You are on page 1of 185

BI an

BI la
LI
G ha

1
A a
N m
PI Pa
II g
D in
IN ar
H g-a
Pa

BASA PILIPINAS
GABAY SA PAGTUTURO
NG FILIPINO
UNANG BAITANG

YUNIT 4

Ang materyal na ito ay binuo batay sa DepEd K-12


Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Hulyo 2015.

MARSO 2016

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay nabuo sa tulong ng mga mamamayang Amerikano sa pamamagitan
ng United States Agency for International Development (USAID) at ng Basa Pilipinas Project,
sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon.
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Unang Baitang – Yunit 4

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Ikalawang Edisyon, 2016

Inilathala ng U.S. Agency for International Development (USAID)

Binuo ng USAID/Basa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon

Technical Director: Nancy Clark-Chiarelli, EdD

Manunulat: Cecilia Luz Ochoa

Mga Tagasuri: Angelika Jabines, Education Program Specialist


DepEd Bureau of Learning Delivery

Paolo Ven Paculan (nilalaman)

Jomar Empaynado (wika)

PY
Mga Nag-layout: Sheryl Anne Bajao, Harry James Creo,
at Princess Orveen Calderon O
Ang karapatang-sipi ng mga akda o materyales gaya ng kuwento, awit, tula, mga larawan, tatak,
C
trademark, at iba pa, na ginamit sa materyal na ito ay taglay ng kani-kanilang mga may-ari. Upang
magamit ang mga akdang ito, pinagsikapang mahanap at humingi ng pahintulot mula sa mga may
karapatang-ari. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at may-akda ang karapatang-ari ng anuman sa mga
D

akdang ito.
E

Ang mga piling kuwento mula sa Adarna House, Anvil Publishing, at LG&M/Vibal Publishing ay ginamit
nang may pahintulot sa mga tagapaglathala nito.
EP

Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ipadala sa anumang paraan, electronic o
mekanikal, kabilang ang photocopy, o anumang sistema ng impormasyon nang walang pahintulot sa
D

tagapaglathala.

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

Inilimbag sa Pilipinas

Department of Education Bureau of Learning Resources


Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City
Telefax: +63 (02) 634-1054 or 634-1027
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
UNANG BAITANG GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO

TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 31: Pagbibigay-galang at Pagpapakita ng Kabutihan sa Iba. . . . . . . . . . 1

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Aralin 32: Pagbibigay-galang at Pagpapakita ng Kabutihan sa Iba. . . . . . . . . 23

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 28

Aralin 33: Pangangalaga sa Kalikasan at Pagtitipid ng Enerhiya. . . . . . . . . . . 39

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 40

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 44

PY
Aralin 34: Pangangalaga sa Kalikasan at Pagtitipid ng Enerhiya. . . . . . . . . . . 61

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 62
O
Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 66
C
Aralin 35: Pagpapanatili sa Kalinisin ng Ating Kapaligiran . . . . . . . . . . . . . . . 79

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 80
D

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 86
E

Aralin 36: Pagpapanatili sa Kalinisin ng Ating Kapaligiran . . . . . . . . . . . . . . . 99


EP

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 100

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 106

Aralin 37: Pananatili sa Kaligtasan at Kalusugan ng Aking Komunidad. . . . 119


D

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 120

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 126

Aralin 38: Pananatili sa Kaligtasan at Kalusugan ng Aking Komunidad. . . . 139

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 140

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 146

Aralin 39: Paghahanda Laban sa Sakuna. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 161

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 162

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 170

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

ARALIN

31
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PAGBIBIGAY-GALANG AT PAGPAPAKITA


NG KABUTIHAN SA IBA
E

READ ALOUD STORY: SI DINDO PUNDIDO


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 1
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 31

Tema: Pagbibigay-galang at Pagpapakita ng Kabutihan sa Iba


Read Aloud Story: Si Dindo Pundido (Kuwento at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PT • F1PT-IVa-h-1.5 • Talasalitaan
Natutukoy ang kahulugan ng salita
batay sa kasalungat

PY
O
C
1
D

PL • F1PL-0a-j-2 • Bahaginan
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
E

sariling pangangailangan at sitwasyon


EP
D

PN • F1PN-IVA-16 • Read Aloud Story:


Natutukoy ang mahahalagang Si Dindo Pundido
detalye kaugnay ng paksang
2
napakinggan

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
2 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagpapaliwanag sa konsepto ng magkasalungat • Pakikinig sa paliwanag, salita, at pangungusap


na salita mula sa guro

• Pagbibigay ng mga pag-aaralang salita at mga • Pagsagot sa tanong ng guro tungkol sa


pangungusap na gamit ang mga ito kahulugan ng mga salita

PY
• Pagbibigay ng kasalungat na salita ng salitang • Pagsipi sa talasalitaan
pinag-aaralan
• Pagbuo ng pangungusap gamit ang mga bagong
• Pagtatanong tungkol sa kahulugan ng salita salita
O
batay sa kasalungat

• Pagpapasipi sa talasalitaan
C
• Paggabay sa mga bata sa paggamit ng mga
salita sa kanilang sariling pangungusap
D

• Pagpapakilala ng tema para sa linggo • Pakikinig at pagsunod sa gabay na bigay


ng guro
E

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at


halimbawang pangungusap • Pagbabahaginan tungkol sa paksa sa kanilang
EP

kapares/katabi
• Pag-ikot sa klase upang pakinggan ang
bahaginan ng magkapares • Paglalahad sa buong klase kung tawagin ng
D

guro upang magbahagi ng napag-usapan nila


• Pagtawag ng ilang mag-aaral na maglalahad
ng kanilang kapares
sa buong klase
• Pagbasa sa kuwento • Pakikinig sa kuwento

• Pagtatanong bago basahin ang kuwento, • Pagsagot sa mga katanungan ng guro bago
habang binabasa ang kuwento, at matapos at habang binabasa ang kuwento
basahin ang kuwento
• Paglahok sa talakayan matapos basahin ang
kuwento
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 3
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


WG • F1WG-IIIc-d-4 • Read Aloud Story: Si Dindo Pundido
Nakapaglalarawan ng mga bagay,
tao, hayop, pangyayari, at lugar

WG • F1WG-IVa • Bahaginan
Nagagamit ang magalang na
pananalita sa angkop na sitwasyon:
pagpapakilala ng ibang kasapi ng
pamilya

3
PT • F1PT-IVa-h-1.5 • Pagsasanay: Mga salitang

PY
Natutukoy ang kahulugan ng salita naglalarawan at mga salitang
batay sa kasalungat magkasalungat
O
C
E D
EP

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
D

PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
4 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng ilang pahina at larawan mula sa • Pagmasid sa mga larawan
aklat
• Pagtugon sa mga tanong ng guro
• Pagtatanong tungkol sa tauhan
• Pagbigay ng mga salitang naglalarawan
• Pagsulat ng mga salitang naglalarawan na
• Pagbasa ng mga salitang nakatala sa pisara
ibibigay ng mga mag-aaral

• Paggabay sa sabayang pagbasa ng mga salita


• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa mga halimbawang bigay ng guro
halimbawang pangungusap
• Paglahok sa laro at pagbubuo ng malilit na
• Paghahati sa klase sa malilit na pangkat gamit pangkat na may tatlong kasapi
ang larong “Lumulubog ang Barko”
• Pagbabahaginan tungkol sa paksa batay sa
• Pag-ikot sa klase at pakikinig sa bahaginan gabay na ibinigay ng guro
ng mga pangkat
• Pagkabit ng talahanayan/listahan ng salita mula • Pagmasid at pagbasa sa mga salita sa

PY
sa kuwento talahanayan
• Paggabay sa pagbasa ng mga salita at pagtukoy • Pakikinig sa mga pangungusap at pagtukoy sa
ng kahulugan kahulugan ng mga salita
O
• Pagsulat ng kahulugan sa talahanayan • Pagtalakay ng mga salitang kasalungat ng salita
sa talahanayan
C
• Paggabay sa mga bata sa magkapares na
gawain: pag-iisip ng mga salitang kasalungat • Paglalahad ng sagot sa buong klase
ng mga salita sa talahanayan
D

• Pagsipi ng talahanayan
• Pagsulat ng mga sagot na ilalahad ng mag-aaral
E

sa talahanayan
EP

• Pagpapasipi sa talahanayan
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
D

* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 5
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


KP • F1KP-IVa-b-5 • Pagsasanay: Pagpapantig at pagkilala
Nakikilala ang mga tunog na ng mga tunog na bumubuo sa pantig
bumubuo sa pantig ng mga salita

4
PT • F1PT-IVa-h-1.5 • Laro: “Kasingkahulugan at
Natutukoy ang kahulugan ng salita Kasalungat”
batay sa kasalungat

PU • F1PU-IVa-1.2

PY
Nakasusulat ng mga salita nang may
tamang laki at layo sa isa’t isa O
C
PS • F1PS-IVa-4 • Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
napanood na palabas sa telebisyon
D

(o napakinggang programa sa radyo,


kung walang telebisyon)
E
EP

5
WG • F1WG-IIIc-d-4 • Read Aloud Story: Si Dindo Pundido
D

Nakapaglalarawan ng mga bagay,


tao, hayop, pangyayari, at lugar

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
6 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Paggabay sa mga bata sa pagbabanggit ng isang • Pakikinig sa paliwanag at halimbawa ng guro
pares ng salitang magkasalungat ukol sa gawain

• Paggabay sa pagpapantig ng mga salita • Pagpapantig at pagpalakpak sa bawat pantig


ng salita
• Pagpapakita kung paano tukuyin ang mga
tunog na bumubuo sa bawat pantig • Gawaing magkapares: pagtukoy sa mga tunog
na bumubuo sa bawat pantig
• Paggabay sa mga bata sa pagtutukoy ng mga
tunog sa bawat pantig • Paglahad ng sagot sa buong klase

• Pagtawag ng ilang mag-aaral upang ilahad ang


kanilang sagot
• Pagbigay ng panuto ng laro • Pakikilahok sa laro

• Pakikinig sa sagot ng mga bata habang • Pagbibigay ng salitang kasingkahulugan o


naglalaro at pagwawasto kung kinakailangan kasalungat ng ibinigay na salita
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig at pagbasa sa halimbawang panimula

PY
halimbawang pangungusap
• Pagbubuo ng sariling pangungusap
• Pag-ikot sa klase at pagmasid sa pagsusulat ng
• Pagsusulat ng sariling pangungusap batay
mga bata ng kanilang nabuong pangungusap
O
sa halimbawa
C
• Paggabay sa pagbabahagi tungkol sa • Pakikinig sa gabay na bigay ng guro
takdang-aralin
• Paglalahad ng kanilang narinig o napanood na
D

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at balita sa buong klase


halimbawang pangungusap
E

• Pagtawag ng mga bata na maglalahad sa buong


EP

klase

• Paghikayat sa mga bata na tukuyin ang mga • Pakikinig sa pagbasa ng kuwento


D

salitang naglalarawan na maririnig nila mula


• Pagtukoy ng mga salitang naglalarawan na
sa kuwento
mababanggit sa kuwento
• Muling pagbasa sa kuwento
• Pagsagot sa mga tanong ng guro matapos
• Pagtatanong pagkatapos basahin ang kuwento basahin ang kuwento

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 7
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PT-IVa-h-1.5 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat

• F1PL-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan


at sitwasyon

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipakilala ang tema sa linggong ito at iugnay sa gagawing bahaginan.

Sabihin: Tungkol sa pagpapakita ng kabutihan at pagbibigay-galang sa


iba ang tema natin ngayong linggo. Paano ba tayo makapagpapakita ng
kabutihan at paggalang sa iba sa ating pananalita at kilos? Natutuhan na
natin kung paano tayo dapat magpakita ng paggalang sa nakatatanda. Pero

PY
paano ninyo ipinapakita ito sa isang kaklase o kalaro? Ito ang paksa ng
ating bahaginan ngayong araw. Humarap sa inyong katabi at ikuwento sa
kanila kung paano kayo nagpapakita ng kabutihang asal sa isang kaklase
o kalaro. Pagkatapos, tatawag ako ng ilang mag-aaral upang maglahad
O
ng kanilang pinag-usapan sa buong klase. Maaari ninyong gamitin ang
halimbawang panimula na nasa pisara:
C
Naipakikita ko ang aking paggalang sa aking kalaro o kaklase
kapag ________.
D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas maintindihan


E

ng klase ang gawain. Halimbawa: “Naipakikita ko ang aking


paggalang sa aking kalaro o kaklase kapag nakikinig ako sa mga
EP

ideya nila kahit iba ito sa nasa isip ko.” o “Naipakikita ko ang aking
paggalang sa aking kalaro o kaklase kapag hindi ko sila sadyang
iniinis o inaaway.”
D

• Bigyan ng tatlong minuto ang mga magkakatabi upang


magbahaginan. Umikot sa klase at pakinggan ang tatas ng kanilang
usapan. Alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na
pagsasanay. Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng dalawang
mag-aaral na maglalahad ng kanilang sagot sa buong klase.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Iugnay ang tema sa linggong ito sa konsepto ng magkasalungat na


salita.

Sabihin: Kapag kausap natin ang isang kalaro o kaklase, kung


minsan ay may mga bagay tayong hindi napagkakasunduan. Kung
minsan ay magkaiba tayo ng ideya. Kung minsan naman, hindi lang
magkaiba ang ating ideya, kundi magkasalungat. Narinig na ba ninyo

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
8 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

ang salitang magkasalungat? Bibigyan ko kayo ng halimbawa. Ang TALAAN


salungat ng maputi ay maitim. Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang
magkasalungat?

• Tumawag ng mag-aaral na makapagsasabi ng kahulugan ng


magkasalungat. (Posibleng sagot: salitang kabaligtaran ang ibig
sabihin sa isa pang salita)

• Kung kinakailangan, magbigay pa ng ibang halimbawa ng mga


salitang magkasalungat, katulad ng manipis-makapal,
makinis-magaspang, mabait-masama, at iba pa.

Sabihin: Mahalagang maintindihan natin ang ideya ng mga salitang


magkasalungat, dahil magagamit natin ito sa pag-unawa ng kahulugan
ng ibang salita. Halimbawa, kapag alam natin na ang salitang
busilak ay kabaligtaran ng salitang marumi, kahit bago sa ating
pandinig ang salitang busilak, maiuugnay natin ito sa iba pang salita na
kasalungat ng marumi, katulad ng malinis.

• Siguruhing naintindihan na ng klase ang konsepto ng salitang

PY
magkasalungat. Magbigay ng ilang simpleng salita at tanungin sila
kung ano ang kabaligtaran o kasalungat nito.

Halimbawa:
O
maliit (malaki), malapit (malayo), lupa (langit), tawa (iyak)
C
Sabihin: May pag-aaralan tayong mga salita ngayong araw na
maririnig ninyo sa babasahin kong kuwento bukas. Ibibigay ko rin
sa inyo ang kasalungat ng bawat salita na pag-aaralan natin ngayon.
D

Gagamitin natin ang kasalungat na salita upang alamin ang kahulugan ng


ating talasalitaan.
E

• Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tutukan sa araw na ito:


EP

pundido, marikit, pinananabikan, bukod-tangi.

Sabihin: Pakinggan ninyo ang babanggitin kong pangungusap gamit


ang mga salitang ito. Pagkatapos, ibibigay ko ang salitang kasalungat
D

ng salitang inaalam natin. Gamitin ang pagkakaintindi ninyo sa


kasalungat upang sabihin kung ano ang kahulugan ng mga salita sa ating
talasalitaan.

• Banggitin ang sumusunod na pangungusap upang matulungan ang


mga mag-aaral sa pag-unawa ng kahulugan ng mga salita sa pisara:

Pangungusap 1: Pundido na ang bumbilya, kaya’t kailangan na


itong palitan ng bago.
Sabihin: Ang kasalungat ng pundido ay umiilaw o maliwanag. Bakit
kailangang palitan ang pundidong bumbilya? Ano kaya ang kahulugan ng
pundido?
Isulat: pundido–wala nang liwanag, ilaw, o sindi

Pangungusap 2: Kay gandang pagmasdan ang kaniyang marikit


na kasuotan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 9
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Ang kasalungat ng marikit ay pangit. Ano ang


mararamdaman ninyo kung tawagin kayong marikit? Kagaya ba ito ng
cute? Ano kaya ang kahulugan ng marikit?
Isulat: marikit–maganda

Pangungusap 3: Pinananabikan ng buong bayan ang susunod


na kabanata ng teleserye.
Sabihin: Ang kasalungat ng pinananabikan ay hindi inaabangan.
Ano ang nararamdaman ninyo kapag may inaabangan kayong bagay? Ano
kaya ang kahulugan ng pinananabikan?
Isulat: pinananabikan–matagal nang hinihintay, inaabangan

Pangungusap 4: Bukod-tangi sa lahat ng damit sa tindahan ang


binili niya, dahil ito lamang ang kulay ginto.
Sabihin: Ang kasalungat ng bukod-tangi ay karaniwan, maraming
katulad, ordinaryo. Ano kaya ang kahulugan ng bukod-tangi?
Isulat: bukod-tangi–kakaiba, nag-iisa, natatangi

• Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para sa araw na ito:

PY
(1) pundido – wala nang liwanag, ilaw, o sindi
(2) marikit – maganda
(3) pinananabikan – matagal nang hinihintay, inaabangan
O
(4) bukod-tangi – kakaiba, nag-iisa, natatangi
C
• Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin sa sarili nilang
pangungusap ang mga salita sa talasalitaan. Bigyan sila ng dalawang
minuto upang mag-isip ng pangungusap na gumagamit sa alinman
D

sa mga salitang ito. Matapos ang dalawang minuto, tumawag ng


apat na mag-aaral upang ilahad ang kanilang nabuong pangungusap
E

sa klase.
EP

3 PAGTATAPOS
D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: May kapatid o


kalaro ba kayo na may kakaiba o bukod-tanging katangian? Ano
ang bagay na kakaiba o bukod-tangi tungkol sa kaniya? Maghanda
sa pagbabahagi tungkol dito bukas. Maaari ninyong gamitin ang
pormang ito sa pagsagot sa takdang-aralin: Bukod-tangi ang aking
kapatid/kalaro dahil _______.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
10 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

TALAAN
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IVA-16 Natutukoy ang mahahalagang detalye kaugnay ng paksang


napakinggan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon bilang lunsaran


para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay mag-isip tungkol sa


isang kaibigan, kapatid, o kalaro na may bukod-tangi o kakaibang
katangian. Ano ang bukod-tangi o kakaiba tungkol sa kaniya? Ito
ang pagbabahaginan natin ngayon. Tatawag ako ng ilang mag-aaral
upang maglahad tungkol sa bagay na kakaiba o bukod-tangi tungkol

PY
sa kanilang kapatid, kalaro, o kaibigan. Maaari ninyong gamitin ang
halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Bukod-tangi ang aking kalaro/kaibigan/kapatid na si ___


O
dahil ________.
C
• Magbigay ng sariling pangungusap upang mapagtibay ang
ipinagagawang bahaginan.
D

Halimbawa:
a. Bukod-tangi ang aking kaibigan na si Patricia, dahil siya lamang
E

ang kakilala ko na kayang pagalawin ang kaniyang tenga.


EP

b. Bukod-tangi ang kalaro kong si Enteng dahil siya lamang ang


may-kayang lumukso sa apat na kamay kapag naglalaro kami ng
luksong-tinik.
D

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi tungkol sa


kanilang kakaibang kalaro, kaibigan, o kapatid. Matapos ng
bahaginan, iugnay ang paksa tungkol sa bukod-tanging kapatid o
kaibigan sa babasahing kuwento ngayong araw.

Sabihin: Kahanga-hanga ang lahat ng mga binanggit ninyong kaibigan


o kapatid. Ang kuwento natin ngayong araw ay tungkol din sa isang
bukod-tanging tauhan. Ngunit sa halip na hangaan at igalang siya
ng kaniyang mga kapatid dahil sa bukod-tangi niyang katangian,
iniiwasan, at inaayawan siya ng mga ito. Paano kaya niya makukuha
ang paggalang ng kaniyang mga kapatid? Aalamin natin ngayon ang
kaniyang kuwento. Ngunit bago iyon, balikan muna natin ang talasalitaan
na pinag-aralan natin kahapon.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 11
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

2
PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG SA
KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salita na pinag-aralan kahapon.

Sabihin: Kahapon, may tinalakay tayong mga salita na maririnig sa


kuwento natin ngayong araw. Balikan natin ang mga salitang ito at ang
kanilang kahulugan. Babasahin ko ang bawat salita; sabihin ninyo kung
ano ang kahulugan nito:

(1) pundido – wala nang liwanag, ilaw, o sindi


(2) marikit – maganda
(3) pinananabikan – matagal nang hinihintay, inaabangan
(4) bukod-tangi – kakaiba, nag-iisa, natatangi

b. Pagganyak

PY
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita ninyo
O
sa larawan? Anong uri ng insekto ito? (Maghintay ng ilang kasagutan.)

Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay Si Dindo


C
Pundido. Isinulat at iginuhit ito ni Jomike Tejido. Narinig na ba ninyo
ang salitang pundido? Anong bagay ang karaniwang napupundi? Anong
insekto ang may ilaw o liwanag, na posibleng mapundi? Sa palagay ninyo,
D

batay sa larawan at pamagat, tungkol kaya saan ang kuwentong ito?


E

c. Pangganyak na Tanong
EP

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa


pagpapakabuti at paggalang sa damdamin ng iba. Habang nakikinig
D

kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong na ito: Anong mga kabutihang-
asal ang ipinakita ng ating bida na si Dindo Pundido sa kabuuan ng ating
kuwento? At paano niya nakuha ang paggalang ng kaniyang mga kapatid?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto pagkabasa ng


ilang takdang pahina upang palalimin ang pag-intindi at pakikinig ng
mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng pahina (p.) 2


Itanong: Nakikita ba ninyo ang kislap ng mga alitaptap? Ituro nga
ninyo kung nasaan ang bahagi ng alitaptap na kumikislap o nagbibigay-
liwanag? Sino kaya rito si Don Fuego? Sino si Donya Luz? Nasaan ang
mga anak nila?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
12 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

Huminto pagkabasa ng p. 5 TALAAN


Itanong: Ano raw ang pinananabikan ng magkakapatid na sina
Silaw, Sinag, at Kutitap? Ano ang inaasahan nila sa kanilang parating
na bunsong kapatid? Magkakatotoo kaya ang inaasahan nila?

Huminto pagkabasa ng p. 8
Itanong: Bakit tinawag na Dindo Pundido ang bagong kapatid ng mga
alitaptap? Natutuwa ba ang magkakapatid kay Dindo? Bakit ninyo
nasabi ito?

Huminto pagkabasa ng p. 12
Itanong: Ano ang ipinakitang ugali ni Silaw sa kaniyang kapatid na si
Dindo? Sa tingin ninyo, tama ba ang pakikitungo ni Silaw kay Dindo?

Huminto pagkabasa ng p. 14
Itanong: Ano kaya ang nararamdaman ni Dindo sa sinabi sa kaniya
ni Kutitap? Bakit kaya ayaw siyang kasa-kasama ng kaniyang kapatid?

Huminto pagkabasa ng p. 19
Itanong: Paano kaya nakulong ang mga kapatid ni Dindo? Ano kaya

PY
ang kinalaman ng malaking kamay dito sa larawan? Sa palagay ninyo, ano
kaya ang gagawin ni Dindo?

Huminto pagkabasa ng p. 23
O
Itanong: Ano ang ginawa ni Dindo upang tulungan ang kaniyang mga
kapatid? Bakit kaya siya nakalapit sa garapon nang hindi nahuhuli ng
C
bata?

Huminto pagkabasa ng p. 26
D

Itanong: Paano nilabanan ng mga alitaptap ang bata na nanghuhuli sa


kanila?
E

4
EP

TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

Sagutin ang sumusunod upang talakayin ang kuwento:


D

• Paano nabubukod-tangi si Dindo?


• Tinanggap ba kaagad ng kaniyang mga kapatid ang kakaiba niyang
katangian? Paano ninyo ilalarawan ang ugaling ipinakita ng mga
kapatid ni Dindo?
• Kung kayo si Dindo, ano ang mararamdaman ninyo sa ganitong
pagtrato dahil lamang kakaiba kayo?
• Ano-ano ang sinubok gawin ni Dindo upang ipakita ang kaniyang
kabutihan at upang makuha ang paggalang ng kaniyang mga
kapatid? Nagtagumpay ba siya?
• Ano ang nangyari sa mga kapatid ni Dindo sa kalagitnaan ng
kuwento?
• Paano nakatulong ang pagiging pundido ni Dindo sa pagligtas
niya sa kaniyang mga kapatid?
• Anong aral ang nakuha ng mga kapatid ni Dindo tungkol sa
pagiging espesyal ng kanilang kapatid?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 13
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Paano natin dapat tratuhin ang mga taong katulad ni Dindo na
kakaiba sa atin? Paano natin maipapakita sa kanila ang paggalang
at kabutihang-asal?

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan ang ibang


mga kasapi ng inyong pamilya. Mag-isip ng isang bagay tungkol sa
kanila na bukod-tangi. Maghandang ipakilala ang bukod-tanging
katangian ng inyong kapamilya sa bahaginan bukas.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

PY
3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IVa Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon:


pagpapakilala ng ibang kasapi ng pamilya
O
• F1PT-IVa-h-1.5 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat
C
• F1WG-IIIc-d-4 Nakagagamit ng pang-uri sa paglalarawan ng mga tauhan o
lugar sa kuwentong nabasa o napakinggan
D

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


E
EP

• Gamitin ang takdang-aralin na lunsaran para sa bahaginan. Iugnay


ang bahaginan sa layunin ng paggamit ng magalang na pananalita
sa pagpapakila ng ibang kasapi ng pamilya.
D

Sabihin: Kahapon, binasa natin ang kuwento ni Dindo Pundido.


Bukod-tangi si Dindo sa kanilang magkakapatid na alitaptap. Bakit nga
ulit bukod-tangi si Dindo? (Maghintay ng sagot mula sa mag-aaral.)
Tama! Siya ang bukod-tanging alitaptap sa kanilang pamilya na hindi
umiilaw. May kapamilya ba kayo na may namumukod-tanging katangian?
Sino-sino ang mga kasapi ng inyong pamilya at ano ang bukod-tangi
tungkol sa kanila? Ito ang magiging paksa ng ating bahaginan ngayong
umaga. Bubuo tayo ng maliliit na grupo na may tig-tatlong kasapi.
Sa inyong grupo, ipakikilala ninyo ang bawat kasapi ng inyong pamilya
at magbabanggit kayo ng isang namumukod-tanging katangian ng bawat
isa. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat
sa pisara:

May ____ miyembro ang aking pamilya. May namumukod-


tanging katangian ang bawat isa. Si ____ ang aking ____.
____ siya. Si ____ naman ang aking ____. ____ siya.
Si ____ ang aking ____. ____ siya.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
14 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

• Magbigay ng sariling pangungusap upang higit na maintindihan TALAAN


ng klase ang kanilang gagawin.

Halimbawa:
“May anim na miyembro ang aking pamilya. Apat kaming
magkakapatid. May namumukod-tanging katangian ang bawat isa.
Si Doris ang aking panganay na kapatid. Magaling siyang magluto.
Si Ruben naman ang aking nakababatang kapatid. Mahilig naman
siyang tumugtog ng gitara. Si Rose ang aking bunsong kapatid.
Napakahilig niyang magpatawa.”

• Patayuin ang lahat ng mag-aaral. Maglaro ng “Lumulubog ang


Barko” upang makabuo ng maliliit na pangkat na may tatlong
kasapi. Bigyan ang bawat pangkat ng limang minuto upang
magbahaginan. Umikot sa mga pangkat upang pakinggan ang
kanilang bahaginan at magbigay ng tulong kung kinakailangan.
Matapos ang limang minuto, pabalikin ang mga mag-aaral sa
kanilang upuan.

PY
2 PAGBABALIK-ARAL: SI DINDO PUNDIDO
O
• Ipakita muli ang aklat na Si Dindo Pundido. Balikan ang ilang pahina
ng aklat upang tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng ilang
C
detalye mula sa kuwento at upang gabayan sila sa pagbibigay ng
mga salitang naglalarawan sa mga tauhan dito.

Sabihin: Pagmasdan nating muli ang aklat na binasa natin kahapon.


D

Naaalala pa ba ninyo kung sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


BRIDGING
Balikan natin ang kuwento, alalahanin natin ang mga tauhan at
E

Ipaugnay sa mga mag-


subukan nating magbigay ng mga salitang naglalarawan sa mga tauhang ito.
EP

Bubuksan ko ang ilang pahina ng ating aklat at sabihin ninyo kung sino aaral ang konsepto ng
ang mga tauhang nakikita ninyo. salitang naglalarawan sa
Buksan ang aklat sa p. 3 kaparehong aralin na
D

Itanong: Sino ang nanay at tatay sa ating kuwento? Magbigay nga kanilang pinag-aaralan
kayo ng ilang salita na makapaglalarawan sa kanila. sa Mother Tongue at
Isulat sa pisara ang mga babanggiting salitang naglalarawan.
Halimbawa: mabait, matanda, mapagmahal
sa English. Tanungin kung
ano ang katapat na salita
Buksan ang aklat sa p. 4
Itanong: Sino itong tatlong magkakapatid dito sa pahinang ito?
ng ilan sa mga salitang
(Maghintay ng sagot.) Pagmasdan ang panganay na si Silaw. Ano ang nakasulat sa pisara sa
ginagagwa niya dito sa larawan? Paano ninyo siya ilalarawan? (Maghintay Mother Tongue at sa
ng sagot.) Pagmasdan naman ninyo si Sinag. Ano ang ginagawa niya
English. (Halimbawa:
dito? Anong salita naman ang maaari nating gamitin upang ilarawan siya?
(Maghintay ng sagot.) Tingnan naman natin si Kutitap. Anong mga matapang – brave –
salita ang naiisip ninyo upang ilarawan siya? matapang [Sinugbuanong
Isulat sa pisara ang mga babanggiting salitang naglalarawan. Binisaya])
Halimbawa: makulay, malakas, mahilig magbasa, seryoso

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 15
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Buksan ang aklat sa p. 10


Itanong: Ano ang ginagawa nina Donya Luz at Don Fuego dito sa
larawan? Anong ginagawa ni Dindo? Paano ninyo ilalarawan si Dindo dito
sa bahaging ito ng kuwento? Ano naman ang salitang ginamit ng kaniyang
magulang upang ilarawan si Dindo?
Isulat sa pisara ang mga babanggiting salitang naglalarawan.
Halimbawa: malungkot, espesyal

Buksan ang aklat sa p. 20


Itanong: Ano ang nangyari sa mga kapatid ni Dindo sa bahaging ito
ng kuwento? Ano ang ginagawa ng ibang alitaptap dito? Paano ninyo sila
ilalarawan? Katulad ba sila ni Dindo? Paano ninyo ilalarawan si Dindo
dito sa bahaging ito ng kuwento?
Isulat sa pisara ang mga babanggiting salitang naglalarawan.
Halimbawa: takot, mahina ang loob, matapang, matulungin

• Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbasa ng mga salitang


naglalarawan na nakasulat sa pisara.

PY
PAGSASANAY: MGA SALITANG
3 NAGLALARAWAN AT MGA SALITANG
MAGKASALUNGAT
O
C
• Iugnay ang talakayan tungkol sa salitang naglalarawan sa konsepto
ng salitang magkasalungat.

Sabihin: Dagdagan pa natin ang alam nating mga salitang naglalarawan.


D

Isipin natin ngayon kung ano ang kabaligtaran ng ilang salitang


naglalarawan na ikakabit ko dito sa pisara. Ano nga ang tawag natin sa
E

mga salita na magkabaligtad ang kahulugan? (Maghintay ng sagot.)


EP

Tama—mga salitang magkasalungat. Isipin natin kung ano ang


salitang naglalarawan na kasalungat ng mga salitang ito na may kaugnayan
sa kuwentong Si Dindo Pundido.
D

• Ikabit ang sumusunod na talahanayan at ipapansin sa klase ang


mga salita sa unang hanay:

Kahulugan Salitang Kasalungat


espesyal
madilim
mabilis
tahimik
munti

Sabihin: Makikita sa kuwentong Si Dindo Pundido ang mga


salitang ito. Basahin natin ang bawat isa. Magbabanggit din ako ng isang
pangungusap na gamit ang bawat salita upang makuha natin kung ano
ang ibig sabihin ng salitang ito. Isusulat ko sa pangalawang hanay ang
kahulugan matapos nating pag-usapan ang salita at ang pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
16 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

a. espesyal TALAAN
Espesyal ang ensaymada na gawa ng panaderya dahil ito lamang ang
ensaymada na may palamang kesong puti. Espesyal. Ano kaya ang ibig
sabihin ng espesyal? (Sagot: natatangi, bukod-tangi,
di pangkaraniwan)

b. madilim
Biglang namatay ang ilaw kaya’t naging madilim ang kuwarto.
Madilim. Ano kaya ang ibig sabihin ng madilim? (Sagot: walang
ilaw, walang makita, walang liwanag)
c. mabilis
Mabilis tumakbo ang kabayo. Mabilis. Ano ang ibig sabihin ng
mabilis? (Sagot: matulin)
d. tahimik
Pagsapit ng gabi, wala nang bumibiyaheng sasakyan kaya’t tahimik na
ang paligid. Tahimik. Ano ang ibig sabihin ng tahimik?
(Sagot: walang maririnig, walang ingay)

PY
e. munti
Napakaliit pa ng aking alagang aso: isa pa lamang itong munting tuta.
Munti. Ano ang ibig sabihin ng munti? (Sagot: maliit)
O
Sabihin: Ngayon naman, pag-isipan ninyo kung anong salita ang
kabaligtaran o kasalungat ng bawat isa. Magtulungan kayo ng inyong
C
katabi sa pag-iisip ng mga kasalungat na salita. Bibigyan ko kayo ng
limang minuto para sa gawaing ito. Matapos ang limang minuto, tatawag
D

ako ng ilang mag-aaral upang ilahad ang kanilang sagot sa buong klase.

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng mga mag-aaral na


E

magbibigay ng kanilang naisip na kasalungat na salita. Isulat ang


EP

mga ito sa huling hanay ng sinimulang talahanayan.

Halimbawa:
D

Kahulugan Salitang Kasalungat


espesyal natatangi, bukod-tangi karaniwan
madilim walang ilaw maliwanag
mabilis matulin mabagal
tahimik walang marinig maingay
munti maliit malaki

• Ipasipi sa mag-aaral ang talahanayan.

4 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Ipataas ang kamay ng mga


mag-aaral na nakapag-isip ng kasalungat na salita para sa limang
salita sa listahan. Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral na nakaisip
ng kasalungat para sa apat na salita. Ipataas ang kamay ng mga

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 17
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN mag-aaral na nakaisip ng kasalungat para sa tatlong salita o mas


kaunti. Tanungin ang mga bata sa huling grupo kung aling salita
ang hindi nila nabigyan ng salitang kasalungat. Balikan o tutukan
ang mga salitang ito sa susunod na araw.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
4 • F1PT-IVa-h-1.5 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat

• F1KP-IVa-b-5 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita

• F1PU-IVa-1.2 Nakasusulat ng mga salita nang may tamang laki at layo


sa isa’t isa

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO

PY
(“KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT”)

• Patayuin ang mga mag-aaral at pabuuin ng isang malaking bilog.


O
Sabihin: Maglalaro tayo ngayon ng “larong-pasalita.” Sa bilog na
C
ito, pipili ako ng mag-aaral na unang magbibigay ng isang salitang
naglalarawan. Ibibigay naman ng kaniyang katabi sa kanan ang
kasingkahulugan, habang ibibigay ng kasunod na bata sa kanan ang
D

kasalungat. Magbibigay ng bagong salitang naglalarawan ang hindi


nakapagsabi ng kasalungat o kasingkahulugan. Magpapatuloy ito hanggang
E

sa makapagbahagi ang lahat. May tanong ba kayo tungkol sa panuto ng


laro? Sige, simulan natin.
EP

Halimbawa:
“Kung ang ibinigay na salita ay maliit, maaaring sasabihin ng
D

katabi sa kanan ang kasingkahulugan na munti. Ang susunod na


bata sa kanan ay magbibigay ng kasalungat, katulad ng higante.
Ang kasunod na bata ay magbibigay ng kasingkahulugan ng
higante, katulad ng malaki. Ang kasunod na bata ay magbibigay
ng kasalungat ng malaki, katulad ng malinggit. Kapag walang
maisip na kasingkahulugan ang susunod na bata, mag-iisip siya ng
ibang salita at magpapatuloy ang laro.”

• Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan. Hikayatin sila na


kompletuhin at isulat sa kanilang kuwaderno ang sumusunod na
mga pangungusap, batay sa katatapos lamang na laro:

Magkasinghulugan ang mga salitang ______ at ______.

Magkasalungat ang mga salitang ______ at ______.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
18 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

• Magbigay ng halimbawang pangungusap, katulad ng: TALAAN


a. Magkasinghulugan ang mga salitang maliit at munti.
b. Magkasalungat ang mga salitang maliit at malaki.

• Umikot sa klase habang nagsusulat ang mga mag-aaral. Pansinin


at tulungan ang mga batang hindi pa lubusang nakaintindi sa
konsepto ng magkasingkahulugan at magkasalungat. Tutukan din
ang mga mag-aaral na nahihirapan pa sa pagsusulat ng may tamang
laki at layo ang mga letra.

2 PAGSASANAY: PAGPAPANTIG AT PAGKILALA


NG MGA TUNOG NA BUMUBUO SA PANTIG

• Magbigay ng ilang pares ng salitang magkasalungat at gabayan


ang mga mag-aaral sa pagpapantig at pagkilala ng mga tunog na
bumubuo dito.

Sabihin: Ano nga ang pamagat ng kuwentong binasa natin noong

PY
isang araw? Tama! Si Dindo Pundido. Sa mga salitang ito, alin ang
salitang naglalarawan?

(Sagot: pundido) Subukan nga nating pantigin ang salitang pundido.


O
Papalakpak tayo sa bawat pantig. Sabay-sabay nating gawin:
Pun (palakpak) -di (palakpak) -do (palakpak). Ulitin natin:
C
Pun (palakpak) -di (palakpak) -do (palakpak).

Sabihin: Ngayon, magbigay ng isang salita na kasalungat ng salitang


D

pundido. (Maghintay ng sagot. Pantigin din ang salitang ito gaya


ng ginawa para sa salitang pundido.)
E

Sabihin: Ngayon naman, isa-isahin natin ang mga tunog na bumubuo


EP

sa bawat pantig. Ipapakita ko sa inyo ang gagawin ninyo. Halimbawa,


sa salitang pundido, may tatlong pantig: pun-, di-, -do. Ano ang mga
tunog sa unang pantig na pun-? p, u, n. Ulit: p, u, n. Kayo naman. Ano
D

ang mga tunog na bumubuo sa pangalawang pantig na -di-? Sabihin nga


ninyo. Tama, d, i. Ulit: d, i. Ano naman ang mga tunog na bumubuo sa
huling pantig na -do? Sabihin nga ninyo. Tama, d, o. Ulit: d, o.

Sabihin: Gawin ninyo ngayon itong pagpapantig at pagtukoy ng mga


tunog sa bawat pantig sa binanggit natin na salitang kasalungat ng
pundido. Maaari kayong magtulungan ng inyong katabi. Pantigin muna
ang salita, pagkatapos ay tukuyin ang mga tunog na bumubuo sa bawat
pantig. Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para sa gawaing ito.

• Matapos ng tatlong minuto, tumawag ng ilang mag-aaral upang


ilahad sa buong klase ang mga pantig at ang mga tunog na
bumubuo sa bawat pantig.

• Kung may panahon pa, maaaring magbigay ng iba pang pares ng


salitang magkasalungat na maipapantig at maisasatunog ng klase.
Halimbawa: mabaho-mabango, tamad-masipag, malakas-mahina.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 19
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

3
TALAAN
PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Manood ng


programang pambalita sa telebisyon (o makinig sa isang programang
balitaan sa radyo) kasama ng isang nakatatandang miyembro ng
inyong pamilya. Kung may salitang hindi maintindihan, ipapaliwanag
sa inyong kapamilya. Maghandang magbahagi tungkol sa isang
napanood o napakinggang balita sa klase bukas.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IVa-4 Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na palabas sa telebisyon

5
(o napakinggang programa sa radyo, kung walang telebisyon)

PY
• F1WG-IIIc-d-4 Nakagagamit ng pang-uri sa paglalarawan ng mga tauhan o
lugar sa kuwentong nabasa o napakinggan O
1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN
C

• Gamitin ang takdang-aralin bilang paksa para sa bahaginan.


D

Tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang nakapanood o


nakapakinig ng programang balita sa telebisyon o radyo. Tumawag
E

ng ilang bata upang iulat sa buong klase ang balitang kanilang


napanood o napakinggan.
EP

Sabihin: Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay manood o makinig ng


balita sa telebisyon o radyo. Para sa bahaginan natin ngayon, tatawag ako
ng ilang mag-aaral na maglalahad ng isang balitang kanilang napakinggan
D

o napanood kahapon. Maaari ninyong gamitin ang sumusunod na


halibawang panimula:

Napanood/napakinggan ko kahapon ang isang balita tungkol


sa/kay _______. Ayon sa balita,__________________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas luminaw ang


ipinagagawa sa mga mag-aaral.

Halimbawa:
“Napanood/napakinggan ko kahapon ang isang balita tungkol kay
Pangulong Aquino. Ayon sa balita, pupunta si Pangulong Aquino
sa Estados Unidos sa susunod na buwan.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong


nakapagbabahagi sa harap ng klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng
kanilang paglalahad kung kinakailangan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
20 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 31

TALAAN

2 MULING PAGBASA NG KUWENTO:


SI DINDO PUNDIDO

• Basahin muli ang kuwentong Si Dindo Pundido. Bago magbasa,


ipaalala sa mga mag-aaral na habang nakikinig, papansinin nila
ang lahat ng salitang naglalarawan na maririnig nila sa kuwento.
Tatandaan nila ang mga salitang ito dahil tatanungin ninyo sila
tungkol dito pagkatapos ng kuwento.

• Matapos basahin ang kuwento, itanong ang sumusunod:


a. Ano-anong salitang naglalarawan ang narinig ninyo sa kuwento?
(Ilang posibleng sagot: marikit, sikat, deretso, sari-sari, marami,
espesyal, makulay, maganda, mataray, takot, matinis, higante,
kakaiba)
b. Anong mga katangian ang nagustuhan ninyo kay Dindo?
c. Paano ninyo maipapakita ang magagandang katangian na ito sa
sarili ninyong pagkilos at pag-uugali?

PY
3 PAGTATAYA O
a. Pangkatang Pagtataya
C
• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga
mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na
pangkat ng 5–10 bata. Maaaring pangkatin ang mga mag-aaral ayon
D

sa hilera ng kanilang upuan.


E

• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang


pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
EP

sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad:

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa sa mga ito ang
D

guro para sa bawat bata sa grupo): pundido, marikit,


pinananabikan, bukod-tangi, alitaptap.
–– Ibigay ang salitang kasalungat ng sumusunod: malaki, mabait,
tahimik, madilim, mabagal.
–– Magbanggit ng tatlong tauhan mula sa kuwentong Si Dindo
Pundido. Ilarawan ang bawat isa.
–– Paano natalakay sa kuwento ni Dindo Pundido ang tema ng
pagbibigay-galang sa ating kapuwa?

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa paglalarawan ng mga tauhan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 21
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng
karagdagang gabay o tulong.

• Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, gumuguhit o


nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga mag-aaral.
(Gawain 3b)

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Sabihin: Mag-isip ng isang pares ng salita na magkasalungat. Isulat
ito sa inyong kuwaderno. Subukang gumuhit ng larawan na nagpapakita
kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito. Subukan ding sumulat ng
pangungusap gamit ang mga salitang ito.

4 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa isang
kapamilya ang aklat na Si Dindo Pundido. Pag-usapan ninyo ng inyong
kapamilya kung anong ideya mula sa kuwento ang pinakamahalagang
O
tandaan at gawin sa inyong sariling buhay. Maghandang magbahagi
tungkol dito sa susunod na linggo.
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
22 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

ARALIN

32
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PAGBIBIGAY-GALANG AT PAGPAPAKITA


NG KABUTIHAN SA IBA
E

READ ALOUD STORY: SI DINDO PUNDIDO


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 23
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 32

Tema: Pagbibigay-galang at Pagpapakita ng Kabutihan sa Iba


Read Aloud Story: Si Dindo Pundido (Kuwento at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PL • F1PL-0a-j-3 • Bahaginan: Pagsasatupad ng
Naipamamalas ang paggalang sa nakuhang aral mula sa kuwento
ideya, damdamin, at kultura ng may
akda ng tekstong napakinggan o
nabasa

PY
KP • F1KP-IVab-5 • Pagbabalik-aral: Pagkilala sa tunog ng
Nakikilala ang mga tunog na mga salita
1
O
bumubuo sa pantig ng mga salita
C
E D
EP

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
D

PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
24 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ang mga halimbawang pangungusap bilang
ng kanilang personal na karanasan gabay

• Pagpapakilala sa paksa ng bahaginan at • Pakikinig sa gabay at panuto mula sa guro


pag-ugnay nito sa takdang-aralin
• Pagsagot sa katanungan ng guro
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at
• Paglalahad sa buong klase (kung matawag)
halimbawang pangungusap

PY
• Pagtawag ng mga mag-aaral na maglalahad ng
kanilang ideya sa buong klase
• Pagbibigay ng panuto sa pagbubuo ng malaking • Pakikinig at pagsunod sa panuto ng guro
bilog at sa mga hakbang sa laro
O
• Pagpapantig ng salita (kung iyon ang gawaing
• Pagpapaliwanag ng gagawin ng bawat bata nakatakda para sa bata)
C
(pagpantig, pagtukoy sa tunog ng bawat
• Pagbigay ng mga tunog na bumubuo sa
pantig)
nakatakdang pantig
D

• Pagwawasto sa sagot ng mga bata kung


• Pakikinig sa sagot ng ibang kamag-aral at sa
kailangan
pagwawasto ng guro
E

• Pagbibigay ng dagdag na salitang papantigin


EP

kung kailangan
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
D

* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 25
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IVb-2 • Sabayang Pag-awit:
Nagagamit ang naunang kaalaman “Ang Alitaptap”
o karanasan sa pag-unawa ng
napakinggang teksto

WG • Natutukoy ang mga pang-uri at kung • Pagsasanay: Mga salitang


anong aspekto ng isang bagay ang naglalarawan
nilalarawan nito (kulay, hugis, laki, at
2 iba pa)*

PY
PS • F1PS-IVb-1 • Pakikinig sa tekstong
Naipapahayag ang sariling ideya/ pang-impormasyon
O
damdamin, o reaksyon tungkol
3 sa napakinggang tekstong pang-
C
impormasyon
D

KP • F1KP-IVab-5 • Pagbabalik-aral: Mga tunog na


Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa salita
E

bumubuo sa pantig ng mga salita


EP

4
D

KM • F1KM-IVb-1.1 • Gawain para sa batang naghihintay


Nasisipi nang wasto at malinaw ang sa pagtataya
pangungusap

AL • F1AL-IVb-7
Natutukoy ang gamit ng maliit at
malaking letra
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
26 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng titik at tono ng awitin • Pakikinig sa tono ng awitin

• Paggabay sa pagsabay ng bata sa awitin • Pagsabay sa pagkanta ng guro

• Pagtatanong tungkol sa nauunawaaan ng • Pagsagot ng mga tanong tungkol sa kanta


mag-aaral ukol sa kanta
• Pagtalakay sa takdang-aralin • Pagbabahagi tungkol sa takdang-aralin

• Pagsulat ng mga babanggiting salita ng • Pagbanggit ng bagay na nilalarawan at salitang


mag-aaral sa talahanayan, ayon sa aspekto ng naglalarawan ng kulay, hugis, o laki
bagay na nilalarawan
• Pagsunod at pakikinig sa mga salitang nakasulat
• Pagbasa sa mga salita sa talahanayan sa talahanayan

• Paghikayat sa mga mag-aaral na gumawa • Pagbuo ng tanong at sagot batay sa


ng tanong at sagot batay sa detalye sa talahanayan
talahanayan (gawaing magkapareha)
• Paglalahad ng tanong at sagot sa buong klase
• Pagtawag ng ilang mag-aaral na maglalahad ng

PY
kanilang mga tanong at sagot
• Pagpapakila at pag-ugnay ng babasahing teksto • Pakikinig sa paliwanag ng guro
sa kuwentong Si Dindo Pundido at Si Nina sa
• Pakikinig sa pagbasa ng guro sa tekstong
O
Bayan ng Daldalina
pang-impormasyon
• Pagbasa sa tekstong pang-impormasyon
C
• Pagsagot sa mga tanong ng guro ukol sa teksto
• Pagtatanong tungkol sa binasang teksto
D

• Paggabay sa muling pag-awit ng “Ang • Pag-awit ng kantang “Ang Alitaptap”


Alitaptap”
• Pakikinig sa gabay at halimbawa ng guro ukol
E

• Pagpapakita ng halimbawa ng pagpapantig at sa pagpapantig


EP

pagtukoy ng tunog ng bawat pantig


• Pakikinig at pagsunod sa panuto ng guro ukol
• Pagbibigay ng panuto para sa gawaing sa gawaing magkapareha
magkapareha: pagpili ng salita mula sa awit na
D

• Pagsagawa ng pagpapantig at paghihiwalay ng


papantigin at paghihiwalayin ang tunog
mga tunog ng bawat pantig
• Paglibot sa klase at pakikinig sa pagpapantig ng
mga magkapares
• Pagsulat ng pangungusap na ipasisipi sa • Pagsipi sa pangungusap na isinulat ng guro
mag-aaral

• Pagmasid sa sinulat ng bawat bata at pagtukoy


sa kakayanan ng bata sa gawaing ito

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 27
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng


may akda ng tekstong napakinggan o nabasa

• F1-IVab-5 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamiting lunsaran ang takdang-aralin na ibinigay noong nakaraang


linggo para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, takdang-aralin ninyo na ikuwento sa


isang kapamilya ang aklat na Si Dindo Pundido at pag-usapan kung
aling ideya o aral mula sa aklat ang nais ninyong gayahin o tuparin sa

PY
inyong sariling buhay. Ano-anong aral o ideya ang napulot ninyo mula sa
kuwento ni Dindo Pundido? Magbanggit nga kayo ng ilan.

• Maghintay ng ilang kasagutan. (Mga posibleng sagot: Tanggapin at


O
galangin ang lahat, kahit pa naiiba sa atin.) Kung minsan, ang mga
bagay na namumukod-tangi sa atin ang siyang susi sa pagtulong sa
C
iba. Ang lahat ng tao at nilalang ay may espesyal na katangian.
Huwag maliitin ang mga taong naiiba sa atin.
D

Sabihin: Ang mga aral na ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon.
Tatawag ako ng ilang mag-aaral upang magbahagi tungkol sa paano nila
E

maisasabuhay ang isang aral mula sa kuwentong Si Dindo Pundido.


Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na ito:
EP

Susundin ko ang aral ng kuwentong Si Dindo Pundido


na ________. Magagawa ko ito tuwing ________.
D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas mapalinaw


ang gawain.
Halimbawa:
“Susundin ko ang aral ng kuwentong Si Dindo Pundido na huwag
maliitin ang mga taong naiiba sa atin. Magagawa ko ito tuwing
hindi ko pinagtatawanan ang ibang bata na may ibang wika,
paniniwala, o relihiyon sa akin.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang


ideya. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung
kinakailangan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
28 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

TALAAN
PAGBABALIK-ARAL: PAGKILALA SA MGA
2 TUNOG NA BUMUBUO SA MGA PANTIG
AT SALITA

• Patayuin ang mga mag-aaral at pabuuin ng isang malaking bilog.


Magsagawa ng pagbabalik-aral tungkol sa pagpapantig at pagtukoy
ng tunog na bumubuo sa bawat pantig.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, may mga salita tayong pinantig.


Pagkatapos nating pantigin ang salita, tinukoy natin ang mga tunog
na bumubuo sa bawat pantig. Halimbawa, pinantig natin ang salitang
pundido. Ano-ano nga ulit ang mga pantig sa salitang pundido?
(pun-di-do) Ano naman ang mga tunog na bumubuo sa unang pantig na
pun-? (p, u, n)

Magsasagawa tayo ngayon ng isang laro. Magbabanggit ako ng isang salita


na may kinalaman sa aklat na Si Dindo Pundido. Papantigin ng
katabi ko sa kanan ang salitang ibinigay ko. Sasabihin naman ng katabi

PY
niya ang mga tunog sa unang pantig ng salitang ibinigay ko. Pagkatapos,
sasabihin naman ng katabi niya ang mga tunog ng susunod na pantig.
Ang katabi naman niya ang tutukoy ng mga tunog ng susunod na pantig.
O
Kapag natukoy na ang lahat ng tunog ng isang salita, ang susunod na bata
ang magbibigay ng bagong salita na papantigin. Papantigin ito ng kaniyang
katabi, at iisa-isahin ng susunod na bata ang tunog ng unang pantig.
C
Malinaw ba ang tuntunin ng ating laro? Sige, subukan natin. Ang unang
salita na papantigin natin ay ang salitang kapatid. Kapatid. Papantigin
D

ng katabi ko sa kanan ang salitang kapatid.

• Gabayan ang mga mag-aaral sa gawaing pagpapantig at sa


E

pagtukoy ng tunog ng bawat pantig. Iwasto ang kanilang sagot


EP

kung kinakailangan.
• Tulungan ang mga batang susunod sa pagbigay ng ibang salitang
papantigin. Kung hirap pa silang magbigay ng sariling salita,
D

maaaring ang guro na ang magbigay ng salita. Halimbawa, bukod


sa salitang kapatid, maaaring ipantig ang mga salitang: alitaptap,
kislap, kitikiti, langgam.

• Ipagpatuloy ang laro hanggang sa lahat ng bata sa bilog ay


makasagot. Pabalikin ang mga mag-aaral sa kanilang upuan
pagkatapos ng laro.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap ng isang


bagay sa inyong bahay na maaari ninyong ilarawan. Pagmasdan ito at
tukuyin kung anong mga salita ang magagamit ninyo upang ilarawan
ang kulay, hugis, at laki ng bagay na ito. Maghandang magbahagi
tungkol dito bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 29
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1-IVb-2 Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng


napakinggang teksto

• Natutukoy ang mga pang-uri at kung anong aspekto ng isang bagay ang
nilalarawan nito (kulay, hugis, laki, atbp.)*

1
PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT
(“ANG ALITAPTAP”)

• Ituro sa mga mag-aaral ang awiting “Ang Alitaptap.” Mahahanap


ang titik at tono ng awiting ito sa Internet: https://www.youtube.
com/watch?v=ftFDgEi0ZIc.

PY
Sabihin: Ano nga ulit ang pamagat ng kuwentong binasa natin noong
nakaraang linggo? Anong klaseng insekto si Dindo Pundido? Tama—
alitaptap. Ngayong umaga, may aawitin tayong kanta tungkol sa alitaptap.
Aawitin ko muna ito upang makuha ninyo ang tono.
PAALALA SA GURO
O
• Ipaskil ang manila paper na kinasusulatan ng letra ng awitin.
Maaari ding ituro ang awitin
C
Gamitin lamang ang unang dalawang saknong/berso ng awitin sa
bilang isang tula. Sa halip na sabayang pag-awit. Kantahin sa mga bata ang awitin o patugtugin
awitin, basahin ang titik. ito kung may kopya kayo ng kanta. Pasabayin ang mga mag-aaral
D

sa pag-awit.

Itanong ang sumusunod upang talakayin ang awitin/tula:


E

a. Ano raw ang ginagawa ng alitaptap tuwing hatinggabi ayon sa kanta?


EP

(lumilipad)
b. Saan inihalintulad ng kanta/tula ang alitaptap? (bituin)
c. Ano raw ang ginagawa ng alitaptap kung kaya’t kamukha ito ng bituin?
D

(kikisap-kisap, kumukutitap)
d. Nakakita na ba kayo ng alitaptap? Batay sa inyong karanasang
makakita ng alitaptap, sang-ayon ba kayo sa paglalarawan ng kanta/
tula sa alitaptap?

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG


NAGLALARAWAN: KULAY, HUGIS, LAKI

• Gamiting lunsaran ang takdang-aralin para sa pagsasanay tungkol


sa mga salitang naglalarawan.

Sabihin: Kahapon, bilang takdang-aralin, pinapansin ko sa inyo ang


isang bagay sa inyong tahanan na maaari ninyong ilarawan. Pinatukoy ko
rin sa inyo kung ano ang kulay, hugis, at laki ng bagay na iyon at pinaisip
ko kayo ng mga salita na makapaglalarawan ng mga aspektong ito. Sino
ang nais magbahagi tungkol sa kanilang ginawang takdang-aralin?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
30 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

• Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang TALAAN


takdang-aralin. Isulat ang detalye/salita na kanilang ibinabahagi sa
porma ng isang talahanayan.

Halimbawa:

Kulay Hugis Laki


libro asul parihaba isang dangkal
platito dilaw bilog maliit
kalendaryo puti at itim parihaba malaki
unan pula parisukat, malaki
kuwadrado

• Basahin ang mga salita sa bawat hanay at iugnay sa salitang


inilalarawan nito. Halimbawa: “Ito ang mga salitang binanggit
ninyo na nagpapakita ng kulay—asul ang libro, dilaw ang platito,
puti at itim ang kalendaryo, pula ang unan.”

• Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga tanong at sagot, sa

PY
porma ng buong pangungusap, batay sa mga naitala sa talahanayan.

Halimbawa:
a. “Malaki ba ang libro? Hindi, isang dangkal lamang ang libro.”
O
b. “Dilaw ba ang unan? Hindi, pula ang unan.”
c. “Parihaba ba ang platito? Hindi, bilog ang platito.”
C
• Hayaan silang magpalitan ng tanong at sagot ng kanilang katabi.
Bigyan sila ng limang minuto para dito. Pagkatapos, tumawag ng
D

ilang pares upang maglahad ng kanilang tanong at sagot sa harap


ng klase. (Alternatibong Gawain: Kung hindi pa kaya ng mga
E

bata na bumuo ng mga tanong, magpabuo na lamang ng simpleng


EP

pangungusap batay sa impormasyon sa talahanayan. Halimbawa:


“Bilog ang platito. Asul ang libro. Malaki ang unan.”

3
D

PAGTATAPOS

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa mga paksang


tinalakay ngayong araw. Patayuin ang mga mag-aaral. Tatalon sila
kung sumasang-ayon sila sa sumusunod na pangungusap at tatayo
lamang sila kung hindi sila sumasang-ayon:

• Mas naintindihan ko ang kantang “Ang Alitaptap” dahil sa


personal kong karanasang makakita ng alitaptap.
• Naintindihan ko ang lahat ng salita sa kantang “Ang Alitaptap.”
• Malinaw na para sa akin kung paano ilarawan ang isang bagay
batay sa kulay nito.
• Malinaw na para sa akin kung paano ilarawan ang isang bagay
batay sa hugis nito.
• Malinaw na para sa akin kung paano ilarawan ang isang bagay
batay sa laki nito.
• Madali para sa akin na bumuo ng tanong at sagot batay sa detalye
sa talahanayan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 31
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IVb-1 Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa


napakinggang tekstong pangkabatiran

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Tulungan ang mga mag-aaral sa paghahambing/pagkukumpara ng


aklat na Si Dindo Pundido sa isa pang aklat na binasa ng klase,
Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Iugnay ang dalawang kuwento
sa tema para sa linggong ito, at gamitin ang ugnayang ito sa
bahaginan ngayong araw.

• Ipakita ang pabalat ng dalawang aklat (Si Dindo Pundido at Si Nina

PY
sa Bayan ng Daldalina) sa buong klase.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, binasa natin ang kuwento ni Dindo


Pundido. Ano nga ulit ang kakaiba kay Dindo Pundido? (Maghintay ng
O
sagot.) Noong nakaraang buwan, may binasa rin tayong kuwento tungkol
sa isang batang kakaiba—ang kuwento ni Nina sa Bayan ng Daldalina.
C
Natatandaan pa ba ninyo ang kuwentong ito? Ano ang kakaiba o
natatangi kay Nina? (Maghintay ng tugon.) Tama! Wala siyang boses.
D

Paghambingin natin ngayon ang dalawang kuwento na ito. May iba pa


bang bagay o mensahe na pareho sa dalawang kuwento na ito? At paano
E

nauugnay ang mga kuwento nina Dindo at Nina sa tema natin ngayong
linggo? Ito ang magiging paksa ng bahaginan natin ngayon. Mag-uusap
EP

kayo sa maliliit na grupo ng apat na bata. Magiging magkapangkat


ang apat na batang magkakatabi. Maaari ninyong gamiting gabay ang
sumusunod na halimbawang panimula:
D

a. Si Dindo at si Nina ay parehong _______________.

b. Pareho silang _______________.

c. Pareho din silang _______________.

• Magbigay ng sariling pangungusap upang maipakita kung ano ang


inaasahan mula sa mga pangkat.

Halimbawa:
a. Si Dindo at si Nina ay parehong mahal ng kanilang magulang.
b. Pareho silang iniwasan o inayawan ng ibang tao sa simula ng
kuwento.
c. Pareho din silang hinangaan ng lahat sa pagtatapos ng kuwento
d. Si Dindo at si Nina ay parehong bata.
e. Pareho silang mabait.
f. Pareho din silang nagnanais na mahalin o tanggapin ng iba.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
32 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

• Bigyan ng limang minuto ang mga pangkat para pag-usapan TALAAN


ang paksa at buuin ang kanilang ilalahad na mga pangungusap.
Matapos ang limang minuto, tumawag ng dalawang pangkat upang
ibahagi sa buong klase ang kanilang napag-usapan.

2 PAGSASANAY: PAKIKINIG SA TEKSTONG


PANGKABATIRAN

• Ipakilala ang babasahing tekstong pangkabatiran at iugnay ito sa


tema para sa linggong ito.

Sabihin: Sa bahaginan natin tungkol sa kuwento nina Dindo


Pundido at Nina sa bayan ng Daldalina, nakita natin na may halaga
at kakayanan ang bawat tao, kahit pa naiiba sila sa atin. Si Nina
ay pipi—hindi siya makapagsalita. May ibang bata na bulag—hindi sila
makakita. May iba naman na lumpo—hindi sila makalakad. Mayroon
ding batang bingi—hindi sila nakaririnig. Ganunpaman, marami pa rin

PY
silang kayang itulong sa kanilang pamilya o komunidad.

Sa susunod nating gawain ngayong araw, may babasahin akong teksto.


Nagbibigay ito ng impormasyon. Tungkol ito sa mga batang may taglay na
O
kakaibang kakayanan, kahit sila ay lumpo o bulag. Pakinggan ninyo ang
teksto at pag-isipan ang mensahe nito.
C
• Basahin ang sumusunod na teksto. Maaari din itong isulat sa isang
manila paper upang makita rin ng mga mag-aaral ang tekstong
binabasa:
E D

Maraming tanyag na tao ang may kapansanan. Tinatawag silang


EP

may kapansanan dahil may ilang bagay silang hindi kayang gawin.
Halimbawa, ang mga bulag ay hindi makakita, habang ang mga
lumpo ay hindi makalakad. Sa unang tingin, parang may kulang
D

sa kanila. Ngunit ang totoo, marami pa rin silang magagawa at


maitutulong sa iba.

Halimbawa, si Apolinario Mabini ay tinawag na Dakilang Lumpo.


Dahil nagkasakit siya ng polio, humina nang humina ang kanyang
binti hanggang hindi na siya makalakad. Ganunpaman, ginamit
niya ang kaniyang utak at talino upang tulungan si Pangulong
Aguinaldo, ang unang pangulo ng Pilipinas. Si Willy Garte naman
ay isang bulag na mang-aawit. Nabulag siya nang bata pa lamang
siya dahil sa kumplikasyon mula sa tigdas. Dahil sa husay niya
sa pagkanta at pagsulat ng mga awitin, naging tanyag siyang
musikero. Pinasikat niya ang awiting “Bawal Na Gamot.”

Patunay lamang ang halimbawa nila na hindi hadlang ang


kapansanan sa pagkamit ng pagkilala at respeto ng buong bayan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 33
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Matapos basahin ang teksto, itanong ang sumusunod:

a. Ano ang ibig sabihin ng may kapansanan?


b. Ano ang sinasabi ng teksto tungkol sa mga taong may
kapansanan?
c. Sino ang mga nabanggit sa teksto na mga personalidad na may
kapansanan? Ano ang naging kontribusyon nila sa Pilipinas?
d. May kilala ba kayong ibang bata na may kapansanan? Paano
niyo sila nakilala? Ano ang mga bagay tungkol sa kanila na
hinahangaan ninyo?

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Gumuhit ng isang


larawan o humanap ng mga larawan sa diyaryo o magasin, na
nagpapakita ng sumusunod na mensahe: Dapat nating igalang ang
lahat ng tao, may kapansanan man o wala, kakaiba man sa atin

PY
o hindi. Halimbawa, maaaring gumupit o gumuhit ng mga larawan
ng taong naiiba ang relihiyon, mga taong katutubo, mga taong mula
sa ibang bansa, mga taong iba ang kulay ng balat o buhok, o mga
O
taong may kapansanan. Magpatulong sa inyong nakatatandang
kapatid o magulang kung kinakailangan. Maghandang ipakita ang
C
inyong larawan bukas sa bahaginan.
D

ARAW LAYUNIN
E

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari


EP

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1-IVab-5 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita


D

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin bilang paksa ng bahaginan. Tumawag


ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginuhit o ginupit
na larawan na nagpapakita ng mensaheng itinakda: Dapat nating
igalang ang lahat ng tao, may kapansanan man o wala, kakaiba man
sa atin o hindi. Hayaan silang magpaliwanag tungkol sa larawan at
kung paano nito ipinapakita ang tema para sa linggong ito. Maaari
nilang gamitin ang sumusunod na halimbawang panimula:

Makikita sa larawang ito na dapat nating respetuhin ang


lahat ng tao, may kapansanan man o wala. Sa larawang ito,
_____________________.

• Magbigay ng halimbawang larawan at pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
34 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

Halimbawa, ipakita ang larawan ni Dindo Pundido mula sa aklat TALAAN


na pinapalaya ang kaniyang mga kapatid at sabihin: “Makikita
sa larawang ito na dapat nating igalang ang lahat ng tao, may
kapansanan man o wala. Sa larawang ito, tinutulungan ni Dindo
ang kaniyang mga kapatid upang makalaya mula sa garapon, kahit
pa pundido siya.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral at tulungan sila sa paglalahad


tungkol sa kanilang larawan. Pumili ng mag-aaral na hindi pa
gaanong nakapagsasalita sa harap ng klase.

PAGBABALIK-ARAL: “ANG ALITAPTAP” –


2 PAGKILALA NG MGA TUNOG NA BUMUBUO
SA PANTIG

• Ipaskil muli ang titik ng awiting “Ang Alitaptap.” Gabayan ang


mga mag-aaral sa pag-awit nito. Matapos umawit, tulungan ang
mga mag-aaral sa pagkilala ng mga tunog na bumubuo sa ilang

PY
salita mula sa awitin.

Sabihin: Pakinggan nating mabuti ang ilang salita mula sa awiting


“Ang Alitaptap.” Halimbawa, pakinggan natin ang salitang
O
masdan. Ano ang ibig sabihin ng salitang masdan? (Maghintay
ng sagot.) Tama—ang ibig sabihin ng masdan ay tingnan. Ano
C
ang mga pantig sa salitang masdan? (Maghintay ng sagot.) Tama.
Mas-dan. Ngayon, ano ang mga tunog sa unang pantig? (Maghintay ng
sagot.) Tama—m, a, s. Ano naman ang mga tunog sa ikalawang pantig?
D

(Maghintay ng sagot.) Tama—d, a, n.


E

Ngayon naman, humarap sa inyong katabi. Pumili ng isang salita mula


sa awiting “Ang Alitaptap” at sabihin sa inyong katabi ang mga tunog na
EP

bumubuo rito. Pagkatapos, pakinggan ang salitang pinili ng inyong katabi


at ang mga tunog na bumubuo rito. Bibigyan ko kayo ng limang minuto
para mag-usap. Pagkatapos, ilalahad ninyo ang mga pinili ninyong salita at
D

ang mga tunog na bumubuo rito sa buong klase.

• Umikot sa buong klase habang nagpapantig at tumutukoy ng


tunog ang magkakatabi. Pansinin at tulungan kung sino ang
nahihirapan pa rin sa pagpapantig at paghihiwalay ng mga tunog
ng salita. Matapos ang limang minuto, tumawag ng limang pares na
maglalahad sa buong klase ng kanilang napag-usapan.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ilahad sa isang


miyembro ng inyong pamilya ang napili ninyong salita mula sa awitin,
at ang mga tunog na bumubuo rito. Subukang mag-isip ng iba pang
mga salitang gumagamit ng mga tunog na ito—sa inyong sariling
wika man o sa wikang Filipino.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 35
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KM-IVb-1.1 Nasisipi nang wasto at malinaw ang pangungusap

• F1AL-IVb-7 Natutukoy ang gamit ng maliit at malaking letra

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO


(“ANONG SALITA ITO?”)

• Patayuin ang mga mag-aaral at bumuo ng dalawang hanay.


Ipaliwanag na magsasagawa kayo ng isang laro. Pagsasamahin nila
ang mga tunog na babanggitin ninyo at sasabihin nila kung ano
ang mabubuong salita. Mag-uunahan sila ng katapat nilang kaklase
sa pagbanggit ng salita. Gamitin ang sumusunod na mga tanong/
salita:

PY
Anong salita ang mabubuo kung pagsasamahin ang mga
tunog na:
(1) t, a, o
O
(2) i, b, a
(3) i, l, a, w
C
(4) b, o, t, e
(5) b, a, t, a
(6) a, k, l, a, t
D

(7) t, u, l, o, ng
(8) d, i, n, d, o
E

(9) n, i, n, a
EP

Anong salita ang mabubuo kung pagsasamahin ang mga


pantig na:
(1) ka-pan-sa-nan
D

(2) ma-bi-ni
(3) ka-say-sa-yan
(4) pun-di-do
(5) dal-da-li-na
(6) ku-wen-to
(7) res-pe-to
(8) ka-bu-ti-han
(9) a-li-tap-tap
(10) ki-ki-sap
(11) lu-mi-li-pad

• Gamitin ang laro upang tukuyin ang mga batang nangangailangan


pa ng tulong sa pagbubuo ng mga salita batay sa pantig at tunog.
Bigyan ng dagdag na atensyon ang mga batang ito sa mga darating
na araw.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
36 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 32

TALAAN

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para
sa bawat bata sa grupo): may kapansanan, kikisap-kisap,
alitaptap, kukuti-kutitap.

–– Sabihin kung hugis, kulay, o laki ng isang bagay ang nilalarawan


ng babanggitin kong salita:

(1) Itim. Itim na kuting. Itim. (Sagot: kulay)


(2) Bilog. Bolang bilog. Bilog. (Sagot: hugis)

PY
(3) Munti. Munting regalo. Munti. (Sagot: laki)
(4) Luntian. Luntiang bukid. Luntian. (Sagot: kulay)
(5) Malaki. Malaking bato. Malaki. (Sagot: laki)
(6) Tatsulok. Laruang tatsulok. Tatsulok. (Sagot: hugis)
O
–– Magbigay ng isang pagkakapareho ng mga kuwentong Si Dindo
C
Pundido at Si Nina sa Bayan ng Daldalina.

–– Sabihin kung ano ang mga tunog na bumubuo sa mga salitang


D

ito (isang salita lamang para sa bawat mag-aaral):

(1) tao
E

(2) ilaw
EP

(3) bata
(4) ang
(5) kanta
D

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
mag-aaral. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng mga tunog sa bawat
pantig.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 37
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


• Idikit o isulat sa pisara ang sumusunod, bago magsimula sa
pagtataya:

isang tanyag na bayani si apolinario mabini

• Sabihing isusulat ng mga mag-aaral ang pangungusap gamit ang


tamang laki ng letra. Lalagyan din nila ng panuldok sa dulo ang
pangungusap.

• Matapos nilang sulatin ang pangungusap, susubukan nilang


ilarawan kung ano sa tingin nila ang ginawa ni Apolinario Mabini
kaya siya naging isang tanyag na bayani.

Halimbawa: tapa, maga, pato, lata, mani, saya, banig, ani, bata,
mata, saing, sayang.

3 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pansinin ang mga
bagay sa inyong bahay na kailangan ng koryente, baterya, gaas,
O
gasolina, o iba pang uri ng enerhiya. Tanungin ang inyong magulang
tungkol sa mga gamit na ito at kung paano puwedeng magtipid sa
C
paggamit nito. Maghandang magkuwento tungkol dito sa susunod na
linggo.
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
38 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

ARALIN

33
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PANGANGALAGA SA KALIKASAN


AT PAGTITIPID NG ENERHIYA
E

READ ALOUD STORY: SI BING, ANG MUNTING BUTANDING


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 39
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 33

Tema: Pangangalaga sa Kalikasan at Pagtitipid ng Enerhiya


Read Aloud Story: Si Bing, ang Munting Butanding (Kuwento at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
EP • F1EP-IVc-1.3 • Pagsasanay: Pagsasaayos ng
Napagsusunod-sunod ang mga salita pagkakasunod-sunod ng salita sa
batay sa alpabeto (unang dalawang listahan batay sa alpabeto
letra ng salita)

PY
1
O
C

PL • F1PL-0a-j-4 • Read Aloud Story: Si Bing, ang


D

Naipapamalas ang pagpapahalaga Munting Butanding


sa tekstong pampanitikan sa
E

pagpapakita ng sigasig/interes sa
pakikinig
EP

WG • F1WG-IIIc-d-4 • Pagtalakay ng aklat


D

Nakapaglalarawan ng mga bagay,


tao, hayop, pangyayari, at lugar

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
40 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Paggabay sa pagbasa ng mga salita sa • Pagbasa ng mga salita sa talahanayan


talahanayan
• Pakikinig sa hakbang sa pagsasaayos ng salita
• Pagpapaliwanag ng hakbang sa pagsasaayos ayon sa alpabeto
ng mga salita ayon sa alpabeto
• Pagtugon sa gabay na tanong ng guro upang

PY
• Pagbibigay ng gabay na tanong sa pagsasaayos maisaayos ang pagkakasunod-sunod ng salita
ng unang hanay ng salita (una at pangalawang hanay ng salita mula sa
talahanayan)
• Pagbibigay ng gabay na tanong sa pagsasaayos
O
ng pangalawang hanay ng salita • Pagsipi ng naisaayos na listahan

• Pagsulat ng naisaayos na listahan sa pisara


C
at pagpapasipi nito sa mag-aaral
• Pagsagawa ng larong talasalitaan tungkol sa • Paglahok sa larong talasalitaan
D

ilang salita na maririnig sa kuwento


• Pagmasid sa pabalat ng aklat at pagtugon sa
• Pagpapakilala sa aklat at pagtatanong bago mga tanong ng guro bago magbasa
E

basahin ang kuwento


• Pakikinig sa kuwento at pagsagot sa mga
EP

• Pagbasa ng aklat at pagtatanong habang tanong ng guro habang binabasa ang aklat
binabasa ang kuwento
• Paggabay sa talakayan tungkol sa aklat • Paglahok sa talakayan tungkol sa kuwento at
D

(kabilang ang paglalarawan ng mga tauhan at paglalarawan ng mga tauhan at tagpo dito
tagpo) at pagtatanong matapos basahin ang
kuwento
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 41
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IVc-8.3 • Read Aloud Story: Si Bing, ang
Napagsusunod-sunod ang Munting Butanding
mga pangyayari ng kuwentong
napakinggan sa tulong ng mga
pamatnubay na tanong

PY
PS • F1PS-IVc-6.3 • Bahaginan: Si Bing, ang
Naisasalaysay muli ang napakinggang Munting Butanding
teksto
O
C
D

PP • F1PP-IVc-e-1.1 • Pagsasanay: Mensahe mula sa babala


E

Nasasabi ang mensaheng nais o paalala


ipabatid ng babala o paalala
EP
D

EP • F1EP-IVc-1.3 • Pagsasanay: Pagsasaayos ng listahan


Napagsusunod-sunod ang mga salita ng salita ayon sa pagkakasunod-
batay sa alpabeto (unang dalawang sunod sa alpabeto
letra ng salita)

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
42 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagtatanong tungkol sa kuwentong binasa • Pagsagot sa tanong ng guro
kahapon
• Pagsunod sa pagbasa ng pangungusap tungkol
• Pagpapakita at pagbasa ng mga pangungusap sa mga pangyayari mula sa kuwento
tungkol sa ilang pangyayari mula sa kuwento
• Pagsasaayos ng mga pangungusap ayon sa
• Pagpapaayos sa mga mag-aaral ng mga tamang pagkakasunod-sunod, gamit ang letra
pangungusap ayon sa tamang ng bawat pangungusap
pagkakasunod-sunod ng pangyayari (susulatin sa kuwaderno)
(pagpapasulat ng letra ng pangungusap sa
• Paglahok sa gawain sa pisara
kuwaderno)
(kung matawag ng guro)
• Pagtawag ng mag-aaral para isaayos ang
• Pagpansin sa tamang pagkakasunod-sunod ng
pangungusap sa pisara upang maipakita ang
pangungusap
wastong sagot

• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga


naisaayos na pangungusap

PY
• Paggabay sa mga bata sa gawaing magkapares • Paglahok sa usapang magkapares
(pag-alala sa mga pangyayari mula sa kuwento) (pag-alala sa mga pangyayari mula sa kuwento)

• Pagtawag ng mag-aaral upang magsalaysay ng • Pagsalaysay ng nakikitang pangyayari sa mga


O
pangyayari na makikita sa mga larawan mula sa larawan mula sa aklat
aklat
C
• Pagpapakita ng larawan mula sa aklat at
pagtulong sa muling pagsalaysay ng tinawag na
D

mag-aaral
• Pagpaskil ng larawan o karatula ng babala sa • Pagmasid sa larawan o karatula ng babala
E

pisara
• Pagbasa sa babala sa tulong ng guro
EP

• Paggabay sa mga mag-aaral sa pagbasa ng


• Paglahok sa talakayan tungkol sa mensahe ng
babala
babala at ang kaugnayan nito sa pangangalaga
• Pagtatanong tungkol sa mensahe ng babala at sa kalikasan
D

ang kaugnayan nito sa tema para sa linggo


• Pagsulat sa pisara ng mga salitang isasaayos • Pagmasid sa mga salita sa pisara

• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga salita • Pagbasa ng mga salita


• Pagbibigay ng panuto at pagpapaalala ng • Pakikinig sa panuto
hakbang sa pagsasaayos ng salita ayon sa
• Pagsagawa ng pagsasanay: pagsulat ng
alpabeto
naisaayos na listahan
• Paglibot sa klase at pagmasid sa kakayanan ng
• Pagkumpara ng kanilang ginawang listahan sa
mga mag-aaral sa pagsagawa ng pagsasanay
wastong ayos ng mga salita
• Pagpapakita ng wastong ayos ng listahan ng
salita
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 43
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-IVc-1.3 Napag susunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto


(unang dalawang letra ng salita)

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipakilala ang tema sa linggong ito at iugnay sa takdang-aralin na


ibinigay noong nakaraang linggo.

Sabihin: Tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at pagtitipid ng enerhiya


ang tema natin ngayong linggo. Noong nakaraang linggo, hinikayat ko
kayong pansinin ang mga bagay sa inyong bahay na kailangan ng koryente,
baterya, gaas, gasolina, o iba pang uri ng enerhiya. Ipinatanong ko rin sa
inyong magulang kung paano makatitipid sa paggamit ng mga ito. Ito ang

PY
paksa ng bahaginan natin ngayon. Bumanggit ng isang gamit sa inyong
bahay na gumagamit ng enerhiya at kung paano kayo makatitipid sa
paggamit nito. Maaari ninyong gamitin ang sumusunod na halimbawang
panimula:
O
Umaandar ang _______ sa pamamagitan ng _______.
C
Makatitipid sa paggamit nito kung __________________.
D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang maipakita ang


ipinagagawa sa mga mag-aaral. Halimbawa: “Umaandar ang radyo
E

sa pamamagitan ng baterya. Makatitipid sa paggamit nito kung


babawasan ang oras na nakasindi ito.”
EP

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang maglahad ng kanilang


ideya sa buong klase. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang
D

pangungusap kung kinakailangan.

PAGSASANAY: PAGSASAAYOS NG
2 PAGKAKASUNOD-SUNOD NG SALITA SA
LISTAHAN BATAY SA ALPABETO

(UNANG DALAWANG LETRA)

• Iugnay ang susunod na gawain sa mga nabanggit na kagamitan sa


bahay at ang pinagkukunan ng mga ito ng enerhiya sa susunod na
gawain. Ikabit ang sumusunod na talahanayan sa pisara:
Kagamitan Pinagkukunan ng enerhiya
radyo baterya
plantsa koryente
kalan kahoy
relo baterya
motorsiklo gasolina

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
44 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

Sabihin: Pansinin natin itong talahanayan dito sa pisara. Makikita TALAAN


ang ilan sa mga kagamitang nabanggit sa bahaginan dito sa
talahanyan. Nasa unang hanay ang kagamitan habang nasa ikalawang
hanay ang pinagkukunan nito ng enerhiya para umandar. Basahin nga
natin ang talahanayan.

• Ituro nang isa-isa ang salita na ipinababasa sa klase. Ituro muna


ang gamit, pagkatapos ay ituro ang pinagkukunan nito ng enerhiya.
Pagmasdan kung sino pa ang mga mag-aaral sa klase na hindi pa
sumasali sa pagbasa. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita sa
listahan.

• Ihanda ang klase sa gawain ng pagsasaayos ng mga salita sa


bawat hanay, upang maging isang listahan ng salita ayon sa
pagkakasunod-sunod nila sa alpabeto.

Sabihin: Pagmasdan natin itong unang hanay ng salita. Kung


gagawin natin itong isang listahan ng kagamitan at isasaayos natin
ayon sa pagkakasunod-sunod ng alpabeto, alin dito ang dapat mauna?

PY
Pagmasdan ang unang letra ng bawat salita. Alin sa mga unang letra na
ito ang mas nauuna sa ayos ng alpabeto kumpara sa iba? Kung kailangan
ninyo ng tulong, pagmasdan ang alphabet chart. O
• Maghintay ng sagot. Kung kinakailangan, gabayan ang mga
mag-aaral sa pamamagitan ng mga tanong. (Halimbawa: “Alin ang
C
mas nauuna sa alpabeto: ‘l’ o ‘m’?”) Isulat sa porma ng listahan ang
mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod matapos ibigay ng mga
mag-aaral ang sagot.
D

• Pagdating sa mga salitang radyo at relo, bigyan ng dagdag na gabay


E

ang mga mag-aaral.


EP

Sabihin: Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang radyo at relo?


Ano ang una nilang letra? Tama—parehong letrang “r” ang unang
letra ng dalawang salitang ito. Paano natin isasaayos ang dalawang
salitang ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto kung magkapareho
D

sila ng unang letra? Ano ang dapat nating tingnan? (Maghintay ng


sagot.)

Sabihin: Kapag nag-aayos tayo ng mga salita ayon sa pagkakasunod-


sunod sa alpabeto, at kapag nagsisimula sa iisang letra ang maraming
salita, titingnan natin ang ikalawang letra upang masabi kung alin ang
dapat mauna. Sa kaso ng radyo at relo, alin ang mas nauuna sa alpabeto—
ang letrang “a” o ang letrang “e”? Tama! Ang letrang “a.” Mauuna ang
radyo kaysa sa relo sa listahan. Kung gayon, ganito ang magiging ayos ng
listahan natin:

Mga Kagamitan:

(1) kalan
(2) motorsiklo
(3) plantsa
(4) radyo
(5) relo

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 45
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Ngayon naman, ayusin natin ang ikalawang hanay ng mga
salita batay sa alpabeto. Ano ang dapat maunang salita? Tama, baterya.
Nauuna ang letrang “b” kaysa sa letrang “g” at “k.” Isulat natin ang
baterya na una sa ating listahan.

Mga Pinagkukunan ng Enerhiya:

(1) baterya
(2) 
(3) 

Sabihin: Para sa kasunod na salita, alin ang mas nauuna sa alpabeto—


“g” o “k”? Tama, nauuna ang letrang “g.” Pero teka. May dalawang salita
dito na nagsisimula sa letrang “k.” Alin kaya sa kanila ang dapat mauna
sa listahan? Ano nga ulit ang dapat nating tingnan upang masabi kung
alin sa mga salitang ito na nagsisimula sa “k” ang dapat mauna ayon sa
alpabeto? (Maghintay ng sagot.) Tama—titingnan natin ang ikalawang
letra. Ano ang pangalawang letra ng kahoy? Ano naman ang ikalawang
letra ng koryente? Alin ang mas nauuna sa alpabeto—ang letrang “a” o

PY
ang letrang “u”? Kung gayon, ganito ang kalalabasan ng listahan natin:

Mga Pinagkukunan ng Enerhiya:


O
(1) baterya
(2) gasolina
C
(3) kahoy
(4) kuryente
D

3 PAGTATAPOS
E
EP

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipabasa sa inyong


magulang o nakatatandang kapatid ang mga salitang tatalakayin
natin bukas, at tanungin sila kung ano ang ibig sabihin ng mga ito:
D

sumusulpot, di-inaasahan, nagpupumiglas, patibong, marahas.


Maghandang pag-usapan ang mga salitang ito bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
46 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

TALAAN
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-4 Naipapamalas ang pagpapahalaga sa tekstong pampanitikan


sa pagpapakita ng sigasig/interes sa pakikinig

• F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at


lugar

1 PANIMULANG GAWAIN:
“LARONG PANTALASALITAAN”

• Magsagawa ng isang laro gamit ang mga salitang ibinigay bilang


takdang-aralin. Pangkatin ang mga bata. Ang bawat hanay ay isang
grupo. Bigyan ang bawat hanay ng tatlong kard: isang kard na may
letrang “A,” isang kard na may letrang “B,” at isang kard na may
letrang “C.” Itataas ng grupo ang letra ng pinakatamang sagot sa

PY
bawat tanong.

Sabihin: Kung ginawa ninyo ang takdang-aralin kahapon, malaki


ang maitutulong ninyo sa inyong mga kagrupo. Maglalaro tayo ng
O
“larong pantalasalitaan.” Kagrupo ninyo ang inyong kahanay. Itataas
ninyo ang letra ng tamang sagot matapos kong basahin ang tanong at ang
C
mga pagpipiliang sagot. Pakinggang mabuti ang tanong upang makuha ang
tamang sagot. Puwede kayong tumayo at lumapit sa inyong mga kagrupo
D

upang mas madali kayong makapag-usap. Itataas lamang ninyo ang kard
matapos kong sabihing “sagot.” May isang puntos ang grupo ninyo kung
mapili ninyo ang tamang sagot. May dalawang puntos naman ang grupong
E

makapagbibigay ng pangungusap gamit ang salitang ito. Handa na ba


EP

kayo?

• Basahin nang malinaw at marahan ang tanong at ang pagpipiliang


sagot. Basahin nang dalawang beses kung kinakailangan. Magbigay
D

ng limang segundo matapos basahin ang tanong at bago sabihin


ang salitang “sagot” bilang hudyat.

(1) Sumusulpot na ang pananim mula sa lupa. Ang ibig sabihin ng


salitang sumusulpot ay:
a. nangangamoy
b. lumilitaw
c. nagtatago
Sagot: B

–– Bigyan ng isang puntos ang bawat grupo na makasagot ng tama.

–– Matapos makuha ang tamang sagot, humingi ng isang


pangungusap na gamit ang salitang ito. Ang unang grupo na
magtaas ng kamay at makapagbigay ng tamang pangungusap
gamit ang salita ang makakakuha ng dalawang puntos.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 47
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN (2) Masyadong marahas ang parusang natanggap niya. Ang ibig


sabihin ng salitang marahas ay:
a. masakit o mabigat
b. masaya
c. magaan
Sagot: A

–– Bigyan ng isang puntos ang bawat grupo na makasagot ng tama.

–– Matapos makuha ang tamang sagot, humingi ng isang


pangungusap na gamit ang salitang ito. Ang unang grupo na
magtaas ng kamay at makapagbigay ng tamang pangungusap
gamit ang salita ang makakakuha ng dalawang puntos.

(3) Nagulat ang lahat nang bigla siyang dumating sa party nang


di-inaasahan. Ang ibig sabihin ng salitang di-inaasahan ay:
a. nakangiti
b. inaabangan
c. biglaan

PY
Sagot: C

–– Bigyan ng isang puntos ang bawat grupo na makasagot ng tama.

–– Matapos makuha ang tamang sagot, humingi ng isang


O
pangungusap na gamit ang salitang ito. Ang unang grupo na
magtaas ng kamay at makapagbigay ng tamang pangungusap
C
gamit ang salita ang makakakuha ng dalawang puntos.

(4) Mahigpit ang pagkakatali ng kanyang kamay kaya’t siya ay


D

nagpupumiglas. Ang isang taong nagpupumiglas ay:


a. hindi gumagalaw
E

b. sumusubok kumawala
EP

c. natutulog
Sagot: A

–– Bigyan ng isang puntos ang bawat grupo na makasagot ng tama.


D

–– Matapos makuha ang tamang sagot, humingi ng isang


pangungusap na gamit ang salitang ito. Ang unang grupo na
magtaas ng kamay at makapagbigay ng tamang pangungusap
gamit ang salita ang makakakuha ng dalawang puntos.

(5) Nahuli ang daga sa patibong na may keso. Ang ibig sabihin ng


patibong ay:
a. regalo
b. damit
c. paraan upang mahuli ang isang hayop o tao
Sagot: C

–– Bigyan ng isang puntos ang bawat grupo na makasagot ng tama.

–– Matapos makuha ang tamang sagot, humingi ng isang


pangungusap na gamit ang salitang ito. Ang unang grupo na
magtaas ng kamay at makapagbigay ng tamang pangungusap
gamit ang salita ang makakakuha ng dalawang puntos.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
48 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

TALAAN

2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG


SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salita na pinag-aralan sa laro.

Sabihin: Narito ang mga salitang itinakda ko kahapon at tinalakay


natin sa laro kanina. Maririnig ninyo ito sa kuwento natin ngayon.
Babasahin ko ang bawat salita at ang kahulugan nito:

a. sumusulpot – lumilitaw, nagpapakita


b. di-inaasahan – biglaan, nakagugulat na pangyayari
c. nagpupumiglas - kumakawala
d. patibong – paraan upang mahuli ang isang tao o hayop
e. marahas – masakit o mabigat na pamamaraan

b. Pagganyak

PY
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita


O
ninyo sa larawan? Ano itong malaking sasakyan sa dagat? Anong uri
ito ng hayop? (Maghintay ng ilang kasagutan.)
C
Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay Si Bing,
ang Munting Butanding. Isinulat at iginuhit ito ni Jomike Tejido.
D

Nakakita na ba kayo ng butanding? Sa palagay ninyo, saan kaya


magaganap ang kuwento natin ngayong araw? Batay sa larawan at
E

pamagat, tungkol saan kaya ang kuwentong ito? Alin kaya dito sa larawan
ang butanding? Ituro nga ninyo. Alin naman ang barko?
EP

c. Pangganyak na Tanong
D

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagtitipid


ng enerhiya at pangagalaga sa kalikasan. Kahapon, tinutukan natin
ang pagtitipid ng enerhiya. Ngayon naman, tututukan natin ang
pangangalaga sa kalikasan. Habang nakikinig kayo, alamin ninyo
ang sagot sa tanong na ito: Ano ang kinalaman ng mga butanding sa
pangangalaga sa kalikasan?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto sa


pagbasa sa takdang pahina at itanong ang sumusunod upang
palalimin ang pag-unawa at pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng p. 2
Itanong: Ano raw ang hilig na laro ni Bing? Saan sa Pilipinas ang
dagat na tinitirhan nila?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 49
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Huminto pagkabasa ng p. 4


Itanong: Ano kaya itong mga dumating na bisita? Pagmasdan nga
ninyo ang larawan. Ilan ang nakikita ninyong barko dito? Ano kaya ang
ginagawa ng mga barko dito sa dagat? Ano ang naramdaman ng mga
butanding nang nakita nila ang mga barko?

Huminto pagkabasa ng p. 6
Itanong: Bakit nagpupumiglas ang mga magulang ng mga butanding?
Ano ang nangyari sa kanila? Kung kayo si Bing, ano ang mararamdaman
ninyo? Ano kaya ang gagawin ni Bing?

Huminto pagkabasa ng p. 8
Itanong: Ano ang ipinagawa ni Bing sa kanyang mga kalaro? Paano
kaya makatutulong ito sa kanilang magulang?

Huminto pagkabasa ng p. 10
Itanong: Ano ang napapansin ninyo tungkol sa butanding? Anong bagay
sa langit ang kahawig nila?

Huminto pagkabasa ng p. 12

PY
Itanong: Bakit natakot ang mga bisita sa pagtalon ng mga butanding?
Ano ang isinisigaw nila?

Huminto at ipakita ang larawan sa pp. 16-17


O
Sabihin: Pagmasdan ang larawang ito. Anong mga salitang naglalarawan
ang maaari ninyong gamitin tungkol sa larawang ito? Ano ang kulay ng
C
dagat? Ng mga halaman? Paano ninyo ilalarawan ang hitsura o laki ng
mga butanding? Ng mga isda? Ng mga dikya o jellyfish? (Ilista ang mga
D

salitang babanggitin ng mga mag-aaral sa pisara.)

4
E

TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO


EP

Itanong ang sumusunod upang talakayin ang kuwento:

• Sino ang bida sa ating kuwento?


D

• Paano ninyo ilalarawan si Bing? Ano ang hilig niyang gawin? Bakit
ninyo ito nasabi?
• Ano ang mga bisitang dumating sa dagat ng Sorsogon? Ano ang
nangyari sa mga magulang ng butanding?
• Ano ang naisip na solusyon ni Bing sa pagkakahuli ng kanilang
magulang?
• Bakit natakot at umalis ang mga barko?
• Bakit napagkamalang buwan at bituin ang mga butanding?
• Sa tingin ninyo, totoo kayang makapagtatago ang mga butanding
sa langit? Bakit?
• Sa palagay ninyo, bakit mahalaga ang mga butanding sa
pangangalaga ng kalikasan?
• Ano kaya ang puwede nating gawin upang mapangalagaan ang mga
butanding?
• Anong bahagi ng kuwento ni Bing ang pinakanagustuhan ninyo?
Bakit?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
50 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

TALAAN

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip ng


pangungusap na naglalarawan sa mga hayop at halaman na nakita
ninyo sa aklat na Si Bing, ang Munting Butanding.
Halimbawa:
a. _______ ang butanding.
b. _______ ang dikya.
c. _______ ang mga isda.
d. _______ ang dagat.

Subukang isulat ang naisip na pangungusap sa inyong kuwaderno.


Maghandang ilahad ang inyong naisip na pangungusap bukas.

LAYUNIN

PY ARAW
O
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
C
• F1PN-IVc-8.3 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong
napakinggan sa tulong ng mga pamatnubay na tanong
D

1
E

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


EP

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon para sa bahaginan


ngayong araw. Ipakitang muli ang larawan sa pp. 16-17 ng aklat na
D

Si Bing, ang Munting Butanding. Ipaalala sa mga bata ang mga salitang
naglalarawan na binanggit nila kahapon. Pabanggitin muli sa kanila
kung ano ang hitsura, hugis, laki, o kulay ng mga hayop at halaman
sa larawan. Ipaalala ang takdang-aralin, at tumawag ng limang
bata na magbabasa ng kanilang naisip/isinulat na pangungusap.
Hayaang ituro ng mga bata ang hayop o halaman na tinutukoy ng
kanilang pangungusap habang nilalarawan nila ito. Maaari nilang
gamitin ang alinman sa sumusunod na panimula, kung kailangan:
____ ang butanding. ____ ang dikya. _____
ang mga isda. ___ ang dagat.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap, katulad ng: “Maputi ang


mga dikya. Malinis ang dagat.”

• Tumawag ng limang mag-aaral upang ituro ang kanilang


ilalarawang bagay at ilahad ang kanilang pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 51
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

2 PAGBABALIK-ARAL:
SI BING, ANG MUNTING BUTANDING

• Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbabalik-aral at muling pagsalaysay


ng mga naganap sa kuwentong binasa kahapon. Ipakita ang pabalat
ng aklat.

Sabihin: Binasa natin kahapon ang kuwento ni Bing. Anong klaseng


hayop nga si Bing? Saan siya nakatira? Ano ang hilig niyang gawin?

• Magpaskil ng mga kard o dalawang pirasong kartolina na may


sumusunod na pangungusap (isang pangungusap sa bawat kard):
a. May naisip na solusyon si Bing upang makalaya ang kanilang
magulang.
b. Nagpasalamat ang mga magulang sa mga batang sumagip sa
kanila.
c. Isang araw, nagtataguan si Bing at ang kapuwa niya butanding
sa dagat ng Sorsogon.

PY
d. Tinakot nina Bing ang mga barko upang umalis ang mga ito
mula sa dagat.
e. Nang lumabas si Bing sa kaniyang pagkatago, nakita niyang
O
nagpupumiglas ang mga magulang niya mula sa kanilang
pagkahuli.
f. Habang nagtatago si Bing, may dumating na malalaking barko sa
C
kanilang dagat.
D

Sabihin: Nakasulat dito sa mga kard ang ilang pangyayari mula sa


kuwento ni Bing, ang munting butanding. Hindi ito nakaayos ayon sa
E

tamang pagkakasunod-sunod. Babasahin ko ang mga pangungusap nang


isa-isa. Pag-isipan ninyo kung paano natin isasaayos ang mga pangungusap
EP

upang mailagay ito sa tamang pagkakasunod-sunod, ayon sa pangyayari sa


kuwento.

• Basahin ang mga pangungusap, kasama na ang letrang nakatakda


D

dito. Sabihin sa mga mag-aaral kung paano nila isusulat ang


kanilang sagot sa kanilang kuwaderno.

Sabihin: Isulat ninyo sa inyong kuwaderno ang letra ng bawat


pangungusap na dapat mauna, pumangalawa, pumangatlo, pumang-apat,
at pumang-lima. Halimbawa, isusulat ninyo ang mga letrang “E-C-A-
B-D-F” kung sa tingin ninyo ay ito ang tamang pagkakasunod-sunod.
Malinaw ba?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
52 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

TALAAN
PAALALA SA GURO

Kung sa palagay ninyo ay kailangan pa ng praktis ng mga


mag-aaral sa pagsunod sa panuto, maaaring magbigay muna
ng isang maikling gawain na may kaparehong panuto.

Halimbawa: Ayusin natin ang mga linyang ito mula sa


awiting “Bahay Kubo” ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
Letra lang ang ibibigay ninyo na sagot. Isusulat ko ang tamang
pagkakasunod ng letra dito sa pisara. Pakinggan ninyo ang
letra at ang linya:

(A) kahit munti (C) ay sari-sari


(B) Bahay kubo (D) ang halaman doon

Ano ang letra ng dapat maunang linya? Tama: B—Bahay kubo.


Isusulat ko ang letrang B. Ano ang dapat sumunod? Tama: A—
kahit munti. Isusulat ko ang letrang A pagkatapos ng letrang
B. Ano ang letra ng ikatlong linya? Tama: D. Ano naman ang

PY
panghuli? Tama: C. Ang tamang pagkakasunod ay B-A-D-C.
Ganito ang gagawin ninyo sa ating pagsasanay.
O
Sabihin: Puwede na kayong magsimula. May limang minuto kayo
para sa gawaing ito. Kung may nais kayong ipabasang muli sa akin na
C
pangungusap, itaas ninyo ang inyong kamay at lalapit ako sa inyo.

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng limang mag-aaral upang


D

ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangungusap sa


pisara. Ipagalaw sa kanila ang mga kard upang isaayos ang mga ito.
E

(Tamang pagkakaayos: C-F-E-A-D-B)


EP

• Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isinaayos na mga kard


upang muling maisalaysay ang kuwento.

3
D

PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Ipataas ang kamay ng


mga bata kung:

–– Ipinagsunod nila ang C at F

–– Ipinagsunod nila ang F at E

–– Ipinagsunod nila ang E at A

–– Ipinagsunod nila ang A at D

–– Ipinagsunod nila ang D at B

• Pansinin kung sa aling pagkakasunod may pinakakaunting nagtaas


ng kamay. Ipaliwanag ang bahaging ito ng pagsasanay upang
tiyakin na naunawaan ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-sunod
ng bahaging ito ng kuwento.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 53
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IVc-6.3 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto

• F1PP-IVc-e-1.1 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng babala o paalala

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ginawang muling pagsasaayos ng


mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kuwentong Si Bing, ang Munting Butanding. Ipaalala sa kanila kung
ano ang mga pangyayari sa kuwento. Ipaharap sila sa kanilang
katabi at hayaan silang magsagawa ng muling pagsalaysay ng
kuwento gamit ang sarili nilang pangungusap. Bigyan sila ng

PY
tatlong minuto para magbahaginan.
• Pagkatapos, tumawag ng limang mag-aaral sa harapan ng klase.
Tulungan sila sa muling pagsalaysay ng kuwento sa pamamagitan
O
ng pagpapakita ng ilang larawan mula sa libro.

Halimbawa, ipakita sa unang mag-aaral ang p. 2 at itanong kung


C
ano ang nangyari sa bahaging ito. Ipakita sa ikalawang mag-aaral
ang p. 4, sa ikatlo ang p. 6, sa ikaapat ang pp. 12–13, at sa ikalima
D

ang pp. 14–5. Ipasalaysay sa bawat isa ang nagaganap sa pahinang


iyon.
E

2
EP

PAGSASANAY: MENSAHE MULA SA


BABALA O PAALALA
D

Ipakita ang larawan sa ibaba o gumawa ng sariling karatula o poster


na nakasulat sa manila paper.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
54 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

Sabihin: Pagmasdan itong babala dito sa pisara. Sino ang gustong TALAAN
sumubok na basahin ang mensaheng nakasulat dito? (Tumawag ng
mag-aaral. Tulungan sa pagbasa kung kailangan.) Ngayon
naman, sabay-sabay nating basahin ang babala: “Bawal magtapon ng
basura sa ilog.” (Ituro ang bawat salita habang binabasa ito.)

Itanong ang sumusunod:

• Ano ang sinasabi ng babalang ito?


• Bakit kaya bawal magtapon ng basura sa ilog?
• Kapag nagtapon tayo ng basura sa ilog, saan kaya ito
napupunta?
• Aabot kaya sa dagat nina Bing at iba pang butanding ang basura
na itinapon sa ilog? Ano ang mangyayari sa kanila kung umabot
doon ang basura?
• Posible kayang umabot ang basura sa ating mga bahay? Paano
kaya ito makararating sa ating bahay? Ano ang koneksiyon ng
pagbabaha at pagtapon ng basura sa kung saan-saan?
• Nakakita na ba kayo ng kanal, estero, ilog, o dagat na maraming

PY
basura? Ano ang naiisip o nararamdaman ninyo kapag nakakita
kayo ng ganito?
• Paano kayo makatutulong sa pagpapatupad ng babalang ito?
Ano ang puwede ninyong gawin?
O
• Kung bawal magtapon ng basura sa ilog o dagat, saan tayo dapat
C
magtapon ng basura?
• Saan pa tayo hindi dapat magtapon ng basura? Ilista nga natin sa
pisara. (Isulat ang mga babanggiting lugar kung saan hindi dapat
D

magtapon ng basura: kalye, kanal, bakuran, dagat, at iba pa.)


E

3 PAGTATAPOS
EP

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Gumawa ng sarili


D

ninyong maliit na poster na nagpapaalala tungkol sa tamang pagtapon


ng basura. Gumamit ng lumang karton, lumang kalendaryo, o
anumang lumang gamit ngunit masusulatan pang papel. Isulat ang
paalala sa malalaking letra. (Halimbawa: Tapat mo, linis mo. Itapon
ang basura sa basurahan.) Magpatulong sa inyong kapamilya sa
pagkabit nito sa isang lugar sa inyong bahay o komunidad.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 55
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-IVc-1.3 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto


(unang dalawang letra ng salita)

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT

• Ipaskil ang manila paper na may titik ng awiting “Sa Karagatan.”


Ginamit ito noong Yunit 3, Aralin 29.

“Sa Karagatan”
(Awitin sa tono ng
“Bahay Kubo”)

PY
Sa karagatan,
yaman ay kay dami.
Ang nabubuhay doon
O
ay sari-sari.
Korales, talaba,
C
pawikan at tulya,
tuna, pusit, pugita.
Mga isdang magaganda:
D

clown fish, maya-maya,


at saka mayroon pang
E

mga barakuda.
EP

Sea horse, kabibe,


pating, at balyena.
Sa kulay at dami,
ika’y mapapahanga!
D

• Awitin nang sabay-sabay ang kanta. Matapos awitin, iugnay ang


kanta sa tema ng linggong ito at sa kuwento na Si Bing, ang Munting
Butanding.

Itanong: Tungkol saan ang awiting ito? Ano-ano ang nabanggit na


nakatira sa ating karagatan? Ano kaya ang koneksiyon ng awitin sa
kuwento ni Bing at ng mga butanding? Paano natin maipakikita ang
pangangalaga sa kalikasan sa pangangalaga natin ng karagatan?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
56 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

TALAAN
PAGSASANAY: PAGSASAAYOS NG LISTAHAN
2 NG SALITA AYON SA PAGKAKASUNOD-SUNOD
SA ALPABETO

• Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara.


a. balyena
b. talaba
c. korales
d. butanding
e. pating
f. kabibe
g. pugita
h. tulya

Sabihin: Basahin ang mga salitang nakasulat sa pisara. Nakita o


nabasa natin ang karamihan dito sa inawit nating kanta. Ang isang
salita naman dito ay nakita natin sa kuwento natin ngayong linggo.

PY
Basahin ninyo nang sabay-sabay. Habang binabasa, pansinin ang mga letra
sa unahan ng bawat salita. O
• Ituro ang bawat salita habang binabasa ito ng mga mag-aaral.
Pakinggan ang kanilang pagbasa at sabihin ang wastong pagbasa
kung kinakailangan. Matapos ang pagbabasa, gabayan ang mga
C
mg-aaral sa pagsasaayos ng mga salita ayon sa ayos ng alpabeto.

Sabihin: Napansin ba ninyo ang unang letra ng bawat salita? Aling


D

mga salita ang nagsisimula sa parehong letra? (Sagot: balyena-


butanding, korales-kabibe, talaba-tulya, pating-pugita)
E

Isasaayos ninyo ang mga salitang ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa


EP

alpabeto. Paano nga natin ulit malalaman kung paano ayusin ang
dalawang salitang nagsisimula sa parehong letra? (Maghintay ng sagot.)
Tama—ibatay sa susunod na letra.
D

Sa kaso ng mga salitang butanding at balyena, alin ang dapat mauna


ayon sa alpabeto? Ano ang nauuna sa alpabeto—“u” o “a”? Tama, “a.”
Ang salitang mauuna ay ang salitang balyena.
Sa inyong mga kuwaderno, gumawa ng listahan ng mga salitang ito na
nakaayos ayon sa alpabeto. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para gawin
ito.

• Umikot sa buong klase habang inaayos ng mga mag-aaral ang mga


salita sa kanilang kuwaderno. Siguruhing naintindihan ng lahat ang
gawain. Tulungan ang mga mag-aaral kung kinakailangan. Matapos
ang limang minuto, magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat
ang listahan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 57
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN a. balyena
b. butanding
c. kabibe
d. korales
e. pating
f. pugita
g. talaba
h. tulya

• Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang nakapaskil na listahan


upang tingnan kung wasto ang kanilang pagsasaayos.

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng pagtataya ukol sa mahahalagang pinag-aralan

PY
sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod at
sasagutin nila ito nang palahad.

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


O
mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit na
pangkat ng 5–10 bata. Sa loob ng maliit na pangkat, bigyan ang
C
bawat bata ng isang bagay na sasagutin para sa bawat gawain.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


D

o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isang salita ang guro


para sa bawat bata sa grupo): sumusulpot, patibong,
E

di-inaasahan, marahas, nagpupumiglas.


EP

–– Ano ang dapat gawin kapag nakita o nabasa ang babalang ito?
Bawal magtapon ng basura sa (pipili ng isang salita ang guro
para sa bawat bata sa grupo): a) dagat; b) kanal; c) kalye; d)
D

ilog; e) silid-aralan.

–– May babasahin at ipapakita akong tatlong pangungusap mula


sa kuwentong Si Bing, ang Munting Butanding. Alin sa mga
pangungusap na ito ang unang nangyari? Alin ang nangyari sa
kalagitnaan? Alin ang huling nangyari?
(1) Nagpasalamat ang mga magulang sa mga batang sumagip sa
kanila. (Sagot: huli)
(2) Tinakot nina Bing ang mga barko upang umalis sila mula sa
dagat. (Sagot: gitna)
(3) Habang nagtataguan si Bing at ang kalarong butanding, may
dumating na malalaking barko sa kanilang dagat. (Sagot: una)

–– Alin sa dalawang salitang ito ang dapat mauna ayon sa


pagkakasunod-sunod sa alpabeto? (pipili ng isang pares ng salita
ang guro para sa bawat bata sa grupo)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
58 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 33

(1) basura-bote TALAAN
(2) puno-papel
(3) aklat-awit
(4) mata-muta
(5) isda-ilog
• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa
kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

• Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat naman sa


kanilang kuwaderno ang ibang mga mag-aaral. (Gawain 3b)

PY
b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay
Mag-isip ng iba pang bagay na makikita sa karagatan. Isulat ang mga
O
salitang ito sa inyong kuwaderno. Subukang ayusin ang mga naisip na
salita ayon sa alpabeto. Isulat ito sa porma ng isang listahan.
C

4
D

PAGTATAPOS
E

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Sumama sa inyong


EP

magulang sa palengke at pagmasdan ang mga isda na makikita roon.


Pansinin ang kulay, hugis, amoy, at laki ng mga isda. Mag-isip ng mga
salita na maglalarawan sa mga isdang nakita. Alamin din ang pangalan
D

ng isdang ilalarawan sa salita. Isulat ang mga salita at bumuo ng


pangungusap na naglalarawan sa isda sa inyong kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 59
YUNIT 4 ARALIN 34

ARALIN

34
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PANGAGALAGA SA KALIKASAN


AT PAGTITIPID NG ENERHIYA
E

READ ALOUD STORY: SI BING, ANG MUNTING BUTANDING


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 61
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 34

Tema: Pangangalaga sa Kalikasan at Pagtitipid ng Enerhiya


Read Aloud Story: Si Bing, ang Munting Butanding (Kuwento at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PY • F1PY-IVd-2.1 • Pagsasanay: Pagbabaybay ng salitang
Nababaybay nang wasto ang mga may tatlo o apat na patinig
salitang may tatlo o apat na pantig

PY
O
C
E D

PL • F1PL-0a-j-3 • Pakikinig at pagtalakay sa tekstong


EP

Naipamamalas ang paggalang sa pang-impormasyon mula sa aklat na


ideya, damdamin, at kultura ng may Si Bing, ang Munting Butanding
akda ng tekstong napakinggan o
nabasa
D

PP • F1PP-IVd-4.1 • Pagbasa ng pamagat ng aklat na


Nababasa ang mga salita gamit ang Si Bing, ang Munting Butanding
palatandaang konpigurasyon

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
62 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Paggabay sa mga bata sa pagtalakay ng mga • Pakikinig sa gabay ng guro


hakbang sa pagbabaybay
• Pakikinig sa salitang ibibigay ng guro at
• Paghati ng pisara sa tatlong bahagi at pagtawag pagsunod sa mga hakbang ng pagbaybay para
ng mga bata sa pisara upang magbaybay ng sa bawat salita
salita

PY
• Pagsulat ng salitang pinabaybay sa pisara o sa
• Pagbibigay ng salitang babaybayin kanilang kuwaderno

• Paghikayat sa mga batang nakaupo na ibaybay • Pagmasid sa tamang baybay na nakasulat sa


O
din ang salita sa kanilang kuwaderno flash card at pagkumpara nito sa kanilang
isinulat
• Pagbibigay ng wastong baybay para sa bawat
C
salita (nakasulat sa flash card) • Pagsagot sa mga katanungan ng guro matapos
ang gawaing pagbabaybay at pakikinig sa
• Pag-alam kung aling salita nahirapan ang mga
D

dadgdag na paliwanag ng guro


bata, at pagbibigay dagdag paliwanag o gabay
tungkol sa mga salitang ito
E

• Pag-alam mula sa mag-aaral kung ano ang mga • Pagbibigay ng mga katanungan na nais nilang
EP

impormasyon na nais nilang malaman tungkol masagot mula sa teksto


sa butanding
• Pakikinig sa pagbabasa at pagsagot sa mga
• Pagpapakita ng bahagi ng aklat kung saan tanong ng guro habang binabasa ang teksto
D

naroroon ang mga guhit at talatang


• Paglahok sa talakayan at pagsagot ng mga
pang-impormasyon
katanungan matapos basahin ang teksto
• Pagbasa sa teksto at pagtatanong tungkol dito
habang binabasa ang teksto

• Pagtatanong tungkol sa teksto matapos ito


basahin
• Pagpapakita ng pabalat ng libro • Pagbasa ng pamagat ng aklat

• Pagturo sa mga salita sa pamagat habang


ipinapabasa ito sa klase
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 63
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


WG • F1WG-IVd-f-7 • Pagsasanay: Paggamit ng sa/kay,
Nagagamit nang wasto ang mga para sa/para kay, ayon sa/ayon
pang-ukol kay, tungkol sa/tungkol kay

WG • F1WG-IVd-f-7 • Balitaan
Nagagamit nang wasto ang mga
• Pagsasanay: Paggamit ng na at ng
pang-ukol

PY
O
4
C
E D

PY • F1PY-IVd-2.1 • Pagsulat ng idiniktang pangungusap


Nababaybay nang wasto ang mga
EP

salitang may tatlo o apat na pantig

KP • F1KP-IVd-8 • Sabayang pagbasa ng tula


D

Natutukoy ang mga salitang


• Pagsasanay: Mga salitang
magkakatugma
magkatugma

PN • F1PN-IVd-6 • Gawain habang naghihintay ng


Naiguguhit ang naibigang bahagi ng pagtataya
tulang napakinggan

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
64 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagsulat at pagpapabasa ng mga salitang • Pagbasa ng mga salita sa pisara
pang-ugnay sa pisara
• Pagsunod sa pagbasa ng guro ng mga
• Pagbasa at pagtalakay ng mga pangungusap halimbawang pangungusap na gumagamit ng
na gamit ang mga salitang pang-ugnay salitang pang-ugnay.

• Pagpapaliwanag kung kailan ginagamit ang • Pagsagot sa mga katanungan ng guro tungkol
sa at kay sa salitang pang-ugnay

• Paggabay sa mga bata sa pagsagot ng • Pakikinig sa paliwanag ng guro


pagsasanay
• Paggawa ng pagsasanay
• Paggabay sa mag-aaral sa pagbabahagi tungkol • Paglahok sa balitaan
sa takdang-aralin (pakikinig sa balita, pagtukoy
• Pakikinig/pagbasa sa mga halimbawang
ng pangungusap mula sa balita na gumamit ng
pangungusap
salitang pang-ugnay)
• Pagsagawa ng pagsasanay: pagsulat ng kanilang
• Pagpapakita ng mga pangungusap na
sagot sa kuwaderno

PY
gumagamit ng na at ng
• Pakikinig sa pagtalakay ng wastong sagot
• Pagbibigay ng paliwanag tungkol sa paggamit
ng na at ng
O
• Paggabay sa mga bata sa pagsasanay
C
• Pagbasa ng mga pangungusap na gagamitin sa
pagsasanay
D

• Pagtalakay ng wastong sagot at pagbibigay ng


dagdag na paliwanag kung kailangan
E

• Pagdikta ng ipinapasulat na pangungusap • Pagbaybay/pagsulat ng idiniktang pangungusap


EP

• Pag-ikot sa klase upang tukuyin kung sino pa


ang nangangailangan ng tulong
• Paggabay sa mga bata sa kanilang toka na • Pagbasa ng tokang bahagi ng tula sa una at
D

babasahing bahagi ng tula sa una at ikalawang ikalawang pagkakataon


pagbasa
• Pagsagot sa mga tanong tungkol sa tula
• Pagbasa ng ilang bahagi ng tula sa unang
• Pakikinig sa panuto na bigay ng guro
pagbasa
• Pagbibigay ng mga salita na katugma ng nasa
• Pagtatanong tungkol sa tula
talahanayan
• Pagbibigay ng panuto para sa pagsasanay

• Pagsulat ng talahanayan
• Pagbigay ng panuto para sa gawain • Pagsipi ng tula sa kanilang kuwaderno at
pagguhit ng larawan ukol dito
• Pagtingin sa gawa ng mag-aaral matapos ang
pagtataya
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 65
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PY-IVd-2.1 Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat na
pantig

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay noong nakaraang linggo


para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, takdang-aralin ninyo na sumama


sa palengke, pagmasdan ang mga isda na nandoon at mag-isip ng mga
salitang maglalarawan sa mga ito. Ipinasulat ko sa inyong kuwaderno ang
pangalan ng isda, mag-isip ng mga salitang naglalarawan dito, at bumuo
ng isang pangungusap. Ginawa ba ninyo ito? Ngayong umaga, babasahin

PY
ninyo ang inyong pangungusap. Basahin muna ninyo ito para sa inyong
katabi. Pagkatapos, tatawag ako ng limang mag-aaral upang maglahad ng
kanilang sinulat na pangungusap sa harap ng klase.
O
• Bigyan ng tatlong minuto ang mga mag-aaral upang basahin nang
malakas para sa kanilang katabi ang kanilang pangungusap. Umikot
C
sa klase at pakinggan ang kanilang pagbabasa. Tingnan din ang
pagkakasulat nila ng pangungusap sa kanilang kuwaderno. Matapos
ng tatlong minuto, tumawag ng limang mag-aaral upang basahin
D

ang kanilang pangungusap sa buong klase.


E

2 PAGSASANAY: PAGBABAYBAY NG SALITANG


EP

MAY TATLO O APAT NA PANTIG


D

• Iugnay ang paksa ng bahaginan sa gagawing pagsasanay at ipaalala


sa mga mag-aaral kung ano ang mga hakbang sa pagbaybay ng
salita.

Sabihin: Marami sa mga salitang binanggit ninyo sa inyong bahaginan


ay may tatlo o apat na pantig. Subukan nating baybayin ngayon ang
mga salitang ito. Natatandaan pa ba ninyo kung ano ang hakbang sa
pagbabaybay ng salita? Ano ang ilang hakbang na dapat gawin kapag may
nais tayong isulat o baybayin?

• Maghintay ng sagot mula sa mga mag-aaral. Pagkatapos, sumahin


ang mga hakbang para sa klase.

Sabihin: Kapag may nais tayong sulatin o baybayin na salita, ito ang
mga hakbang na maaari nating sundin. Gagamitin kong halimbawa ang
salitang dagat. Sabihin nga natin: dagat.

a. Sabihin muli ang salita nang marahan. Da-gat. Da-gat.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
66 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

b. Pakinggan at tukuyin ang mga tunog na bumubuo sa salita. TALAAN


Halimbawa: d-a-g-a-t.
c. Isipin kung ano ang letra na katunog. Halimbawa: d letrang “D,” a
letrang “A,” g letrang “G,” a letrang “A,” at t letrang “T.”
d. Isulat ang mga letra na katunog. Isusulat ko dito sa pisara: d-a-g-a-t.
e. Pagmasdan ang nabuong salita at tingnan kung pamilyar o mukhang
tama ang pagkabaybay. (Ituro ang salita sa pisara) Dagat. Dagat.
Mukha bang tama ang pagkabaybay ko ng salita? Mababasa ba ninyo
ang salitang ito?

Sabihin: Ngayon, kayo naman ang magsasagawa ng mga hakbang


na ito dito sa pisara. Mas mahaba nang bahagya kaysa sa ginamit
kong salita ang babaybayin ninyo. Tandaan ninyo ang mga hakbang na
ipinakita ko.

• Hatiin sa tatlong hanay ang pisara. Papuntahin ang tatlong


mag-aaral sa harapan at ipuwesto sila sa bawat bahagi ng pisara.
Ipabaybay sa kanila sa pisara ang babanggitin ninyong salita.

PY
Ipasulat din sa mga nakaupong mag-aaral ang salitang babanggitin.
Matapos nilang magsulat sa pisara, ipakita ang wastong
pagkabaybay ng salita sa isang flash card. O
• Tumawag ng tatlong bagong mag-aaral upang ibaybay ang susunod
na salita. Gawin muli ang pagpapasulat at pagpapakita ng tamang
C
baybay sa flash card. Gawin ito hanggang maubos ang mga salita
sa listahan.

• Mga salitang ipababaybay: malaki, malansa, mabaho, makintab,


D

matambok, mahaba, matinik, madulas, manipis, matulis,


maliit.
E

Itanong: Sumubok tayong magbaybay ng mga salitang naglalarawan


EP

na may tatlong pantig. Ilan sa mga salitang ito ang naibaybay ninyo
nang tama sa unang pagsubok? Sa anong salita kayo nahirapang
magbaybay? Paano ninyo binaybay ang salita?
D

• Gamitin ang talakayan tungkol sa mga salitang hindi nila naibaybay


nang tama upang alamin kung saan nahihirapan ang mga mag-aaral
o upang ipaliwanag ang mga hakbang sa pagbabaybay. Halimbawa,
maaaring mapansin mula sa mga pagkakamali na nalilito ang
mag-aaral sa letra na katapat ng tunog k—maaari itong isulat
gamit ang letrang “k,” at minsan naman ay isinusulat ito gamit ang
letrang “c.”

• Ipaalalang muli ang mga hakbang sa pagbabaybay. Banggitin din


na ang isang mainam na paraan upang malaman kung ano ang
tamang baybay ng isang salita ay ang madalas na pagbabasa. Kapag
madalas ang pagbabasa, mas nagiging pamilyar tayo kung paano
isinusulat o ibinabaybay ang isang salita. Hikayatin ang mga
mag-aaral na magbasa ng madalas ng iba-ibang babasahin: libro,
poster, magasin, diyaryo, mga salita sa paligid, mga salita sa tatak
ng mga produkto, at iba pa.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 67
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

3
TALAAN
PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ano ang paborito


ninyong isda at bakit? Pag-isipan ang tanong na ito at maghanda sa
pagbabahagi bukas.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng


may akda ng tekstong napakinggan o nabasa

• F1PP-IVd-4.1 Nababasa ang mga salita gamit ang palatandaang konpigurasyon

PY
1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN
O
• Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi tungkol sa ibinigay
na takdang-aralin. Ano ang kanilang paboritong isda at bakit?
C
Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi tungkol sa
paksang ito. Maaari nilang gamitin ang panimulang ito:
D

________ ang paborito kong isda dahil ____________.


E
EP

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang lubos na


magabayan ang mga mag-aaral sa ipinagagawang pagbabahagi.

Halimbawa:
D

“Galunggong ang paborito kong isda dahil hindi ito masyadong


matinik at madali itong lutuin.”

• Papuntahin sa harapan ng klase ang mga mag-aaral na maglalahad


ng kanilang ideya. Pumili ng mga mag-aaral na hindi pa gaanong
nakapagsasalita sa harapan.

2 PAKIKINIG SA TEKSTO

• Iugnay ang paksa ng bahaginan sa susunod na gawain.

Sabihin: Iba-iba ang mga nabanggit na isda sa ating bahaginan. Pero


alam ba ninyo kung alin ang pinakamalaking isda sa buong mundo? Ano
ang hula ninyo?

• Kumuha ng ilang sagot mula sa mga mag-aaral. Ipaalam sa klase


na ang pinakamalaking isda sa buong mundo ay ang butanding.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
68 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

Pagkatapos, ipakita ang pabalat ng librong Si Bing, ang Munting TALAAN


Butanding.

Sabihin: Ano nga ang pamagat nitong librong binasa natin tungkol sa
isang butanding? Basahin nga ninyo. (Ituro ang mga salita habang
binabasa ng mga mag-aaral.) Saan nakatira si Bing?
Taga-Pilipinas ba si Bing o taga-ibang bansa?

• Kumuha ng mga sagot mula sa klase. Gabayan ang mga mag-aaral


sa pag-alam na ang Sorsogon ay isang probinsiya ng Pilipinas, kung
kaya’t si Bing ay taga-Pilipinas.

Sabihin: Bukod sa pagiging pinakamalaking isda sa buong mundo,


marami pang nakatutuwa at nakamamanghang impormasyon tungkol
sa mga butanding. Sa huling mga pahina ng librong Si Bing, ang
Munting Butanding, may makikita tayong mga talata na nagbibigay
ng karagdagang impormasyon tungkol sa isdang ito. Babasahin ko ang
tekstong ito ngayon. Pero bago tayo magsimula, isipin muna ninyo kung
ano ang mga nais ninyong malaman tungkol sa mga butanding. Ano ang

PY
mga tanong ninyo tungkol sa butanding na nais ninyong malaman mula sa
tekstong babasahin ko?

• Isulat sa pisara ang mga babanggiting katanungan ng mga


O
mag-aaral.

Halimbawa:
C
“Gaano kalaki ang butanding? Balyena ba ang butanding? Saan
pang bansa makikita ang mga butanding? Ano ang kinakain ng
D

mga butanding?”

• Basahin ang mga tanong na isinulat sa pisara. Hikayatin ang mga


E

mag-aaral na makinig nang mabuti at tingnan kung may sagot ang


EP

babasahing teksto sa mga tanong na ito.

3 HABANG BINABASA ANG TEKSTO


D

• Buksan ang aklat sa pp. 18–19 at basahin ang teksto nang malakas.
Huminto pagbasa sa ilang takdang bahagi/talata upang palalimin
ang pag-unawa at pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng “Whale Shark Fun Facts”


Itanong: Ano ang tawag sa butanding sa wikang Ingles?

Huminto pagkabasa ng “Ang butanding ay hindi talaga


balyena…”
Itanong: Ayon sa teksto, balyena ba ang butanding o isang uri ng pating?

Huminto pagkabasa ng “Ang butanding ang


pinakamalaking isda…”
Itanong: Saan inihalintulad ang sukat ng butanding? Gaano kalaki ang
40 talampakan?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 69
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Huminto pagkabasa ng “Halos 3,000 ang dami ng


ngipin…”
Itanong: Ano raw ang kinakain ng mga butanding?

Huminto pagkabasa ng “Mabagal lumangoy…”


Itanong: Bakit kaya mabagal lumangoy ang mga butanding?

Huminto pagkabasa ng “Ang mga marka ng butanding ay


walang kaparis…”
Itanong: Napagmasdan na ba ninyo ang thumbprint ninyo? Magkaiba
ang thumbprint ng bawat tao—wala itong eksaktong katulad. Paano raw
ito katulad ng mga marka ng butanding?

Huminto pagkabasa ng “Maaaring mabuhay ang


butanding ng 100…”
Itanong: Gaano katagal raw nabubuhay ang mga butanding?

Huminto pagkabasa ng “Hindi nangingitlog…”


Itanong: Paano raw nagkakaanak ang mga butanding?

PY
Huminto pagkabasa ng “Mahilig tumira ang mga
butanding sa mainit…”
Itanong: Sa anong uring klima o temperatura raw nabubuhay ang mga
butanding?
O
Huminto pagkabasa ng “Maamo ang mga butanding…”
C
Itanong: Gusto ba ninyong lumangoy kasabay ng butanding? Ano kaya
ang mararamdaman ninyo kapag magawa ninyo ito?
D

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA TEKSTO


E
EP

Itanong ang sumusunod upang talakayin ang teksto:

• Nasagot ba ang lahat ng tanong ninyo tungkol sa butanding? Ano


ang hindi pa nasagot ng teksto? Paano kaya natin makukuha ang
D

sagot sa mga natitirang tanong tungkol sa butanding?


• Aling bagay tungkol sa butanding ang ikinagulat ninyong
malaman?
• May iba pa bang tanong na nabuo sa inyong isipan habang
binabasa natin ang tekstong ito? Ano ang mga tanong na ito?
Paano ninyo mahahanap ang sagot sa mga tanong ninyo?
• Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa mga butanding ngayong
mas marami na kayong alam tungkol sa kanila?
• Paano kaya natin mapapangalagaan ang mga isdang katulad ng
butanding?

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magsulat ng isang


pangungusap tungkol sa butanding. Gamitin ang alin man sa mga
pariralang ito: tungkol sa, para sa, ayon sa, mula sa. Maghandang
ibahagi ang pangungusap sa klase bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
70 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

TALAAN
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IVd-f-7 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang kanilang takdang-aralin at gamitin


itong lunsaran para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Kahapon, may binasa tayong teksto na nagdagdag sa ating


kaalaman tungkol sa butanding. Bilang takdang-aralin, ipinasulat ko
kayo ng isang pangungusap tungkol sa butanding. Ipinagamit ko sa
inyo ang alinman sa mga pariralang ito: tungkol sa, para sa, ayon sa,
mula sa. Ang mga binuo ninyong pangungusap ang gagamitin ninyo sa
bahaginan natin ngayon. Tatawag ako ng ilang mag-aaral na maglalahad

PY
ng kanilang pangungusap dito sa harapan.

• Tumawag ng apat na mag-aaral na magbabahagi ng kanilang


pangungusap tungkol sa butanding. Isulat sa pisara ang kanilang
O
pangungusap. Salungguhitan ang mga pang-ukol: tungkol sa,
para sa, ayon sa, mula sa.
C
• Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga sinalungguhitang salita.
Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin at kung ano ang silbi ng mga
D

salitang ito.
E

Sabihin: Ginagamit ang mga salitang ito upang pag-ugnayin o


pagdugtungin ang mga bahagi ng isang pangungusap, upang mas
EP

maayos ang pagkakabuo nito. Halimbawa, tingnan natin kung ano


ang kalalabasan kung tanggalin natin ang mga salitang pang-ugnay na
katulad ng ayon sa o sa sa pangungusap na ito:
D

Ayon sa mga eksperto, ang butanding ang pinakamalaking isda


sa buong mundo.

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang pangungusap, ngunit takpan o


burahin ang mga nakasalungguhit na salita. Tanungin sila kung
tama ang tunog ng pangungusap kapag mawala ang mga salitang
pang-ugnay.

PAGSASANAY: PAGGAMIT NG SA/KAY, PARA


2 SA/PARA KAY, AYON SA/AYON KAY, TUNGKOL SA/
TUNGKOL KAY

• Ipagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa mga salitang pang-ugnay.


Isulat sa pisara ang mga salitang: sa/kay, para sa/para kay,
ayon sa/ayon kay, tungkol sa/tungkol kay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 71
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Nakasulat sa pisara ang ilan sa mga salitang pang-ugnay.


Basahin natin ang bawat isa.

• Gabayan ang klase sa pagbasa ng mga salitang pang-ugnay.


Pagkatapos, magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang
sumusunod na pangungusap:

Napunta sa bata ang naiwanang barya.


Napunta kay Anita ang naiwanang barya.

Para sa lalaki ang kantang ito.


Para kay Lito ang kantang ito.

Ayon sa guro, bukas magaganap ang pagsusulit.


Ayon kay Gng. Bautista, bukas magaganap ang pagsusulit.

Tungkol sa isang butanding ang kuwento.


Tungkol kay Bing, ang munting butanding, ang kuwento.

Sabihin: Pagmasdan ang mga pangungusap na ito. Ano ang napapansin


ninyo? Magkahawig ba ang magkapares na pangungusap? Aling mga salita

PY
ang magkapareho. Alin ang naiiba?

• Basahin ang unang pares ng pangungusap at ipatukoy sa mga


O
mag-aaral kung anong mga salita ang naiiba. (Sagot: sa bata, kay
Anita) Basahin ang iba pang pangungusap at ipatukoy kung ano
ang mga salitang magkaiba sa dalawang pangungusap.
C
BRIDGING (Sagot: sa lalaki, kay Lito; sa guro, kay Gng. Bautista; sa isang
butanding, kay Bing)
D

Kung natalakay na sa
Sabihin: Batay sa mga pangungusap na ito, kailan ginagamit ang sa,
Mother Tongue ang at kailan ginagamit ang ay? Ano ang napapansin ninyo sa mga salita na
E

konsepto ng mga salitang kasunod ng salitang kay dito sa pisara? (Posibleng sagot: nagsisimula
EP

pang-ugnay, gamitin sa malaking letra, tumutukoy ng isang tiyak na tao)


itong lunsaran upang Sabihin: Sa mga pangungusap sa pisara, ang kasunod na salita ng sa
mas maunawaan ang mga ay hindi isang partikular o tiyak na tao o bagay. Karaniwan, ang salitang
D

kasunod ng sa (kung tao o bagay) ay sinisimulan ng maliit na letra. Sa


salitang pang-ugnay sa
kaso naman ng salitang kay, ang mga kasunod na salita ay sinisimulan ng
Filipino. malaking letra, at tumutukoy sa isang natatangi, tiyak, o ispesipikong tao o
bagay. Halimbawa: Para sa aso, para kay Tagpi. Ayon sa tatay, ayon kay
Tatay Luis. Mula sa kapatid, mula kay Ate Lisa.

TALAAN PARA SA GURO UPANG MAINTINDIHAN NG


MAG-AARAL ANG MGA SALITANG PANG-UGNAY

Kung sa tingin ninyo ay kailangan pa ng higit na paliwanag ng


mga mag-aaral, maaari din ninyong gamitin ang sumusunod:

• Ginagamit ang sa upang tukuyin ang lugar (tiyak man o


hindi/pantangi man o hindi) o ang tao/hayop na nagmamay-
ari ng isang bagay (walang tiyak na pangalan, pangngalang
pambalana).

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
72 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

TALAAN
Halimbawa:
sa Boracay, sa Sorsogon, sa bahay
sa iyo/sa kaniya, sa akin/sa guro (ang libro)

• Ginagamit ang kay upang tukuyin ang tiyak na tao/hayop na


nagmamay-ari ng isang bagay na may tiyak na pangalan.

Halimbawa:
kay Bing, kay Lito, kay Tagpi

• Ginagamit ang para sa upang tukuyin ang bagay na laan o


ibibigay sa tao/hayop na di-tiyak ang pangalan. Madalas itong
sinusundan ng maliit na titik.

Halimbawa:
para sa bata ang pagkain
para sa lalaki ang pagkain
para sa sundalo ang pagkain
para sa guro ang pagkain

PY
• Ginagamit ang para kay upang tukuyin ang bagay na laan o
ibibigay sa tao/hayop na may tiyak na pangalan. O
Halimbawa:
para kay Bing ang pagkain
para kay Tagpi ang bola
C
• Ginagamit ang ayon sa/kay upang sabihin muli ang sinabi ng
isang tao. Walang tiyak na pangalan sa ayon sa habang tiyak
D

naman ang pangalan sa ayon kay.


E

Halimbawa:
ayon sa nanay ayon kay Nanay Mila
EP

ayon sa bata ayon kay Lito


ayon sa guro ayon kay Mr. Cruz
ayon sa presidente ayon kay Pangulong Aquino
D

• Ginagamit ang tungkol kay kapag ang isang kilos o baya ay


tungkol sa iisang tiyak na tao. Ginagamit ang tungkol sa kapag
ang tinutukoy ay isang pook, pangyayari, o bagay.
Halimbawa:
tungkol sa ating kasaysayan tungkol kay Jose Rizal
tungkol sa bagyo tungkol kay Gng. dela Cruz
tungkol sa ating probinsiya tungkol kay Princess
tungkol sa eleksyon tungkol kay Bb. Ochoa

• Magsagawa ng pagsasanay upang malaman kung nakuha na ng mga


mag-aaral ang kaibahan ng sa at kay. Magpahanda sa bawat
mag-aaral ng dalawang pirasong papel. Isusulat nila sa isang papel
ang sa at isusulat nila sa kabilang papel ang kay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 73
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Isulat o ikabit sa pisara ang mga pangungusap na ito:


a. (Para sa/Para kay) Pangulong Aquino ang barong na ito.
b. (Mula sa/Mula kay) doktor ang gamot.
c. (Tungkol sa/Tungkol kay) Andres Bonifacio ang ginawa niyang
pelikula.
d. Uulan bukas, (ayon sa/ayon kay) tagapagsalita ng PAGASA.
e. Ibinigay (ko sa/ko kay) tindera ang aking bayad.

• Basahin ang bawat pangungusap sa klase. Ipataas sa mga mag-aaral


ang papel kung saan nakasulat ang napili nilang sagot sa bawat
pangungusap. Tanungin ang isang bata kung bakit niya pinili ang
sa o kay. Sabihin ang tamang sagot para sa bawat pangungusap
(burahin o takpan ang maling salita), at ipaliwanag kung bakit ito
ang tama.

3 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Makinig ng balita sa
radyo o telebisyon. Pakinggang mabuti at tukuyin ang mga salitang
O
pang-ugnay na ginamit sa napakinggang balita. Isulat ang isang
pangungusap na narinig mula sa balita na gumamit ng pinag-aralan
nating mga salitang pang-ugnay.
C
D

ARAW LAYUNIN
E

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari


EP

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
• F1WG-IVd-f-7 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol
D

• F1PY-IVd-2.1 Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat
na pantig

1 PANIMULANG GAWAIN: BALITAAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ipinagawang takdang-aralin.


Babanggitin muna nila ang paksa ng napakinggan o napanood
nilang balita. Pagkatapos, babasahin nila ang pangungusap na
narinig nila sa balita na gumamit ng mga salitang pang-ugnay.
Maaari nilang gamitin ang sumusunod na panimula sa kanilang
pagbabahagi:

Tungkol sa ____________ ang balitang narinig ko. Ito ang


pangungusap mula sa balita na gumamit ng salitang pang-ugnay:
“_________________________________________.”

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
74 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas maintindihan TALAAN


ng klase ang ipinagagawa.

Halimbawa:
“Tungkol sa pagbisita ni Pangulong Aquino sa Boston ang
balitang narinig ko. Ito ang pangungusap mula sa balita na
gumamit ng salitang pang-ugnay: ‘Ayon kay Pangulong Aquino,
ang mga panahong inilagi ng kanilang pamilya sa Boston ang
pinakamasayang panahon para sa kanya.’ ”

• Tumawag ng limang mag-aaral upang magbahagi tungkol sa


narinig nilang balita sa harapan ng klase. Tulungan sila sa pag-alala
ng mga salita mula sa panimula, at sa pagsasaayos ng kanilang
pangungusap, kung kinakailangan.

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG PANG-UGNAY


(NA AT NG)

PY
• Ipagpatuloy ang pagtuturo tungkol sa mga salitang pang-ugnay.
Isulat sa pisara ang mga salitang na at ng.

Sabihin: Katulad ng sa at kay, ginagamit ang dalawang salita na


O
isinulat ko sa pisara sa pag-uugnay ng mga salita sa isang pangungusap.
Basahin nga ninyo para sa akin ang dalawang salitang ito. Kailan
C
ginagamit ang mga salitang ito?

• Isulat sa pisara ang mga pangungusap sa ibaba upang ipakita kung


D

kailan ginagamit ang na at ng:


E

Ito ang damit na binili ko.


Maganda ba ang aklat na sinulat niya?
EP

Matamis ang bayabas na pinitas ko.


Naubos ang pansit na niluto niya.
Ako ang bumili ng damit.
D

Siya ang nagsulat ng aklat.


Ako ang pumitas ng bayabas.
Si Nanay Mila ang nagluto ng pansit.

• Basahin ang mga pangungusap kasabay ng mga mag-aaral. Lakasan


ang pagkakabanggit ng mga salitang na at ng.

Sabihin: Ginagamit ang na at ng sa mga pangungusap na ito bilang


pang-ugnay. Dito sa mga halimbawa natin, ginamit ang na at ng
upang pag-ugnayin ang salitang kilos sa isang pangalan. Kapag nauna
ang pangalan sa salitang kilos o salitang naglalarawan, ginagamit ang na.
Kapag nauna ang salitang kilos sa pangalan, ginagamit ang ng.

• Magsagawa ng pagsasanay. Magpaskil ng manila paper kung saan


nakasulat ang sumusunod:
a. Siya ang nagtahi (na/ng) damit.
b. Ito ang damit (na/ng) tinahi niya.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 75
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN c. Bumili (na/ng) tinapay ang nanay.


d. Naubos ang tinapay (na/ng) binili niya.
e. Maikli lamang ang aklat (na/ng) hiniram niya.
f. Siya ang humiram (na/ng) aklat.
g. Hawak niya ang pinggan (na/ng) nabasag.
h. Siya ang nakabasag (na/ng) pinggan.
i. Si Kuya ang nagpinta (na/ng) pader.
j. Pula ang pader (na/ng) pininta ni Kuya.

• Basahin isa-isa ang mga pangungusap. Ipasagot sa mga


mag-aaral kung ano ang wastong salita na gagamitin para sa bawat
pangungusap. Isusulat nila sa kanilang kuwaderno kung na o ng
ang dapat isagot sa bawat bilang. Tumawag ng limang mag-aaral
at ipabilog sa manila paper ang tamang salita. Iwasto ang kanilang
sagot kung kinakailangan.

• Bilang huling gawain, magdikta ng pangungusap na gumagamit ng


na at ng at ipasulat ito sa kanilang mga kuwaderno. Gamitin ito

PY
upang makapagbaybay ang mga mag-aaral ng salita na may tatlo
o apat na pantig. Ipasulat sa kanila ang sumusunod: Magbasa
ng aklat na isinulat para sa mag-aaral. Umikot sa buong klase
at pansinin kung kaya na ng mga mag-aaral ang pagbaybay ng
O
mahahabang salita.
C

3 PAGTATAPOS
D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magsulat ng isang


E

pangungusap tungkol sa pangangalaga ng kalikasan na gumagamit ng


EP

salitang na o ng. Halimbawa: Magtapon ng basura sa basurahan.


D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KP-IVd-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

• F1PN-IVd-6 Naiguguhit ang naibigang bahagi ng tulang napakinggan

1 PANIMULANG GAWAIN:
SABAYANG PAGBASA NG TULA

• Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang tula sa ibaba.


Basahin ang tula kasabay ng mga mag-aaral. Sa unang pagbasa,
ipabasa sa mga bata ang pamagat, at ang huling salita sa bawat

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
76 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 34

linya. Sa ikalawang pagbasa, hayaan ang mga mag-aaral na TALAAN


magbasa nang mag-isa.

“Butanding”

Alam natin na ang butanding


ay kamag-anak ng mga pating.
Gahiganteng laki,
malumanay pati,
itong isdang maamo ang dating.

• Talakayin ang binasang tula sa pamamagitan ng sumusunod na


tanong:
a. Tungkol saan ang tulang ito?
b. Ano ang sinasabi ng tula tungkol sa butanding?
c. Ano ang ibig sabihin ng linyang “maamo ang dating”?
d. Sang-ayon ba kayo na maamo ang dating ng mga butanding?

PY
Bakit/bakit hindi?
e. Ano pa ang ibang bagay o sino pa ang ibang tao na sa tingin
ninyo ay maamo ang dating?
O
2 PAGSASANAY: MGA SALITANG MAGKATUGMA
C

• Gamitin ang binasang tula sa pagtukoy ng mga salitang


D

magkatugma. Ipaalala sa mga mag-aaral ang konsepto ng salitang


magkatugma.
E

Sabihin: Nagustuhan ba ninyo ang tula tungkol sa butanding? Ano


EP

ang napansin ninyo tungkol sa mga salita sa dulo ng bawat linya?


Ano ang tawag natin sa mga salita na magkapareho ang huling tunog?
Tama. Ang mga salita na may parehong huling tunog ay mga salitang
D

magkatugma. Alin ang magkakatugmang salita sa kababasa lang


natin na tula?

• Isulat sa pisara ang mga tutukuying salitang magkatugma ng mga


mag-aaral: butanding-pating-dating; laki-pati.

• Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip ng iba pang salita na


katugma ng mga salitang ito. Isulat ang mga isasagot nilang salita
sa porma ng talahanayan.

Halimbawa:

Katugma ng butanding Katugma ng laki


lambing saksi
singsing kati
hatsing dati
matsing hati

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 77
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Dahil hindi pa lubusang nakababasa o
nakapagsusulat ang mga mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang
pagtatasa sa maliliit na pangkat ng 5–10 bata. Itanong sa mga
mag-aaral ang sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Baybayin/isulat sa pisara ang sumusunod na salita: karagatan,


kalikasan, malalim, alagaan, paglilinis
–– Magbigay ng isang bagay na natutunan mo tungkol sa butanding
mula sa impormasyong binasa natin ngayong linggo.
–– Aling salita sa bawat grupo ang magkatugma?
(1) apat-noong-sapat
(2) mula-bula-pating

PY
(3) linis-ilog-kinis
(4) mali-dagat-kagat
(5) isda-pato-bato
O
• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa
kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
C
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
salitang magkatugma, ngunit hindi pa sa pagbaybay.
D

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


E

kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag


na gabay o tulong.
EP

• Habang kinakausap ng guro ang isang grupo, nagsusulat at


gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
D

mag-aaral. (Gawain 3b)

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipasulat sa kuwaderno ng mga naghihintay na mag-aaral ang tulang
“Butanding.” Magpaguhit din ng larawan upang ipakita ang mga
bagay na tinutukoy ng tula.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Tanungin ang inyong


magulang kung ano ang dapat gawin upang iwasan ang kagat ng
lamok at ang pagdami ng lamok sa inyong bahay. Maghandang
magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
78 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

ARALIN

35
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PAGPAPANATILI SA KALINISAN


NG ATING KAPALIGIRAN
E

READ ALOUD STORY: HANDOG KAY ISABELLA


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 79
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 35

Tema: Pagpapanatili sa Kalinisan ng Ating Kapaligiran


Read Aloud Story: Handog kay Isabella
(Kuwento ni Luis P. Gatmaitan, M.D. at Guhit ni Ferdinand Guevara)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IVd-f-7 • Bahaginan
Nagagamit nang wasto ang mga
pang-ukol

PY
O
C
KM • F1KM-IVe-2 • Pagpapaunlad ng talasalitaan
Naisusulat nang may wastong
D

baybay at bantas ang salita/


1 pangungusap na ididikta
E
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
80 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ang mga halimbawang pangungusap bilang
ng kanilang personal na karanasan gabay

• Pag-ugnay ng bahaginan sa takdang-aralin • Pakikinig sa panuto mula sa guro

• Pagbibigay ng halimbawang panimula • Paggamit ng halimbawang panimula

• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Paglalahad ng kanilang mensahe mula sa

PY
takdang-aralin
• Pakikinig sa paglalahad ng mag-aaral
• Pagpansin sa isinusulat ng guro sa pisara
• Pagsulat ng mga bahagi ng pangungusap na
gumamit ng salitang pang-ugnay • Pagsagot sa tanong ng guro tungkol sa gamit
O
ng salitang pang-ugnay
• Pagpapaalala sa mag-aaral tungkol sa gamit ng
C
salitang pang-ugnay
• Pagpapakilala sa mga salitang pag-aaralan • Pagsabay sa guro sa pagbasa ng salita
D

• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga salita • Pakikinig sa pangungusap na gumagamit ng


salita
• Pagbasa ng pangungusap na gamit ang salita
E

• Pagsagot sa mga tanong ukol sa pangungusap


• Pagtatanong tungkol sa pangungusap at salita
EP

at salita
• Pagsulat ng salita at kahulugan nito sa pisara
• Pagpansin sa isinusulat ng guro sa pisara
• Pagpapasipi sa klase ng talasalitaan
D

• Pagsipi sa talasalitaan
• Pagdikta ng pangungusap na gumagamit ng
• Pakikinig sa pangungusap na idinidikta ng guro
ilang salita mula sa talasalitaan at pagpapasulat
nito sa mga mag-aaral • Pagsulat sa idiniktang pangungusap
• Pag-ikot sa klase upang obserbahan ang • Pagpansin sa wastong pagkakasulat ng
pagsusulat ng mag-aaral pangungusap sa pisara

• Pagsulat ng pangungusap sa pisara upang


makita ng klase ang wastong baybay at bantas
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 81
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IVe-9 • Read Aloud Story: Handog Kay
Nahuhulaan ang susunod na Isabella
mangyayari sa napakinggang
kuwento
2 PL • F1PL-0a-j-5
Naipakikita ang pagtanggap sa mga
ideya ng nabasang akda/teksto

PP • F1PP-Ivc-e-1.1 • Pagbuo ng mensahe gamit ang mga


Nasasabi ang mensaheng nais salitang pang-ugnay
ipabatid: babala o paalala
WG • F1WG-IVd-f-7
Nagagamit nang wasto ang mga
pang-ukol

PY
O
C
E D
EP

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
D

PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
82 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagtatanong bago basahin ang kuwento • Pagsagot ng tanong bago simulan ng guro
ang pagbabasa
• Pagbasa sa kuwento
• Pakikinig sa pagbabasa ng guro
• Pagtatanong habang binabasa ang kuwento
• Pagsagot sa tanong ng guro habang binabasa
• Pagtatanong tungkol sa kuwento matapos ng
ang kuwento
pagbabasa
• Pagsagot sa tanong at paglahok sa talakayan
matapos basahin ang kuwento
• Pagpaskil ng mga salita na gagamitin ng klase sa • Pagbasa ng salita sa listahan
pagbubuo ng mensahe
• Pakikinig sa panuto para sa gawain
• Pagpapabasa sa mag-aaral ng listahan
• Pagmasid sa mga salitang pang-ugnay na
• Pagbibigay ng panuto tungkol sa pagbubuo ng maaaring gamitin kasama ng naunang listahan
mensahe ng salita

• Pagsulat sa pisara ng mga gagamiting salitang • Pakikinig sa halimbawang mensahe

PY
pang-ugnay
• Pagbubuo at pagsulat ng sariling mensahe
• Pagbibigay ng halimbawa ng mensahe
• Paglalahad ng isinulat na mensahe
O
• Pag-ikot sa klase upang obserbahan ang
• Pagbasa ng mga mensahe sa pisara
pagsusulat
C
• Pagtawag ng ilang mag-aaral upang ilahad ang
kanilang nabuong mensahe
D

• Pagsulat ng ibabahaging mensahe ng napiling


mag-aaral
E

• Paggabay sa mga mag-aaral na basahin ang mga


EP

mensaheng isinulat sa pisara


PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
D

* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 83
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PS • F1PS-IVe-3.8.3 • Bahaginan: Obserbasyon tungkol
Nakasasali sa isang usapan tungkol sa paggamit ng mga basurahan sa
sa isang pangyayaring naobserbahan paaralan
sa loob ng paaralan

KM • F1KM-IVe-2 • Read Aloud Story: Handog Kay


Naisusulat nang may wastong Isabella
baybay at bantas ang salita/
pangungusap na ididikta
4

PY
O
C

PP • F1PP-Ivc-e-1.1 • Pagbasa ng babala


D

Nasasabi ang mensaheng nais


ipabatid: babala o paalala
E
EP

5
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
84 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapaala tungkol sa ipinagawang • Pagsagawa ng takdang-aralin mula sa nakalipas
takdang-aralin na araw

• Pagtatanong tungkol sa mga bagay na • Pakikinig at pagsagot sa mga tanong ng guro


naobserbahan

• Pagtawag ng mga mag-aaral upang sagutin


ang mga tanong
• Pagpapakita ng ilang pahina ng aklat upang • Pagmasid sa larawan
gabayan ang mag-aaral sa pagsalaysay ng ilang
• Pagbanggit ng mga pangyayari at detalye
pangyayari at detalye mula sa kuwento
na natatandaan mula sa kuwento batay sa
• Pagtatanong tungkol sa kuwento pahinang pinagmamasdan

• Pagdikta ng pangungusap na nagsasaad ng isang • Pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento


mensahe mula sa kuwento na ipasusulat sa at paglahok sa talakayan
mag-aaral
• Pakikinig sa pangungusap na babaybayin/

PY
• Pag-ikot sa klase upang pagmasdan ang susulatin
kakayanan sa pagsulat ng mga mag-aaral
• Pagsulat ng idiniktang pangungusap sa
• Pagsulat ng pangungusap sa pisara matapos kuwaderno
magsulat ang mga bata upang ipakita ang
O
• Pagmasid sa tamang pagkakasulat ng
tamang pagbaybay at bantas
pangungusap at pagwawasto ng ginawa kung
C
kailangan
• Pagpapakita ng poster tungkol sa pag-iwas sa • Pagmasid sa poster
D

dengue
• Pagbasa sa pamagat
• Pagpapabasa sa mag-aaral ng pamagat ng
E

• Pagsagot sa mga tanong tungkol sa larawan


poster
EP

• Pakikinig sa pagbasa ng guro at pagsagot sa


• Pagtatanong tungkol sa larawan sa poster
mga katanungan pagkatapos ng pagbasa
at ang ipinapahiwatig nito tungkol sa mga
hakbang at impormasyon laban sa dengue
D

• Pagbasa ng mga hakbang para sa klase


at pagtatanong tungkol dito
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 85
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IVd-f-7 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol

• F1KM-IVe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang


salita/pangungusap na ididikta

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin noong


nakaraang linggo. Gamitin itong paksa para sa bahaginan.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, ipinatanong ko sa inyong magulang


kung ano ang dapat gawin upang iwasan ang kagat ng lamok at ang
pagdami ng lamok sa inyong bahay. Bakit ba dapat iwasan ang pagdami

PY
ng lamok? Ano ang posibleng mangyari kung makagat tayo ng lamok?
(Maghintay ng sagot.) Tama. Maaari tayong magkasakit. Kaya
kailangan nating iwasan ang pagdami nito. Ito ang paksa ng bahaginan
natin ngayon. Gamitin ninyo ang impormasyong nakuha ninyo mula sa
O
inyong magulang. Puwede ninyong gamitin ang halimbawang panimulang
ito:
C
Upang iwasan ang pagdami ng lamok sa ating bahay,
dapat _________________________________.
E D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas maintindihan


ng klase ang ipinapagawa. Halimbawa: “Upang iwasan ang
EP

pagdami ng lamok sa ating bahay, dapat itapon ang mga basyong


bote na may laman pang tubig upang hindi ito pamuhayan ng
lamok.”
D

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang maglahad ng kanilang ideya


sa harapan ng klase. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang
pangungusap kung kinakailangan.
• Pakinggan ang mga pangungusap at isulat ang mga bahagi nito na
gumagamit ng salitang pang-ugnay sa pisara. Halimbawa: pagdami
ng lamok, sa ating bahay, bote na may laman. Salungguhitan ang
mga salitang pang-ugnay at ipaalala sa mga mag-aaral kung ano ang
silbi ng mga ito. Magpabuo ng iba pang parirala tungkol sa paglinis
ng kapaligiran na gumagamit ng salitang pang-ugnay.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Iugnay ang ginawang bahaginan sa tema sa linggong ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
86 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

Sabihin: Katulad ng binanggit sa ating bahaginan, dapat nating TALAAN


linisin ang ating kapaligiran upang iwasan ang lamok at iba pang
nagdadala ng sakit. Ito ang tema natin para sa linggong ito—Ang
Pagpapanatili ng Kalinisan sa Ating Kapaligiran. Tungkol sa
temang ito ang kuwentong babasahin natin bukas. Pag-aaralan natin ang
ilang salita na mababasa natin sa kuwento bukas.

• Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tututukan para sa araw


na ito: humupa, dengue, pangontra, imburnal, platelet.

• Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbasa ng mga salitang


pag-aaralan. Ituro ang salita habang binabasa.

Sabihin: Alin sa mga salitang ito ang narinig na ninyo? May salita
ba rito na alam ninyo ang ibig sabihin? (Maghintay ng sagot.)
Alamin natin ang kahulugan ng mga salitang ito. Gagamitin ko ang
mga salita sa pangungusap, at sabihin ninyo kung ano ang ibig sabihin.

Sabihin: Nang humupa ang baha, nakapaglakad na rin kami


sa kalye.

PY
Itanong: Nakaranas na ba kayo ng baha? Ano ang kailangang
mangyari sa tubig-baha upang makapaglakad tayo sa kalye? Batay dito,
ano kaya ang ibig sabihin ng humupa?
O
Isulat: humupa – bumaba

Sabihin: Naospital ang kaklase ko dahil kinagat siya ng lamok


C
at nagkaroon ng dengue.
Itanong: Bakit naoospital ang mga tao? Napupunta ba ang lahat ng may
D

sakit sa ospital? Anong uri ng sakit ang magdadala sa inyo sa ospital?


Anong klaseng sakit ang dengue?
E

Isulat: dengue – ang nakamamatay na sakit na dulot ng pagkagat


ng lamok
EP

Sabihin: Ayon sa kasabihan, mainam na pangontra sa sakit ang


ampalaya.
Itanong: Ano ang salita na nasa loob ng salitang pangontra? Kapag
D

kontra tayo sa isang bagay, pabor ba tayo dito? Ano ang ibig sabihin ng
pangontra?
Isulat: pangontra – panlaban

Sabihin: Dahil punong-puno na ng basura at dumi mula sa paligid,


barado na ang imburnal.
Itanong: Ano ang kinalaman ng basura at dumi sa imburnal?
Bakit kaya ito nababara? Ano ang ibig sabihin ng imburnal?
Isulat: imburnal – ang pinagdadaluyan ng dumi

Sabihin: Sinuri ng doktor ang kaniyang dugo upang alamin kung gaano
karami ang platelet.
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang platelet? Ano pang salitang
Ingles ang kahawig nito? Ano ang sinuri ng doktor para mabilang ang
platelet?
Isulat: platelet – ang bahagi ng dugo na tumutulong sa pagsasara
ng sugat

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 87
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para sa araw na ito:

a. humupa – bumaba
b. dengue – nakamamatay na sakit na dulot ng pagkagat ng lamok
c. pangontra – panlaban
d. imburnal – pinagdadaluyan ng dumi
e. platelet – bagay na bahagi ng dugo

• Ipasulat sa mga mag-aaral ang isang pangungusap na gumagamit


ng ilang salita mula sa talasalitaan. Idikta ang sumusunod at
ipasulat ito sa kuwaderno ng mga mag-aaral:

Mababa ang bilang ng platelet ng mga taong may sakit na


dengue.

• Matapos makapagsulat ng mga mag-aaral, isulat din ang


pangungusap sa pisara upang makita nila ang tamang baybay.

PY
Papansinin sa mga mag-aaral ang mga salita sa pangungusap. Alin
sa mga salitang ito ang salitang pang-ugnay? Tumawag ng bata para
salungguhitan ang mga salitang pang-ugnay.
O
3 PAGTATAPOS
C

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Papalakpakin ang mga


mag-aaral nang malakas kung lubusang sumasang-ayon sa
D

pangungusap, mas mahina ang palakpak kung hindi lubusang


sumasang-ayon, at hindi papalakpak kung hindi sumasang-ayon.
E

Banggitin ang sumusunod:


EP

• Alam ko na ang ibig sabihin ng dengue at kaya ko itong gamitin


sa sariling pangungusap.
• Alam ko na ang ibig sabihin ng platelet at kaya ko itong gamitin
D

sa sariling pangungusap.
• Alam ko na ang ibig sabihin ng humupa at kaya ko itong gamitin
sa sariling pangungusap.
• Alam ko na ang ibig sabihin ng imburnal at kaya ko itong gamitin
sa sariling pangungusap.
• Alam ko na ang ibig sabihin ng pangontra at kaya ko itong
gamitin sa sariling pangungusap.
• Alam ko na kung kailan dapat gamitin ang na, ng, at sa.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
88 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

TALAAN
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IVe-9 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang


kuwento

• F1PL-0a-j-5 Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng nabasang


akda/teksto

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang tema para sa linggo at gamitin itong


paksa ng bahaginan.

Sabihin: Natatandaan pa ba ninyo ang tema natin ngayon?


Pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ang tema natin ngayong

PY
linggo. Bakit mahalaga ang kalinisan sa ating paligid? Ano ang
nakukuha natin mula sa malinis na kapaligiran? Ito ang paksa ng ating
bahaginan. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimulang ito:O
Kapag malinis ang kapaligiran, _____________________.
C

• Magbigay ng halimbawang pangungusap: “Kapag malinis ang


kapaligiran, mas maganda ang ating komunidad. Kapag malinis ang
D

kapaligiran, mabango ang simoy ng hangin.”


E

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang


ideya sa buong klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang
EP

pangungusap.

2
D

PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG


SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salita na pinag-aralan kahapon.

Sabihin: Kahapon, may tinalakay tayong mga salita na maririnig sa


kuwento natin ngayong araw. Balikan natin ang mga salitang ito at
ang kanilang kahulugan. Babasahin ko ang bawat salita; sabihin ninyo
ang salitang kasingkahulugan nito: humupa, dengue, pangontra,
imburnal, platelet.

b. Pagganyak
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita


ninyo sa larawan? Bakit kaya may laso ang kahon? Para saan kaya

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 89
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN ang ganitong uri ng kahon? (Maghintay ng ilang kasagutan.)


Ano naman itong pulang bagay na nasa loob ng kahon? (Maghintay ng
ilang kasagutan.)

Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay Handog


kay Isabella. Isinulat ito ni Luis Gatmaitan at iginuhit ni Ferdinand
Guevara. Sa palagay ninyo, batay sa larawan at pamagat, tungkol saan
kaya ang kuwentong ito? Ano kaya ang kinalaman nito sa ating tema
ngayong linggo?

c. Pangganyak na Tanong
Habang nakikinig kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong na ito:
Ano kaya ang kinalaman ng regalo na nasa pabalat ng libro sa kuwento?
Ano kaya ang inihandog kay Isabella?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

PY
• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto pagkabasa
ng ilang takdang pahina upang palalimin ang pag-intindi at
pakikinig ng mga mag-aaral.
O
Huminto pagkabasa ng p. 2
C
Itanong: Gaano raw kataas ang baha? Ano ang ipinalagay na dahilan
ng bata kung bakit may baha?
D

Huminto pagkabasa ng p. 6
Itanong: Sino si Isabella? Ano ang nangyari sa kaniya?
E

Huminto pagkabasa ng p. 7
EP

Itanong: Ano raw ang mga sintomas na naramdaman ni Isabella?


Ano kaya ang sakit niya?

Huminto pagkabasa ng p. 8
D

Itanong: Ano ang ilang binanggit dito na paraan upang makaiwas


sa dengue?

Huminto pagkabasa ng p. 11
Itanong: Ano ang hitsura ng lamok na nagdadala ng dengue? Saan daw
ito nakatira?

Huminto pagkabasa ng p. 13
Itanong: Ano ang hiniling ng bata sa kaniyang tatay at mga tiya na
tulong para kay Isabella? Ano ang ibig sabihin ng salitang mag-donate?
Ano kaya ang mangyayari kay Isabella?

Huminto pagkabasa ng p. 16
Itanong: Gumaling ba si Isabella? Ano ang naisip niyang gawin nang
marinig niya ang inihandog na tulong sa kaniya ng kanilang komunidad?

Huminto pagkabasa ng p. 18
Itanong: Ano ang ginagawa ng mga tagabarangay dito sa larawan?
Ano ang kinalaman nito sa pag-iwas sa dengue?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
90 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

4
TALAAN
TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtanong ng


sumusunod:

• Ano ang binanggit na handog kay Isabella sa pamagat ng libro?


• Bakit kinailangan ni Isabella ng dugo? Bakit siya nagkasakit?
• Ano ang pagkakaugnay ng baha at pagdami ng lamok sa kalagayan
ng kapaligiran?
• Ano ang ilang bagay na ginawa ng komunidad upang hindi sila
muling pamuhayan ng lamok at pagmulan ng dengue?
• Nagkaroon na ba ng kaso ng dengue sa inyong komunidad?
May kakilala ba kayong nagkaroon na ng dengue katulad
ni Isabella? Ano ang nangyari sa kanila?
• Ano ang dapat gawin upang labanan ang pagkalat ng dengue?
• Sang-ayon ba kayo sa mga paalala ng kuwento tungkol sa paglilinis
ng kapaligiran? Bakit?

5
PY
PAGTATAPOS O
C
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magsulat ng isang
mensahe tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
Magpatulong sa inyong kapamilya kung kailangan. Maghandang
D

magbahagi tungkol dito bukas.


E
EP

LAYUNIN ARAW
D

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PP-Ivc-e-1.1 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid: babala o paalala

• F1WG-IVd-f-7 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin bilang lunsaran para sa bahaginan.


Patayuin ang buong klase. Lilibot sila at babanggitin sa isa’t isa
ang isinulat nilang mensahe tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan
sa kapaligiran. Hahanapin nila ang iba pa nilang kaklase na may
katulad na mensahe. Bubuo sila ng grupo ng mag-aaral na
pare-pareho ang isinulat. Matapos mabuo ang mga pangkat ng mga
bata, ipalahad sa bawat pangkat ang kanilang mensahe. Tanungin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 91
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN sila kung bakit makatutulong sa kapaligiran ang kanilang mensahe.


Paupuin muli ang mga mag-aaral matapos magbahaginan.

2 PAGSASANAY: PAGBUO NG MENSAHE GAMIT


ANG MGA SALITANG PANG-UGNAY

• Magkabit ng manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod


na salita na may kaugnayan sa tema para sa linggong ito:

a. sakit
b. baha
c. malinis
d. kapaligiran
e. komunidad
f. basura

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salita sa listahan. Sabihin sa

PY
kanila na gagawa sila ng bagong mensahe gamit ang mga salitang
ito at mga salitang pang-ugnay. Isulat ang pagpipilian nilang mga
parirala na may salitang pang-ugnay sa pisara: sa, ng, na, kay,
para sa, laban sa, handog kay, tungkol sa, dahil sa.
O
• Magbigay ng halimbawang mensahe na gumagamit ng pang-ukol
C
at ng salita mula sa listahan.

Halimbawa:
D

“Itapon ang basura sa tamang lalagyan bilang handog kay Inang


Kalikasan.”
E

• Bigyan ang mga mag-aaral ng limang minuto upang mag-isip at


EP

isulat sa kanilang kuwaderno ang kanilang mensahe. Umikot sa


klase upang masdan ang pagsulat ng mga mag-aaral at tulungan sila
kung kinakailangan.
D

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng mga mag-aaral upang


ilahad ang kanilang mensahe sa buong klase. Kapag nagamit na ng
isang naglahad na mag-aaral ang isang salita mula sa manila paper,
subukang tumawag ng mag-aaral na gumamit ng ibang salita. Isulat
ang kanilang mensahe sa pisara; iwasto ang pangungusap kung
kinakailangan.

• Gabayan ang klase sa pagbasa ng mga mensahe na nakasulat sa


pisara. Lakasan ang pagbasa ng mga salitang pang-ugnay (sa, ng,
na, kay.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
92 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

TALAAN

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pagmasdan ang lugar


sa paaralan kung saan nakalagay ang mga basurahan. Obserbahan
nang mabuti ang nangyayari dito. Maghandang magbahagi tungkol
dito bukas.

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

PY
• F1PS-IVe-3.8.3 Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang pangyayaring
naobserbahan sa loob ng paaralan

• F1KM-IVe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang salita/


pangungusap na ididikta
O
C

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


D

• Ipaalala ang ipinagawang takdang-aralin at gamitin itong paksa ng


E

bahaginan.
EP

Sabihin: Nagawa ba ninyo ang takdang-aralin kahapon?


Naobserbahan ba ninyo ang lugar dito sa paaralan kung saan
nakalagay ang mga basurahan? Ginagamit ba ng mga guro at mag-
D

aaral dito sa paaralan ang mga basurahan? Ano ang naobserbahan ninyo?
Ito ang paksa ng ating bahaginan ngayong araw.

• Tanungin ang sumusunod upang gabayan ang pagbabahagi ng mga


mag-aaral:

a. Nasaan ang mga basurahan dito sa paaralan?


b. Ano-ano ang napansin ninyong tinatapon sa basurahan?
c. Ilan ang basurahan dito sa paaralan?
d. Ano pa ang ibang naobserbahan ninyo sa paggamit ng mga guro
o mag-aaral sa basurahan?
e. Sa palagay ninyo, bakit mahalaga ang basurahan?
f. Ano ang kaugnayan nito sa tema natin ngayong linggo?

• Tumawag ng mga mag-aaral upang sagutin ang mga katanungan.


Tulungan silang isaayos ang porma ng kanilang pangungusap kung
kinakailangan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 93
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

2 PAGBABALIK-ARAL: HANDOG KAY ISABELLA

• Ipakita ang pabalat ng aklat na Handog kay Isabella. Tumawag ng


ilang mag-aaral upang magsalaysay nang ilang pangyayari mula sa
kuwento.

• Buksan ang aklat sa pp. 18 – 19. Ipakita ang larawan ng komunidad


na naglilinis ng kanilang kapaligiran. Lumapit sa ilang mag-aaral at
ipaturo sa kanila kung saan sa larawan ang: basurahan, imburnal,
lumang gulong, kanal.

Sabihin: Sa bahaging ito ng kuwento, tinalakay ng komunidad ang


maaari nilang gawin para hindi na pamuhayan ng lamok ang kanilang
barangay. Naaalala pa ba ninyo kung ano ang mga binanggit nilang
hakbang? Basahin natin dito sa pahinang ito.

• Ipabasa sa buong klase ang mga hakbang na nakasulat sa listahan.


Ituro ang bawat salita habang binabasa ng klase. Pansinin kung

PY
aling salita ang hindi pa nila lubusang mabasa at tulungan sila
sa pagbasa nito. Magbigay ng tanong o pahiwatig, halimbawa:
“Anong letra ito? Ano ang tunog ng letrang ito?”
O
• Matapos basahin ang bawat hakbang, tanungin sila kung paano
makatutulong ang hakbang na nabanggit sa pag-iwas sa pagdami
C
ng lamok at pagkalat ng dengue.

Halimbawa, maaaring itanong:


D

a. Bakit importante na walang bara ang kanal? Ano ang mangyayari


kung hindi dumadaloy ang tubig sa kanal?
E

b. Bakit puwedeng pamahayan ng lamok ang gulong, lata, at bote?


c. Ano ang nangyayari sa paligid pagkatapos umulan o bumaha na
EP

puwedeng pagsimulan ng lamok?


d. Bakit mahalagang maglinis ng bakuran?
D

• Ipasulat sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang sumusunod


na pangungusap na ididikta sa kanila: Kapag malinis ang
kapaligiran, dengue ay maiiwasan. Umikot sa buong klase
habang nagsusulat ang mga mag-aaral upang tingnan kung
nasusulat nila nang may wastong baybay at bantas ang idiniktang
pangungusap.

• Isulat sa pisara ang pangungusap matapos magsulat ng mga


mag-aaral upang maipakita ang wastong baybay at bantas. Pansinin
ang paggamit ng kuwit at tuldok, at ipaliwanag kung kailan ito
ginagamit.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
94 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

TALAAN

3 PAGTATAPOS

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Ipataas ang kamay ng mga


mag-aaral kung hindi nila naisulat nang tama ang bawat bahagi ng
pangungusap. Banggitin isa-isa ang mga salita at bantas, at ipataas ang
kamay ng mga bata kung hindi nila ito naisulat nang wasto. Tukuyin
kung sa aling mga salita sila pinakanahirapan. Balikan ang mga
salitang ito sa mga susunod na araw.

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

5
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PP-Ivc-e-1.1 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid: babala o paalala

1 PANIMULANG GAWAIN:
PY
O
SABAYANG PAG-AWIT
C
• Ipakanta sa klase ang sumusunod na awit, sa tono ng
“Mag-isip-isip, Isa-Dalawa-Tatlo.” Mahahanap ang tono ng awit
D

na ito sa Internet: http://youtu.be/1bYv2tm1abA.


E

Magwalis-walis,
EP

Isa-dalawa-tatlo,
Magwalis-walis,
Isa-dalawa-tatlo,
D

Magwalis-walis,
Isa-dalawa-tatlo,
Linisin mo ito.

• Palitan ang magwalis-walis ng sumusunod na salita:


a. magpunas-punas
b. magtapon-tapon
c. magligpit-ligpit

• Turuan ang mga mag-aaral ng kilos na babagay sa bawat salita.


Patayuin sila at ipaawit ang kanta nang may kilos.

• Matapos kumanta, tanungin ang mga mag-aaral kung anong mga


bagay ang maaari nilang walisin, punasan, itapon, o iligpit. Ipalahad
sa kanila ang kanilang sagot sa ganitong porma:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 95
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN a. Wawalisin ko ang _____________.


b. Pupunasan ko ang _____________.
c. Itatapon ko ang ______________.
d. Ililigpit ko ang ______________.

2 PAGBABALIK-ARAL: PAGBASA NG BABALA

• Ipakita ang poster at tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy


kung ano ang mensahe nito.

Pansinin ang larawan ng lamok. Itanong: Ano kaya ang ibig sabihin
ng larawang ito ng lamok? Kapag may makita tayong bagay na may
ganitong klaseng bilog, ano ang ibig sabihin nito?

• Ipabasa ang pamagat ng poster.


Ano-ano kaya ang hakbang na mababanggit sa poster? May hakbang kaya
dito na nabanggit din sa aklat na Handog kay Isabella?

PY
O
C
E D
EP
D

Source: http://www.panahon.tv/sites/panahon.tv/files/main/specialforecasts/
laging%20handa-dengue.jpg

• Pansinin ang mga larawan sa tabi ng bawat hakbang. Ipahula


sa mga mag-aaral kung ano ang nakasulat na hakbang batay
sa larawan sa tabi nito. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang
mga larawang tulad nito ay nagbibigay ng pahiwatig tungkol sa
nakasulat na teksto sa tabi nito.

• Basahin ang bawat hakbang sa tabi ng larawan upang kumpirmahin


kung tama ang hula ng mga mag-aaral. Ipaliwanag ang bawat
hakbang kung tila hindi pa malinaw sa klase ang sinasabi ng teksto.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
96 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 35

TALAAN

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa pamamagitan kilos ang salitang (pipili ng isa ang
guro para sa bawat bata sa grupo): imburnal, dengue, platelet,
humupa, pangontra.
–– Sabihin kung aling salitang pang-ugnay ang dapat gamitin
sa pangungusap:

a. Pinamumugaran (ng/kay) lamok ang nakaimbak (na/ng)


tubig.

PY
b. Linisin ang kalat (na/sa) bakuran.
c. Nakamamatay (kay/na) sakit ang dengue.
d. Umiwas (ng/sa) baha.
e. Tumulong ang komunidad (sa/kay) Isabella.
O
–– Magsabi ng isang bagay na natutuhan mula sa aklat na
C
Handog Kay Isabella.

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


D

mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtataya sa maliliit


na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
E

grupo, nagsusulat at gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang


ibang mga mag-aaral. (Gawain 3b)
EP

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat mag-aaral na kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
D

madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa


talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagbanggit ng bagay na natutuhan.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipasipi sa mga mag-aaral ang isang hakbang mula sa “Iwas-Dengue”
poster na nasa pisara. Ipaguhit rin sa kanila ang larawan na makikita
sa poster.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 97
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ibahagi sa inyong


pamilya ang mga hakbang na natutuhan ninyo ngayong linggo
tungkol sa paglilinis ng kapaligiran at pag-iwas sa dengue.
Magpatulong sa kanila sa paggawa ng mga hakbang na ito sa inyong
bahay.

PY
O
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
98 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

ARALIN

36
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PAGAPAPANATILI SA KALINISAN


NG ATING KALIKASAN
E

READ ALOUD STORY: HANDOG KAY ISABELLA


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 99
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 36

Tema: Pagpapanatili sa Kalinisan ng Ating Kapaligiran


Read Aloud Story: Handog kay Isabella
(Kuwento ni Luis P. Gatmaitan, M.D. at Guhit ni Ferdinand Guevara)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PN • F1PN-IVf-5 • Sabayang Pag-awit: “Magwalis-walis”
Naisasakilos ang napakinggang tula (sa tono ng “Mag-isip-isip, 1-2-3”)
o awit

PY
O
C
AL • F1AL-IVf-8 • Pagsasanay: Paggamit ng iba’t ibang
Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang bantas
D

1 bantas
E
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
100 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ang mga halimbawang pangungusap bilang
ng kanilang personal na karanasan gabay

• Pagpapakita ng titik at tono ng kanta • Pakikinig sa titik at tono ng kanta

• Paggabay sa mga bata sa pag-awit at paglagay • Pagsabay sa pag-awit at pagkilos


ng akmang kilos
• Pagsunod sa pagpalit ng ilang salita at pag-ulit

PY
• Pagpapalit ng “magwalis-walis” ng ibang salita ng kanta
tungkol sa paglilinis
• Pagsagot sa kantanungan tungkol sa kanta
• Pagtatanong upang maiugnay ang kanta sa
O
kuwentong binasa noong nakaraang linggo
C
• Pagpapakita ng mga kard kung saan nakasulat • Pagmasid sa mga kard ng bantas
ang tatlong bantas (tuldok, tandang pananong,
• Pagsagot sa mga tanong ng guro
D

tandang pandamdam)
• Pagbasa sa pangungusap na sinulat sa pisara
• Pagtatanong at paglunsad ng talakayan tungkol
E

sa mga bantas • Pagpapakita kung paano naiiba ang


EP

pagkakabasa o ang ekspresyon batay sa bantas


• Pagsulat ng pangungusap na walang bantas sa
pisara • Pakikinig sa mga pangungusap at pagbanggit
kung anong bantas ang ginamit
D

• Pagpapabasa sa klase ng mga salita

• Paglagay ng bawat bantas at pagtanong kung


paano maiiba ang pagkakabasa sa pangungusap
• Pagdikta ng mga pangungusap na may iba-ibang
bantas, at pagtanong kung anong bantas ang
ginamit
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 101
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


AL • F1AL-IVf-8 • Muling Pagbasa sa Kuwento:
Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang Handog Kay Isabella
bantas
PL • F1PL-0a-j-6
Naipakikita ang hilig sa pagbasa

AL • F1AL-IVf-8 • Laro: “Mga Bantas”

PY
Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang
bantas O
C

WG • Nakagagamit ng mga pang-uri sa • Pagsasanay: Salitang naglalarawan


D

sariling pangungusap*
E

3
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
102 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng pabalat ng aklat • Pagmasid sa pabalat ng aklat at pagbasa
sa pamagat
• Pagbibigay ng panuto sa mag-aaral kung alin
ang babasahin nilang pangungusap • Pakikinig at pagsunod sa panuto ng guro

• Pagbasa ng kalakhang bahagi ng libro • Pagbasa ng mga takdang bahagi o pangungusap


mula sa kuwento
• Pagpapaliwanag tungkol sa iba pang bantas:
kuwit at panipi • Pakikinig sa paliwanag tungkol sa kuwit
at panipi
• Pagsulat at pagtalakay ng halimbawang
pangungusap na may gamit na kuwit at panipi • Pagbasa sa halimbawang pangungusap na
gumagamit ng kuwit at panipi
• Pagpapakita ng mga kard na may bantas at
pagtanong kung ano ang tawag sa mga ito • Pagsagot ng tanong ukol sa kuwit at panipi

• Pagtukoy sa bantas na nakasulat sa


ipinapakitang kard ng guro
• Pagbibigay ng panuto para sa laro • Pakikinig sa panuto

PY
• Pagtakda ng bantas sa bawat grupo ng bata • Pagtanda kung aling bantas ang itinakda sa
kanilang grupo
• Pagbasa ng mga pangungusap
O
• Pakikinig sa pangungusap
• Pagpansin kung tumatayo ang tamang grupo
ng bata batay sa ekspresyong ipinakita sa • Pagtayo kung bantas nila ang akma para sa
C
pangungusap ekspresyon ng pangungusap
• Pagpapaala sa konsepto ng salitang • Pakikinig sa paliwanag at panuto mula sa guro
D

naglalarawan
• Pagpansin sa nakasulat sa manila paper
• Pagbibigay ng panuto para sa gawain
E

• Pagmasid sa pahinang ipinapakita ng guro


• Pagpaskil ng manila paper kung saan nakasulat habang nakikinig sa pagbasa ng pangungusap na
EP

ang mga kokompletuhing pangungusap kokompletuhin

• Pagpapakita ng mga takdang pahina mula sa • Pagsulat ng salitang naisip sa kuwaderno


D

aklat na Handog Kay Isabella


• Pakikinig sa sagot ng ibang bata o paglalahad
• Pagbasa sa pangungusap na kokompletuhin ng ng kanilang sagot
bata gamit ang salitang naglalarawan at batay
• Paglahok sa talakayan tungkol sa kawastuhan
sa pahinang ipinapakita
ng napiling salita at mga iba pang posibleng
• Pagpapasulat sa mga bata ng naisip nilang salita
mga salita

• Pagtawag ng ilang bata upang ilahad ang


kanilang sagot
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 103
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


WG • Nakagagamit ng mga pang-uri sa • Bahaginan
sariling pangungusap*

PP • F1PP-IVi-2.2 • Pagsasanay: Pagbasa ng aklat at


Nababasa ang mga salitang salita mula sa ibang asignatura
natutuhan sa aralin at sa ibang
asignatura
4
EP • F1EP-IVf-5
Nagagamit nang wasto ang
Talaan ng Nilalaman

PY
O
C
D

PP • F1PP-IVi-2.2 • Gawain para sa batang naghihintay


Nababasa ang mga salitang ng pagtataya
E

natutuhan sa aralin at sa ibang


asignatura
EP

EP • F1EP-IVf-5
5
Nagagamit nang wasto ang
D

Talaan ng Nilalaman

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
104 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Paggabay sa mga bata sa paggamit ng kanilang • Pakikinig sa panuto, halimbawang panimula, at
ginawang takdang-aralin para sa bahaginan halimbawang pangungusap mula sa guro

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Paglalahad ng kanilang pangungusap sa buong


halimbawang pangungusap klase (kung natawag)

• Pagtawag ng mga bata na maglalahad sa


harapan ng klase
• Pagpapagamit ng Learner’s Material para sa • Pagbubuklat at paggamit sa Learner’s Material
Math para sa Math

• Paggabay sa mga bata sa pagmasid sa • Pagtanaw at paggamit ng Talaan ng Nilalaman


Talaan ng Nilalaman
• Pakikinig at pagsagot sa mga tanong ng guro
• Pagtukoy ng mga salita at paksa mula sa Talaan
• Pagpansin at pagsipi sa talahanayan
ng Nilalaman at pagtatanong kung saang
pahina ito makikita batay sa talaan • Pagsali sa talakayan tungkol sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng salita para sa iisang konsepto sa

PY
• Pagtatanong tungkol sa Mother Tongue na
magkaibang wika
salita para sa konseptong tinukoy at pag-ugnay
nito sa salita para dito sa Filipino O
• Pagsasagawa ng talahanayan

• Pagpapansin sa pagkakatulad at pagkakaiba


C
ng salita para sa iisang konsepto sa Mother
Tongue at sa Filipino
D

• Pagpapagamit ng Learner’s Material para sa • Pagbubuklat at paggamit sa Learner’s Material


Araling Panlipunan para sa Araling Panlipunan
E

• Paggabay sa mga bata sa pagmasid sa • Pagtanaw at paggamit ng Talaan ng Nilalaman


EP

Talaan ng Nilalaman
• Paghahanap ng mga konseptong isinulat ng
• Pagtukoy at pagsulat sa pisara ng mga guro sa pisara
konsepto na hahanapin mula sa
• Pagsulat ng pangalan ng konsepto sa Filipino,
D

Talaan ng Nilalaman
at ang pahina ng Learner’s Material kung saan
• Pagpapatukoy/pagpapasulat sa mga bata kung ito makikita
saang pahina ito makikita batay sa talaan

• Pagsulat ng salita sa Filipino na katapat ng


salitang ginamit para sa natukoy na konsepto
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 105
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IVf-5 Naisasakilos ang napakinggang tula o awit

• F1AL-IVf-8 Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang bantas

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT

• Ikabit muli ang manila paper na may titik ng kantang


“Magwalis-walis.” (Inawit ito noong nakaraang linggo.) Ipaalala sa
mga mag-aaral ang mga kilos na kasabay ng mga salita. Patayuin
ang buong klase at awitin nang sabay-sabay ang kanta.

Magwalis-walis,

PY
Isa-dalawa-tatlo,
Magwalis-walis,
Isa-dalawa-tatlo,
O Magwalis-walis,
Isa-dalawa-tatlo,
C
Linisin mo ito.
D

• Palitan ang “magwalis-walis” ng sumusunod na salita:


a. magpunas-punas
E

b. magtapon-tapon
c. magligpit-ligpit
EP

Itanong: Ano ang kinalaman ng awiting ito sa binasa nating kuwento


noong nakaraang linggo? Bakit mahalagang maglinis ng kapaligiran?
D

• Kumuha ng mga ideya mula sa mag-aaral bago tumungo sa


susunod na gawain.

2 PAGSASANAY:
PAGGAMIT NG IBA’T IBANG BANTAS

• Maghanda ng tatlong kard kung saan nakasulat ang tatlong bantas:


tuldok, tandang pananong, at tandang pandamdam. Ipaliwanag ang
gamit ng mga bantas na ito.

Sabihin: Nakita na ba ninyo ang mga bantas na ito? Saan natin


nakikita ang mga bantas na ito? Ano ang pagkakaiba ng mga bantas na
ito sa isa’t isa? (Maghintay ng sagot mula sa mag-aaral.) Tama—
nagbabago ang ekspresyon o pagkakasabi ng mga pangungusap depende sa
kung anong bantas ang nasa dulo nito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
106 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

a. (Ipakita ang tuldok.) Kapag tuldok ang nasa dulo, simpleng pahayag TALAAN
ang pagbasa sa pangungusap. Halimbawa, kung sasabihin ninyo ang
salitang tama bilang simpleng pangungusap na nagtatapos sa tuldok,
ganito ang pagsabi nito: “Tama.”

b. (Ipakita ang tandang pananong.) Kapag itong tandang pananong


ang nasa dulo, paano dapat basahin ang pangungusap? (Maghintay
ng sagot.) Kung sasabihin ang salitang tama bilang pangungusap na
nagtatapos sa tandang pananong, ganito ang pagsabi nito: “Tama?”

c. (Ipakita ang tandang pandamdam.) Kapag itong tandang pandamdam


ang nasa dulo, paano dapat basahin ang pangungusap? (Maghintay
ng sagot.) Kung sasabihin ang salitang tama bilang pangungusap na
nagtatapos sa tandang pandamdam, ganito ang pagsabi nito: “Tama!”

• Isulat sa pisara ang sumusunod na pangungusap nang walang


bantas:

Nagkaroon siya ng dengue

PY
Sabihin: Basahin nga ninyo ang bawat salita. (Gabayan ang mga
mag-aaral sa pagbasa.) Isa-isa kong ilalagay sa dulo ng pangungusap
na ito ang mga bantas. Basahin ninyo ang pangungusap batay sa
O
ekspresyon na hinihingi ng bawat bantas.

• Unang ilagay ang tandang pandamdam. Ipabasa sa klase.


C
Itanong: Ano kaya ang nararamdaman ng nagsasalita kapag ganito ang
pagkasabi niya? (Posibleng sagot: natatakot, nag-aalala, nababahala)
D

• Ilagay ang tandang pananong. Ipabasa sa klase.


E

Itanong: Ano kaya ang iniisip ng nagsasalita kapag ganito ang


EP

pagkasabi niya? (Posibleng sagot: nagtatanong, nagulat sa


impormasyong narinig)

• Ilagay ang tuldok. Ipabasa sa klase.


D

Itanong: Ano kaya ang nais gawin ng nagsasalita kapag ganito ang
pagkasabi niya? (Posibleng sagot: nagbibigay-impormasyon,
nagbabalita nang malumanay)

• Magpagawa sa bawat mag-aaral ng tatlong hiwalay na kard o papel


kung saan nakasulat ang isa sa tatlong bantas na tinalakay. Ibigay
ang panuto ng pagsasanay.

Sabihin: Magbabasa ako ng mga pangungusap. Itaas ang inyong kard na


may bantas na akma sa pagkakabasa ko ng pangungusap. Sasabihin ko
ang sagot matapos ninyo itaas ang inyong mga kard.

• Basahin ang sumusunod. Pagmasdan ang mga kard na itinataas


ng mga mag-aaral. Pansinin kung aling bantas ang tila hindi pa
lubusang naintindihan ng klase. Ipaliwanag muli ang bantas na ito
pagkatapos ng pagsasanay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 107
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN a. Tinapon mo na ba ang basura?


b. Maglilinis ako ng bakuran.
c. May sunog sa kanto!
d. Saan ito dapat itapon?
e. Ang linis na ng bakuran!
f. Dito mo ilagay ang basurahan.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip at magsulat


ng isang pangungusap na maaaring sabihin o basahin gamit ang iba’t
ibang ekspresyon, gamit ang tatlong bantas na tinalakay ngayon.
Iugnay sa tema ng paglilinis ng kapaligiran ang mga pangungusap.

ARAW LAYUNIN
PY
O
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
C
• F1AL-IVf-8 Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang bantas
D

• F1PL-0a-j-6 Naipakikita ang hilig sa pagbasa


E

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


EP

• Gamitin ang takdang-aralin para sa bahaginan ngayong araw.


D

Ipaalala kung paano dapat basahin ang pangungusap batay sa


bantas nito. Banggitin muli ang halimbawang ginamit kahapon:
“Nagkaroon siya ng dengue! Nagkaroon siya ng dengue?
Nagkaroon siya ng dengue.”

• Tumawag ng anim na mag-aaral upang basahin ang sinulat nilang


pangungusap. Ipabasa sa dalawang mag-aaral ang pangungusap
nila na gumamit ng tuldok. Ipabasa sa dalawang mag-aaral ang
pangungusap nila na gumamit ng tandang pandamdam. Ipabasa sa
dalawang mag-aaral ang pangungusap nila na gumamit ng tandang
pananong.

• Isulat ang pangungusap ng mga mag-aaral sa pisara habang


inilahahad nila ito. Ipabasa sa buong klase ang mga pangungusap
at ituro ang mga salita habang binabasa nila ito. Pansinin kung
wasto ang damdamin at ekspresyon na ginagamit ng klase sa
pagbasa ng pangungusap. Iwasto ang pagkabasa nila kung hindi
akma sa bantas na ginamit.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
108 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

TALAAN

2 MULING PAGBASA SA KUWENTO

• Ipakita ang pabalat ng librong Handog Kay Isabella. Ipabanggit sa


klase kung ano ang pamagat ng libro at kung sino ang nagsulat at
gumuhit nito.

Sabihin: Babasahin natin muli ang kuwentong ito. Babasahin ko


ang karamihan ng mga pangungusap. Titigil ako sa ilang bahagi upang
ipabasa sa inyo ang pangungusap. Pansinin kung ano ang bantas na
nasa dulo ng pangungusap. Basahin ang pangungusap ayon sa ginamit na
bantas.

• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto sa mga


takdang bahagi upang ipabasa ang sumusunod na pangungusap sa
mga mag-aaral:

Sa p. 2, ipabasa sa klase ang: “Ho? May baha?”

PY
Sa p. 4, ipabasa sa klase ang: “Aba, kay sisipag!”
Sa p. 7, ipabasa sa klase ang: “Ano kaya ang sakit ni Isabella?”
Sa p. 10, ipabasa sa klase ang: “Nanay, ganon po ba talaga ‘pag
may dengue fever?”
O
Sa p. 11, ipabasa sa klase ang: “Naku, delikado pala ang lamok
na ‘yon!”
C
Sa p. 13, ipabasa sa klase ang: “Pinakiusapan ko rin ang
dalawang tita ko.”
Sa p. 16, ipabasa sa klase ang: “Siyanga?” sabi ni Isabella.
D

Sa p. 18, ipabasa sa klase ang: “Padaluyin ang mga nabarang


kanal.”
E

Sa p. 20, ipabasa sa klase ang: “Kami man sa eskuwelahan


EP

ay di rin nagpatalo.”
Sa p. 22, ipabasa sa klase ang: “Walang lamok na dito ay
puwedeng tumira.”
D

• Matapos basahin ang kuwento, itanong ang sumusunod:

a. May nakuha ba kayong bagong impormasyon o detalye sa


ikalawang pagbasa natin ng kuwento?
b. Aling pangungusap ang pinakanagustuhan ninyong basahin?
Aling bantas ang gamit ng pangungusap na ito?

c. Anong bantas ang gamit sa karamihan ng mga pangungusap sa


kuwento, kasama ang pangungusap na binasa ko?

d. May iba pa ba kayong bantas na napansin sa aklat bukod sa


tuldok, tandang pananong, at tandang pandamdam? Ano ang
mga ito?

• Isulat sa pisara ang mga bantas na babanggitin nila. Kung wala


silang mabanggit, isulat ang kuwit ( , ) at ang panipi ( “ ” ).
Ipaliwanag kung kailan ginagamit ang mga ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 109
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Kapag makita ang kuwit sa loob ng isang pangungusap, ibig
sabihin ay kailangang tumigil saglit sa pagbasa. Halimbawa, basahin natin
ang pangungusap na ito.

• Isulat sa pisara at basahin:

Itapon ang basyong lata, bote, at gulong.

Sabihin: Kapag may makita naman tayong panipi, ibig sabihin, ang mga
nasa loob nito ay sinasabi ng isang tao o tauhan sa teksto. Halimbawa,
pagmasdan natin ang pangungusap na ito.

• Isulat sa pisara at basahin:

“Siyanga?” sabi ni Isabella.

Sabihin: Ano ang salita sa loob ng panipi? Sino ang nagsabi ng salitang
“Siyanga?”

• Tapusin ang talakayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga

PY
kard na may nakasulat na bantas. Tanungin ang klase kung ano ang
tawag sa bawat bantas na ipapakita.

3
O
PAGTATAPOS
C

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Makinig sa sinasabi


D

ng isang kaklase o kapamilya at isulat ito sa inyong kuwaderno, gamit


ang panipi at ang wastong bantas. Humingi ng tulong sa inyong
E

magulang kung kailangan.


EP
D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1AL-IVf-8 Natutukoy ang gamit ng iba’t ibang bantas

• Nakagagamit ng mga pang-uri sa sariling pangungusap*

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO (MGA BANTAS)

• Hatiin ang klase sa apat na grupo: tuldok, pananong,


pandamdam, kuwit. Pabilangin nang isa hanggang apat ang
lahat ng bata. Pangkat 1 ang tuldok, Pangkat 2 ang pananong,
Pangkat 3 ang pandamdam, at Pangkat 4 ang kuwit. Ibigay ang
panuto ng laro.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
110 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

Sabihin: May babasahin akong mga pangungusap. Tatayo ang mga TALAAN
kuwit kapag huminto ako sa gitna ng pangungusap pero bago ito
matapos. Tatayo naman ang mga tuldok, pandamdam, o pananong
kapag sila ang akmang bantas sa pangungusap na babanggitin ko, batay
sa damdaming ipinapahayag ko. Malinaw ba ang gagawin ninyo? Subukan
muna natin. Tumayo ang lahat ng kuwit. Ngayon naman, tumayo ang
lahat ng tuldok. Tumayo ang lahat ng pandamdam. Tumayo ang lahat ng
pananong. Sige, magsimula na tayo.

• Basahin ang sumusunod. Pansinin kung tumatayo ang tamang


grupo ng bata.
a. Kumain ka na ba?
b. Mabuhay!
c. Uupo muna ako.
d. Bibili ako ng patatas (tumigil para makatayo ang kuwit), kamatis
(tumigil para makatayo ang kuwit), at itlog. (masdan kung
tumayo ang mga tuldok)
e. Nagustuhan mo ba ang kuwento?

PY
f. Sunog!
g. May pagsusulit bukas.
h. May pagsusulit bukas?
i. May pagsusulit bukas!
O
j. Mahilig akong magbasa (tumigil para makatayo ang kuwit),
magsulat (tumigil para makatayo ang kuwit), at gumuhit.
C
• Bago tumungo sa susunod na gawain, patayuin ang mga bantas
kung tungkol sa paggamit sa kanila ang tinutukoy ng babanggiting
D

pangungusap.
E

Sabihin: Tingnan natin kung kabisado na ninyong talaga ang


wastong paggamit ng mga bantas. Tumayo kayo kung ang bantas ninyo
EP

ang tinutukoy ng sumusunod na pangungusap, at sabihin ninyo nang


malakas ang pangalan ng inyong bantas.
D

Sabihin ang sumusunod:

a. Ginagamit ito kapag ang pangungusap ay isang tanong.


b. Ginagamit ito upang ipaghiwalay ang magkakasunod na salita o serye ng
salita sa loob ng isang pangungusap.
c. Ginagamit ito kung ang pangungusap ay simpleng pagpapahayag o
nagbibigay impormasyon nang walang damdamin.
d. Ginagamit ito kapag ang pangungusap ay nagpapakita ng gulat, galit, o
iba pang matinding damdamin.

2 PAGSASANAY: SALITANG NAGLALARAWAN

• Gamitin ang aklat na Handog kay Isabella sa paghikayat sa mga


mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap na gumagamit ng mga
salitang naglalarawan. Ipaalala sa klase kung ano ang salitang
naglalarawan

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 111
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Ngayon naman, bubuo tayo ng mga pangungusap na


nagpapakita ng kulay, hugis, amoy, o hitsura ng mga tao, bagay, at lugar na
makikita sa aklat na Handog Kay Isabella. Magbibigay ako ng ilang
pangungusap. Lagyan ng akmang salitang naglalarawan ang mga patlang
sa pangungusap. Pagmasdan ang larawan at isipin kung anong salita ang
makapagbibigay ng deskripsiyon tungkol sa tinutukoy ng pangungusap.
Isulat ninyo ang salita sa inyong kuwaderno.

• Magkabit ng manila paper kung saan nakasulat ang mga


kukompletuhing pangungusap. Buksan ang aklat sa takdang pahina
bago basahin ang bawat pangungusap.

Buksan ang aklat sa p. 2


Sabihin: ______ ang baha sa labas ng bahay ng pamilya.
(Posibleng sagot: mataas)

Buksan ang aklat sa p. 10


Sabihin: Mukhang ______ si Isabella habang sinasalinan siya ng dugo
sa ospital. __________ ang lamok na nagdadala ng dengue.

PY
(Posibleng sagot sa unang patlang: kawawa, mahina, payat;
posibleng sagot sa pangalawang patlang: batik-batik, mapanganib)

Buksan ang aklat sa p. 14


O
Sabihin: _______ ang pila para magbigay ng dugo.
(Posibleng sagot: mahaba)
C
Buksan ang aklat sa p. 16
Sabihin: May dala si Aryn na _____ na payong at ____ na backpack.
D

____ ang bulaklak na dala ni Isabella. Mukha nang ______ si Isabella.


(Posibleng sagot sa unang patlang: maganda, kulay rosas;
E

posibleng sagot sa pangalawang patlang: asul, matibay; posibleng


sagot sa pangatlong patlang: maganda, mabango, kulay puti,
EP

maputi; posibleng sagot sa pang-apat patlang: magaling, malusog,


malakas)

Buksan ang aklat sa p. 18


D

Sabihin: _____ ang mga tao sa barangay. _____ nang tingnan ang
kalye sa labas ng bahay nina Aryn.
(Posibleng sagot sa unang patlang: masisipag; posibleng sagot sa
pangalawang patlang: maaliwalas, maganda, malinis)

• Tumawag ng mga bata upang ilahad ang ginamit nilang salita para
kompletuhin ang pangungusap. Balikan ang pahina upang tingnan
kung akma ang salita na ginamit. Talakayin ang iba pang posibleng
sagot.

• Matapos kompletuhin ng mga mag-aaral ang pangungusap,


tanungin sila kung may iba pang detalye sa larawan na nais nilang
ilahad, gamit ang mga salitang panglarawan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
112 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

TALAAN

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pagmasdan ang kalye


sa labas ng inyong bahay o anumang kalye na pinakamalapit sa
dinadaanan ninyo mula sa inyong bahay. Gumawa ng deskripsiyon
ng makikita ninyo dito, gamit ang mga salitang panglarawan.
Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

PY
4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• Nakagagamit ng mga pang-uri sa sariling pangungusap* O


• F1PP-IVi-2.2 Nababasa ang mga salitang natutuhan sa aralin at sa ibang
asignatura
C
• F1EP-IVf-5 Nagagamit nang wasto ang Talaan ng Nilalaman
D

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


E
EP

• Tumawag ng limang mag-aaral upang magbahagi tungkol sa


ginawa nilang takdang-aralin. Ilalarawan nila ang nakita nilang mga
bagay sa kalye sa labas ng kanilang bahay. Maaari nilang gamitin
ang alinman sa sumusunod na panimula:
D

May ____ na _____ sa labas ng aming kalye.

_____ ang kapaligiran sa aming kalye.

____ ang mga ______ sa aming kalye.

• Magbigay ng ilang halimbawang pangungusap: “May mataas na


puno sa labas ng aming kalye. Madilim ang kapaligiran sa aming
kalye. Mababango ang mga bulaklak na tumutubo sa aming kalye.”

• Tumawag ng mga mag-aaral na hindi pa gaanong nakakapaglahad


sa harapan ng klase. Gabayan sila sa kanilang pagbabahagi at
tulungan sa pagwawasto ng kanilang pangungusap kung kailangan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 113
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

2 PAGSASANAY: PAGBASA NG AKLAT AT SALITA


MULA SA IBANG ASIGNATURA

• Gamitin ang Learner’s Material (LM) ng mga mag-aaral sa Math.


Siguruhing may kopyang magagamit ang bawat mag-aaral.
Ipabukas ang LM sa Talaan ng Nilalaman. Ipagawa ang
sumusunod na pagsasanay.

Sabihin: Pagmasdan itong Talaan ng Nilalaman sa inyong Learner’s


Material para sa Math.

a. Ano ang tawag sa talaan ng nilalaman dito sa LM? Anong wika


ang gamit ng LM sa Math? (Maghintay ng ilang kasagutan.)
b. Tumungo tayo sa bahagi ng Talaan ng Nilalaman para sa
Yunit 4. Ano ang unang leksiyon sa ilalim ng Yunit 4? Sa anong
pahina ito makikita?
c. Ano ang unang linyang nakasulat sa ilalim ng pamagat na
Yunit 4? Ano ang salita para sa kalendaryo sa Mother Tongue?

PY
Ano ang salita para sa aldaw/adlaw sa wikang Filipino? Ano ang
salita para sa linggo sa Mother Tongue?
d. Sa aling pahina makikita ang leksiyon tungkol sa paghahambing
O
ng mga bagay na mahaba, mas mahaba, pinakamahaba? Ano ang
salita para sa mga konseptong ito sa Mother Tongue?
e. Sa aling pahina makikita ang leksiyon tungkol sa paghahambing
C
ng mga bagay na magaan, mas magaan, pinakamagaan? Ano ang
salita para sa mga konseptong ito sa Mother Tongue?
D

f. Sa aling pahina makikita ang leksiyon tungkol sa konsepto ng


sanhi at bunga/resulta? Ano ang salita para sa mga konseptong
E

ito sa Mother Tongue?


g. Sa aling pahina makikita ang leksiyon tungkol sa pagkuha ng
EP

impormasyon o pagkilala ng datos mula sa pictograph? Ano ang


salita para sa mga kakayahang ito sa Mother Tongue?

• Gumawa ng talahanayan para sa salitang gamit sa iba-ibang wika


D

para sa mga konseptong ipinahanap sa Talaan ng Nilalaman at


ipasipi ito sa mga mag-aaral.

Halimbawa:

Mother Tongue Filipino


(Sinugbuanong Binisaya)
Mga Paggamit sa Kalendaryo - Paggamit ng
Konsepto Mga Adlaw sa Semana Kalendaryo - Mga
at Aralin sa Araw sa Isang Linggo
Matematika Mubo, Mas Mubo, Kinamub- Mahaba, mas maha-
an ba, pinakamahaba
Gaan, Mas Gaan, Magaan, mas magaan,
Kinagaanan pinakamagaan
Paghulagway sa Pagkilala ng datos
Kasayoran Gamit ang Picto- mula sa pictograph
graph

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
114 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

• Ipapansin sa mga mag-aaral kung ano ang mga pagkakatulad at TALAAN


pagkakaiba sa mga salitang gamit sa Mother Tongue at sa Filipino
para sa iisang konsepto. Tanungin sila kung may iba pa silang alam
na salita sa Mother Tongue na kahawig ng salita para sa ideya o
konseptong ito sa wikang Filipino. Ilista ang mga babanggiting
salita ng mga mag-aaral. Bigyang-diin sa klase ang katotohanan
na iisa o pareho lamang ang konsepto o ideya na ipinapahiwatig,
ngunit posibleng magkaiba ang salita o bokabularyo para sa
konseptong ito sa magkaibang wika.

3 PAGTATAPOS

Ipagawa ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap sa Talaan


ng Nilalaman ng inyong mga aklat sa Mother Tongue, Edukasyon
sa Pagpapahalaga, Araling Panlipunan, o Math ng tatlong ideya o
konsepto na natutuhan na ninyo. Itanong sa inyong magulang o iba

PY
pang nakatatanda kung ano ang salita para dito sa wikang Filipino.
Isulat ang mga salitang ito sa inyong kuwaderno. Maghandang
magbahagi tungkol dito bukas.
O
C
E D

LAYUNIN ARAW
EP

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

5
paaralan (o mula sa sariling karanasan)
D

• F1PP-IVi-2.2 Nababasa ang mga salitang natutuhan sa aralin at sa ibang


asignatura

• F1EP-IVf-5 Nagagamit nang wasto ang Talaan ng Nilalaman

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon. Patayuin ang


lahat ng mag-aaral at bumuo ng isang malaking bilog. Ang bawat
mag-aaral sa bilog ay magbabahagi ng isang konsepto o salita mula
sa ibang asignatura na natutuhan nila sa Mother Tongue, at ang
katapat na salita para dito sa wikang Filipino. (Halimbawa: “Ang
konsepto ng akong pagdako sa Sinugbuanong Binisaya ay aking
paglaki sa wikang Filipino.”)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 115
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN • Pagkabanggit ng bata ng salita sa Mother Tongue at sa Filipino,


uulitin ng lahat ng bata sa bilog ang pagkakasabi nito. (Halimbawa:
akong pagdako, aking paglaki) Tanungin ang mga bata kung
sa aling asignatura natalakay ang konseptong ito. Ipapansin kung
magkahawig o magkaiba ang salita sa Mother Tongue at ang salita
sa Filipino. Tumuloy sa susunod na mag-aaral at gawin ang katulad
na proseso, hanggang makapaglahad ang lahat ng bata.

• Paupuin muli ang mga mag-aaral. Tanungin sila kung ano ang
mga napansin o naobserbahan nila tungkol sa Mother Tongue at
Filipino mula sa bahaginan.

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang

PY
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita kung ano ang gamit sa


sumusunod na bantas (pipili ng isa ang guro para sa bawat
O
bata sa grupo): tuldok, kuwit, tandang pananong, tandang
pamdamdam, panipi.
C
–– May babanggitin akong pangungusap. Sabihin kung anong bantas ang
ginamit sa dulo nito.
D

a. Papasok ka ba bukas?
E

b. Sabado na bukas.
c. Yehey, walang pasok bukas!
EP

d. Sasama ako kay Nanay sa palengke.


e. Naku, ang daming tao sa palengke!
f. May mabibili na bang mangga sa palengke?
D

–– Alin sa mga salita sa pangungusap ang salitang naglalarawan?

a. Batik-batik ang lamok na may dalang dengue.


b. Napakapayat ni Isabella matapos niyang maospital.
c. Malakas ang ulan sa labas.
d. Napakahina ng boses niya.
e. Masarap ba ang pagkain sa restawran malapit sa bahay ninyo?
f. Mapakla pa ang saging na kinain ko. Pulang-pula ang kulay ng
damit niya.

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat o gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang
ibang mga mag-aaral. (Gawain 3b)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
116 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 36

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa TALAAN


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Maaari ding itala sa checklist ng
kakayahan ang nagagawa na ng mga mag-aaral na naobserbahan
niya. Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa
kanilang kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan
ng dagdag na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


• Ipagamit sa mga batang naghihintay ng pagtataya ang Learner’s
Material sa Araling Panlipunan. Ipabukas ito sa Talaan ng
Nilalaman. Ipahanap sa talaan ng nilalaman ang pahina kung saan
makikita ang sumusunod na leksiyon sa ilalim ng Yunit 4:

(1) Konsepto ng distansiya
(2) Konsepto ng direksiyon
(3) Ang aking nagawang mapa

PY
(4) Pangangalaga ng aking kapaligiran
(5) Paraan sa pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan O
• Ipasulat sa kuwaderno ang konsepto sa Filipino at ang pahina kung
saan ito mahahanap sa Learner’s Material na gamit nila.
C

3 PAGTATAPOS
E D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan ang


EP

tanong na ito: Bakit kailangang maligo at maghugas ng kamay? Ano


ang mangyayari sa atin kung hindi natin ito gagawin? Maghandang
magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 117
YUNIT 4 ARALIN 37

ARALIN

37
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C

TEMA: PANANATILI SA KALIGTASAN


D

AT KALUSUGAN NG AKING KOMUNIDAD


E

READ ALOUD STORY: DAGDAGAN LANG NG DUMI


EP

(JUST ADD DIRT)


D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 119
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 37

Tema: Pananatili sa Kaligtasan at Kalusugan ng Aking Komunidad


Read Aloud Story: Dagdagan Lang ng Dumi (Just Add Dirt)
(Kuwento ni Becky Bravo at Guhit ni Jason Moss)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PN • F1PN-Ivg-1.2 • Bahaginan
Nakasusunod sa napakinggang
panuto (1–2 hakbang)

PP • Nakagagamit ng mga pahiwatig o


PY • Pagpapaunlad sa talasalitaan
O
1
palatandaan upang mahinuha ang
kahulugan ng isang di-pamilyar na
C
salita*
E D
EP

PL • F1PL-0a-j-7 • Read Aloud Story: Dagdagan Lang


Naibabahagi ang karanasan sa ng Dumi (Just Add Dirt)
pagbasa upang makahikayat ng
D

pagmamahal sa pagbasa

2 WG • Nakagagamit ng pang-uri sa sariling


pangungusap*

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
120 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi gamit ang mga halimbawang pangungusap
ng kanilang personal na karanasan bilang gabay

• Pagbibigay ng panuto para sa bahaginang • Pakikinig at pagsunod sa panuto ng guro


magkapares
• Pakikinig sa halimbawang panimula at
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at halimbawang pangungusap
halimbawang pangungusap

PY
• Pagbabahagi sa katabi at pakikinig sa
• Pag-ikot sa klase habang nagbabahaginan ang pagbabahagi ng katabi
magkatabi
• Pagsulat sa pisara ng pag-aaralang salita • Pagmasid at pagbasa sa mga salitang isinulat
O
ng guro sa pisara
• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga salita
C
• Pakikinig sa pangungusap na gumagamit ng
• Pagbasa ng mga pangungusap na gumagamit ng
salitang pag-aaralan
mga pag-aaralang salita at pagtatanong tungkol
D

dito • Pagsagot sa tanong tungkol sa pangungusap


at salita
• Pagsulat sa salita at kahulugan nito sa pisara
E

• Pagsipi ng talasalitaan sa kuwaderno


• Pagpapasipi ng talasalitaan sa mga mag-aaral
EP

• Pagpapabasa sa salitang pinag-aralan kahapon • Pagbasa sa mga salitang pinag-aralan kahapon

• Pagbigay ng pangganyak na tanong • Pag-isip tungkol sa pangganyak na tanong


D

• Pagbasa sa kuwento • Pakikinig sa kuwento

• Pagtatanong habang binabasa ang kuwento • Pagsagot sa tanong habang binabasa ang
kuwento
• Paglunsad ng talakayan matapos basahin ang
kuwento • Pagsali sa talakayan matapos basahin ang
kuwento
• Pagtatanong sa mga bata kung paano nila
ilalarawan si Miguel • Pagsagot ng tanong at pagbuo ng
pangungusap na naglalarawan kay Miguel
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 121
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PL • F1PL-0a-j-7 • Pagbabalik-aral: Dagdagan Lang ng
Naibabahagi ang karanasan sa Dumi (Just Add Dirt)
pagbasa upang makahikayat ng
pagmamahal sa pagbasa

KP • F1KP-Ivg-9 • Pagsasanay: Mga salitang


Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma
magkakatugma

PY
O
C
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
122 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng pabalat ng aklat • Pagmasid sa pabalat ng aklat

• Pagtatanong ng detalye tungkol sa aklat • Pagsagot sa mga tanong ng guro ukol sa ilang
detalye ng kuwento
• Pagtatanong tungkol sa karanasan sa
pagbabasa at ang nagustuhan ng mga mag-aaral • Pagbabahagi ng nagustuhan tungkol sa
tungkol sa kuwento kuwento
• Pagsulat ng blangkong talanayan • Pagmasid sa talahanayan at pagbasa ng mga
pamagat sa bawat hanay
• Pagpapabasa sa pamagat ng bawat hanay
• Pakikinig sa paliwanag at panuto ng guro
• Pagpapaliwanag tungkol sa salitang
magkatugma • Pag-isip at pagsulat ng salitang katugma ng
salita na nasa pamagat ng bawat hanay
• Pagpapakompleto ng mga hanay sa
talahanayang isusulat ng mag-aaral sa kanilang • Pagbabahagi ng mga salitang isinulat
kuwaderno
• Pagbasa sa nakompletong talahanayan
• Pagpapabanggit ng mga isinagot na salita para

PY
sa bawat hanay

• Pagsulat ng mga salitang ibinigay ng mag-aaral


sa talahanayan sa pisara
O
• Pagpapabasa sa nabuong talahanayan
C
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 123
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PS • F1PS-Ivg-8.3 • Pagsasanay: Pagbibigay ng panuto
Nakapagbibigay ng maikling panuto batay sa simpleng mapa
gamit ang simpleng mapa

PN • F1PN-Ivg-1.2 • Laro: “Kalusugan o Kalokohan?”

PY
Nakasusunod sa napakinggang
panuto (1–2 hakbang)
O
C

KP • F1KP-Ivg-9 • Pagsasanay: Mga salitang


D

Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma


magkakatugma
E
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
124 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Paggawa at pagpaskil ng simpleng mapa ng • Pagmasid sa mapa at pagpansin sa mga
paaralan na nagpapakita ng mga takdang lokasyon
lokasyon
• Pakikinig sa paliwanag ng guro
• Pagpapaliwanag tungkol sa mga lokasyong
• Pagbanggit kung aling lokasyon ang may
makikita sa mapa
kinalaman sa kalusugan
• Pagpapaugnay ng mga lokasyon sa pananatili
• Pagsagawa ng bahaginan sa katabi at
ng kalusugan
pagbibigay ng direksiyon patungo sa mga
• Paggabay sa mga batang magkatabi na takdang lokasyon mula sa silid-aralan
magsalitan sa pagbibigay ng direksiyon kung
• Paglalahad sa harapan ng klase (kung tawagin)
paano makapupunta sa lugar na may kinalaman
sa kalusugan mula sa silid-aralan

• Pagtawag ng ilang mag-aaral upang ilahad ang


direksiyon gamit ang mapa sa harapan
• Pagbigay ng panuto para sa laro • Pakikinig sa panuto

PY
• Pagbanggit ng mga gawain at pagsabi kung ang • Pagsunod sa panuto batay sa babanggiting
kilos para sa kalusugan o kalokohan ang dapat gawain ng guro
isagot sa bawat isa
O
• Pagsali sa talakayan tungkol sa dahilan kung
• Pagpapalawig ng diskusyon ukol sa bawat bakit kalusugan o kalokohan ang tamang
C
gawain at kung bakit kalusugan o kalokohan sagot para sa bawat gawain
ang tamang sagot
• Paggabay sa sabayang pag-awit ng isang kanta • Pagsabay sa pag-awit
D

tungkol sa kalusugan (Halimbawa,


• Pagtukoy ng mga salita sa kanta na
“Mag-exercise Tayo Tuwing Umaga”)
E

magkakatugma
• Pagtanong sa mga bata kung aling salita ang
EP

• Pakikinig sa salitang itatakda sa kanilang


magkakatugma mula sa kanta
hanay
• Pagtakda ng mga salita mula sa kanta sa bawat
• Pag-iisip ng mga salita na katugma ng
hanay, at pagpapatukoy ng salitang katugma ng
D

naitakdang salita
salitang naitakda sa kanila
• Pagbanggit ng mga salitang naisip na katugma
• Pagpapalahad ng mga salitang naisip, at
ng salitang itinakda
pagsulat nito sa pisara
• Pagbasa ng mga salitang nakasulat sa pisara
• Pagpapabasa sa mga naisulat na salita
at pagtatanong kung ano ang kahulugan ng • Pagtukoy ng kahulugan ng bawat isang salita
bawat isa
• Pagsipi ng listahan ng salitang magkakatugma
• Pagpapasipi ng mga salita sa mag-aaral
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 125
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-Ivg-1.2 Nakasusunod sa napakinggang panuto (1–2 hakbang)

• Nakagagamit ng mga pahiwatig o palatandaan upang mahinuha ang kahulugan ng


isang di-pamilyar na salita*

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang linggo.


Gamitin itong paksa para sa bahaginan.

Sabihin: Pag-isipan ang tanong na ito: Bakit kailangang maghugas


ng kamay at maligo? Ano ang mangyayari sa atin kung hindi natin ito
gagawin? Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon. Humarap sa inyong

PY
katabi at ibahagi ang inyong ideya. Pagkatapos, pakinggan ang ideya
ng inyong katabi. Matapos nito, tatawag ako ng ilang mag-aaral upang
ilahad ang kanilang ideya dito sa harapan. Maaari ninyong gamitin ang
O
panimulang ito:
C
Kung hindi tayo maliligo/maghuhugas ng kamay,
______________________.
D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap para maipakita ang


E

ipinapagawa sa klase. Halimbawa: “Kung hindi tayo maghuhugas


EP

ng kamay, magkakasakit tayo. Kung hindi tayo maliligo, babaho


tayo.”

• Bigyan ng dalawang minuto ang magkakatabi para mag-usap.


D

Pagkatapos, tumawag ng tatlong mag-aaral upang maglahad ng


kanilang ideya sa buong klase.

• Iugnay ang bahaginan sa tema para sa lingong ito.

Sabihin: May kinalaman sa tema natin ngayong linggo ang ginawa nating
bahaginan. Pananatili sa kaligtasan at kalusugan ng ating komunidad
ang tema natin ngayong linggo. Ang babasahin nating kuwento bukas ay
tungkol din dito. Pero bago iyon, pag-aralan muna natin ang ilang salita na
makikita natin sa kuwento.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tutukan para sa araw


na ito: pangako, namangha, tiyempong-tiyempo, lumalago,
napakurap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
126 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

Sabihin: Basahin natin nang sabay-sabay ang mga salita sa pisara. TALAAN
Pagkatapos, pag-usapan natin ang kahulugan ng mga salitang ito.

• Hayaan ang mga mag-aaral na magbasa ng bawat salita habang


itinuturo ng guro. Iwasto ang pagbabasa nila kung kailangan.
Tumungo sa paggamit ng mga salita sa pangungusap at pagtalakay
ng kahulugan nito. Basahin ang mga pangungusap at talakayin ang
talasalitaan.

Sabihin: Kapag hindi mo tinupad ang pangako mo, hindi na kita


mapagkakatiwalaan.
Itanong: Tumupad na ba kayo ng isang pangako? Bakit kaya
hindi na mapagkakatiwalaan ang isang taong hindi tumupad ng kaniyang
pangako? Ano ang ibig sabihin ng pangako?
Isulat: pangako – bagay na sinabing gagawin

Sabihin: Namangha ang lahat sa kaniyang galing sa pag-awit.


Itanong: Kapag may narinig o nakita kayong maganda o ubod ng galing,
ano ang nararamdaman ninyo? Napapanganga ba kayo? Napapatigil ba

PY
kayo sa paghanga? Ano kaya ang ibig sabihin ng namangha?
Isulat: namangha – nagulat, napatigil dahil sa lubusang
napahanga O
Sabihin: Nagmamadali na siyang makaalis nang tiyempong-
tiyempo namang dumating ang sasakyan niyang jeep.
C
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang tiyempo? Ano ang kinalaman
nito sa oras? Dito sa pangungusap, ano ang tiyempong-tiyempo
na dumating? Bakit kaya ito tiyempong-tiyempo sa pagmamadali ng
D

nagsasalita? Ano kaya ang ibig sabihin nitong salitang ito?


Isulat: tiyempong-tiyempo – tamang-tama sa oras, dumating
E

sa panahong kailangan
EP

Sabihin: Ipinaputol na niya ang damo sa bakuran dahil matagal na itong


lumalago.
Itanong: Ano ang hitsura ng damo na kailangan nang putulin? Bakit
D

kailangang putulin ang damong lumalago? Ano pa ang ibang bagay na


lumalago? Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?
Isulat: lumalago – tumutubo

Sabihin: Nagtitigan kami at siya ang unang napakurap.


Itanong: Nakapaglaro na ba kayo ng titigan? May hinamon na ba kayo
nang patagalan ng pagtitig? Kapag napapikit ang kalaban ninyo, ano ang
iba pang tawag dito? Kumurap nga tayong lahat.
Isulat: napakurap – napapikit mula sa pagtingin

• Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para sa araw na ito:

a. pangako – bagay na sinabing gagawin


b. namangha – lubusang napahanga, nagulat, napatigil
c. tiyempong-tiyempo – tamang-tama sa oras, dumating sa
panahong kailangan
d. lumalago – tumutubo, humahaba
e. napakurap–napapikit mula sa pagtingin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 127
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

3 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Alamin kung naintindihan


na ng lahat ng mag-aaral ang mga salitang pinag-aralan. Papadyak
ang bawat mag-aaral kung sang-ayon sila sa binabanggit ng bawat
pangungusap na babasahin ng guro:

–– Alam ko na ang kahulugan ng salitang pangako.

–– Alam ko na ang kahulugan ng salitang namangha.

–– Alam ko na ang kahulugan ng salitang tiyempong-tiyempo.

–– Alam ko na ang kahulugan ng salitang lumalago.

–– Alam ko na ang kahuluggan ng salitang napakurap.

• Kung may panahon pa, tumawag ng ilang mag-aaral at ipagamit sa

PY
kanila ang mga salitang binanggit sa sarili nilang pangungusap.
• Tandaan kung aling salita ang kakaunti ang padyak at balikan ito sa
susunod na araw.
O
C
D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa
E

2
paaralan (o mula sa sariling karanasan)
EP

• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng


pagmamahal sa pagbasa
D

• Nakakagamit ng pang-uri sa sariling pangungusap*

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT


(“BAHAY KUBO”)

• Ipaawit sa klase ang kantang “Bahay Kubo.” Ipaugnay sa mga


mag-aaral ang mensahe ng kanta sa tema ng linggong ito at sa
babasahing kuwento.

Sabihin: Ang tema natin sa linggong ito ay tungkol sa pangangalaga


ng ating kaligtasan at kalusugan. Bakit ko kaya pinaawit sa inyo ang
kantang “Bahay Kubo?” Ano kaya ang kinalaman nito sa tema natin
ngayong linggo?

• Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang ideya


tungkol dito. Pagkatapos, banggitin na may kinalaman din ang
kantang “Bahay Kubo” sa babasahing kuwento ngayong araw.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
128 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

Ipahula sa klase kung tungkol saan ang kuwento. Gamitin itong TALAAN
lunsaran upang ipakilala ang aklat na Dagdagan Lang ng Dumi.

2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG


SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salitang pinag-aralan kahapon.

Sabihin: Kahapon, may tinalakay tayong mga salita na maririnig sa


kuwento natin ngayong araw. Balikan natin ang mga salitang ito at
ang kanilang kahulugan. Babasahin ko ang bawat salita; sabihin ninyo
ang salitang kahulugan nito: pangako, namangha, tiyempong-
tiyempo, lumalago, napakurap.

b. Pangganyak

PY
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita


ninyo sa larawan? (Maghintay ng ilang kasagutan.) May nakikita
O
ba kayong gulay na nabanggit sa kantang “Bahay Kubo?” Saan
nakakabit ang mga gulay? Paano kaya napunta doon ang mga gulay?
C
Ano ang hula ninyo?

Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay


D

Dagdagan Lang ng Dumi. Isinulat ito ni Becky Bravo at iginuhit


ni Jason Moss. Sa palagay ninyo, batay sa larawan at pamagat, tungkol
E

saan kaya ang kuwentong ito?


EP

c. Pangganyak na Tanong
Habang nakikinig kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong na ito:
D

Ano ang ipinangako ni Miguel sa kaniyang nanay at ano ang nangyari


sa pangakong ito?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto pagkabasa


ng ilang takdang pahina upang palalimin ang pag-intindi at
pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng p. 3
Itanong: Kung may makita kayong munggo na tumutubo sa tainga
ninyo, magugulat ba kayo? Bakit kaya hindi man lamang nagulat ang
nanay ni Miguel? Ano kaya ang alam ng nanay na hindi natin alam?
Ano ang hitsura ni Miguel dito sa larawan?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 129
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Huminto pagkabasa ng p. 5


Itanong: Ano ang ipinangako ni Miguel sa kaniyang nanay dito sa
bahaging ito? Tinupad ba niya ito?

Huminto pagkabasa ng p. 9
Itanong: Bakit kaya hindi pa rin naligo si Miguel? Ano na raw ang
nangyari sa dumi niya? Ano kaya ang mangyayari pagkagising ni Miguel?
May munggo kaya ulit sa kaniyang tainga paggising niya?

Huminto pagkabasa ng p. 11
Itanong: Ano ang nakita ni Miguel sa kaniyang tainga pagkagising?
Tama ba ang hula ninyo? Bakit kaya hindi kaagad tinanggal ng nanay ang
kamatis mula sa tainga ni Miguel?

Huminto pagkabasa ng p. 13
Itanong: Ano-ano na ang tumutubo sa katawan ni Miguel? Ano kaya
ang nararamdaman ni Miguel sa puntong ito? Sinunod ba ng nanay ang
hiniling ni Miguel sa kaniya? Ano ang ginawa ng nanay? Tinupad na ba
ni Miguel ang pangako niya na maligo?

PY
Huminto pagkabasa ng p. 15
Itanong: Ano ang bagong tumubo sa katawan ni Miguel? May tutubo pa
kayang ibang halaman sa katawan niya sa susunod na pahina? Ano ang
O
hula ninyo?

Huminto pagkabasa ng p. 17
C
Itanong: Ilang araw nang hindi naliligo si Miguel? Gaano karami na
ang dumi sa katawan niya? Ano kaya ang susunod na tutubo sa kaniyang
D

katawan? Ano ang hula ninyo?

Huminto pagkabasa ng p. 19
E

Itanong: Gaano karaming klase ng gulay na ang tumutubo sa katawan


EP

ni Miguel? Ano kaya ang nararamdaman niya sa puntong ito? Kung kayo
si Miguel, ano ang mararamdaman ninyo?

Huminto pagkabasa ng p. 22
D

Itanong: Sa palagay ninyo, tatanggalin na kaya ng nanay ang mga


tumutubo sa katawan ni Miguel? Ano kaya ang sasabihin niya kay
Miguel? Tingnan natin kung tama ang hula ninyo.

Huminto pagkabasa ng p. 25
Itanong: Tutuparin na kaya ni Miguel sa wakas ang pangako niya?
Ano ang tingin ninyo?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

Itanong ang sumusunod:

a. Aling bahagi ng kuwento ang pinakanagustuhan ninyo? Bakit


ninyo ito nagustuhan?
b. Paano ninyo ilalarawan si Miguel—sa hitsura,at sa ugali?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
130 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

c. Gaano katagal bago tinupad ni Miguel ang kaniyang pangako? TALAAN


Ano ang nangyari kay Miguel nang hindi niya kaagad tinupad ang
kaniyang pangako?
d. Bakit kaya hindi kaagad tinatanggal ng nanay ang mga halamang
tumutubo kay Miguel?
e. Kung tinanggal ito kaagad ng nanay, tutuparin kaya kaagad ni
Miguel ang pangako niyang maligo?
f. Ano ang nangyari sa unang pagkakataon nang tinanggal kaagad ng
nanay ang munggong tumtubo sa kaniyang tainga?
g. Tinupad ba ni Miguel ang kaniyang pangako?
h. Sa tingin ninyo, posible bang mangyari sa tunay na buhay ang
nangyari sa kuwento? Bakit?
i. Ano ang mensahe ng kuwentong ito tungkol sa pangangalaga sa
ating kalusugan?

5 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip at magsulat
ng isang pangako tungkol sa isang bagay na gagawin ninyo upang
pangalagaan ang inyong kalusugan. (Halimbawa: Pangako kong
O
kumain ng gulay at prutas upang pangalagaan ang aking kalusugan.)
Maghandang ibahagi ito sa klase bukas.
C
E D

LAYUNIN ARAW
EP

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

3
paaralan (o mula sa sariling karanasan)
D

• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng


pagmamahal sa pagbasa

• F1KP-Ivg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Tumawag ng mga bata upang ilahad sa buong klase ang kanilang


sinulat na pangako tungkol sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.
Ibigay ang sumusunod na halimbawang panimula upang
magabayan ang klase sa kanilang paglalahad:

Pangako kong __________ upang pangalagaan ang


aking kalusugan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 131
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
• Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang dagdag na gabay.
Halimbawa: “Pangako kong kumain ng gulay at prutas upang
pangalagaan ang aking kalusugan.”

• Tumawag ng limang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang


pangakong pangkalusugan.

2 PAGBABALIK-ARAL: DAGDAGAN LANG NG DUMI

Ipakita ang pabalat ng aklat at gabayan ang mga mag-aaral sa


pag-alala ng mga tauhan at pangyayari sa binasang kuwento.
Itanong:

a. Sino ang bida sa kuwento natin kahapon? Ano ang bagay na hindi
niya hilig gawin?
b. Ano ang mga tumubo sa katawan ni Miguel dahil sa dami ng

PY
kanyang dusing at dumi?
c. Ano kaya ang leksiyon na natutuhan ni Miguel mula sa nangyari sa
kaniya?
d. Aling bahagi ang inyong pinakanagustuhan at bakit?
O
e. Ano ang pinakamahalagang natutuhan ninyo mula sa kuwento ni
Miguel?
C

3
D

PAGSASANAY: MGA SALITANG MAGKATUGMA


E

• Ipabanggit muli sa mga mag-aaral ang mga gulay na tumubo sa


katawan ni Miguel. Isulat ang mga salitang ito sa isang talahanayan
EP

sa pormang ganito:

Salitang Salitang Salitang Salitang Salitang


D

katugma katugma katugma katugma katugma


ng talong ng sibuyas ng bawang ng sitaw ng labanos

• Ipaalala sa mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng salitang


magkatugma. Ipasipi sa kanila ang talahanayan. Bigyan ang klase
ng limang minuto upang mag-isip at magsulat ng mga salita na
katugma ng mga salita sa bawat hanay. Isusulat nila ito sa kanilang
sariling talahanayan sa kanilang kuwaderno.

• Matapos ang limang minuto, tawagin ang pansin ng klase at


ipabanggit sa kanila ang mga isinulat nilang salitang magkatugma.
Isulat ang mga ito sa pisara, sa wastong hanay. Halimbawa:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
132 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

TALAAN
Salitang Salitang Salitang Salitang Salitang
katugma katugma katugma katugma katugma
ng talong ng sibuyas ng bawang ng sitaw ng labanos
gulong bayabas anghang bitaw unos
malong hiyas pampang hikaw bungkos
ilong labas aswang mamaw pulbos
sulong paspas sangsang ampaw musmos

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang magkakatugma


sa bawat hanay. Ituro ang bawat salita habang binabasa ng
klase. Matapos basahin, tanungin ang klase kung may salita sa
talahanayan na hindi nila lubusang naiintindihan ang kahulugan.
Ipaliwanag ang kahulugan ng babanggiting salita at gamitin ito sa
isang simpleng pangungusap.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Dagdagan pa ang


mga salitang katugma sa isinulat na talahanayan ngayong araw.
PY
O
Magpatulong sa inyong kapamilya kung kailangan.
C
E D

LAYUNIN ARAW
EP

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

4
paaralan (o mula sa sariling karanasan)
D

• F1PS-Ivg-8.3 Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang simpleng mapa

• F1PN-Ivg-1.2 Nakasusunod sa napakinggang panuto (1–2 hakbang)

1
PANIMULANG GAWAIN: LARO
(“KALUSUGAN O KALOKOHAN?”)

• Magsagawa ng laro na may kinalaman sa tema para sa linggong ito.


Ipaliwanag ang panuto ng laro sa klase.

Sabihin: Natutuhan natin nitong nakaraang araw na kailangan


nating pangalagaan ang ating kalusugan. Magsasagawa tayo ngayon
ng maikling laro. Tatayo at tatango kayo kung ang babanggitin ko ay
makakatulong sa ating kalusugan. Babanggitin din ninyo ang pangungusap
na “Kalusugan!” Uupo at iiling kayo kung ang babanggitin ko ay masama
para sa ating kalusugan. Babanggitin din ninyo ang pangungusap na

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 133
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN “Kalokohan!” Malinaw ba? Mag-praktis muna tayo ng gagawing kilos


para sa “Kalusugan!” at para sa “Kalokohan!”. “Kalusugan!” Tumayo
at tumango. (Masdan kung nakakasunod ang klase.) “Kalokohan!”
Umupo at umiling. (Siguruhing nakasunod ang klase.)

Kailan kayo tatayo, tatango, at magsasabi ng “Kalusugan!”?


(Sagot: Kapag mabuti para sa kalusugan ang sasabihin ng guro.)

Kailan kayo uupo, iiling, at magsasabi ng “Kalokohan!”?


(Sagot: Kapag masama para sa kalusugan ang babanggitin ng
guro.)

Sige, magsimula na tayo. Makinig nang mabuti.

• Banggitin ang sumusunod na gawain. Palawigin ang diskusyon


kung bakit masama o mabuti para sa kalusugan ang bawat gawaing
babanggitin, bago pumunta sa susunod na gawain.

a. Pag-inom ng soft drinks (Sagot: Kalokohan!)


b. Pagsisipilyo matapos kumain (Sagot: Kalusugan!)

PY
c. Pagpupuyat (Sagot: Kalokohan!)
d. Pagkilos at pag-ehersisyo (Sagot: Kalusugan!)
e. Pagkain ng kendi at junk food (Sagot: Kalokohan!)
f. Pagkain ng gulay (Sagot: Kalusugan!)
O
g. Paglalakad sa labas ng bahay ng nakayapak (Sagot: Kalokohan!)
h. Paghugas ng kamay matapos gumamit ng banyo
C
(Sagot: Kalusugan!)
D

2 PAGSASANAY: PAGBIBIGAY NG PANUTO


BATAY SA SIMPLENG MAPA
E
EP

• Magpaskil ng isang simpleng mapa ng paaralan, na nagpapakita ng


sumusunod na lokasyon:

a. Lokasyon ng mga palikuran/’comfort room’


D

b. Lokasyon ng mga gripo para sa paghuhugas ng kamay


c. Lokasyon ng silid-aklatan
d. Lokasyon ng mga basurahan
e. Lokasyon ng silid-aralan ng klaseng ito
f. Lokasyon ng lugar kung saan nakapaglalaro ang mga bata
g. Lokasyon ng flagpole ng paaralan

• Isa-isang ipaliwanag ang mga lokasyong ipinapakita sa mapa at


tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang gamit o ginagawa
ng mga bata sa mga lokasyong ito. Itanong kung alin sa mga
lokasyong ito ang nakatutulong sa kalusugan ng mga bata.
(Halimbawa: lugar na pinaghuhugasan ng kamay, palikuran,
basurahan, palaruan)

Sabihin: Susubukan nating magbigay ng direksiyon patungo sa ilang lugar


dito sa mapa. Kapag nagbibigay tayo ng direksiyon patungo sa isang lugar,
ano ang mga parirala o salita na maaari nating gamitin? Magbigay nga
kayo ng ilan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
134 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

(Maghintay ng sagot at isulat ito sa pisara. Mga posibleng sagot: TALAAN


kumanan sa …, kumaliwa sa …, dumiretso sa …, bumaba sa …,
umakyat sa …)

Sabihin: Basahin natin ang mga salitang nakasulat sa pisara. Habang


binabasa natin, ipapakita ko sa mapa ang ibig sabihin ng direksiyong
binanggit. (Ipakita ang ibig sabihin ng direksiyong binasa/binanggit
gamit ang mapa.) Ngayon, humarap sa inyong katabi. Magbibigayan
kayo ng direksiyon patungo sa ilang lugar dito sa paaralan na may
kinalaman sa kalusugan. Sabihin sa inyong katabi kung paano pumunta
mula sa ating silid-aralan patungong: a) palikuran (comfort room),
b) hugasan ng kamay, c) palaruan, d) basurahan. Pagmasdan ang mapa
dito sa pisara at gamitin ito sa pagbibigay ng direksiyon.

• Bigyan ang mga magkatabi ng limang minuto para sa gawaing ito.


Umikot sa klase at pakinggan ang kanilang bahaginan.

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng apat na mag-aaral


upang ilahad sa buong klase ang ibinigay nilang direksiyon mula

PY
silid-aralan hanggang sa takdang lokasyon, habang itinuturo ito
sa mapa. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang panuto kung
kailangan. O
3 PAGTATAPOS
C

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ibahagi sa inyong


D

kapamilya ang napag-usapan natin ngayong araw tungkol sa mga


gawain na masama at mabuti para sa kalusugan. Magtanong kung
may maidadagdag pa silang gawain na makabubuti at makasasama
E

sa kalusugan bukod sa napag-usapan dito sa klase. Maghandang


EP

magbahagi tungkol dito bukas.


D

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

5
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KP-Ivg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin bilang paksa para sa bahaginan


ngayong araw. Itanong sa klase kung ano pa ang nakuha nilang
ideya mula sa kanilang kapamilya tungkol sa mga gawaing
makabubuti at makasasama sa ating kalusugan. Tumawag ng apat

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 135
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN na mag-aaral upang ilahad sa harapan ng klase ang narinig nila


mula sa kanilang kapamilya tungkol sa paksang ito. Maaari nilang
gamitin ang panimulang ito:

Ayon sa aking _______________, mabuti/masama sa


kalusugan ang _______________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang maipakita kung


ano ang ipinapagawa sa mag-aaral. Halimbawa: “Ayon sa aking
kuya, mabuti sa kalusugan ang paglalakad sa mga lugar kung saan
malinis ang simoy ng hangin. Ayon sa aking nanay, masama sa
kalusugan ang pagkain ng sobra-sobrang pagkaing matatamis.”

• Tumawag ng dalawang mag-aaral na hindi pa gaanong


nakakapaglahad sa harapan ng klase. Tulungan sila sa pagsasaayos
ng kanilang pangungusap.

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG MAGKATUGMA

PY
• Umawit ng isang kanta na magpapagalaw sa mga bata, katulad ng
“Mag-exercise Tayo Tuwing Umaga.” Matapos awitin, tanungin
O
kung alin sa mga salita sa kanta ang magkatugma. Isulat ang
salitang magkatugma sa pisara. (Halimbawa: umaga – sumigla,
C
gumising – jogging – tumbling - paling-paling)

• Magtakda ng isang salita para sa bawat hanay. Pag-isipin ang mga


D

bata ng katugmang salita sa salitang itatakda sa kanila. Itakda ang


sumusunod na salita para sa bawat hanay:
E

a. Hanay 1: malusog
EP

b. Hanay 2: malinis
c. Hanay 3: ligtas
d. Hanay 4: maingat
D

e. Hanay 5: katawan

• Bigyan ang bawat hanay ng dalawang minuto upang mag-isip ng


tatlong salitang katugma ng kanilang takdang salita. Matapos ang
dalawang minuto, tumawag ng mag-aaral mula sa bawat hanay
upang ibahagi ang mga naisip nilang salitang magkatugma. Isulat
ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga salita at tanungin ang mga
mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng bawat isa.

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga bata ang sumusunod
at sasagutin ito ng bata nang palahad.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
136 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 37

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap, TALAAN


o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa
bawat bata sa grupo): pangako, namangha, tiyempong-
tiyempo, lumalago, napakurap.

–– Magbanggit ng isang bagay na nagustuhan mo tungkol sa


kuwentong Dagdagan Lang ng Dumi.

–– Aling salita sa bawat grupo ang magkatugma?


(1) kamay-hugas-kaway
(2) masigla-malala-manipis
(3) kilos-talong-halos
(4) okra-bawang-anghang
(5) kamatis-malusog-patis

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat o gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang

PY
ibang mga mag-aaral. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
O
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na
C
sa talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng mga salitang
magkatugma.
D

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
E

na gabay o tulong.
EP

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipaguhit sa mga naghihintay na bata ang isang gawain na mabuti
D

para sa ating kalusugan. Magsulat ng pangungusap na nagsasabi kung


anong gawain ang ipinapakita sa larawan.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Subukang gumawa


ng isang bagay na napag-usapan sa klase na makabubuti sa ating
kalusugan. Maghandang ilahad sa klase ang inyong ginawa sa susunod
na linggo.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 137
YUNIT 4 ARALIN 38

ARALIN

38
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C

TEMA: PANANTILI SA KALIGTASAN


D

AT KALUSUGAN NG AKING KOMUNIDAD


E

READ ALOUD STORY: DAGDAGAN LANG NG DUMI


EP

(JUST ADD DIRT)


D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 139
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 38

Tema: Pananatili sa Kaligtasan at Kalusugan ng Aking Komunidad


Read Aloud Story: Dagdagan Lang ng Dumi (Just Add Dirt)
(Kuwento ni Becky Bravo at Guhit ni Jason Moss)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PT • F1PT-IVa-h-1.5 • Pagsasanay: Mga salitang
Natutukoy ang kahulugan ng salita magkasalungat
batay sa kasalungat
WG • Nakapagbibigay ng mga pang-uri na

PY
magkasinghulugan at magkasalungat*

O
1
C
E D
EP

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
D

PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
140 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagsulat ng talahanayan para sa salitang • Pagmasid sa talahanayan


magkasalungat sa pisara, gamit ang ilang
• Pagbabasa ng mga salita sa talahanayan
salitang naglalarawan na iuugnay sa tauhan sa
Dagdagan Lang ng Dumi (Just Add Dirt) • Pagsagot sa mga tanong ng guro ukol sa

PY
salitang nakasulat sa talahanayan
• Pagpapabasa sa mag-aaral ng mga salita sa
unang hanay ng talahanayan • Pagbanggit ng mga salitang kasalungat ng salita
sa unang hanay
• Pagtatanong tungkol sa kahulugan ng bawat
O
salita, kung nilalarawan nito ang tauhan sa • Pagsipi sa nakompletong talahanayan
Dagdagan Lang ng Dumi (Just Add Dirt),
C
at kung ano ang kasalungat nito • Pagbasa sa nakompletong talahanayan ayon sa
panuto ng guro
• Pagsulat ng ibinigay ng mag-aaral na salitang
D

kasalungat sa pangalawang hanay


E

• Paggabay sa mga mag-aaral sa pagbasa


ng nabuong talahanayan sa porma ng
EP

pangungusap
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
D

* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 141
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PS • F1PS-Ivh-10.2 • Bahaginan
Nakapagtatanong tungkol sa isang
napakinggang balita

PN • FIPN-Ivh-3 • Pakikinig sa Tekstong


2 Nasasagot ang mga tanong tungkol Pang-impormasyon: Balita
sa napakinggang tekstong
pang-impormasyon

PY
O
C
D

EP • F1EP-Ivh-2.2 • Pagsasanay: Mga pictograph


Nabibigyang-kahulugan ang mga
E

simpleng pictograph
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
142 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapaalala sa klase ng ipinagawang • Pakikinig sa paliwanag ng guro at sa
takdang-aralin at pag-ugnay nito sa bahaginan halimbawang panimula at halimbawang
pangungusap
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at
halimbawang pangungusap • Paglalahad tungkol sa paksa gamit ang
halimbawa at gabay na binigay ng guro
• Pagtawag ng mag-aaral para maglahad ng
kanilang balita at tanong tungkol sa balita sa • Pakikinig sa mga kaklase na natawag para
buong klase maglahad

• Pagtulong sa naglalahad na mag-aaral kung


kinakailangan
• Pagsulat ng mga di-pamilyar na salita mula sa • Pagbasa sa mga salitang naitala sa pisara
balita sa pisara at pagpapabasa ng mga ito sa
• Pagsagot sa mga katanungan ng guro tungkol
mag-aaral
sa mga salita
• Paggabay sa mga bata sa pag-intindi ng ilang
• Pakikinig sa tekstong pang-impormasyon
salita na maririnig sa balitang babasahin sa

PY
pamamagitan ng talakayan • Pagsagot ng mga katanungan tungkol sa
balitang napakinggan
• Pagpaskil ng teksto ng pakikinggang balita
sa pisara
O
• Pagbasa (o pagpapatugtog, kung nai-rekord
C
ang balita) ng balita para sa klase

• Pagtatanong tungkol sa napakinggang balita


D

• Pagpapakilala ng paksa ng pagsasanay at • Pakikinig sa paliwanag ng guro tungkol


pag-uugnay nito sa tema para sa linggo sa gawain
E

• Pagpapakita ng tatlong pictograph na may • Pagmasid sa mga pictograph at pagsagot ng


EP

kinalaman sa kaligtasan at pagtanong kung tanong tungkol dito


nakita na ito ng mga bata
• Pagbasa ng mga flash card na ipapakita ng guro
• Pagpapakita at pagpapabasa ng tatlong flash
• Pagsuri sa mga detalye ng pictograph at
D

card kung saan nakasulat ang teksto ng mga


pagsagot ng mga tanong ng guro tungkol dito
babala na kasingkahulugan ng mga pictograph
• Pag-uugnay ng mensahe sa flash card sa ibig
• Pagpapasuri ng bawat pictograph at
sabihin ng bawat pictograph
pagtatanong tungkol dito upang maiugnay sa
mensaheng ipinapahiwatig nito • Paglagay ng tamang teksto sa tapat ng bawat
pictograph
• Pagpapalagay sa mag-aaral ng akmang flash
card sa tapat ng katugma nitong pictograph • Pagsipi ng pictograph at tekstong katapat nito
• Pagpapasipi sa pictograph at teksto sa
flash card
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 143
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


EP • F1EP-Ivh-2.2 • Bahaginan at pagbabalik-aral tungkol
Nabibigyang-kahulugan ang mga sa mga pictograph na tinalakay
simpleng pictograph kahapon

• Pagsasanay: Mga pictograph (tatlong


bagong pictograph na tungkol pa rin
sa kaligtasan)

4
PY • F1PY-Ivh-2.2
Nababaybay nang wasto ang mga
natutuhang salita mula sa mga aralin

PY
EP • F1EP-Ivh-2.2 • Laro: “Mga Pictograph”
Nabibigyang-kahulugan ang mga
simpleng pictograph
O
C

5
E D
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
144 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagtawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi • Pagbabahagi ng natatandaan tungkol sa
tungkol sa mensaheng ipinapahiwatig ng naitakdang pictograph (kung natawag)
pictograph na naitakda sa kanila
• Pakikinig sa pagbabahagi ng kaklase at
• Pagpapakita ng tatlong bagong pictograph at pagsagot sa mga tanong ng guro matapos
pagtanong kung nakita na ito ng mga mag-aaral ang paglalahad ng kamag-aral

• Pagdikta ng mga salita o mensahe na katapat • Pagmasid sa mga bagong pictograph at


ng mga pictograph at pagpapabaybay ng mga pagsagot ng tanong tungkol dito
salitang ito sa kanilang kuwaderno
• Pagsulat ng mga salitang ididikta ng guro
• Pag-uugnay ng salitang idinikta sa tamang sa kuwaderno
pictograph, at pagtawag ng mag-aaral
• Pag-uugnay ng mga salitang isinulat sa
upang isulat ang salita/mensahe sa tapat ng
kahulugan ng bawat pictograph
pictograph
• Pakikinig sa pagsusuma ng guro
• Pagsusuma sa isinagawang pagsasanay

PY
• Pagpaskil ng anim na pictograph sa iba-ibang • Pagmasid sa mga nakapaskil na pictograph at
bahagi ng silid pagsagot sa tanong ng guro

• Pagpapaliwanag sa panuto ng laro • Pakikinig sa panuto ng laro


O
• Pagbasa ng mga pangungusap na tumutukoy sa • Pagpunta sa pinagsasabitan ng tamang
C
bawat pictograph pictograph batay sa binanggit na pangungusap

• Pagtakda ng anim na flash card na may • Pagbasa ng mga flash card na ipapakita
D

nakasulat na teksto ng mensahe ng bawat ng hawak ng ilang kaklase


pictograph sa anim na bata
• Pagturo sa kaklase kung saang pictograph
E

• Pagpapabasa sa bawat flash card at sila dapat tumapat


EP

pagtatanong sa klase kung saang pictograph


ito dapat itapat
D

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 145
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

1
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PT-IVa-h-1.5 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat

• Nakapagbibigay ng mga pang-uri na magkasalungat*

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin noong


nakaraang linggo. Gamiting itong paksa sa bahaginan.

Sabihin: Tungkol sa kalusugan at kaligtasan pa rin ang tema natin


ngayong linggo. Takdang-aralin ninyo noong nakaraang linggo na gawin ang
isang bagay na makabubuti sa inyong kalusugan, at maghandang ilahad ito
sa klase. Sino ang nais magbahagi tungkol sa kanilang karanasan? Maaari

PY
ninyong gamitin ang panimulang ito:
O
Inalagaan ko ang aking kalusugan nang _________________.
C
• Magbigay ng halimbawang pangungusap na mas magpapakita ng
ipinapagawa sa mga mag-aaral. Halimbawa: “Inalagaan ko ang
aking kalusugan nang nag-ehersisyo ako sa may tabing-ilog upang
D

makalanghap ng sariwang hangin.”


E

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang ilahad ang kanilang


karanasan sa klase. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang
EP

pangungusap kung kinakailngan.

2
D

PAGSASANAY:
MGA SALITANG MAGKASALUNGAT

• Isulat sa pisara ang sumusunod na talahanayan:

• Mga Salitang Magkasalungat


Ang salitang: …ay kabaligtaran ng salitang:
marumi
malusog
mabango
masipag

Sabihin: May ilang salitang naglalarawan na nakasulat dito sa


talahanayan. Basahin natin ang bawat isa.

• Hayaang manguna ang mga mag-aaral sa pagbasa ng salita habang


itinuturo ng guro. Pakinggan ang pagbasa ng mga mag-aaral at

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
146 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

iwasto kung kinakailangan. Matapos basahin, gamitin ang tauhan TALAAN


sa kuwentong Dagdagan Lang ng Dumi sa pagtukoy ng kahulugan ng
bawat salita. Ipakita ang p. 10 mula sa aklat.

Sabihin: Natatandaan pa ba ninyo si Miguel? Pagmasdan natin itong


larawan niya mula sa libro. Sa palagay ninyo, marumi ba si Miguel?
Paano ninyo nasabi ito? Ano ang kabaligtaran ng salitang marumi?

• Isulat sa katapat na hanay ng salitang marumi ang kasalungat na


salita na babanggitin ng mga bata (Posibleng sagot: malinis). Gawin
ang kaparehong proseso ng pagtatanong kung naglalarawan kay
Miguel ang salita sa kaliwang hanay. Pagkatapos, tanungin kung
ano ang kabaligtaran ng salitang tinukoy.

• Kapag nabuo na ang talahanayan, gabayan ang mga bata sa


pagbasa ng bawat linya sa porma ng pangungusap. (Halimbawa:
Ang salitang ____ ay kabaligtaran ng salitang _____.)

May halimbawa ng kompletong talahanayan sa ibaba:

PY
Mga Salitang Magkasalungat
Ang salitang: …ay kabaligtaran ng salitang:
marumi malinis
O
malusog sakitin, payat
mabango mabaho
C
masipag tamad
D

• Tanungin ang mga bata kung may iba pa silang naiisip na salitang
makapaglalarawan kay Miguel. Tanungin din sila kung ano ang
E

salitang kasalungat ng salitang ibinigay. Isulat ang mga ito sa


karagdagang espasyo ng talahanayan. (Halimbawa: maaasahan – di
EP

mapagkatiwalaan; magulo – maayos)

3
D

PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Makinig ng balita sa


radyo at telebisyon. Maghandang magbahagi tungkol dito bukas. Mas
mainam kung may kinalaman sa kalusugan o kaligtasan ang balita na
ilalahad ninyo bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 147
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-Ivh-10.2 Nakapagtatanong tungkol sa isang napakinggang balita

• F1PN-Ivh-3 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstong


pang-impormasyon

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala ang ipinagawang takdang-aralin at gamitin itong paksa para


sa bahaginan.

Sabihin: Takdang-aralin ninyo kahapon na makinig ng balita sa


radyo o telebisyon, at magbahagi ng tungkol sa isang balita ngayong araw.
Mas mainam kung tungkol sa pangangalaga ng kalusugan o kaligtasan

PY
ang ilalahad ninyo, pero puwede ring tungkol sa ibang paksa ang inyong
ibabalita.

Sino ang nais magbahagi ng napakinggan nilang balita? Matapos ninyong


O
banggitin kung tungkol saan ang balita, magbanggit ng isang tanong na nais
pa ninyong masagot o malaman tungkol sa balitang ito. Kapag magbibigay
C
ng tanong, gamitin ang alinman sa mga salitang ito: Sino? Saan? Ano?
Kailan? Bakit? Paano? Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:
D

Narinig ko sa balita kahapon na _____________________.


E

May natitira pa akong tanong tungkol sa balitang ito:


EP

________________________?

• Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang dagdag-gabay sa


D

ipinapagawa.

Halimbawa:
“Narinig ko sa balita kahapon na dumarami ang kaso ng tigdas
sa ating komunidad. May natitira pa akong tanong tungkol
sa balitang ito: Bakit kumakalat ang sakit na ito sa ating
komunidad?”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang ibahagi ang kanilang


balita sa buong klase. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang
pangungusap kung kinakailangan.

2 PAKIKINIG SA TEKSTONG PANGKABATIRAN:


BALITA

• Iugnay ang susunod na gawain sa paksa ng bahaginan. Ipaliwanag


na ang balita ay isang uri ng paraan ng pagbibigay at pagtanggap

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
148 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

ng impormasyon. Ipakilala ang paksa ng gagawing pakikinig at TALAAN


ipaliwanag ang ilang salita na malamang ay bago sa pandinig ng
mga mag-aaral.

Sabihin: Sa bahaginan, nagpalitan tayo ng balita na narinig natin sa


radyo o telebisyon. Kapag nakikinig tayo ng balita, nakakukuha tayo
ng bagong impormasyon na mahalagang malaman natin. Makikinig
tayo ngayon sa isang balita na may kinalaman sa tema nating ngayong
linggo. Pagkatapos marinig ang balita, tatalakayin natin kung anong
impormasyon ang napulot ninyo mula dito. Pero bago iyon, pag-aralan muna
natin ang ilang salita na maririnig natin sa balita.

• Ilista ang sumusunod na salita sa pisara: tigdas, pagbabakuna,


nakahahawa, kumplikasyon. Tulungan ang mga mag-aaral sa
pag-intindi ng mga salitang ito sa pamamagitan ng sumusunod
na tanong at talakayan:

(1) Nagkasakit na ba kayo ng tigdas? Sino sa inyo ang nagkalagnat


at nagkaroon ng maraming mapupulang marka sa inyong balat?

PY
Ito ang mga sintomas ng tigdas. Karaniwan ay mga maliliit na
bata ang nagkakasakit ng tigdas, pero maaari ding mahawa ang
mga matatanda ng sakit na ito. O
(2) Nadala na ba kayo ng inyong magulang sa ospital o health
center para sa pagbabakuna? Kapag binabakunahan, tinuturukan
C
tayo ng gamot sa ating braso. Kung minsan, tinatawag din itong
ineksiyon. Ginagamit ang bakuna upang protektahan tayo laban
sa isang partikular na sakit, katulad ng tigdas.
D

(3) Linalabanan ng bakuna ang mga sakit na nakahahawa. Nahawa


E

na ba kayo ng sakit mula sa iba? Ang mga sakit na nakahahawa


ay kumakalat mula sa isang tao na may sakit patungong iba.
EP

Kapag nahawakan o nahatsingan tayo ng isang tao na may sakit,


posible tayong mahawa.

(4) Kapag may sakit tayo, humihina ang kakayanan ng ating


D

katawan na labanan pa ang ibang sakit. Kung minsan,


nagkakaroon ang isang taong may sakit ng isa pang mas
matinding sakit. Kumplikasyon ang tawag sa mga mas matinding
sakit na ito.

Malinaw na ba ang mga salita sa pisara? Pakinggan na natin ngayon ang


ating balita.

• Ipaskil sa pisara ang teksto ng balitang tatalakayin. Kung


magagawang i-rekord ang ibang tao na nagbabasa o nag-uulat ng
tekstong ito, mas mabuti. Kung hindi ito magagawa, basahin na
lamang ang balita para sa klase:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 149
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
Kampanya Kontra-Tigdas, Nagsimula Na

Sinimulan na ng Department of Health o DOH ang kanilang


pambansang kampanya ng t laban sa tigdas.

Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang


sakit na ito. Posible itong magdulot ng kumplikasyon katulad
ng pulmonya at iba pang mas malalang kondisyon.

Pagbabakuna lamang ang paraan upang maiwasan ang


tigdas. Ayon sa DOH, mas mabilis at mas matindi ang
pagkalat ng tigdas kaysa sa ibang sakit, kaya’t mahalagang
mabakunahan ang mga bata laban dito.

Nanawagan ang DOH sa lahat ng magulang na dalhin ang


kanilang mga anak sa pinakamalapit na health center upang
mapabakanuhan.

PY
• Talakayin ang balita sa pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod:

a. Tungkol saan ang balita?


b. Aling ahensiya ng gobyerno ang pinanggalingan ng balita?
O
c. Bakit mahalagang magpabakuna laban sa tigdas?
d. Ano ang panawagan ng DOH sa mga tagapakinig?
C

3 PAGTATAPOS
E D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ano ang mga bagay


EP

na dapat tandaan ng mga mag-aaral upang maging ligtas mula sa


aksidente? Humingi ng ideya mula sa inyong magulang o iba pang
kapamilya. Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.
D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-Ivh-2.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng pictograph

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin bilang paksa para sa bahaginan. Iugnay


ang paksa sa tema ng kalusugan at kaligtasan at gabayan ang mga
bata sa kanilang gagawing pagbabahagi.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
150 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

Sabihin: Nitong mga nakaraang araw, marami tayong napag-usapan TALAAN


tungkol sa pangangalaga ng ating kalusugan. Ngayon naman, tutukan
natin ang isa pang aspeto ng ating tema ngayong linggo—ang pangangalaga
sa ating kaligtasan. Ano ba ang ibig sabihin ng kaligtasan? Ano ang
kalagayan natin kapag tayo ay ligtas? (Posibleng sagot: malayo
sa aksidente, malayo sa panganib o peligro, hindi nasasaktan,
protektado)

Kahapon, ipinatanong ko sa inyong magulang o ibang kapamilya kung ano


ang mga dapat ninyong tandaan upang maging ligtas mula sa aksidente. Ito
ang paksa ng ating bahaginan ngayong araw. Humarap sa inyong katabi
at ibahagi sa kaniya kung ano ang binanggit ng inyong kapamilya na
paraan ng pagsiguro ng inyong kaligtasan. Pagkatapos, pakinggan naman
ang inyong katabi. Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto. Maaari ninyong
gamitin ang panimulang ito:

Sabi ng _____ ko, dapat _________ upang maging ligtas mula


sa aksidente.

PY
• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas magabayan
ang mga bata sa ipinapagawang pagbabahagi. O
Halimbawa:
“Sabi ng nanay ko, dapat ay gamitin nang tama ang posporo upang
C
maging ligtas sa aksidente. “

• Matapos ang dalawang minuto, tumawag ng apat na mag-aaral


D

upang ilahad ang kanilang ideya sa harapan ng klase. Tulungan sila


sa pagsasaayos ng pangungusap kung kailangan.
E

2
EP

PAGSASANAY: MGA PICTOGRAPH

• Iugnay ang susunod na gawain sa paksa ng kalusugan.


D

Sabihin: Ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa kalusugan at


kaligtasan. Kahapon, may binasa akong balita tungkol sa kampanya
kontra sa tigdas. Natatandaan pa ba ninyo kung paano maaaring
iwasan ang tigdas? Bakit ba dapat iwasan ang tigdas? Ano ang posibleng
mangyari kung hindi tayo magpabakuna laban sa tigdas?

• Kumuha ng ilang sagot mula sa klase. Pagkatapos, ipaskil ang


pictograph sa ibaba.
Impormasyon Tungkol sa Kampanya Kontra Tigdas
mula sa Barangay Pagkakaisa
Lugar Bilang ng Batang Bilang ng Batang
Nabakunahan Nagkasakit ng Tigdas
Sitio A
Sitio B
Sitio C
= 10 batang = 10 batang nagkasakit
nabakunahan ng tigdas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 151
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Sabihin: Dagdagan pa natin ang ating nalalaman tungkol sa pagkontra


sa tigdas. Ang larawan dito sa pisara ay isang pictograph. Ang mga
pictograph ay mga guhit, simbolo, o larawan na may ipinapahiwatig na
impormasyon. Ano kaya ang ipinapahiwatig ng pictograph na ito? (Kumuha
ng ilang sagot mula sa klase.)

Babasahin ko ang pamagat ng pictograph. (Basahin ang pamagat para


sa klase.) Batay sa pamagat, tungkol saan kaya itong pictograph na ito?
Ano ang pangalan ng barangay na pinagmulan ng impormasyon?

Ngayon naman, pagmasdan natin ang bahaging ito sa pinakailalim.


Kakailanganin nating alamin ang impormasyon mula sa bahaging ito ng
pictograph upang maintindihan ang impormasyon sa iba pang hanay at
hilera.

Itanong: Ano ang nakasulat sa tabi ng larawan ng bakuna? Ano


naman ang nakasulat sa tabi nitong larawan ng bata? Batay dito, ilan
ang katumbas na bilang ng bawat bakuna at bata dito sa pictograph?
(Tumawag ng mga bata upang sagutin ang tanong.)

PY
Sabihin: Basahin naman natin ang mga salita dito pangalawang hilera ng
pictograph. Malalaman natin dito kung tungkol saan ang bawat hanay at
hilera ng pictograph.
O
Ituro ang mga salitang Lugar, Bilang ng Batang Nabakanuhan, at Bilang
ng Batang Nagkasakit ng Tigdas at ipabasa ito sa klase. Ituro din ang mga
C
salita sa ilalim ng hanay na Lugar.

Itanong: Ano-ano ang mga lugar mula sa Barangay Pagkakaisa na


D

pinagkunan ng impormasyon para sa pictograph? (Sagot: Sitio A, Sitio B,


Sitio C) Paano natin malalaman kung ilan ang batang nabakunahan sa
E

bawat sitio? (Sagot: Magbilang ng pasampu para sa bawat larawan


EP

ng bakuna na katapat ng bawat sitio.) Paano naman natin malalaman


kung ilan ang batang nagkasakit ng tigdas mula sa bawat sitio? (Sagot:
Magbilang ng pasampu para sa bawat larawan ng bata na katapat
ng bawat sitio.)
D

Sabihin: Alamin natin ngayon kung ilan ang batang nabakanuhan at


nagkasakit mula sa bawat sitio. Tutulungan ko kayo sa unang hilera,
Sitio A. Pagkatapos, magtutulungan kayo ng inyong katabi sa pagtukoy
ng sagot para sa Sitio B at Sitio C. Makinig nang mabuti at pagmasdan
ang gagawin ko para sa hilera ng Sitio A upang magawa din ninyo ito sa
natitirang sitio.

Ipakita sa klase kung paano magbilang ng pasampu para sa hilera ng Sitio


A. Sa hanay ng bilang ng nabakanuhan, ituro ang bawat bakuna habang
nagbibilang ng pasampu. (Halimbawa: sampu-dalawampu-tatlumpu-
apatnapu-limampu-animnapu-pitompu) Isulat ang bilang na 70 sa
tapat ng Sitio A, sa ilalim ng akmang hanay. Sa hanay naman ng bilang
ng nagkasakit, ituro ang bawat bata habang nagbibilang ng pasampu.
(Halimbawa: sampu-dalawampu) Isulat ang bilang na 20 sa tapat ng
Sitio A, sa ilalim ng akmang hanay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
152 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

Itanong: Ilan ang nabakunahan sa Sitio A? Paano natin ulit TALAAN


nakuha ang bilang na ito? Ilan ang nagkasakit sa Sitio A? Paano
natin nakuha ang bilang na ito?

Sabihin: Ngayon, kayo naman ang susubok na magbilang kung ilan ang
nabakunahan at ilan ang nagkasakit sa Sitio B at Sitio C. Magtulungan
kayo ng inyong katabi sa pagbilang ng pasampu para sa bawat hilera
at hanay. Isulat ninyo ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. Bibigyan
ko kayo ng limang minuto para sa gawaing ito. Kung may hindi kayo
maintindihan, itaas ang inyong kamay at pupuntahan ko kayo.

• Umikot sa buong klase habang ginagawa ng mga mag-aaral ang


pagsasanay. Gabayan ang mga mag-aaral na nangangailangan
ng tulong. Matapos ang limang minuto, tawagin ang pansin ng
buong klase at talakayin ang kanilang mga sagot. Itanong ang
sumusunod:

a. Ilan ang batang nabakunahan sa Sitio B? (Sagot: 50)


b. Ilan ang batang nagkasakit sa Sitio B? (Sagot: 50)

PY
c. Ilan ang batang nabakunahan sa Sitio C? (Sagot: 20)
d. Ilan ang batang nagkasakit sa Sitio C? (Sagot: 90)
e. Aling sitio ang may pinakamaraming batang nabakunahan?
(Sagot: Sitio A)
O
f. Aling sitio ang may pinakamaraming batang nagkasakit?
(Sagot: Sitio C)
C
g. Ano ang napapansin ninyo tungkol sa bilang ng batang
nagkasakit kapag maraming bata ang nabakunahan? (Ilang
posibleng sagot: Mas kaunti ang nagkakasakit kapag mas
D

maraming nabakunahan. Mas marami ang nagkakasakit kapag


mas kaunti ang nabakunahan.)
E

h. Batay sa pictograph na ito, nakatutulong ba sa kalusugan ng


EP

komunidad ang pagpapabakuna laban sa tigdas? Bakit?

3
D

PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Gumawa ng


pictograph na nagpapakita kung ilan ang babae at ilan ang lalaki na
nakatira sa bahay ninyo. Gumamit ng magkaibang simbolo o larawan
para sa babae at para sa lalaki. (Halimbawa: ) Ang isang simbolo
ay may katumbas na isang tao. Isulat/iguhit ang pictograph sa inyong
kuwaderno. Maghandang magbahaginan tungkol sa pictograph na ito
bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 153
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-Ivh-2.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng pictograph

• F1PY-Ivh-2.2 Nababaybay nang wasto ang mga natutuhang salita mula


sa mga aralin

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Magsagawa ng bahaginan tungkol sa ipinagawang takdang-aralin.

Sabihin: Kahapon, kumuha tayo ng impormasyon mula sa isang


pictograph. Ano nga ulit ang isang pictograph? (Maghintay ng sagot.)
Tama. Ang pictograph ay nagpapakita ng impormasyon tungkol sa isang
paksa gamit ang mga simbolo o larawan. Takdang-aralin ninyo na gumawa

PY
ng isang pictograph upang ipakita kung ilan ang babae at ilan ang lalaki
na nakatira sa inyong bahay. Ang bawat simbolo ay katumbas ng isang
tao. Magkaibang simbolo ang dapat gamitin para sa babae at lalaki.
O
Tatawag ako ngayon ng limang mag-aaral upang magbahagi tungkol sa
kanilang pictograph. Ipakita ang inyong pictograph at sabihin kung ilan
C
ang lalaki at ilan ang babae na nakatira sa inyong bahay. Maaari ninyong
gamitin ang panimulang ito:
D

Ipinapakita ng pictograph na ito kung ilan ang babae at ilan ang


lalaki na nakatira sa aming bahay. May __ na babae at __ na
E

lalaki na nakatira sa amin.


EP

Habang nagpapahayag kayo, isusulat ko ang inyong ibabahaging


impormasyon dito sa malaking pictograph sa pisara. May inilagay din
akong unang halimbawa sa pictograph sa pisara. Gagamitin ko itong
D

halimbawa para sa ating bahaginan.

• Gamitin ang unang hilera ng pictograph upang magbigay ng


halimbawang pangungusap.

Halimbawa:
“Ipinapakita ng pictograph na ito kung ilan ang babae at ilang ang
lalaki na nakatira sa isang bahay. Sa bahay ni Gng. Santos, may
tatlong lalaki at apat na babae.”

Bilang ng Babae at Lalaki sa Bahay ng Bawat Kaklase


Bahay ni Gng. Santos
Bahay ni _____
Bahay ni _____
Bahay ni _____
= 1 lalaki = 1 babae

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
154 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi tungkol sa TALAAN


ginawa nilang pictograph. Pansinin kung magkatugma ang
impormasyong ipinapahayag at impormasyong nakalagay sa
kanilang pictograph. Isulat/iguhit ang kanilang impormasyon sa
akmang hanay o hilera ng pictograph sa pisara.

2 PAGBABALIK-ARAL:
MGA SIMPLENG PICTOGRAPH

• Gamitin ang halimbawang pictograph sa pisara sa pagtalakay ng


mga bahagi ng isang pictograph.

Sabihin: Katulad ng nakita natin kahapon at sa bahaginan ngayon,


ginagamit natin ang pictograph upang magbahagi ng impormasyon
sa isang kakaibang paraan, gamit ang simbolo o larawan. Bukod sa
mga simbolo, gumagamit din ng salita ang ibang bahagi ng pictograph.
Pagmasdan natin itong pictograph sa pisara mula sa inyong takdang-aralin.

PY
Maituturo ba ninyo kung aling bahagi ng pictograph ang gumagamit ng
salita?

• Tumawag ng isang bata na magtuturo ng mga bahagi ng


pictograph na gumagamit ng salita. Sa bawat bahaging ituro,
O
itanong ang sumusunod:
C
(Kapag itinuro ang pinaka-ibabaw na bahagi ng
pictograph): Ano ang nakasulat dito sa bahaging ito? (Sagot:
bilang ng Babae at Lalaki sa Bahay ng Bawat Kaklase) Anong
D

klaseng impormasyon ang ibinibigay nito? (Sagot: kabuuang paksa ng


pictograph) Ano kaya ang tawag sa bahaging ito ng pictograph? (Sagot:
E

pamagat. Isulat ang salitang pamagat sa pisara.)


EP

(Kapag itinuro ang mga salita sa kaliwang gilid ng


pictograph): Ano ang nakasulat dito sa bahaging ito? (Sagot:
Sitio A, Sitio B, Sitio C) Anong klaseng impormasyon ang ibinibigay
D

nito? (Sagot: mga lugar kung saan patungkol/nanggaling ang


impormasyon sa bawat hilera ng pictograph) Ano kaya ang tawag sa
bahaging ito ng pictograph? (Sagot: label. Isulat ang salitang label sa
pisara.)

(Kapag itinuro ang pinaka-ibabaw na bahagi ng


pictograph): Ano ang nakasulat dito sa bahaging ito? (Sagot: =1
lalaki, =1 babae) Anong klaseng impormasyon ang ibinibigay nito?
(Sagot: impormasyon kung ano ang katumbas na bilang ng bawat
simbolo) Ano kaya ang tawag sa bahaging ito ng pictograph? (Sagot:
susi sa pagbasa. Isulat ang susi sa pagbasa sa pisara.)

• Magbigay ng dagdag na paliwanag tungkol sa mga bahagi ng


pictograph.

Sabihin: Inilista ko dito sa pisara ang iba-ibang bahagi ng isang


pictograph. Susumahin ko kung ano ang silbi ng bawat bahaging
nakalista. (Maaari ding isulat ito sa isang tsart o sa pisara.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 155
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN a. pamagat – nagsasabi kung ano ang kabuuang paksa na


ipinapakita ng isang pictograph
b. label – ipinapakita kung mula saan o tungkol saan ang
impormasyon sa bawat hilera ng pictograph
c. susi sa pagbasa – nagsasabi kung ano ang katumbas na bilang
ng bawat simbolo sa pictograph

• Ipakita muli ang pictograph tungkol sa mga batang nabakunahan


na ginamit kahapon. Ipasipi ito sa mga mag-aaral.

Impormasyon tungkol sa Kampanya Kontra


Tigdas mula sa Barangay Pagkakaisa
Lugar Bilang ng Batang
Nabakunahan
Sitio A
Sitio B
Sitio C

PY
= 10 batang nabakunahan
• Matapos nilang sipiin ang pictograph, hikayatin silang isulat
sa kanilang kuwaderno kung alin ang pamagat, label, at susi sa
pagbasa.
O
Halimbawa:
C
Impormasyon tungkol sa Kampanya Kontra
Tigdas mula sa Barangay Pagkakaisa
D

Lugar Bilang ng Batang pamagat


Nabakunahan
E

Sitio A
EP

label Sitio B
Sitio C
= 10 batang nabakunahan susi sa pagbasa
D

• Umikot sa klase habang ginagawa ito ng mga mag-aaral. Pansinin


kung sino ang nangangailangan ng dagdag na tulong at bigyan sila
ng akmang paggabay.

3 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso. Ipataas ang kamay ng


mga mag-aaral kung akma para sa kanila ang mga babanggiting
pangungusap. Itataas nila ang kanilang kamay ayon sa
pagkakaakma o pagsang-ayon nila sa pangungusap. Kung gaano
kataas ang kanilang kamay, ganoon katotoo, o kaakma para sa
kanila ang sinasabi nito. Banggitin ang sumusunod:

a. Alam na alam ko na kung ano ang pictograph.


b. Alam na alam ko na kung paano basahin o alamin ang
impormasyong ipinapakita ng pictograph.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
156 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

c. Alam na alam ko na ang mga bahagi ng isang pictograph. TALAAN


d. Alam na alam ko na kung paano gumawa ng sarili kong
pictograph.

• Pansinin kung aling aspeto tungkol sa pictograph ang hindi pa nila


lubusang naiintindihan at tutukan ito sa mga susunod na araw.

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

5
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-Ivh-2.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng pictograph

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO

PY
(“BUHAY NA PICTOGRAPH”)

• Sa larong ito, ang mga mag-aaral ang siyang tatayo bilang simbolo
O
sa pagbubuo ng isang buhay na pictograph. Hatiin ang klase sa
dalawang pangkat. Pakikinggan ng bawat pangkat ang babasahing
C
impormasyon, at ipakikita nila ang isinasaad na bilang, gamit ang
kanilang mga kapangkat. Ang bawat mag-aaral na gagamitin ng
pangkat bilang simbolo ay may katumbas na bilang na dalawa (2).
D

• Mag-uunahan ang mga pangkat sa pagbubuo ng tamang hilera ng


E

pictograph gamit ang ibibigay na impormasyon.


EP

Sabihin: Ang pamagat ng ating buhay na pictograph ay “Bilang ng


Prutas sa Tindahan ni Aling Nena.” Ipakita ang hitsura ng bawat
hilera ayon sa sumusunod na impormasyon:
D

a. Sa basket ng atis, may 16 piraso. Ipakita sa simbolo/tao ang


bilang na ito kung ang 1 bata=2 piraso.
b. Sa basket ng papaya, may 10 piraso. Ipakita sa simbolo/tao ang
bilang na ito kung ang 1 bata=2 piraso.
c. Sa basket ng pakwan, may 8 piraso. Ipakita sa simbolo/tao ang
bilang na ito kung ang 1 bata=2 piraso.
d. Sa basket ng chico, may 22 piraso. Ipakita sa simbolo/tao ang
bilang na ito kung ang 1 bata=2 piraso.
e. Sa basket ng dalandan, may 28 piraso. Ipakita sa simbolo/tao
ang bilang na ito kung ang 1 bata=2 piraso.

• Matapos basahin ang bawat pangungusap, pansinin ang binuong


hilera ng bawat pangkat. Ipabilang sa kanila ang kanilang binuo,
gamit ang pagbilang na dalawahan. Pansinin kung tama o hindi ang
kanilang pagpapakita ng bilang gamit ang simbolo at ipaliwanag/
ipakita ang tamang sagot kung kinakailangan. Buwagin ang hilera
bago basahin ang susunod na impormasyon.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 157
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN (Kung kaunti lamang ang bilang ng mag-aaral, bawasan ang bilang
na gagamitin sa bawat pangungusap.)

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Tanungin sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin ito ng bata nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa pamamagitan ng kilos ang salitang (pipili ng isa
ang guro para sa bawat bata sa grupo): pictograph, tigdas,
pagbabakuna, nakahahawa, kumplikasyon.
–– Magbigay ng salita na kasalungat o kabaligtaran ng sumusunod:
malinis, payat, mahaba, malaki, malusog, mabaho.
–– Ano ang mga bahagi ng isang pictograph? (Sagot: pamagat,

PY
label, susi sa pagbasa)
–– Pagmasdan ang pictograph na ito at sagutin ang tanong batay sa
nakikitang impormasyon:
O
Bilang ng Babae at Lalaki sa Bahay ng
Paaralang Apolinario Mabini
C
Baitang 1
Baitang 2
D

Baitang 3
Baitang 4
E

Baitang 5
EP

Baitang 6
= 10 lalaki = 10 babae

(1) Ilan ang lalaki sa Baitang 1?


D

(2) Ilan ang babae sa Baitang 2?


(3) Ilan ang lalaki sa Baitang 3?
(4) Ilan ang babae sa Baitang 4?
(5) Ilan ang kabuuang bilang ng mga bata, babae, at lalaki, sa
Baitang 5?
(6) Sino ang mas marami sa Baitang 6—babae o lalaki?

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, gumuguhit o nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang
ibang mga mag-aaral. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
158 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 38

talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng mga kasalungat ng TALAAN


binigay na salita.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipasipi sa mga mag-aaral ang sumusunod na pangungusap: Gawing
kagawian ang pangangalaga sa kalusugan. Magpaguhit sa bata
ng larawan na nagpapakita ng kahulugan ng mensaheng ito.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpakuwento sa

PY
inyong magulang o iba pang kapamilya tungkol sa isang sakuna na
naranasan nila, katulad ng bagyo, sunog, lindol, o baha. Tanungin sila
kung ano ang dapat gawin ng isang pamilya upang mapaghandaan
O
ang mga ganitong sakuna. Maghandang magbahagi tungkol dito sa
susunod na linggo.
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 159
YUNIT 4 ARALIN 39

ARALIN

39
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: PAGHAHANDA LABAN SA SAKUNA


READ ALOUD STORY: SI NOAH AT ANG MALAKING BAHA
E

(NOAH AND THE GREAT FLASH FLOOD)


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 161
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 4, ARALIN 39

Tema: Paghahanda Laban sa Sakuna


Read Aloud Story: Si Noah at ang Malaking Baha (Noah and the Great Flash Flood)
(Kuwento ni Krissie Zamora-Martinez at Guhit ni Yasmin Doctor)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IVi-j-8 • Bahaginan
Nakabubuo nang wasto at payak
na pangungusap na may tamang
ugnayan ng simuno at panaguri sa

PY
pakikipag-usap

O
PL • F1PL-0a-j-2 • Pagpapaunlad ng talasalitaan
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
C
sariling pangangailangan at sitwasyon
1
E D
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
162 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pag-uugnay ng bahaginang gagawin sa tema • Pakikinig sa paliwanag ng guro


para sa lingo
• Pakikinig sa halimbawang panimula at
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at halimbawang pangungusap
halimbawang pangungusap

PY
• Paglalahad ng nabuong pangungusap
• Pagtawag ng mag-aaral na maglalahad ng
nabuo nilang pangungusap batay sa paksa at
panuto ng guro
O
• Pagsulat sa pisara ng pag-aaralang salita • Pagmasid at pagbasa sa mga salitang nasa
pisara
C
• Paggabay sa mga mag-aaral sa pagbasa ng mga
salitang nasa pisara • Pakikinig sa mga pangungusap na babanggitin
ng guro
D

• Pagbasa ng pangungusap na gumagamit ng


bawat salita • Pagsagot sa mga tanong ng guro
E

• Pagtatanong tungkol sa salita at pangungusap • Pagmasid sa isinulat na kahulugan ng bawat


EP

salita
• Pagsulat ng kahulugan ng bawat salita matapos
ang talakayan tungkol dito • Pagsipi ng talasalitaan
D

• Paggabay sa mga bata sa pagbasa sa salita


at kahulugan

• Pagpapasipi sa talasalitaan
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 163
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IVi-12 • Bahaginan
Nakapagbibigay nang sariling hinuha
sa napakinggang kuwento

WG • F1WG-IVi-j-8 • Read Aloud Story: Si Noah at ang


Nakabubuo nang wasto at payak Malaking Baha
na pangungusap na may tamang
ugnayan ng simuno at panaguri sa
2 pakikipag-usap

PY
O
C
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
E

PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
164 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpaskil ng mga salitang pinag-aralan kahapon • Pagbuo ng pangungusap gamit ang mga salitang
pinag-aralan kahapon
• Pagtakda ng salita sa limang mag-aaral
• Paglalahad ng pangungusap sa buong klase
• Pagpapabuo ng pangungusap gamit ang mga
salitang ito

• Paggabay sa mga mag-aaral habang inilalahad


ang kanilang pangungusap
• Pagbasa ng listahan ng salitang tinalakay • Pagbasa ng listahan ng salitang tinalakay
kahapon kahapon

• Pagpapakita ng pabalat at pagtanong ng • Pagbasa ng pamagat at pagsagot ng pagganyak


pangganyak na tanong na tanong

• Pagbasa ng kuwento at pagtatanong habang • Pakikinig sa pgabasa ng guro sa kuwento


binabasa ang kuwento
• Pagsagot ng mga itinatanong ng guro habang
• Paghikayat sa mga bata na bumuo ng nagbabasa

PY
pangungusap na sumasagot sa pagganyak na
• Pagbuo ng pangungusap na sumasagot sa
tanong at isulat ito sa kanilang kuwaderno
pagganyak na tanong
• Pagtawag ng ilang bata upang ilahad ang
O
• Paglalahad ng pangungusap sa buong klase
kanilang pangungusap
• Pagsagot ng mga katanungan tungkol sa
C
• Pagtatanong tungkol sa kuwento matapos ng
kuwento matapos ang pagbabasa ng guro
pagbabasa
D

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
E

* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 165
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PT • F1PT-Ivj-2 • Pagsasanay: Pagbubuo at
Napagyayaman ang talasalitaan sa paghahanap ng mga salita mula sa
pamamagitan ng pagbubuo ng mga ibang salita
salita/paghahanap ng mga salita sa
isang salita

KP • F1KP-IVi-6
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag
ng mga tunog upang makabuo ng
bagong salita

PY
O
C
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


E

AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita


PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
166 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbigay ng maikling paliwanag tungkol sa • Pakikinig sa paliwanag ng guro tungkol sa
pagbubuo ng bagong salita gagawin sa pagsasanay

• Pagsulat at pagpapabasa ng dalawang salita • Pagbasa ng mga salitang isinulat ng guro sa


mula sa kuwentong Si Noah at ang Malaking pisara
Baha
• Pagsagot sa tanong ng guro tungkol sa mga
• Pagpapasuri sa mga bata kung ano ang mga letrang bumubuo sa bawat salita
letra na bumubuo sa bawat salita
• Pagsagot sa tanong ng guro pagkatapos palitan
• Pagpapakita (gamit ang salitang baha) kung ano ang letra ng isang salita
ang mangyayari kapag palitan ang isang letra
• Pagsagot sa tanong ng guro tungkol sa
• Pagpapakita (gamit ang salitang dalampasigan) mga maiikling salita na makikita sa loob ng
kung ano ang mga makikitang mas maikling mahabang salita
salita sa loob ng orihinal na salita
• Pagsagot ng tanong ng guro tungkol sa ibang
• Pagpapakita (gamit ang salitang dalampasigan) salita na mabubuo kung paghaluin ang ilang

PY
kung ano ang mga mabubuong mas maikling letra mula sa orihinal na salita
salita gamit ang mga pinaghalong letra ng
• Pagbubuo ng bagong salita ayon sa panuto ng
orihinal na salita
guro
• Pagpapabuo sa mga bata ng ibang salita mula
O
• Pagbanggit ng mga nabuong salita sa buong
sa salitang dalampasigan
klase
C
• Pagpapabanggit sa mga bata ng mga salitang
• Pagsipi sa mga salitang nabuo na nasa pisara
nabuo nila mula sa salitang dalampasigan
D

• Pagsulat ng mga salita sa pisara


PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
E

PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral


* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 167
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PP • F1PP-IVi-2.2 • Laro: “Paghahanap at Pagbubuo ng
Nababasa ang mga salitang Bagong Salita”
natutuhan sa aralin at sa ibang
asignatura

PT • F1PT-Ivj-2
Napagyayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng pagbubuo ng mga
salita/paghahanap ng mga salita sa
isang salita

PL • F1PL-0a-j-7 • Pagbabalik-aral:

PY
Naibabahagi ang karanasan sa Si Noah at ang Malaking Baha
pagbasa upang makahikayat ng
pagmamahal sa pagbasa O
C
E D
EP

PN • F1PN-IVj-7 • Balitaan
Naibibigay ang paksa ng
napakinggang tekstong
pang-impormasyon
D

EP • F1EP-IVi-4.2 • Pagtatapos
Nagagamit nang wasto at maayos
ang silid-aklatan (pangangalaga sa
mga kagamitang makikikita sa
silid-aklatan)
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
168 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng mahabang salita na nanggaling • Pagpansin sa ibinigay na mahabang salita
sa ibang asignatura katulad ng Matematika o
• Pakikinig sa panuto mula sa guro
Araling Panlipunan
• Pagbubuo ng mga salita mula sa mas mahabang
• Pagbigay ng panuto para sa laro
salita
• Paghati sa klase sa maliliit na pangkat na may
• Pagbabanggit ng mga salitang nabuo o nakita
apat na kasapi
nila
• Pagpapabuo o pagpapahanap ng mas maikling
• Pakikinig sa mga nabuo o nahanap na salita ng
salita mula sa ibinigay na salita
ibang grupo
• Pagpapabanggit sa mga nabuo o nahanap na
salita

• Pagsulat ng mga salitang babanggitin ng mga


bata sa pisara
• Pagpapakita sa pabalat at pagpapabasa ng • Pagbanggit ng pamagat ng aklat

PY
pamagat sa mga mag-aaral
• Pagsalaysay ng ilang detalye o pangyayari mula
• Pagpapakita ng mga pahina ng aklat at sa kuwento batay sa ipinapakitang pahina ng
pagtatanong sa mag-aaral kung ano ang libro
nangyari sa ipinapakitang bahagi ng kuwento
O
• Pagsali sa talakayan tungkol sa kuwento at
• Pagbasa ng teksto sa pahina kung kailangan pagsagot sa mga tanong ng guro
C
ng tulong ng mga mag-aaral sa pag-alala ng
pangyayari o detalye
D

• Pagtatanong tungkol sa kuwento matapos ang


pagsalaysay ng mga mag-aaral upang makuha
E

ang kanilang pananaw tungkol dito


EP

• Pag-ugnay ng gawain sa ipinagawang takdang- • Pakikinig sa paliwanag ng guro


aralin kahapon
• Pakikinig sa halimbawang panimula at
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at halimbawang pangungusap
D

halimbawang pangungusap
• Pagbubuo ng sariling pangungusap
• Pagtawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng
• Paglalahad ng nabuong pangungusap sa buong
kanilang balita sa buong klase
klase (kung tawagin ng guro)

• Pagbibigay ng takdang-aralin tungkol sa • Paggawa ng takdang-aralin


paggamit ng silid-aklatan at paghanap ng iba
pang teksto tungkol sa paghahanda laban sa
sakuna

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
* – Mga karagdagang layuning idinagdag ng Basa Pilipinas

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 169
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IVi-j-8 Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may


tamang ugnayan ng simuno at panaguri sa pakikipag-usap

• F1PL-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan


at sitwasyon

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang linggo


upang ipakilala ang tema sa linggo at bilang paksa sa bahaginan.

Sabihin: Ang tema nating ngayong linggo ay tungkol sa paghahanda


laban sa sakuna. Noong nakaraang linggo, takdang-aralin ninyo na

PY
magpakuwento sa isang kapamilya tungkol sa isang sakuna na naranasan
nila, katulad ng bagyo, sunog, lindol, o baha. Ipinatanong ko kung ano
ang dapat gawin ng isang pamilya upang mapaghandaan ang mga ganitong
O
sakuna. Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayong araw. Ano ang ilang
hakbang na dapat gawin ng isang pamilya upang mapaghandaan ang
C
anumang sakuna na maaaring dumating? Sa pagbabahagi ninyo, maaari
ninyong gamitin ang sumusunod na panimula:
D

Bago dumating ang sakuna tulad ng _____, dapat ________.


E

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita ang


EP

ipinapagawang paglalahad.

• Halimbawa:
“Bago dumating ang sakuna tulad ng sunog, dapat maghanda ang
D

pamilya ng pamatay-apoy, mabigat na kumot, o isang malaking


lalagyan ng buhangin.”

• Tumawag ng apat na mag-aaral upang maglahad ng kanilang


nakuhang ideya mula sa kanilang mga kapamilya. Tulungan sila
sa pagbubuo ng pangungusap kung kailangan. Isulat sa pisara
ang ilang ideya na ipahahayag, at pag-usapan sa klase upang mas
maiklaro ang mga hakbang na nabanggit.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Iugnay ang paksang pinag-usapan sa bahaginan sa kuwentong


babasahin ngayong linggo.

Sabihin: May naganap na sakuna sa babasahin nating kuwento ngayong


linggo. Pero bago natin ito basahin bukas, pag-aralan muna natin ang ilang
salita na makikita natin sa kuwento.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
170 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

• Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tutukan para sa araw TALAAN


na ito: magtampisaw, dalampasigan, pagwawalang-bahala,
rumaragasa, tumambad.

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salita habang itinuturo ito.


Mahahaba ang mga salitang ito, kaya’t hikayatin ang mga mag-aaral
na gumamit ng mga estratehiya katulad ng pagpapantig bago buuin
ang pagkakakasabi ng salita kung kinakailangan. Matapos basahin
ng mga mag-aaral ang mga salita, basahin muli ang listahan at
pasundin sila sa pagbanggit ng salita.

Sabihin: May salita ba dito sa ating listahan na narinig na ninyo


sa radyo o telebisyon? Alin dito ang narinig na ninyo? Ano ang
pagkakaintindi ninyo sa salitang ito nang narinig ninyo? (Maghintay
ng sagot at palawigin ang talakayan.)

Sabihin: Gagamitin ko sa pangungusap ang mga salitang nasa pisara.


Pakinggan ninyo ang pagkakagamit sa salita at pag-isipan kung ano ang
kahulugan nito.

PY
Nang dumating sila sa dagat, nagyaya kaagad sila na magtampisaw sa
tubig.

Itanong: Aling mga salita ang nagpapahiwatig kung ano ang ibig sabihin
O
ng magtampisaw? (Posibleng sagot: dagat, tubig) Masaya ba
o malungkot ang pagtampisaw sa tubig? Ano kaya ang ibig sabihin ng
C
magtampisaw?
Isulat: magtampisaw – lumusong o maglaro sa tubig
D

Itanong: Sino ang makagagamit ng magtampisaw sa isang


pangungusap? (Tumawag ng isang mag-aaral at tulungang bumuo
E

ng pangungusap.)
EP

Marami silang nakitang basura sa may dalampasigan na inanod mula


sa tubig.

Itanong: May mga salita ba sa pangungusap na nagpapahiwatig ng


D

kahulugan ng dalampasigan? (Posibleng sagot: inanod, tubig) Sa


palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng salitang ito?
Isulat: dalampasigan – baybayin, tabing-ilog o tabing-dagat
Itanong: May dalampasigan ba ang Ilog Pasig? Ano pang ibang
katubigan ang may dalampasigan?

Dahil sa kaniyang pagwawalang-bahala, kinalimutan niya ang


kaniyang tungkulin at wala siyang ginawa kundi maglaro.

Itanong: May mga salita sa loob ng salitang pagwawalang-bahala


na magagamit natin sa pag-intindi ng kahulugan nito. Ano ang mga salita
sa loob ng pagwawalang-bahala? (Sagot: wala, bahala) Kapag hindi ka
nababahala tungkol sa isang bagay, ano ang ibig sabihin nito?
Isulat: pagwawalang-bahala – walang pakialam, hindi
interesado
Itanong: Narinig na ba ninyo ang mga salitang bahala na? Ano kaya
ang kaugnayan ng pagwawalang-bahala sa bahala na?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 171
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN Kilala ang rumaragasang Pagsanjan Falls sa napakalakas at


napakabilis na agos ng tubig dito.

Itanong: Ano ang mga salita sa pangungusap na nagpapakita sa


kahulugan ng rumaragasang? (Sagot: agos, tubig, napakalakas,
napakabilis) Ano pa ang ibang bagay na narinig ninyong nilalarawan
gamit ang salitang ito? Ano kaya ang ibig sabihin ng rumaragasang?
Isulat: rumaragasang – mabilis na gumagalaw o dumadaloy
Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa pagbigkas ng salitang
rumaragasa? Mabagal ba o mabilis ang pagbigkas nito? Bagay ba ang bilis
ng pagbigkas ng salitang rumaragasa sa kahulugan nito? Bakit?

Nagulat na lang sila nang biglang tumambad sa kanilang paningin ang


isang magandang tanawin.

Itanong: Batay sa pangungusap, inaasahan ba o hindi inaasahan ang


bagay na tumambad? Ano kaya ang relasyon ng paningin at tanawin sa
salitang tumambad? Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito?
Isulat: tumambad – nagpakita, naglantad

PY
Itanong: Ano pa ang ibang bagay na bigla na lang tumatambad sa ating
paningin? Magagamit ba ninyo ang salitang ito sa isang pangungusap?

• Basahin kasabay ng mga mag-aaral ang listahan ng salita at ang


O
kahulugan ng mga ito. Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para
sa araw na ito:
C
a. magtampisaw – lumusong sa tubig; maglaro sa tubig
b. dalampasigan – baybayin, tabing-ilog o tabing-dagat
D

c. pagwawalang-bahala – walang pakialam, hindi interesado


d. rumaragasa – mabilis na gumagalaw o dumadaloy
E

e. tumambad – nagpakita, naglantad


EP

3 PAGTATAPOS
D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Basahin para sa inyong


magulang o ibang kapamilya ang talasalitaan sa inyong kuwaderno.
Magpatulong sa pag-iisip ng mga pangungusap na gumagamit sa mga
salitang ito. Maghandang magbahagi ng pangungusap na gumagamit
sa isa o higit pang salita bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
172 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

TALAAN
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

2
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IVi-12 Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang kuwento

• F1WG-IVi-j-8 Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may


tamang ugnayan ng simuno at panaguri sa pakikipag-usap

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

Ipaskil ang talasalitaan na pinag-aralan kahapon sa pisara. Ipaalala


ang takdang-aralin at tumawag ng limang mag-aaral na maglalahad
ng kanilang pangungusap na gumagamit sa mga salitang pinag-aralan
kahapon. Magtakda ng isang salita para sa bawat mag-aaral. Tulungan
sila sa pagsasaayos ng kanilang pangungusap o sa pagwawasto ng
paggamit ng salita kung kinakailangan.

2
PY
PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG SA
KUWENTO
O
a. Paghawan ng Balakid
C
Ituon ang pansin ng klase sa listahan ng mga salita na pinag-aralan
kahapon.
D

Sabihin: Ginamit ng inyong mga kaklase ang mga salitang ito sa


E

kanilang bahaginan. Maririnig ninyo muli ang mga salitang ito sa


kuwento. Basahin natin ngayon ang mga salita at ang kahulugan nito.
EP

a. magtampisaw – lumusong o maglaro sa tubig


b. dalampasigan – baybayin, tabing-ilog, o tabing-dagat
c. pagwawalang-bahala – walang pakialam, hindi interesado
D

d. rumaragasa–mabilis na gumagalaw o dumadaloy


e. tumambad–nagpakita, naglantad

b. Pagganyak
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita


ninyo sa larawan? Ano ang pamagat ng ating kuwento? (Maghintay
ng ilang kasagutan.)

Sabihin: Isinulat ni Krissie Zamora-Martinez at iginuhit ni Yasmin


Doctor ang kuwento natin ngayon. Sa palagay ninyo, batay sa larawan at
pamagat, tungkol saan kaya ang kuwentong ito?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 173
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN c. Pangganyak na Tanong


Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa paghahanda laban sa
sakuna. Habang nakikinig kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong na ito:
Ano ang nagbunsod ng malaking baha na binanggit sa pamagat?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Huminto pagkabasa


ng ilang takdang pahina upang palalimin ang pag-unawa at
pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng p. 3
Itanong: Ano raw ang mga hilig gawin ni Noah?

Huminto pagkabasa ng p. 5
Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga ikinukuwento ni Noah? Ano

PY
ang laging nakakabit sa mga paglalarawan niya sa kaniyang karanasan?

Huminto pagkabasa ng p. 9
Itanong: Ano ang masasabi ninyo tungkol sa ginagawa ng ibang
O
tagabaryo? Ano kaya ang mangyayari sa baryo dahil sa ginagawa nila?
C
Huminto pagkabasa ng p. 13
Itanong: Ano ang inaalala ng matandang si Mang Benito tungkol sa mga
tagabaryo?
D

Huminto pagkabasa ng p. 17
E

Itanong: Ano na ngayon ang mga salitang nagsisimula sa ‘pinaka-‘ sa


kuwento ni Noah? Pakinggan kaya si Noah ng mga tagabaryo ngayon?
EP

Huminto pagkabasa ng p. 19
Itanong: Ano ang nakita ng mga tagabaryo nang pansinin nila ang
babala ni Noah? Ano kaya ang naramdaman nila sa nakita nila? Kung
D

makita ninyo ang ganito sa inyong baryo, ano ang mararamdaman ninyo?

Huminto pagkabasa ng p. 24
Itanong: Bakit raw napakabilis ng pagtaas ng tubig baha?

Huminto pagkabasa ng p. 27
Itanong: Ano ang ipinayo ni Mang Benito sa mga tagabaryo? Sa tingin
ninyo, susundin kaya nila ang payo niya?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

• Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng isang pangungusap na


sumasagot sa ibinigay na pagganyak na tanong: Ano ang nagbunsod
ng malaking baha na binanggit sa pamagat? Maaari nilang gamitin ang
panimulang ito:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
174 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

TALAAN
Nangyari ang malaking baha sa kuwento dahil
___________________.

• Ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang pangungusap sa kanilang


kuwaderno. Tumawag ng tatlong mag-aaral upang ilahad ang
kanilang isinulat sa buong klase.

• Patuloy na talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtatanong


ng sumusunod:

a. Paano ninyo ilalarawan ang bida sa ating kuwento?

b. Bakit kaya ayaw pakinggan o paniwalaan ng mga taga-baryo ang


mga kuwento ni Noah sa umpisa?

c. Ano ang pinagkakaabalahan ng mga tagabaryo? Ano ang


ginagawa nila sa kanilang kapaligiran sa kagustuhan nilang
kumita ng pera?

PY
d. Ano ang nangyari sa baryo nang umulan nang umulan?
Bakit daw napakabilis ng pagtaas ng baha sa baryo? O
e. May kinalaman kaya ang naranasan ng baryo sa pagbabagong-
isip nila tungkol sa mga pinapahalagahan ni Noah? Bakit ito
nakapagpabago ng kanilang isip?
C
f. Nakaranas na ba kayo ng baha? May narinig na ba kayong
kuwento tungkol sa ganitong katinding baha? Nakita na ba
D

ninyo ang ganitong katinding baha sa telebisyon? Bakit kaya


dumadalas ang pagbabaha ngayon?
E

g. Ano ang maaari nating gawin upang hindi mangyari sa ating


EP

komunidad ang nangyari sa baryo ni Noah?

5
D

PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa inyong


mga kapamilya ang pangyayari sa kuwento ni Noah. Itanong sa
kanila kung ano ang isang bagay na maaari nating gawin upang hindi
mangyari sa ating komunidad ang ganitong matinding pagbabaha.
Maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 175
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PT-Ivj-2 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo


ng mga salita/paghahanap ng mga salita sa isang salita

• F1KP-IVi-6 Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo


ng bagong salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin. Itanong


sa kanila kung naikuwento nila ang nangyari kay Noah sa kanilang
kapamilya at kung may nabanggit ang kanilang kapamilya na mga
paraan upang maiwasan ang matinding pagbabaha. Gabayan sila sa

PY
pagbabahagi tungkol dito. Ibigay ang sumusunod na halimbawag
panimula:

Ayon sa aking _____, maiiwasan natin ang matitinding baha


O
kung _______.
C
• Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang dagdag-gabay.

Halimbawa:
D

“Ayon sa aking Tatay, maiiwasan natin ang matitinding baha


kung hindi tayo magtatapon ng kung ano-ano sa kalsada na
E

makababara sa ating kanal.”


EP

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang ilahad ang nakuha nilang


ideya sa harapan ng klase.
D

2 PAGSASANAY: PAGBUBUO AT PAGHAHANAP


NG MGA SALITA MULA SA IBANG SALITA

• Gamitin ang spelling chart (pocket chart at mga letter card) para sa
gawaing ito.

Sabihin: Binubuo ng mga letra ang mga salita. Dahil dito, maaari nating
pagmasdan ang mga letra ng isang salita, at may makikita o mabubuo
tayong bagong salita. Maaari din nating palitan ang mga letra ng isang
salita at may bagong salitang mabubuo. Halimbawa, pagmasdan ninyo ang
mga salitang ito mula sa kuwentong Si Noah at ang Malaking Baha.
• Isulat sa pisara ang mga salitang baha at dalampasigan.

Sabihin: Unahin natin ang salitang baha. Ano-ano ang letra na


bumubuo sa salitang baha? Sabihin ninyo sa akin at ilalagay ko ang mga
letrang ito dito sa pocket chart.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
176 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

• Ilagay sa pocket chart ang mga letrang “b,” “a,” “h,” at “a” habang TALAAN
binabanggit ng mga mag-aaral ang pangalan ng letra. Kumuha ng
isang kard na may letrang “o” at ipakita sa klase.

Sabihin: Anong bagong salita ang mabubuo kung palitan natin ang
huling letrang “a” ng letrang “o”? (Gawin ang pagpapalit sa spelling
chart. Ipabasa sa mga mag-aaral ang nabuong salita.) Tama—
baho. Ano ang ibig sabihin ng baho? (Maghintay ng sagot.) Isulat
ninyo ang bagong salita sa inyong kuwaderno.

Sabihin: Ngayon naman, palitan natin ang letrang “h” sa salitang baho
ng letrang “t”. (Gawin ang pagpapalit ng letra sa spelling chart.)
Ano ang bagong salita? Basahin nga ninyo. Tama—bato. Ano ang ibig
sabihin ng bato? Isulat ninyo ang bagong salita sa inyong kuwaderno.

• Habang nagsusulat ang mga mag-aaral, ilabas ang mga card para
sa mga letra na bumubuo sa salitang dalampasigan at ilagay ito sa
spelling chart.

Sabihin: Ngayon naman, pagmasdan natin itong salitang ito. Basahin

PY
nga natin: dalampasigan. Maraming letra ang bumubuo sa salitang
ito. Kung paghaluin natin ang ilang letra mula sa salitang ito, marami
tayong mabubuong mas maikli ngunit bagong salita. Halimbawa: maaari
O
kong gamitin ang mga letrang “p,” “a,” “s,” at “i” mula sa salitang ito,
upang mabuo ang salitang s-i-p-a. (Ilagay ang mga letra sa spelling chart
C
habang binabanggit ang mga ito.) Anong bagong salita ang nabuo? Basahin
nga ninyo. Tama—sipa. Ano ang ibig sabihin ng sipa? Sulatin ninyo ang
salitang sipa sa inyong kuwaderno.
D

Sabihin: Posible rin nating hatiin ang isang mahabang salita at may
E

makikita tayong mas maikling salita sa loob nito. Halimbawa, kung


tatakapan ko ang da- at ang –igan sa salitang dalampasigan, ano ang
EP

natira? Tama—lampas. Ano ang ibig sabihin ng lampas. Sulatin ninyo


ang lampas sa inyong kuwaderno.

May nakikita pa ba kayong ibang mas maikling salita mula sa salitang


D

dalampasigan? Pagmasdang mabuti ang mahabang salita at maghanap


ng mas maikling salita. Maghanap rin kayo ng salitang mabubuo kung
paghaluin ang ilang letra mula sa mahabang salita, katulad ng sipa. Isulat
ninyo ang mga makikita o mabubuo ninyong mas maikling salita sa inyong
kuwaderno. Bibigyan ko kayo ng limang minuto.

(Ilang posibleng sagot: dala, siga, pa, lampa, daga, lipas, daig,
pasa, gaan, daan, dami, dali, lagi, dalaga)

• Matapos ang limang minuto, magpabanggit sa sampung mag-


aaral ng isang salita na nakita o nabuo nila mula sa salitang
dalampasigan. Hindi maaaring ulitin ang salitang nabanggit na.
Isulat ang mga salitang babanggitin nila sa pisara. Ipasipi sa
mga mag-aaral ang lahat ng mga nabuong salita mula sa salitang
dalampasigan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 177
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Basahin para sa inyong


magulang o ibang kapamilya ang mga salitang nabuo natin mula sa
salitang dalampasigan. Tanungin sila kung ano ang kahulugan ng mga
salitang ito. Magpatulong rin sa patuloy na paghahanap o pagbubuo
ng maiikling salita mula sa salitang ito. Isulat ang mga dagdag na salita
sa inyong kuwaderno.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

PY
4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
• F1PP-IVi-2.2 Nababasa ang mga salitang natutuhan sa aralin at sa ibang
asignatura
O
• F1PT-Ivj-2 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo
ng mga salita/paghahanap ng mga salita sa isang salita
C
• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat
ng pagmamahal sa pagbasa
E D

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO (PAGHAHANAP


EP

AT PAGBUBUO NG BAGONG SALITA)

• Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may apat na kasapi.


D

• Pumili ng isang mahabang salita (apat na pantig o mahigit) mula


sa ibang asignatura katulad ng Matematika o Araling Panlipunan.
Isulat ito sa pisara. Ipabasa ito sa klase. Ipaliwanag na magsasagawa
kayo ng laro kung saan gagamitin ng mga mag-aaral ang salitang
ito sa paghahanap o pagbubuo ng bagong mas maikling salita.
Magtutulungan sila ng kanilang grupo sa paghanap at pagsulat ng
mga salitang ito sa kanilang kuwaderno, at magpaparamihan sila ng
mahanap na salita sa ibang grupo.

• Bigyan ang mga mag-aaral ng limang minuto upang maghanap ng


salita. Matapos ang limang minuto, ipabilang sa mga mag-aaral ang
nabuo nilang salita. Paunahin sa pagbasa ng kanilang listahan ang
pangkat na may pinaka-kaunting salita. Isulat ang babanggiting
salita sa pisara. Ipaalala sa mga natitirang pangkat na basahin na
lamang nila ang mga salita na hindi pa nakasulat sa pisara. Kapag
natapos nang magbasa ang lahat ng pangkat, hikayatin ang klase na
palakpakan ang pangkat na nakabuo ng pinakamaraming salita.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
178 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

TALAAN

2 PAGBABALIK-ARAL:
SI NOAH AT ANG MALAKING BAHA

• Ipakita ang aklat na Si Noah at ang Malaking Baha. Itanong sa mga


bata kung ano ang pamagat ng aklat at kung tungkol saan ito.
Banggitin ang may-akda at ang gumuhit sa kuwento.

• Balik-aralan ang kuwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng


bawat pahina at larawan, at pagtanong sa mga mag-aaral kung ano
ang pangyayaring nagaganap sa pahinang iyon. Kung kailangan ng
tulong ng mga mag-aaral sa pag-alala ng detalye, basahin para sa
klase ang nakasulat sa pahina.

• Matapos balikan ang mga pangyayari sa kuwento, talakayin ang


sumusunod na tanong:

a. May mga pangyayari ba sa kuwento na nakita na ninyo sa personal


ninyong karanasan, o nabalitaan na ninyo sa radyo o telebisyon?

PY
Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa kuwento? Posible ba itong
mangyari sa tunay na buhay?
b. Ano ang katangian ni Noah na nagustuhan ninyo o nais ninyong
tularan?
O
c. Sino pa ang ibang tauhan sa kuwento na nagustuhan ninyo? Ano ang
nagustuhan ninyo tungkol sa kaniya?
C
d. May iba pa ba kayong narinig o nabasang kuwentong pambata na
kahawig o may kaugnayan sa paksang tinalakay sa librong ito? Anong
D

kuwento ito?
e. May natutunan ba kayong bago mula sa kuwento ni Noah na gusto
E

ninyong mas lalong pag-aralan o alamin? Ano-ano ang mga bagay na


gusto pa ninyong malaman dahil narinig ninyo ito sa kuwento?
EP

f. Ano ang paborito ninyong bahagi ng kuwento? Bakit ninyo ito


nagustuhan?
D

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Makinig ng balita


sa radyo o telebisyon. Pumili ng isang storya mula sa balita at
maghandang ibahagi ang paksa ng balitang ito sa klase bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 179
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

TALAAN
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

5
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IVj-7 Naibibigay ang paksa ng napakinggang tekstong


pang-impormasyon

• F1EP-IVi-4.2 Nagagamit nang wasto at maayos ang silid-aklatan (pangangalaga


sa mga kagamitang makikikita sa silid-aklatan)

1 PANIMULANG GAWAIN: BALITAAN

• Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin kahapon na lunsaran para


sa balitaan.

Sabihin: Kahapon, pinapakinig ko kayo ng balita sa radyo o telebisyon at


pinapili ko kayo ng isang istorya mula sa balita na ibabahagi ninyo dito sa

PY
klase. Tatawag ako ngayon ng limang mag-aaral na magbabanggit ng paksa
na napili nilang storya mula sa balita. Sa pagpapahayag ninyo, maaari
ninyong gamitin ang sumusunod na panimula:
O
Tungkol sa ____ ang balitang napakinggan ko kahapon.
C
Ayon sa balita, _____________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita ang


D

ipinagagawa sa mga mag-aaral.


E

Halimbawa:
“Tungkol sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Yolanda
EP

ang balitang napakinggan ko kahapon. Ayon sa balita, mayroon


pa ring mga pamilya na hindi pa rin nakakabalik sa kanilang
komunidad, kahit isang taon na ang nakalipas.”
D

• Tumawag ng apat na mag-aaral upang ibahagi ang kanilang narinig


na balita. Tulungan sila sa pagsasaayos ng kanilang paglalahad kung
kinakailangan.

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya

• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mga mahahalagang


pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga bata ang sumusunod
at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa galaw ang salitang (Pipili ng isa ang guro para
sa bawat bata sa grupo): magtampisaw, dalampasigan,
pagwawalang-bahala, rumaragasa, tumambad.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
180 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 4 ARALIN 39

–– Magbigay ng isang aral na napulot mo mula sa kuwento Si Noah TALAAN


at ang Malaking Baha.

–– Ano ang mabubuong bagong salita kung palitan ang:


(1) Letrang “o” sa puno ng letrang “a” (puna)
(2) Letrang “h” sa baha ng letrang “g” (baga)
(3) Letrang “o” sa baryo ng letrang “a” (barya)
(4) Unang letrang “a” sa bahay ng letrang “u” (buhay)
(5) Letrang “n” sa ulan ng letrang “m” (ulam)

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
mag-aaral. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring

PY
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng aral mula sa kuwento.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


O
kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.
C
b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay
D

• Isulat sa pisara ang salitang magtampisaw. Mag-iisip ang mga


mag-aaral ng tatlong salita na mabubuo nila mula sa mga letra
E

na nasa salitang ito. Isusulat nila ang mga naisip nilang salita sa
kanilang kuwaderno. Pipili sila ng isang salita mula sa mga nabuo
EP

nila, at gagamitin nila ito sa isang pangungusap. Isusulat din nila


ang pangungusap sa kanilang kuwaderno.
D

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pumunta sa silid-


aklatan at maghanap ng iba pang libro o babasahin tungkol sa
paghahanda laban sa sakuna. Hiramin ito at magpatulong sa
nakatatandang kapatid o kapamilya sa pagbabasa ng teksto.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 181

You might also like