng libreng medikal. upang magsagawa ng libreng medikal.
-Doktor
2. Masaya kaming dumalo sa kaarawan ni 2. Masaya kaming dumalo sa kaarawan ni
Bb. Maria. Bb. Maria.
-Binibini
3. Ang mga magulang ko ay sina Mr. at 3. Ang mga magulang ko ay sina Mr. at
Mrs. Gomez. Mrs. Gomez.
-Mister, Misis
4. Si Gng. Charie ay napakamatulungin na 4. Si Gng. Charie ay napakamatulungin na
kapitbahay. kapitbahay.
-Ginang

V-Takdang Aralin

Panuto: Isulat ang tamang daglat ng bawat


buwan.
1. Enero En.
2. Pebrero Peb.
3. Marso Mar.
4. Abril Abr.
5. Mayo Mayo
6. Hunyo Hun.
7. Hulyo Hul.
8. Agosto Ago.
9. Setyembre Set.
10. Oktubre Okt.

You might also like