You are on page 1of 6

Mt. Carmel College of San Francisco, Inc.

San Francisco, Agusan del Sur

Semi-Detailed Lesson Plan in Filipino 4

I. LAYUNIN:

1. Nagagamit ang panghalip na pamatlig sa usapan at sa pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.


2. Natutukoy ang panghalip na pamatlig.
3. Nasasagot nang may galang ang mga katanungan tungkol sa usapan.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
a. Sanggunian: Yaman ng Lahi 4, Hiyas sa Wika 4
b. Kagamitan: tsart, laptop computer, mga larawan
c. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kagamitan, Paggalang
d. Pedagogy: Constructivism
e. Strategy: Direct Instruction
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Panalangin
Pagsasa-ayos ng silid aralan
1. Balik-aral
Ano ang panghalip panao?
Magbigay ng halimbawa ng panghalip panao at gamitin ito sa pangungusap.

2. Pagganyak:
 Tingnan ang laman ng inyong bag. Anu- ano ang mga laman nito? Mahalaga ba ito para sa iyo?
Paano mo ito iniigatan?
 Anu-ano naman ang mga kagamitan sa silid aralan? Sa paaralan? Paano ninyo ito alagaan?

3. Paghahawan ng Balakid:
Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita/parirala sa Hanay A.
A B
____1.nakatalaga a. alagaan
____2. ingatan b. laging isaisip
____3. ugaliin c. nakalaan
____4. napapakinabangan d. laging gawin
____5. pakatandaan e. nagagamit
f. kagamitan
B. Paglalahad
1. Tumawag ng mga bata para basahin ang usapan ng guro at mga mag-aaral.
Pakinggan natin ang usapan ng magkaibigan. Tingnan kung paano nila alagaan ang kanilang
kagamitan.
Sa akin nga po ang mga iyan,
Jessie, sa iyo ba ang mga Bb. Driz. Sorry po, nakalimutan
aklat na ito? Bakit ko po. Nagmamadali po akong
naiwan ito sa ating silid umuwi dahil tutulungan ko pa
kahapon? po ang nanay ko sa mga
gawain.

Kanino naman ang


lunch box na ito. Sa akin po Bb. Driz. Hinugasan ko
po kanina kaya ipinatong kop o
saglit diyan sa ibabaw ng mesa.

Sinu-sino ba ang
Kami po nina Ana, Hershey, at Ben,
nakatalaga para mag-
Bb. Driz. Aayusin na po naming ang
ayos ng mga aklat dito
mga iyan para hindi po magulo ang
sa aklatan?
pagkakahanay.

Mga minamahal kong mag-aaral Sorry ho Bb. Driz. Lagi


ugaliin ninyo na ingatan an gating naming pakatandaan
kagamitan dito sa paaralan ang inyong sinabi.
maging ang inyong sariling
kagamitan. Sa ganoong paraan
mas napapakinabangan natin ang
ating mga kagamitan at
maiingatan para mapakinabangan
pa ng ibang mag-aaral.

(046) 509-1167
(046) 471-4275
Pagsagot sa tanong tungkol sa binasa.
1.Tungkol saan ang usapan?
2. Magalang bang sinagot ng mga mag-aaral ang mga tanong ni Bb. Driz? At bakit?
3. Anu-ano ang mga bagay na naiwan ng mga bata sa silid-aralan?
4. Ilan ang mga batang itinalaga ni Bb. Driz para mag-ayos ng aklat sa aklatan? Sinu-sino
sila?
5. Ano ang tagubilin ni Bb. Driz sa kaniyang mga mag-aaral?
6. Bakit kailangang ingatan at pangalagaan ang mga gamit sa ating silid-aralan at paaralan?
7.

Ipabasa muli ang mga pangungusap na may mga salungguhit na salita.


Itanong:
1. Anu-ano ang salitang may salungguhit sa usapan ni Bb. Driz at mga mag-aaral?
2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ito?
3. Kailan ito ginagamit? (Ito, Iyan, Dito, Diyan)
4. Kapag sinasabing ito, iyan, dito at diyan, Anu-ano ang mga itinuturo nito?
5. Anong uri ng panghalip ito?

C. Pagtatalakay:
Ang panghalip na pamatlig ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo o paghihimaton sa isang
tao, bagay, lugar, o pangyayari.
PANAUHAN NG PANGHALIP PAMATLIG:
UNANG PANAUHAN- ang pangalang itinuturo ay malapit sa taong nagsasalita. ( ito, ire, nito, nire,
ganito, ganire, dito, dine, heto)
IKALAWANG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa taong kinakausap. (iyan,
niyan, ganyan, diyan, hayan)
IKATLONG PANAUHAN- ang pangngalang itinuturo ay malayo sa taong nag uusap. (iyon, hayun,
doon, ganoon, gayon)

(046) 509-1167
(046) 471-4275
A. Paglalapat

Pangkatang Gawain
Pangkat 1:
Gamit ang larawan, bumuo ng pangungusap o pahayag gamit ang panghalip pamatlig.

Pangkat 2:
Bilugan ang panghalip pamatlig na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Dito ko itinatapon ang mga basurang nabubulok.
2. Iyan ba ang bago mong bag?
3. Tatapusin ko lang po itong ginagawa kong proyekto.
4. Iyon ang tindahan kung saan siya bumili ng matibay na sapatos.
5. Ganito karami ang aming kagamitan.

KARAGDAGANG GAWAIN:

Punan ng wastong panghalip na pamatlig ang bawat puwang sa pangungusap.


1. _____ka na umupo para magkatabi tayo. (Dito, Ito)
2. Sila ay pumunta_____ sa bukid. (iyon, roon)
3. Kunin mo ang bag _____ sa likuran mo. (diyan, ganiyan)
4. _____ ang pagluto ng adobong manok.(Ito, Ganito)
5. ______ pala sila nakatira. ( Doon, Iyon)

B. Paglalahat
Ano ang panghalip pamatlig?
Paano ito ginagamit?

(046) 509-1167
(046) 471-4275
IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na panghalip pamatlig ayon sa larawang nakikita.

V. Takdang Gawain
Pumili ng 5 panghalip na pamatlig. Gamitin ang mga ito sa sarili mong pangungusap.

Inihanda ni:

Heizyl Ann M. Velasco


BEED 4

(046) 509-1167
(046) 471-4275
(046) 509-1167
(046) 471-4275

You might also like