You are on page 1of 22

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga
Yugto ng Makataong Kilos
(Linggo: Ikalima)

Pamagat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Luz Marie S. Pantoja
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr. Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Luz Marie S. Pantoja
Tagalapat : Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala:Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira. Ed.D. Nilita L. Ragay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 5:
Mga Yugto ng Makataong Kilos
(Linggo: Ikalima)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Yugto ng Makataong
Kilos
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Yugto ng Makataong Kilos.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Mga Yugto ng Makataong Kilos

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos.. EsP10MK-IIe-7.1

Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng


makataong kilos. EsP10Mk-IIe-7.2

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

K- Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos at ang pagkakasunod-


sunod ng pagsasagawa nito gamit ang isip at kilos-loob.
S- Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng
makataong kilos.
A- Napahahalagahan ang bawat yugto ng makataong kilos sa paggawa ng moral na
pasiya at kilos.

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon


kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob
B. Intensiyon at Layunin
C. Paghuhusga at Pagpili
D. Sanhi at Bunga

2. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal


na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali
at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto
ng makataong kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang
paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang
magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na
kayang yugto ng kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Paghuhusga sa nais makamtan
D. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

2
6. Ayon sa kanya ang pagsasagawa ng makataong kilos ay may pagkakasunod-
sunod (sequence) at may 12 yugto ito.
A. Mother Teresa ng Calcutta
B. Sto. Tomas de Aquino
C. Fr. Roque Ferriols
D. Agapay

7. Ayon sa yugto ng makataong kilos, isinasaad na ang gawain ay nagpapatuloy at


may pagsang-ayon sa mga nasabing pagpipilian.
A. Paghuhusga sa paraan
B. Masusing pagsusuri ng paraan
C. Bunga
D. Pagpili

8. Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes si Ramir. Hindi siya sumama at pinili


na pumasok sa klase. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Ramir?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Masusing pagsusuri ng paraan

9. Kung sa iyong pagsasagawa ng kilos kung sasagutin mo ba ang mga gawaing


ipapasa kinabukasan o maglalaro na lang ng ML dahil sa ikaw ay nababagot at
napag-isipan mong gawin muna ang gawaing sagutin ang modyul, at natuwa ka
sa tamang pagpili, nasa anong yugto ng makataong kilos ang ipinakikita mo?
A. Intensiyon ng layunin
B. Praktikal na paghuhusga sa pinili
C. Bunga
D. Pagkaunawa sa layunin

10. Mahalaga na malaman ang bawat yugto ng makataong kilos upang maging
gabay sa ating bawat kilos sa araw-araw na buhay. Nasa anong yugto ng
makataong kilos nagtatapos ang moral na kilos?
A. Pagpili
B. Paggamit
C. Bunga
D. Utos

3
Balikan

Panuto:
a. Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo?
b. Isulat sa loob ng parisukat ang iyong sagot.
c. Gawin ito sa iyong kuwaderno

Tuklasin

Panuto:
1. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
2. Lagyan ng tsek (√) ang loob ng panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita ng
makataong kilos at ekis (x) kung hindi.
3. Isulat ang paliwanag sa ibaba nito.

Sitwasyon A

Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi


pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si
Omar kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang.

Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit: _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4
Sitwasyon B

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon


silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi
niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya
ng sagot subalit tinanggihan niya ito.

Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )


Bakit: __________________________________________________________
__________________________________________________________

Sitwasyon C

Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima


ang kumuha ng cellphone ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik
na lamang siya upang huwag nang madamay pa.

Nagpapakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )

Bakit: __________________________________________________________
__________________________________________________________

Suriin
n

Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya.


Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw
na buhay. Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari
sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasiya? Tulad
ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may
hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saan
direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang tao, ang
bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may
epekto sa kanyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan
na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay
ng Diyos. Ang mga kilos ay kailangan ng maingat na

5
pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin.
Mahalaga na makita mo kung ang pipiliin mo ba ay nakabatay sa makataong
pagkilos.

May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong


kilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang
kategorya ito: ang isip at kilos-loob. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng
madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya
siya sa anumang kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito,
tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos.

Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang
isip at kilos-loob.

Isip Kilos-loob

1. Pagkaunawa sa layunin 2. Nais ng layunin


3. Paghuhusga sa nais makamtan 4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili
9. Utos 10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga
layunin

Paano gagamitin ang yugtong ito? Narito ang isang halimbawa.

Sitwasyon:
Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa
isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang
mga kaibigan ay mayroon na nito.

6
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito.
1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na
bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng
pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang
magkaroon ng bagong modelo ng cellphone.
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na
pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung
ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon
niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin
niya ang bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos ang pera para sa
kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang
cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-iisip pa siya ng
ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang
moral na kilos ay nagpapatuloy.
Pinag-iisipan na niya ngayon ang iba’t ibang paraan upang mabili ang bagay na
iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o instalment? O nanakawin ba niya ito?
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin
ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing pagpipilian.
6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang
pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad paunti-unti, o
pagnanakaw; pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng
pinakamabuting paraan.
8. Pagpili. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang
kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang
isinagawang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Ngayon ay ikatutuwa niya ang
pagtatamo niya ng cellphone.
12. Bunga. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.

Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa


pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang
maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay.

Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto- ang


pagpili. Kung kaya’t kailangan ng masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili.
Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat
panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito
nakasalalay ang anumang maaaring kahinatnan nito.

Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan


ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
.

7
Pagyamanin

Panuto:
1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat kung
paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon.
2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.
3. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Sitwasyon sa
buhay na Epekto ng
Kilos na isinagawa Mga realisasyon
nagsagawa ng isinagawang pasiya
pasiya
Hal. Blg. 1 Hindi sumama at Naunawaan ang Ang realisasyon ko
Niyaya ng kaibigan pinili na pumasok tinalakay ng guro at ay mas makabubuti
na mag-cutting sa klase nakakuha ng na piliin ang
classes. pasang marka sa pagpasok sa klase
pagsusulit sa araw dahil may mabuti
na iyon. itong maidudulot sa
pag-abot ko ng
aking pangarap at
tunguhin sa buhay.

1.
2.
3.
4.
5.

Isaisip

Napag - alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

8
Isagawa

Suriin ang naging kilos at pasiya na nagawa noong nagdaang araw. Gamit ang
Yugto ng Makataong Kilos sa bahagi ng kilos-loob, maging malikhain sa paggawa
ng outline sa paggamit ng yugtong ito. Magbigay ng isang sitwasyon at isulat ang
iyong paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Krayterya sa pagwawasto:

Kaugnayan sa paksa - 10
Pagbuo ng salita o pangungusap - 10
Presentasyon – 5
____________________________________
25 puntos

Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA:

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon


kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob
B. Intensiyon at Layunin
C. Paghuhusga at Pagpili
D. Sanhi at Bunga

2. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal


na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali
at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto
ng makataong kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili

9
3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang
paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang
magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na
kayang yugto ng kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Paghuhusga sa nais makamtan
D. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

6. Ayon sa kanya ang pagsasagawa ng makataong kilos ay may pagkakasunod-


sunod (sequence) at may 12 yugto ito.
A. Mother Teresa ng Calcutta
B. Sto. Tomas de Aquino
C. Fr. Roque Ferriols
D. Agapay

7. Ayon sa yugto ng makataong kilos, isinasaad na ang gawain ay nagpapatuloy at


may pagsang-ayon sa mga nasabing pagpipilian.
A. Paghuhusga sa paraan
B. Masusing pagsusuri ng paraan
C. Bunga
D. Pagpili

8. Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes si Ramir. Hindi siya sumama at pinili


na pumasok sa klase. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Ramir?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Masusing pagsusuri ng paraan

10
9. Kung sa iyong pagsasagawa ng kilos kung sasagutin mo ba ang mga gawaing
ipapasa kinabukasan o maglalaro na lang ng ML dahil sa ikaw ay nababagot at
napag-isipan mong gawin muna ang gawaing sagutin ang modyul, nasa anong
yugto ng makataong kilos ang ipinakikita mo?
A. Intensiyon ng layunin
B. Praktikal na paghuhusga sa pinili
C. Bunga
D. Pagkaunawa sa layunin

10. Mahalaga na malaman ang bawat yugto ng makataong kilos upang maging
gabay sa ating bawat kilos sa araw-araw na buhay. Nasa anong yugto ng
makataong kilos nagtatapos ang moral na kilos?
A. Pagpili
B. Paggamit
C. Bunga
D. Utos

B. Tukuyin kung paano ginagamit ang isip at kilos-loob sa sitwasyon. Punan ang
tsart sa ibaba ng dalawa o tatlong pangungusap. (10 puntos)

Sitwasyon Para saan ginamit ang :


Hindi inaasahan na biglang nagbigay ng Isip Kilos-loob
mahabang pasulit ang iyong guro. Hindi
ka nakapaghanda kaya dali-dali kang
nag-aral pagkatapos ng talakayan sa
klase upang may maisagot. Dahil sa
pag-aalala halos di mo na matandaan
ang iyong napag-aralan kaya natukso ka
na tumingin sa papel ng iyong katabi.
Paano mo gagamitin ang iyong isip at
kilos-loob sa ganitong sitwasyon?

11
Karagdagang
Gawain

1. Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay. Suriin kung ang bawat isa ay naging
mapanagutan ka sa iyong piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng makataong
kilos.
2. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Nagpapakita ba ito ng
Mga Sitwasyon mapanagutang pasiya at
makataong kilos?
Ipaliwanag

12
13
Subukin
Paunang Pagtataya:
A.
1. A 6. B
2. B 7. B
3. A 8. D
4. C 9. C
5. D 10. A
Tuklasin
Sitwasyon A – Hindi ( x ) Nagpapakita ng pagsuway s autos ng magulang na maaari
niyang ikapahamak at matuto ng masamang bisyo.
B – Oo ( √ ) Mas pinili niya bilang matapat na mag-aaral ang gumawa ng
mabuti at hindi matukso na gumawa ng mali sa pangongopya.
C – Hindi ( x ) May pananagutan siya na isiwalat ang katotohanan
dahil nakita niya ang pangyayaria at alam niyang mali iyon.
Pagyamanin
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot.
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
1. A
2. B
3. A
4. C
5. D
6. B
7. B
8. D
9. C
10. A
B. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot.
5. B
4. E i
Pagwawasto
Susi sa
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Prepared by:

May-akda: LUZ MARIE S. PANTOJA, nagtapos ng Bachelor of


Secondary Education, double majors in Catechetics and Social
Studies sa Pius XII Institute of Catechetics and Social Studies sa
Jaro, Iloilo City. Complete Academic requirements (CAR)
in Master of Arts in History sa Negros Oriental State University, Dumaguete City.
Kasalukuyang nagtuturo sa Ong Che Tee- Bacong High School, Sacsac, Bacong,
Negros Oriental sa mga asignaturang Araling Panlipunan at Edukasyon sa
Pagpapakatao.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like