You are on page 1of 5

Lesson Plan

Filipino III
May 18, 2022

I. Layunin:
Sa araling ito ay matututuhan mo:

 Ang pagsulat ng talata at pagbibigay ng mga mungkahing solusyon sa


suliraning nabasa o napanood.

II. Paksa:

Seleksyon:
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto
o napanood (F3PB-IVh-13)
Nakasusulat ng isang talata ( F3KM-IVd-3.1)
Sanggunian:
Landas ng Wika at Pagbasa 2ph. 175-177
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino ph 111, ph 313

III. Pamamaraan:

A. Pagganyak:
1. Sino ang nakaalala nung aralin natin nung dalawang lingo nakalipas?
2. Ano ulit ang kahulugan ng sariling karanasan?
B. Paglalahad:
1. Tignan ang larawan, alin sa mga larawan ang suliranin at alin naman
ang solusyon?

A. B.
Sa larawang A ito ba ay suliranin o solusyon?
Sa larawang B ito ba ay suliranin o solusyon?

2. Bigyan ng kahulugan ang Suliranin at Solusyon.


Basahin ang teksto at pag aralan ang suliranin at mga mungkahing solusyon
upang malutas ang problema.

Pagtatanim sa bakuran ang pinagkakaabalahan ng pamilya ni Mang


Roy. Namumunga ang kanilang mga tanim na gulay. Namumunga ang
kanilang mga tanim na gulay. Isang umaga, nagising sila na putol putol
ang mga puno ng kanilang mga gulay. Nakawala pala ang kambing na
kapitbahay. Kay laki ng kanilang panghihinayang sa mga tanim na
nasayang.

Ano ang suliranin?


Ano ang maaaring solusyon
C.Pagpapahalaga:
Basahin ang teksto at unawain ang teksto.

Nagmamadali si Sara

Tanghali nan ang magising si Sara. Nagmamadali siya sa paggayak sa


pagpasok sa paaralan. Nang sumakay siya sa traysikel, nakalimutan
na niyang hingin ang sukli. Pagdating niya sa paaralan ay nahihiya
siyang pumasok sa kanilang silid aralan.

Tapos na ang klase ni Sara. Pauei na siya ng mapansing nawawala ang


perang pamasahe niya sa traysikel. Hinanap niya ito sa loob ng bag.
Kinapa niya ang bulsa ng bag maging ang bulsa ng kaniyang palda.
Hindi niya ito mahanap. Kinabahan si Sara, hindi niya alam kung paano
siya uuwi.

A. Suliranin:
B. Sumulat ng maikling talata na nagpapahayag nang mga mungkahing
solusyon sa ibinigay na suliranin. Gawin ito sa sagutang papel.

D.Karagdagang Gawain:
Ano ang natutunan niyo sa ating pinag aralan?

E.Paglalahat:
Ano nga ba ang suliranin?
Ano naman ang solusyon?
Paano isinulat ang talata?
F. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang teksto at isagawa ang mga gawaing kaugnay nito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Nagbago ang Pulo

Nakatira si Datu Sakar sa isang malayong pulo. SIya ang datung walang
kasiyahan. Kapag nakuha na niya ang isang bagay higit pa ang nais niyang
maangkin. Nais niya mabago ang kanilang pamumuhay. Ang dating kagubatan
ay nagging taniman na ng mais at palay. Ngunit hindi pa rin siya makontento
sa masagana at mabuting pamumuhay ng mga puno at nagpatayo siya ng mga
pagawaan at pabrika.

Unti unti ng nagbago ang pulo. Nawala ang dating malinis na pulo. Dumumi ang
paligid sa usok ng mga makina sa pabrika. Napuno ng basura ang mga ilog.
Maraming tao ang nagkasakit.

A. Ano ang Suliranin:


B. Sumulat ng maikling talata na nagpapahayag nang mga mungkahing
solusyon sa ibinigay na suliranin.

Takdang Aralin:
Sumulat ng 5 suliranin at bigyan ng solusyon.

Prepared by:

ANGEL JOY A. PATANAO


Pre-Service Teacher

Noted:

SUSAN E. BARRATO
Cooperating Teacher

You might also like