You are on page 1of 24

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Subject: Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pamagat: Mga Isyu sa Kasarian sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Geselle B. De Leon
Editor:
Tagasuri: Geselle B. De Leon, Jed I. Bete
Tagasalin: Andrew James B. Buenavista
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag
mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-
iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay
mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-
unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Isang mapagpalang araw sa iyo! Sabik ka na ba para sa panibagong aralin na


iyong sasanayin? Sa araling ito ay matutukoy mo ang mga mahahalagang datos
tungkol sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan. Anu-ano ang mga anyo ng
diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at mga kasapi ng
LGBTQ? Anu-ano ang mga anyo ng diskriminasyon na nakasaad sa Republic Act
9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act? Panghuli, paano
nagbago ang gender roles sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng daigdig at bansang
Pilipinas?

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para sa


Baitang 10 na: Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan
at LBGT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender).

Tatalakayin dito ang iba’t ibang anyo ng diskriminasyon batay sa kasarian na


nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga kasapi ng LGBT. Tatalakayin
din natin ang iilang mga probisyon ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against
Women and their Children Act upang mas lubos mong maintindihan ang mga gawain
na ipinagbabawal ng batas patungkol sa karahasan sa mga kababaihan at kanilang
mga anak dahil sila madalas ang biktima ng pang-aabuso.

Napapaloob sa modyul na ito ang Aralin 2 na nagtatalakay sa mga Isyu sa


Kasarian at Lipunan. Nahahati ito sa sa mga sumusunod na paksa:

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT


Paksa 2: Karahasan sa mga Kalalakihan, Kababaihan at LGBT

Ang sumusunod ay ang mga layuning nararapat mong maisagawa pagkatapos


mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. natatalakay ang iba’t ibang anyo ng diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan


at LGBT.

2. naipaliliwanag ang iba’t ibang anyo ng karahasan sa kalalakihan, kababaihan


at LGBT.
Subukin Natin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak ng


iyong kaalaman tungkol sa mga isyu ng kasarian at lipunan na nangyayari sa ating
bansa. Isulat ang titik ng sagot na iyong napili sa sagutang papel.

Gawain 1: Paunang Pagtataya

______1. Ito ay tumutukoy sa hindi patas na pagtrato sa isang tao dahil sa taglay
niyang kasarian, pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan.
A. Discrimination C. Violence
B. Gender Role D. Foot Binding

______2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng sekswal na


karahasan batay sa probisyon ng Republic Act 9262 o kilala rin bilang Anti-Violence
Against Women and their Children Act?
A. paulit-ulit na pananampal
B. pagsira ng ari-arian sa tirahan.
C. pambubugaw sa isang babae
D. pagbawi sa suportang pinansyal sa ina at anak

______3 . Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng sikolohikal na karahasan na


nakapaloob sa Republic Act 9262?
A. pambabatikos o pamamahiya sa publiko
B. pagbawi sa suportang pinansyal sa biktima
C. pagtrato sa babae o anak nito bilang kagamitang sekswal
D. pagtanggi o pagbabanta ng pagtanggi na magbigay ng yamang pinansyal

______4. Alin sa sumusunod na artikulo ng Saligang Batas makikita ang probisyon na


kinikilala ng estado ang papel ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng bansa at
kinikilala nito ang pagkapantay-pantay na pagtingin sa batas sa mga kababaihan at
kalalakihan?
A. Artikulo II C. Artikulo XIII
B. Artikulo III D. Artikulo XIV

______5. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng
domestic violence o karahasan sa isang relasyon. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. biktima rin ang mga LGBT members
B. mga mag-asawa lamang ang biktima nito
C. natatamaan din ang mga kalalakihan ng domestic violence
D. babae, lalaki, at LGBT ay maaaring maging biktima ng domestic violence
______6. Ang karahasan sa kababaihan ayon sa UN ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita nito?
A. inutusan kang bumili
B. ininsulto sa maraming tao
C. pinagbabantaan ka na saktan
D. hinihipuan ka sa iyong katawan

______7 . Kailan maituturing na ang isang gawain ay karahasan para sa mga bakla,
bisexual at transgender?
A. ibinoto kang lider dahil ikaw ay magaling
B. hindi ka pinapansin sapagkat akala nila alam mo na lahat
C. pinagseselosan ka ng mga kababaihan dahil mas magaling at matalino ka.
D. pinagbantaan kang sabihin sa iyong pamilya ang iyong oryentasyong
sekswal.

______8. Kailan ipinagdiriwang ang International Day for the Elimination of Violence
Against Women?
A. October 25
B. November 25
C. December 10
D. December 12

______ 7. May diskriminasyon pa rin bang nararanasan ang mga kababaihan sa


kasalukuyan?
A. Oo, dahil mababa pa rin ang tingin sa mga kababaihan sa ating lipunan.
B. Oo, dahil may mga gawain pa rin na itinakda ng lipunan na hindi maaaring
gawin ng mga babae.
C. Wala na dahil lubos na natatamasa ngayon ng mga kababaihan ang
pantay na pagtrato sa lahat ng aspekto.
D. Wala na dahil may parusa na laban sa diskrminasyon sa mga kababaihan.

______10 .Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng Domestic Violence?


A. Nagseselos at palaging pinagdududahan na may ginagawang kahina-hinala
na humahantong sa pisikal na pananakit.
B.Pagbago sa kasarian sa pamamagitan ng pagpapaopera o sex
reassignment
C. Magandang pakikitungo ni Marco sa kaniyang asawa at mga anak.
D. Paggamit ng self-defense sa panahon ng pang-aabuso
Aralin Natin

Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

Ang pagkapantay-pantay sa kasarian (gender equality) ay isang malaking


hamon. Marami pa ring mga kababaihan ang biktima ng diskriminasyon kahit malaki
na ang kanilang ambag sa kaunlaran ng bansa. Maliban sa mga kababaihan, may
mga pagkakataon din na ang mga lalaki ang nagiging biktima ng diskrimasyon. Ayon
kay Pangulong Duterte (2019) pagdating sa mga karapatan sa pagkakapantay-pantay
ng kasarian at sekswalidad sa Timog-silangang Asya, ang Pilipinas ay may posibilidad
na maging isang outlier sa maraming mga aspeto. Ngunit sa maraming paraan
nagsisimula na ang bansang Pilipina upang mapalawak ang agenda kasama ang mga
kalapit na bansa.

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang na sex at gender ay magkaiba. Ang


sex ay ang biyolohikal at pisyolohikal na katangian at nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki habang ang gender naman ay ang panlipunang gampanin, kilos, at
gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Bawat tao ay may
magkaibang oryentasyong sekswal. Ilan dito ay ang homosekswal, heterosekswal,
bisexual at transgender.

Subalit nagbago ang gender roles lalong lalo na sa mga kababaihan sa


paglipas ng panahon sa kasaysayan. Mas nabibigyang kilala ang mga karapatan at
mas nabibigyan ng opurtunidad sa larangan ng edukasyon, pulitika at sa sektor ng
paggawa. Simula noong dekada 60, nagsimulang umusbong ang paglaganap ng
kultura ng mga LGBT sa Pilipinas dulot ng impluwensiya ng mga pangyayari sa ibang
bansa. Sa kasulukuyan, maraming mga samahang LGBT ang nabuo sa iba’t ibang
bahagi ng bansa.

Magkaiba rin ang gender roles ng mga pangkat etniko na matatagpuan sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig. May mga pangkat na tradisyunal ang papel ng babae. Ang
kababaihan ang inaasahan sa mga gawaing bahay at pag-alaga ng mga anak. May
mga pangkat naman na kakaiba ang kultura at pagtingin sa kababaihan. Ang mga
babae ay inaasahan sa pagtrabaho at paghanap ng makakain kaysa mga lalaki.

Sa hamon na kinakaharap ng bansa lalong lalo na sa aspekto ng mga isyung


pangkasarian, nararapat lamang natin na isabuhay ang nakasaad sa Saligang Batas
na kinikilala ang dignidad ng bawat tao at tinitiyak nito ang nuong pagrespeto sa mga
karapatang pantao (Artikulo II, Seksyon 11, 1987 Saligang Batas.
Sa bahaging ito ng aralin, malalaman mo ang ilang uri ng diskriminasyon na
kinakaharap ng mga babae, lalaki at LGBT. Inaasahan na magkakaroon ka ng mas
malalim na pag-unawa sa mga isyu ng diskriminasyon na may kinalaman sa kasarian.

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT

Ang diskriminasyon ay anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa
ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Kilalanin natin ang iilang mga personalidad sa nabibilang sa lahat ng kasarian


at oryentasyong sekswal na sa loob ng bansa at maging sa labas na may malaking
ambag sa iba’t ibang larangan na kanilang napili. Kung ikaw ay may telebisyon, radyo
o cellphone sa inyong tahanan, maaari rin na ikaw ay mag-obserba ng mga
kontribusyon ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang larangan upang mas lumawak pa
ang iyong kaalaman ukol sa ating paksa.

Personalidad Mga Ambag sa Napiling Larangan


Rodrigo Roa Duterte Ang pang labing-anim na pangulo ng Pilipinas. Dati ay
(lalaki) naging alkalde ng Davao City. Hindi maipagkakaila na
malaki ang naging pag-unlad ng nasabing lungsod sa
kanyang termino. Bilang kasalukuyang pangulo,
ipanapatupad niya ang maraming mga programa at
batas upang maiahon ang bansa sa kahirapan at sa
kasalukuyang krisis dulot ng COVID 19.

Emmanuel “Manny” D. Isang propesyonal na boksingero na naging kampyeon


Pacquiao (lalaki) sa walong dibisyon sa boksing. Kasalukuyan ay
senador at negosyante na patuloy na nagsisikap at
tumutulong sa mga nangangailangan.

Sara Duterte-Carpio Mas kilala bilang Inday Sara, isang babaeng abogada,
(babae) politiko at kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng
Dabaw. Siya ay anak ng Pangulo ng Pilipinas na si
Rodrigo Duterte.

Jessica Soho (babae) Isang news personality sa GMA Network na


nakatanggap na ng iba’t ibang pagkilala sa bansa at
maging sa ibang bansa.
Jake Zyrus (dati kilala Matapos ang sikat na pang-internasyonal na
bilang Charice katanyagang marahil isa sa pinakamalaking
Pempengco) pandaigdigang mga pop star na lumitaw mula sa
(Transgender man) Pilipinas, ang mang-aawit na Filipino pop, na dating
kilala bilang Charice, ay pinasimulan ang kanyang
kauna-unahang English single mula nang lumabas
bilang isang trans man.
Ellen Degeneres (lesbian) Tanyag na artista, manunulat, komedyante, at host ng
isang talk show na “The Ellen Degeneres Show”. Si
Ellen ay nakabase sa Estados Unidos.

Jose Marie Borja Vicereal Isang kilalang artista na tanyag sa mga palabas sa
“Vice Ganda” (gay) telebisyon, komedyante at tv host.
Isang propesor, kolumnista, manunulat at
Danton Remoto (gay) mamahayag. Naging tanyag sa pagbuo ng Ladlad,
isang samahang pulitikal na binubuo ng mga kasapi ng
LGBT.

Geraldine Roman Isang transgender na mambabatas na kasapi ng


(transgender) Mababang Kapulungan. Siya ang kinatawan ng
lalawigan ng Bataan.

Gawain 2: Kung may “K” mas Okey!

Matapos makilala ang ilang babae, lalaki at LGBT na naging matagumpay sa


kanilang napiling larangan, buuin ang talahayanan at magbigay ng dalawang
pangalan ng mga personalidad o mga kakilala na naging matagumpay rin sa kanilang
larangang napili. Isulat rin sa ibaba ng kanilang pangalan ang larangan o propesyon
na kanilang kinabibilangan.

LALAKI BABAE LGBT


1. 1. 1.

2. 2. 2.

Mga Pamprosesong tanong:

1. Naging madali ba sa iyo ang pamimili ng mga personalidad? Bakit?

2. Sa iyong palagay,naging hadlang ba o hindi ang mga gawaing napili ng isang


indibidwal kahit hindi akma sa kanyang kasarian? Ipaliwanag.
Paksa 2: Karahasan sa mga Kalalakihan, Kababaihan at LGBT

Mga Probisyon sa Republic Act 9262 –


Anti-Violence Against Women and their Children Act

Ang karahasan laban sa mga kababaihan at mga anak at tumutukoy sa mga


kilos o gawain ng isang tao sa isang babae na: kanyang asawa, dating asawa, ka-
relasyong sekswal, kasintahan, isang babae na mayroon silang anak, o sa kaniyang
mismong anak, legal man sa ilalim ng batas o hindi, nasa pamamahay man ng pamilya
o wala, na nagresulta o maaaring magresulta sa pisikal, sekswal o sikolohikal na sakit
o pagdurusa o abusing pang-ekonomiko o banta sa mga naturang gawa. Ilan sa mga
uri ng karahasan ay ang sumusunod:

A. Pisikal na Karahasan – tumutukoy sa mga gawa na nagdudulot ng sakit sa


aspektong pisikal o pangangatawan.

B. Sekswal na Karahasan – mga gawain na likas na sekswal na nagawa sa isang


babae o sa anak nito. Kabilang dito ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

1) Panggagahasa, sekswal na dahas, acts of lasciviousness, pagtrato sa


babae o anak nito bilang kagamitang sekswal,
2) Pambubugaw sa isang babae o sa isang bata.

C. Sikolohikal na Karahasan - tumutukoy sa mga gawa o pagpaliban na nagdulot


ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima tulad ngunit hindi limitado sa
pagbabanta, paghaharas, pagmamanman, pagsira ng ari-arian, pambabatikos o
pamamahiya sa publiko, paulit-ulit na berbal na pang-aabuso at pagtataksil sa asawa.

D. Ekonomikong Pang-abuso – tumutukoy sa mga gawa na sinusubukan ang


babae na maging financially dependent kabilang ngunit hindi limitado sa mga
sumusunod:

1) Pagbawi sa suportang pinansyal o pagpigil sa biktima na pumasok sa


isang legal na propesyon, trabaho, negosyo o gawain maliban na lamang
sa mga sitwasyon kung saan ang asawa ay tutol sa valid, seryoso at moral
na batayan na nakasaad sa Artikulo 73 ng Family Code;

2) Pagtanggi o pagbabanta ng pagtanggi na magbigay ng yamang pinansyal


at karapatan na gamitin ang mga ari-arian na parehong pinagmamay-ari.

3) Pagsira ng ari-arian sa tahanan

3) Pagkontrol sa pera at ari-arian ng biktima, mag-isang pagkontrol sa


conjugal na pera o ari-arian.
Gawin Natin
Gawain 3: Ulat-Suri

Panuto: Basahin mong mabuti ang ulat na nailathala, Pagkatapos ay sagutin


ang sumusunod na pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

Higit 3,600 na Kaso ng Karahasan sa mga Kababaihan at Bata ang Naiulat


simula nang maglockdown – Ulat ni Pangulong Duterte

Inulat ni: Christia Marie Ramos


Nailathala sa: https://newsinfo.inquirer.net/1288275/over-3600-cases-of-violence-
against-women-children-reported-since-lockdown-duterte-report
Nailathala noong: Hunyo 8, 2020
Isinalin ni: Andrew James B. Buenavista

Higit 3,600 na kaso ng karahasan sa mga kababaihan at mga bata ang naiulat
sa mga kinauukulan simula nang mag-utos ang pamahalaan ng Enhanced Community
Quarantine sa buong Luzon sa kalagitnaan ng Marso. Sa ulat ng Pangulong Rodrigo
Duterte sa Kongreso, binanggit niya na batay sa datos na nakalap noong Hunyo 4,
2020, ang Pambansang Pulisiya ay nakapagtala ng 1,945 na kaso ng karahasan sa
mga kababaihan at 1,745 na kaso ng karahasan sa mga bata.

Ang PNP Women and Children Protection Desks ay nakikipagtulungan sa mga


lokal na pamahalaan upang masiguro na ang kapakanan ng mga kababaihan at mga
bata ay nabibigyan ng proteksyon, ayon sa ulat. Dagdag pa rito, ang Philippine
Commission on Women sa pamamagitan ng Inter-Agency Council on Violence
Against Women at ang kanilang Children Secretariat ay aktibong nagbibigay ng tugon
sa mga mahalagang mga katanungan sa pamamagitan ng iba’t ibang electronic
platform.

Dagdag pa ni Duterte, ang Philippine Commission on Women ay patuloy na


ipanapatupad ang Violence Against Women Referral System na nagtataguyod ng
pambansang mekanismo sa pagmomonitor at pagbaba ng bilang ng karahasan na
nakabatay sa kasarian. Binanggit ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang
pagkabahala sa posibleng pagdami ng pang-aabuso dulot ng lockdown.

Dagdag ni Hontiveros, dahil sa pamamalagi sa tahanan at stress dulot ng krisis


sa ekonomiya dulot ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang mga bata at
babe sa bansa na kasama ang mga mapang-abuso sa iisang tahanan ay vulnerable
sa karahasan. Ito ay nakababahala dagdag ni Hontiveros. Binanggit din niya ang
mga ulat ng pagtaas ng kaso ng karahasan sa tahanan sa mga lungsod at bansa na
nagpatupad ng kaparehong quarantine measure. Ang lockdown ay hindi dapat maging
dahilan upang tayo ay maging pabaya sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga kababaihan
at ng mga bata ayon kay Hontiveros.
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa ulat, ano ang dahilan kung bakit naging vulnerable ang mga babae at
bata sa karahasan? Ipaliwanag.

2. Ibigay ang mga hakbang ng ginawa ng pamahalan para maprotektahan ang


mga kababaihan at kabataan laban sa karaharasan. Isa-isahin ito.

3. Bilang isang kabataan, magbigay ng sariling mungkahi kung paano maiiwasan


ang ganitong sitwasyon sa loob ng tahanan o maging sa labas?

Ang karahasan sa mga kababaihan ay isang pandaigdigang isyu. Dahil dito,


itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence
Against Women. Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership and Action) ay isang partylist na may isang upuan sa
Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ipinaglalaban ng naturang grupo ang karahasan
laban sa mga kababaihan.

7 Deadly Sins Against Women Ayon sa Samahang GABRIELA

1. Pambubugbog/pananakit Ayon sa Artikulo II, Seksyon 14 ng


2. Panggagahasa Saligang Batas: The State recognizes
3. Incest/Iba pang sekswal na the role of women in nation building, and
pang-aabuso shall ensure the fundamental equality
4. Sexual Harassment before the law of women and men.
5. Sexual Discrimation at Explotation Ang paggalang sa tao anuman ang
6. Limitadong Access sa Reproductive kasarian nito ay isang pagpapahayag ng
Health pagiging Maka-Diyos, Maka-tao at
Makabansa.
7. Sex Trafficking at Prostitusyon

Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima
ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan
sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay
may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan
din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

Dagdag nito, ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development


Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development
(USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang
mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal,
pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit
na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012
may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.
Ayon sa ulat Unitied Nations Covid 19 Response (2020), dahil sa mga
paghihigpit sa pananatili sa bahay, maraming mga kabataan ng LGBT ang nakakulong
sa kaniyang kapaligiran kasama ang mga hindi suportadong miyembro ng pamilya,
na nagdaragdag ng kanilang pagkakalantad sa karahasan at pinagmulan ng
despresyon at kalungkutan.

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan sa Iba’t Ibang bahagi ng Daigdig

Maraming kababaihan sa loob man o sa labas ng bansa ay nakararanas ng


pang-aalipusta, hindi pantay at makatarungang pakikitungo na minsan ay
humahantong sa karahasan. Ang mababang pagtingin sa mga kababaihan ay bahagi
pa rin ng kultura sa iilang lipunan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Foot Binding sa Tsina


Ang foot binding, lutos feet o lily feet ay isinasagawa sa mga sinaunang babae
sa Tsina. Pinapaliit ang mga paa nila hanggang tatlong pulgada sa pamamagitan ng
pagbalot ng isang bakal o bubog sa talampakan. Pasusunurin ang korte ng paa sa
bakal o bubog sa pamamagitan ng paunti-unting pagbali sa buto ng mga paa gamit
ang telang ibinalot sa buong paa.

Ayon sa tradisyon, ang pagkakaroon ng ganitong klase na mga paa ay


kinikilalang simbolo ng yaman, ganda at karapat-dapat sa pagpapakasal. Ang mga
babae na may lotus feet ay nakararanas ng limitasyon sa pagkilos, pakikilahok sa
politika at pakikisalamuha dahil sa kalagayan ng kanilang mga paa. Ang tradisyong ito
ay ipinagbawal sa Tsina sa pamumuno ni Sun Yat Sen noong 1911 dahil sa
masamang dulot nito sa mga kababaihan.

Breast Ironing sa Cameroon

Ang breast ironing o breast flattening ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng


dibdib ng batang nagdadalaga gamit ang bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
May sampung rehiyon sa bansang Cameroon kung saan ito ay isinasagawa. May
iilang bansa rin sa kontinente ng Aprika na gumagawa nito tulad ng Benin, Chad, Cote
de Ivoirie (Ivory Coast), Guinea, Guinea-Bissau, Kenya, Togo at Zimbabwe.
Mapanganib sa kalusugan ng mga kababaihan ang naturang gawain. May
pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang
pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa.

Female Genital Mutilation sa Africa at Kanlurang Asya


Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda)
nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ayon sa datos ng World
Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang
Asya.
Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga
babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng
tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.

Sanayin Natin

Gawain 4: Go…Go…Go… Power


Panuto: Gamit ang talahanayan, magbigay ng tatlong paraan kung paano
mapigilan ang karahasan sa mga kababihan,kalalakihan at LGBT. Isulat ito sa
ikalawang hanay. Sa ikatlong hanay naman isulat ang tatlong paraan kung paano
mapagtitibay ang karapatan ng kababaihan, kalalakihan at LGBT.

Paano Mapagtibay Paano Mapipigilan


Babae 1.1 2.1

Lalaki 1.2 2.2

LGBT 1.3 2.3


Tandaan Natin

Nararapat mong tandaan ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

• Ang diskriminasyon ay anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

• Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang


relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay
hindi madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t
ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din
na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

• Ang karahasan laban sa mga kababaihan at mga anak at tumutukoy sa mga


kilos o gawain ng isang tao sa isang babae na: kanyang asawa, dating asawa,
ka-relasyong sekswal, kasintahan, isang babae na mayroon silang anak, o sa
kaniyang mismong anak, legal man sa ilalim ng batas o hindi, nasa pamamahay
man ng pamilya o wala, na nagresulta o maaaring magresulta sa pisikal,
sekswal o sikolohikal na sakit o pagdurusa o abusing pang-ekonomiko o banta
sa mga naturang gawa.

• Maraming kababaihan sa loob man o sa labas ng bansa ay nakararanas ng


pang-aalipusta, hindi pantay at makatarungang pakikitungo na minsan ay
humahantong sa karahasan. Ang mababang pagtingin sa mga kababaihan ay
bahagi pa rin ng kultura sa iilang lipunan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Suriin Natin

Gawain 5: Piliin Mo Ako

Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong natutunan tungkol sa mga paksang


tinalakay sa mga nakaraang pahina. Basahing mabuti ang bawat tanongI. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa 7 Deadly Sins Against Women
ayon sa samahang GABRIELA?
A. prostitusyon
B. panggahasa
C. pagtaksil ng asawa
D. pambubugbog o pananakit

______2. Ito ay tumutukoy sa hindi patas na pagtrato sa isang tao dahil sa taglay
niyang kasarian, pisikal o mental na kaanyunan na tila naiiba sa karamihan.
A. Discrimination C. Violence
B. Gender Role D. Foot Binding

______3. Alin sa sumusunod na artikulo ng Saligang Batas makikita ang probisyon na


kinikilala ng estado ang papel ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng bansa at
kinikilala nito ang pagkapantay-pantay na pagtingin sa batas sa mga kababaihan at
kalalakihan?
A. Artikulo II C. Artikulo XIII
B. Artikulo III D. Artikulo XIV

_______4. Ano ang pangunahing tanggapan na nagkakalap ng mga datos sa upang


mabuo ang National Demographic Health Survey?
A. Philippine National Police
B. Philippine Commission on Women
C. Department of Social Welfare and Development
D. National Statistics Office, ngayon ay Philippine Statistics Authority

______5 . Kailan maituturing na ang isang gawain ay karahasan para sa mga bakla,
bisexual at transgender?
A. ibinoto kang lider dahil ikaw ay magaling
B. hindi ka pinapansin sapagkat akala nila alam mo na lahat
C. pinagseselosan ka ng mga kababaihan dahil mas magaling at matalino ka.
D. pinagbantaan kang sabihin sa iyong pamilya ang iyong oryentasyong
sekswal.
______6. Paano isinasagawa ang Breast Ironing na ginagawa sa iilang babae sa
Cameroon at sa ilang bansa sa kontinente ng Aprika?
A. Pambubugbog sa dibdib ng mga kababaihan.
B. Pagtuturok ng medisina sa dibdib ng mga kababaihan
C.Pagbabayo ng dibdib sa pamamagitan ng bato/martilyo na pinainit
D.Sadyang pagsugat ng dibdib ng mga kababaihan na bahagi ng kultura.

______ 7. May diskriminasyon pa rin bang nararanasan ang mga kababaihan sa


kasalukuyan?
A. Oo, dahil mababa pa rin ang tingin sa mga kababaihan sa ating lipunan.
B. Oo, dahil may mga gawain pa rin na itinakda ng lipunan na hindi maaaring
gawin ng mga babae.
C. Wala na dahil lubos na natatamasa ngayon ng mga kababaihan ang pantay
na pagtrato sa lahat ng aspekto.
D. Wala na dahil may parusa na laban sa diskrminasyon sa mga kababaihan.

______8. .Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng Domestic Violence?


A. Nagseselos at palaging pinagdududahan na may ginagawang kahina-hinala
na humahantong sa pisikal na pananakit.
B. Pagbago sa kasarian sa pamamagitan ng pagpapaopera o sex
reassignment
C. Magandang pakikitungo ni Marco sa kaniyang asawa at mga anak.
D. Paggamit ng self-defense sa panahon ng pang-aabuso

______9. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng
domestic violence o karahasan sa isang relasyon. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. biktima rin ang mga LGBT members
B. mga mag-asawa lamang ang biktima nito
C. natatamaan din ang mga kalalakihan ng domestic violence
D. babae, lalaki, at LGBT ay maaaring maging biktima ng domestic violence

______10. Ang karahasan sa kababaihan ayon sa UN ay anumang karahasang


nauugat sa kasarian na humantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita nito?
A. inutusan kang bumili
B. ininsulto sa maraming tao
C. pinagbabantaan ka na saktan
D. hinihipuan ka sa iyong katawan
Payabungin Natin
Gawain 6: Maraming Salamat Po!
Panuto: Basahin nang maayos ang ulat na nailathala at sagutin ang mga katanungan
na nasa ibaba.

Lungsod ng Dabaw Magbibigay ng Libreng Payo at Serbisyong Legal sa mga


Biktima ng Domestic Violence

Inulat ng: Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw


Nailathala sa:https://www.davaocity.gov.ph/local-government/davao-city-offers-
freelegal-service-for-victims-of-domestic-violence/
Isinalin ni: Andrew James B. Buenavista

Ang pamahalaang lokal ng Lungsod ng Dabaw ay nagbibigay ng libreng payo


at serbisyong legal para sa biktima ng domestic violence at mga mag-asawa na
nakararanas ng problema sa kanilang pagsasama lalong lalo na ngayong panahon ng
pandemya dulot ng COVID-19.
Ayon kay Lorna Mandin, Head ng Integrated Gender and Development
Division, ang kanyang tanggapan ay tintingnan sa negatibong epekto ng COVID-19
sa mga mag asawa at pamilya.
Tinitingnan na natin ang mga posibleng epeko lalong-lalo na sa pangkaisipan
dahil kung ating titingnan, marami ang nasa bahay lang, marami ang nawalan ng
trabaho, posible rin na magkulang ang suplay ng pagkain, amin talagang tinitingnan
na tataas ang kaso ng dometsic violence.
Para sa mga naturang serbisyo, ang IGDD ay nagtaguyod ng mga hotline para
sa mga Dabawenyo na nangangailangan ng payo sa kanilang pagsasama at iyong
mga nais magsumbong ng mga kaso ng karahasan. Maaaring tumawag sa 226 8011
mula 7:00 am – 5:00 pm, Lunes – Biyernes at 0923 7498003 na bukas 24 oras. Ang
Kean Gabriel Hotline para sa mga batang inabuso ay 0908 8184444 ay bukas rin 24
oras.
Dito sa IGDD, may mga abogado tayo na nagbibigay ng payo at serbisyong
legal, nagsasagawa ng pagsasampa ng mga kaso, family conferences at iba pang
mga legal na hakbang para makatulong sa mga tao. Maaari silang tumawag sa mga
naturang numero upang hindi na sila personal na pupunta ng opisina lalo na may
COVID-19 pandemic banggit ni mandin.
May mga kagamitan rin sa adbokasiya at pag-aaral ang kanilang inilakip sa mga
food packs na pinamimigay lokal na pamahalaan upang patuloy na malaman ng mga
Dabawenyo paano magkaroon ng maayos na paligid sa kanilang mga tahanan.Wala
namang kaso ang naiulat na paglabag sa Republic Act 9262 sa panahon ng
community quarantine ngunit ang kanyang tanggapan ay di dapat magkumpyansa
dahil may mga posibleng kaso ng karahasan ang di naiuulat.
Mga Tanong:

1. Ang mga posibleng dahilan ng pagtaas ng kaso ng karahasan sa mga


kababaihan at kalalakihan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________.
2. Ang mga hakbang na ginawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Dabaw
upang tugunan ang kaso ng mga karahasan laban sa mga kababaihan at sa
mga bata.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________.
Pagnilayan Natin

Sa araling ito nasaksihan mo ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon at


karahasang nararanasan ng babae, lalaki at LGBT. Walang pinipiling edad, bansa,
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ang mga biktima nito. Ang
pagkapantay-pantay sa kasarian (gender equality) ay isang malaking hamon para sa
lahat.
Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa
kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng
pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin
sila ng diskriminasyon at karahasan. Subalit nagbago ang gender roles lalong lalo na
sa mga kababaihan sa paglipas ng panahon sa kasaysayan. Mas nabibigyang kilala
ang mga karapatan at mas nabibigyan ng opurtunidad sa larangan ng edukasyon,
pulitika at sa sektor ng paggawa.
Gawain 5 – Piliin Mo Ako Gawain 1
Suriin Natin Unang Pagtataya
1.C 1.A
2.A 2.C
3.A 3.A
4.D 4.A
5.D 5.D
6.C 6.A
7.B 7.C
8.A 8.B
9.D 9.A
10.A 10.A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Books

Dallo, E., Antonio, E., Imperial, C., Samson, M.C. and Soriano, C. (2016).
KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang Aklat sa
Araling Panlipinan. Manila City, Metro Manila, Philippines: Rex Printing
Company Inc.

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Gabay para sa Guro sa


Araling Panlipunan 10 pahina 262-285

Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Modyul para sa


Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10 pahina 284-307

Online Resources:
2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) | Philippine Statistics
Authority.” n.d. Accessed January 20, 2021. https://psa.gov.ph/content/2013-
national-demographic-and-health-survey-ndhs.

“Jake Zyrus Opens Up About Coming Out As Trans in the Spotlight | Billboard |
Billboard.” n.d. Accessed January 20, 2021.
https://www.billboard.com/articles/news/pride/8475855/jake-zyrus-diamond-
trans-suicide-attempt.

“Over 3,600 Cases of Violence against Women, Children Reported since Lockdown -
Duterte Report | Inquirer News.” n.d. Accessed January 20, 2021.
https://newsinfo.inquirer.net/1288275/over-3600-cases-of-violence-against-
women-children-reported-since-lockdown-duterte-report.

“Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 |
Philippine Commission on Women.” n.d. Accessed January 20, 2021.
https://pcw.gov.ph/republic-act-9262-anti-violence-against-women-and-their-
children-act-of-2004/.

“UN Supports LGBTI Community during COVID-19 Pandemic | United Nations.” n.d.
Accessed January 20, 2021. https://www.un.org/en/coronavirus/un-supports-
lgbti-community-during-covid-19-pandemic.

“Will Duterte Help Win the Battle for Gay Rights in the Philippines? – The Diplomat.”
n.d. Accessed January 20, 2021.https://thediplomat.com/2019/08/will-duterte-
help-win-the-battle-for-gay-rights-in-the-philippines/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division
DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like