You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 7
Mga Bahaging Ginampanan ng
Kababaihan sa Asya sa Pagbabagong
Pang-Ekonomiya at Pampulitika
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo

Janet Joy B. Niefes


Manunulat

Ma. Martha R. Ullero


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa araling ito tatalakayin natin ang mga pakiikibaka o pakikipaglaban
ng mga kababaihan sa Asya upang makamit ang kanilang karapatan . Isang
napapanahong isyu at laging pinagtatalunan ang kalagayan ng mga
kababaihan kung ihahambing sa mga kalalakihan sa anumang aspeto. Ano
nga ba ang halaga at karapatang dapat taglayin ng mga kababaihan? Paano
tayo makakatulong upang pangalagaan ang nasabing karapatan?
Halina at tuklasin kung paano napagtagumpayan ng mga kababaihan
sa Asya ang kanilang pinaglalabang karapatan.
Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang ang mga mag-aaral ay
nakapagsusuri ng karanasan at bahaging ginampanan ng mga
kababaihan sa Asya tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-
ekonomiya at karapatang pampolitika
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan ang mga sumusunod:

1. Natatalakay ang mga karanasan at pagkikilpaglaban ng mga


kababaihan para sa kanilang karapatan
2. Nasusuri ang mga organisasyong binuo ng mga kababaihan upang
mapangalagaan ang kanilang karapatan
3. Naiisa-isa ang mga bansang Asyano na nagsulong ng karapatan ng
mga kababaihan

Panuto : Piliin ang titik ng wastong sagot


1. Kailan nabigyan ng karapatang bumoto ang mga kababaihan sa
Pilipinas?
a. 1935 b. 1936 c. 1937 d. 1945
2. Bansang pinamunuan ni Susan Mubarak na na napagtagumpayan
niya ang mga reporma para sa kababaihan?
a. Bahrain b. Kuwait c. Egypt d. Oman
3. Unang karapatang naibigay sa mga kababaihan sa kanilang
pakikipaglaban
a. Kalayaan sa edukasyon
b. Kalayaan sa pagboto
c. Kalayaan sa relihiyon
d. Kalayaan sa panunungkulan

2
4. Pinangunahan niya ang paghimok sa kababaihan sa India na huwag
bayaran ang Salt tax.
a. Sarojini Naidu c. Justice Ranade
b. Pandita Ramabai d, Amir- un- Nisa
5. Ipinagbawal ng batas na ito ang pagtratrabaho ngmga kababaihan
sa mge delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito.
a. Factories Act ng 1945 c. Factories Act ng 1947
b. Factories Act ng 1946 d. Factories Act ng 1948
6. Ang Arab Women Connect ay isang pangrehiyong network upang
maisulong ang karapatan ng kababaihan sa ________.
a. kabuhayan c. kasabihan
b. kaunlaran d. karapatan
7. Sa pamamagitan ng Indian Factory Act noong 1891 nabigyang pansin
ang hindi makatwirang bilang ng ________ sa pagtratrabaho ng
kababaiihan.
a. araw b. pahinga c. oras d. oras at araw
8. Ang Sri Lanka’s Women NGO Forum ay binuo upang itaguyod ang
partisipasyon ng kababaihan sa larangan ng ______.
a. edukasyon c. relihiyon
b. ekonomiya d. politika
9. Layunin ng kilusang ito ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng
kababaihan at bayan sa Pilipinas.
a. MAKISAMA b. MAKIAYON c.MAKIBAKA d.MAKILABAN
10. Ito ay koalisyon ng iba’t-ibang grupong pangkababaihaan sa
Pilipinas.
a. GABRIELA b. LILA PILIPINA c. SAMAKANA s. NOW
11. Itinatag ang New Japan Women Association o Shinfujin ng ____
kababaihan sa pangunguna nina Raicho, Yaeko , Chihiro .
a. 31 b. 32 c. 33 d. 34
12. Alin sa mga sumusunod ang itinadhana sa ilalim ng All Indian
Women Conference?
a. Pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan
b. Batas ukol sa child marriage
c. Pagkakataong pangkabuhayan
d. Lahat ng nabanggit
13. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng
pakikibaka ng mga kababaihan?
a. Magkaroon ng karagdagang karapatan
b. Makipagtunggali sa mga kalalakihan
c. Pagkapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan
d. Maluklok sa mataas na posisyon sa politika
14. Bansa sa Asya kung saan ang mga kababaihan ay nanguna sa
pagpapatalsik sa mga abusadong pinuno.
a. Bangladesh b. Bahrain c. Indonesia d. Pakistan

3
15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang wasto ang
ipinahahayag?
I. May kalayaan na ang mga kababaihan sa lahat ng bansa sa
Asya.
II. May mataas na pagkilala at respeto sa mga kababaihan noong
sinaunang panahon sa Pilipinas.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap
b. Tama ang una at mali ang ikalawang pangungusap
c. Mali ang una at ikalawang pangungusap
d. Mali ang una at tama ang ikalawang pangungusa

Tukuyin at isulat ang ideolohiyang inilalarawan sa bawat pangungusap.


1. Ang paraan ng pamumuhay ay malayang maipahayag sa iba’t-ibang
anyo tulad ng aspetong poilitikal, pangkabuhayan at panlipunan
2. Naniniwala ang ideolohiyang ito sa pagkakapantay-pantay at
panlipunang katarungan.
3. Ideolohiyang naniniwala sa kapangyarihan ng isang diktador.
4. Naniniwala sa kalayaan sa pamamahayag
5. Ideolohiyang naniiwala sa kasaganaan ng lipunan at walang pag-uuri
ang mga tao

Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay


nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-
ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang
Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang
karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring
hiwalayan o diborsiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging
pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan. Bago
dumatingng manggagamot o mataas na babaeng pari at astrologa.
Noong kapanahunan ng pagkakolonya ng Pilipinas, inilagak ng
mga Kastila ang mga Pilipina sa isang pampangalawang katayuan sa
lipunan, habang niluluwalhati at itinatakda ang Birheng Maria bilang
huwaran ng mga Pilipinong babae. Ang pagsapit ng mga Kastila at
Katolisismo ang siya ring nagtakda ng tungkulin ng mga katutubong
kababaihang Pilipino sa simbahan, sa kumbento, at sa tahanan.

4
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang ipinahihiwatig ng akda?
2. Paano binago ng kasaysayan ang papel ng kababaihan?
3. Sa kasalukuyan masasabi mo bang may mataas na pagpapahalaga
ang lipunan sa kababaihan? Ipaliwanag

Kababaihan sa Timog Asya


India. - Bharat Aslam na itinatag ni Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj;
Arya Mahila Samaj na pinamunuan ni Pandita Ramabai at Justice Ranade;
Bharat Mahila Parishad at Anjuman e Khawatin e Islam sa pangunguna ni
Amir un Nisa. Ang ilan sa mga ito ang siyang nagbigay daan sa
pagtataguyod ng kanilang karapatan sa pantay na edukasyon. Ito ang
nagsilbing susi upang maitaguyod din ng mga kababaihan ang kanilang
karapatan sa edukasyon.
Pakistan - sila ang isa sa mga nanguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon
ng demokrasya sa bansa. Bukod dito, itinatag din ang United Front for
Women’s Rights o UFWR na mayroong tungkulin na pangalagaan ang mga
karapatan ng kababaihan.
Sri Lanka - nabigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang mga
kababaihan noong naganap ang 1994 election. Nagkaroon din ng Mother’s
Front na siyang lumaban sa ilegal na pagkakakulong ng mga mamamayan.
Itinatag din ang Women for Peace para sa paglaban naman sa pagkakaroon
ng pantay na karapatang sibil
Bangladesh - ang mga kababaihan ang nanguna sa pagpapaalis sa pwesto
ng mga lider na abusado. Nagkaroon ng Collective Women’s Platform bilang
paglaban sa mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan.
Kababaihan sa Kanlurang Asya
Israel - Isha L’Isha-Haifa Feminist Center; Women's Coalition for a Just
Peace; hinikayat ang mga kababaihan na makiisa sa mga negosasyon o pag
uusap sa pagitan ng mga bansa na mayroong hindi pagkakaunawaan
UAE - si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa pagtataguyod sa
karapatan ng mga kababaihan na magkaroon ng pantay na edukasyon at
makilahok sa mga usaping pang ekonomiya
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu- anong mga larangan ang napagtagumpayyang ipaglaban ng mga
kababaihan?
2. Paano nakaapekto ang mga organisasyong itinatag sa pagpapalakas ng
papel ng kababaihan sa lipunan?

5
3. Sino sa mga kaababaihan ang may mahalagang papel na ginampanan
upang makilala ang karapatan ng kababaihan?

GAWAIN : Tala ng Women Power


Isulat ang wastong sagot sa talahanayan ayon sa nakasaad sa itaas
ng bawat hanay
Bansa na Pangalan ng Organisasyong Layunin ng
lumaban para nagtatag ng itinatag Organisasyon
sa karapatan samahan para sa
ng kababaihang kababaihan
Asyano
1.

2.

3.

4.

5.

Ang mga kababaihan sa timog at kanlurang Asya ay masigasig sa


kanilang pakikibaka upang magkaroon karapatang pagkapantay-pantay ,
pampolitika, at pangkabuhayan. Ang ilan sa mga babaeng lider ay sina
Sarojini Naidu, Zulfiqar Ali Bhutto, Susan Mubarak at Sheikha Fatima
Mubarak. Ang mga organisasyong nagtagumpay na maisulong ang

6
karapatan ng mga kababaihan ay ang mga Indian Factory Act, Woman’s
Action Forum, Sri Lanka’s Women’s NGO Forum at Arab women Connect.
Ang mga karapatan na napagtagumpayan ng mga kababaihan ay ang
karapatan sa edukasyon, pagboto, pangkabuhayan at pampolitika at
pamilya.

Isulat sa loob ng braso ang mga karapatang nakamit ng mga kababaihan


sa Asya.

https://images.app.goo.gl/3gEbnKk9ho9PSknv9

7
Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot.
1.Ano ang nagging dahilan ng Womens Indian Association sa kanilang
pakikibaka?
a. karapatan sa pagboto b. karapatan sa relihiyon
b. karaapatan sa edukasyon d. karapatan sa kalayaan
2. Isinulong ng kilusang ito ang hindi makatarungan pagtaas ng presyo ng
mga bilihin?
a. United Women’s Anti -Price Rise First
b. United Women’s Anti -Price Rise Front
c. United Wage Anti- Price Rise Front
d. United Wage Anti -Price Rise First
3. Pinamunuan niya ang Women Indian Association na mangampanya
upang makaboto ang mga kababaihan.
a. Susan Mubarak c. Sarojini Naidu
b.Pandita Ramabai d. Amir-un- Nisa
4. Binigyang-diin ng batas na ito ang pagkakaloob ng compulsory maternity
leave sa India.
a. Factory Act of 1945 c. Factory Act of 1947
b. Factory Act of 1946 d. Factory Act of 1948
5. Naging dahilan ng bansang ito ang pakikibaka ng mga kababaihan
upang magkamit ng pagbabago sa larangan ng edukasyon.
a. Bangladesh b. Pakistan c. Philippines d. Oman
6. Inilahad dito ang komprehensibong politikal para sa kababaihan ng
Pakistan.
a. charter change c. charter demands
b. charter constitution d. charter forum
7. Naging aktibo ang kilusan na ito sa pagtataguyod ng partisipasyon ng
kababaihan sa politika ng Sri Lanka.
a. Women’s NGO First c. Women’s NGO Force
b. Women’s NGO Freedom d. Women’s NGO Forum
8. Alin sa mga sumusunod ang napagtagumpayan ng Sendhia Tehrik sa
kanilang pakikibaka.
a. karapatan laban sa poligamiya c. karapatan sa diborsyo
b. karapatan sa politika d. karapatan sa relihiyon
9.Naging layunin ng kilusaang ito ang pakikibaka hindi lamang para sa
karapatan ng mga kababaihan kundi maging ang kalayaan ng bansa.
a. Women Force of the Liberation Tigers
b. Womens Front of the Liberation Tigers
c. Liberation Tigers of Tamil Eelam
d. Liberation Tigers of Tame

8
10. Ang Collective Women Platform ay pumigil sa anumang uri ng
karahasan
sa bansang_____.
a.Bangkok b. Baghdad c. Bahrain d. Bangladesh
11. Namuno sa pakikibaka ng mga kababaihan sa Egypt
a.Amir-un- Nisa c. Susan Mubarak
b.Sarojini Naidu d. Pandita Ramabai
12. Isang pangrehiyong network na nagsulong ng kamalayan ng
kababaiihan tungkol ssa kanilang karapatan.
a. Arab Work Council c. Arab Women Connect
b. Arab Women Council d. Arab Work Connect
13. Pinangunahan ni Sheikha Fatima Birit Mubarat na magtamo ng
karapatan ang mga kababaihan sa UAE na _________.
a. makapag-aral sa kolehiyo c. makapamili ng asawa
b. maging Malaya d. magkaroon ng hanapbuhay
14. Sa mga bansa sa kanlurang Asya, ano ang karapatang tinamasa ng
bansang Omar, Bahrain at Qatar?
a. karapatan bilang mamamayan c. karapatan sa pagawaan
b. karapatang bomoto d. karapatan sa edukasyon
15. Sa pangkahalatan ano ang naging resulta ng pakikibaka ng mga
kababaihan sa Asya?
a. karapatang ekonomiya c. karapatan sa edukasyon
b.karapatan sa relihiyon d. karapatan sa pagboto

9
Sanggunian
Modyul:
1. Grace Mateo et al .Asya Pag-usbong ng Kabihasnan nina
2. Asya sa panahon ng Pagbabago
3.Asya : Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Internet:
1. https://images.app.goo.gl/3gEbnKk9ho9PSknv9
2. https://brainly.ph/question/275975
3. https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Pahina

Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya

1.a 2.c 3.b 4.a 5.d 6.d 7.c 8.d 9. c 10.a 11. 12.d 13.c 14.a
15.d

Balik- aral

1.Demokrasya 2. Komunismo 3. Pasismo 4. Demokrasya 5.


Komunismo

Pangwakas na Pagsusulit

1.a 2.b 3.c 4.d 5.a 6.c 7.d 8.a 9.b 10.d 11.c 12.c 13.a 14.b
15.d

10

You might also like