You are on page 1of 7

1

Araling Panlipunan
7
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17 siglo) Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
2

Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at


Aralin
ika-17 siglo) Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

BASAHIN AT UNAWAIN
Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus”na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng
isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes,
samantalang ang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “ imperium” na ang ibig sabihin ay command. Ito ay
nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na bansa upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
Talahanayan 1: Tagpuan ng Mangangalakalna Europeo at Asyano
BILANG LOKASYON TAGPUAN
Una Hilagang Ruta Nagsimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at
Bokhara.
Pangalawa Gitnang Ruta Papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia.
Pangatlo Timog Ruta Maglalayag mula sa India, tatahakin ang Karagatang Indian
hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.
Talahanayan 2: Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Mag tungo sa Asya
Dahilan Mga Mahalagang Pangyayari
 Ang Krusada na inilunsad  Inilunsad ni Papa Urban II noong 1096 sa mga Kristiyanong kabalyero.
noong 1096  Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng mga Kristiyano na
nasakop ng mga Muslim.
Ang Paglalakbay ni Marco Polo  Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga Venice.
 Nanirahan sa China sa panahon ni Emperador Kublai Khan ng dinastiyang Yuan
nang higit sa halos 11 taon dahil siya ang tagapayo nito.
 Itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador.
 Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, at Siberia.
 Inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” nang bumalik sa Italy noong
1295.
Ang Renaissance  Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”.
 Nagmula sa Italya noong 1350.
 Isa itong pilosopikal na makasining at binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga
kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
 Pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon.
 Natuon ang interes ng tao sa istilo at desinyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa
wastong pag-uugali, at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal.
 Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya
umusbong ang rebolusyong komersiyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang
pang- ekonomiya.
Ang Pagbagsak ng Constantinople  *Constantinople - ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng
(bahagi ng Turkey sa kasalukuyan) Europe. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong India, China,
at iba pang bahagi ng Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong
1453.
 teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.
 Nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop ang Jerusalem, nanganib at
bumagsak ang ito sa mga Turkong Muslim.
 Nasakop nang lubusan noong 1453 nang masakop ng Turkong Muslim ang
Mediterranean.
 Naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng
kalakalan mula Europe patungong Silangan.
 Tanging mga Italyanong mangangalakal na taga Venice, Genoa, at Florence ang
pinayagan ng mga Turkong Muslim ang makadaan sa ruta.
 ang kalakal na nakuha sa Asya ng mga Italyano ay dinala sa bansang Portugal,
Spain, Netherlands, England at France.
 napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo na
pinangunahan ng mga Portugese at sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles at
Pranses.
 ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat tulad ng
astrolabe kung saan ginagamit upang malaman ang oras at latitude samantalang ang
3

compass ay ginagamit upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.


Ang Merkantilismo  Naniniwala ang mga Europeo na may malalaking magagawa ang ginto at pilak sa
katuparan ng kanilang adhikain.
 Konsepto nang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak.
 Napalakas ang kapangyarihan ng bansang mananakop
 Nagbibigay daan sa pag-aagawan ng kolonya sa bagong daigdig.
 Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop ng mga bansang Europeo ay naging
daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Europe.
 Pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad upang
kumita nang malaki ang bansang Europe.
 Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na makarating sa Asya ang
naging daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyanong
mangangalakal at makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw
na material na panustutus sa industriya.
Talahanayan 3: Mga Paraan ng mga Kanluranin sa Pananakop
Kanluraning
Pangyayari/Paraan ng Pagsakop Bansang Sinakop
Bansa /Mananakop
1502 – nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng Calicut sa India
kalakalan
Mga bansa sa Silangan
1505 – ipinadala si Francisco de Almeida bilang unang Viceroy sa
silangan
Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran)
Diu at Goa sa India
Aden sa Red Sea
Malasca sa Malaya (Malaysia)
1510 – sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque maraming bansa Moluccas sa Ternate (Indonesia)
PORTUGAL ang nasakop Macao sa China
Formosa (Taiwan)

paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan nanakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan o
pang-ekonomiya hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan
1580 – sinakop ng Spain sa loob ng 60 taon
1640 – nakalaya ngunit ang kanyang mga koloya ay nakuha ng England at France

ENGLAND John Cabot – isang Italyanong marinero Nova Scotia, Canada


na namuno sa England

East India Company – isang pangkat ng mangangalakal na Ingles Ceylon (Sri Lanka
na pinagkalooban ng England ng kapangyarihan sentro ng kalakalan Malaya (Malaysia)
ng England sa India Singapore
Nakapagtatag ng permanenteng panirahan sa Hilagang Amerika Australia
New Zealand
Mga pulo sa Hilagang Pasipiko
1600 – ginamit ang East India Company upang mangalakal at India
pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa
ibayong dagat
1612 – nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag ng Surat, India
pagawaan

1622 – tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa Portuguese India


kaya’t nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa kanluran at silangang
baybayin

British East India Company – nakakuha na ng concession (pagbibigay ng espesyal na karapatang


pangnegosyo) sa Madras mula sa Rajah ng Chandragiri
1668 – pinaupahan ni Haring Charles ang pulo ng Bombay
4

1690 – nakakuha ang kapirasong lupain sa delta ng Ganges ng mga Ingles sa pagpayag ni Emperador
Aurangzeb,lider ng Impeyong Mogul tuluyang sinakop ang India nang makita ang malaking pakinabang sa
likas na yaman nito
Laos
ika-18 siglo – sinakop ang buong Cochin China(Vietnam)
kolonyang French Indo-China Cambodia
Annam(Vietnam)
nakipagsabwatan sa pinunong lokal ng Bengal
FRANCE 1664 – naitatag ang French East India Company
Pondicherry
Chandarnagore
nakapagtatag ng pamayanang pangkomersiyal Mahe
Karaikal
(lahat ay matatagpuan sa India)
Dutch East India Company – ginamit upang mamahala sa isang
NETHERLANDS bahagi ng India
Sinakop ang East Indies (Indonesia)

nakuha ang Oman at Muscat noong 1507 ng mga mangangalakal na Portuguese ngunit napatalsik ng mga
TURKONG Arabe noong 1650
OTTOMAN 1907 – naging protectorate ng Great Britain ang Bahrain, ngunit pinatalsik ang mga British ni Heneral Shah
Reza Pahlavi
Talahanayan 4: Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Larangan Mga Patunay
 Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap
 Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto
1. Ekonomiya  Ang natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng
mga dayuhan.
 Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga mananakop
 Isinilang ang mga Asyanong naging mga mangangalakal o middlemen
 Nagtayo ng mga ospital
 Hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno ang naging kalagayan ng mga
Politika katutubo
 Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan
 Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga kanluraning bansa at nagkaroon ng
fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat isa

Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan

Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng mga Asyano ay pinalitan ng
mga dayuhan
3. Sosyo-Kultural  Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga kanluranin
 Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng pamumuhay ay
ginaya.
Gawain 1: Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita na tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (5 na puntos)
1. ROCAM OPLO - Inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” nang bumalik sa Italy noong 1295.
2. SANCERENAIS - isa itong pilosopikal na makasining at binigyan-diin ang pagbabalik interes sa mga kaalamang
klasikal sa Greece at Rome.
3. OPLETANTINCONS - ito ay teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.
4. KANLISTIMOMER - ito ay konsepto nang yaman ng bansa ay nasadami ng ginto at pilak.
5. LAHIGANG TARU - nagsisimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.
Gawain 2: “Mabuti o Di-mabuti!”
Panuto: Isulat ang GOOD kung mabuti ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at BAD naman kung
hindi mabuti. (10 na puntos)
1. Ang mga Asyano ay nawalan ng karapatan na pamahalaan ang sariling bansa.
2. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
3. Ang mga estilo ng pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin.
4. Nailipat sa Europe ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga Asyano.
5. Nabuo ang kilusang nasyonalismo.
6. Ginamit ang wika ng mga kanluranin sa mga paaralan sa Asya.
5

7. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.


8. Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap
9. Ang mga kaugalian ay nahaluan.
10. Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan.

Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
_____1. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang nangangahulugang, “muling pagsilang”?
a. Paglalakbay
b. Merkantilismo
c. Renaissance
d. Krusada
_____2. Ano ang tawag sa dominasyon ng malakas na bansa sa mahinang bansa?
a. Nasyonalismo
b. Kolonyalismo
c. Terorismo
d. Imperyalismo
_____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik na naging resulta ng imperyalismo?
a. Merkantilismo
b. Krusada
c. Renaissance
d. White Man’s Burden
_____4. Ang mga sumusunod ay ang mga bansang nakuha ng France maliban sa;
a. Laos
b. Cambodia
c. Vietnam
d. Philippines
_____5. Ang aklat na inilimbag ni Marco Polo sa kanyang pagbalik sa Italy noong 1295 ay ang;
a. “The Travels of Marco Polo”
b. “The Travels of Papa Urban II”
c. “The Travels of Kublai Khan”
d. “The Travels of the Island”
_____6. Ang mga sumusunod ay ang magandang epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo maliban sa;
A. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay napalitan
B. Nakilala ang iba’t ibang produkto
C. Lumawak ang kalakalan
D. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
_____7. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe?
a. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng mga bituin at araw
b. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon
c. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
d. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitude
_____8. Alin sa mga sumusunod ang nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command?
a. Merkantilismo
b. Imperyalismo
c. Kolonyalismo
d. Kapitalismo
_____9. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng
pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin?
a. Sosyo-kultural
b. Ekonomiya
c. Politika
d. Kalusugan
_____10. Alin sa mga Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe?
a. Constantinople
b. Jerusalem
c. Portugal
d. Espanya
6

You might also like