4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagtibayin
Mapanuring Pag-iisip
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Self Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Pagtibayin Mapanuring Pag-iisip
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Christine Y. Padrogane
Editor: Lenith C. Linda
Tagasuri: Lenith C. Linda, Maribeth F. Palma, Rima D. Magdayao
Tagaguhit: Querobin Joyce Isla
Tagalapat: Christine Y. Padrogane
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Cynthia G. Diaz- REPS, ESP
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- Division EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Juliet L. Sison- EPS , ESP
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@[Link]
4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagtibayin
Mapanuring Pag-iisip
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao IV ng Self
Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Magiging Mapanuri Ako!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV ng Self Learning
Module (SLM) Modyul ukol sa Magiging Mapanuri Ako!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
iv
Alamin
Magandang araw! Kumusta ka? Narito na naman ang
panibagong aralin na iyong pananabikan. Ang araling ito ay may
pamagat na Magiging Mapanuri Ako! Handa ka na ba?
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o
nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa tamang pagpapasiya.
Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat
sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para
mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon.
Bilang mag-aaral, paano mo dapat suriin ang mga balitang
iyong napakinggan sa radyo? Makakaapekto ba ito kung mali ang
impormasyon na iyong naibahagi sa iyong kapuwa?
Ang modyul na ito ay mayroong isang aralin:
• Lesson 1 – Mapanuring Pag-iisip
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. makapagsusuri ng katotohanan sa mga nakalap na balita.
1
Subukin
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dapat gawin sa mga balitang narinig?
a. Huwag pansinin
b. Suriin muna bago ipagsabi
c. Ipagsasabi ito sa mga kakilala
d. Paniwalaan kaagad at magpanik
2. Sabi ng inyong kapitbahay may paparating daw na bagyo
sa susunod na linggo. Maniniwala ka ba kaagad?
a. Hindi b. Oo c. Siguro d. Walang pakialam
3. Narinig mo sa iyong kaklase na abot dalawampu’t isang
libong tao na ang nagpositibo sa COVID-19. Bilang isang
mag-aaral, ano ang iyong hakbang para masigurado mo
na totoo ang balita?
a. Tatanungin ko ang aming guro kung totoo ang
balita.
b. Makipag-away ako sa kaniya na hindi totoo ang
balitang sinabi niya.
c. Makikinig ako sa radyo o telebisyon para
masigurado ang tamang impormasyon.
d. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para
basahin kung nakasulat ang balita tungkol sa
COVID-19.
4. Sa pagsuri ng balita dapat nanggaling ito sa lehitimong
pinagmulan. Alin sa mga sumusunod ang lehitimong
pinagkukunan ng balita?
a. pahayagan
b. payo ng kaibigan
c. Facebook page ng artista
d. balita galing sa kapitbahay
5. Kung ikaw ay nagsusuri ng impormasyon, ano ang dapat
mong isaalang-alang?
a. Susuriin ko ang pinagmulan ng balita.
b. Maniniwala agad ako sa balitang narinig.
c. Magsasawalang kibo na lang ako sa mga balita.
d. Ipasusuri ko sa nakababata kong kapatid ang
balita.
2
6. Alin sa mga sumusunod ang may magandang balita?
a. Presyo ng karne bababa
b. Presyo ng gasolina tataas sa susunod na linggo
c. Parami ng parami ang nagpopositibo sa COVID-19
d. Nasalanta sa panibagong lindol, naghihikahos dahil
walang ng tirahan at makain
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip?
a. Wala akong pakialam sa mga balitang naririnig ko.
b. Sinusuri ko muna ang balitang narinig bago ito
ipagsabi.
c. Kapag may balita akong naririnig pinaniniwalaan ko
agad ito.
d. Dapat paniwalaan ko kaagad ang mga balitang
narinig totoo man o hindi.
8. Sang-ayon ka ba sa pahayag na, “Hindi ikinakalat ang
anumang usapan na walang patunay o ebidensiya”?
a. Walang pakialam
b. Oo, sang-ayon ako.
c. Hindi ako sang-ayon.
d. Depende sa sitwasyon
9. Narinig mong pinagsasalitaan ng hindi maganda ng
inyong mga kaklase ang iyong matalik na kaibigan. Ano
ang iyong gagawin?
a. Isusumbong ko sila sa aking kaibigan.
b. Hindi ko sila papakialaman kasi buhay nila iyan.
c. Papakiusapan ko sila na tigilan na nila ang
kanilang ginagawa.
d. Makikisali ako sa kanilang usapan para magiging
masaya kami.
10. Mahilig magkalat ng balitang walang katotohanan ang
iyong kaibigan. Kung ipagpapatuloy niya ang
ugaling ito, ano ang posibleng mangyayari sa kaniya?
a. Yayaman siya.
b. Magkakaroon siya ng kaaway.
c. Hahangaan siya ng karamihan.
d. Mapapamahal siya sa ibang tao.
3
Aralin
1 Magiging Mapanuri Ako!
Ang pagiging mapanuri ay nakatutulong upang
makapagnilay-nilay ang bawat tagapakinig ng kani-kanilang mga
balitang nasagap. Ito ay nakapabubuti ng abilidad sa pagpapasiya.
Balikan
Kumusta ang pagsagot mo sa iyong panimulang gawain
kaibigan? Alam ko kayang-kaya mo. Ngayon naman, babalikan
natin ang iyong nakaraang aralin.
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
1. Bakit kailangan mong magsabi ng katotohanan kahit pa
minsa’y may masasaktan?
___________________________________________________________________________

2. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matapat sa
lahat ng oras?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4
Mga Tala para sa Guro
Tuklasin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kahalagahan sa
pagsusuri ng katotohanan gamit ang ating mapanuring pag-
Panuto: Basahin ang balita.
iisip. Ito rin ay makapabubuti ng kakayahan sa pagbabasa
lalo na sa tamang pagpapasiya.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang o sa
nakatatandang kapatid kung kinakailangan.
Tuklasin
Ang Balita ni Tatay Nato
Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato.
“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang
RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t-apat na bata na may
gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng
Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng
Veterinary Office."
5
“Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinag-
iingat ang mga mamamayan lalo na ang mga bata.”
“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging
responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng
anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”
Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo.
Kinausap niya ang kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mga ito
ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso,
tatay?” tanong ni Anika sa ama.
“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang
kasama sa bahay na komunsulta na agad sa doktor para
malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Tatay Nato," sabi ni Anika.
Source: ESP4 LM, pp.29
Suriin
Simulan mo ang iyong mga gawain ng may ngiti sa iyong
mga labi. Galingan mo, kaibigan!
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6
2. Nakaranas ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala
sa balitang iyong narinig? Ipaliwanag ang dahilan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa
mga balitang naririnig mo sa radyo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Tandaan Mo
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa
balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging
mapanuri sa naririnig ay nagpapakita lamang ng masusing pag-
iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon
upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o
nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang
puri. Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay
itinuturing na isang libelo.
7
Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas,
ang mga elemento ng libelo ay ang:
1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba;
2. paglalathala ng mga bintang;
3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at
4. pagkakaroon ng masamang hangarin.
Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o
maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable.
Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito ay dapat
na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang pagsusuri sa
isang narinig o nabasang balita ay dapat na may batayan.
Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay
tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin
ang tamang impormasyon
Source: ESP4 LM, pp.34
8
Pagyamanin
Maligayang pagbati sa iyo kaibigan dahil nasagot mo ang mga
katanungan. Nalaman mo rin ang mga magagandang epekto nang
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip. Ngayon, maaari mo na
itong gamitin sa susunod na mga pagsubok sa modyul na ito.
Panuto: A. Suriin ang maganda at mapaghamong balitang iyong
narinig. Tingnan ang pagpipilian sa ilalim ng larawan
at isulat sa tamang hanay ang sagot.
MAGANDANG BALITA MAPAGHAMONG BALITA
Pagpipilian:
• Pagtaas ng presyo ng isda nangunguna
• Gaisano Mall sa Gensan nasunog matapos yanigin ng lindol
• Rollback sa presyo ng petrolyo inaasahan sa susunod na
linggo
• Bilang ng mga nakarekober sa COVID-19, patuloy ang
pagtaas
• 15-anyos na lalaki, kritikal matapos umanong sumailalim sa
hazing ng isang fraternity
• DepEd - katuwang ang mga telecommunication companies
para sa libreng access ng DepEd Common
9
Isaisip
Maligayang araw sa iyo kaibigan! Galingan mo ang
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
1. Bakit kailangang suriin ang mga balitang nasagap o
narinig?
____________________________________________________________________

2. Dapat bang ipagkalat o ipagsabi ang balitang walang
katuturan o haka-haka lamang? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
10
Isagawa
Isang maligayang pagbati sa iyo! Maaari mong simulan ang
iyong gawain ng may mapanuring pag-iisip.
Panuto: A. Isulat ang sagot sa patlang upang makumpleto ang
diwa ng pangungusap.
Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay,
ang gagawin ko ay ____________________________________dahil
naniniwala ako na ________________________________________.
Source: ESP4 LM, pp.31
11
Tayahin
Galingan mo sa araw na ito. Sana mataas ang iyong
makukuhang marka. Kaya mo yan!
Panuto: A. Tukuyin ang bawat balita kung ito ay Katotohanan o
Opinyon. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Dineklara ni DepEd Secretary Briones na ang
pasukan ay magsisimula sa darating na Agosto 24,
2020.
_________2. Sa palagay ng aking ina, matatapos ang Corona Virus
Disease 2019 ngayong Hunyo.
_________3. Ang LGU ay tinutulungan ang DOH sa pagpapatupad
ng mga dapat sundin kagaya ng mga paggamit ng
face mask, paghugas ng kamay bago pumasok sa
anomang gusali at pagsunod sa social distancing.
_________4. Sabi ni Jenny, may pabuyang ibibigay sa makatuturo
ng mga salarin na lumalabag sa batas ng ating
bansa.
_________5. Sa palagay ko malapit ng matapos ang problema
natin sa COVID-19.
_________6. Libo-libong artista ng ABS CBN ang nawalan ng
trabaho.
_________7. Barangay health workers tumulong sa pagbigay ng
ayuda sa mga mamamayan sa kalagitnaan ng
COVID-19.
_________8. ABS CBN, ipanasara dahil daw sa hindi pag-renew ng
prangkisa.
_________9. Sa palagay ko mahigit dalawang libo na ang
nakarekober sa COVID-19.
_________10. Ayon sa balitang narinig ko sa radyo, ipinahayag ng
DOH na dumarami ang nakakarekober sa COVID-19.
12
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
1. Ano-ano ang mga magagandang balita ang tumatak sa
iyong isipan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang masuri ang mga
balitang narinig?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Mahusay ka! Naipakita mo ang iyong kakayahang maging
mapanuri at naisagawa mo ng buong puso ang pagsuok sa
linggong ito.
Maari ka nang tumungo sa susunod na aralin.
13
14
Pagyamanin A. Tayahin
Magandng Balita 1. Katotohanan
2. Opinyon
• Rollback sa presyo ng 3. Katotohanan
petrolyo inaasahan sa 4. Opinyon
susunod na linggo 5. Opinyon
• Bilang ng mga 6. Katotohanan
nakarekober sa 7. Katotohanan
COVID-19, patuloy ang 8. Katotohanan
pagtaas 9. Opinyon
• DepEd katuwang ang [Link]
mga
telecommunication
company para sa Isagawa Isaisip
libreng access ng
DepEd Commons Maaaring Maaaring
magkakaiba magkakaiba
Mapaghamong Balita ang mga ang mga
• Pagtaas ng presyo ng sagot. sagot.
isda ngunguna
• Gaisano Mall sa
Gensan nasunog
matapos yanigin ng
lindol Balikan Subukin
• 15-anyos na lalaki, Maaaring 1. B
kritikal matapos magkakaiba 2. A
umanong sumailalim ang mga 3. C
sa hazing ng isang sagot. 4. A
fraternity 5. A
Suriin 6. A
Maaaring 7. B
8. B
magkakaiba
9. C
ang mga
10.B
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Abac et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 4, Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines: DepEd-IMCS, 2015
15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag
ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang
anumang puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@[Link]