You are on page 1of 19

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6.a:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na
Batas Moral(Linggo: Ikatlo)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6.a: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
s

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Kevin V. Elmido
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr
Tagaguhit: Junelyn Q. Vailoces
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng _

Department of Education –

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
6.a:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas
na Batas Moral
(Linggo: Ikatlo)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Batas na Nakabatay
sa Likas na Batas Moral!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagga

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang,
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. (EsP9TTIIc-6.1)

Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa
pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral. (EsP9TTIIc-6.2)

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa likas na batas moral;;


2. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay
sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat;;
3. Nahihinuha at napahahalagahan ang batayang Konsepto ng aralin.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang mga
sagot sa iyong kuwaderno.

1. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?


A. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.
B. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
C. Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
D. Mula sa Diyos.

1
2. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa
mga medikal na doktor?
A. Gawin lagi ang tama.
B. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
C. Gamutin ang sariling saki bago ang iba.
D. Ingatan na huwag saktan ang tao.
3. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel.
B. Itinuturo ng bawat magulang.
C. Naiisip na lamang.
D. Sumisibol mula sa konsensya.
D. Maraming anyo ang likas na batas moral.
4. Ano ang dapat gamitin upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
A. Isip at puso B. Isip C. Puso D. Wala sa Nabanggit
5. Ang ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo
sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
A. Mabuti
B. Tama
C. Tama at Mabuti
D. Likas na Batas Moral
6. Ito ang gumagabay sa kilos ng tao.
A. Likas na Batas Moral
B. Universal Declaration of Human Rights
C. Tama at Mabuti
D. Konsensiya
7. Sino ang may sabi na “lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao
ay may makaunawa sa kabutihan”.
A. Max Scheler
B. Santo Tomas de Aquino
C. John Locke
D. Pope John Paul II
8. Tama ang isang bagay kung:
A. ito ay ayon sa mabuti
B. makapagpapabuti sa tao
C. walang nasasaktan
D. magdudulot ito ng kasiyahan
9. Ang mabuti ay:
A. paggawa ng tama
B. pagbuo ng sarili
C. pagsunod sa batas
D. pagsunod sa Diyos
10. Ang Mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang
ay ang pagpili ng pnakamabuti batay sa panahon, kasaysayan,
lawak at sitwasyon.
A. Tama
B. Tama at Mabuti
C. Mabuti
D. Likas na Batas Moral

2
Balikan

Panuto: Tunghayan ang larawan sa ibaba at sagutin ang tanong.

1. Sa palagay mo ba’y mayroon pang oras para makapag-aral ang batang


nasa larawan? Bakit?

2. Anu-anong mga karapatan ang ipinagkakait sa mga batang nagtatrabaho sa


murang edad?

Tuklasin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Magtala ng dalawang batas na sinusunod mo sa Bahay at Paaralan.

2. Magtala ng dalawang batas na sinusuway mo sa Bahay at Paaralan.

3
Sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Bakit kailangan magkaroon ng batas? Bakit mahalaga


ito?

Suriin

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa
dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan
ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ang
Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Nakasaad sa batas
na ito ang dapat gawin at di dapat gawin ng tao;; kaya’t ito ang gumagabay sa kilos
ng tao.

Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (primum non nocere) ng


mga manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi
positibo gaya ng “Magbigay lunas,” positibo ang nais sabihin nito: laging may
pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpalala ng sakit o
makasasama sa pasyente.
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong
sabihin. Hindi ba’t kaya nga pinili ng mga doktor ang ganitong
larangan dahil sa pagnanais na makapagpagaling at
makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng apyong
medical na makakapagpalala ng kondsiyon ng pasyente.
Walang doktor ang papasok sa operasyon nang hindi handa.
Laging ang nasa isip nila ay ang makapagpagaling ng pasyente.

4
Magkagayon man, may nabalitaan ka na rin marahil na may mga doctor na
nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang pasyente. May mga kaso rin ng
kamatayan dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ban g mga propesyonal
na ito ang kanilang mga tungkulin bilang manggagamot?
Ayon kay santo Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max
Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan Lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip.
din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti;; hindi
Lahat ng tao ay may
ang masama. Walang sinuman ang magnanais na
kakayahang
mapasama siya. Kahit na tinatamad akong mag-aral, makaunawa sa
alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot kabutihan.
akong magpatingin sa doctor, alam kong mabuting - Santo Tomas de
gawin ito upang Makita ang kalagayan ng aking Aquino
kalusugan. Kahit gusting-gusto kong kunin ang
cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil Ang pag-alam sa
alam kong masama ito. kabutihan ay hindi
Paano ko nalaman na kung ano ang mabuti at lamang gumagalaw sa
ano ang masama? Itinuro ito sa atin n gating mga larangan ng pag-iisip
magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood kundi sa larangan din
sa telebisyon, nabasa o narinig. Ang nakamamangha ng pakiramdam.
dio ay sa dami n gating mga narinig o nalaman, may - Max Scheler
maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na
nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti. Nararamdaman
ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay parang
sinasabi ng isip ko na mali ito. Sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong
gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure
mula sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong
mabuti.

Ang Mabuti

Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan


dito kung ano ang mabuti. Sinasabi lang na may natural Ang isip at puso
na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging ay gabay para
pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong talaga ang
pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga mabuti.
motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti Ang mabuti ay ang
bang tumambay kasama ng barkada? Mabuti bang siyang kilos ng
uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong na pagsisikap na laging
“Mabuti Ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay kumilos tungo sa
tanda nan g isang masikap na paghahangad na pagbubuo at
matupad ang mabuti. Hindi agad-agad lumulusong pagpapaunlad ng sarili at
sa paggawa ng walang pagtitimpi at pagmumuni sa ng mga ugnayan.
kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang taong agad may sagot at hindi
5
nag-iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili
sa kaniya. Ang nag-iisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang
pipiliin, kung ano ang mga posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba
niya ang mga bungang kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, ang
mabuti ay pagsisikap na lagging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng
sarili at ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti


Ngunit sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa
inaakalang mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira
lamang? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon para
kilalaning mabuti ang gawain. Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya
magnanakaw ako. Gusto kong manalo sa palaro kaya dadayain ko ang edad ng mga
kasamahan ko sa team. Gusto kong kumita nang malaki kaya mamanipulahin ko ang
timbangan ng tinda naming sa palengke. Kabutihan ang hinahangad ng mga
nabanggit sa itaas. Kaya lamang, kailangang maunawaang hindi maaaring ihiwalay
ang mabuti sa tama. Maari bang sabihin ng ama sa kaniyang anak na
“Magpasalamat kayo sa ninakawan ko, may nakakain kayo ngayon. “O ng ale sa
kaniyang suki, “Suki, pasensiya ka na, babawasan kita ng isang guhit dahil may
hinuhulugan pa akong alahas. “Maibabalik ba ng isang tao ang buhay ng kapwa
kung sa maling pasiya niya ay naging dahilan ito ng kamatayan ng kaibigan? Sapat
na ba ang sabihing, “Mabuti ang aking hangarin”.

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagbuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti
Tulad din sa Likas na
batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon. Batas Moral, preskripsiyon
Tinitingnan dito ang mga pangangailanagan at ang mabuti, ang tama ay
kakayahan ng gagawing pagpipili. Kung nakikita ni angkop sa tao.
Ramil na makabubuti sa kaniya ang isports, hindi
lang
siya basta-basta sasabak sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang
kakayahan bago siya magsimulang magboksing. Kung nais nang magpakasal ni
Estella at Ruben, kailangan nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa
kanilang kinabukasan bilang mag-asawa – ang bahay, ang pambayad ng kuryente,
tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa
gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding tingnan ng doctor ang
kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga particular na reaksiyon ng
pasyente sa bias ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang
gamot para sa isang tao ayon sa sakit na mayroon siya. May ibang gamot na
nagdudulot ng mga allergies sa mga particular na tao. May mga gamot na hindi
epektibo sa ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang pasyente na ang
bahalang humaap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng doctor. Tulad din sa
Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao.

6
Pagyamanin

Panuto: Punan ang dayagram ng mga datos na hinihingi batay sa tanong na


nasa loob ng kahon.

Bakit mayroong Batas?

Batay sa Gawain 3, sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.

1. Batay sa mga sagot sa nabuong semantic web, ano ang layunin ng batas?
2. Sino ang tuon ng batas? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang sundin ang batas? Ano ang epekto sa tao ng hindi
pagsunod dito?
4. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?

7
Isaisip

Napag alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

Isagawa
Panuto: Basahin ang tula sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa iyong
kwaderno.

Ang Gusto Ko lang Naman ay ang Pag-ibig sa Tamang Panahon

Lahat ng bagay pinag tiya-tiyagaan,


Lahat ng bagay pinaghihirapan,
Lahat ng bagay pinagsusumikapan.
Walang kakahantungan ang mga bagay na minamadali.
Fansign lang, love na?
Text text lang, kayo
na? ano ‘to?
Mas maganda ang mga bagay pag pinag tiya-tiyagaan at
dumarating sa tamang panahon.
Tandaan niyong lahat,
Masarap umibig…
Masarap ang
inspirasyon… Huwag lang
minamadali…
Lahat ng bagay nasa tamang panahon.”

1. Tungkol saan ang tula? Ano ang mensahe ng tula?


2. May kinalaman ba ito sa likas na batas moral? Patunayan ang iyong sagot.
3. Sang-ayon ka ba sa nilalaman o mensahe ng tula? Bakit?
4. Ano ang iyong gagawin ngayong naintindihan mo ang mensahe ng tula?
5. Yayakapin mo ba ang mensaheng ito?

8
Tayahin
I. MAIKLING SAGOT
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
1. Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
2. Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa
larangan ng pakiramdam ayon kay .
3. Ang laging PAKAY at LAYON ng tao.
4. Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama.
5. Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto
ang pangkalahatang pagpapahalaga sa tao.
II. PAGPIPILI
Panuto: Piliin ang titik na may tamang sagot.
1. Latin ng prinsipyo ng mga manggagamot.
A. instruction manual C. primum non nocere
B. maling prognosis D. panig sa tao
2. Pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at
ng mga ugnayan.
A. state C. mabuti
B. tama D. masama
3. Ninanasa ng tao ang , hindi ang .
A. mabuti;; masama C. panig sa tao
B. mabuti;; tama D. pagiging makatao
4. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.
A. likas na batas moral C. mabuti;; masama
B. pagiging makatao D. isip at puso
5. Sino ang may sabi na “lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng
tao ay may makaunawa sa kabutihan”.
A. Max Scheler C. John Locke
B. Santo Tomas de Aquino D. Pope John Paul II

Karagdagang
Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang inyong pagkaunawa sa mga sumusunod na pahayag


ayon
sa mga dakilang pilosopo na si Santo Tomas de Aquino at Max Scheler.

1. Ayon sa pilosopo na si Sto. Tomas de Aquino : 'Lahat ng tao ay


may kakayahang
mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.'

You might also like