You are on page 1of 23

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Pinagtagpi-tagping Baro
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pinagtagpi-tagping Baro
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hannah Cristina A. Limen, Jodith B. Cabañog
Department of Education – Region IX
Office Address:
Editor: Regional
Josephine V. Abedin,Center, Balintawak,
Leonil Rechie Pagadian
P. Cahanap, Filma B. Catalan, Ed. D.
City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Tagasuri: Monalisa Babiera, Jevan Hope S. Baltazar, Rose Marie E. Diocares
Tagaguhit:
Tagalapat: Liezel R. Capitanea, RL
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Dr. Jeanelyn A. Aleman,
CESE Evelyn F. Importante
Rose Marie Diocares
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Pinagtagpi-tagping Baro
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananat

Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng lipunan ang kabutihang panlahat? Naka

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo upang tulungan kang maging
bihasa sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat. Ang saklaw ng modyul na ito
ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang sitwasyon.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Paano


makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang
makamit at mapanatili ito? at inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1.1 Maibigay ang implikasyon ng kabutihang panglahat sa bawat


gawain ng isang tao para sa ikakabuti ng lipunan

1.2 Maisagawa ang gawain o aktibidad na nagpapakita ng pagsisikap


ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihan panglahat

1.3 Maisabuhay ang moral na pagpapahalaga ng mga puwersang


magpapatatag sa lipunan

1
Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
kwaderno.

1.
Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de
Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang mga tao.
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at
hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay
nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang
tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang
nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil
ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at
dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan
ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang
pagkatao.

2. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?


a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
c. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa
sa nagagawa ng iba
d. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito

3. Ano ang Kabutihang panglahat?


a. kabutihan ng lahat ng tao
b. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan.

Ano ang ipinapahiwatig nito?


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating
kapwa.

2
5.
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangan pareho ng bawat indibidwal.
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang
tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda
ng mga layunin.
d. Mali, dahil ay natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang
indibidwal.

6. Sa kasalukuyan (covid-19 pandemic), ano ang maari nating maiambag sa ating


pamahalaan upang magkaroon ng maayos na lipunan?
a. Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya.
b. Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan.
c. Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan.
d. Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa
ating kaligtasan.

7. Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipag-


ugnayan upang magkaroon tayo ng matiwasay na lipunan?
a. Huwag makikipag-usap sa mga tao sa pamayanan.
b. Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan.
c. Kumustahin at makikipagtaalstasan sa ating kapwa upang magkaroon ng
maayos na lipunan.
d. Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makikipag-usap.

8. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi
itanong mo kung ano ang nagawa mo para sa iyong bansa.”

Sinong bantog na pilosopo ang nagwika ng katagang nasa kahon?


a. St. Thomas Aquina c. Aristotle
b. John F. Kennedy d. Bill Clinton

9. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?


a. kapayapaan c. katiwasayan
B. kabutihang panlahat d. kasaganaan

10. Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?


a. Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
b. Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain.
c. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
d. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao.

3
Aralin
Layunin ng Lipunan:
1 Kabutihang Panlahat
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan
sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat sa pamagat na “Pinagtagpi-tagping
Baro” na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa Pagpapakatao sa ika-9
na baitang.

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na


nasa tekstong nasa ibaba.

Balikan

Narinig mo na ba ang kantang pinasikat ng Apo Hiking Society na


pinamagatang “Batang Batang Ka Pa” na may linyang, “marami ka pang kailangang
malaman at intindihin sa mundo”. Ibig sabihin na may mga bagay sa iyong paligid
na hindi mo maaring pakialaman dahil bata ka pa.

Napapansin mo ba ang sarili sa kasalukuyan? Nagkakaroon ka ba ng


reaksyon mo sa mga pangyayari sa iyong paligid? Kung oo, ibig sabihin ay mayroon
ka ng pakialam sa lipunang kinabibilangan mo. Nakikilala mo na hindi ka lamang
nabubuhay para sa iyong sarili, ikaw ay bahagi ng isang malawak na mundong
iyong kinabibilangan. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala at darating din ang
pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaring naghihintay
lamang ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang
aralin na ito.

4
Tuklasin

Gawain 1:

1. Gamitin ang sariling imahinasyon sa paglalarawan ng isang matiwasay o


maayos na lipunan o komunidad.

2. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit sa iyong kwaderno.

Pamantayan sa Pagguhit
5 7 10
Pamantayan Hindi naging Naging Lubusang
malikhain sa malikhain sa nagpamalas ng
pagguhit pagguhit pagiging
malikhain sa
pagbuo ng
collage
Kaangkupan sa Hindi angkop Angkop ang ilang Lubusang
paksa ang naguhit bahagi ng guhit napakaangkop
ng guhit

Presentasyon Hindi naging Naging malinaw Lubusang


malinaw ang ang intensyon o malinaw ang
intensyon o detalying intensyon o
detalying ipinahayag ng detalying
pinahayag ng guhit ipinahahayag ng
guhit guhit

Mensahe Hindi angkop Angkop ang Lubusang


ang mensaheng mensaheng angkop na
ipinahahatid ng ipinahahatid ng angkop ang
guhit guhit mensahe ng
guhit
Kalinisan at Hindi malinis at Naging malinis Lubusang
Kaayusan maayos ang at maayos ang napakalinis at
pagkakabuo ng pagkakabuo ng maayos ang
guhit guhit pagkaguhit

5
Suriin

Ang pagiging kasama-ng-kapwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay ng


tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Makakamit lamang ito kung makikilahok at
makikipamuhay ka sa kapwa.

LIPUNAN

-lipon
-pangkat

Ang mga taong mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang


tunguhin. Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin.

KOLEKTIBO

Ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi binubura ang indididwalidad
ng mga kasapi.
KOMUNIDAD

-communis
-common
-Nagkakapareho
-Binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o
pagpapaphalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
-Mas nabibigyang halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi

2 Mahalagang Dahilan sa Paghahanap ng Mabuhay sa Lipunan


(Jacques Maritain – The Person and the Common Good)
1. Dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto at dahil likas sa
kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.

2. Hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa kanyang


pangangailangan mula sa materyal na kalikasan.

“Binubuo ng TAO ang LIPUNAN,


Binubuo ng LIPUNAN ang TAO

Tunay na Tunguhin ng Lipunan

Ang kabutihan ng komunidad ay nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal

6
na kasapi nito.

7
Kabutihang Panlahat

Kabutihang naayon sa moralidad ng tao at Likas na Batas Moral.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


(Compendium of the Social Doctrine of the Church)

1. Ang paggalang sa indibidwalidad ng tao


2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan
3. Ang Kapayapaan

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat

1. Nakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit


tinatangihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya
kaysa nagagawa ng iba.

Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


(Social Morals – Joseph de Torre)

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang


malaya gabay ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na pahalagahan.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kanyang


kaganapan.

“Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang
panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa.”

8
Pagyamanin

Gawain 2:
1. Mula sa larawang iginuhit sa Gawain 1, isulat ang mga bagay na
nagpapakita ng isang matiwasay na lipunan.

2. Batay sa larawang inyong iginuhit, ipaliwanag kung paano ito


nakatulong upang makabuo ng isang matiwasay na lipunan.

Mga Pamantayan sa Isahang Gawain

Nilalaman Organisasyon Presentasyon


10 puntos Kabuuan
10 puntos
5 puntos
25 puntos

Isaisip

PANUTO. Buuin gamit ang graphic organizer sa ibaba. Gabay mo ang mahalagang
tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panglahat? Bakit
mahalaga na ito ay makamit at mapanatili?

ay mga
puwersang
Kabutihangng
sa pamamagitan Panlahat magpapatatag sa

9
Pamantayan sa Pagpapaliwanag ng Batayang Kosepto Gamit ang Graphic Organizer

Krayterya 4 3 2 1
Paghihinuha Nahinuha Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang
ng batayang ang batayang batayang batayang batayang
konsepto konsepto konsepto nang konsepto ngunit konsepto sa
nang hindi may kaunting kailangan ng paggabay ng
ginagabayan paggabay ng labis na guro sa
ng guro. guro. paggabay ng kabuuan nito.
guro.
Pagpapaliwa Malinaw na May isang May dalawang May tatlo o
ng ng naipaliwanag konsepto na konsepto na higit pang
konsepto ang lahat ng hindi malinaw hindi konsepto na
mahahalagan na naipaliwanag hindi
g konsepto naipaliwanag. naipaliwanag
Paggamit ng Nakalikha ng Ginamit ang Nakalikha ng Ginamit ang
graphic sariling graphic sariling graphic graphic
organizer graphic organizer na organizer organizer na
organizer na nasa modyul at ngunit hindi nasa modyul
ginamit maayos na malinaw na ngunit hindi
upang naibigay ang naibigay o malinaw
maibigay o batayang naibahagi ang naibigay ang
maibahagi konseptong batayang batayang
ang batayang gamit ito. konsepto na konseptong
konsepto. gamit ito. gamit ito.

Isagawa

Gawain 3:
1. Makipag-ugnayan sa guro at kamag aral upang makapagsagawa ng
isang survey tungkol sa mga suliraning kinahaharap ng
komyunidad o pamayanan.
2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan,
pangkaayusan, o pang-edukasyon.
3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o
pamayanan kung ano ang kanilang nakikitang suliranin sa kanilang
paligid.
4. Mahalagang isama ang mga namumuno sa barangay o pamayanan sa
isasagawang survey.

10
5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos, gumawa ng
pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey na mayroong maikling
pagpapaliwanang at pagsusuri.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG PROFILING

Napapakita ng grupo Weig Nap Magal Pwede Kulan Kulang Kabuua


ang ht akag ing na g sa na n
aling Galing kulang (50
sa puntos)
Galing
5 4 3 2 1
Nilalaman ng Paksa
(Ang pinakideya ng 4
usapin at mga sariling
halimbawa o
sitwasyon)
Organisasyon ng Ideya
(Naiuugnay-ugnay ng 3
tama ang mga
konseptong
nailalahad/naipaliwan
ag
Pagkamalikhain
(Paggamit ng mga 2
estratehiya na
nakapukaw sa
atensyon at
imahinasyon ng iba
Kahandaan (Alisto at
preparado sa anumang 1
hamon na

Tayahin

PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa kwaderno.

1. Alin ang HINDI mabuting katangian ng makatarungang lipunan?


a. Ang mga mamamayan lamang ang may mainam na buhay.
b. Ang mga tao ay nakikilahok sa mga panlipunang gawain.
c. Ang mga tao ay may malasakit sa karapatan ng iba.
d. May dignidad at pagkilala sa sarili ang mga tao.

11
2. Ang buhay ng tao ay panlipunan.

Ano ang ipinapahiwatig nito?


a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
b. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating
kapwa.

3. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi
itanong mo kung ano ang nagawa mo para sa iyong bansa.”

Sinong bantog na pilosopo ang nagwika ng katagang nasa kahon?


a. St. Thomas Aquina c. Aristotle
b. John F. Kennedy d. Bill Clinton

4. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila
University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga
tao.
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at
hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay
nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang
tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang
nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil
ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at
dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan
ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang
pagkatao.

5. Sa anong paraan natin mapapalago ang ating kakayahan sa pakikipag-ugnayan


upang magkaroon tayo ng matiwasay na lipunan?
a. Huwag makikipag-usap sa mga tao sa pamayanan.
b. Iwasan ang mga taong nakikita sa lipunan.
c. Kumustahin at makikipagtalastasan sa ating kapwa upang magkaroon ng
maayos na lipunan.
d. Hayaan na lamang ang mga tao na sila lang ang makikipag-usap.

12
6.
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangan pareho ng bawat indibidwal.
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang
tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda
ng mga layunin.
d. Mali, dahil ay natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang
indibidwal.

7. Ano ang tunay na layunin ng Lipunan?


a. kapayapaan c. katiwasayan
B. kabutihang panlahat d. kasaganaan

8. Ano ang Kabutihang panglahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

9. Sa kasalukuyan (covid-19 pandemic), ano ang maari nating maiambag sa ating


pamahalaan upang magkaroon ng maayos na lipunan?
a. Maligo sa dagat kasama ang buong pamilya.
b. Aanyayahan ang mga kaibigan na pumunta sa parke o palaruan.
c. Pumunta sa plaza at makipaglaro sa mga kaibigan.
d. Sumunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan na manatili sa bahay para sa
ating kaligtasan.

10. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
b. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
c. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa
sa nagagawa ng iba.
d. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.

13
Karagdagang Gawain

Pagkakawang-gawa
1. Pumili ng isang gawain na iyong maitutulong sa panahon ng krisis o pandemia
(Covid-19):

o Gumawa ng mga mask at PPE.


o Gumawa ng Slogan/video ng pagpapasalamat para sa mga frontliners
o Sumama sa mga kilusan ng barangay sa pamamahagi ng relief goods
o Mamahagi ng mga pangunahing pangangailangan sa mga lubos na
nangangailangan
2. Gumawa/Lakipan ng dokyumentasyon mula sa napiling gawain sa itaas.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
10 7 4 1
Nilalaman Ang Di gaanong Medyo Walang
mensahe ay naipakita magulo ang mensaheng
mabisang ang mensahe mensahe naipakita
naipakita
Kaugnayan May Di gaanong Kaunti lang Walang
malaking may ang kaugnayan
kaugnayan kaugnayan kaugnayan sa paksa
sa paksa sa paksa sa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
kabuuan pagkakabuo
Kabuuan

14
15
Sanggunian
Bacungan, C. M. et.al. (1996). A Text on Values Education. Quezon City: Katha
Publishing Co. Inc.
De Torre, Joseph M. (1977). The Roots of Society. Manila: Sinagtala Publishers, Inc.

De Torre, Joseph M. (1987). Social Morals The Church Speaks on Society. 2nd
Edition, Copyright 1987, Manila: Southeast Asean Science Foundation, Inc.
Definitive Edition Catechism of the Catholic Church, Word & Life Publications,
CBCP/ECCCE, Manila
Dy Jr., Manuel B. (1994). Contemporary Social Philosophy. Quezon City: JMC Press,
Inc.
Maritain, Jacques. (1966). The Person and the Common Good. Univeristy of Notre
Dame Press

Velasquez, Manuel et. al. The Common Good. Retrieved October 2, 2013 from
http://www.scu.edu/ethics/practicing/decision/commongood.html

Thomas Aquinas on the Common Good Retrieved October 2, 2013 from


http://www.hyoomik.com/aquinas/commongood.html
St. Thomas Aquinas and the Idea of the Common Good Retrieved October 2, 2013
from http://catholicsocialteaching.yolasite.com/st-thomas-aquinas-and- the-idea-
of-thecommon-good.php

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifac
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-498
Email Address: *

You might also like