You are on page 1of 16

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Unang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya

Manunulat: Venus Grueso-Casiano

City of Good Character


DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Unang
Aralin Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
1 ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog
Silangang Asya

Alamin
Binabati kita! Ngayon ay nandito na tayo sa pag-aaral ng Ikaapat na Markahan sa Araling
Panlipunan. Bago tayo magsimula, nais kong ipabatid sa iyo, na ang matutuhan mo dito ay mahalaga at
makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay.

Ang modyul ay may aralin ukol sa:


Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Matapos mapag-aralan ang modyul, inaasahan sa iyo na:


1. nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa unang yugto ( ika 16-17 siglo) pagdating sa Silangan at Timog Silangan
Asya;
1.1 natatalakay ang mga dahilan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin
sa unang yugto pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya ;
1.2 nasusuri ang mga paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin
sa unang yugto pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya;
1.3 natutukoy ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin
sa unang yugto pagdating nila sa Silangan at Timog Silangan Asya.

Subukin
Bago tayo magpatuloy sa paksa na ito, mahalaga na malaman at masukat ang iyong kaalaman sa
bagong aralin.

Gawain 1: Kayang –Kaya mo Yan!

Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng pinaka tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa direkta o tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pang bansa upang
makamit ang mga layunin o mga interes nito kagaya ng pagkuha ng mga kayamanan.
A. Imperyalismo C. Krusada
B. Kolonyalismo D. Propaganda

1
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ito ay isang uri ng pananakop na layuning magtayo ng imperyo sa bansang gustong sakupin
upang kontrolin ang pangkabuhayan at pampolitika ng sinakop na bansa.
A. Imperyalismo C. Krusada
B. Kolonyalismo D. Propaganda
3. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto sa mga bansang nakaranas ng kolonisasyon mula sa
mga bansa sa kanluranin?
A. Naging malaya ang mga bansang sinakop.
B. Nabigyan ng mataas na posisyon sa politika ang mga naging kolonyang bansa.
C. Namuhay ng maunlad at matiwasay ang mga bansang napasailalim ng pananakop.
D. Nagkaroon ng impluwensya ang mga taga-kanluran sa mga bansang kanilang
pinuntahan.
4. Alin sa mga sumusunod ang naging pamamaraan ng mga Kanluranin upang madali nilang
nasakop ang mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangan Asya?
A. Paggamit ng dahas C. Pagkikipaglaban at pakikipagdigmaan
B. Pagpapalawak ng teritoryo D. Pagkikipagkalakalan at pagpapalaganap ngn
Kristiyanismo
5. Ito ay isang dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin upang magtungo sa Asya ang maghangad
na makakuha ng maraming ginto at pilak, upang kilalaning pinakamakapangyarihang bansa.
A. Aklat ni Marco Polo B. Krusada C.Merkantilismo D. Renaissance

Balikan
Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang kahalagahan ng kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya
sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, humanidades at palakasan. Ating balikan at kilalanin ang kanilang
mahahalagang kontribusyon.

Gawain 2: Tandaan mo ang Mahalagang Kontribusyon Namin!

Kilalanin ang mga sumusunod na kontribusyon. Isulat ang letrang TA kung ito ay mula sa kontribusyon
ng Timog Asya at KA kung ito ay mula sa kontribusyon ng Kanlurang Asya. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

_____ 1. Sitar

_____ 2. Kalidasa

_____ 3. “Arabian Nights”

_____ 4. Omar Khayyam

_____ 5. Harapa at trumpeta

_____ 6. Paglalaro ng dama

_____ 7. Paglalaro ng chess

_____ 8. Rabindranath Tagore

_____ 9. Mecca, Ribat at Turbe (tomb)

_____ 10. Taj Mahal, Borobudur at Angkor Wat

2
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
Binabati kita! Alam mo na ngayon kung ano-ano ang mahahalagang kontribusyon ng Timog at
Kanlurang Asya ! Subukan naman natin ang iyong kaalaman sa bagong aralin.

Gawain 3: Hula-Salita

Alamin kung anong mga salita ang mabubuo sa loob ng kahon na may kaugnayan sa aralin. Ayusin
ito upang malaman ang kasagutan. Isulat ito sa sagutang papel. Gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

1. Constanpletino 2. Eropeu 3. Eksrasyonplo 4. Imperlismoya

5. Kakalanla 6. Komolonyalis 7. Kruadas 8. Maroc Pool

9. Mermokantilis 10. Ressancenai

1. _______________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________________________
6. ________________________________________________________________________________
7. ________________________________________________________________________________
8. ________________________________________________________________________________
9. ________________________________________________________________________________
10. ________________________________________________________________________________

Suriin
Basahin at unawain.

Taliwas sa tradisyunal na kaalaman, ang mga Europeo ay matagal ng may ugnayan sa kontinente
ng Asya. Bago pa man ang panahon ng panggagalugad. Noong Roman period, ang mga Romano ay
mayroon ng ugnayang pangkalakalan sa India. Ang interes ng mga Europeo sa kontinente ng Asya
partikular sa Silangan ay lalong napalalim dahil sa isang Venetian na mangangalakal na si Marco Emilio
Polo. Kasama ang kanyang ama na si Niccolo Polo at tiyuhin na si Maffeo Polo ay naglakbay papuntang
Tsina at sa iba pang bahagi ng Timog Silangang Asya.

Sa kanyang pagbabalik sa Venice, Italy, sa tulong ni Rustichelo da Pisa na manunulat niya, ay


kanyang naisulat ang “The Travels of Marco Polo” na naglalaman ng kanyang karanasan sa kanyang
paglalakbay. Ang kanyang aklat ay nabasa ng mga tao at naging inspirasyon ng mga explorer.

3
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
PAGKAKAIBA NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

Kolonyalismo - Ito ay isang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa na
mayroong mga likas na yaman. Gusto ng bansang mananakop na pagsamantalahan ang mga yaman ng
bansa at ipalaganap ang kanilang kultura at tradisyon.

Imperyalismo - Ang imperyalismo ay maaaring batas o paraan ng pamamahala. Dito, ang isang malaki at
makapangyarihan na bansa ay nananakop ng mga maliliit na bansa dahil sa kagustuhan nitong palawakin
ang kanilang territoryo. Bukod dito, gusto rin nilang kontrolin ang pulitika at kabuhayan para mapanatili
ang kanilang kapangyarihan.

Ang malaking pagkakaiba nila ay ang kolonyalismo ay hindi lamang naglalayong makakuha ng
mga yamang mineral ng ibang bansa. Sa kolonyalismo, ang mga mananakop ay may layuning manakop
sa iba’t ibang mga rehiyon. Isang halimbawa nito ay ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Samantala, ang Imperyalismo ay naglalayong mapalaki ang kanilang territoryo sa mga malalapit
na mga rehiyon. Isang halimbawa nito ay ang Imperial Japan. Sa Kolonyalismo, makikita mo ang isang
malaking pagsasalin ng mga tao sa bagong territoryo at naninirahan ng permanente. Samantala, ang
imperyalismo naman ay naglalayon lamang na ipakita ang kanilang kapangyarihan sa mga nasakop na
bansa.

MGA PANGUNAHING LAYUNIN AT MOTIBO NG KOLONYALISMO SA ASYA

1. God (Pagpapalaganap ng Relihiyon) Layunin ng mga Europeo na palaganapin ang Kristiyanismo. Sa


Spain, ang pananakop ng mga lupaiu ay bahagi ng Reconquista o 500 taon na pakikibaka ng mga
Kristiyano na palayain ang Katimugan ng Spain mula sa mga Muslim.

2. Gold (Pagpapaunlad ng Ekonomiya) Mapakinanbangan ng mga Europeo ang mga likas na yaman sa
mga lupain ng kanilang nasasakop. Maipagbibili rin nila ang kanilang sobrang produkto sa kanilang mga
kolonya. Sa ganitong paraan, maaring umunlad ang kanilang mga bansa.

3. Glory (Pagpapalawak ng Kapangyarihan) Ang pananakop ng lupain ay isang patunay sa


pagkakaroon ng malakas na pwersang pandigma. Higit na naging makapangyarihan ang mga Europeo
dahil lumawak ang kanilang mga sakop na teritoryo.

TATLONG PANGUNAHING RUTA SA KALAKALAN SA ASYA


1. Hilagang Ruta – nagsisimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.
2. Gitnang Ruta – baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia.
3. Timog Ruta – Maglalayag mula India hanggang Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.

Hango mula sa : https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Silk_route.png

4
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gabay na mga Tanong:
1. Suriin ang mapa ng Asya na makikita sa pahina 4. Sa palagay mo paano nakarating ang mga
Kanluranin sa Asya, gamit ang iba’t ibang ruta? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________ .
2. Naging madali o mahirap ba ito sa kanila upang makarating sa pupuntahan nila? Bakit?
__________________________________________________________________________________.

MGA DAHILAN NA NAGBUNSOD SA MGA KANLURANIN NA MAGTUNGO SA ASYA

Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na makarating sa Asya ang naging daan para
sumigla ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at Asyanong mangangalakal at makilala ng mga
Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw na materyales na panustos sa industriya.

1. Mga Krusada na naganap mula 1096 hanggang 1273


Ang mga Krusada ay kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi
ang banal na lugar ang Jerusalem sa Israel, na kung saan ay sakop ng mga Turkong Muslim.

2. Paglalakbay ni Marco Polo


Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga Venice, Italy. Siya ay nanirahan sa China
at sa panahong iyun siya ay nagsilbing tagapayo ni Emperador Kublai Khan. Inilimbag niya ang aklat na
“The Travels of Marco Polo.” Maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na
marating at makipagsapalaran sa Asya.

3. Renaissance
Ito ay salitang Pranses na ibig sabihin ay “muling pagsilang” o “rebirth.” Sa panahong
Renaissance natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, pamahalaan, edukasyon, wastong pag-uugali at
sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Ito rin ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng
kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersiyal na nagdulot ng mga pagababago sa
gawang pang-ekonomiya.

4. Pagbagsak ng Constantinople
Ang Constantinople ay Asyanong teritoryo na pinakalamalapit sa kontinente ng Europe. Ito ang
nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe patungong India, China, at iba pang bahagi ng Silangan na
napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Naputol ang ugnayan ng mga mangangalakal na
Asyano at Europeo dahil sa sa pagsakop ng mga Turkong Muslim sa ruta ng kalakalan. Dahil dito
napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo.

5. Merkatilismo
Umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak may pagkakataon
na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa. Dahilan upang mag-unahan ang mga Europeo
na makakuha ng mga lupain na masasakop.

MGA BANSANG KANLURANIN NA NANGUNA SA PAGLALAYAG AT PAGGALAUGAD SA


ASYA
1. Portugal
2. Espanya
3. Great Bitain
4. Netherlands

5
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin, nagtayo ng kolonya ang mga Kanluranin sa
Asya. Nagkanya-kanya ang mga Kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano. Ang Rehiyon ng
Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapekrtuhan sa pananakop. Kadalasan
isang bansang Kanluranin ang nakasasakop sa isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon din
na dalawa o higit pang bansa ang nakasasakop dito. Iba-iba ang pananaw ng mga Kanluranin sa
pananakop ng lupain. Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa, ang iba naman ay sinakop lamang ang
mga piling bahagi nito. Sa ibaba ay makikita ang mapa ng mga lugar sa Silangang Asya at Timog
Silangang Asya na sinakop ng mga kanluranin.

Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=depedcommon+photos-

MGA BANSANG NASAKOP NG KANLURANIN

SILANGANG ASYA
Isa ang bansang Portugal sa mga Kanluraning bansa na naghanagad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya, partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang daungan ng Macao sa China at Formosa
(Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.

CHINA AT FORMOSA
Sumakop: Portugal
Mga lugar na sinakop: Daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan)
Dahilan/Pakinabang: Paglawak ng teritoryo, pagkuha ng likas na yaman, Palawakin ang relihiyong
kristiyanismo at pakikipagkalakalan.
Paraan ng Pananakop: Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
Epekto ng Pananakop: Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang asya dahil sa matatag na
pamahalaan at hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

6
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
TIMOG-SILANGANG ASYA
Sagana ang Timog-Silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang naging mitsa sa paglaganap ng
kolonyalismong kanluranin sa rehiyon. Sa katunayan, sa unang yugto ng kolonyalismo sa Asya, Kalakalan
ang sinasabing nakaakit sa mga kanluranin na magtungo sa Timog-Silangang Asya. Isa sa mga lugar na ito
ay ang Spice Islands.
Matatagpuan ang Spice Islands (Kasalukuyang Moluccas) sa Silangang Indonesia sa pagitan ng
Sulawesi at New Guinea. Dahil sa mga pampalasang makukuha sa lugar, maraming Europeo ang
naghangad na makontrol ang Moluccas. Nagtungo rito ang mga Portuguese, Dutch, British,at iba pang
kanluranin. Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang magtungo ang mga
kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Halimbawa nito ang pagtalaga ng Spain ng mga misyonerong
Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa rehiyon.

PILIPINAS
Sumakop: Espanya
Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila.
Paraan ng Pananakop: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay
na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na
pinuno, paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap ng
relihiyong Kristiyanismo.
Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Tributo- pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol;
2. Polo’y Servicio - sapilitang paggawa/sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang
60.
3. Monopolyo – kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan.
Pampolitika:
1. Sentralisadong Pamahalaan – itinalaga ng hari ng Espanyol ang Gobernador-Heneral na pinakamataas na
pinuno sa Pilipinas at nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamunuan ang kanilang sariling
lupain. Pinayagan silang maglingkod sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon.
2. Ang Simbahang Katoliko – naging makapangyarihan ang mga Espanyol na pari at kura paroko.
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
2. Wika at mga Pagdiriwang – natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol at pagdaraos ng mga taunang
pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga patay at Pasko, kadalasan may
kaugnayan ang pagdiriwang sa Kristiyanismo.

INDONESIA
Sumakop : Portugal, Netherlands at England
Mga lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas: nasakop ng Portugal, Amboina at Tidore sa Moluccas:
inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng England
subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia (Jakarta), nasakop din ng
Netherlands.
Dahilan/Pakinabang: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
Paraan ng Pananakop: Ang mga Portuguese ay nagtayo ng mga himpilan ng kalakalan at nagsimulang
palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo ng narating nila ang Ternate sa
Moluccas noong 1511. Pinaalis ng mga Dutch ang Portuges noong 1655 at
sinakop ang ang mga isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas

7
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
malakas na puwersang pandigma at gumamit din sila ng Divide and Rule Policy (Paraan ng pananakop
kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno)

• Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
1. Maraming mga produkto ang kinokolekta gayunpaman, ang pag-unlad ng kalakalan ay pumanig sa mga
kanluranin.
2. Sapilitang pagkontrol (monopoly) inuna ng mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain. Ipinagbawal ang
pagtatanim ng mga halamang pampalasa sa mga pribadong mamamayan upang maiwasan ang pagbagsak
ng presyo sa pamilihan.
Pampolitika:
1. Mapait na alitan sa mga taal na mamamayan.
2. Ginamit ang mga lokal na mamuno sa nasasakupan at mangulekta ng buwis.
Pangkultura:
1. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo – sa pagnanais na mapalaganap ang relihiyon ng mga kanluranin ito
ay nagdulot tension sa mga kolonya. Humantong ito sa alitan, labanan at patayan.

MALAYSIA
Sumakop : Portugal, Netherlands at England
Mga lugar na sinakop: Malaysia
Dahilan/Pakinabang: Sentro ng kalakalan at palaganapin ang Kristiyanismo.
Paraan ng Pananakop: Pagkontrol sa kalakalan at pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo
Epekto ng Pananakop:
Pangkabuhayan:
Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
Pangkultura:
Sinubukan ng mga Portuguese na palaganapin ang kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop
subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi
gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.

Mga Gabay naTanong:

1. Ano sa palagay mo ang pinakamatinding epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa


Silangang Asya at Timog-Silangang Asya? Anong damdamin ang nararamdaman mo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________

2. Ano ang epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya sa
pamumuhay nila noon at ngayon? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________

Pagyamanin

Ngayong nabasa at nasuri mo na ang mahahalagang pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo


at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya, subukan natin ang
iyong nalalaman at nauunawaan sa pagsagot sa Gawain.

8
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain 4: Paghambingin mo!
Gamit ang Venn Diagram, gumawa ng paghahambing ukol sa salitang, Kolonyalismo at Imperyalismo.
Bumuo ng isang makabuluhang konklusyon sa paghahambing na ginawa. Gawin ito sa iyong sagutang
papel sa AP 7.

Kolonyalismo Imperyalismo

Pag-
1. hahambing 1.
2. 2.

3. 3.

Ang Kolonyalismo ay ______________________________________________________________


_________________________________________________________________________________ .

Ang Imperyalismo ay ______________________________________________________________


_________________________________________________________________________________ .

Isaisip
Magaling! Ngayong mayaman na ang iyong kaisipan ukol sa kahulugan ng Kolonyalismo at
Imperyalismo, alamin naman natin ang kaalaman mo ukol sa dahilan, paaran at epekto ng unang yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo.

Gawain 5: Maalaala mo Kaya? Kumpletuhin Mo!


A. Gamit ang talahanayan sa ibaba, kumpletuhin at punuin ng tamang kasagutan ang hinihingi ng bawat
hanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel sa AP7.
Nasakop Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Patakarang Epekto
na Bansa Bansa na Pananakop Pananakop Ipinatupad
Nanakop
China

Pilipinas

Indonesia

Malaysia

9
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano kaya ang mangyayari kung walang pananakop na naganap sa mga bansang nabanggit? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________ .
2. Kung ikaw ay nabuhay ng panahon ng pananakop, ano ang gagawin mo sa sariling bansang Pilipinas?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________ .

Isagawa
Mahusay! Makabuluhan ang iyong mga kasagutan. Ngayon alam mo na kung ano mga dahilan,
paraan, epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo, gumawa ka naman ng isang pangako
kung paano mo maipagtatangol ang sariling bansang Pilipinas sa ilalaim ng mga mapanakop na bansa.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel ng Araling Panlipunan 7.

GAWAIN 6: PANGAKO SAYO… IPAGLALABAN KO ANG AKING PAGMAMAHAL…

Sa isang sagutang papel, bakatin ang iyong palad. Sumulat ng limang pangako sa loob ng iyong
palad, kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal at pagtatanggol sa sariling bansang Pilipinas
sa kasalukuyang panahon.

Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=commons+philippine+flag

Pinagkunan: https://www.google.com/search?q=commons+hand+palm+clip+art+with+heart

10
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Mahusay! Nasisiguro ko na ikaw ay tunay na Pilipino na nakahandang gawin ang binitiwang
pangako sa pagmamahal at pagtatanggol sa Pilipinas. Bago tayo magwakas sa paksa na ito, mahalaga na
malaman at masukat ang iyong mga natutuhan.

Gawain 7: Kayang-Kaya mo Yan!


Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng pinaka tamang kasagutan. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel sa Araling Panlipunan 7.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga
Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar ang Jereusalem sa Israel?
A. Imperyalismo C. Krusada
B. Kolonyalismo D. Propaganda

2. Ito ay paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno ng
Indonesia.
A. Buffer State B. Divide and Rule Policy C. Monopoly D. Polo y Servicio

3. Ito ay isang epekto ng pananakop ng mga Kanluranin na kung saan ay sapilitang pagkontrol sa
kalakalan at sa mga pananim ng mga katutubong sinakop.
A. Buffer State B. Divide and Rule Policy C. Monopoly D. Polo y Servicio

4. Alin sa mga sumusunod ang pinakamasama at negatibong epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo sa
Timog Silangang Asya?
A. Lumaganap ang kristiyanismo.
B. Sapilitang nakontrol ang mga daungan at kalakalan.
C. Naging makapangyarihan ang mga Espanyol na pari at kura paroko.
D. Maraming naghirap na mga katutubo at ang pananakop ay nagdulot ng tensiyon na
humantong sa alitan, labanan at patayan.

5. Sa kasalukuyang buwan ng Marso ngayong taong 2021 ay ipinagdiriwang ang pakikipaglaban ng mga
katutubo tulad ni Lapu-Lapu laban sa Espanyol. Pang ilang daang taon na mula ng ito ay naganap?
A. 500 B. 600 C. 700 D. 800

11
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Binabati kita! Tunay nga na ikaw ay maraming natutunan. Ngayon naman magbibigay pa ako ng
kakaibang gagawin na tiyak kong magugustuhan mo. Isulat ang iyong gawa sa dalawang malinis na bond
paper.

Gawain 8: Slo-Gandang Mensahe


Gumawa ng tag-isang slogan ukol sa pagmamahal at pagtatatanggol sa bansang Pilipinas at sa bayan
ng Marikina sa kasalukuyang panahon. Ang slogan ay binubuo lamang ng sampung (10) salita na
akma sa tema.
Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos sa Slogan

Pamantayan 10 7 4 1
Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo at Walang
mabisang naipakita ang di maayos ang naipakitang
naipakita. mensahe. mensahe. maayos na
mensahe.
Pagkamalikhain Napakaganda, Maganda, maayos, Maganda ngunit di Di maganda at
maayos at malinaw na malinaw na malabo ang
malinaw na naisulat ang naisulat ang pagkakasulat ng
naisulat ang mensahe. mensahe. mensahe
mensahe.
Kabuluhan May malaking May maliit na May kaunti Walang
kaugnayan at kaugnayan at lamang na kaugnayan at
kaakmaan sa tema. kaakmaan sa tema. kaugnayan at kaakmaan sa tema.
kaakmaan sa tema.

Maikling Pagsusulit
Basahing mabuti at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang letrang:
D- kung ito ay dahilan,
P- kung ito ay paraan at
E- kung ito ay epekto
ng unang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.
_____ 1. Nagtatag ng mga himpilang pangkalakalan.
_____ 2. Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
_____ 3. Pagpapalawak ng teritoryo at pagkuha ng likas na yaman.
_____ 4. Mayaman sa ginto at may mahusay na daungan tulad ng Maynila.
_____ 5. Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
_____ 6. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga kanluraning pananakop.
_____ 7. Sapilitang pagkontrol (monopoly) inuna ng mga Asyano ang pagtatanim kaysa kumain.
_____ 8. Divide and Rule Policy ay kung saan ay pinag-aaway-away ng mananakop ang mga lokal na
pinuno.
_____ 9. Paggamit ng dahas at pagtalaga ng mga misyonero sa pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo.
_____ 10. Hindi masyadong naapektuhan ang bansa sa silangang Asya dahil sa matatag na pamahalaan at
hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga himpilan.

12
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
.

Sanggunian

Blando et al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Unang Edisyon. Eduresources Publishing, Inc.2014.
pp.321-328

Pasco et al. Araling Panlipunan-Asya.Ubd, Ikalawang Edisyon. Eferza Academic Publications. 2010. pp.78-79

Mula sa link
https://www.slideshare.net/campollo2des/unang-yugto-ng-imperyalismong-kanluranin-82895132 Accessed March 11, 2021 11:00
pm
https://www.youtube.com/watch?v=_kv-IMFhbkk Accessed March 11, 2021 11:50 pm
https://www.youtube.com/watch?v=TiUthdaazkY Accessed March 11, 2021 11:59
https://www.youtube.com/watch?v=hujtgQjXjBQ Accessed March 11, 2021 12:30 am
https://www.slideshare.net/crisantaangeles/mga-dahilan-ng-unang-yugto-ng-kolonyalismo Accessed March 16, 2021 11:55 pm
https://www.slideshare.net/EvalynLlanera/modyul-15-mga-dahilan-at-paraan-ng-kolonyalismong-kanluranin-sa Accessed March
17, 2021 12;05 am
https://www.slideshare.net/jaredram55/kolonyalismo-at-imperyalismo-sa-silangan-at-timog-silangang-asya?next_slideshow=1
Accessed March 21, 2021, 2:30 pm
https://www.coursehero.com/file/55832851/CONCEPT-NOTEAP-7docx/ Accessed March 28, 2021,12:15 am
https://philnews.ph/2021/01/13/pagkakaiba-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-halimbawa-at-kahulugan/ Accessed March 29, 2021
11:15 am

13
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
14
Subukin Isaisip
1. B Maraming posibleng sagot
2. A
3. D
4. D
5. C
Balikan Isagawa
1. TA Maraming posibleng sagot
2. TA
3. KA
4. KA
5. KA
6. KA
7. TA
8. TA
9. KA
10. TA
Tuklasin Tayahin
1. Constatinople 1.C
2. Europe 2.B
3. Eksplorasyon 3.C
4. Imperyalismo 4.D
5. Kalakalan 5.A
6. Kolonyalismo
7. Krusada Maikling Pagsusulit
8. Marco Polo 1.P 6.E
9. Merkantilismo 2.E 7.E
10. Renaissance 3.D 8.P
4.D 9.P
Suriin 5.D 10.E
Pamprosesong Tanong-Maraming posibleng sagot
Pagyamanin
Kolonyalismo Imperyalismo
-Tuwirang pananakop -Maaring batas o paraan ng pananakop
-Mang-angkin at pagsamantalahan ang likas na yaman -Magpalawak ng teritoryo at magtayo ng imperyo
-Ipakalat ang kultura at tradisyon -Kontrolin ang pulitika, kabuhayan at kalakalan/panatilihin ang
kapangyarihan
Susi ng Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Venus Grueso-Casiano


Tagasuring Paloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit ng kober: John Miciano

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Schools Division Office- Marikina City
Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

15
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like