You are on page 1of 6

Filipino 3 Kuwarter 1_10

Pangalan ng Mag-aaral _____________________Baitang: _______


Guro:____________________________________Petsa :_________

Paano ka makabubuo ng kuwentong katumbas ng kuwentong iyong


napakinggan?
 Gamit ang mga elemento ng kuwento tulad ng pamagat,
tauhan, pinangyarihan, tema at pangyayari makabubuo ng
kuwentong katumbas ng napakinggan.
 Ang unang dapat banggitin sa pagbuo mo ng iyong
katumbas na kuwento ay ang PAMAGAT.
 Ikalawa, sabihin mo ang mga tauhan at kung saan at kailan
nangyari ang kuwento.
 Ikatlo, nararapat mong alamin ang tema ng kuwentong iyong
napakinggan. Mula roon iinog o iikot ang iyong kuwentong
mabubuo.
 Ikaapat, ilahad mo ang mga pangyayari. Mula una, sunod,
ang problemang kinaharap ng tauhan, solusyon na ginawa at
ang wakas ng kuwento.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10


Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:
1.Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento.
F3PN -Ij -10 F3PN -IIj -10 F3PN -IIIj -10 F3PN -IVb -10

Gawain 1
Pakinggan ang iyong tagagabay sa kaniyang pagbabasa ng kuwento
na nasa ibaba. Pagkatapos, bumuo ng kuwentong katumbas ng iyong
napakinggan. Gamiting gabay ang graphic organizer pagkatapos ng
kuwento.
Pagtitipid ng Pamilya
Lalunio, Lydia P, et.al. “Hiyas sa Pagbasa,Batayang Aklat Filipino4” LG & M Corporation 2010,p. 8

Nasa Unang Baitang pa lamang ako, naranasan ko na ang


pagtitipid na ginagawa ni Inay sa amin. Bagaman hindi kami
naghihirap, Nakita ko kung paano bumili si Inay ng mga mura ngunit
masustansiyang pagkain. Sa kaunting kinikita ni Itay ay nakakain
kami ng tatlong beses. Nagtayo rin si Inay ng munting tindahan sa
silong ng bahay namin. Tumutulong kami sa pagtitinda at gawaing-
bahay hanggang ngayon.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10


Pamagat

Tauhan

Pinangyarihan

Tema

Pangyayari ( Unang Pangyayari)

Sunod na Pangyayari

Problema

Solusyon

Wakas

Gawain 2
Pakinggan muli ang kuwentong babasahin ng iyong tagagabay. Mula
sa kuwentong napakinggan, bumuo ng katumbas na kuwento. Maaari
mong gamitin ang graphic organizer sa unang gawain upang iyong
maging gabay.
Ang Magkapatid
Lalunio, Lydia P, et.al. “Hiyas sa Pagbasa,Batayang Aklat Filipino4” LG & M Corporation 2010,p.9

Magkapatid sina Precious at Princess. Pareho silang matalino.


Masipag mag-aral si Precious ngunit si Princess
naman ay mahilig manood ng TV.
Minsan, habang si Precious ay gumagawa ng kaniyang mga aralin, si
Princess naman ay laro nang laro lamang.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10


Maagang matulog si Princess kahit na may eksamen kinabukasan.
Subalit si Precious ay nagpupuyat sa kaniyang pag-aaral.
Nang magbigayan ng kard, si Precious ang nanguna sa kaniyang
klase. Matataas ang nakuha niyang marka. Mababa ang natamong
mga marka ni Princess. Dahil sa nangyari, lungkot na lungkot siya.

Gawain 3
Makinig sa lolo o lola, ama o ina o sinomang nakatatanda sa loob ng
bahay ng pangyayari sa kanilang kabataan na hinding-hindi nila
nakakalimutan. Bumuo ng katumbas na kuwento mula rito.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10


5 Nagamit ang mga elemento ng kuwento nang mabuti.
Angkop ang tema ng kuwento sa napakinggan kuwento.
Maayos ang pagkakalahad ng kuwento?
4 Isa ang hindi nagawa
3 Dalawa ang hindi nagawa
2 Tatlo ang hindi nagawa
1 Walang nagawa

Sa pagbuo ng kuwentong katumbas ng kuwentong iyong


napakinggan.Kailangan mong gamitin ang element ng kuywento
tulad ng ________,_________,________,_________
at __________.
Mahalaga na matutuhan ko ito sapagkat
______________________________________________________
__________________________________________________.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10


1. Templonuevo, M.,(2020). Filipino 3 Kwarter 1 Modyul 15:Ang
Aking Kuwento. Kagawaran ng Edukasyon.

Gamitin ang rubriks para sa lahat na gawain.

Inihanda Ni:

APRIL S. AQUINO
Dalubguro I
Gainza Central School

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP10

You might also like