You are on page 1of 32

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Modyul 1:
Kakayahan nang may
Pagtitiwala sa Sarili
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikatlong Baitang
Self- Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Kakayahan nang may Pagtitiwala sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Sibyl Julie S. Tacogue, Jenny Rose M. Inojales, Joane U. Javier, Minchel S.
Villanueva, Lilian L. Barte, Ailene N. Alvaro, Sheila Mae B. Junggay, Mary Rose
B. Nacar
Editors: Jhun Ree M. Descartin, Ramona F. Bangoc, Leziel S. Nierra, Allan S. Tuante,
Anni Jane E. Descartin
Reviewers: Lorelie C. Salinas, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Ronnel D. Caligdong
Layout Artist: Maquille Angelou C. Sabano
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, Ph.D. CESO VI – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno, Ph.D – Special Assistant to the SDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz, Ph.D. – REPS – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, Ph.D – CID Chief
Nelida A. Castillo, Ph.D – Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz, Ph.D- Division ADM Coordinator
Rosmie P. Salada, Ph.D – EPS – Subject Area Supervisor
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Modyul 1:
Kakayahan nang may
Pagtitiwala sa Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa Unang Aralin: Kakahayan nang may Pagtitiwala
sa Sarili.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul ukol sa araling Kakahayan nang may Pagtitiwala sa Sarili.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
Pagwawasto sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ay naglalaman ng mga talaan ng pinagkukunang


impormasyon ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya Mo Ito!

iv
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyong kaalaman at


kasanayan upang higit na mapalinang ang inyong mga
natatanging kakayahan na may tiwala sa sarili at
pagpapasalamat sa Diyos.

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga susmusunod na aralin:

Aralin 1 - Ang Boses ni Agnes

Aralin 2 - Lights, Camera, Action!

Aralin 3 - Takbo para sa Pangarap

Aralin 4 - Guhit ng Kasiyahan

Aralin 5 - Panapos na Pagsusulit

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-uunawa:

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


• Natutukoy ng natatanging kakayahan.
ESP3PKP-Ia-13
• Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan
nang may pagtitiwala sa sarili.
ESP3PKP-Ia-14

Subukin

1
Bago natin umpisahan ang ating leksyon, sagutin muna ang mga
tanong tungkol sa iyong natutunan o napag-aralan sa
natatanging kakayahan o talento.
1. Alin sa mga ito ang natatanging kakayahan o talento?
A. pag-aaral C. pagkanta
B. pagtitinda D. pamamalantsa
2. Naniniwala ka ba na ikaw ay may natatanging kakayahan o
talento?
A. Oo C. siguro
B. hindi D. hindi ko alam
3. Sino ang nagbigay ng natatanging kakayahan o talento sa
isang katulad mo?
A. magulang C. guro
B. Diyos D. kaibigan
4. Ano ang gagawin mo sa iyong talento?
A. itago C. ipahiram
B. isekreto D. ipakita
5. Ano ang kailangan upang maipakita moa ng iyong kakayahan?
A. pagkamahiyain C. pagtitiwala sa sarili
B. pagkalito D. pagkadismaya

2
Aralin

1 Ang Boses ni Agnes

Layunin:

1. Nakatutukoy ng sariling kakayahan o talento sa pagkanta.


2. Nakapagpapakita ng natatanging kakayahan o talento.
3. Nakapagpapasalamat sa mga talento na ibinigay ng Diyos.

Kumusta ka? Alam mo ba na bawat isa sa atin ay may


natatanging kakayahan o talento? Siyempre, kailangan lamang
natin itong sanayin. Sa aralin na ito, iyong malalaman at
mapapahalagahan ang natatanging kakayahan o talento na
ibinigay ng Diyos sa iyo.

Balikan

Sa pahanon ngayon, marami tayong napapanood na may


mga natatanging kakayahan o talento.
Ano ang nakikita mo sa mga larawan? Isulat sa patlang ang
iyong sagot.

__________________ _____________________
__________________ _____________________

3
__________________ _____________________
__________________ _____________________

Mga Tala para sa Guro


Ang natatanging kakayahan ay isang biyayang
bigay ng Diyos na dapat nating sanayin at ipakita na
may pagtitiwala sa sarili .

Tuklasin

Gawain 1.1
Aawit muna tayo ng isang kantang pamilyar sa iyo at atin
itong kantahin nang maayos. Ako ay may Lobo
Ako ay may lobo. Lumipad sa langit.
Di ko na nakita, pumutok na pala.
Sayang ang pera ko, binili ng lobo. Sa
pagkain sana, nabusog pa ako.
(Ulitin 1 beses)

Sa pagkain sana, nabusog pa ako.

4
Suriin

Gawain 1.2
1. Anong bagay ang lumipad sa langit?
__________________________________________________________
2. Bakit hindi na ito nakita?
__________________________________________________________
3. Ano ang nasayang?
__________________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 1.3
ANG BOSES NI AGNES
Sinulat ni: Sibyl Julie S. Tacogue

Isang gabi, habang nag-aayos ng higaan


si Agnes kasama ang inang si Aling Amalia,
bigla nilang narinig ang kantang “Tala”.
Pagkarinig nila mula sa tugtog ng katabing
purok na nagdadaos ng pista, sumabay si
Agnes sa pagkanta.

5
“Naku, anak! May talento ka sa pagkanta. Palagi
kang magsanay at tiyak mahahasa mo ang galing sa
pag-awit,” puri ni Aling Amalia. “Pwede kang sumali
sa mga kantahan sa eskwelahan.” “Talaga po, Inay?
Sige, sasali po ako. Magpapalista ako kay Titser
Sarah”. Kinaumagahan, habang siya ay naliligo
naririnig ni Aling Amalia ang boses ni Agnes na
umaawit muli ng “Tala”.

1. Sino ang batang bida sa kwento?


A. Sarah C. Agnes
B. Amalia D. Lourdes
2. Si ____________ang kanyang ina.
A. Aling Sarah C. Aling Agnes
B. Aling Amalia D. Aling Lourdes
3. Ano ang natuklasan nito sa kanyang anak? May natatanging
kakayahan ito sa________.
A. pagkanta C. pag-aarte
B. pagsasayaw D. pagtutula
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ang talento ni Agnes?

A. B. C. D.
5. Paano ka maging isang magaling at may tiwala sa sarili bilang
mang-aawit?
A. magpraktis C. mahiya
B. magpabaya D. magduda

6
Gawain 1.4
Kantahin natin ang maikling bahagi ng isa sa mga sikat na kanta ni
Sarah Geronimo? (Tala) “At kung umabot tayo hanggang dulo,
kapit lang nang mahigpit, aabutin natin ang mga tala. Tala. Tala.
Tala.”
1. Sino ang kilalang mang-aawit ng kantang ito?
___________________________________________________________

2. Tungkol sa ano ang awit?


___________________________________________________________
3. Ano ang mensahe ng awit?
___________________________________________________________

Isaisip

Ano-ano ang mga nakamit o natutunan mo mula sa ating leksyon


ngayong araw?

_______________________________________________________

Isagawa

Panuto: Buuin ang linya ng awit. Hanapin sa kahon ang


sagot at isulat sa patlang.
At kung umabot __________ hanggang dulo, _________ lang
nang _____________, ___________ natin ang mga ___________.

kapit tayo tala aabutin mahigpit

7
Aralin

2 Lights, Camera, Action!

Layunin

1. Nakatutukoy ng sariling kakayahan o talento sa pag-arte.


2. Nakapagpapakita ng natatanging kakayahan o talento.
3. Nakapagpapasalamat sa mga talento na ibinigay ng Diyos.

Sa tulong ng aralin na ito, iyong matutukoy at


mapapahalagahan ang natatanging kakayahan o talento sa
pag-arte na ibinigay ng Diyos.

Balikan

Ano ang napag-aralan natin kahapon?


Panuto: Buuin ang linya ng awit.
At kung umabot __________hanggang _______, _________lang
nang _____________, ___________ natin ang mga ___________.

8
Tuklasin

Gawain 2.1
Tingnan ang mga larawan ng mga batang may iba’t ibang
emosyon.

Suriin

Gawain 2.2
Pagtambalin ang salitang nagpapakita ng damdamin na nasa
Hanay A sa larawang nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B
A. masaya
B. malungkot

C. nag-aalala

D. natatakot

9
Pagyamanin

Gawain 2.3
Si Trina
Sinulat ni: Joane U. Javier

May isang batang masayahin. Ang pangalan


niya ay si Trina. Lahat ay natutuwa sa kanya.
Subalit isang araw, nagulat ang lahat sa kanilang
nakita. Ang masayahing si Trina, ngayon ay malungkot
na. Kung noon panatag ang loob niyang ipakita ang
kanyang angking talento sa pagsayaw, pagkanta at
pag-arte ngayon ito’y napalitan ng kalungkutan.

Kaya nagpasya ang kanyang mga magulang na


dalhin siya sa bayan at manood ng perya.
Nabigla at namangha siya sa kanyang nakita.
Nandoon ang masayang clown, cyclist, elepante,
leon at iba pang hayop.
Bumalik ang sigla at kasiyahan ni Trina at ng
kanyang pamilya.

Mga Katanungan:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa ating kuwento?


__________________________________________________________
2. Ano ang nangyari sa kanya?
__________________________________________________________
10
3. Bakit siya naging malungkot?
__________________________________________________________
4. Paano natapos ang kuwento?
__________________________________________________________
5. Naranasan mo ba ang naranasan ni Trina? Ikwento mo ito.
__________________________________________________________
Gawain 2.4
1. Nakapunta ka na ba sa perya?
__________________________________________________________
2. Bakit nakakaramdam tayo ng kasiyahan at minsan ay
kalungkutan naman?
__________________________________________________________

Isaisip

Ano-ano ang mga nakamit o natutunan mo mula sa ating leksyon


ngayong araw?
________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Iguhit ang isang batang masayahin.

11
Aralin

3 Takbo para sa Pangarap

Layunin

1. Nakatutukoy ng sariling kakayahan o talento sa isports.


2. Nakapagpapakita ng natatanging kakayahan o talento.
3. Nakapagpapasalamat sa mga talento na ibinigay ng Diyos.

Lahat ng nilalang ay may kakayahan o talento. Ito ay biyaya


mula sa Diyos. Sa modyul na ito, iyong matutunan ang mga
kakayahan o talento na ibinigay ng Diyos sa iyo. Nais mo bang
linangin ang iyong taglay na kakayahan?

Balikan

Balikan muna natin kung ano ang natutunan mo sa nakaraang


leksyon. Tingnan ang mga larawan. Iguhit mo ang tamang mukha
ayon sa damdamin na ipinakita.

__________ __________ __________ __________

12
Tuklasin

Gawain 3.1
Tingnan ang mga larawan ng mga batang may iba’t ibang
kakayahan sa larangan ng isports.

1. 3.
5.
2. 4.

Suriin

Gawain 3.2
Panuto: Sagutin ang mga katanungan at isulat sa patlang ang
iyong sagot.
Ano ang nasa larawan 1? ___________________________________
Ano ang nasa larawan 2? ___________________________________
Ano ang nasa larawan 3? ___________________________________
Ano ang nasa larawan 4? ___________________________________
Ano ang nasa larawan 5? ___________________________________

13
Pagyamanin

Gawain 3.3
Takbo para sa Pangarap
Sinulat ni: Ailene N. Alvaro
Malayo pa lang, aninag na ni Mang Rudy ang
anak na umiiyak at hirap ito sa paglalakad.
Tumakbong sinalubong niya ito. “Anak, bakit
ka umiiyak? Anong nangyari sa tuhod mo?”
tanong nito.
“Itay, nagkaroon kami ng try out para sa 200m
dash run pero natalo ako. At ang mas masakit
pa ay yung kutyain ako na lampayatot ng
aking mga kaklase.” hagulgol nito.

“Mark, kapag ika’y nadapa kailangan mong


bumangon at matuto. Hindi madali ang daan
sa tagumpay. Gusto mo bang matuto?” tanong
nito. “Opo itay!” masayang sagot nito.
“Kailangan nating magsanay araw-araw”
sabay pahid ang luha ng anak. “Balang araw
ipagmamalaki mo rin ako itay”, sabi ni Mark.
Mahigpit na niyakap ng ama ang bunsong
anak.

14
1. Anong kakayahan ni Mark ang nabanggit sa kwento?
A. pag-awit B. pagtakbo C. pagsayaw D. pagguhit

2. Anong katangian ang ipinamalas ni Mark sa wakas ng kwento?


A. pagkadismaya C. pagpupursigi
B. pagkalito D. pagkamasunurin
3. Sa iyong palagay, dapat bang mawalan ka agad ng tiwala sa
sarili pagnatalo sa isang paligsahan?
A. Oo B. hindi C. minsan D. hindi sigurado
4. Ano ang dapat mong gawin sa kakayahang ipinagkaloob sa
iyo ng Diyos?
A. itago C. gamitin at linangin
B. ikahiya D. ipagmayabang
5. Alin sa mga nabanggit ang nagpapakita nang paglinang ng
iyong talento?
A. mag-eensayo palagi C. ibalewala
B. matulog lamang D. ikahiya
Gawain 3.4
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Nasiyahan ka ba sa kwento na iyong binasa? Bakit?
__________________________________________________________
2. Kung nadapa ka, babangon ka ba? Bakit?
__________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, may maidudulot bang kabutihan ang
paglalaro ng isports? Paano?
__________________________________________________________

15
Isaisip

Ano-ano ang mga natutunan mo mula sa ating aralin


ngayong araw?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang


sinasabi sa pangungusap at ekis (x) kung mali.
_______1. Sumali si Mateo sa mga paligsahang magpapabuti sa
kanyang kakayahan.
_______2. Nahihirapan si Elay sa pagtakbo ng mabilis. Matiyaga
siyang tinuruan ng kanyang ama.
_______3. Inililihim ni Biday ang kanyang talento upang hindi siya
magambala sa kanyang mga gawain.
_______4. Kailangang ipakita at pagyamanin ang mga
kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos.
_______5. Mahusay ang kamay ni Abbie sa pagpinta. Subalit
pawang umpisa lamang ang ginagawa niya.

16
Aralin

4 Guhit ng Kasiyahan

Layunin:

• Natutukoy ang sariling kakayahan o talento sa pagguhit.


• Nakapagpapakita ng natatanging kakayahan o talento.
• Nakapagpapasalamat sa mga talento na ibinigay ng
Diyos.

Kamusta? Alam mo ba kung ano ang iyong mga natatanging


talento o kakayahan? Ang mga talentong ito ay kaloob sa atin ng
Diyos na dapat nating linangin. Sa araling ito, iyong
mapapahalagahan ang mga natatangi mong kakayahan o
talento.

Balikan

Ilarawan mo ng pasalaysay ang larawang nasa ibaba.


Isulat ito sa mga linya sa ibaba.

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

17
Tuklasin

Gawain 4.1
Pagmasdan ang mga ginagawa ng mga bata.

A. B. C.

D. E.

Suriin

Gawain 4.2
Panuto: Ano-ano ang mga larawang iginuhit ng mga bata sa
itaas ? Isulat ang sagot sa bawat patlang.
A.________________________________________________
B._______________________________________________
C._______________________________________________
D._______________________________________________
E._______________________________________________

18
Pagyamanin

Gawain 4.3
Basahin ang kwento at sagutan ang mga katanungan.
Guhit ng Kasiyahan
Sinulat ni: Lilian L. Barte

Bata pa lamang si Juan ay mahilig


ng siyang gumuhit. Ngunit hindi ito
alam ng kanyang magulang.
Isang araw, naisipan ng kanyang ina na
maglinis ng kanilang bahay. Nagulat at
namangha siya sa kanyang nakita.
Nakadikit sa dingding ang magaganda at
makukulay na guhit ni Juan.
Juan! Ikaw ba ang gumuhit ng mga
ito? Opo, Inay! sagot ni Juan. Teka,
Ipapakita ko ang mga ito sa ama mo.

Dali-daling pumunta sa likod ng


kanilang bahay ang kanyang ina
upang ipakita ito sa ama.

Simula noon sumali na si Juan sa kanilang


paaralan sa pagguhit kasama ang
kanyang magulang na laging sumusuporta
sa kaniyang talento.

19
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kwento?
A. Guhit ng Palad C. Guhit ng Tagumpay
B. Guhit ng Kapalaran D. Guhit ng Kasiyahan

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


A. Juan, Ina, Ama C. Ina, Ama, Lola
B. Juana, Kapatid, Ama D.Juliana, Juan, Juanito
3. Ano ang nakita ng kanyang ina ng maglinis siya ng bahay?
A. bola C. laruan
B. mga ginuhit ni Juan D. pitaka
4. Paano nadiskubre ng kanyang ina ang talento ni Juan?
A. nang maligo ito sa banyo
B. nang ito ay pumunta sa paaralan
C. nang naglinis siya sa bahay
D. nang pumasok ito sa kusina
5. Bakit gustong-gusto ni Juan na sumali sa paligsahan?
A.Dahil sa malaking premyo.
B. Dahil gusto niyang sumikat.
C. Dahil suportado ito ng kanyang mga magulang
D. Dahil abala ang kanilang mga magulang.
Gawain 4.4
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kakayahan o talento na ating pinag-aralan?
A. Pagguhit C. pagtakbo
B. pag-awit D. pagkanta
2. Ano ang ginagamit para maging makulay ang mga guhit?

20
A.lapis C. papel
B. krayola D. gunting
3. Paano linangin ang kakayahan sa pagguhit?
A. sumali sa paligsahan C. itago ang talento
B. ipagyabang sa klasmate D. ipagkait sa kaklase
4. Ano-anong mga materyales sa pagguhit?
A. lapis, papel, gunting C. lapis, pambura, pintura
B. lapis, papel, krayola D. lapis, pantasa, papel
5. Paano mo maipakita ang iyong kakayahan na may
pagtitiwala sa sarili?
A. Itabi ang lahat na iginuhit.
B. Ipakita sa mga kamag-aral ang iginuhit.
C. Paghusayin ang sarili sa paglahok sa paligsahan.
D. Itago ang lahat na iginuhit.

Isaisip

Ano-ano ang natutunan mo sa ating leksyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

21
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pamamaraan sa
pagguhit ng Mirasol (Sunflower). Iguhit ito sa loob ng kahon.
Mga pamamaraan:
1. Gumuhit ng isang malaking bilog.
2. Pagkatapos ay gumuhit ng isang mas maliit na bilog sa gitna.
3. Iguhit ang tangkay at dahon sa bawat panig.
4. Punuin ng hugis puso ang loob ng malaking bilog.
5. Punuin ng maliliit na hugis ng puso ang talulot hanggang sa
ganap na matakpan ito.
6. Gumuhit ng mga linya na dayagonal sa loob ng maliit na bilog.
7. Burahin ang mga lampas na guhit. Kulayan ito.

Panapos na Pagsusulit
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Sa iyong palagay, mahalaga bang ipakita ang iyong


talento?
A. Oo B. hindi C. siguro D. hindi ko alam

22
2. May nalalapit na paligsahan sa inyong paaralan,
marunong kang umawit, mag-arte, at gumuhit. Ano ang
dapat mong gawin?
A. huwag sasabihin sa guro
B. sa susunod na lang sasali
C. sasali ako ng buong tapang
D. lahat ng nabanggit
3. Mahilig kang kumanta, anong talentong mayroon ka?
A. sumayaw C. tumakbo
B. gumuhit D. umawit
4. Ikaw ay natalo sa isang paligsahan ng isports, ano ang
iyong dapat gawin?
A. tatawa C. iiyak
B. aalis D. maging isports
5. Dahil sa aking natatanging kakayahan, ___________ ako sa
Diyos.
A. magtago C. magpasalamat
B. magreklamo D. malungkot

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2
5. A
4. D
5.aabutin
5.C 3. A 5. tala 4.Mahigpit
4.D 2. B 4. aabutin 3.Kapit
3.B 1. C 3. mahigpit 2.Dulo
2.A 2. kapit
1.C Gawain 1.3 1. tayo 1. Tayo
Subukin Pagyamanin Isagawa Balikan

Aralin 3 Aralin 4
5.A

4.C

3.B 5. C 5. C
4. C 4. B
2.C 5. X 3. B 3. A
4. / 2. A 2. B
1.B
3. X 1. D 1. A
2. /
23
Gawain 3.3
1. / Gawain 4.3 Gawain 4.4
Pagyamanin Isagawa Pagyamanin Pagyamanin
5. C
4. D
3. D
2. C
1. A

Pagsusulit
Panapos na

Sanggunian
Ambat, V., Bongat, L., Canlas, R., Caraan, M., Castillo, R.,
Catapang, R., Habijan, E., Pandiño, M., Roson, V., Sajise, R. and
Soriano, P., 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikatlong Baitang,
1st ed. Pasig City: Rex Bookstore, Inc., pp. 2-3.

Agunoy, T., Alcantara, G., Golloso, R. and Peralta, G., 2000.


Magandang Asal, Magandang Buhay-Ikatlong Baitang. 5th ed.
Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., pp.53-63.

24
25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like