You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Module 1:
Mga Batas Na Nakabatay
11Sa1Likas Na
Batas Moral
Edukasyon Sa Pagpapakatao – Ika-9 na Baitang
Ikalawang Markahan– Modyul 1: Pamagat: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas
Moral

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ms. Leny P. Quezada


Editor: Ms. Luzviminda C. Caunceran – MT I, Ms. Genefer B. Bermundo – MT II
Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap - PSDS, Dr. Corazon Zinampan – PSDS at
Dr. Rodolfo de Jesus - EPS Filipino
Tagalapat: Ms. Eliza V. Regualos, HT
Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, CESOVI, Tagapamanihala
Dr. Freddie V. Avendaǹo, Pangalawang Tagapamanihala
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC - CID
Dr. Haidee F. Ferrer Tagapamasid Pansangay-LRMS
Dr. Marietta S. Caballero, EPS, Edukasyon sa Pagpapakatao

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 9) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas
Moral.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ang modyul na ito a y naglalaman kung
tungkol sa kahalagahan ng Likas na Batas
Moral bilang batayan ng mga batas sa
ating lipunan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

III
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 3: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral.
Ang kamay ay madalas gamit ng simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo


sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-


unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

IV
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

V
Alamin

Malaking tulong ang mga kaalamang natutuhan mo sa nakaraang Modyul 5 ukol sa iyong
mga karapatan at mga kaakibat na tungkulin. Ang mga kaalamang ito ay kailangang
maiugnay sa susunod na modyul na ukol sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas
Moral. Handa ka na bang ipamalas ang iyong pang-unawa sa Modyul 6?
Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
6.1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. (EsP9TTIIc- 6.1)
6.2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa
pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral. (EsP9TTIIc-6.2)

Subukin
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra
ng mga sagot sa kuwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pangunahing layunin ng batas?
A. Pag-unlad ng lipunan
B. Pagkontrol sa masasamang gawi
C. Pagsusulong ng mabuting ugali
D. Pagsusulong ng kabutihang panlahat

2. Ang batas moral ay tumutukoy sa pangkalahatang panuntunan ng _______.


A. Tamang pamumuhay
B. Buhay espiritwal
C. Pagsamba at pagdakila sa Diyos
D. Pagkilala sa Maykapal

3. Nalalaman ang likas na batas sa pamamagitan ng _____.


A. Bibliya
B. Simbahan
C. Katwiran
D. Kalikasan

4. Tumutukoy ang likas na batas moral sa panuntunan ng ______ na inihahayag


ng katwiran.
A. Tama o Mali
B. Katotohanan
C. Kabanalan
D. Totoo o kasinungalingan

1
5. Ang likas na batas moral ay batay sa ______.
A. Sentido komun
B. Mabuting pagpapasya
C. Hustisya
D. Lahat ng ito

6. Ang likas na batas moral ay unibersal dahil ______.


A. Nakukuha ito sa pamamagitan ng likas na kaayusan
B. Ibinigay ito ng Diyos
C. Umiiral ito sa lahat ng lugar sa lahat ng panahon
D. Lahat ng ito

7. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?


A. Ibinubulong ng anghel.
B. Itinuturo ng bawat magulang.
C. Naiisip na lamang
D. Sumisibol mula sa konsensya.

8. Maraming sa batas ng tao ay nakabatay sa likas na batas, patunay lamang


ito na ang likas na batas _______.
A. Dapat sundin ng lahat
B. Tunay at orihinal na batas
C. Pundasyon ng mga batas ng tao
D. Lahat ng ito

9. Alin ang nagpapatunay na kinikilala ng mga bansa sa daigdig ang likas na


batas?
A. Nakapaloob ito sa Universal Declaration of Human Rights
B. Ipinatutupad ito ng lahat ng bansa sa daigdig
C. Ito ang batayan ng mga saligang batas ng daigdig
D. Lahat ng ito

10. Ang mga sumusunod na pangungusap ay umaayon sa Likas na Batas Moral


maliban sa.
A. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili.
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center
sa kanilang lugar.
C. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon
D. Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa mga araw na may pagsamba.

11. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?


A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
B. Nag-iiba ang likas na batas moral sa kultura at kinagisnan
C. Ang likas na batas moral ay para sa lahat
D. Maraming anyo ang likas na batas moral

2
12. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa tunay na diwa ng batas para sa
kabutihang panlahat maliban sa.
A. Ingatan ang interes ng marami.
B. Itaguyod ang karapatang- pantao.
C. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
D. Protektahan ang mga mayayaman at may kapangyarihan.

13. Sa ilalim ng batas na ito ay ipinagbabawal ang pagtatrabaho ng mga batang


wala pang 15 taong gulang liban kung direktang nagtatrabaho sila sa ilalim
ng kanilang mga magulang.
A. R.A 9231 B. R.A 9208 C. R.A 7610 D. P.D. 442
14. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit ipinatupad ang R.A 7610?
A. upang parusahan ang sinomang gumagawa, namamahagi o nagsusulong
ng pornograpiya.
B. upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa prostitusyon,
pangaabusong sekswal at pang-aalipin.
C. pinoprotektahan ng batas na ito ang mga kabataan biktima ng pangaabuso
o pagmamaltrato, pagpapabaya, kalupitan at diskriminasyon dahil sa
kondisyong mental o pisikal
D. mapangalagaan ang mga kabataan na wala pa sa hustong gulang sa
pagtatrabaho ng mabigat na nakasisira sa kanilang kalusugan at pagaaral.
15. Ang mga sumusunod ay mahalagang mga puntos ng “Bayanihan to Heal as
One Act” maliban sa:
A. pagbibigay ng covid-19 special risk allowance sa mga public health
workers.
B. pagbibigay palugit para sa pagbayad ng mga utang, renta at iba pang
bayarin gaya ng tubig at kuryente
C. pangalagaan ang buhay, kalayaan, at ari-arian laban sa mga terorista.
D. patugon sa pinansyal na pangangailangan sa mga mahihirap nga mga
pamilya.

Balikan
GAWAIN 1:

Panuto: Sumulat ng limang batas na alam mo at pagkatapos alamin kung ano ang
layunin ng mga batas na ito. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.
Mga Batas Layunin

3
Matapos itala ang mga alam mong batas at layunin nito, pumili ng isa at ibahagi ang
iyong saloobin o opinyon dito.

Tuklasin
GAWAIN 2:
Panuto: Kopyahin mo ang larawan sa isang papel. Hatiin sa dalawang bahagi ang
larawan. Sa kaliwang bahagi ng larawan magtala ng mga tamang gawain at kanan
bahagi naman ay mga maling gawain ng tao ngayon.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang naging batayan mo ng paglista ng mga tama at maling gawain ng tao?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay ano ang nag-udyok sa tao sa paggawa ng tama?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4
3. Paano mo pagsasabihan na mali ang ginagawa ng iyong kakilala, maaaring ito ay
iyong kaibigan, kamag-anak, o kamag-aral upang hindi niya ito kaugalian.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Suriin

Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral


Primun non nocere nasa wikang ingles ay First do no harm. Ito ay prinsipyo ng mga
doctor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng
makapagpapalala ng sakit of makasasama sa pasyente.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat
ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler, ang
pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan din ng
pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang
magnanais na mapasama siya. Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti
ang mag-aral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko
dapat gawin dahil alam kong masama ito.

5
Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao
Wala mang isang porma ng tama ang mabuti at mag-aanyo man ito ayon sa kondisyon
at hinihingi ng pagkakataon, iisa ang tiyak: hindi dapat kasangkapanin ang tao at dapat
gawin ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti kaya likas din sa atin na maging makatao (panig
sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito
ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.

Universal Declaration of Human Rights at iba pang mga batas


Isa itong mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao sapagka’t mahalagang ingatan ang dangal niya. Ang pag-unlad
ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan.
Tandaan, ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.

Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao


Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depenisyon ng mabuti –
sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.

Ang Likas na Batas Moral ay hindi instructional manual. Hindi ito isang malinaw na
utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito
upang makita ang halaga ng tao.

Ang pinakaunang hakbang: FIRST DO NO HARM.


Mga Batas na Nangangalaga sa mga Bata
PD 442 – Labor Code (1974) – pagbabawal sa mga batang wala pang 15 taong
gulang sa pagtatrabaho ng mabibigat na maaaring makaapekto sa kanilang
kalusugan at pag-aaral.
Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (RA 9208) – batas na ginagawang kriminal
ang trafficking ng mga tao, lalo na ang mga kabataan.
Special Protection of Children Againts Abuse, Exploitation and Discrimination
Act (RA 7610) – sa batas na ito ang pag-abuso sa bata ay pagmamaltrato, kabilang
din ang pagpapabaya, kalupitan, at diskriminasyon dahil sa kapansanan o
kondisyong pisikal o mental.
An Act Providing for the Elimination of the Worst Forms Child Labor and Affording
Stronger Protection for the Working Child (RA 9231) – nag-uutos sa gobyerno na
pangalagaan at alisin ang mga bata sa pinakamasamang uri ng paggawang pambata.
Anti-Child Pornography Act of 2009 (RA 9775) – nagpaparusa sa kahit sinoman na
gumagawa, namamahagi o tumutulong sa pagsulong o paghahatid ng pornograpiya.

6
Pagyamanin

GAWAIN 3

Panuto: Pag-aralan ang tatlong larawan. Gamit ang mga larawang ito, gumawa ng
maikling kuwento na may temang: “Iba Ang Mabuti Sa Tama”. Gawin ito sa isang bond
paper.

Batay sa kuwentong iyong nabuo, bakit mahalagang gawin ang tama hindi lamang ang
mabuti?

_____________________________________________________________ ______
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________________

7
Isaisip
GAWAIN 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong. Sa iyong kwaderno
isulat ang sagot.
1. Ano ang kaisa-isang Likas na Batas Moral?

2. Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?

3. Magkaiba ba ang Likas na Batas Moral sa iba-ibang kultura o iisa lamang?

8
Isagawa

GAWAIN 5
Panuto: Sa iyong kwaderno magtala ng tatlong batas na kontrobersyal. Ibahagi kung
bakit mo ito sinusuportahan o tinututulan. Ang isang halimbawa nito ay ang Anti-
Terrorism Act 2020

Bakit mo Sinusuportahan o Tinututulan


Mga Batas

Gabay na Tanong:
1. Sa palagay mo ang mga batas na ito ba ay nakabatay sa Likas na Batas Moral?
Ipaliwanag.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isa sa mga batas na ito, Alin sa
tatlong batas? Bakit?
3. Batay sa iyong napiling batas, isinusulong ba nito ang kabutihang panlahat?

9
Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.


1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pangunahing layunin ng batas?
A. Pag-unlad ng lipunan
B. Pagkontrol sa masasamang gawi
C. Pagsusulong ng mabuting ugali
D. Pagsusulong ng kabutihang panlahat

2. Nalalaman ang likas na batas sa pamamagitan ng _____.


A. Bibliya
B. Simbahan
C. Katwiran
D. Kalikasan

3. Ang likas na batas moral ay batay sa ______.


A. Sentido komun
B. Mabuting pagpapasya
C. Hustisya
D. Lahat ng ito

4. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral? A.


Ibinubulong ng anghel.
B. Itinuturo ng bawat magulang.
C. Naiisip na lamang
D. Sumisibol mula sa konsensya.

5. Alin ang nagpapatunay na kinikilala ng mga bansa sa daigdig ang likas na batas?
A. Nakapaloob ito sa Universal Declaration of Human Rights
B. Ipinatutupad ito ng lahat ng bansa sa daigdig
C. Ito ang batayan ng mga saligang batas ng daigdig
D. Lahat ng ito

6. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?


A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
B. Nag-iiba ang likas na batas moral sa kultura at kinagisnan
C. Ang likas na batas moral ay para sa lahat
D. Maraming anyo ang likas na batas moral

7. Sa ilalim ng batas na ito ay ipinagbabawal ang pagtatrabaho ng mga batang


wala pang 15 taong gulang liban kung direktang nagtatrabaho sila sa ilalim ng
kanilang mga magulang.
A. R.A 9231 B. R.A 9208 C. R.A 7610 D. P.D. 442

10
8. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit ipinatupad ang R.A 7610?
A. upang parusahan ang sinomang gumagawa, namamahagi o nagsusulong ng
pornograpiya.
B. upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa prostitusyon,
pangaabusong sekswal at pang-aalipin.
C. pinoprotektahan ng batas na ito ang mga kabataan biktima ng pang-aabuso o
pagmamaltrato, pagpapabaya, kalupitan at diskriminasyon dahil sa kondisyong
mental o pisikal
D. mapangalagaan ang mga kabataan na wala pa sa hustong gulang sa
pagtatrabaho ng mabigat na nakasisira sa kanilang kalusugan at pag-aaral.

9. Ang mga sumusunod ay mahalagang mga puntos ng “Bayanihan to Heal as


One Act” maliban sa:
A. pagbibigay ng covid-19 special risk allowance sa mga public health workers.
B. pagbibigay palugit para sa pagbayad ng mga utang, renta at iba pang bayarin
gaya ng tubig at kuryente
C. pangalagaan ang buhay, kalayaan, at ari-arian laban sa mga terorista.
D. patugon sa pinansyal na pangangailangan sa mga mahihirap na mga pamilya.

10. Ang likas na batas moral ay unibersal dahil ______.


A. Nakukuha ito sa pamamagitan ng likas na kaayusan
B. Ibinigay ito ng Diyos
C. Umiiral ito sa lahat ng lugar sa lahat ng panahon
D. Lahat ng ito

Karagdagang Gawain

Panuto: Anong bahagi ang dapat gampanan ng mga sumusunod na institusyon upang
mapangalagaan ang mga kabataan sa pang-aabuso o mga masasamang gawain.
Gawin ito sa isang bond paper.

11
PAMILYA:

SIMBAHAN:

Bahaging
Dapat
Gampanan
PAARALAN:

PAMAHALAAN:

Mga Gabay na Tanong:

1. May dapat bang gampanan ang mga iba’t-ibang institusyong ito para
mapangalagaan ang mga kabataan? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gampanan nila ang kanilang bahagi sa
pangagalaga ng kabataang katulad mo? Ipaliwanag.
3. Bilang isang mag-aaral o kabataan, paano mo naman mapangalagaan ang
iyong sarili sa mga pang-aabuso o masasamang gawain? Ipaliwanag

12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para sa Mag aaral
Kabuluhan 9: Edukasyon sa Pagpapakatao Bolyum 5 blg 2, Ikalawang Markahan
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-5
https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento
https://www.canva.com/ https://bit.ly/3i04gfv https://bit.ly/2DmmqsM

https://bit.ly/3fitbsC

13
14

You might also like