You are on page 1of 29

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elizabeth A. Auxillo
Editor: Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Novez S. Leal, Lana Gretel L. Gatchalian, Leonilo C. Angeles I
Tagaguhit: Ryan Christopher Villalon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Juan C. Obierna, Chief, CID
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleṅa, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Quezon City


Department of Education – Region NCR –Division of Quezon City
Office Address: Nueva Ecija St. Sitio Bago Bantay, Brgy. Pagasa, Quezon City
Contact Details: (02) 352-684/352-6805
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

A. PANIMULA
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay magkaroon ng lubos na pag-unawa sa
mga paksang tatalakayin, maging isang mapanuring mag-aaral at mahasa ng
lubusan ang mga kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok ng
kaalaman sa pagtatapos ng mga aralin.
Sa modyul na ito ng Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig
tatalakayin natin ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig. Ito ay nakatuon sa
mga sumusunod na paksa:
1. Kahulugan ng Kabihasnan
2. Kabihasnan ng Mesopotamia
3. Kabihasnan ng India
4. Kabihasnan ng China
5. Kabihasnan ng Egypt

B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL


Pamantayang Pangnilalaman:
Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay inaasahang naipamamalas ang pag-unawa
sa interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap:
Sa pagtatapos ng yunit, ikaw ay inaasahang nakabubuo ng panukalang
proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto:


1. Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig:
pinagmulan, batayan at katangian
2. Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan.
Mga Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng inyong pag-aaral sa modyul na ito inaasahan na iyong:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kabihasnan;
2. Nasusuri ang mga batayan o salik sa pag-usbong ng kabihasnan sa
daigdig;
3. Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika,
ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan;
4. Napahahalagahan ang pagsulong ng sinaunang kabihasnan sa pag-unlad
ng kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

1
Magandang araw! Sa linggong ito pag-
aaralan mo ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Subalit bago
tayo magtungo sa mga aralin susubukin
muna natin ang iyong paunang
kaalaman sa mga nasabing paksa.
Handa ka na ba?

Subukin

Gawain 1: Panimulang Pagtataya


Panuto: Basahin mong mabuti ang tanong at piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang
iyong sagot sa iyong kwaderno.
1. Anong salita ang tumutukoy sa isang kalagayan ng pamayanan o lugar na mayroong
antas ng pagsulong sa iba’t ibang larangan tulad ng pagkakaroon ng organisadong
pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, kultura at uring panlipunan?
a. Lungsod-estado c. Kabihasnan
b. Heograpiya d. Kasaysayan
2. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng sinaunang mga Egyptian?
a. Cuneiform c. Hieroglyphics
b. Calligraphy d. Sanskrit
3. Ano ang tawag sa taong dalubhasa sa pag-aaral ng mga sinaunang labi at kagamitan
ng mga sinaunang tao?
a. Biologist c. Antrophologist
b. Archeologist d. Geographer
4. Ano ang tawag sa hari ng Egypt?
a. Priest-king c. Pharoah
b. Aton d. Pariah
5. Sinong pinuno sa Egypt na nagnais niyang mawala ang pananampalaya ng tao sa
maraming diyos at maniwala sa iisang diyos lamang na si Aton.
a. Hatshepsut c. Rameses II
b. Akhenaten o Amenhotep IV d. Cleopatra
6. Anong salita ang nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog?
a.Mesopotamia c. Babylonia
b. Sumer d. China
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi batayan o salik ng pag-usbong ng kabihasnan?
a. Sitema ng pagsulat c. Sistemang Politikal
b. Pagsulong ng teknolohiya d. Malawak na imperyo

2
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng lipunan sa sistemang caste?
a. Pariah c. Brahmin
b. Sudra d. Vaisya
9. Alin sa mga dinastiya ng China ang pinamunuan ng dayuhan?
a. Qin c. Tang
b. Chou d. Yuan
10. Alin sa mga sumusunod ang mayroong wastong pagkakasunod ng mga naganap na
imperyo sa kasaysayan ng Mesopotamia.
a. Assyria, Babylonia, Caldean, Akkadia
b. Akkadia, Babylonia, Assyria, Chaldea
c. Babylonia, Akkadia, Assyria, Chaldea
d. Cahldea, Babylonia, Assyria, Akkadia
11. Bakit malaki ang pagpapahalaga ng mga Egyptian sa paglilibing sa mga
namamatay?
a. Naniniwala sila na mayroong buhay matapos ang buhay sa mundo.
b. Naniniwala sila na sa kanilang pagkamatay ay magiging isa silang diyos.
c. Makakamit nila ang tunay na kapayapaan kaya ginagawa ang mummification.
d. Pinaniniwalaang sila ay muling mabubuhay sa daigdig.
12. Bakit mahalaga ang ilog Nile para sa mga Egyptian?
a. Mainam na transportasyon patungo sa hilagang Africa at iba pang lugar.
b. Mayroong matabang lupain sa lambak-ilog na ito at mainam sa agrikultura.
c. Napagkukunan ng yamang mineral.
d. Masagana sa yamang tubig.
13. Paano isinusulat ng mga Sumerian ang Cuneiform?
a. Inuukit nila ito sa mga pader ng kanilang templo.
b. Isinusulat nila ito sa paper scrolls.
c. Isinusulat sa clay tablet o basang putik gamit ang stylus saka pinapatuyo.
d. Inuukit sa mga buto ng hayop.
14. Bakit kahangahanga ang mga lungsod ng Mohejo-daro at Harappa sa India?
a. Mayroon itong magagarang templo na yari sa marmol.
b. Mataas ang antas ng kanilang kaalaman sa agham at matematika.
c. Gumawa sila ng pyramid na yari sa putik.
d. Mahusay ang pagkakaplano ng kanilang lungsod na mayroong grid pattern.
15. Bakit tinatangkang baguhin ng mga kasalukuyang Hindu o Indian ang pananaw sa
sistemang caste?
a. Nagpapakita ito ng pagiging makapangyarihan ng lahat ng tao sa lipunan.
b. Nais nilang umangat ang mga nasa mababang antas ng lipunan.
c. Hindi ito magandang tingnan para sa mga dayuhan ng bansa.
d. Nagpapakita ito ng hindi pagkapantay-pantay ng pagtingin sa lipunan.

3
Balikan

Gawain 2: Match and Match


Panuto: Pagtapat-tapatin ang Hanay A sa Hanay B, at Hanay B sa Hanay C batay
sa kaugnayan ng bawat isa. Ilagay ang iyong sagot sa papel..

Tuklasin

Gawain 3: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat tanong. Ang sagot ay makikita sa mga
ginulong salita sa loob ng hexagon. Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno.

4
Suriin

KAHULUGAN NG KABIHASNAN AT SIBILISASYON


Ang kabihasnan ay isang kalagayan ng pamayanan o lugar na mayroong antas ng
pagsulong sa iba’t ibang larangan. Nagmula ito sa salitang ugat na bihasa o mga tao na
mayroong kaalaman o pinong kakayahan. Samantala, ang sibilisasyon ay tuwirang
pagsasalin mula sa salitang English na civilization na nangangahulugang paraan ng
pamumuhay sa loob ng lungsod. Kung saan sa loob ng lungsod mayroong oraganisadong
sistema ng pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, kultura at uring panlipunan.
Ang isang kabihasnan o sibilisayson ay nabubuo dulot ng pagkakaroon ng iba’t
ibang salik. Ang mga salik na ito o mga batayan ng pagkakaroon ng kabihasnan ay ang mga
sumusunod;

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG


A. KABIHASNAN NG MESOPOTAMIA

Matatagpuan ang Mesopotamia sa kasalukuyan sa bansang Iraq. Ang Mesopotamia


ay lupain sa gitna ng dalawang mahalagang mga ilog - ang Euphrates at Tigris. Bahagi rin
ito ng Fertile Crescent o matabang lupain na hugis arko, na nagmumula sa Mediterranean
Sea patungong Persian Gulf. Ang pagkakaroon ng matabang lupain sa bahaging ito ay
nagdulot upang sumibol ang kauna-unahang kabihasnan sa daigdig – ang Kabihasnang
Mesopotamia.

5
Sumeria
Sistemang Itinatag ito ng mga Sumerian noong 3500 B.C.E na naninirahan sa tinatawag na
Politikal Sumer. Matatagpuan ang Sumer sa timugang bahagi ng ilog Tigris at
Euphrates.Nagtatag sila ng mga lungsod-estado at ilan sa mga ito ay ang, Eridu,
Ur, Nippur, Kish at Lagash. Ang bawat lungsod-estado ay mayroong sariling
pamahalaan at diyos na sinasamba. Ang lungsod din ay napalilibutan ng mga
pader na gawa sa pinatuyong putik.
Ang mga Sumerian ay pinamumunuan ng isang priest-king o paring-hari. Sa
simula ang kanilang hari ay siya ring pinuno ng relihiyon subalit sa pagsapit ng
3000 B.C.E ang priest-king ay pinalitan ng isang permanenteng hari. Kung saan
ang kapangyarihan ng hari ay namamana o naisasalin sa kaniyang magulang o
anak. Isa sa pinakatanyag na priest-king ay si Gilgamesh ng Uruk.

Ekonomiya Ang mga Sumerian ay may kakayahang kontrolin ang pagbaha ng kanilang
dalawang ilog. Pinalilibutan nila ito ng mga putik at lupa sa gilid upang hindi
umapaw. Gumawa rin sila ng mga kanal o daluyan ng tubig mula sa ilog
patungo sa kanilang pananim. Nagtatanim sila ng barley, wheat, date palms at
iba’t ibang uri ng prutas at gulay.

Lipunan Binubuo ng pari o hari, mga maharlika at mangangalakal ang pinakamataas na


antas ng lipunan sa Sumer. Samantala ang panggitnang uri ay binubuo naman
ng mga opisyal ng pamahalaan at artisan o mga may kasanayang manggagawa.
Gayunpaman, ang mababang uri ay binubuo naman ng mga magsasaka, walang
kasanayang manggagawa at mga mangingisda.

Arkitekrura Ang Ziggurat o gusali na hugis pyramid.


Panitikan Ang Epic of Gilgamesh ay ilan sa mga naitalang kwento tungkol kay
Gilgamesh at kinikilala ito bilang isa sa pinakamatandang kwento sa
kasaysayan.

Sitema ng Nakabuo rin ang mga Sumerian ng paraan ng pagsulat na tinatawag na


Pagsulat Cuneiform. Isinusulat nila ito sa basang clay tablet o putik gamit ang isang
pinatulis na reed. Matapos isulat, ito ay kanilang pinapatuyo sa init ng araw.
Ang Cuneiform ay gumagamit ng mga pictogram o larawan sa pagsusulat upang
ipahayag ang kanilang mga ideya.

Teknolohiya Ang mga putik sa gilid ng ilog ay ginawa nilang mga bricks na may parihabang
hugis upang gamitin sa pagtatayo ng kanilang mga bahay at gusali. Nakatuklas
sila ng mga payak na makinarya tulad ng araro na ginagamit sa pagsasaka at
gulong.

Relihiyon Naniniwala sila sa maraming diyos, tinatayang


mahigit 3,000 ang kanilang diyos. Ang templo ng
mga Sumerian ay tinatawag na Ziggurat. Ito ay
gusali na hugis pyramid subalit mayroong mga
palapag at sa tuktok nito naninirahan ang pari o
hari. Ang ziggurat ay nangangahulugang
“mountain of god” o bundok ng diyos. Ilan sa
mga kinikilalang diyos ng mga Sumerian ay sina Ziggurat
https://www.flickr.com/photos/
36431152@N05/8477147840/

6
Anu ang diyos ng langit at lupa, Enlil ang diyos ng hangin at bagyo, at Ea ang
diyos ng katubigan.
Naniniwala ang mga Sumerians na nabuhay sila sa daigdig upang paglingkuran
ang kanilang diyos. Pinaniniwalaan nila na kung ang kanilang mga pananim ay
hindi tumutubo ito ay dahil hindi natutuwa ang kanilang diyos.

Mga Imperyo sa Mesopotamia


Hindi nagtagal ang lungsod-estado ng Sumer ay napasailalim sa mga iba’t ibang
mananakop at nagtatag ng kanilang imperyo. Ang mga mananakop ay ang mga sumusunod;
Akkadia • Tinatayang noong 2300 BCE sinakop ng mga Akkadian ang Sumer sa
pamumuno ni Sargon I.
• Napag-isa ang mga lungsod sa Mesopotamia
• Ang kauna-uanahang imperyo sa daigdig na pinamunuan ni Sargon sa
loob ng 50 na taon.
• Hiniram ng mga Akkadian ang ilang kultura nila sa mga Sumerian tulad
ng pagsamba sa kanilang diyos at paggamit ng Cuneiform.
Babylonia • Itinatag ng pangkat ng mga Amorites noong 1800 BCE.
• Pinamunuan ni Hammurabi na isang mahusay na pinuno. Ipinaaayos niya
ang sistema ng irigasyon, isinaaayos ang pangongolekta ng buwis at
nagsagawa ng mga proyektong pabahay. Itinipon niya ang mga
magagandang batas ng bawat lungsod at nakabuo siya ng isang kodigo na
tinawag na Kodigo ni Hammurabi. . Ipinaukit niya ito sa bato upang
maging gabay ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay. Ilan sa mga
nakasaad sa kodigo ay ang pagpapataw ng parusa sa mga taong
napatunayang nagkasala. Ang pinakamagaang kaparusahan ay ang
pagbabayad pinsala, samantala ang pinakamabigat na kasalanang nagawa
ay maaring maparusahan ng kamatayan. Namuno si Hammurabi sa loob
ng 40 na taon at kinilala bilang Ginintuang Panahon ng Babylon ang
kaniyang panahon ng panunungkulan.
Assyria • Sa pamumuno ni Tiglath-pileser I, nasakop niya ang hilagang Babylonia
noong 1100 BCE.
• Si Ashurbanipal ay isa sa tanyag na pinuno ng Assyria. Nasakop niya ang
bahagi ng Egypt hanggang Persian Gulf. Nagpapatayo ng isang malawak
na aklatan sa Niniveh. Sa aklatang iyon makikita ang maraming cuneiform
clay tablets na naglalaman ng mga nakasulat na batas, mga kwento at iba
pa.
Chaldea • Pinamunuan ni Haring Nebuchadnezzar
na pinalawak ang hangganan ng imperyo
mula sa teritoryo ng Mesopotamia
hanggang Syria.
• Tinatawag ng mga Chaldean ang kanilang
sarili na mga Babylonians sapagkat ang
kanilang mga ninuno ay dating mga
Babylonian. Paglalarawan sa Hanging Garden
https://www.flickr.com/photos/hau
• Ang malaking palasyo ni Nebuchadnezzar ntedpalace/232968544
ay mayroong mga tanim na bulaklak at
halaman sa bawat gilid ng mga palapag na tila nakabitin kung ito ay
titingnan sa labas ng palasyo. Tinawag ito na Hanging Gardens na
ipinagawa niya para sa kaniyang asawa na si Amytis. Nagpagawa rin siya
ng magagandang templo, daanan at mga pader sa labas ng palasyo na gawa
mula sa limestone at marble. Nagtutungo ang mga taga-India at Egypt

7
upang makipagkalakalan sa mga Chaldean. Ipinagbibili nila ang kanilang
gawang mga palayok at damit sa mga dumadaang mangangalakal.
Gawain 4: Flower Map
Panuto: Buohin ang hinihinging impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Kabihasnang
Mesopotamia. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit maituturing na ang Mesopotamia ay ganap na isang kabihasnan?
2. Sino-sino ang mga naging pinuno ng Kabihasnang Mesopotamia? Bakit mahalaga
ang kanilang mga nagawa?
3. Bakit nagkakaroon ng pag-aagawan ng teritoryo sa Mesopotamia na nagdulot ng
pagkakatatag ng ilang imperyo sa Mesopotamia.

B. KABIHASNAN NG INDIA

Ang sinaunang kabihasnan ng India ay nasa bahagi ng kasalukuyang mga bansa ng


India, Pakistan at Bangladesh. Noong 2500 B.C.E nanirahan ang pangkat ng tao sa lambak-
ilog ng Indus. Pinaniniwalaang ang pangkat na ito ay ang mga Dravidians. Ang mga
Dravidians ang kauna-unahang nakabuo ng sibilisasyon
sa India. Nakontrol nila ang pagbaha sa ilog Indus sa
pamamagitan ng pagtatayo ng mga dike at dams. Isinaayos
nila ang paraan ng pagsasaka sa pamamagitan ng paggawa
ng maayos na irigasyon. Nagtatanim sila ng barley, wheat,
melon, at dates at nangingisda rin sila sa ilog ng Indus.
Ang Harappa at Mohenjo-daro ay ang dalawang
pangunahing lungsod ng sinaunang kabihasnan ng India. Mohenjo-daro
https://commons.wikimedia.org/wiki/
Malayo ang agwat ng dalawang lungsod na ito, File:Mohenjo-daro-2010.jpg
gayunpaman makikita ang pagkakatulad ng plano sa
pagbuo ng mga lungsod na ito. Ang mga lungsod na ito ay mayroong magkakatulad na
daanan na ginamitan ng grid pattern. Ang mga gusali ay mayroong magkakaparehong laki

8
at sukat. Ang bawat gusali ay mayroong palikuran kung saan ang dumi mula rito ay
umaagos sa canal na palayo sa mga kabahayan patungo sa isang malaking butas na
pinalibutan ng mga bricks. Pictogram ang paraan ng pagsusulat ng mga Dravidians
makikita ito sa ilang mga natagpuang selyo na ginamit sa kalakalan. Sa kasalukuyan ang
paraan ng pagsulat na ito ay tinawag na Indian script subalit maging sa kasalukuyang
panahon wala pang sinuman ang may kakayahang basahin ito. Dahil sa wala pang
nakakabasa hanggang sa kasalukuyan ng mga sulat mula sa Kabihasnang Indus, hindi rin
alam kung paano talaga ito bumagsak. May ilang mga haka haka na ito ay bumagsak dahil
sa maraming namatay dito dahil sa pandemya kaya ang mga nakaligtas sa sakit ay umalis
at naghanap ng ibang lugar na titirhan. May ilan ding nagsasabi na sila ay dinaanan ng
malalakas na bagyo at maraming namatay at umalis dulot ng walang habas na pagpuputol
ng puno. May ilan ding haka haka na sila ay dumanas ng matinding lindol at may iba na
nagsasabing naiba ang direksyon ng pag – agos ng ilog. Ngunit mas maraming naniniwala
na ito ay dulot ng pananakop ng mga Aryan.
Panahong Vedic
Ang mga Aryan ay nagmula sa Gitnang Asya at nakarating sa India. Sa pagdating
ng mga Aryan nabago ang kultura ng kabihasnang Indus. Gumamit ang mga Aryan ng
wikang Sanskrit. Ang kanilang panitikan at awit ay nakasulat sa kanilang sagradong aklat
na tinawag na Vedas. Binubuo ito ng apat na aklat, ang Sama Veda, Rig Veda, Atharva
Veda at Yajur Veda. Naniniwala sa maraming diyos ang mga Indian, dalawa sa
pinakamatandang relihiyon sa daigdig ay nagmula sa kanila. Ang relihiyong ito ay ang
relihiyong Hinduismo at Buddismo. Ang caste system o sistemang caste ay ang sistema
ng paghahati sa lipunan ng sinaunang India. Ang lipunan sa pagdating ng mga Aryan ay
nahati sa apat na uri;

9
Mga Imperyo sa India

Gawain 5: Pagbuo ng Graphic Organizer


Panuto: Suriin ang pamumuhay ng mga sinaunang India at itala ang mga ito sa graphic
organizer. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Pamprosesong Tanong:

1. Ilarawan ang dalawang lungsod na sumibol sa lambak-ilog ng Indus?


2. Bakit bumagsak ang sinaunang kabihasnang Indus na itinatag ng mga Dravidians?
3. Paano namumuhay ang mga tao sa Panahon ng Vedic?

C. KABIHASNAN NG CHINA

Ang kabihasnan ng China ay isa sa kabihasnan na sumibol sa Asya. Tulad ng mga


naunang sibilisasyon ito rin ay umusbong sa tabi ng ilog – ang Huang Ho o Dilaw na Ilog
sa hilagang China. Tinatawag din itong Pighati ng China o “China’s Sorrow” dahil sa
pinsalang naidudulot nito sa mga Tsino sa tuwing ito ay umaapaw. Pagsasaka at pag-aalaga

10
ng hayop ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang Chinese. Sila ay nagtatanim
ng mga millet, wheat at palay, at nagpapastol ng mga baka, manok at tupa.

Ayon sa alamat ng mga Chinese itinatag ni Yu ang kaharian ng Xia subalit walang
matagpuang mga labi o tala na nagpapatunay na ang kahariang ito ay may katotohanan. Sa
pagsasaliksik ng mga archaeologist natuklasan na ang unang kabihasnan ng China ay
umusbong noong 1600 B.C.E sa ilalim ng isang dinastiya o pinamamahalaan ng isang
angkan o pamilya. Tinawag itong Dinastiyang Shang na itinuturing na kauna-unahang
dinastiya sa China.
Ang mga sinaunang Chinese ay naniniwala na ang kanilang hari ay pinagkakalooban
ng basbas ng kanilang diyos upang pamahalaan ang dinastiya. Bunga nito isa sa
mahalagang gawain ng mga hari ay kausapin ang kanilang diyos upang humingi ng
kasaganahan sa kaharian. Humihingi rin ng gabay ang mga hari mula sa ispiritu ng kanilang
mga namayapang ninuno. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-susulat ng tanong sa
isang buto ng hayop at kanila itong inilalagay sa apoy. Ang mabubuong mga bitak sa buto
ay binabasa at ipinapalagay na sagot sa kanilang katanungan. Tinawag itong Oracle bone
o butong pang-orakulo o panghuhula. Ilan sa mga ginamit bilang pang-orakulo ay ang
bahay ng pagong at buto ng baka. Sa mga oracle bones na ito nakita ang mga unang mga
characters ng Calligraphy. Ang Calligraphy ay tawag sa sistema ng pagsulat ng mga
Chinese. Nagtapos ang Dinastiyang Shang noong 1046 BCE dahil sa pananakop ng mga
Zhou.
Mga Sumunod na Dinastiya sa China
Mga Mga Pangyayari
Dinastiya
Zhou o Si Wu ang pumalit na hari matapos niyang paslangin ang huling hari ng
Chou dinastiyang Shang. Sa kasaysayan naitala ang Dinastiyang Chou bilang
(1046 – pinakamatagal na dinastiya. Sa panahong ito nabuhay ang mga kilalang
Piloposo tulad nila Confucius, Lao Tzu at Mencius. Ang mga pilosopiya nila
256 BCE)
ay naging mahalaga sa paraan ng pamumuhay ng mga Chinese maging
hanggang sa kasalukuyan.

Qin o Pinamunuan ni haring Qin o mas higit na kilala na si Shi huang ti ang
Chin dinastiyang ito. Kinuha mula sa kaniyang dinastiya ang pangalan ng bansang
China sa kasalukuyan. Sa dinastiyang ito, naging sentralisado ang uri ng
(221 – 207 pamahalaan, nagkaroon rin ng kodigo ng batas, sistema ng pagsulat at
BCE) gumagamit sila ng iisang uri ng barya para sa buong imperyo. Naipatayo rin
sa panahong ito ang Great Wall of China sa hilga upang maprotektahan mula
sa pananakop ng mga barbaro.

Han Ilan sa mga naging pinuno ng dinastiya ay sina Liu Bang, ang nagpaalis sa
(206BCE hari ng dinastiyang Qin, at si Wu Ti na sa kaniyang pamumuno nakamit ng
– 220 CE) dinastiya ang rurok ng katanyagan. Ang lawak ng imperyo ay umabot sa
Manchuria at Korea hanggang hilagang India at Timog-Silangang Asya. Sa
panahong ito nakarating ang impluwesiya ng relihiyong Buddismo at
Hinduismo na nagmula sa India. Nagsimula rin sa Dinastiyang Han ang
pakikipagkalakalan ng silk o seda ng mga Chinese na umabot sa iba’t ibang

11
bahagi ng Asya at Europe. Ang ruta ng kalakalan na ito ay tinawag na Silk
Road.

Sui Sa pagbagsak ng dinastiyang Han napasailalim sa kaguluhan ang imperyo.


(581 – 618 Nang makuha ng Sui ang kapangyarihan ng pamamahala pinagbuklod nito
CE) ang buong China subalit hindi ito nagtagal.

Tang (618 Kinilala sa kasaysayan ang panahon ng Dinastiyang Tang bilang Ginintuang
– 907 CE) Panahon ng China. Pinamunuan ito ni Emperador Li Yuan. Umusbong ang
maunlad na kultura ng China at sa iba pang larangan tulad ng agrikultura,
sining, panitikan, agham at teknolohiya.

Song Ito ay itinatag ni Zhao Kuangyin ang dinastiyang Song. Nahati sa dalawa ang
(960 – panahon ng dinastiyang ito, una ang panahon ng pamumuno sa Hilagang
1279 CE) China, pangalawa ay ang panahon ng Timog China. Sapagkat nilisan ng Song
ang kaharian sa hilaga at nagtungo sa timog dahil sa kaguluhan sa hilagang
rehiyon ng imperyo.

Yuan Ang imperyo ay napasailalim sa kapangyarihan ng dayuhang Mongol at


(1279 – tinawag itong dinastiyang Yuan sa pamamahala ni Kublai Khan, ang apo ni
1368 CE) Genghis Khan. Nakilala ang dinastiyang ito sa Europe at iba pang bahagi ng
daigdig dahil sa kaunlaran at kayamanan na matatagpuan sa imperyo. Isa sa
tanyag na manlalakbay na nakarating sa palasyo ni Kublai Khan ay si Marco
Polo.

Ming Muling nabawi ng mga Chinese ang pamamahala sa sariling imperyo nang
(1368 – patalsikin nila ang mananakop ng mga Mongol. Itinatag ni Zhu Yuanzhang
1644 CE) o kilala rin bilang si Hong Wu, ang dinastiyang Ming. Nanumbalik ang
kaayusan sa imperyo at inilipat nila ang sentro ng imperyo sa Beijing na dating
nasa lugar ng Nanjing.

Qing o Bumagsak ang dinastiyang Ming dahil sa pananalakay ng dayuhang


Ching mananakop na mga Manchu na nagmula sa Manchuria, sa itaas ng China.
(1644 – Natapos ang dinastiyang ito dahil sa mga naganap na rebelyon hanggang sa
maitatag ang Republika ng China.
1911)

Gawain 6: Pagbuo ng Timeline


Panuto: Gumawa ng timeline tungkol sa mga dinastiya sa China at alamin ang mga
mahahalagang pangyayari sa bawat dinastiya. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

12
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang pagsibol ng kabihasnan sa Huang Ho sa China?
2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas ng Oracle Bone?
3. Ano-ano ang mga sumunod na dinastiya matapos ang Shang? Sino-sino ang mga
mahahalagang pinuno sa bawat dinastiya?
4. Paano nagsimula at nagwawakas ang mga dianstiya sa China?

D. KABIHASNAN NG EGYPT

Ang kabihasnan ng Egypt ay nagsimula sa lambak-ilog ng Nile sa hilagang – silangan


ng Africa sa taong 3000 BCE. Mataba ang lupain dito na mainam sa agrikultura. Ang mga
pangunahin na kanilang itinatanim ay wheat, barley at iba pang uri ng prutas at gulay.
Gawa sa pinatuyong putik ang karamihang bahay ng sinaunang Egypt at ang mga pader
nito ay kadalasang mayroong mga pintang dekorasyon. Hieroglyphics ang tawag sa
sistema ng kanilang na nangangahulugan na sagradong pag-ukit sapagkat ang mga
sinaunang Egyptian ay nag-uukit sa mga pader ng mga templo. Nagsusulat din sila sa paper
scrolls o papel na mula sa halaman na papyrus.
Naniniwala sa maraming diyos ang mga Egyptians at ang kanilang pangunahing diyos
ay si Re o Ra, ang diyos ng araw; si Amon-Re ang itinuturing nilang pinakadiyos ng mga
diyos, Osiris, ang diyos ng patay. Naniniwala ang mga Egyptian sa buhay matapos ang
kamatayan at makikita ito sa kanilang pagpapahalaga sa mga namatay. Ang patay ay
maayos na pinipreserba gamit ang mga kemikal at asin, at saka binabalutan ng puting tela.
Ang paraan ng pag-eembalsamong ito ay tinatawag na mummification. Naniniwala rin
sila na ang kanilang diyos ay bumababa sa lupa at nag-aanyo bilang mga hayop. Bunga nito
sinasamba nila ang hayop tulad ng pusa at buwaya.
Mayroong dalawang kahariang naitatag sa Egypt – ang Lower Egypt o nasa ibaba ng
ilog Nile at Upper Egypt o nasa itaas na bahagi ng ilog Nile. Ang hari ng Upper Egypt na

13
si Haring Menes ay nagtagumpay na pag-isahin ang dalawang kaharian sa ilalim ng
kaniyang pamamahala. Itinatag niya ang lungsod ng Memphis sa gitna ng dating mga
kaharian. Dinastiya ang uri ng pamamahala sa Egypt kung saan ipinapasa sa kanilang
pamilya ang kapangyarihan ng pagiging isang Pharoah o hari. Mahigit 30 na mga dinastiya
o pamilya ang naitala sa sinaunang Egypt. Itinuturing ng mga tao na ang Pharaoh ay isa sa
kanilang mga diyos. Tungkulin ng Pharoah na protektahan at pangalagaan ang mga
mamamayan.
Nahahati ang kasaysayan ng Egypt sa tatlong panahon – ang Old Kingdom o Lumang
Kaharian, Middle Kingdom o Gitnang Kaharian, at New Kingdom o Bagong Kaharian.
Sa panahong ito naitayo ang mga pyramids
na inilaaan upang maging libingan ng mga
Lumang Pharoah. Ang Great Pyramid ay isa sa
Kaharian tatlong pyramid sa Giza. Ito ay ipinagawa
(2575 – 2130 upang maging libingan ni Pharoah Khufu.
Bumagsak ang Lumang Kaharian dahil sa
BCE)
mga digmaang sibil na tumagal ng halos Great Pyramid of Giza
https://www.pickpik.com/pyramids-
200 na taon. egypt-giza-archeology-monument-
architecture-3922
Gitnang Taong 1938 muling napag-isa ang buong Egypt nang mapaalis ang kanilang
Kaharian mga kaaway. Sa panahong ito nakipagkalakalan ang mga Egyptian sa Nubia,
(2130 - 1630 Crete sa Greece, Palestine at Syria. Ang pagkakaroon ng magandang lokasyon
ng Egypt ay nakaakit sa mga mananakop na mga Hyksos na nagmula sa Asya.
BCE)
Naghari ang mga Hyksos sa loob ng tinatayang 100 na taon.

Bagong Sa loob ng 500 na taon na ito, nakilala ang ilan sa mga magagaling na
Kaharian Pharoah ng Egypt.
Thutmose II . Naidagdag niya ang Nubia, Palestine at Syria sa kaniyang
(1539 – 1075 imperyo.
Hatshepsut . Kauna-unahang babaeng Pharoah at asawa ni Thutmose II.
BCE) Nagpatayo siya ng mga magagandang templo.
Thutmose III . Anak ni Thutmose II at isa sa pinakamahusay na pinuno ng
kaharian sapagkat nasakop niya ang Syria.
Akhenaten o Amenhotep IV – Naniniwala sa iisang diyos lamang na si
Aton.
Tutankhamun.Ibinalik niya ang dating paniniwala ng kanilang relihiyon na
tinangkang baguhin ni Akhenaten.
Rameses II. Nagpatayo si Rameses ng maraming templo at mga estatwa
para sa kaniya at kaniyang pamilya.
Gawain 7: Buohin ang hinihinging impormasyon tungkol sa pamumuhay sa Kabihasnan
sa Egypt. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.

14
Pamprosesong Tanong:
1. Ilarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian sa ilog Nile?
2. Sino-sino ang mga naging pinuno ng Egypt at ano ang kanilang mga nagawa?
3. Paano mo ilalarawan ang kabihasnang nabuo sa Egypt batay sa arkitektura at
kultura ng kanilang kabihasnan?

Mahusay dahil iyong natapos


ang dapat maunawaan sa aralin!
Pakatandaan na laging isaisip at
isapuso ang mga natutuhan
upang maging handa sa susunod
na mga gawain. Paghusayan mo!

Pagyamanin

Gawain 8: Pumili ng isang pinuno mula sa mga sinaunang kabihasnan na iyong


hinahangaan. Sa isang papel idikit ang larawan nito at itala ang kaniyang mga katangian na
iyong hinangaan. Samantala, sa likod ng papel idikit naman ang larawan ng pinuno na
iyong hindi hinahangaan at itala naman ang kaniyang katangian na hindi mo nagustuhan.
Ipaliwanang ito kung bakit sila ang iyong napili.

15
Gawain 9: Paghambingin ang kultura ng sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia at India,
at gayundin, paghambingin ang kultura ng kabihasnan ng China at Egypt sa tulong ng Venn
Diagram. Gawin ito sa isang buong papel.

Gawain 10: Gumawa ka ng isang written debate o nakasulat na debate tungkol sa


kahalagahan ng pagsulong ng sinaunang kabihasnan sa pag-unlad ng kabihasnan sa
kasalukuyang panahon. Pumili ka ng isang panig, ikaw ba ay sang-ayon o di sang-ayon
sa pahayag. Bigyan ng katuwiran ang iyong sagot.
Malaki ang kahalagahan ng pagsulong ng sinaunang kabihasnan sa pag-unlad ng
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

16
Isaisip

Narito ang mga mahahalagang pag-unawang dapat mong tandaan tungkol sa mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
1. Mayroong mga salik o batayan ng pagbuo ng kabihasnan, ito ay ang pagkakaroon
ng sistema ng pagsulat, teknolohiya, arkitektura, sistemang politikal at kultural,
relihiyon at gawaing ekonomiya.
2. Ang mga sinaunang kabihasnan na sumibol sa daigdig ay ang Kabihasnan ng
Mesopotamia sa Kanlurang Asya, Kabihasnan ng India sa Timog Asya,
Kabihasnang China sa Silangang Asya at Kabihasnang Egypt sa Hilagang Africa.

Isagawa

Gawain 11: Ipakita mo ang iyong sariling talento. Sa isang bond paper maaring gumawa
ng isang tula, awit o pagguhit tungkol sa pagpapakita ng kahalagahan ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan 10 Puntos 5 Puntos 3 Puntos Puntos

Kaangkupan Lubhang napaka- Angkop ang ilang Hindi angkop ang


sa paksa angkop ng mga bahagi ng tula/awit/ nabuong tula/awit/
bahagi ng tula/awit/ pagguhit sa paksa (2-3 pagguhit sa paksa.
pagguhit sa paksa. bahagi)

Kaisipang Buo ang kaisipan o Kulang ang kaisipan o Nakalilito ang


ginamit diwa ng tula/awit/ diwa ng tula/awit/ kaisipan o diwa ng
pagguhit. pagguhit. tula/awit/ pagguhit

Salita o Angkop na angkop May 2-3 na mga salita Hindi angkop ang
pagguhit na ang mga salitang o o pagguhit ang hindi mga salita o
ginamit pagguhit na ginamit. angkop. pagguhit na ginamit.

Kabuoang Puntos (30 na puntos)

17
Tayahin

Gawain 12: Panghuling Pagtataya


Panuto: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang iyong
sagot sa iyong kwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng walang natural na
hangganan ng teritoryo?
a. Madaling masakop c. Madaling makipagkalakalan
b. Mahirap mapuntahan d. Mabagal ang pag-unlad
2. Aling pahayag ang may wastong impormasyon tungkol sa sistemang caste sa India?
a. Ang mga Pariah ay hindi bahaggi ng lipunan ng sinaunang India
b. Magkakapantay-pantay ang lahat ng uri ng lipunan sa India.
c. Ang Brahmin ay mababang uri kaysa sa mga Sundra.
d. Kapantay ng mga pari ang mga mangangalakal sa lipunan ng India.
3. Paano mo ipapakita ang paggalang sa pananampalaya ng ibang tao?
a. Pagsamba sa kanilang diyos kahit hindi mo gusto
b. Pagrespeto sa kanilang mga ritwal
c. Pagpuna sa kanilang paraan ng pananampalataya
d. Pagbabasa ng kanilang banal na aklat
4. Bakit tinatawag na priest-king o paring-hari ang pinuno ng Sumerian?
a. Ginagampanan ng hari ang gawaing panrelihiyon.
b. Tumutulong ang hari sa pari tuwing may mga gawaing pang-ritwal.
c. Magkaiba ang hari at pari at pareho nilang ginagampanan ang tungkulin.
d. Maaaring maging hari ang isang napiling pari ng pamayanan.
5. Alin sa mga sumusunod ang isa sa batayan o salik ng pag-usbong ng kabihasnan?
a. Kaayusan sa pananamit
b. Pagkakaroon ng Sistemang Politikal
c. Pagsulong ng pag-aaral sa astronomiya
d. Mayroong malawak na teritoryo
6. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa pag-usbong ng mga
kabihasnan sa daigdig?
a. Mayroon ng sistema ng pagsulat ang mga sumibol na kabihasnan.
b. Pinamumunuan ng isang may kapangyarihan na tao.
c. Ang mga kabihasnan ay sumibol sa tabi ng mawalak na dagat.
d. Ang relihiyon ay bahagi ng kanilang pamumuhay at kultura.

18
7. Ano ang iyong mahihinuha sa pagsamba ng mga sinaunang tao sa kanilang mga
nakikita sa kapaligiran tulad ng araw at ulan?
a. Hindi nila kilala ang tunay na diyos.
b. Mahiwaga para sa kanila ang kanilang diyos dahil ito ay hindi nakikita.
c. Malaki ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan na nagdudulot ng pag-unlad
ng kanilang kabihasnan.
d. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga ritwal o pag-aalay sa kalikasan upang
bigyan ng kasiyahan ang diyos.
8. Paano napakikinabangan ng kasalukuyan ang teknolohiya sa larangan ng
agrikultura ng mga Sumerian?
a. Ang araro na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa ay patuloy na ginagamit.
b. Ang kalendaryo ng paraan ng pagtatanim ay nananatiling mahalaga.
c. Ang Cuneiform ay nakatulong sa agrikultura at kalakalan.
d. Ang pagtatayo ng Ziggurat bilang imbakan ng pagkain ay napanatili ngayon.
9. Bakit sinasamba ng mga Egyptian ang mga hayop tulad ng pusa at buwaya?
a. Naniniwala sila na makapangyarihan ang mga hayop.
b. Naniniwala sila na ang kanilang diyos ang nagkakatawang hayop.
c. Ang mga hayop ay sugo ng kalangitan upang makita ang mga tao.
d. Pinaniniwalaang nakagagaling ang mga hayop.
10. Kung mababago mo ang kasaysayan, alin sa mga sumusunod ang iyong higit na
pipigilang maganap sa Kabihasnan sa Mesopotamia?
a. Mapanatili ang batas ni Hammurabi hanggang sa susunod na henerasyon.
b. Mapigilan ang digmaan dahil sa teritoryo upang magkaroon ng kapayapaan.
c. Mapigilan ang pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates
d. Makipagkalakalan sa ibang bansa sa Asya at Europe
11. Paano isinusulat ng mga Egyptian ang Hieroglyphics?
a. Inuukit nila ito sa mga pader ng kanilang templo.
b. Isinusulat nila sa mga bato.
c. Isinusulat sa clay tablet o basang putik gamit ang stylus saka pinapatuyo.
d. Inuukit sa mga buto ng hayop.
12. Paano nabago ng Buddhismo ang pananaw ni Ashoka o Asoka?
a. Nagpatayo siya ng mga templo upang maging relihiyoso ang mga tao.
b. Ipinalaganap niya ang Buddhismo upang maging madali ang pananakop.
c. Ginamit niya ang meditasyon upang maging mahusay na pinuno.
d. Itinigil niya ang pakikidigma at binigyan ng pagpapahalaga ang buhay ng tao.
13. Paano mo ipapakita ang paggalang sa iba’t ibang uri o antas sa kasalukuyang
kalagayan ng lipunan?
a. Magpakita ng respeto sa mga taong may katungkulan sa pamahalaan.
b. Magpakita ng pantay na pagtingin at trato sa kahit anong antas sa lipunan.
c. Igalang ang mga matatanda lamang sa lipunan.
d. Huwag makinig sa mga mga taong walang pinag-aralan.

19
14. Bakit sa isang kabihasnan mahalaga ang pagkakaroon ng organisadong
pamahalaan?
a. Upang maipakita ang lubos na kapangyarihan ng pamahalaan.
b. Upang mapigilan ang pagsasamantala ng mga dayuhan.
c. Upang mapanatili ang kaayusan at kasaganahan ng nasasakupan.
d. Upang maging kahanga-hanga ang mga kaharian.

15. Bakit mahalaga ang silk road sa kabihasnan ng China?


a. Ito ay daanan ng kalakalan ng seda patungo sa ibang bahagi ng Asya at Euope.
b. Ito ay malawak na daanan ng mga hari at ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan.
c. Dito nagdaraan ang mga dayuhan patungong China.
d. Ito ay magandang daanan na maipagmamalaki ang disenyo sa iba pang
kabihasnan.

Karagdagang Gawain

Gawain 13: Panoorin ang mga sumusunod na video sa youtube. Matapos panoorin ang
mga video pumili ng isang sinaunang kabihasnan na iyong pinakahinahangaan at
ipaliwanag kung bakit mo ito napili. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
1.Mesopotamia: Kabihasnang Sumer ng Sinaunang Mesopotamia
https://www.youtube.com/watch?v=V1HDwXHUoEk
2. Sinaunang Kabihasnan ng Egypt
https://www.youtube.com/watch?v=KLqmH1Wy1W0
3. 2,000 Years of Chinese History
https://www.youtube.com/watch?v=ylWORyToTo4&t=259s
4. Mohenjo daro 101 National Geographic
https://www.youtube.com/watch?v=QUng-iHhSzU

20
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tuklasin Tayahin

Mga Gawain Pagyamanin


Gawain 8, 9 at 10
Maaaring
magkakaiba ang
sagot ng mga mag-
aaral batay sa
kanilang pinili,
sariling
pagkakaunawa sa
paksa.

21
Sanggunian
Aklat o Teksto
1. MELC Matrix K to 12 page 36
2. Elizabeth A. Auxillo.2019. Ugat ng Lahi: Kasaysayan ng Daigdig. National
Capital Region: AKM Publishing House.
3. Marvin Perry et. al. 1989. World Histor. United States of America: Houghton
Mifflin Company.
4. Mateo, Grace Estela C. et.al, Kasaysayan ng Daigdig. Metro Manila: Vibal
Publishing House, Inc., 2012.
5. Miriam Greenblatt.2001. Human Heritage A World History. United States of
America: Glencoe McGraw –Hill Companies Inc.
6. Mounir A. Farah et. al. 1997. World History.New York: National Geographic
Society.

Website
1. https://www.britannica.com/topic/Shang-dynasty
2. https://www.britannica.com/topic/Qin-dynasty
3. https://www.britannica.com/topic/Han-dynasty
4. https://www.britannica.com/topic/Song-dynasty
5. https://www.britannica.com/topic/Ming-dynasty-Chinese-history
6. https://www.britannica.com/topic/Qing-dynasty
Mga Larawan
1. https://www.flickr.com/photos/grandvelasrivieramaya/3180234142
(cover page)
2. https://www.pikrepo.com/feean/great-wall-of-china( (cover page)
3. https://www.needpix.com/photo/339412/tree-root-aesthetic-leaves-outlines-
contour-green-brown (cover page)
4. https://www.needpix.com/photo/835665/earth-world-hands-global-offer-
international-market-access-access-to-the-market-progress-growth-strengthen
(over page)
5. https://www.needpix.com/photo/66846/machu-picchu-peru-machu-picchu-inca-
tourism (cover)
6. https://www.pickpik.com/pyramids-egypt-giza-archeology-monument-
architecture-3922 (cover page at pahina 13)
7. https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Girl-with-teaching-
stick/73097.html (pahina 2)
8. https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Female-instructor/73107.html
(pahina 14)
9. https://www.flickr.com/photos/36431152@N05/8477147840/ (pahina 6)
10. https://www.flickr.com/photos/hauntedpalace/232968544 (pahina 7)
11. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mohenjo-daro-2010.jpg (pahina 8)

22
23

You might also like