You are on page 1of 11

I.

PAMAGAT

YUNIT 1
Inang Kalikasan, Pagyamanin Mo

Aralin 1 Kuwento ni Nanay, 2-14


Kasanayan sa Filipino: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Tulong ng

mga Larawan

Wika at Gramatika: Ang Alpabetong Filipino

II. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang salaysay


 Nakakasusulat nang tamang maliliit at malalaking letra na may tamang layo sa isa’t-isa

III. KONSEPTO
 Ang salaysay ay isang paraan ng pagpapahayag ng nagkukuwento. Ito ay binubuo ng magkakasunod at
magkakaugnay na pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.
 Ang sanaysay ay may simula, may gitna, at may wakas. Ito ay maaaring imahinasyon o batay sa tunay
na pangyayari.
 Alpabetong Filipino- ito ay mayroon dalawampu’t-walong titik.

IV. HALIMBAWA AT PAGTALAKAY

Paano ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay?

Tanong: Ayon sa larawan na nasa itaas, ano ang unang paraan?


Sagot: Basain ang kamay.

Tanong: Ano ang pangatlong paraan?

Sagot: Hugasan ang kamay sa loob ng dalawampung segundo o 20 seconds.

Tanong: Ano naman ang panghuling paraan ng paghuhugas ng kamay?

Sagot: Patayin ang gripo gamit ang tissue o paper towel.

 Ang nasa itaas na larawann ay nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod ng tamang


paghugas ng kamay hindi maaaring mauna ang pang-apat na paraan sa unang paraan.

Basahin ang kwento at unawaing mabuti.


Tanong: Ayon sa kwento na iyong nabasa na nasa itaas, bakit nagmamadaling umuwi si Paul?
Sagot: Dahil papagalitan siya ng kanyang ina kapag mahuli siya sap ag-uwi.
Tanong: Sino ang nakita ni Paul habang nag aabang siya ng masasakyan?
Sagot: Mag-ina
Tanong: Bakit pinaubaya ni Paul ang sasakyan sa mag-ina?
Sagot: Dahil alam niyang mas kailangang sumakay kaagad ang mag-ina upang makapagpahinga kaagad.

 Gaya din sa kwento na dapat ay magkakasunod ang mga pangyayari upang magkaroon ng panimula, gitna
at wakas ito.

WIKA
 Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong titik o 28 na letra.
 Tingnan ang aklat sa pahina 8
 Ang Alpabetong Filipino ay nahahati sa dalawang pangkat: patinig at katinig
 Patinig ito ay binubuo ng limang titik a e i o u
Halimbawa: aso, apoy, elepante, elisi, itlog, ilaw, oso, unggoy
 Katinig ito naman ay binubuo ng 23 na titik, tingnan ang aklat sa pahina 9.
Halimbawa: kaibigan, nanay, damit, hikaw, pamilya, komunidad, magulang, pera, kapayapaan
V. MGA GAWAIN

A. Panuto: Basahing mabuti ang kwento at unawain.


Amang Pipit… Nanay Pipit “Twit! Twit!” ang huni ng mga munting inakay nina Amang Pipit at Nanay
Pipit.

“Naku! Nagugutom na ang ating mga inakay,” wika ni Amang Pipit. “Oo.
Kailangang maghanap tayo ng kanilang pagkain,” sagot ni Nanay Pipit.

“Sandali lamang kami ng inyong nanay.


Maghahanap kami ng inyong pagkain,” wika ni Amang Pipit. “Twit! Twit!” parang sagot ng mga
inakay sa pugad.

Lumipad nang palayo sa pugad ang dalawang ibon. Bakit umalis sa pugad sina Amang Pipit at
Nanay Pipit? Nakakita si Amang Pipit ng malaking uod sa puno. Tutukain na sana niya ito nang may
naramdaman siyang pumukol sa kanya.

Tinirador pala siya ng isa sa mga batang naglalaro. Tinamaan si Amang Pipit. Siya ay bumagsak.
Samantala, si Nanay Pipit ay nakakita ng bulate.

Tinuka niya ito at mabilis na lumipad. Nadaanan niya si Amang Pipit na hawak na sa kamay ng mga
bata. Natakot si Nanay Pipit. Baka siya makita ng mga bata. Mabilis siyang lumipad. Bakit natakot si
Nanay Pipit?

Ngunit nakita siya ng tumirador kay Amang Pipit. Kumuha ng malaking bato ang bata. Tinirador niya
si Nanay Pipit. Tinamaan at bumagsak sa lupa si Nanay Pipit. Tuwang-tuwa ang mga bata habang
hawak nila ang dalawang ibon.

Ano ang nangyari kay Nanay Pipit? “Twit! Twit!” ang parang iyak ng mga inakay sa pugad.
Nagugutom na sila. Ang hindi nila alam, hindi na babalik sa kanilang pugad sina Amang Pipit at Nanay
Pipit.

Mula sa Gintong Diwa, pahina 184–186, ni Liza M. Lemi


ALPABETONG
FILIPINO

Patinig
A.

B.
Katinig

A.

B.
V. EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong


1. Anong pamagat ng paborito o pinakagusto mong basahin na aklat?

2. Bakit mo ito nagustuhan?

3. Sa isang buong papel, isulat ang mga patinig at mga katinig. Isama sa modyul ang natapos na gawain.

Mga kasagutan sa Gawain


Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

2
4
5
1
3

Patinig
A. B.
i e u o
o u i e
a I a a
e a o o
u o e i

Katinig
A. B.
l a b g
k s d b
s m k p
m p r w
l p b a
UNIVERSAL EVANGELICAL CHRISTIAN SCHOOL (UECS), INC.
#5 Talisay St., Feria Road, Old Balara, Quezon City

Learning Materials of
Filipino Subject
Grade 1

Teacher: Ms. Jurelie B. Taguibao, LPT

Week 1
TALAAN NG NILALAMAN

I. Pamagat………………………..

II. Mga Kasanayan………………………..

III. Konsepto………………………..

IV. Mga Halimbawa at Paliwanag…………………

V. Mga Gawain………………………..

VI. Ebalwasyon………………………..

You might also like