You are on page 1of 19

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6.b:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na
Batas Moral (Linggo: Ikaapat)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6.b: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Kevin V. Elmido
Editor: Anna Mae I. Tejada
Tagasuri: Anna Mae I. Tejada | Amancio M. Gainsan Jr
Tagaguhit: Junelyn Q. Vailoces
Tagalapat: Anna Mae I. Tejada
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng _

Department of Education –

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
6.b:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas
na Batas Moral
(Linggo: Ikaapat)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Batas na Nakabatay
sa Likas na Batas Moral!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa pagga

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral
(Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon
sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga
upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP9TTIId-6.3)

Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa


pagtugon nito sa kabutihang panlahat.
(EsP9TTIId-6.4)

Mga Layunin
Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang
modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

1. Nauunawaan ang mga nakasaad sa batas na dapat sundin ng tao


2. Nakabubuo ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga pasya at kilos na
ginagawa araw-araw;;
3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral
gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailanga ng tao at umaayon sa
dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay
mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat;;

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:


A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. ingatan ang interes ng marami
C. itaguyod ang karapatang-pantao
D. pigilan ang masasamang tao
2. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
A. magkaroon ng kaayusan
B. mabilis na makamit ang kaunlaran
C. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
D. mapangalagaan ang karapatan ng tao
3. Ano ang pinakapundamental na batas na hinihingi ng magulang sang-ayon sa
likas na batas moral?
A. batas ng tao
B. mahalin ang sarili
C. batas ng Diyos
D. Ten Commandments
4. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas moral:
A. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang
konsultasyon.
B. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor.
C. Pangungulit sa bata na maligo.
D. Pagpipilit sa mga tao na magsimba
5. Paano sinisikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa
karapatang pantao?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga Karapatan at
proteksiyon ng mga mamamayan.
B. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng
pag- unlad ng ekonomiya ng bansa.
6. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba.
B. Pagiging matulungin sa kapwa.
C. Pagkampi sa tao.
D. Tunay ang pagsunod s autos ng Diyos.
7. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
B. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan
C. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
D. Maraming anyo ang likas na batas moral
8. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Ito ay ayon sa Mabuti
B. Walang nasasaktan
C. Makapagpapabuti sa tao.

2
D. Magdudulot ito ng kasiyahan.
9. Isang pandaigdigang deklarasyong kumikilala sa mga karapatang pantao.
A. UDHR
B. UNCLOS
C. ITLOS
D. Criminal Law
10. Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?
A. Dahil ito ay pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa tao na
nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mundo.
B. Dahil ito ay utos ng pamahalaan.
C. Dahil ito ang utos ng magulang.
D. Dahil ito ang utos ng mahal na pangulo.

Balikan

Panuto: Sumulat ng mga mahahalagang konsepto na iyong natutuhan.Isulat sa


concept web ang isang malaking konsepto mula sa mga maliliit na konsepto.

Pagsunod sa Batas

Tuklasin

Panuto: Sundin ang mga sumusunod:


1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa
kasalukuyan.
2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong
nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong hindi
nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.
4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang
banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa Likas
na Batas Moral.
5. Gamitin ang katulad na pormat sa ibaba.

3
Mga Probisyong
Mungkahing
Mga Batas Mga Dahilan Labag sa Likas na
Rebisyon
Batas Moral
Ang Aking Sinang-ayunan
1.
2.
3.
Ang Aking Tinututulan
1.
2.
3.

Batay sa datos na naitala sa talahanayan sa Gawain 1, sagutin ang mga


sumusunod na tanong.

1. Alin sa mga batas na naitala mo ang sa tingin mo ay makatarungan lamang na


ipatupad? Pangatwiranan ang iyong sagot.
2. kung ikaw ang gumawa ng pagbabago sa nasabing batas, ano ang babaguhin mo
sa nasabing batas?

Suriin

Lahat ng Batas: Para sa Tao


Ang pagkakabuo ng Universal Declaration of Human Rights ay matutunton
sa mapait na karanasan ng maraming bansa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Sa pagtatapos ng digmaan at pagkakabuo ng UN o mga Bansang
Nagkakaisa noong 1946, natukoy ang pangangailangan para sa isang batayang
dokumento na maglalahad ng mga hakbang upang masigurong hindi na mauulit ang
mga masasamang pangyayaring dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa
kahusayan ng pagkakabuo nito, ang UDHR ay siya nang naging sandigan ng
maraming lipunan at mga indibidwal sa mga pagkilos upang wakasan ang
paglapastangan sa buhay at dignidad ng mga tao. Ang deklarasyong ito ay naisalin
na sa higit 500 wika, patunay ng pandaigdig na impluwensya at pagpapahalaga sa
nilalaman nito.
Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga
kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang
konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng
estado na bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito. Ang mga batas naman na
nililikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang
unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas laban sa
pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao ang mga bata. Kaya may batas na
magbibigay ng budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog ang pag-iisip at

4
karakter ng mga tao. Kaya may batas na magtatalaga ng pinuno ng bayan
(eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng tao sa pagpapatakbo ng
kolektibong kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao,
hindi ang kabaligtaran nito. Hindi perpekto ang mga
batas. Subalit, muli, babalik
tayo sa depinisyon ng mabuti
—sapat na ang laging
pagtingin sa kabutihan at
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas
ang
ng Tao

Nagtagumpay na ba ang mga bansa na tupdin ang pagpapahalagang


ito? Isang proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga ay
nagkukulang ang mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng
napakaraming mga tinig at mukha na kailangan lahat pakinggan at tingnan. Hindi
perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa kahulugan ng mabuti—sapat
na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.
Kung ang buhay sana ay katulad ng cellphone na may kasamang
instruction manual, madali na sana ang lahat. Kung ang katawan ay may instruction
manual madali na sana sa doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag--
aalagang mabisa sa lahat. Sa kasamaang palad, walang instruction manual ang tao
at mundo.
Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction
Ang likas na Batas Moral ay manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung
hindi instruction manual. Hindi ano ang gagawin ng tao sa iba’t-ibang
ito isang malinaw na utos pagkakataon. Gabay lamang ito upang Makita
kung ano ang gagawin ng tao ang halaga ng tao. Ang konstitusyon at mga
sa batas din ay hindi mga instruction manual.
iba’t-ibang pagkakataon. Gabay Naisasatitik ng mga ito ang anumang
lamang ito upang Makita ang makatutulong sa pagpapayabong ng tao.
halaga ng tao. Gabay din lamang ang mga ito na
natutuhan sa
karanasan ng mga tao sa pagdating ng panahon. Malayo sa pagiging absolutong
batas para sa pag-unlad at kaayusan ng lipunan.
Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang
simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti—nagtataka, nagtatanong—tiyak
na hahakbang tayo papalapit sa mabuti.

5
Pagyamanin

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba.


Anu-ano ang konsepto Ano ang aking Anu-anong hakbang
at kaalamang pumukaw pagkaunawa at ang aking gagawin
sa akin? realisasyon sa bawat upang mailapat ang
konsepto at kaalamang mga pang-unawa at
ito? realisasyong ito sa
aking buhay?

Isaisip

Napag alaman ko na .

Napagtanto ko na

Ang aking gagawin ay

6
Isagawa

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat pahayag. Ilagay ang tamang
sagot sa patlang.

First Do No Harm Santo Tomas De Aquino

Max Scheler Mabuti

Mabuti Isip at Puso

Mabuti Mabuti at Tama

Pag-­iisip, Pagsusuri, Pagtitimbang, at Paglilinis

1. Primum Non Nocere


2. Hindi maaaring ihiwalay ang
sa .
3. Pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo
at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
4-7. May matinong ,
, at sa mga
motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
8. Ang laging pakay at layon ng tao.
9. Ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang
mabuti.
10. "Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong
.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil .
A. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.

7
2. Alin sa mga sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
A. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
B. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.
C. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.
D. Maraming anyo ang likas na batas moral.
3. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba.
B. Pagiging matulungin sa kapwa.
C. Pagkampi sa tao.
D. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos.
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Ito ay ayon sa mabuti.
B. Walang nasasaktan.
C. Makapagpapabuti sa tao.
D. Magdudulot ito ng kasiyahan
5. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang
panlahat. Ang mga sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa
A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. Ingatan ang interes ng marami.
C. Itaguyod ang karapatang-pantao.
D. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Pagkakaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang
konsultasyon.
B. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa
kanilang lugar.
C. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
D. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng linggo.
7. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa
karapatang pantao ng bawat mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at
proteksiyon ng mga mamamayan.
B. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng
pag- unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t-ibang samahan na sasagot
sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
8. Bakit pinakamahalaga ang maging makatao?
A. Dahil ito ay pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa tao na
nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mundo.
B. Dahil ito ay utos ng pamahalaan.
C. Dahil ito ang utos ng magulang.
D. Dahil ito ang utos ng mahal na pangulo.
9. Isang pandaigdigang deklarasyong kumikilala sa mga karapatang pantao.
A. UDHR B. UNCLOS C. ITLOS D. Criminal Law
10. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
A. magkaroon ng kaayusan
B. mabilis na makamit ang kaunlaran
C. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
D. mapangalagaan ang karapatan ng tao

8
Karagdagang
Gawain

Panuto: Magsaliksik ng anumang batas na naipasa sa senado o Kongreso na


nakatugon ayon sa likas na batas moral at punan ng mahalagang
impormasyon ang sumusunod na talahanayan.

Panukalang Batas Blg.


Ipinanukala ni:

Isang batas na

Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalagang ito ay pagtibayin

You might also like