You are on page 1of 25

Edukasyon

sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 10:
Paggalang sa Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Paggalang sa Buhay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – NCR
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
10
Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 10:
Paggalang sa Buhay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paggalang sa Buhay!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Paggalang sa Buhay!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat na kasama ka sa isipan.


Magsisilbi itong gabay upang maipamamalas mo ang pag-unawa sa paggalang sa
buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
10.1 Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
10.2 Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.
10.3 Napangangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang
mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na mahalaga
kaysa buhay.
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos
ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at
kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos.
10.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa paglabag
sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
Paalaala: Sundin lamang ang itinakdang araw sa paggawa ng bawat gawain.
Week 3
Day 1 Subukin; Balikan; Tuklasin –Gawain 1
Day 2 Tukalsin – Gawain 2; Suriin- Bashin at Unawain
Week 4
Day 3 Pagyamanin; Isaisip – Gawain 3; Isagawa – Gawain 4
Day 4 Tayahin; Karagdagang Gawain – Gawain 5

Subukin

1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng
wastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Paano maiiwasan ang kawalan ng paggalang sa buhay?
A. Magkaroon ng kaalaman hinggil dito.
B. Maging bukas ang isipan sa mga nangyayari.
C. Kung ang bawat isa ay nakikita ang kanyang kapuwa.
D. Kung ang bawat isa ay nakikita ang halaga ng buhay at may paggalang dito.
2. Sa pagharap sa buhay lalo na sa gitna ng problema ano ang unang dapat gawin?
A. Magmadali upang maresolba ito agad.
B. Mag-isip agad ng solusyon
C. Maging mahinahon
D. Magsawalang bahala.
3. Alin sa mga susumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Maglaro ng ML maghapon.
B. Tumulong sa gawaing bahay upang hindi magalit ang nanay.
C. Pagkakaroon malinaw na dereksyon sa buhay patungo sa pangarap.
D. Dahil sa hirap ng buhay, titigil na lang sa pag-aaral at tutulong na lang sa
magulang.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi masyadong nagpapakita ng paggalang
sa buhay?
A. Makita ang sarili sa iba at kung magkaganun, hindi mo iisipin na gawin sa
iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
B. Hindi mo hahayaang magkamali ka ng pasya, upang hindi pangit sa paningin
ng iba.
C. Ang makita mo ang iyong halaga at halaga ng iba.
D. Hindi lamang sarili ang nakikita sa bawat pasya, kasama ang iba dahil sa
pakikipag-ugnayan.
5. Bakit mahalaga ang paggalang sa buhay?
A. Dahil lahat ng tao ay may buhay.
B. Dahil ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao.
C. Dahil ang buhay ay nag –iisa lamang.
D. Dahil ang buhay ay puno ng kaligayahan.
6. Ano ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao?
A. Isip at kilos-loob
B. Konsensiya
C. Kalayaan
D. Buhay
7.Ano ang sinasabi sa aklat na “Perspective:” Current Issues in Values Education”?
A. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.
B. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing biyaya ng Diyos.
C. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing dapat pagyamanin
D. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing dahilan ng pagmamahal.
8. Ang mga sumusunod ay mga kilos ng hindi paggalang sa buhay maliban sa isa.
A. Paggalang sa buhay.
B. Paglaglag ng bata sa sinapupunan.

2
C. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao.
D. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan.
9. “Huwag magpapadala sa mga problemang pinagdaraanan” Ano ang nais
ipahiwatig ng pangusap?
A. Tawanan mo ang iyong problema.
B. Ipagwalang bahala ang problema.
C. Normal na magkaproblema ang tao kaya dapat wag itong pansinin.
D. Mahalaga na makita ang bawat pinagdaraan bilang isang hamon at hindi
problema.
10. Ito ay salitang Latin bilang isang uri ng pagtingin sa hinaharap (foresight).
A. Ens ammans
B. Prudentia
C. Iustetia
D. Amare
11. Ang mga sumusunod ay mga kilos ng hindi paggalang sa buhay maliban sa
isa.
A. Pagkitil ng buhay.
B. Pagtrato ng tama sa isang tao.
C. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao.
D. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan.
12.“Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop
ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan.” Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng
napakaraming mayroon siya.
B. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
C. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit
walang kasama.
D. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
13. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud?
A. Prudentia
B. Katarungan
C. Kahinahunan
D. Katapangan
14. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?
A. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
B. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
C. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
D. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa buhay.
A. Lubos pag ukol ng sarili sa mga gadgets at material na bagay.
B. Ang paniniwalang; uminom, kumain at magpakasaya sapagka’t bukas ay
mamatay na.
C. Lubos na paglalaan ng oras upang maging pasakit at pahirap sa iba sala ng
paghihiganti.
D. Ang pagpapatuloy ng pabubuntis ng isang teen ager kahit na alam niyang

3
itatakwil siya ng kanyang magulang.

Modyul Paggalang sa Buhay


10

Sa pagtungo mo sa iyong minimithing layunin sa buhay, naitanong mo na


ba sa iyong sarili kung bakit ka nabuhay ngayon? Kung bakit ka nandiyan sa
nakagisnan mong pamilya? Ang sagot marahil oo at marahil ay hindi, nguni’t
tandaan, na mahalaga ang maiugnay sa sarili ang mga katanungang ito kung bakit
ka umiiral sa mundo. Ang katanungan ito ay nagbibigay ng kamalayan upang
ipabatid na ikaw ay buhay at umiiral sa panahon, lugar at lahing kinabibilangan
mo sa kasalukuyan. At sa kabila nang mga karanasang pinagdaraanan maganda
man o hindi, sa huli bahagi ng paksa ay inaasahang masasagot mo ang
Mahalagang Tanong na: Paano mapapanatili ang paggalang sa buhay ng tao?

Balikan

Sa nakaraang modyul, natutuhan mo ang pagpapahalagang moral sa


pananampalataya upang masilayan ang pagmamahal ng Diyos. Dito rin
napatutunayan ang pagmamamahal sa kapuwa ay pagpapakita ng tunay na
pananampalataya. Sa modyul na ito matutuhan mo ang pagpapahalagang moral
ukol sa paggalang sa buhay na sa huli ay makabuo ka ng pagpapasiyang papanig
sa kabutihan.

4
5
Tuklasin

Gawain 1
Panuto:
1. Balikan ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong nakaraan.
a Pumili ng isang pangyayari na: a. kailangang gumawa ka ng isang maingat
na pagpapasiya matapos husgahan o timbangin ang dalawang pagpipilian
kung alin sa mga ito ang tama at dapat mong piliin.
b. naging matinding pagsubok ito sa iyo dahil kung maaari lang ay wala kang
gustong piliin sa dalawang pagpipilian.
2. Isalaysay ang buong kuwento sa iyong kuwaderno o papel.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:
a. Bakit ka nahirapang pumili sa dalawang pagpipilian?
b. Ano ang ginawa mo bilang pagtugon sa hinihinging sitwasyon?
c. Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa.
d. Ano ang kinalabasan ng iyong ginawang pagpapasiya?
Gawain 2
Panuto:
1. Sa itaas na bahagi na mga kahon, itala ang iyong magandang pangyayari na
hindi mo malilimutan mula grade 7 hanggang grade 10.
2. Sa ibabang bahagi na mga kahon, itala naman ang mga hamon o pagsubok
na iyong naranasan mula grade 7 hanggang grade 10.
3. Gayahin ang pormat sa iyong journal/papel.

6
4. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa mo ang gawain?
5. Ano ang mga napuna mo sa iyong mga karanasan?
6. Sa iyong palagay, bakit kaya nangyari sa iyo ang mga ito?
7. Ano ang mga mahahalagang aral ang natutunan mula sa iyong karanasan na
maiuugnay mo sa paksang tinalakay?

Suriin

Basahin at Unawain
Paggalang sa Buhay
Ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay
paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Hindi maaaring isakripisyo ang
buhay para lamang sa material na kagalingan.(EPIV Modyul 6)
Sa aklat na “Perspective:” Current Issues in Values Education” (De Torre,
1992) sinasabi na, “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing
pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa
lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang
mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at
bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.”
Kung ang bawat isa ay may malalim kagustuhan na magpunyagi sa buhay
sa pamamagitan ng positibong pagtingin sa sarili at ang pagtupad sa mga
pangarap, sa kabila ng mga kakulangan mo bilang tao ay magsisilbing gabay ang
mga karanasan at mga natutunan na mga konsepto sa pag-aaral ng Edukasyon sa
Pagpapakatao ay makikita mo ang iyong sarili na may halaga at nararapat na
igalang ng iyong sarili mismo.
Bahagi ng buhay ang mga problema o krisis na maaring magresulta sa
pagkawala ng paggalang at pagpapahalaga sa sarili niyang buhay kung hindi
magiging handa at pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagharap sa mga ito.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa kawalan paggalang sa buhay.(
brainly.ph/question/204927)
1. Pagkitil ng buhay
Ang pagpatay ng buhay ay isang paglabag sa buhay. Sinabi ng Diyo's na ang
buhay na kanyang ibinigay ay hindi kailanman puwedeng bawiin ng tao.Nakalagay
ito sa sampung utos ng Diyos.
2. Paglaglag ng bata sa sinapupunan.

7
Ang paglaglag ng bata sa sinapupunan ay isa ring uri ng pagpatay at isa sa
paglabag ng karapatang mabuhay. Ang tao ay binigay ng Diyos dahil mayroon
siyang misyon sa buhay at wala tayong karapatang patayin ito o pigilan siyang
mabuhay.
3. Pagtrato ng hindi tama sa isang tao
Halimbawa nito ay ang hindi tamang pagbibigay ng pagkain at pag kontrol
ng kinikilos nito sa pamamagitan ng pagiging alipin.
4. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan
May mga ginagawang negosyo o naman ay sadyang ginagawa ito ng mga
taong mapanira ng buhay.
5. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao
Hindi pagbigay ng sahod at hindi binibigyan ng tamang benepisyo para
mabuhay ng maayos.
Bakit nga ba nangyayari ang mga ito? Nangyayari ang mga ito dahil sa
pagiging makasarili ng tao na nagbubunga ng kawalan ng pakialam sa iba.
Nagiging makasarili ang tao dahil ito ang pinamabilis na paraan upang maresolba
ang problema na inaakala niyang solusyon. Dulot ito ng kawalan ng maingat na
paghusga. Dahil dito nagreresulta ito ng kawalan ng paggalang sa buhay.
Ngunit paano ba ito maiiwasan? Maiiwasan lamang ang lahat ito kung ang
bawat isa ay nakikita ang halaga ng buhay at may paggalang dito. At magkakaroon
ng maingat na paghuhusga sa bawat sitwasyon. Nag-uumpisa ito sa sarili.
Makakatulong ang pagkakaroon ng kamalayan sa sarili upang makita ang
dahilan ng iyong pag-iral. Sa pag-iral na ito, marami kang karanasan na
nakakasalamuha na magbibigay sa iyo ng kaalaman sa buhay, kasama na riyan
ang mga problema na hindi kayang maiiwasan, bagkos, nangangailangan ng
tamang pagtugon para sa tamang solusyon. Sa iyong pagtugon nang hinihingi ng
sitwasyon, makakatulong ang pagkakaroon mo ng maingat na paghusga sa bawat
pangyayari. Kung magkakaganun, makikita mo ang mga dahilan kung bakit mo
pinagdaraanan ang mga ito. Ngunit
Huwag magpapadala sa mga problemang pinagdaraanan. Mahalaga na
makita ang bawat pinagdaraan bilang isang hamon at hindi problema. Inihanda ka
ng mga nauna mong mga karanasan sa buhay upang makagawa ng mapagmalay
at mapanimbang na mga pagpapasiya. Nararapat rin na harapin ito ng may
katapangan. Imbis na matakot at maduwag ay papaghariin sa iyo ang pagtingin sa
halaga ng iyong buhay upang matapang mong harapin ang lahat ng ito. Nguni’t
tandaan iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon
dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba. Kapag duwag ka, pipikit ang iyong
mga mata sa tawag ng halaga, daan ito upang hindi mo harapin ang katotohanan
sa iyong harapan.

8
Sa pagaharap sa hamon ng buhay, napakahalaga na maging mahinahon sa
lahat ng pagkakataon. Ang kahinahunan bilang angkop bago magdesisyon upang
maiwasan ang pagkakamali. Angkop ang maging makatarungan bilang paggalang
sa buhay ng iyong kapwa at sa lipunan. Mahalaga na maging patas at walang
tinatapakang tao sa bawat pasyang gagawin. Kung ginagawa ang dapat,
nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Sa pamimili
ng pasyang gagawin, napakahalaga na maiugnay ito sa serye ng iyong pagkatao,
prudential ang tawag dito.
Ang prudentia ang ina ng mga birtud, tinuturuan tayo nito sa pag-aangkop
bilang sumasapanahon. Nauunawaan ang prudentia sa Latin bilang isang uri ng
pagtingin sa hinaharap (foresight). Sa maagap na pagtingin sa hinaharap,
inuugnay ang kahapon, ngayon, at bukas sa isa’t isa. Ang prudentia ay hindi
lamang upang pangunahan ang mga posibleng epekto ng pagpili, kundi isang
pag-uunawa na may isang kuwento ang mga pangyayari sa kahapon at ngayon na
siyang magiging bukas. Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga
hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye
ng kahapon, ngayon, at bukas—ang kuwento ng ating pagkatao.
Sa bawat pagpili sa mga opsyon, dapat tandaan na piliin kung alin ang mas
magbubunga. Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalilikha ito ng
magagandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao. (Aristotoles)
Sa pagkakaroon ng maingat na paghusga, makikita mo ang mga dahilan ng
pag-iral at magiging daan ito upang masilayan mo mismo ang halaga ng mga ito na
magbibigay daan upang igalang at pahalagahan ang buhay na kaloob ng Diyos.
Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas
mataas na pagpapahalaga kaysa buhay.
Pakatandaan, huwag iukol sa mga material na bagay bilang sentro ng iyong
buhay sapagkat ang buhay ng tao ay lilipas at matatapos sa mundo. Lahat nang
ito ay mawawala. Mahalaga na gugulin ang buhay sa pamamagitan ng pagtuklas
sa katotohanan at harapin ito ng buong tapang nang may maingat na paghuhusga,
may pagmamahal at paggawa ng kabutihan gaya ng pagtulong at kawang gawa sa
kapuwa. Ituon ang sarili sa pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang
Diyos sa kabilang buhay.
Kung nauunawaan mo na ang mga konsepto ng paggalang sa buhay, ay
makakaya mo nang bumuo ng mga posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang
kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang
kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. Ang
pagsasabuhay nito ay isang hamon na nangangailangan ng maingat na
paghuhusga.

(Hango mula sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10)

9
Pagyamanin

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang angkop sa pangungusap sa ibaba.


Gawin ito sa inyong kuwaderno.

Ang 1._______ ay dakilang handog ng 2.________ sa tao. Kaya nararapat na


bigyan ng 3._____________ at Paggalang. Ngunit bahagi ng buhay ang mga problema
o krisis na maaring magresulta sa pagkawala ng 4._________ at pagpapahalaga sa
sarili niyang buhay kung hindi magiging handa at pagkakaroon ng wastong
kaalaman sa pagharap sa mga ito. Sa pagkakaroon ng 5.____________, makikita mo
ang mga dahilan ng pag-iral at magiging daan ito upang masilayan mo mismo ang
halaga ng mga ito na magbibigay daan upang igalang at pahalagahan ang buhay
na kaloob ng Diyos.

Isaisip

1. Ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao.


2. Mga kilos na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa buhay.
A. Pagkitil ng buhay
B. Paglaglag ng bata sa sinapupunan.
C. Pagtrato ng hindi tama sa isang tao.
D. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan
E. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao
3. Hamon at hindi problema.
4. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala
sa sarili o sa iba.
5. Prudentia - ang ina ng mga birtud, salitang Latin bilang isang uri ng
pagtingin sa hinaharap (foresight).
6. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan
ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay.
7. Ituon ang sarili sa pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos
sa kabilang buhay.

10
Isagawa

Gawain 3
Panuto:
1.Paano mo pinahahalagahan ang buhay na kaloob sa iyo ng Diyos? Iugnay ang
iyong sagot sa inyong tahanan, sa paaralan, at pamayanan. Sagutin ito sa inyong
journal at gayahin ang pormat sa ibaba
Sa Sarili:

Sa Tahanan:

Sa Paaralan:

Sa Pamayanan:

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng


wastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay mga kilos ng hindi paggalang sa buhay maliban sa
isa.
A. Pagkitil ng buhay.
B. Pagtrato ng tama sa isang tao.
C. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao.
D. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan.
2.“Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop
ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan.” Ang pahayag na ito ay:

11
A. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng
napakaraming mayroon siya.
B. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
C. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit
walang kasama.
D. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
3. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud?
A. Prudentia
B. Katarungan
C. Kahinahunan
D. Katapangan
4. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?
A. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
B. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye
C. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
D. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa buhay.
A. Lubos pag ukol ng sarili sa mga gadgets at material na bagay.
B. Ang paniniwalang; uminom, kumain at magpakasaya sapagka’t bukas ay
mamatay na.
C. Lubos na paglalaan ng oras upang maging pasakit at pahirap sa iba sala ng
paghihiganti.
D. Ang pagpapatuloy ng pabubuntis ng isang teen ager kahit na alam niyang
itatakwil siya ng kanyang magulang.
6. Paano maiiwasan ang kawalan ng paggalang sa buhay?
A. Magkaroon ng kaalaman hinggil dito.
B. Maging bukas ang isipan sa mga nangyayari.
C. Kung ang bawat isa ay nakikita ang kanyang kapuwa.
D. Kung ang bawat isa ay nakikita ang halaga ng buhay at may paggalang dito.
7. Sa pagharap sa buhay lalo na sa gitna ng problema ano ang unang dapat gawin?
A. Magmadali upang maresolba ito agad.
B. Mag-isip agad ng solusyon
C. Maging mahinahon
D. Magsawalang bahala.
8. Alin sa mga susumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Maglaro ng ML maghapon.
B. Tumulong sa gawaing bahay upang hindi magalit ang nanay.
C. Pagkakaroon malinaw na dereksyon sa buhay patungo sa pangarap.
D. Dahil sa hirap ng buhay, titigil na lang sa pag-aaral at tutulong na lang sa
magulang.
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi masyadong nagpapakita ng paggalang
sa buhay?
A. Makita ang sarili sa iba at kung magkaganun, hindi mo iisipin na gawin sa
iba ang ayaw mong gawin sa iyo.

12
B. Hindi mo hahayaang magkamali ka ng pasya, upang hindi pangit sa paningin
ng iba.
C. Ang makita mo ang iyong halaga at halaga ng iba.
D. Hindi lamang sarili ang nakikita sa bawat pasya, kasama ang iba dahil sa
pakikipag-ugnayan.
10. Bakit mahalaga ang paggalang sa buhay?
A. Dahil lahat ng tao ay may buhay.
B. Dahil ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao.
C. Dahil ang buhay ay nag –iisa lamang.
D. Dahil ang buhay ay puno ng kaligayahan.
11. Ano ang pinakadakilang handog ng Diyos sa tao?
A. Isip at kilos-loob
B. Konsensiya
C. Kalayaan
D. Buhay
12. Ano ang sinasabi sa aklat na “Perspective:” Current Issues in Values
Education”?
A. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.
B. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing biyaya ng Diyos.
C. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing dapat pagyamanin
D. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing dahilan ng pagmamahal.
13. Ang mga sumusunod ay mga kilos ng hindi paggalang sa buhay maliban sa isa.
A. Paggalang sa buhay.
B. Paglaglag ng bata sa sinapupunan.
C. Pagalipin o pag alis ng karapatang mabuhay ang tao.
D. Paghalay sa mga kababaihan, kabataan o kalalakihan.
14. “Huwag magpapadala sa mga problemang pinagdaraanan” Ano ang nais
ipahiwatig ng pangusap?
A. Tawanan mo ang iyong problema.
B. Ipagwalang bahala ang problema.
C. Normal na magkaproblema ang tao kaya dapat wag itong pansinin.
D. Mahalaga na makita ang bawat pinagdaraan bilang isang hamon at hindi
problema.
15. Ito ay salitang Latin bilang isang uri ng pagtingin sa hinaharap (foresight).
A. Ens ammans
B. Prudentia
C. Iustitia
D. Amare

13
Karagdagang Gawain

Gawain 4
Panuto:
1. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng iyong paggalang at pagpapahalaga
sa buhay mula sa natutuhan sa paksang Paggalang sa Buhay.
2. Ipaliwanag ito nang hindi lalampas ng isang daang (100) salita.

14
Susi sa Pagwawasto

15
Sanggunian
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 6. ph. 8 / 11
www.brainly.ph/question/204927
Kagawaran ng Edukasyon (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa
Mag-aaral pahina 170-179.

16

You might also like