You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 6
Ang Nasyonalismo at Paglaya ng
mga Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya
Araling Panlipunan – Ikapito na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog
at Kanlurang Asya.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arniel D. Somosot
Editor:
Tagasuri: Joseph E. Labado, Angel Rose L. Suansing
Tagaguhit: Harold A. Cabellion
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Ferman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI Davao City


Division
Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/228 3970
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 6
Ang Nasyonalismo at Paglaya ng
mga Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang makatulong na


maunawaan at malinang ang iyong kaalaman tungkol sa mga bahaging
ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya. Ang mga aralin ng modyul na ito ay isinaayos ayon sa
Most Essential Learning Competency para sa Baitang 7 na:
Napapahalagahan ang bahaging ginampampanan ng nasyonalismo sa
pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at

Mula sa nabanggit na kasanayan, inaasahan na pag-aaralan mo ang:


Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Matapos pag-aralan at sagutin ang mga gawain ng modyul na ito, ikaw ay


inaasahan na:
1. naisa-isa ang mga personalidad na naging instrumento sa pagbibigay
wakas ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya;
2. natatalakay ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay
wakas ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya; at
3. nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

1
Subukin Natin
Gawain 1. Paunang Pagtataya
Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukan ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga ginampanan ng nasyonalismo sa
pagwawakas ng imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Basahin at
unawain ng maigi ang mga sumusunod na pahayag, Isulat sa inyong
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Marami ang paraan ng pagpapakita ng Nasyonalismo, Alin sa


sumusunod ang maituturing manipestasyon ng nasyonalismo?
A. Pagiging mapagmalabis at sakim.
B. Pagtangkilik ng mamayan sa kultura ng ibang bayan.
C. Pagmamahal sa mga ideya at karunungan ng ibang bansa.
D. Pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mga mamayan sa isang
saloobin.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng


nasyonalismo ni Gandhi?
A. Sumali sa halalan.
B. Abotin ang kalayaan gamit ang dahas.
C. Bilhin ang anumang gawa mula sa Britanya.
D. Pagboykot sa mga kasuotang yaring Britanya.

3. Bakit namuno sa kilusang pankasarinlan sa India si Mohandas K.


Ghandi?
A. Dahil sa hindi pantay na pagbubuwis.
B. Dahil sa diskriminasyon ng mga Ingles sa India.
C. Dahil sa pagsusulong ng karapatang kababaihan.
D. Dahil sa paghihiwalay ng Relihiyong Muslim at Hindu.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Anim na Palaso?


A. Pagpapatupad ng edukasyon Kanluranin.
B. Paghahalo ng batas Islam sa batas ng Bansa.
C. Pagtatalaga ng pagbabago sa pananamit ng mg Turk.
D. Pagkakaloob ng karapatang makaboto ang mga kababaihan.

5. Bakit nakilala si Mohamed Ali Jinnah bilang Ama ng Pakistan?


A. Isinulong niya ang hiwalay na estado para sa Muslim.
B. Isinulong niya ang karapatan ng mga Muslim sa India.
C. Isinulong niya ang parehong estado ng Muslim at Hindu.
D. Isinulong niya ang pagkapantay-pantay ng Hindu at Muslim.

2
6. Ang Nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan.
Nagbigay daan ito para ang Asyano ay matutong:
A. Makisalamuha sa mananakop.
B. Maging mapagmahal sa kapwa.
C. Maging laging handa sa panganib.
D. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin.

7. Alin sa sumusunod ang laman ng talumpati ni Ayatollah?


A. Paglunsad ng programang industrial.
B. Pagbo-boycot sa mga produktong Ingles.
C. Pangangaral laban sa kasalukuyang pamumuno ng Shah.
D. Pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam ng
Israel.

8. Bakit ipinatapon si Ayatollah sa ibang bansa tulad ng Turkey?


A. Dahil sa ginawa niyang makasaysayang talumpati.
B. Dahil siya ang naging sanhi sa kaguluhan sa bansa.
C. Dahil sa pagbatikos sa mga karahasang isinagawa ng Shah.
D. Dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa kasalukuyang
pamunuan.

9. Sino sa mga nasyonalistang lider na namuno upang lumaya ang


Pakistan mula sa India?
A. Mohandas Gandhi
B. Ayatollah Khomeini
C. Mohamed Ali Jinnah
D. Mustafa Kemal Ataturk

10. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng


bansang India?
A. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.
B. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian.
D. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles.

3
Aralin Natin
Naunawaan mo sa nakaraang modyul ang mga salik, pangyayari at
kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya mula sa kolonyalismo at imperyalismo ng Kanluraning
bansa. Sa bahaging ito, susuriin mo a tatalakayin natin kung ano ang mga
bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa paglaya galing sa kamay ng
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga pagpapahirap,
pagkokontrol at pagmamalabis ay ilan lamang sa mga naging dahilan sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa mga Asyano.

PAKSA: NASYONALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA TUNGO


SA PAGLAYA NG MGA BANSA MULA SA IMPERYALISMO.

Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang


Asya, nakilala ang mga ilang lider na siyang nanguna upang ipag-laban ang
kasarinlan sa kanilang bayan, sila ang mga nasyonalistang lider na naging
insperasyon at manipestasyon ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
upang lumaya sa kamay ng imperyalismo at matamo ang inaasam na
kasarinlan.

NASYONALISTA SA TIMOG ASYA

Mohandas Karamchad Gandhi

Si Mohandas Karamchad Gandhi o mas kilala sa Mahatma Gandhi


“Dakilang Kaluluwa’ ay isang Hindu na nakapag-aral sa pamantasang
England at nakapagtrabaho sa South Africa bilang isang misionaryo. Naging
pinuno ng Indian National Congress, dito isa siya sa mga namuno upang
ipaglaban ang mga hinaing ng kanyang kababayan laban sa Ingles at matamo
ang Hindu swaraj o kasarinlan para sa India.
Naging malaking inspirasyon nang marami si Mahatma Ghandi dahil
sa kanyang tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ang
kalayaan ng India. Pinakita niya sa mamayan na pweding humingi ng
kalayaan na walang dahas na ginagamit, dahil sa paniniwala niya sa ahimsa
(lakas ng kaluluwa) at satyagraha o truth force na nangangahulugang ng
pahihikayat ng pagbabago na walang karahasan sa pakikipaglaban sa
anumang batas ng pamahalaan. Hindi rin niya sinang-ayunanang pagtatangi
sa sati at untouchables para sa kababaihan. Ipinakilala rin niya ang paraang
civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na magboykot
o huwag bumili ng mga kalakal o produktong Ingles, lalo na ang telang
negosyo. at huwag tangkilikin pagpasok sa mga pangpublikong paaralan.

4
Naglunsad din siya ng isang demonstrasyong Salt March noong 1930,
na kung saan nilakad nila ang 240 na millya patungong baybay dagat upang
sumalok ng tubig alat at gumawa ng asin, sa pamamagitan nito pinapakita
nila ang pagtotul sa Salt Act ng mga Ingles na kung saan ang batas na ito ay
naglalayon na sa pamahalaan lamang bumili ng asin na may karampatang
buwis. Bunga ng demonstrasyon ito si Gandhi ay dinakip at ikinulong ng
dalawang taon kabilang na ang 60,000 Indian.
Kalaunan naisabatas ang Government of India Act of 1935 sa
pamamagitan ng parlamentong Ingles, ayon sa batas binibigyan ng higit na
kalayaan at pamumuno ang mga Indian sa mga lalawigang sakop ng Ingles
sa India at pagsisimula ng tuwirang halalan sa 35 milyong Indian. Sa halip
na magkaroon ng kasarinlan ang mga Indian, ito ay nagdulot ng hindi
pagkakaunawaan sa panig ng Hindu at Muslim bunga sa hindi
makapagsunduang iilang batas na nakasaad sa malayang India.

Mohamed Ali Jinnah

Si Mohamed Ali Jinnah o kilala bilang “Ama ng Pakistan” ay isang


abogado at pandaigdigang lider. Ipinanganak sa Karachi, Pakistan noong
Disyembre 25, 1976. Panganay na anak sa pitong magkakapatid. Nang
makatapos ng pagaaral ng high school sa pamantasan ng Bombay, Lincoln
Inn, Christian Missionary Society. Nahimok siya na mag-aral sa London ng
kaibigan ng kaniyang ama na isang dayuhan na si Sir Frederick Leigh Craft.
Kabilang si Ali Jinnah sa Khoja Muslim Sect. Dahil sa sigalot ng mga Muslim
at Hindu.
Noong 1905 si Mohamed Ali Jinnah ay namuno siya upang lumaya ang
Pakistan sa India sa pamamagitan ng Muslim League na naglalayong
magkaroon ng hiwalay na estado para sa Muslim, at nakamit nila ito noong
Agosto 14, 1947. Kasabay ng paghiwalay ng Pakistan sa India, inihirang na
kauna-unahang gobernador heneral si Mohamed Ali Jinnah. Noong
Setyembre 11, 1948, namayapa siya.

5
NASYONALISTA SA TIMOG

Mustafa Kemal Ataturk

Siya ay sinilang sa Salonika, bahagi ng Imperyong Ottoman (Saloniki,


sa kasalukuyang Greece) noong ika-19 ng Mayo 1881 at nakapagtapos ng
pagaaral sa Military College at nagging sundalo noong 1899. Siya ay naging
kapitan ng Ottoman Army at nagsilbi sa 5th Army sa Damscus (Syria) hangang
noong 1907. Noong 1908, napatalsik sa trono si Sultan Abdul Hamid II dahil
sa inilunsad na kudeta sa pamumuno ng puwersa ni Kemal at hinahalihan
siya ni Mohammed V, noong 1909.

Noong Disyembre 1911, Siya ay naging susi sa isang pagkilos na


naganap sa Battle of Tobruk, na kalaunan sa huli napagtagumpayan parin ng
Italyano ang digmaang ito. Isa din si Mustafa sa hindi pumayag sa kasunduan
ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman nang matapos ang Unang
digmaan pandaigdig noong 1912, na kung saan binalak paghati-hatiaan ng
mga kanluraning bansa (France, Great Britain, Greece at Armenia). Sa
pamamagitan ng Grand National Assembly ng Turkey, hinimok niya ang
hiwalay na parliamento na magsagawa ng hiwalay na halalan at dito siya ay
nagsilbing tagapagsalita. Dahil sa katapangan ni Mustafa, nagkaroon ang
mga Turkung militar na kumilos at hingin ang kalayaan ng bansa.

Noong 1923, itinatag ni Mustafa Kemal ang kauna-unahang republika


sa Kanlurang Asya, ang Republic of Turkey. Kasabay nito mabilis niyang
pinatupad ang “Kemalism” o “Anim na Palaso” (Six Arrows) na naglalayon ng
Republikang Secular o ang pagtalikod sa teokratikong katangian ng imperyo
at ang paghihiwalay ng batas ng Islam o anumang bakas ng relihiyon sa batas
ng bansa. Ang pagpatupad ng sistemang legal na nakabatay sa pag-alis ng
hukumang panrelihiyon. Pagbibigay ng karapatang makilahok sa politikal
ang mga kababaihan. Pagpapatupad ng Kanluraning edukasyon. Pagbibigay
katuparan na maging industriyalisadong bansa ang Turkey. At sa huli, ang
pagbago ng pananamit na kung saan ipinagutos niya ang pagdamit ng
Kanluraning Amerikana at pagbabawal ng pagsusuot ng fez, ang pelus na
pulang sombrero ng damit Turkish. Kalaunan namatay si Kemal noong 1938.
Ngunit, bunga ng kanyang maayos na pamumuno at impluwensiya, kinilala
siya bilang Atatürk o “Ama ng mga Turk”., At nagkaroon ng sariling kasarinlan
ang mga Turk.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini

Noong Setyembre 24, 1902 isinilang si Ayatollah Khomeini, lumaki siya


sa pangangalaga ng kanyang nakakatandang kapatid matapos mamatay ang
kanyang ama dahil sa bandido at ina.

6
Nagsimula si Ayatollah Khomeini na maging aktibo sa larangan ng
politika noong 1962. Isa siya sa mga bumatikos sa karahasang isisinagawa
ng kanilang Shah sa mamayan at ang pagpanig at pangangalaga ng Shah sa
United States. Noong Hunyo 3, 1963, naaresto at nakulong Ayatollah
Khomeini dahil sa makasaysayang pagtatalumpati laban sa patuloy na
makadayuhang panghihimasok ng Israel at pagsuporta ng Shah ng Iran dito.
Nagkaroon naman ng malawakang pagsuporta ng mamayan kay Ayatollah
Khomeini na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa.

Ang pagsusulat at pangangaral niya laban sa kasalukuyang pamunuan


ng kanyang bansa ay naging dahilan upang ipatapon siya sa ibang bansa
tulad ng Iraq at Turkey noong Nobyembre 1964. Noong 1979, muling bumalik
si Ayatollah Khomeini sa Iran matapos mabuwag at mapatalsik ang Shah sa
pamamagitan ng Rebulusyong Islamic. Noong ika-20 na siglo kinilala siya
bilang isang malupit na lider dahil sa pagpapalabas ng parusang kamatayan
laban kina Salman Rushdie, isang manunulat na Ingles at tagapaglimbag na
aklat na may titulong Satanic Verses. Sa edad na 70 taong gulang namatay
si Ayatollah Khomeini noong Hunyo 3, 1989.

Tunay na maraming gumanap na lider para sa nasyonalismo sa Timog at


kanlurang Asya na nagpamalas ng pagiging makabayan at nagtagumpay na
matamo ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang mamayan at bansa.

\BAHAGING GINAMPANAN NG NASYONALISMO SA PAGBIBIGAY WAKAS


NG IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Ginampanan ng Nasyonalismo ang paglaya ng mga bansa sa kamay ng


imperyalismo, dahil mula sa pananaw ng mga Asyano ang pangingialam ng
mga Kanluraning bansa ay nakakasama sa kanilang ekonomiko, kultural at
political na pamumuhay.
Sa pagpapatuloy ng pangingialam ng mga bansang Kanluraning sa
Asya, iba’t ibang karanasan ang naranasan ng mga Asyano sa kamay nila. Sa
pangyayaring naganap hindi lamang isa ang namuong uri ng nasyonalismo
sa Timog at Kanlurang Asya. Magkaiba man ang anyo ng nasyonalismong
ginamit upang makamit ang kalayaan sa pagmamalabis ng mga mananakop,
ngunit pareho ang mithiin ng mga nasyonalistikong lider na tapusin ang
Imperyalismo at kolonyalismong namuo sa kanilang bansa.
Mayroong mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na nagkaroon ng
mapayapang gampaning nasyonalismo at mayroon namang nagpamalas sa
pamamagitan ng himagsikan. Mapayapang nasyonalismo ang kanilang
ginamit upang makamtan ang reporma at kasarinlan ng kanilang bansa
katulad ni Mahatma Gandhi at Ayatollah. Sa kabilang banda, mayroon ding
mga nasyonalista ang naglunsad ng himagsikan tulad ni Mustafa Kemal
Ataturk. Bagama’t magkaiba ang ginampanan ng nasyonalismo sa bawat
bansa, ninanais ng mga nasyonalista sa Asya na mabigyan ng kasarinlan at
maging malaya mula sa mga imperyalista.

7
Gawin Natin
Gawain 2: Tama o Mali.

Ngayon natapos munang basahin at iyo nang naunawaan ang


Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya, inaasahang masasagutan mo ang
mga sumusunod na katanungan. Tukuyin ang bawat salaysay kung ito ba ay
Tama o Mali. Isulat ang salitang Tama kung ito ay tama, at Mali kung ito ay
mali. Isulat ang inyong tamang sagot sa sagutang papel.
__________1. Ang Government Act of India ay naglalayon ng kalayaan sa mga
Ingles na manghimasok sa kasarinlan ng India.
__________2. Si Mahatma Gandhi ay nagpasimula sa Non-violent resistance
mula sa mga Ingles upang makuha ang kasarinlan ng India.
__________3. Naglunsad ng isang demonstrasyon si Gandhi upang ipakita ang
pagsuportra sa pagbubuwis ng Britanya sa mga produkto.
__________4. Ang Civil disobedience ay naghihikayat ng pagbili at pagtangkilik
ng mga produkto galing sa mga Ingles.
__________5. Si Ayatollah ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati
upang ipakita ang pagsupporta sa pamahalaang Shah ng Iran.
__________6. Sa pamahalaang tinatag ni Mustafa Kemal Ataturk,
pinahintulutan niya ang pakikilahok ng mga kababaihan sa halalan.
__________7. Ipinatupad ni Mustafa Kemal Ataturk, ang pagbago ng
pananamit at pagbabawal ng pagsusuot ng fez, ang pelus na pulang sombrero
ng damit Turkish.
__________8. Ang “Six Arrows” ay naglalayong paghiwalayin ang batas
panrelihiyon sa batas ng bansa.
__________9. Si Mustafa Kemal Ataturk, ang kauna-unahang nagtatag ng
Republika sa Kanlurang Asya.
__________10. Sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah sa Muslim League,
Nilalayon nito na pagkaisahin ang hiwalay na estado ng Muslim at Hindu.

8
Sanayin Natin

Gawain 3: Kaalaman Ko! Tiyak Ako!

Magaling at nasagutan mo ang mga Gawain sa itaas, upang malaman


natin ng maigi na naunawaan mo ang iyong binasa. Sagutan ang mga
sumusunod na katanungan sa ibaba, ilagay ito sa iyong sagutang papel.

A. Magbigay ng limang (5) panawagan ng civil disobedience ni Mahatma


Gandhi upang mapahina ang pampolitika at pangkabuhayan ng mga
Ingles sa India.
1. __________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________

B. Sa pagbuo ng Republic of Turkey, ipinatupad ni Mustafa Kemal ang


“Kemalism” Na naglalayon ng kasarinlan sa bansang turkey. Magbigay
ng lima (5) sa anim na katangian nito.
6. __________________________________________________________________
7. __________________________________________________________________
8. __________________________________________________________________
9. __________________________________________________________________
10. _______________________________________________________________

9
Gawain 4: Paggawa ng Sanaysay

Ngayon, muli mong kilalanin ang mga nasyonalistikong lider sa Timog


at Kanlurang Asya. Katulad ng mga namuno sa kilusang nasyonalismo,
sumulat ng isang sanaysay na may pamagat na “Bayan Kong Sinilangan” at
kung ano ang mga gawain ng isang karaniwang mamayan na katulad mo ang
maaring maipamalas ng pagmamahal sa bansa o kumunidad sa
kasalukuyang panahon. Ang batayan ng pagpupuntos sa iyong sanaysay ay
sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng tamang nilalaman at organisasyon.

“Bayan Kong Sinilangan”

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubriks/ Pamantayan

Kraytirya Natatangi Natutupad Nalilinang Nagsisimula


5 4 3 2
Nilalaman Tama ang May isa o May ilang Karamihan sa
lahat ng mga dalawa ang hindi akma sa ibinigay na
ibinigay nahindi akma sa mga ibinigay impormasyon
impormasyon. mga ibinigay na ay hindi
na impormasyon. akma.
impormasyon.
Kongklusyon Lubhang Malinaw na Hindi gaanong Malabo at
malinaw na naiugnay ang malinaw na hindi na
naiugnay ang pangunahing naiugnay ang naiugnay ang
pangunahing pananaw/ pangunahing pangunahing
pananaw/ kaisipan pananaw/ pananaw/
kaisipan nasyonalismo. kaisipan kaisipan
nasyonalismo. nasyonalismo. nasyonalismo.

10
Tandaan Natin

Binabati kita! Natapos mo ang mga paunang gawain sa modyul na


ito. Ang ibig sabihin nito ay may lubos ka nang pagunawa sa gampanin ng
Nasyonalismo sa paglaya sa kamay ng Imperyalismo sa Kanluran at Timog
Asya.
Ang sumusunod ay mahahalagang konsepto at ideya na nararapat
mong tandaan:
• Si Mahatma Gandhi ay naging malaking insperasyon dahil sa kanyang
tahimik na pamamaraan ng pagtutol sa pamahalaang Ingles.
• Ang Salt Act ay batas na kumukontrol sa pagbili ng asin sa pamilihan.
• Ang Government of India Act of 1935 ay ang pagbibigay ng higit na
kalayaan at pamumuno ang mga Indian sa mga lalawigang sakop ng
Ingles sa India.
• Ang Salt March ay ang paglalakad ng 240 milya patungong baybay
dagat na nilunsad ni Mahatma Gandhi.
• Si Mohamed Ali Jinnah o kilala bilang “Ama ng Pakistan” ay isang
abogado at pandaigdigang lider.
• si Mohamed Ali Jinnah ay namuno siya upang lumaya ang Pakistan sa
India sa pamamagitan ng Muslim League.
• Inihirang na kauna-unahang gobernador heneral si Mohamed Ali
Jinnah
• Si Mustafa Kemal ang nagtayo ng kauna-unahang republika sa
Kanlurang Asya, ang Republic of Turkey.
• Ang “Kemalism” o “Anim na Palaso” (Six Arrows) na naglalayon ng
Republikang Secular o ang paghihiwalay ng batas ng Islam at batas ng
bansa.
• Kinilala si Mustafa Kemal bilang Atatürk o “Ama ng mga Turk.
• Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini bumatikos sa karahasang
isisinagawa ng kanilang Shah sa mamayan.

11
Suriin Natin
Gawain 5: Panghuling Pagtataya.Lubos kitang binabati dahil
natapos mo ang mga paksa sa modyul na ito. Para sa huling
Pagtataya, susubukin ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa gampanin ng
Nasyonalismo sa paglaya sa kamay ng Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ang Nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan.


Nagbigay daan ito para ang Asyano ay matutong:
A. Makisalamuha sa mananakop.
B. Maging mapagmahal sa kapwa.
C. Maging laging handa sa panganib.
D. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.

2. Alin sa sumusunod ang laman ng talumpati ni Ayatollah?


A. Paglunsad ng programang industrial.
B. Pagboycot sa mga produktong Ingles.
C. Pangangaral laban sa kasalukuyang pamumuno ng Shah.
D. Pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam ng
Israel.

3. Bakit ipinatapon si Ayatollah sa ibang bansa tulad ng Turkey?


A. Dahil sa ginawa niyang makasaysayang talumpati.
B. Dahil siya ang naging sanhi sa kaguluhan sa bansa.
C. Dahil sa pagbatikos sa mga karahasang isinagawa ng Shah.
D. Dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa kasalukuyang
pamunuan.
4. Sino sa nasyonalistang lider na namuno upang lumaya ang Pakistan
mula sa India?
A. Mohandas Gandhi
B. Ayatollah Khomeini
C. Mohamed Ali Jinnah
D. Mustafa Kemal Ataturk
5. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng
bansang India?
A. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.
B. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian.
D. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles.
6. Marami ang paraan ng pagpapakita ng Nasyonalismo, alin sa
sumusunod ang maituturing manipestasyon ng nasyonalismo?
A. Pagiging mapagmalabis at sakim.
B. Pagtangkilik ng mamayan sa kultura ng ibang bayan.
C. Pagmamahal sa mga ideya at karunungan ng ibang bansa.
D. Pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mga mamayan sa isang
saloobin.

12
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng
nasyonalismo ni Gandhi?
A. Sumali sa halalan.
B. Abotin ang kalayaan gamit ang dahas.
C. Bilhin ang anumang gawa mula sa Britanya.
D. Pagboykot sa mga kasuotang yaring Britanya.

8. Bakit namuno sa kilusang pankasarinlan sa India si Mohandas K.


Ghandi?
A. Dahil sa hindi pantay na pagbubuwis.
B. Dahil sa diskriminasyon ng mga Ingles sa India.
C. Dahil sa pagsusulong ng karapatang kababaihan.
D. Dahil sa paghihiwalay ng Relihiyong Muslim at Hindu.

9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa Anim na Palaso?


A. Pagpapatupad ng edukasyon Kanluranin.
B. Paghahalo ng batas Islam sa batas ng Bansa.
C. Pagtatalaga ng pagbabago sa pananamit ng mg Turk.
D. Pagkakaloob ng karapatang makaboto ang mga kababaihan.

10. Bakit nakilala si Mohamed Ali Jinnah bilang Ama ng Pakistan?


A. Isinulong niya ang hiwalay na estado para sa Muslim.
B. Isinulong niya ang karapatan ng mga Muslim sa India.
C. Isinulong niya ang parehong estado ng Muslim at Hindu.
D. Isinulong niya ang pagkapantay-pantay ng Hindu at Muslim.

13
Payabungin Natin
Gawain 5: Simbolo Ko, Reaksyon Ko!

Sumulat ng isang Maikling sanaysay sa pahayag ni Mahatma Gandhi.


Isulat ang iyong reaksyon sa loob ng isang simbolong iyong maguguhit para
kay Gandhi. Ang batayan ng pagpupuntos sa iyong sanaysay ay sa
pamamagitan ng pagbibigay mo ng tamang nilalaman, paglalahad, mensahe
at kalinisan. Ang rubric sa pagsusulat ng sanaysay ay ilalahad sa ibaba.

“Mas malakas ang puwersa ng walang


karahasang lumalaban, Malaya sa poot at walang
armas na kailangan”

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubriks/Pamantayan
Pamantayan Natatangi (5) Natutupad (4) Nalilinang(3)
Tama ang lahat May isa o May ilang mali
Nilalaman ng mga ibinigay dalawang mali sa mga ibinigay
na datos o sa mga ibinigay na datos o
impormasyon. na datos o impormasyon.
impormasyon.
Lubhang Malinaw at Hindi gaanong
Paglalahad malinaw at nauunawaan malinaw at
nauunawaan ang paglalahad nauunawaan
ang ng mga datos. ang paglalahad
pagkakalahad ng ng mga datos.
mga datos.
Wasto ang Katamtaman ang Kulang ang
Mensahe detalye ng detalye ng mensahe sa
mensahe sa mensahe sa simbolo
simbolo. simbolo
Kahanga-hanga Malinis ang Makalat ang
Kalinisan ang simbolong pagkakaguhit pagkakaguhit
ginuhit.

14
Pagnilayan Natin
Gawain 6: Damdaming Pangkasarinlan Ko.

Dahil sa pagkakaisa ng mga taong bayan at mga lider na nanguna sa


hakbanging pankasarinlan, natamo ng Timog at Kanlurang Asya ang
kanilang kapayapaan na tinatamasa. Ngayon, Maari ka bang maging
mamayang tagapaglaganap ng kapayapaan sa iyong kumunidad katulad ng
mga nasyonalistang lider na namuno? Kung oo ang sagot, sumulat ka ng
isang panalangin para sa kapayapaan ng iyong kumunidad sa isang malinis
na papel at lagyan ito ng pamagat o title. Pagkatapos mo itong gawin, i-post
ito sa iyong social media platform kung maari. Ang batayan ng pagpupuntos
sa iyong ginawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay mo ng tamang nilalaman
at organisasyon.

“PAMAGAT”

Ang aking panalangin…______________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubriks/ Pamantayan

Kraytirya Natatangi Natutupad Nalilinang Nagsisimula


5 4 3 2
Nilalaman Tama ang May isa o May ilang Karamihan sa
lahat ng mga dalawa ang hindi akma sa ibinigay na
ibinigay nahindi akma sa mga ibinigay impormasyon
impormasyon. mga ibinigay na ay hindi
na impormasyon. akma.
impormasyon.
Organisasyon Lubhang Malinaw at Hindi Malabo at
malinaw at nauunawaan gaanong hindi
nauunawaan ang malinaw at nauunawaan
ang paglalahad ng nauunawaan ang
pagkakalahad mga sagot. ang pagkakalahad
ng mga sagot. paglalahad ng ng mga sagot.
mga sagot.

15
16
Gawain 1. Paunangg Gawain 2. Gawain 4.
pagtataya. Panghuling
1. d 1. Mali pagtataya.
2. d 2. Tama 1. d
3. d 3. Mali 2. c
4. b 4. Mali 3. d
5. a 5. Mali 4. c
6. d 6. Tama 5. c
7. Mali 6. d
7. c
8. Tama 7. d
8. d 9. Tama
9. c 8. d
10. Mali
10. d 9. b
10. a
Gawain 3
1. Pag-iwas sa pagbili ng produktong Ingles
2. Pag-iwas sa pagpasok sa paaralang pampubliko
3. Pagtutol sa pagbayad ng buwis
4. Pag-iwas sa pakikiisa sa halalan
5. Pag-boykot sa produktong Ingles
6. Pagtatag ng Republikang sekular
7. Pagboto ng mga kababaihan
8. Pagkakaroon ng Kanluraning Edukasyon
9. Pagkakaroon ng programng industriyalisasyon
10. Pagbabago ng kasuotan
Gawain 5. Nakabatay ang sagot sa Mag-aaral
Gawain 6. Nakabatay ang sagot sa Mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunia

Mga Aklat

Evelina Villoria, et al., Asya Tungo sa Pag-unlad. Vibal Publishing House, Quezon
City, Philippines. 2003.

Maria Carmelita Samson, et. al., Kayamanan. Rex Book Store, Inc., Manila,
Philippines, 2016.

Romelo M. Cruz, et al., Araling Asyano: Tungo sa Pagkakakilanlan. Vibal


Publishing House, Quezon City, Philippines. 2013.

Rosemarie Blando, et al., Araling Asyano. Eduresources Publishing, Inc., Pasig


City, Philippines. 2014.

Websites

www.britannica.com/biography

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like