You are on page 1of 25

Edukasyon

sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2
Modyul 4
Isip at Kilos-Loob

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2
Modyul 4
Isip at Kilos-Loob

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior


High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa depedmisocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 4: Isip at Kilos-Loob


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo ng Modyul


Mga Manunulat: Mary Glydel P. Florin, Ma. Christine Y. Delante
Mga Tagasuri: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J.
Anino
Tagaguhit: Mary Glydel P. Florin, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Miyembro Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 2 ukol sa Isip at Kilos-Loob: Ang Nagpapabukod-Tangi sa Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 1

Balikan ---------------- 3

Tuklasin ---------------- 3

Suriin ---------------- 8

Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 12

Isagawa ---------------- 12

Buod ---------------- 15

Tayahin ---------------- 16

Susi sa Pagwawasto ---------------- 18

Sanggunian ---------------- 19
Modyul 4 Isip at Kilos-loob

Alamin

Natatangi kang tao na nabubuhay sa mundong ito. Wala kang katulad at hindi
ka naulit sa kasaysayan. Tawagin mang ito ay isang talinhaga subalit ito ay totoo. Sa
madaling salita ikaw ay espesyal, mayroon kang taglay na kakayahan na siyang
nagpapabukod-tangi sa iyo. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang tungkol dito. Ano
ang taglay mo na nagpapabukod tangi sa iyo kaya’t mas pahahalagahan mo ang
buhay na ipinagkaloob sa iyo? Tuklasin mo!

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
5.1 Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP7PS-
IIa-5.1)
5.2 Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob (EsP7PS-IIa-5.2)
5.3 Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang
kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.
(EsP7PS-IIb-5.3)
5.4 Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at
kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.(EsP7PS-IIb-5.4)
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 103.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang
pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang kailangan ng tao upang makilala ang mga bagay sa labas ng kaniyang
isip?
A. Pandamdam B. Impormasyon C. Kausap D. Cellphone

1
2. Umaasa ang kilos-loob sa katotohanan na nalalaman ng isip. Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
A. Nakadepende sa isip ang kilos-loob.
B. Ang isip ang gumagawa ng desisyon para sa kilos-loob.
C. Ang kilos-loob ay hindi nagkakamali dahil sa isip.
D. Ang mabuti at masama ay pagpipilian ng isip at kilos-loob.

3. Hindi gustong bumagsak ni Nimfa at masaktan niya ang kaniyang mga magulang.
Ito ang dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, nangongopya siya. Ano ang dapat
niyang isipin?
A. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
B. Isipin niya na wala siyang matutuhan nakakapasa man siya sa pagsusulit.
C. Isipin niya na walang katotohanan sa ganitong prinsipyo ng pangongopya.
D. Isipin niya na totoong magiging masaya ang kaniyang magulang nangongopya
man siya.

4. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:


A. Mag-alaala
B. Mangatwiran
C. Pumili at magpasiya
D. Umunawa sa kahulugan ng buhay

5. Ginabi ng pag-uwi si Jessan at wala na siyang makain. Nanood kais siya sa


paglalaro sa internet ng kaniyang mga kaibigan. Nagalit siya sa kaniyang Kuya dahil
hindi siya tinirhan ng pagkain. Ano ang dapat gawin ni Jessan?
A. Isipin niya na may kakayahan siya na umuwi agad.
B. Sisihin ang sarili niya sa panonood niya ng laro sa internet.
C. Dapat nagpa-text siya ng kaniyang Kuya na kakain na sila.
D. Humingi na lang siya ng pagkain sa malapit nilang kapitbahay.

6. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng kilos-loob


upang ganap na magamit ito sa pagpili at pasiya ng kilos na mabuti maliban sa:
A. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya
B. Pagsunod sa ginagawa ng mga matatanda
B. Pagsanay sa disiplina sa sarili
D. Pagkontrol ng mga emosyon

7. Hindi nakapasa ng Performance Task ninyo ang iyong kaklase. Hiniling niya sa iyo
na huwag mong na ring ipasa ang iyong ginawa para dalawa na kayong magpasa
kinabukasan. Anong kakayahan ang gagamitin mo sa sitwasiyong ito upang
magpasiya, pumili at isakatuparan mo ang pinili tungo sa kabutihan?
A. Kalayaan B. Malasakit C. Kilos-loob D. Pangangatwiran

2
8. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang may buhay sa mundo. Ano ang totoo
sa katagang ito?
A. Ang Diyos lang ang bukod tangi sa lahat.
B. Lahat ng nilikha ay may pantay na halaga.
C. Ang tao ay nilikha na may taglay na isip at kilos-loob
D. Tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.

9. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng isip upang


ganap na magamit ito sa pag-unawa sa katotohanan maliban sa:
A. Pagsasaliksik at pagtatanong
B. Pagkakaroon ng karanasan sa buhay
C. Paglutas ng mga problema nang may katwiran
D. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali

10. Paano mo isasabuhay ang iyong tungkulin sa iyong isip at kilos-loob bilang tao?
A. Ibahagi na may isip at kilos-loob
B. Sanayin, linangin at gawing ganap
C. Iasa ito sa desisyon ng mga nakakatanda
D. Hayaan ang Diyos/Allah na likhain ito sa iyo
Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” September 17, 2018, 2.

Balikan

Sa modyul 1 naunawaan mo ang kahalagahan ng paglinang ng iyong mga


angkop na inaasahang kakayahan at kilos bilang isang pagdadalaga/pagbibinata
tungo sa pagkakaroon mo ng tiwala sa sarili, sa pagiging mabuti at mapanagutang tao
at sa paghahanda sa susunod na yugto ng iyong buhay - ang pagiging dalaga/binata.
Sa modyul na ito, tutulungan ka na maunawaan ang napakahalagang papel ng iyong
taglay na isip at kilos-loob upang makamit mo ang mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos na ito.

Sa modyul na ito inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:


Bakit mahalagang sanayin, linangin at gawing ganap ang isip at kilos-loob?

Handa ka na bang simulan ang Unang Linggo ng iyong pag-aaral sa


Ikalawang Markahan ng EsP Baitang 7? Inaasahan na matutuhan mo sa Linggong
ito ang mga Kasanayang Pampagkatuto 5.1 at 5.2 na nakikita mo sa baba ng
bahaging Alamin? Kaya tayo na!

3
Tuklasin

Gawain 1a
Panuto: Gusto mo bang malaman kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao
kung ikumpara siya sa ibang nilikhang may buhay?

1. Masdan mong mabuti at may pag-unawa ang mga larawan sa ibaba.

TAO HAYOP HALAMAN


Iginuhit ni Mary Glydel P. Florin

2. Ngayon, punan mo ang dalawang tsart ng mga tinutukoy na kakayahan ng mga


nilikhang ito.

A. Pagkakatulad ng Kakayahan ng Bawat Nilikhang may Buhay


Halaman Hayop Tao
Halimbawa: Tumutubo Tumutubo Tumutubo
1.
2.
3.
4.

B. Pagkakaiba ng Kakayahan ng Bawat Nilikhang may Buhay


Halaman Hayop Tao
Halimbawa: Kung saang Nakalalakad ngunit Nakapupunta sa iba’t
lugar tumubo, doon limitado ang ibang lugar na gustong
lamang ito habambuhay mapupuntahan mapuntahan
1.
2.
3.
4.

4
3. Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
a. Ano ang pangkalahatang pagkakatulad ng tatlong nilikhang may buhay?
b. Ano naman ang pangkalahatang pagkakaiba nila?
c. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.
d. Ano ang taglay ng tao na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mag-isip?
e. Kung kaya, ano ang nagagawa ng tao dahil sa kanyang isip?
f. Ano naman ang taglay niya na nagbibigay sa kanya ng kakayahang pumili at
magpasya?
g. Kung kaya, ano naman ang nagagawa ng tao dahil sa kanyang kilos-loob?

Gawain 1b
Panuto: Nais mo bang maunawaan kung paano nagiging bukod-tangi ang tao sa iba
pang nilikhang may buhay?
1. Kilalanin mo nang lubos ang taglay ng tao na isip at kilos-loob.
2. Paghambingin ang gagawin ng tao at ng aso sa sitwasiyon na nasa larawan sa
ibaba.

Iginuhit ni Mary Glydel P. Florin

Kung ikaw ang lalaking ito, ano Ano kaya ang tugon ng aso sa
ang tugon mo sa paalala? paalalang ito?

3. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.


a. Ano kaya ang naging tugon ng aso sa paalala? Bakit?
b. Sa tingin mo, ano naman ang naging tugon ng tao sa nabasang paalala?
c. May kakayahan bang makaunawa ang tao sa paalala?
d. Ano ang taglay ng tao na ginagamit niya upang makaunawa?
e. Ano ang tunguhin o goal ng pag-unawa ng isip ng tao?
f. Kung kaya, paano nakakamit ang tunguhin o goal ng isip na katotohanan?
g. May kakayahan ba ang tao na piliing sundin ang nauunawaang katotohanan
ng isip?
h. Ano ang taglay ng tao na ginagamit niya upang pumili at magpasya batay sa
katotohanang nauunawaan ng isip?

5
i. Ano ang tunguhin o goal ng pagpili/pagpapasya ng kilos-loob ng tao?
j. Kung kaya, paano nakakamit ang tunguhin o goal ng kilos-llob na kabutihan?
k. Kung hindi kikilos ang tao batay sa nauunawaang katotohanan tungo sa
paggawa ng kabutihan, natatangi pa rin ba siya? Patunayan.

Linangin
Gawain 2:
Panuto: Mula sa naunawaan mo tungkol sa isip at kilos-loob ng tao sa Gawain 1a at
b, paano mo gagamitin ang kakayahang mag-isip ng iyong isip at kakayahang
pumili at magpasya ng iyong kilos-loob? Subukin mo ito sa iyong sarili. May
mga sitwasiyon sa ibaba na kinasasangkutan ng ilang kabataang tulad mo,
sakaling mangyari ang parehong sitwasiyon sa iyo paano mo ito haharapin?
1. Suriin ang mga sitwasiyon sa loob ng tsart sa ibaba.
2. Alamin mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos loob sa pamamagitan ng
pagsusuring gagawin mo sa ginawa ng mga tauhan sa bawat sitwasiyon.
3. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

Isip Kilos-loob
Mga Situwasiyon Gamit ng Isip Tunguhin Gamit ng Tunguhin ng
ng Isip Kilos-loob Kilos-loob
Paano Naaayon Ano ang Ang
inunawa ng ba sa pinili at tunguhin ba
tauhan ang katotoha- ginawang sa
kaniyang nan ang kilos ng nagawang
kinasasang- ginawa ng tauhan? kilos ay
kutang tauhan? kabutihan?
sitwasiyon? Bakit? Bakit?
Halimbawa: Gustong Hindi, dahil Umakyat Hindi, dahil
Dalawang umuwi kahit may klase sa pader nagdulot ito
magkaibigan na si hindi pa oras pa ng
Dino at Carl ay ng uwian kapahama-
nagkaintindihang kan kagaya
lalabas na sa ng
eskwelahan. pagkahulog.
Ngunit hindi pa
oras ng uwian sa
klase kung kayat,
sila ay
nagpasiyang
umakyat sa pader.
1. Oras ng
pagsusulit sa klase
ni Bert pero
nagkunwari siyang
pumunta sa CR
upang umihi.
Ngunit, pagbalik

6
nito sa klase ay
dala-dala na niya
ang kopya ng
Yunit test nila.
2. Laging nagpi-
presenta si Agnes
sa pagbitbit ng
gamit ng mga guro
niya pagkatapos
ng kani-kanilang
mga klase upang
maka-labas
lamang ng silid
aralan at matagal
bumalik.
3. Si Arian ay
nahalal bilang PIO
sa EsP Club nila
sa paaralan. Sa
tuwing may miting
sila sa club,
nagpapalit siya sa
kaniyang kaklase
sa pagdalo ng mga
miting kahit wala
siyang
importanteng
rason.

4. Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong na ito.


a. Ginagamit ba ng mga tauhan ang kanilang isip sa pag-unawa sa katotohanan ng
kani-kanilang kinasasangkutang sitwasiyon? Ipaliwanag.
b. Naging mabuti ba ang epekto ng kanilang piniling kilos? Bakit?
c. Bilang tao, ano ang nararapat na tunguhin o goal sa pagpili ng gagawing kilos?
Bakit?
d. Bakit mahalagang gamitin ng tao ang taglay na isip at kilos-loob?
e. Bilang mag-aaral na napabilang sa millenials, paano ka magiging tapat sa
paggamit ng iyong isip at kilos-loob?

Mula kay: Rhodie Lee M. Baquiran, “MS Word,” October 25, 2018, 2-3.

Ngayon, handa ka na sa Ikalawang Linggo ng iyong pag-aaral sa Ikalawang


Markahan para sa mga Kasanayang Pampagkatuto 5.3 at 5.4 na nakikita mo sa
baba ng bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

7
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Pagyamanin.

Isip at Kilos-loob

Bukod-tangi ang tao sa lahat ng nilikhang may buhay. Nilikha siyang may
kakayahang higit pa sa ibang nilalang; kaya tinatawag siyang obra maestra. Ang
nagpapahigit sa kaniya sa ibang nilalang ay ang taglay niyang isip at kilos-loob.

Kahulugan ng Isip at Kilos-loob


Ang isip ay ang kapangyarihan ng tao na makaalam at mangatuwiran. May
kakayahan itong mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay, maghusga,
magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Hindi perpekto ang
isip ng tao, dahil dito, nakadarama siya ng kakulangan. Ito ang dahilan kung bakit
patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ang
pangunahing gamit ng isip ay ang pag-unawa at ang tunguhin nito ay katotohanan.

Ang katotohanan ay pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring


napatunayan at katanggap-tanggap ng walang pasubali para sa lahat ng tao saan
mang lugar ito nakatira. Ito ay hindi nagbabago at ang pagkamakatotohanan nito ay
maaaring mapatunayan gamit ang mga sanggunian tulad ng mga babasahin at mga
taong nakasaksi nito.

Ang kilos-loob ay ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya at


isakatuparan ang napili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay isang makatuwirang
pagkagusto (rational appetency) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang
pangunahing gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa at ang tunguhin nito ay
kabutihan.

Ang kabutihan ay ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti, kahusayang


moral o kagalingan. Ang kabutihan ay lubus-lubusan kaya wala itong anomang bakas
ng kasamaan o kabulukan. Ito ay positibong katangiang naipamamalas sa mga
gawang mabuti at kapaki-pakinabang para sa kapuwa. Tunghayan ang talahanayan
sa ibaba.

Isip Kilos-loob
Pangunahing Pag-unawa Kumilos/gumawa
gamit
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

8
Upang magkaroon ng pag-unawa, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang
pandamdam na kumikilala sa mga bagay sa labas ng isip. Gamit naman ang kaniyang
isip, nauunawaan niya ang mga bagay o nakabubuo siya ng konsepto at paghuhusga.
Ang pandamdam ng tao ay nahahati sa dalawang uri: Ang panlabas na pandamdam
na kinabibilangan ng paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa at ang
panloob na pandamdam na binubuo ng kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.

Kaugnayan ng Isip at Kilos-loob


Naiimpluwensiyahan ng isip ang pagpili na ginagawa ng kilos-loob dahil hindi
nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay o kilos na hindi nito alam o nauunawaan.
Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman at nauunawaang impormasyon na
binibigay ng isip. Pipiliin lamang ng kilos-loob ang isang bagay o kilos kung ito ay
naunawaan ng isip bilang mabuti o makabubuti para sa kaniya. Pinipili lamang nito
ang mabuti at hindi naaakit sa masama.

Ngunit bakit may mga taong pumipili ng paggawa ng masamang kilos? Napipili
lamang ng kilos-loob ng tao ang masama kung ito ay nababalutan ng kaunting
kabutihan kaya ito nagmumukhang mabuti. Halimbawa, ang paggamit ng isang mag-
aaral ng kodigo ay masama ngunit dahil sa kagustuhan niyang makakuha ng mataas
na marka, maaaring piliin niyang gawin ito. Pinipili ng kilos-loob niya ang kilos na ito
dahil sa kabutihan ng pagkakaroon ng mataas na marka na bumabalot sa maling kilos
na pagkopya. Nauunawaan niya ang katotohanan na mabuti ang magkaroon ng
mataas na marka kahit maling paraan ang pangongopya. Gayunpaman, mali ang
katotohanang nabuo sa isip niya at mali rin ang napiling kilos ng kilos-loob niya. Ang
katotohanan ay: Ang pagiging tapat sa pagsagot sa pagsusulit. Ito ang inuutos ng
konsensiya. Ang hindi pagsunod dito ay nagreresulta ng pagkabagabag ng
konsensiya niya o siya ay “makokonsensiya”.

Samakatuwid, dumedepende ang pagpili ng kilos-loob sa katotohanang


nauunawaan ng isip. Ang kilos-loob naman ang may kapangyarihang pumili at
isagawa ang piniling kilos nito. Kung kaya’t nakasalalay sa isip ang pagsasaliksik at
pag-alam ng mga ito. Ang isip ang magsasabi kung ano ang higit na mabuti upang ito
ay mapiling gawin ng kilos-loob.

Sanayin at Linangin ang Isip at Kilos-loob


Ang isip ang magsasabi kung ano ang higit na mabuti upang ito ay mapiling
gawin ng kilos-loob. Samakatuwid, tulad ng katawan ng tao, kailangan ding sanayin
at linangin ang isip at kilos-loob. Magiging hadlang sa pagiging ganap ng isip at kilos-
loob ang paggamit ng mga ito sa maling paraan at mababalewala ang tunay na layunin
ng mga ito.
Narito ang mga tamang paraan ng paggamit at paglinang ng isip upang
magamit ito ayon sa tunguhin nito na makaunawa:

9
1. Pagsasaliksik at pagtatanong. Ang pagsasaliksik ay maingat na pag-iimbestiga. Sa
paghahanap ng katotohanan, marami ang mga pagkukunan ng impormasyon at
datos tulad ng mga aklat o magtanong sa mga taong nakaaalam o mga eksperto.

2. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali. Kung bakit o paano


nabuo ang isang kilos o pangyayari (sanhi) at kung ano ang kinalabasan ng kilos o
pangyayari (epekto) ay magiging batayan ng katotohanan. Halimbawa, kung ang
paggawa ng takdang-aralin at pagbabasa ng aralin ang magiging ugali ng isang
mag-aaral (sanhi), ang magiging karaniwang epekto nito ay ang pagkaroon ng
mataas na marka.

3. Paglutas ng mga problema nang may katwiran. Ang paghahanap ng katotohanan


ay makalulutas sa isang problema. Ito ay katotohanan kung ito ay may tamang
katwiran. Halimbawa, nakaipon ka ng pera pang-panood ng sine sa darating na
Linggo ngunit may mga gamit ka na dapat bilihin para sa iyong proyekto na ipapasa
sa Lunes. Pinili mong bilihin ang mga kailangang kagamitan at ang katwiran mo ay
maaari mo namang palampasin ang pelikula at pag-ipunan na lang ulit ito, ngunit
ang pagpasa ng iyong proyekto ang hindi maaaring ipagpaliban.

Narito ang mga tamang paraan ng paggamit at paglinang ng kilos-loob upang


magamit ito ayon sa tunguhin nito na kabutihan:

1. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya. Sa paggawa ng maingat na


pasiya, magkalap muna ng mga makabuluhang impormasyon. Alamin ang mga
posibleng alternatibo(pagpipilian) at timbangin ang bawat isa. Piliin ang
pinakamabuting alternatibo at gawin ito. Sanayin ang sarili na laging piliin at
gawin ang pinakamabuting pasiya--ang pasiya na magbubunga ng kabutihan.
Halimbawa, sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School, magkalap ng mga
makabuluhang impormasyon tungkol sa mga track o kursong interesado ka.
Timbangin kung aling track o kurso ang makabubuti at piliin ito.

2. Pagsanay sa disiplina sa sarili. Madalas mas madali ang pagkontrol sa sarili kung
susundin ang kasabihang ito, “Kung wala sa paningin, wala sa isip”. Ang unang
hakbang sa pagpapaunlad ng disiplina sa sarili ay ang pagtanggal ng lahat ng tukso
at nakagugulo mula sa iyong paligid. Kung hindi nakikita ang mga tukso,
maiiwasang gumawa ng maling pasiya. Halimbawa, madalas ang mga palabas sa
telebisyon sa gabi ang sanhi ng hindi pagtapos ng mga takdang-aralin ng mga mag-
aaral. Upang hindi matuksong hindi tapusin ang mga takdang-aralin, maghanap ng
lugar kung saan nakagagawa ka ng hindi nakikita ang telebisyon.

3. Pagkontrol ng mga emosyon. Lahat tayo ay may nasabi o nagawa na sa huli ay


pinagsisihan dahil, sa sandaling panahon, nagpadikta tayo sa ating emosyon. Kung
nag-aalala ka sa gagawing kilos sa isang napipintong pangyayari, tanungin mo ang
sarili mo: “Ano ang mararamdaman ko bukas, o sa isang linggo o sa darating pang

10
panahon kapag binalikan ko ang gagawin kong ito?” Ito ay pagninilay sa sarili at
pagdistansya ng tao sa kaniyang sarili. Makatutulong ito upang maging kalmado at
maiwasan ang mapanirang reaksiyon dala ng pabigla-biglang bugso ng damdamin.
Halimbawa, kung nahihirapan sa pag-aaral at wala ka ng ganang pumasok sa
paaralan, at nag-iisip kang huminto, tanungin mo ang sarili mo: “Magiging masaya
ba ako bukas sa pasiyang ito? Magiging masaya ba ako pagtapos ng isang linggo?
Magiging masaya ba ako pagtapos ng ilang taon?”

Ang Tungkulin ng Tao sa Kaniyang Isip at Kilos-Loob


Ang pagpapahalaga ng tao sa kaniyang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-
tangi sa kaniya. Tungkulin ng bawat isa sa atin ang sanayin, linangin at gawing ganap
ang isip at kilos-loob. Habang dumarami ang natutuklasan ng isip, inaasahan ang
mapanagutang paggamit nito. Sa gayon, magiging mabuti ang kilos-loob at magiging
isang mabuting nilalang ang tao. Hindi sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan
ang tunay na sukatan ng katalinuhan, kundi kung paano ginagamit ang mga
kaalamang ito sa pagpapaunlad ng sariling pagkatao, sa paglilingkod sa kapuwa at sa
paglilingkod o pakikibahagi sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng
isip at kilos-loob na kumilos ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao na naiiba sa ibang
nilalang. Kailangan nating gamitin ang isip para sa pagkalap at pagtuklas ng mga
kaalaman at karunungan na ayon sa katotohanan upang makapili ang kilos-loob ng
mga kilos na may kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
Ikaw, paano mo ginagamit ang iyong isip at kilos-loob ayon sa mga tunguhin
ng mga ito?

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin tungkol sa Isip at
Kilos-loob sa itaas.
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa?
1. Subukin ang lalim ng iyong naunawaan.
2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
a. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?

b. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?

c. Paano naipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-
araw na kilos?

d. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at
kilos-loob?

11
Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto sa ibaba. Punan ang mga patlang ng angkop na
sagot. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
2. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalagang sanayin,
linangin at gawing ganap ang isip at kilos-loob?
pagpapasiya isip tao kabutihan kilos-loob
Ang _____ at _____-_____ ang nagpapabukod-tangi sa _____, kaya ang kanyang
mga ____________ ay dapat patungo sa katotohanan at _______________.

Isaisip

Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag ang natutuhan mo sa modyul na ito? Halika
na, mag-journal na!
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
2. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.
Ang Aking Pagninilay
Pangalan: Petsa:
A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol sa Isip
at Kilos-loob
1.

2.
B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa paggamit ko ng taglay ko na
isip at kilos-loob
1.

2.
C. Paano ko maisasabuhay ang aking mga natutuhan mula sa aralin:
D. Ang aking komitment para malinang (develop) ko aking taglay na isip
at kilos-loob

Narito ang rubric para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 5:


5- Malinaw at maayos ang mensahe ng pagninilay at mayroong pagpapalalim.
4- Malinaw at maayos ang mensahe ng pagninilay.
3- Maayos ang mensahe ng pagninilay.
2- Hindi gaanong maayos ang mensahe ng pagninilay.
1- Hindi maayos ang mensahe ng pagninilay

12
Isagawa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Bilang isang kabataan, may mga tungkulin ka na dapat mong gampanan.
Ginagamit mo ba ang iyong isip upang magampanan ang mga tungkuling ito?

1. Basahin ang unang kolum ng tsart sa ibaba na may nakasulat na ilan sa iyong mga
tungkulin bilang isang kabataan.
2. Lagyan ng tsek () ang ikalawang kolum ng bawat tungkulin kung alam mo ito at
ekis (×) naman kung hindi mo ito alam. Maging tapat sa iyong sagot.
3. Lagyan din ng tsek () ang ikatlong kolum ng bawat tungkulin kung ginagampanan
mo ito at ekis (×) naman kung hindi. Maging tapat sa iyong sagot.
4. Isulat mo sa ikaapat na kolum ang iyong natuklasan sa iyong sarili batay sa sagot
mo sa kolum 3.
5. Sundin ang pormat ng tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ilan sa mga Tungkulin Ko Alam Ginagampana Katotohanang


Bilang isang Kabataan ko Ito n ko Ito Natuklasan Ko
Halimbawa: Sumusobra ang paglalaro
Bilang konsyumer ng media: × ko sa computer/
a. Wastong paggamit ng cellphone kaya di ko

computer/ cellphone napag-aaralan ang mga
modyul ng aking mga
asignatura
b. Pakikinig/ panonood ng ✓ ✓ Mahalagang malaman ko
balita sa TV/radyo ang mga impormasyong
hatid ng balita lalo na sa
Pandemyang Covid 19
1. Bilang Mag-aaral:
a. Pagpasok sa paaralan sa
tamang oras
b. Pag-review at pag-aaral
sa gabi sa mga araw na
may pasok
c. Paggawa ng
Performance
Tasks/proyekto ng mga
asignatura
at pagpasa nito sa
tamang oras
d. Pagsasagawa ng buong
puso ng “Basura ko,
sagot ko.”

13
2. Bilang anak:
a. Paggawa sa gawaing
bahay ko na (Hal.
Paghuhugas ng
pinggan)
b. Pagsunod sa patakaran
o payo ng aking mga
magulang sa akin na
(Hal.Magpaalam kung aalis
ng bahay)
3. Bilang Mananampalataya
sa Diyos/Allah:
a. Pagdadasal bago
matulog at pagkagising
sa umaga
b. Pagsisimba sa aming
simbahan
4. Bilang kasapi ng
pamayanan:
Tutulong sa gawain
ng aming purok o
barangay
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral:
Pangalan at Lagda ng Magulang o Guardian:

Narito ang rubric para sa pagtataya ng output sa Gawain 5:


5 - Makatotohanan, tiyak malinaw at angkop ang isinulat na mga katotohanang
natuklasan
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat na mga katotohanang
natuklasan
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat na mga katotohanang
natuklasan

2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat na mga katotohanang


natuklasan
1 – Wala sa apat na krayatirya na nabanggit sa isinulat na mga katotohanang
natuklasan

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto: Nais mo bang maging tugma (match) ang alam ng iyong isip na tungkulin
mo at ang pagpipili/pagpapasya ng iyong kilos-loob tungo sa kabutihan?
1. Balikan ang mga tungkulin na nilagyan mo ng ekis (x) sa kolum na
“Ginagampanan Ko Ito” sa bahaging Pagganap.
2. Isulat ang mga ito sa unang kolum ng tsart sa ibaba.

14
3. Kopyahin sa ikalawang kolum ang katotohanang natuklasan mo tungkol dito mula
sa bahaging Pagganap.
4. Ilapat (apply) dito ang pagpipili/pagpapasya ng iyong kilos-loob sa kilos na
gagawin mo tungo sa kabutihan. Isulat ito sa Ikatlong kolum.
5. Isulat sa ikaapat na kolum ang panahong ilalaan mo sa paglinang ng kilos na ito
tungo sa kabutihan.
6. Isulat naman sa ikalimang kolum ang mga taong hihingan mo ng tulong sa kilos
na iyong lilinangin tungo sa kabutihan.
7. Gamitin mong gabay ang ibinigay na halimbawa. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Tungkulin Ko Katotohanang Kilos na Panahong Mga Taong


Bilang isang Natuklasan Ko sa Gagawin Ilalaan sa
Hihingan
Kabataan Ginagawa Ko Ko Tungo PaglinangKo ng
sa
Ko ng Kilos
Tulong sa
Kabutihan
na Ito Paglinang
Nito
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Dalawang Mga
Bilang Sumusobra ang Uunahin ko Buwan (Mula magulang at
konsyumer ang pag-aaral
paglalaro ko sa kaysa Nobyembre mga kapatid
ng media: computer/cellphone paglalaro sa 24, 2020 ko na
a. Wastong
kaya di ko napag- computer o hanggang kasama ko
paggamit ng cellphone.
aaralan ang mga Enero 24, sa pag-aaral
computer/ Hindi ako
modyul ng aking 2021) ng mga
cellphone maglalaro ng
mga asignatura modyul sa
computer o
mga
cellphone
asignatura
mula Lunes
hanggang sa aming
Biyernes bahay
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral:
Pangalan at Lagda ng Magulang o Guardian:

Narito ang rubriks ng pagtataya sa output sa Gawain 5:


5 - Makatotohanan, tiyak malinaw at angkop ang isinulat sa mga kolum para sa kilos
na lilinangin tungo sa kabutihan
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum
4 - Wala sa apat na kraytirya na nabanggit sa isinulat sa mga kolum

Buod
Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kanyang mga
pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.

15
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa iyong journal
notebook ang titik ng tamang sagot.
1. Umaasa ang kilos-loob sa katotohanan na nalalaman ng isip. Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
A. Nakadepende sa isip ang kilos-loob.
B. Ang isip ang gumagawa ng desisyon para sa kilos-loob.
C. Ang kilos-loob ay hindi nagkakamali dahil sa isip.
D. Ang mabuti at masama ay pagpipilian ng isip at kilos-loob.
2. Ginabi ng pag-uwi si Jessan at wala na siyang makain. Nanood kais siya sa
paglalaro sa internet ng kaniyang mga kaibigan. Nagalit siya sa kaniyang Kuya dahil
hindi siya tinirhan ng pagkain. Ano ang dapat gawin ni Jessan?
A. Isipin niya na may kakayahan siya na umuwi agad.
B. Sisihin ang sarili niya sa panonood niya ng laro.
C. Dapat nagpa-text siya ng kaniyang Kuya na kakain na sila.
D. Humingi na lang siya ng pagkain sa kapitbahay.
3. Hindi gustong bumagsak ni Nimfa at masaktan niya ang kaniyang mga magulang.
Ito ang dahilan kung bakit tuwing may pagsusulit, nangongopya siya. Ano ang dapat
niyang isipin?
A. Isipin na hindi maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
B. Isipin niya na wala siyang matutuhan nakakapasa man siya sa pagsusulit.
C. Isipin niya na walang katotohanan sa ganitong prinsipyo ng pangongopya.
D. Isipin niya na totoong magiging masaya ang kaniyang magulang nangongopya
man siya.
4. Ano ang kailangan ng tao upang makilala ang mga bagay sa labas ng kaniyang
isip?
A. Pandamdam C. Kausap
B. Impormasyon D. Cellphone
5. Ang sumsusunod ay katangian ng isip maliban sa:
A. Mag-alaala C. Pumili at magpasiya
B. Mangatuwiran D. Umunawa sa kahulugan ng buhay

16
6. Hindi nakapasa ng Performance Task ninyo ang iyong kaklase. Hiniling niya sa iyo
na huwag mong na ring ipasa ang iyong ginawa para dalawa na kayong magpasa
kinabukasan. Anong kakayahan ang gagamitin mo sa sitwasiyong ito upang
magpasiya, pumili at isakatuparan mo ang pinili tungo sa kabutihan?
A. Kalayaan C. Kilos-loob
B. Pangangatuwiran D. Malasakit
7. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng kilos-loob
upang ganap na magamit ito sa pagpili at pasiya ng kilos na mabuti maliban sa:
A. Pagsunod sa ginagawa ng mga matatanda
B. Pagsanay sa disiplina sa sarili
C. Pagkilos tungo sa isang mabuti at maingat na pasiya
D. Pagkontrol ng mga emosyon
8. Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng nilikhang may buhay sa mundo. Ano ang totoo
sa katagang ito?
A. Ang Diyos lang ang bukod tangi sa lahat.
B. Lahat ng nilikha ay may pantay na halaga.
C. Ang tao ay nilikha na may taglay na isip at kilos-loob
D. Tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
9. Paano mo isasabuhay ang iyong tungkulin sa iyong isip at kilos-loob bilang tao?
A. Ibahagi sa iba na may isp at kilos-loob ka
B. Sanayin, linangin at gawing ganap
C. Iasa ito sa desisyon ng mga nakakatanda
D. Hayaan ang Diyos/Allah na likhain ito sa iyo
10. Ang sumusunod ay mga tamang paraan ng pagsasanay at paglinang ng isip upang
ganap na magamit ito sa pag-unawa sa katotohanan maliban sa:
A. Pagsasaliksik at pagtatanong
B. Pagkakaroon ng karanasan sa buhay
C. Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali
D. Paglutas ng mga problema nang may katwiran
Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” September 17, 2018, 2.

17
Susi sa Pagwawasto

Subukin

Tayahin

18
Sanggunian

Baquiran, Rhodie Lee M. “Modyul 5: Isip at Kilos-loob Kontekstuwalisadong Gawain


2.” Gawain produced at the Training on the Development of Localized and
Contextualized Learning Resource Materials, Iligan City, October 25, 2018.

Bontia, Maria Tita B. “Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikalawang Markahang


Pagsusulit.” Pagsusulit presented at the Critiquing, Iligan City, September 17,
2018.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

19

You might also like