You are on page 1of 37

7

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Pamahalaan sa Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Mga Pamahalaan sa Asya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ronaldo F. Catacutan
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD
Mary Jane P. Soriano
Rodel D. Lintag
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Mga Pamahalaan sa Asya
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
• Leksyon 1- Iba’t Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Kilusang
Nasyonalista
• Leksyon 2- Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang iba’t ibang ideolohiya (ideolohiya ng malayang demokrasya,
sosyalismo, at komunismo);
2. Nasusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya; at
3. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng pamahalaan ng isang bansa.

1
Subukin

Gawain:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Sistema ng pamamahala kung saan ang isang tao ay nagtataglay ng


minanang karapatan upang pamunuan ang isang estado habang siya ay
nabubuhay. Ang namumuno ay tinatawag na hari, reyna, emperador.
A. Diktadurya C. Teokrasya
B. Monarkiya D. Demokrasya

2. Ang Aristokrasya, Oligarkiya, One Party system ay pamahalaan ng iilan


lamang. Sila ay pamahalaang authoritarian o tinatawag din na pamahalaang
________, kung saan walang demokrasya, at mahigpit na ipinagbabawal ang
oposisyon sa naghaharing partido o pamahalaan.
A. Republika C. Diktaturyal
B. Monarkiya D. Pederal

3. Ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala ng isa o pangkat ng mga tao at dito
binabatay ng pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala.
A. Ideolohiya C. Sikolohiya
B. Sosyolohiya D. Analohiya

4. Ang pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa


sambayanan.
A. Diktadurya C. Teokrasya
B. Monarkiya D. Demokrasya

5. Isang ideolohiya na tumatangkilik sa pagkakapantay-pantay ng tao, walang


mayaman at mahirap, ngunit kapag ito ay pinairal, ang kapangyarihan ay
napupunta lamang sa isang partidong awtoritaryan sa isang bansa.
A. Sosyalismo C. Komunismo
B. Demokrasya D. Kapitalismo

6. Sa uri ng pamahalaang ito, may halos kumpletong awtonomiya ang bawat


estado o yunit na politikal sa pamamahala ng sariling teritoryo, subalit nag-
sasama-sama ang mga pamahalaang lokal na ito upang sumailalim sa mga
batas ng pamahalaang nasyonal.
A. Pederal C. Tribyunal
B. Konstitusyonal D. Tradisyunal

2
7. Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan
ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang
grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng
lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon.
A. Sosyalismo C. Kapitalismo
B. Komunismo D. Merkantilismo

8. Ano ang tinatamasa ng mga mamamayan sa isang demokratikong


pamamahala?
A. Paglaban sa karahasan C. Pagbili ng produkto
B. Pagboto sa halalan D. Pagtulong sa nangangailangan

9. Ito ang sistemang politikal na hawak ng estado o ng pamunuang namamahala


nito ang ganap na kapangyarihan. Maaaring minamana ang kapangyarihan
ng estado o pinipili ang lider ng isang espesyal na grupo.
1. Sosyalismo C. Kapitalismo
2. Komunismo D. Totalitaryanismo

10. Isang uri ng monarkiya na kung saan ang kapangyarihan ng monarka ay may
takda. Ito ay nakasalig sa Saligang Batas.
A. Republikang Pederal C. Pamahalaang Transisyunal
B. Absolute Monarchy D.Constitutional Monarchy

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman
ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang
aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at pagsasagawa
ng mga dinisenyong gawain.

3
Aralin

1 Mga Pamahalaan sa Asya

Balikan

Bago ka magsimula sa bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga natutuhan


sa pamamagitan ng pagsagot sa isang gawain upang masukat ang lawak ng
kaalaman mo tungkol sa aralin. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa
iyo.Maaari mo nang simulan ang pagsagot sa mga tanong.

Gawain 1:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian:

Holocaust Germany
Treaty of Versailles Central Powers
Adolf Hitler Archduke Francis Ferdinand

1. Ang dagliang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpatay ni


Gavrilo Princip sa nakatakdang maging emperador ng Austria-Hungary.
Sino ang pinunong ito?

2. Sa Unang Digmaang Pandaigdig, dalawang pwersa ang naglaban. Sino sa


kanila ang natalo?

3. Ano ang tinaguriang sa sistematikong genocide o ethnic cleansing kung


saan anim na milyong Hudyo ang ipinapatay ni Hitler?

4. Ano ang bansang nagpasabog sa barkong British na Lusitania na


ikinamatay ng mahigit na isang libong katao kasama ang 128 na
Amerikano?

5. Ano ang kasunduang naghudyat sa pormal na pagtatapos ng Unang


Digmaang Pandaigdig?

4
Gawain 2:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pagsiklab ng Unang Digmaang


Pandaigdig?

A. Naitatag ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng


digmaan sa daigdig
B. Binomba ng US ang bansang Japan dahil sa pagtutol na sumuko ito
C. Nilusob ng Japan ang Pearl Harbor pinakamalaking himpilang
pangmilitar ng Amerika

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging resulta ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
A. Nagkaroon ng Cold War
B. Pagkakatatag ng United Nations
C. Pagbagsak ng Imperyong Ottoman

3. Bakit mahalagang panatilihin ang kapayapaan sa mundo?


A. Para maiwasan ang pagkakawatak-watak ng mga bansa
B. Para hindi na maulit pa ang mga trahedya ng digmaan
C. Para dumami ang mga tao sa mundo

4. Bakit mahalaga ang United Nations?


A. Para sa kaunlarang pangkultural ng mga bansa sa mundo
B. Para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong mundo
C. Para makontrol ng malalakas na bansa ang mga mahihinang bansa

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag?


A. Walang interes ang mga Kanluranin sa pagkakatuklas ng mina ng
langis sa Kanlurang Asya
B. Ikinatuwa ng Allied Powers ang ginawang pagmamalabis ng Japan sa
mga kolonya ng mga bansang Europeo sa Asya
C. Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaan,tuluyan ng
napagtagumpayan ng Allied Powers ang mga labanan sa Europa

Gawain 3:

Panuto: Isulat ang SA kung sang-ayon ka at DSA kung di- sang-ayon sa pahayag.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa


pananakop ng mga Kanluranin.
2. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsibalik ang mga Jew sa
Kanlurang Asya.

5
3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ipinatupad ng mga
Kanluranin ang sistemang mandato sa Kanlurang Asya.
4. Ang patakarang divide and rule ng mga Ingles ang nagbigay-daan sa
pagkakaisa ng mga Indian.
5. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga Indian.
6. Maraming bansa ang nakamit ang matagal nang inaasam na kalayaan
mula sa mga mananakop na Kanluranin matapos ang digmaan.Nang
magwakas ang digmaang pandaigdig nagkaunawaan ang mga Hindu at
Muslim.
7. Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang impluwensiya ng
komunismo sa mga kilusang nasyonalista.
8. Taong 1947, pinagkalooban ng kalayaan ng England ang India ngunit
nahati ito sa dalawa- para sa mga Hindu at para samga Muslim.
9. Sa digmaan sa pagitan ng grupong naglaban ay natalo ng Allies ang
Central Powers.
10. Itinatag ang United Nations matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig
upang maiwasan ang kaguluhan.

Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong leksyon.


Halina at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Simulan mo ito sa
pagsagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.

Sa bahaging ito, ay mayroong mga Gawain na tataya sa iyong


paunang kaalaman at magbibigay interes pa sa iyo na pag-
aralan ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa mga
malawakang kilusang nasyonalista. Mapapansin ang mga
napiling mga salita ay tutulong sa pagkuha ng konsepto. Kaya!
Tara Na! Umpisahan Mo Na!

Gawain 1:

Panuto: Sa ibaba, piliin ang angkop na salita na may kaugnayan sa salitang nasa
gitna. Isulat sa maliliit na hugis ang iyong mapipili. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

a. pamamahala e. kaisipan
b. lahi f. batayan
c. ideya g. sistema
d. pamantayan h. mananakop

6
IDEOLOHIYA

Gawain 2:

Panuto: Pag-aralan ang mga salaysay malapit sa bawat hugis. Ito ay mga Iba’t ibang
Ideolohiya sa mga Malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.
May mga sumusunod na katanungan ang susubok upang maiugnay ang aralin na
iyong tatalakayin. Matapos alamin ang mga ito, piliin ang angkop na hugis na may
pahayag upang maging akma sa mga sumusunod na salaysay.

Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao


(mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa
gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan
ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapaki-
pakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung
saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng
makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang
katagang demokrasya sa konteksto ng isang pampolitika na estado, ang mga
prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.

Ang komunismo, isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng


organisasyong pang sosyal na walang estado at kaantasan batay sa pantay na laki
sa gamit ng produksyon. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao ,walang
mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.

Ang ideolohiyang Sosyalismo ay tumutukoy sa doktrina o turo na nababatay


sa patakarang pang-ekonomiya na ang pamamahala ay nasa kamay ng isang grupo
ng tao. Ang grupong ito ang siyang kumukontrol at namamahala sa pagmamay-ari,
at pangangasiwa may kinalaman sa produksyon. Lahat din ng may kinalaman sa
industriya at pagpapabuti ng kabuhayan ng mamamayan ay nasa kamay ng
pamahalaan.Hangad ng sosyalismo na mapabuti at mapagpantay pantay ang
distribusyon ng produksyon ng bansa.

7
Mga Tanong: Iguhit ang mga angkop na hugis na magsisilbing mga kasagutan.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao, walang mayaman o


mahirap, makapangyarihan o taga-sunod. _____________________

2. Nababatay sa patakarang pang-ekonomiya na ang pamamahala ay nasa


kamay ng isang grupo ng tao. ____________________

3. Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyong pang sosyal


na walang estado at antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon.
____________________

4. Ang pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapaki -
pakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya,
kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi
nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao.____________________

5. Lahat ng may kinalaman sa industriya at pagpapabuti ng kabuhayan ng


mamamayan ay nasa kamay ng pamahalaan.Hangad ng nito na mapabuti at
mapagpantay-pantay ang distribusyon ng produksyon ng bansa.
____________________

8
Suriin

Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa paglaganap ng ideolohiya tungo


sa pagkakaroon ng pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya na makapagbibigay sa
iyo ng impormasyon na higit mong kakailanganin sa pagtamo ng kaalaman.

IDEOLOHIYA SA TIMOG AT KANLURANGASYA

Ang salitang ideolohiya ay ipinakilala ni Desttuff de


Tracy na kumakatawan sa pinaikling pangalan ng agham
at mga kaisipan ng ideya. Galing ito sa salitang ideya o
kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Ito ay tumutukoy sa sistema o lipunan ng mga ideya o


kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig
at pagbabago nito.

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga


kasagutan sa mga suliranin at pangangailangan ng
mamamayan ay ipinahahayag ng mga ideolohiya.
Naaayon din ang mga ito sa kultura at kasaysayan ng
bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang
pangunahing kategorya- ang ideolohiyang pang-
ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.

Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa


mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
Samantala, ang ideolohiyang pampolitika ay nakapokus
sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad
ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa
mga kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat
nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang mga
pagbabagong kaayusan.

Sa pangkalahatan, iba’t ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya.


Ito ay ang Demokrasya, Sosyalismo, at Komunismo. Pag-
aralan natin ang ideolohiya ng ilang bansa sa Timog at
Kanlurang Asya.

9
Ideolohiyang Demokrasya

Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig sabihin


ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang uri ng ideolohiya
na pinamamahalaan ng sangkatauhan. Sa ideolohiyang ito,
may nagaganap na free elections.

Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay


ng mga tao. Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang
mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag
na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng
mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan.
Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng
halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa
kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.

Uri ng Demokrasya:
A. Direct Democracy – Ang mga tao mismo ang
namamahala o gumagawa ng desisyon para sa kanilang bansa.
Sila din ang nag-aamyenda sa kanilang batas at gumagawa ng
batas.
B. Representative Democracy – Ito ay isang uri ng
demokrasya na pinamumunuan ng mga piling opisyal na
nirerepresenta ang kabuuang populasyon ng tao.

10
Timog Asya
India at Pakistan

Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang


impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa
India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian
ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan na tradisyong
Hindu. Isa dito si Mohandas Gandhi na iginagalang sa India at
sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi siya ang tagapanguna
at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan
sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na
malakas na nakatatag sa ahimsa o non-violence. Pagkatapos
maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag
siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa India.

Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang


bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong
bikameral at pederal, sanggunian ng mga estado at ng
kapulungan.Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa
mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol
sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon.Upang
mabigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan at
kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa
pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa
kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947 ang isang hiwalay
na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang
Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong
Agosto 14, 1947.

Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog-Asya

Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang Ceylon National


Congress na unang partidong politikal. Namuno ito upang
ipaglaban ang kasarinlan ng bansa.Pagkaraan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake,
ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri Lanka,” ang
pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat
ng pangkat-etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang
kasarinlan ng bansa.

Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang


Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang
katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong
Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal
Democratic Republic.

11
A. Mga Pamprosesong Tanong:

Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Bakit naging malaking impluwensiya ang demokrasya sa mga bansa sa


Timog Asya?
2. Mahalaga ba sa isang kilusan na tangkilikin ng mga tao ang
ipinaglalabang ideolohiya?Pangatwiranan ang iyong sagot.

Pagkatapos mong pag-aralan ang ideolohiya sa Timog Asya,


alamin naman natin ang mga pangyayari sa ilang bansa sa
Kanlurang Asya ukol sa ideolohiyang sinimulan.

Kanlurang Asya

Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad
sa pamamagitan ng United States. Naging instrumento ang
pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.Itinatag ang
Kilusang Zionismo sa Base, Switzerland noong 1897 ni
Theodore Herzl, isang Austro Hungarian.Inihayag ang malayang
nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag
itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong Ministro
ay si David Ben-Gurion. Noong 14 Mayo 1948, pormal niyang
ipinahayag ang pagtatatag ng Estado ng Israel, at siya ang
unang pumirma sa Israeli Declaration of Independence, kung
saan siya ay nakatulong upang sumulat.

Iraq

Pagkaraan ng Ikalawang Digmang Pandaigdig, ang Iraq at


Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil
sa hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman,
sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng
ika-19 na dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa sa
Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa
mga ito.
Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang mga
British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito
ay ang ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag nila ang
Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.

12
Saudi Arabia
Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad
ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744,
nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang pinunong
Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang
makapagtatag ng alyansang political. Ito ang naging pundasyon ng
dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Ang modernong
Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud.
Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang
sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag
niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia.

Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng


absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.Kontrolado ang
pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa
ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong
political, at walang lehislatura rito.

B. Mga Pamprosesong Tanong:


Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Nakakatulong ba ang pakikibahagi ng ibang bansa sa paghahangad
ng mithiing pangkalayaan ng bansa?Bakit?
2. Ano ang pagkakaiba ng mga bansang Israel, Iraq, at Saudi Arabia
sa sistemang pulitikal?

Ideolohiyang Komunismo
Nagmula sa salitang Latin “communis” na ibig sabihin ay
“pandaigdigan”. Ayon sa ideolohiyang Komunismo, lahat ng tao,
mayaman man o mahirap ay pantay-pantay. Kontrolado ng
pamahalaan ang produksyon.Isang ideolohiya na sumusuporta
sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at
kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng
produksyon. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao,
walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.
Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang
Alemang pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng
Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng Tsina. Ayon kay Karl Marx,
ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo
patungong sosyalismo ay ang komunismo. Ang komunismo ay
naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-
uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan. Hal: Pakistan

13
Ideolohiyang Sosyalismo
Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang
pang-ekonomiya kung saan ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang
grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa
pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng
produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga
kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga
mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad
ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon
ng bansa.
Mga katangian ng sosyalismo:
• Mayroong pantay na pamamahala at
pamamalakad sa mga pag mamay aring yaman
ng estado.
• Ang mga manggagawa ang siyang
nangangasiwa sa sistemang ekonomiya ng
bansa
• Inaalis ang anumang bahid ng kapitalismo
• Sinisigurado na mayroong trabaho ang bawat
mamamayan at nakikinabang ang lahat sa
yaman na mayroon ang bansa sa ilang bansa sa
Kanlurang Asya

Hal:

Turkey
Jordan
UAE

C. Pamprosesong tanong:

Gawin ito sa iyong sagutang papel.


1. Paano ang iba’t ibang ideolohiya ay nakaapekto sa pagkakaroon ng
malawakang kilusang nasyonalista?
2. Sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya anong ideolohiya ang higit
na nakaapekto sa pagkakaroon ng malawakang kilusang
nasyonalista. Bakit?
3. Paano nagkaroon ng transpormasyon ang mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa nabanggit na mga ideolohiya?

14
Gawain1:

Panuto: Ibuod ang mga mahahalagang kaalaman na iyong natutuhan sa paksang


napag-aralan. May mga gabay na tanong na tutulong sa pagsulat ng mga ito. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Saan/Kailan
Sino

Bakit
Ano

Paano
Ideolohiya para sa
Kilusang
Nasyonalista

Pamprosesong tanong:

1. Alin sa mga bansa ang naniniwala sa demokrasya?


2. Sa paanong paraan nakatulong ang ideolohiya sa pagtatatag ng kanilang
pamahalaan?
3. Anong aspeto ng buhay nagkaroon ng pagkakaiba ang mga bansa sa
ideolohiyang kanilang niyakap?

Pagkatapos mong isalaysay ang mga bansa ayon sa kanilang niyakap na


ideolohiya, alamin mo naman kung anong ideolohiya, kilusan, at epekto ang
kaya mo pang ibigay sa susunod na gawain.

Gawain 2:

Panuto: Buuin ang tsart, gawing basehan ang halimbawa. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
TIMOG ASYA

Kilusang
Bansa Ideolohiya Resulta
Nasyonalista
Idineklara bilang
Nepalese
Hal: Nepal Demokrasya demokratikong
Assembly
bansa
1. Pakistan
2. India

15
KANLURANG ASYA

Kilusang
Bansa Ideolohiya Resulta
Nasyonalista
3. Israel
4. Iraq
5. Saudi Arabia

Saludo ako sa iyo! Magaling at matiyaga mong napagtagumpayan ang mga


gawain mula sa Alamin hanggang Subukin at Tuklasin. Sa puntong ito, ay
magagamit mo ang iyong mga natutunan sa pagtupad ng susunod na
aralin.Pagkatapos ng iyong pagtalakay sa mga ideolohiya, iyo namang uunawain
at susuriin ang Balangkas ng Pamahalaan ng ilang mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

Isa sa mahahalagang paksa na dapat pag-aralan sa


kasalukuyan ay ang sistemang pulitikal at pamahalaan sa Asya. Iba-
iba rin ang uri, anyo, at balangkas ng pamahalaan na naitatag sa
Asya gayong iisa naman ang rehiyon na kinapapalooban nito.
Isang batayan ng pagtatakda ng uri ng pamahalaan ay ayon
sa bilang ng tao na may hawak ng kapangyarihan. Maaari itong isang
tao o monarkiya, isang grupo o aristokrasya, at marami na
nangangahulugang ang sambayanan. Ang huli ay tumutukoy sa
demokrasya.
Pagkatapos ng pagbabahagi ng impormasyon ukol sa paunang
kaalaman hinggil sa aralin,ngayon ay nasa bahagi ka pa rin ng
pagsusuri na nakapaloob ang ibang teksto na magpapayabong ng
dagdag na kaalaman.

16
BALANGKAS NG PAMAHALAAN SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Ang pamahalaan ay maaring uriin sa ibat – ibang kategorya ayon sa


kayarian, lawak ng kapangyarihan,pag-uugnayan ng mga sangay at dibisyong
heograpikal ng kapangyarihan.

• DEMOKRASYA- hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihan sa


pamahalaan. Ang mga tao ay may pantay- pantay na karapatan at
pribilehiyo. May kalayaan silang politikal, pangkabuhayan at panlipunan.
Nagtatakda ang batas ng kapangyarihan ang mga pinuno ng bansa at
kumikilos ayon sa batas.

• REPUBLIKA- isang uri ng pamahalaan na walang monarka. Ang


pinakamataas na kapangyarihan ay nasa mga mamamayan na maaring
maghalal ng mga taong kakatawan sa kanila. Maaaring Presidensyal o
Parlyamentaryo ang anyong republika.

• PAMAHALAANG PEDERAL- Sa pamahalaang ito, hawak ng mga lokal na


pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman ng
pamahalaang nasyonal. May halos kumpletong autonomiya ang bawat
estado o yunit na politikal sa pamamahala ng sariling teritoryo, subalit
nagsasama-sama ang mga pamahalaang lokal na ito upang sumailalim sa
mga batas ng pamahalaang pederal.

• TOTALITARYANISMO- Ito ang sistemang politikal na hawak ng estado o ng


pamunuang namamahala nito ang ganap na kapangyarihan. Maaaring
minamana ang kapangyarihan ng estado o pinipili ang lider ng isang
espesyal na grupo.

• DIKTADURYA- Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang diktador na


hindi nalilimitahan ng anumang batas ang kanyang desisyon. Masugid
siyang tagataguyod sa isang ideolohiyang pinagtitibayan ng pamamahala
gaya ng komunismo.

• TEOKRASYA- ang lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan ng


kanilang diyos.

• KOMUNISMO- iisang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa


ekonomiya ng bansa. Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao,
walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.

• REPUBLIKANG ISLAMIC- Nagsimula ito sa kilusan ng mga Islamist upang


magdulot ng pagbabago sa relihiyon, politikal, at sosyal. Layunin nitong
agawin ang kapangyarihan sa mga bansang Islamic at gamitin ito upang
makamit ang kanilang adhikaing repormasyon sa lipunan.

17
• OLIGARKIYA- kapag ang iilang namumunong ito ay hindi kabilang sa
mataas na antas ng lipunan, maaaring pamunuan ng isang partido (one-
party rule). Kabilang dito ang mga bansang North Korea, Laos, Syria,
Turkmenistan, at Vietnam sa ganitong uri ng pamamahala.

• PARLYAMENTARYO- Ang punong ministro(Prime Minister) ang


pinakamataas na pinuno. Siya ang pinili ng mga kagawad ng Batasang
Asemblea. Ang mga kagawad ay inihalal ng mga mamamayan sa mga
lungsod at lalawigan bilang kinatawan nila.

• MONARKIYA- ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang


kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal,
ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang
pagbibitiw, at "buo itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng
estado”.Tinatawag na monarko ang namumuno sa monarkiya.

Anyo:
# Constitutional Monarchy ay isang bansa na may pamahalaan kung
saan ang Pinuno ay Hari/Reyna/Emperador/Emirato/Sultan.
Ang kapangyarihan ay nahahati sa mga tao. Kapag ang bansa ay
constitutional monarchy, ibig sabihin wala sa mga Hari o Reyna na ito ang
buong kapangyarihan ng pamamahala, bagkus ay nakabase sa
Constitution o Batas na ginawa ng mga kapulungan sa naturang bansa.

# Absolute Monarchy- ang kapangayrihan ay nasa isang tao lamang,


at ang pamamahala ay base sa batas ng pinuno
(Hari/Reyna/Emirato/Emperador/Sultan ng bansa.

• ARISTOKRASYA- ay uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay


sa ilalim ang pamahalaang aristokrasya ay umiiral sa China, Yugoslovia
at iba pang komunistang bansa ay aristokratang pamahalaan. Ang
nakapangyayari sa mga bansang ito ay may partidong komunista na nasa
kamay ng ilang makapangyarahihang tao lamang. May ilan din namang
uri na kung saan inaagaw ang kapangyarihan sa pamamagitan ng military
junta na kung saan pinapatalsik sa posisyon ang mataas na lider.

Katuturan ng Pamahalaan
Lahat ng bansa ay may pamahalaan na nagpapasya sa mga
gawain ng isang bansa. Nagmula ang salitang pamahalaan sa
wikang Griyego na nangangahulugang “mamahala o kumontrol.” Ito
ang institusyong gumagawa at nagpapatupad ng mga batas,
naniningil ng buwis at naglalaan ng gastusin para sa mga
pambansang proyekto tulad ng imprastraktura at serbisyo tulad ng
kalusugan.

18
Ang pamahalaan ang nagpapatakbo ng mga gawain ng isang
bansa o estado tulad ng kalakalan at edukasyon. Ito rin ang
nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa tulad ng
pagtatalaga ng pulisya at military, gayundin ang pagsasaayos ng
sistemang pangkatarungan. Ang pamahalaan din ang nakikipag-
ugnayan sa pamahalaan ng ibang bansa.

Anyo ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Timog Asya:


Bansa Pamahalaan
1. Nepal Parlamentaryong Demokrasya
2. Sri- Lanka Republika
3. Bhutan Monarkiya
4. Pakistan Republikang Pederal
5. India Republikang Pederal
6. Bangladesh Parlamentaryong Demokrasya
7. Maldives Republika
8. Afghanistan Pamahalaang Transisyonal

Anyo ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Kanlurang Asya:

Bansa Pamahalaan
Bahrain Monarkiyang Tradisyunal
Iran Republikang Teokratik
Iraq Pamahalaang Transisyonal
Israel Parlamentaryong Demokrasya
Jordan Monarkiyang Konstitusyonal
Kuwait Nominal na Monarkiyang Konstitusyonal
Oman Monarkiya
Qatar Monarkiyang Tradisyonal
Syria Republika sa ilalim ng Military
United Arab Pederasyon, may tiyak na kapangyarihan ang
Emirates gobyernong sentral ng UAE at iba naman ang
kapangyarihan sa bawat Emirate.
Yemen Republika
Turkey Republika, Parlamentaryong Demokrasya

19
Mayroong tatlong uri ng pamahalaan na batay sa dami ng namamahala. Ito
ay ang monarkiya, aristokrasya, at demokrasya.

Aristokrasya - Isang
pangkat na binubuo ng
ilang katao ang
namamahala sa
bansa/estado

Pamahalaan

Demokrasya - Ang Monarkiya -


sambayanan ang Isang pinuno
namamahala sa bansa. lamang na may
Maaaring tuwiran o may ganap na
kinatawan kapangyarihan

Pagyamanin

Matapos mong masuri ang mga ideolohiyang niyakap ng mga nabanggit na


brehiyon, masusubok naman ang iyong husay at galing sa pagpapayaman sa
kaalaman sa leksyon sa pamamagitan ng pagsasagot sa mga nakahandang
pagsubok batay sa iyong natutuhan.

A. Panuto: Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang diwa
ng pangungusap na patungkol sa mga ideolohiya at balangkas ng
pamahalaan. Piliin ang sagot sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

May tatlong uri ang ideolohiya na may kaugnayan sa malawakang kilusang


nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya--Demokrasya, Sosyalismo at(1)
_________. Ang (2)__________ay ang kalipunan ng mga paniniwala na
pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga tao. Dito binabatay ng pamahalaan ang
paraan ng kanyang (3) ________ sa ideolohiyang sinusunod nila. Komunismo –
nagmula sa salitang Latin “(4)_______” na ibig sabihin ay “pandaigdigan”. Ayon sa
ideolohiyang komunismo, lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay (5)___________
at kontrolado ng pamahalaan ang produksyon. Sa pamahalaang (6)__________ ,
hawak ng mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring
pakialaman ng pamahalaang nasyonal.(7) __________ naman ang tawag sa

20
pamahalaan na pinamumunuan ng isang diktador na hindi nalilimitahan ng
anumang batas ang kanyang desisyon. Masugid siyang tagataguyod sa isang
ideolohiyang pinagtitibayan ng pamamahala gaya ng komunismo. Sa (8)__________
naman, ang punong ministro (Prime Minister) ang pinakamataas na pinuno. Siya
ang pinili ng mga kagawad ng Batasang Asemblea. Ang mga kagawad ay inihalal
ng mga mamamayan sa mga lungsod at lalawigan bilang kinatawan nila. Ang
(9)___________ ay nagsimula ito sa kilusan ng mga Islamist upang magdulot ng
pagbabago sa relihiyon, politikal, at sosyal. Layunin nitong agawin ang
kapangyarihan sa mga bansang Islamic at gamitin ito upang makamit ang
kanilang adhikaing (10)________ sa lipunan.

Pagpipilian: pamamahala / Republikang Islamic/ communis/ pederal


Diktadurya/repormasyon/Komunismo/pantay-pantay/parlyamentaryo/
ideolohiya

B. Panuto: Piliin sa Hanay B ang hinihinging sagot mula sa Hanay A.


Isulat ang buong sagot bago ang bilang sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
______ 1. Ito ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang
kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang
indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-
buhay o hanggang pagbibitiw, at "buo itong hinihiwalay mula sa Pamahalaan
lahat ng kasapi ng estado”.
_____ 2. Dito ay hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihan
Aristokrasya
sa pamahalaan. Ang mga tao ay may pantay- pantay na
karapatan at pribilehiyo. May kalayaan silang politikal,
pangkabuhayan at panlipunan. Nagtatakda ang batas ng
Demokrasya
kapangyarihan ang mga pinuno ng bansa at kumikilos ayon sa
batas.
_____ 3. Ito ay uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan Ideolohiya
ay sa ilalim ng komunistang bansa na nasa aristokratang
pamahalaan. Ang nakapangyayari sa mga bansang ito ay may
partidong komunista na nasa kamay ng ilang makapangyarihang Demokrasya
tao lamang.
_____ 4. Ito ang nagpapatakbo ng mga gawain ng isang bansa o
estado tulad ng kalakalan at edukasyon. Ito rin ang nagpapanatili
ng kaayusan at kapayapaan sa bansa tulad ng pagtatalaga ng
pulisya at military, gayundin ang pagsasaayos ng sistemang
pangkatarungan.

_____ 5. Ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala na


pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga tao. Dito binabatay ng
pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala sa
ideolohiyang sinusunod nila.

21
C. Panuto: Ibigay ang mga naging ambag ng mga sumusunod. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.
Nasyonalista/Pinuno Naging Ambag/Kontibusyon

1. Haring Abdul Aziz Ibn Saud


google.com/search?q=abdul+aziz+ibn+saud

2. Theodore Herzl
https://www.google.com/search?q=theodore+herzl+images

3. Mohandas Gandhi
https://www.google.com/search?q=tmohandas+gandhi+images

4. Muhammad Ali Jinnah


https://www.google.com/search?q=muhammad+ali+jinnah+images

5. David Ben-Gurion
https://www.google.com/search?q=david+ben-gurion+images

22
D. Panuto: Punan ang mga kolum upang maibuod ang paglalarawan sa
mga uri ng pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Bansa Uri ng pamahalaan Katangian

1. Sri Lanka

2. Iran

3. Oman

4. Bhutan

5. Yemen

6. Maldives

7. Iran

8. UAE

9. India

10. Israel

Isaisip

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang bahaging ito ng aralin. Ngayon
ay naniniwala ako na ikaw ay may lubos ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang
ideolohiya at pamahalaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Upang
higit mong mapalalim at mapalawak ang pang-unawa sa paksang ito, maaari mo
nang ipagpatuloy ang pagtalima sa susunod na mga gawain.

Sagutin ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Paano nabago ang pamamahala sa bansang India?


2. Bakit mahalaga ang Rebolusyong People Power sa bansang Nepal
noong 1990?
3. Bakit mahalagang pag-aralan sa kasalukuyan ang pamahalaan ng mga
bansa sa Asya?
4. Ilarawan ang uri ng pamamahala sa Kaharian ng Saudi Arabia.
Ipaliwanag ang katangian ng ideolohiyang Sosyalism

23
Isagawa

Magaling! Talaga namang bilib ako sa pagsisikap mo sa pag-aaral. Sa


bahaging ito ay inaasahan na mailalapit at maisasabuhay ang mga kakayahan na
nalinang sa iyo. Inaasahan na magagamit mo rin ito sa pang-araw-araw na buhay.

Sagutin ang mga sumusunod ng 2-3 pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

Kung ikaw ay binigyan ng pagkakataong mamuno, alin sa mga nabanggit na


pamahalaan ang iyong pipiliin para sa iyong pamamahala?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

Bilang mahalagang kasapi ng isang pamayanan, anu-anong kakayahan o


katangian ang dapat mong linangin upang lalong maging mabuting
mamamayan ng iyong bansa? ( Sumulat ng 2-3 pangungusap )

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

24
Tayahin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot
mula sa kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian:

Constitutional Absolute
Republika Demokrasya Federal
Monarchy Monarchy
Pagboto
Karapatan at
Totalitaryanismo Pamahalaan sa Komunismo
Kalayaan
Halalan
Abdul Aziz Ibn
Nepal Teokrasya Israel China
Saud

1. Sistema ng pamamahala kung saan ang isang tao ay nagtataglay ng


minanang karapatan upang pamunuan ang isang estado habang siya ay
nabubuhay. Ang namumuno ay tinatawag na hari, reyna, emperador.
2. Ang kapangyarihan ay hawak ng sambayanan sa isang bansa
3. Ang mga lalawigan ay mayroong mga nagsasariling pamahalaan
4. Ang pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nagmumula sa
sambayanan.
5. Isang uri ng monarkiya na kung saan ang kapangyarihan ng monarka ay may
takda. Ito ay nakasalig sa Saligang Batas.
6. Isang ideolohiya na nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-
ari ng lipunan ang produksiyon.
7. Ito ang institusyong gumagawa at nagpapatupad ng mga batas, naniningil ng
buwis at naglalaan ng gastusin para sa mga pambansang proyekto tulad ng
imprastraktura at serbisyo tulad ng kalusugan.
8. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno ni Hitler sa Alemanya
(Germany) at ni Mussolini sa Italya.
9. Ano ang tinatamasa ng mga mamamayan sa isang demokratikong
pamamahala?
10. Paano naipapahayag ng tao ang kanyang kapangyarihan sa isang
demokratikong pamahalaan?
11. Sa pamahalaang ito, ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang
kinatawan ng kanilang diyos.
12. Sa bansang ito naganap ang mapayapang rebolusyong People Power na
nagsilbing inspirasyon katulad ng EDSA Rebolusyon ng Pilipinas
13. Bansang nagtatag ng Kilusang Zionismo
14. Nilikha niya ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia at ginawa niyang lider
ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab.
15. Komunistang bansa sa Silangang Asya.

25
II. Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang uri ng pamahalaan na
ginagamit ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

1. India- (Monarkiya,Parlamentaryong Demokrasya, Republikang Pederal)


2. Oman- (Republika, Monarkiya, Pederal)
3. Jordan- (Monarkiyang Konstitusyonal, Republikang Teokratik,
Tradisyunal na Monarkiya)
4. Nepal- (Monarkiya, Parlamentaryong Demokrasya, Pederal na
Pamahalaan)
5. Iraq- (Republika, Monarkiya, Pamahalaang Transisyonal)

III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Bakit mas pinili ng nakararaming bansa sa Asya ang Demokrasya kaysa


Komunismo?
A. Nais ng pamahalaan na makuha ang simpatya ng mga mamamayan nito.
B. Dahil higit na pinahalagahan ng mga bansa ang pagkilala sa kalayaan at
karapatan ng tao.
C. Dahil kakaunti lamang ang bilang ng tao sa bansa nila

2. Kailan nagiging epektibo ang demokrasya sa isang bansa?


A. Kapag ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin sa bayan at sinusunod ang
mga batas.
B. Kapag ginagamit ng husto ng tao ang kanyang kalayaan at karapatan.
C. Kapag marami ang likas na yaman ng bansa

3. Kailan natatapos ang karapatan at kalayaan ng tao?


A. Kapag umaabuso na siya.
B. Kapag kinilala niya ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.
C. Kapag sumali sa kilos protesta laban sa gobyerno

26
Karagdagang Gawain

Napakagaling naman! Labis mong pinagbutihan ang mga ibinigay na


pagsubok sa mga gawain. Tunay nga na di hadlang ang ganitong sitwasyon sa
pandemya upang ikaw ay umunlad sa pagkamit ng kaalaman. Ang karagdagang
gawaing ito, ang magpapalalim upang ikaw ay magpatuloy na matuto.
Gawain:

Panuto: Mula sa mga bansang napag-aralan, pumili ka ng isang bansa sa Timog o


Kanlurang Asya na nagustuhan mo mula sa paglinang mo ng kaisipan ukol sa
pamamahala at ideolohiya. Magbigay ng sanaysay kung bakit ito ang iyong napili at
bigyan ito ng pamagat na “ Ang Aking Modelong Bansa”. Sumulat ng 3-5 na
pangungusap, gawing batayan ang pamantayan na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
“Ang Aking Modelong Bansa”

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan Magsanay
(5) (4) (3)
(2)
Maikli ngunit
Maikli ngunit Mahaba at
may isang Hindi malinaw
napakalinaw hindi gaanong
bahagi na hindi ang
ang malinaw ang
Paglalahad malinaw ang pagkakalahad
pagkakalahad pagkakalahad
pagkakalahad ng mga
ng mga ng mga
ng mga impormasyon
impormasyon impormasyon
impormasyon
Napaka- Hindi gaanong Hindi
Makabuluhan
Kabuluhan makabuluhan makabuluhan makabuluhan
ang mensahe
ang mensahe ang mensahe ang mensahe
May dalawang May apat na
Wasto ang lahat Hindi wasto ang
hindi wastong hindi wastong
Kawastuhan ng datos/ lahat ng datos/
datos/ datos/
impormasyon impormasyon
impormasyon impormasyon
Sa kabuuan, Sa kabuuan, Sa kabuuan,
Sa kabuuan,
napakahusay hindi gaanong hindi mahusay
Pagkakagawa mahusay ang
ng mahusay ang ang
pagkakagawa
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
Kabuuan 20 puntos

27
28
Subukin Balikan
1. B Gawain 1 Gawain 2
2. C 1.Archduke Francis Ferdinand 1.A
3. A 2.Central Powers 2.B
4. D 3.Holocaust 3.B
5. C 4.Germany 4.B
6. A 5.Treaty of Versailles 5.C
7. A
8. B Gawain 3
9. D
10. D 1.SA 6. DSA
2.DSA 7. DSA
3.SA 8. SA
Tuklasin 4.DSA 9. SA
5.SA 10. DSA
Gawain 1:
➢ Pamantayan
Suriin
➢ Batayan
➢ Kaisipan
➢ Prinsipyo A. Pamprosesong tanong
Gawain 2: 1. Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa
demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan
2. Mahalaga ito upang makamit nila ang ipinaglalaban sa paraan ng
1. pagkakaisa
B. Pamprosesong tanong
2.
1.Nakakatulong ang ibang bansa sa pagbangon nito kung walang
kapalit na interes
3. --hindi nakakatulong dahil sinasamantala ang kahinaan ng bansa at
kinukuha ang likas yaman nila
2. ang Israel ay nagging republika sa tulong ng US
--ang Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng Great
4.
Britain.
-- Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong
monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol.Kontrolado ang pamahalaan
5. ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas
at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong political, at
walang lehislatura rito.
C. Pamprosesong mga Tanong:
1. Sa pamamagitan ng ideolohiya ninais ng mga taong nagpasimula
nito na maglunsad ng kilusang nasyonalista para ipaglaban ang
kanilang mithiin.
2. Ang ideolohiyang demokrasya ang higit na nakaapekto sa
pagkakaroon ng mga kilusan.
3. Ang transpormasyon o pagbabago ang hangad ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya, gamit ang iba’t ibang ideolohiya upang
makamit nila ang kasarinlan
Susi sa Pagwawasto
29
Suriin
Gawain 1: Kamay
Ano: Ideolohiya – ito ay ang kalipunan ng mga paniniwala na pinaniniwalaan ng isa o pangkat ng mga
tao. Dito binabatay ng pamahalaan ang paraan ng kanyang pamamahala sa ideolohiyang sinusunod
nila.
Sino: Antoine Destutt de Tracy- siya ang nakabuo ng salitang “ideology. Ayon kay Karl Marx, ang
pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo.
Saan/Kailan- Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na malaki ang impluwensiya ng demokrasya sa mga
kilusang nasyonalista. Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang Ceylon National Congress na unang
partidong politikal. Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud.
Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga
Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia.
Bakit- magkakaiba ang ideolohiya ng bawat bansa.Dahil ang isa ay naiiba sa isa ang kahulugan ,may
kanya kanya silang paniniwala. Nakadepende rin ito sa mga bagay na araw-araw nilang nararanasan.
Paano- Nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian dahil sa ibat ibang uri nito.
Pamprosesong tanong
1.Naniwala sa ideolohiyang demokrasya ang mga bansang: India, Pakistan, Sri Lanka, Nepal, Iraq,
Cyprus at Israel
2.Nakatulong ang ideolohiya sa pamamagitan ng paraan/sistema ng pamamahala.
3. Sa kanilang aspetong pulitikal, panlipunan, at pangkabuhayan nagkaroon ng pagkakaiba ang
aspeto ng kanilang buhay.
Gawain 2
Kilusang
Bansa (Tmog Asya) Ideolohiya Epekto
Nasyonalista
Nagkaroon ng hiwalay na
All Muslim
1.Pakistan Demokrasya bansa ang mga Muslim,ang
League
Pakistan
Nepalese Idineklara ang Nepal bilang
2.Nepal Demokrasya Constituent isang Federal Democratic
Assembly Republic
Kanlurang Asya
Kilusang Inihayag ang malayang
3.Israel Demokrasya
Zionismo nasyon ng Israel sa Tel-Aviv
itinatag nila ang Kaharian
Nasyonalistang
4.Iraq Demokrasya ng Iraq at iluklok si Faisal
Iraqi
bilang hari
Samahan ng mga Pagkabuo ng United Arab
5.UAE Komunismo
Muslim Emirates
Pagyamanin
A. B
1. Komunismo 1. Monarkiya
2. Ideolohiya 2. Demokrasya
3. Pamamahala 3. Aristokrasya
4. Communist 4. Pamahalaan
5. Pantay-pantay 5. Ideolohiya
6. Pederal
7. Diktadurya
8. Parlyamentaryo
9. Republikang Islamic
10. Repormasyon
30
Pagyamanin
C.
1.Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn Saud.
2. Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Base, Switzerland noong 1897 ni Theodore Herzl
3. Hinimok ni Mohandas Gandhi ang mga Indian sa kanyang pakikipaglaban gamit ang “Ahimsa” na
nagbigay kalayaan sa bansang India.
4. Upang mabigyang proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League
noong 1906
5. Naging malayang nasyon ang Israel,tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong
Ministro ay si David Ben-Gurion.
D.
1. Republika
2. Republikang Teokratik
3. Monarkiya
4.Monarkiya
5. Repulika
6. Maldives
7.Pamahalaang Transisyunal
8.Pederal
9.Republikang Pederal
10. Parlamentaryong Demokrasya
Isaisip
1. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling
pagbuhay ng kaisipan na tradisyong Hindu.
2. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986.Sa
pangyayaring ito, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic
3. Mahalagang pag-aralan ang pamahalaan ng mga bansa sa Asya dahil bilang mga Asyano kabilang
sila sa Asya
4. Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong monarkiya ng Saudi ang mga
pagtutol.Kontrolado ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga
batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang partidong political, at walang lehislatura rito.
Tayahin
I.
1. Absolute monarchy
2. Demokrasya
3. Federal
4. Republika
5. Constitutional monarchy
6. Komunismo
7. Pamahalaan
8. Totalitaryanismo
9. Karapatan at kalayaan
10. Pagboto sa halalan
11. Teokrasya
12. Nepal
13. Israel
14. Abdul Aziz Ibn Saud
15. China
II.
1. Republikang Pederal
2. Monarkiya
3. Monarkiyang Konstitusyonal
4. Parlyamentaryong Demokrasya
5. Pamahalaang Transisyunal
III.
1. B
2. B
3. A
Sanggunian

"Araling Asyano Learning Module - Third Quarter". Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/araling-asyano-learning-module-
third-quarter.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. (Modyul ng Mag-aaral), Edisyon 2014, pahina 243-246, 254-
256

"Demokrasya". Google.Com.
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk0044_GiK2XjXVAQclmhc5g7e
Mhn0g%3A1600742988769&ei=TGZpX6bDKob8wQOHy43ABA&q=demokras
ya+azIsBHfCdDZUQMygAegUIARC9AQ..i&docid=uXPnKw_3jYLdLM&w=768
&h=576&q=krusada&ved=2ahUKEwiriovczebrAhX-
zIsBHfCdDZUQMygAegUIARC9AQ.

"Digmaang Pandaigdig". Google.Com.


https://www.google.com/search?q=digmaang+pandaigdig&oq=digmaang+pa
ndaigdig&aqs=chrome..69i57j0l4j69i60l2j69i61.10442j0j4&sourceid=chrome
.

"Gawain Sa Demokrasya, Komunismo At Aristokrasya". Google.Com.


https://www.google.com/search?q=gawain+sa+demokrasya%2C+komunism
o+at+aristokrasya&oq=gawain+sa+demokrasya%2C+komunismo+at+aristokr
.

"Ideolohiya Sa Timog At Kanlurang Asya". Scribd.Com.


https://www.scribd.com/presentation/441811072/ideolohiya-sa-timog-at-
kanlurang-Asya.

"Kilusang Nasyonalismo". Google.Com.


https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00Mu0N2NS0dhg6YrryXbDhD
42U26g%3A1600742673702&ei=EWVpX9emKorN-
Qbm0LmABg&q=kilusang+nas.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.

31
"Map Of South Asia". Google.Com.
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01HdJaQLh1iBcCTnggVRzxSa
OBeXA%3A1600743166347&ei=_mZpX679DNbm-
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03BdEIRyXbxguzjCGJ0Qas6s
dUVMg%3A1600743186903&ei=EmdpX_bfNvDxhwOc25aACA&q=map+of+ti
mog+a.

"Map Of West Asia". Google.Com.


https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01be8iK_ID3Xd4iwOhO9brA4
n908Q%3A1600743255335&ei=V2dpX_X2E82o-
QbFmqGgDQ&q=map+of+kanlura.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdfview/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource


Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/

"Sosyalismo". Google.Com.
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02x6KffGuAdgzI6jEEhGRUNp
uIvMg%3A1600743068824&ei=nGZpX4_1McPm-
Abhr5aQCA&q=sosyalismo+kah.

"Tatlong Kilusan". Google.Com.


https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02be2hBlhW_WLmJnn8OYtr-
_g-
r3w%3A1600742929195&ei=EWZpX77EC4HWhwOMg53YCw&q=tatlong+kil
usa

+azIsBHfCdDZUQMygAegUIARC9AQ..i&docid=uXPnKw_3jYLdLM&w=768&h=576&q=krusada&ved=2
ahUKEwiriovczebrAhX-zIsBHfCdDZUQMygAegUIARC9AQ.
6.https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk02x6KffGuAdgzI6jEEhGRUNpuIvMg%3A16007430688
24&ei=nGZpX4_1McPm-Abhr5aQCA&q=sosyalismo+kah
7.https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01HdJaQLh1iBcCTnggVRzxSaOBeXA%3A1600743166
347&ei=_mZpX679DNbm-
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03BdEIRyXbxguzjCGJ0Qas6sdUVMg%3A160074318690
3&ei=EmdpX_bfNvDxhwOc25aACA&q=map+of+timog+a
8.https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01be8iK_ID3Xd4iwOhO9brA4n908Q%3A1600743255
335&ei=V2dpX_X2E82o-QbFmqGgDQ&q=map+of+kanlura

9.https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/araling-asyano-learning-module-third-quarter

10.https://www.google.com/search?q=gawain+sa+demokrasya%2C+komunismo+at+aristokrasya&o
q=gawain+sa+demokrasya%2C+komunismo+at+aristokr

32
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like