You are on page 1of 40

7

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Princess Marjorie D. Canlas
Tagasuri: Angelica M. Burayag PhD
Mary Jane P. Soriano
Rodel D. Lintag
Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino
Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Inihanda ang modyul na ito nang sa gayon ay iyong mapakinabangan at


magsilbing gabay tungo sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman mula sa mga araling
tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 7.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Leksyon 1 – Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang


Asya
Leksyon 2 – Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Matapos mong maisakatuparan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa
pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya;
2. nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Timog at Kanlurang Asya sa
pagtatamo ng kalayaan mula sa kolonyalismo hanggang sa kilusang
nasyonalismo; at
3. nakikilala ang mga nasyonalistang nanguna sa kani-kanilang bansang
matatagpuan sa Timog at Kanlurang Asya.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Siya ang nangunang pinunong nasyonalista sa India na nagpakita ng


mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi

2. Siya ay isang abogado at pandaigdigang lider na namuno sa samahang Muslim


League at nakilala bilang “Ama ng Pakistan”.
A. Jawaharlal Nehru C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk

3. Siya ang lider na nakaranas na maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey


at Iraq.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mohandas Gandhi

4. Siya ang naging kapitan ng Ottoman Army at nagbigay-daan sa kalayaan


ng Turkey.
A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk

5. Siya ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia.


A. Ayatollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

6. Ito ay ang pagsama ng biyudang babae sa libing ng kanyang yumaong asawa.


A. Amritsar Massacre C. Holocaust
B. Female Infanticide D. Suttee

7. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga


Jew o Israelite.
A. Amritsar Massacre C. Rebelyong Sepoy
B. Holocaust D. Zionism

8. Ito ay tumutukoy sa pag-uwi ng mga Jew sa Palestine mula sa iba’t ibang panig
ng daigdig.
A. Ahimsa C. Suttee
B. Balfour Declaration D. Zionism

2
9. Ito ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa
pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
A. Aggressive Nationalism C. Rebelyong Sepoy
B. Defensive Nationalism D. Suttee

10. Ito ang samahang naitatag sa panig ng mga Hindu na may layuning makamit
ang kalayaan ng India.
A. All Indian National Congress C. Muslim League
B. Civil Disobedience D. Non-Violence

11. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa


pamumuno ni Gandhi upang ipakita ang pagtutol sa pamahalaang Ingles?
A. Agresibong Nasyonalismo C. Passive Resistance
B. Armadong Himagsikan D. Zionism

12. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nabago ang pamumuhay ng mga
Indian. Nabago ang pamamahagi ng mga lupain at napilitang mag-aral ng
wikang Ingles ang mga manggagawa upang mapaunlad ang kakayahan sa
paghahanapbuhay. Ano ang implikasyon nito?
A. Nag-away-away ang mga Asyano.
B. Naghimagsik ang mga Indian sa mga Ingles.
C. Ang pananakop ay lalong nagpahirap sa mga Indian.
D. Ang mga Indian ay nakipaglaban sa mga Nazi German.

13. Sa pananatili ng mga Ingles sa India, maraming pagbabago ang kanilang


ipinatupad. Ilan sa mga ito ang pagbabawal sa Female Infanticide at Suttee.
Bakit naging dahilan o salik ang mga ito sa pag-usbong ng nasyonalismo ng
mga Indian?
A. Hindi angkop ang ipinatupad sa kultura ng mga Indian.
B. Naging daan ang mga ito sa pagsidhi ng pagtatangi ng lahi.
C. Hindi nagustuhan ng mga Indian ang mababang katayuan ng
mga kababaihan.
D. Lalong naghirap ang kabuhayan ng mga Indian sa malupit
na pamamalakad.

14. Kailan lumaya ang bansang India mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto 15, 1947 C. Oktubre 15, 1947
B. Hulyo 15, 1947 D. Setyembre 15, 1947

15. Ipinalabas ng mga Ingles na bubuksang muli ang Palestine para sa mga Jew o
Israelita para maging homeland o maging kanilang tahanan. Dito nag-ugat ang
problema ng mga Jew at mga Muslim dahil nagsimulang bumalik ang mga Jew
sa nasabing lugar.
A. Balfour Declaration C. Sistemang Mandato
B. Holocaust D. Zionism

3
Aralin
Nasyonalismo sa Timog
1 at Kanlurang Asya

Mula sa nakaraang aralin ay ating nabatid ang naging


karanasan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng mga
kolonyalista at imperyalistang kanluranin. Ngayon naman ay ating
tutukuyin ang ipinakitang nasyonalismo ng mga Asyano laban sa mga
patakarang ipinatupad ng mga dayuhan sa kanilang bansa.

Balikan

I. Panuto: Punan ang hinihinging kasagutan ng ice cream graphic organizer na


matatagpuan sa ibaba at pagkatapos ay bigyan ng maikling
pagpapaliwanag ang bawat isa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Unang Salik:
Paglalarawan:

Ikalawang Salik:
Paglalarawan:

Ikatlong Salik:
Paglalarawan:

Ikaapat na Salik:
Paglalarawan:

IKALAWANG YUGTO NG
PANANAKOP
(APAT NA PANGUNAHING SALIK)

4
Kung ang apat na salik na mga sagot na iyong inilapat ay binubuo ng
Nasyonalismong Europeo, Rebolusyong Industriyal, Kapitalismo, at White Man’s
Burden, ay nagagalak akong batiin ka sapagkat matagumpay mong naunawaan ang
araling ating tinalakay noong nakaraan.

II. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Mula sa mga pagpipilian ay
tukuyin ang wastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

_______________1. Isang anyo ng imperyalismo na kung saan ang mahinang


bansa ay may sariling pamahalaan ngunit ang kautusan at
patakaran ay nanggagaling pa rin sa imperyalistang bansa.
_______________2. Sa pagkakaimbento ng mga makinarya at pagawaan sa
Europa, ano ang kinailangan nila mula sa mga bansang
Asyano upang makabuo ng mga yaring produkto?
_______________3. Ito ay nangangahulugang ang mga Asyano ay pabigat sa
mga kanluranin.
_______________4. Ito ay panahon sa Europa na kung saan dumami ang mga
produktong ginagawa dahil sa pagkakaimbento ng mga
makinarya sa pabrika.
_______________5. Ito ay anyo ng imperyalismo na kung saan ang isang bansa
ay tuwirang pinamamahalaan ng isang
imperyalistang bansa.
_______________6. Pamumuhunan ng mga mangangalakal sa taniman at
minahan sa Asya upang lalong dumami ang tubo at kita.
_______________7. Dahil sa pananakop ng mga Kanluranin, nagkaroon ng Fixed
Border o ________________ ang teritoryo ng bawat bansa.

5
_______________8. Ang mga kaisipang liberal ay nakatulong sa pagpukaw ng
damdaming _________________.
_______________9. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin,
_______________ ang naging pakay ng mga Europeo.
_______________10. Ito ay naging instrumento upang payapain ang mga
nasasakupan, ngunit naging instrumento rin sa
pagkakaroon ng kaisipang liberal ng mga Asyano.

6
Tuklasin

Sa bahaging ito ay iyo nang tutuklasin ang mga bagong kaalamang


handog ng bagong leksyon. Hindi lamang ang nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya ang iyong mababatid, kung hindi pati na rin ang mga
nasyonalistang nanguna sa kani-kanilang bansang matatagpuan sa
dalawang nabanggit na rehiyon. Huwag kang mangamba sapagkat ako’y
narito upang ika’y gabayan, kung kaya’t halina at simulan mo ito sa
pagsagot ng paunang gawain.

A.
Panuto: Suriin ang bahagi ng liriko mula sa awiting pinamagatang “Pilipinas Kong
Mahal” at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang
papel.

Ang bayan ko’y tanging ikaw,


Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo’y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo’y babantayan
Pilipinas kong hirang
- Ildefonso Santos

Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.


1. Ano ang nais ipahiwatig ng awitin?
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong simpleng pamamaraan, paano mo maipakikita ang iyong
pagmamahal sa bayan?
___________________________________________________________________________

7
B.
Panuto: Magbigay ng apat na salitang maaaring maiugnay sa katagang
NASYONALISMO at isulat ito sa iyong sagutang papel.

NASYONALISMO

8
Suriin

Nakahanda ka na bang mabatid ang mga bagong


kaalamang iyong matutunghayan patungkol sa nasyonalismo sa
Timog at Kanlurang Asya? Sino-sino ang mga nasyonalistang
nanguna at kinilala ng kanilang kinalakihang bansang
matatagpuan sa dalawang rehiyong nabanggit? Ano-ano ang
kanilang mga naging gampanin? Halina at alamin ang mga sagot
para sa mga katanungang ito.

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan, at


pananamantala ng mga bansang kanluranin sa mga bansang
Asyano, ang siyang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo
sa Asya.

NASYONALISMO

Ang katagang ito ay tumutukoy sa damdaming


makabayang maipakikita sa pamamagitan ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. Ito ay
may iba’t ibang anyo tulad na lamang ng tinatawag na
Defensive Nationalism o mapagtanggol na
nasyonalismo, at Aggressive Nationalism o mapusok
na nasyonalismo.

PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

Nasyonalismo sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay-


daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo rito.
Nagtataglay man ng iba’t ibang wika at relihiyon ang mga
Indian, sila pa rin ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at
makabuo ng isang malayang bansa.

9
MGA SALIK SA PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

1. Pinakinabangan nang husto


ng mga Ingles ang likas na
yaman ng India.

2. Pagpapairal ng mga patakarang hindi angkop


sa kulturang Indian.

➢ Pagpapatigil sa Sati o Suttee na


tumutukoy sa pagpapatiwakal ng mga
biyudang babae at pagsama sa libing ng
namatay sa asawa.

➢ Pagpapatigil sa Female Infanticide o


ang pagpatay sa mga batang babae upang
hindi maging suliranin at pabigat sa
kanilang magulang pagdating ng
panahong siya ay mag-asawa.

3. Hindi pantay na pagtingin sa kanilang lahi


o Racial Discrimination na naging dahilan
upang sumiklab ang pag-aalsa ng mga
Sepoy.

Rebelyong Sepoy – tumutukoy sa pag-aalsa


ng mga Sepoy o sundalong Indian laban sa
mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng
lahi o racial discrimination.

10
4. Amritsar Massacre – maraming
mamamayang Indian ang namatay sa isang
selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga
sundalong Ingles na ikinamatay ng 379
katao at mayroong halos 1200 na katao ang
nagtamo ng mga sugat.

Nagkaroon naman ng hiwalay na


pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang
magkaibang pananampalataya. Naitatag ang
All Indian National Congress sa panig ng
mga Hindu na ang layunin ay makamtan ang
kalayaan ng bansang India. Naitatag naman All Indian National
ang All Indian Muslim League (Muslim Congress
League) noong 1906 sa pangunguna ni
Mohamed Ali Jinnah kung saan ang interes
ng mga Muslim ang siyang pangunahing
binigyang pansin. Layunin ng mga kasapi
nitong magkaroon ng hiwalay na estado para
sa mga Muslim.
All Indian Muslim
League

Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng salitang nasyonalismo.


___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dahilang nagbunsod sa mga bansang matatagpuan sa
Timog Asya upang magpakita ng nasyonalismo?
___________________________________________________________________________

Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad


ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya.
Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang
nasyonalismo sa kadahilanang karamihan sa mga ito ay nasa
ilalim ng dating malakas at matatag na Imperyong Ottoman,
bago pa man masakop ng mga kanluraning bansa noong 1918.

11
Matapos bumagsak, masakop, at mapasailalim sa mga
kanluraning bansa ang Imperyong Ottoman, naipatupad na sa
mga bansang matatagpuan sa Kanlurang Asya ang tinatawag
na Sistemang Mandato. Ito ay nangangahulugang ang isang
mahinang bansa ay mapapasailalim sa pamamatnubay ng
isang malakas na bansa habang pinaghahandaan nito ang
gagawing pagsasarili sa hinaharap.

Ang Kuwait ay isa sa mga unang bansang lumaya sa


Kanlurang Asya noong 1759. Samantala ay natamo naman ng
bansang Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa Imperyong
Ottoman noong 1770, at naging ganap na republika sa ilalim
ng mandato ng France pagkasapit ng taong 1926.
Ang bansang Turkey naman ay humingi ng kalayaan sa
pamumuno ni Mustafa Kemal Ataturk, kung saan kanilang
isinulong ang pagkakaroon ng isang republika. Taong 1923,
matagumpay na naisulong ang Republika ng Turkey sa
pamamagitan ng Kasunduang Lausanne.

Matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig noong 1945
ay naisagawa ng mga Jew ang
Zionism na tumutukoy sa pag-uwi
ng mga Hudyo mula sa iba’t ibang
panig ng daigdig. Bukod pa rito’y
naganap din ang Holocaust o ang Zionism
sistematiko at malawakang
pagpatay ng mga Nazi German sa
mga Jew o Israelite. (Mateo et. al.,
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan)

Holocaust

12
Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Bakit kakaiba ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya kung ikukumpara sa


ibang rehiyon ng Asya?
___________________________________________________________________________

2. Nakabuti ba sa pamumuhay ng mga mamamayan at bansang matatagpuan


sa Kanlurang Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo? Bakit o
bakit hindi?
___________________________________________________________________________

MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog


at Kanlurang Asya, nakilala ang mga lider nasyonalistang
nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang pamumuhay.

MOHANDAS GANDHI
Siya ay isang Hindu na nakapag-aral sa isang
pamantasan sa England at nakapagtrabaho sa
South Africa. Siya ang namuno upang
ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa
mga mananakop na Ingles. Siya ay naging
inspirasyon ng marami dahil sa kanyang
katangi-tanging tahimik na pamamaraan ng
pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan.
Nakilala siya bilang Mahatma o “dakilang kaluluwa”. Tinuruan niya ang
mga mamamayang humingi ng kalayaang hindi gumagamit ng karahasan
dahil naniniwala siya sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa), at satyagraha sa
pakikipaglaban. Hindi niya sinang-ayunan ang pagtatangi sa
untouchables at suttee para sa mga kababaihan. Ipinakilala niya ang
civil disobedience kung saan ay kanyang hinikayat ang mga Indian na
huwag mamili ng mga kalakal o produktong Ingles, at upang mabigyan
ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Nakamit ng India
ang kanilang kalayaan noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni
Jawaharlal Nehru. Nabaril at napatay si Mohandas Gandhi noong Enero
30, 1948.

13
MUSTAFA KEMAL ATATURK
Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi ng
Imperyong Ottoman (Salonika, Greece ngayon).
Bukod sa pagiging kapitan ng Ottoman Army
ay nagsilbi rin siya sa 5th Army sa Damascus
(Syria na ngayon) hanggang 1907. Isa si
Mustafa Kemal Ataturk sa hindi pumayag sa
kasunduan ng Italy at France na hatiin ang
Imperyong Ottoman nang matapos ang
kanilang digmaan noong 1912. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na
naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay
may 200 Turko at Arabong militar ang lumaban sa 2000 Italyano na
kanilang naitaboy, 200 ang nahuli at napatay. Gayunpaman, sa
digmaang ito ay nagtagumpay pa rin ang mga Italyano. Si Mustafa Kemal
Ataturk ang nagbigay-daan sa kalayaan ng Turkey. Siya ang tumawag ng
halalang pambansa at hiwalay na parliament, at dito ay nagsilbi siyang
tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand National Assembly ng Turkey na
nagbigay-daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin
ang kalayaan ng bansang Turkey.

AYATOLLAH KHOMEINI
(AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI KHOMEINI)
Siya ay isinilang noong Setyembre 24, 1902,
lumaki sa pangangalaga ng kanyang ina at tiyahin,
matapos mamatay ang kanyang ama sa kamay ng
mga bandido. Noong 1962 ay nagsimula siyang
maging aktibo sa larangan ng politika. Kasama siya
sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang
isinasagawa ng kanilang Shah sa mamamayan.
Binatikos din niya ang tahasang pagpayag at
pangangalaga ng Shah sa interes ng mga dayuhan tulad ng United States.
Si Ayatollah Khomeini ay gumawa rin ng makasaysayang pagtatalumpati
noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa
mga makadayuhang pakikialam at pagsusuporta nito sa Israel. Dahil sa
gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayatollah Khomeini. Umani naman
siya ng malawakang pagsuporta ng mamamayan na naging sanhi ng
kaguluhan sa bansa. Naranasan din niya ang maipatapon sa ibang bansa
tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964 dahil sa pagsusulat at
pangangaral laban sa kasalukuyang pamunuan ng kanyang bansa.
Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran at mapatalsik ang Shah
sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic noong 1979 ay muli siyang
bumalik sa Iran at namatay noong Hunyo 3, 1989 sa gulang na 70 taon.
Kinilala siya bilang isa sa mga malupit na lider noong Ika-20 Siglo.

14
MOHAMED ALI JINNAH
Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan,”
isang abogado at pandaigdigang lider.
Ipinanganak siya noong Disyembre 25, 1876
sa Karachi, Pakistan. Si Mohamed Ali Jinnah
ang namuno sa Muslim League noong 1905
at layunin ng nasabing samahan ang
magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga
Muslim. Namuno siya upang ang bansang
Pakistan ay lumaya mula sa bansang India. Noong Agosto 14, 1947 ay
ipinagkaloob ang minimithing kalayaan ng Pakistan. Si Mohamed Ali
Jinnah ang itinanghal na kauna-unahang gobernador-heneral ng
Pakistan. Namatay siya noong Setyembre 11, 1948.

IBN SAUD
Siya ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia at
isinilang noong Nobyembre 24, 1880 sa Riyadh,
anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kanyang
pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyonal
ng kilusang wahhabi ng Islam (ultra orthodox).
Taong 1902 nang muling mapasakamay nila ang
Riyadh, samantalang taong 1912 naman nang
masakop niya ang Najd at dito na bumuo ng
pangkat ng mga bihasang sundalo. Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig, sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kanya, ngunit sila ay
hindi nagtagumpay. Sa halip ay pinaboran niya ang kanyang katunggali
na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924 – 1925 napabagsak ni Ibn
Saud si Husayn Ibn Ali at idineklara ang kanyang sarili bilang hari ng
Hejaz at Najd. Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng tangway ng
Arabia noong taong 1932, binigyan ni Ibn Saud ang kanyang kaharian ng
bagong pangalan, at ito ay ang Saudi Arabia. Nagtagumpay siya na
mahimok ang mga nomadikong tribong mapaayos ang kanilang
pamumuhay at iwasan na ang panggugulo at paghihiganti. Sa kanya ring
pamumuno ay nawala ang mga nakawan at pangingikil na nangyayari sa
mga dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina. Si Haring Ibn Saud
ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya ng United States noong
1936 at 1939 upang magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.
Pinatunayan niyang ang mina ng langis sa bansa ang pinakamayaman
sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng pambansang pag-
unlad.

15
Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya ang
nais mong tularan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
2. Anong gawain ng isang karaniwang mamamayang katulad mo ang maaaring
magpamalas ng pagmamahal sa bansa sa kasalukuyang panahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

Ngayon ay natapos na ang pagsusuri na iyong isinagawa


mula sa mga paksang natalakay ukol sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya, gayundin ang mga
nasyolistang nanguna sa kani-kanilang bansang matatagpuan sa
dalawang rehiyong nabanggit. Batay sa mga kaalamang iyong
nabatid ay lapatan ng sagot ang bawat gawaing inihanda upang
masubok ang iyong galing at husay sa pagpapayaman sa araling
iyong natunghayan.

16
A.
Panuto: Basahin at unawain ang paglalarawan sa bawat bilang. Matapos nito ay
piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipiliang matatagpuan sa
ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Rebelyong Sepoy Amritsar Massacre


Nasyonalismo Ahimsa
India Mohandas Gandhi
Aggressive Nationalism All Indian National Congress
Defensive Nationalism Muslim League

_______________1. Isang damdaming makabansang naipakikita sa


pamamagitan ng matinding pagmamahal sa Inang Bayan.
_______________2. Mapagtanggol na anyo ng nasyonalismo.
_______________3. Mapusok na anyo ng nasyonalismo.
_______________4. Ang mga kaugaliang tulad ng Sati o Suttee, Female
Infanticide, at hindi pag-aasawa ng biyudang babae ay labis
na kinondena ng mga Ingles sa bansang ____________.
_______________5. Isang grupo ng mga kawal sa India na nag-alsa upang
tutulan ang mga impluwensiyang British sa kanilang
pananampalataya at panlipunang pamumuhay.
_______________6. Pamamaril ng mga Ingles sa isang kunwaring selebrasyong
Hindu na ikinasawi ng maraming Indian.
_______________7. Isang samahan ng mga propesyonal na Hindu na itinatag
upang mangampanya sa kalayaan ng bansang India laban
sa mga British.
_______________8. Ang samahang ito naman ay itinatag ng mga Muslim na
naglalayong magkaroon ng hiwalay na estado para sa kanila.
_______________9. Siya ang namuno sa mga Indian sa isang mapayapang
kampanya para sa kalayaan ng bansang India.
_______________10. Tumutukoy sa hindi paggamit ng dahas, bagkus ay
mapayapang paraan upang makamtan ang minimithing
pagbabago.

17
B.
Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng paglalapat sa wastong
katawagang nais ipahiwatig ng mga larawan sa bawat bilang. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

PAHALANG:

5. 6. 7. 8.

9. 10.

18
PABABA:

1. 2. 3. 4.
C.
Panuto: Kopyahin ang krossalita sa iyong sagutang papel. Mula rito ay hanapin
sa anumang direksyon at bilugan ang salitang tinutukoy o inilalarawan.
Pagkatapos ay isulat ang wastong sagot para sa bawat bilang.

S A T E D A U S O M S I L A N O I T A N
E O V J E W S W I Z I O N I S M B T O G
P Z X B V C I Q R E T V Y T I U N I R M
O R A C I A S R E C Q O N I D S T N A N
Y E A N E S T M F E R T E E N A S E J H
A B G B O C E D U E Y I F U N T U E G U
H E G I M Q M W E S R T T I P A A S I S
O L R P S A A S D J L K M I G F C L H U
F Y E L I Z N X B N C I V M Z Q O E W T
E O S R L T G Y U P R I M P O Q L P A T
S N S D A F M G H C J M Z L N X O A K E
C Q I W N E A R S T A I S O E D H P F E
A F V S O D N I G L I H K J Z A M X N V
C B E V Y B D Q P W B O E I R U G T U I
A L S K S L A D F E N C E J F A H U G H
Z M X N A C T N V B S Q M W N S E B E R
V T C I N Y O X U Z A I L O K M P A J S
H D C G F Q M W N D E F E N S I V E R B
Z A C Y B P A H S J D P F M K H W L R E
R X U V I T I O N A T I N S Q A Y E E T
_______________1. Nangangahulugang hindi paggamit ng dahas o non-violence.
Paggamit ng mapayapang paraan gaya ng paglabas ng
katotohanan, pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno, at hindi
pagbili ng mga kalakal o produktong Ingles.
_______________2. Ang pag-uwi ng mga Jew o Israelita sa Palestina mula sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
_______________3. Ang isang mahinang bansa ay mapapasailalim sa
pamamatnubay ng isang malakas na bansa habang ito ay
naghahanda sa pagsasarili.
_______________4. Tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin sa ibang mga lahi.
_______________5. Pagpapatiwakal o pagsama ng biyudang babae sa libingan
ng kanyang yumaong asawa.

19
_______________6. Damdaming makabayang maipakikita sa matinding
pagmamahal sa bayan.
_______________7. Mapagtanggol na nasyonalismo.
_______________8. Ang samahang ito naman ay itinatag ng mga Muslim na
naglalayong magkaroon ng hiwalay na estado para sa kanila.
_______________9. Mapusok na nasyonalismo.
_______________10. Sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German
sa mga Jew o Israelita.

D.
Panuto: Gamit ang graphic organizer na nasa ibaba ay itala ang mga kaganapang
nagbunsod upang ang nasyonalismo ay umusbong sa Timog at
Kanlurang Asya. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

TIMOG KANLURANG
NASYONALISMO
ASYA ASYA

20
E.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at suriin ang mga salitang
nakasalungguhit sa bawat isa. Isulat ang FACT kung wasto ang ideyang
ipinahihiwatig ng bawat bilang. Kung ito naman ay mali, isulat ang
angkop na kasagutang makapagpapatama nito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

_______________1. Ang nasyonalistang kinilala bilang kauna-unahang hari ng


bansang Saudi Arabia ay nagngangalang Mohamed Ali
Jinnah.
_______________2. Ang Suttee ay tumutukoy sa pagpapatiwakal ng mga
biyudang babae at pagsama sa libingan ng kanilang
yumaong asawa.
_______________3. Nakalaya ang bansang India mula sa kamay ng mga Ingles
noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Mohandas Gandhi.
_______________4. Ang Kuwait ay isa sa mga bansang unang lumaya mula sa
Kanlurang Asya noong 1759.
_______________5. Dahil sa ginawang pamumuno sa protesta ni Ibn Saud
naranasan niyang mahuli at maipakulong.

21
Isaisip

Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisakatuparan


ang mga gawaing itinakda upang masubukan ang iyong
kahusayan at kaalamang nakalap mula sa araling natalakay. Sa
bahaging ito ay muli kang susubukin upang lubusang matiyak
ang iyong pagkatuto.

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India na ________


__________________________________________________________________________.
2. Dahil sa pananakop ay naranasan ng mga Indian ang mga patakarang hindi
angkop sa kanilang kultura tulad ng _______________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu na ang
layon ay __________________________________________________________________.
4. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo
dahil _____________________________________________________________________.
5. Nabuo ang Muslim League sa pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah na may
layuning ____________________________________________________________.

22
Isagawa

Ikaw ba ay mayroong maipagmamalaki sa larangan ng


pagguhit? Muling masusubok at higit pang palalalimin ng
susunod na gawain ang iyong kaalaman at pang-unawa
patungkol sa ating tinalakay.

Panuto: Gumawa ng isang poster slogan kung saan masasalamin ang mga gawain o
kaugaliang Pilipinong nagpapakita ng damdaming nasyonalismo. Ang
kalakip na rubrics na matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing gabay
mo para sa itinakdang gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

23
Rubrics sa Paggawa ng Poster Slogan

Kulang sa
Napaka- Mahusay Katamtaman
Pamantayan Kahusayan Iskor
husay (4) (3) (2)
(1)

Lubusang Angkop Karamihan Walang


napaka- ang ilan sa sa mga angkop na
Kaangkupan angkop ng mga gawain o iginuhit na
sa Paksa mga gawain gawain o kaugaliang mga
o kaugaliang kaugaliang iginuhit ay gawain o
iginuhit iginuhit hindi angkop kaugalian

Halos lahat
Hindi
ng mga Ilan lamang
naging
Lubusang iginuhit ay sa mga
malinaw
malinaw ang malinaw iginuhit ang
ang
intensyon o na malinaw na
intensyon o
Presentasyon detalyeng naipahayag naipahayag
detalyeng
ipinahahayag ang ang
ipinaha-
ng mga intensyon intensyon at
hayag ng
iginuhit at detalyeng
mga
detalyeng taglay
iginuhit
taglay

Lubusang Hindi
Malinis at Hindi
napaka- malinis at
maayos gaanong
Kalinisan at linis at maayos
ang malinis at
Kaayusan napakaayos ang
pagkaka- maayos ang
ng pagkaka- pagkaka-
gawa pagkakagawa
gawa gawa

KABUUANG PUNTOS

24
Tayahin

Ngayon ay muli mong alalahanin ang lahat ng kaalamang


iyong natunghayan mula sa aralin. Ikaw ay nalalapit na sa huling
bahagi ng gawain, gayundin sa pagkamit ng masinsinang
pagsusuri mula sa mahahalagang puntong natalakay sa
nagdaan, kung kaya’t iyo nang sagutin ang inihandang tayahin.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Matapos nito ay isulat ang
letra ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang Muslim League ay para sa mga Muslim, samantalang ang All Indian
National Congress ay para sa mga _________________.
A. Hapon C. Ingles
B. Hindu D. Intstik

2. Ang Mandate System o Sistemang Mandato ay umiiral sa Kanlurang Asya.


Ang Sistemang Colony naman ay umiiral sa _________________, partikular na
sa India.
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya

3. Si Mohandas Gandhi ay nangampanya para sa mga Hindu, samantalang si


_________________ ay nangampanya para sa mga Muslim.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohamed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

4. Ang Holocaust ay tumutukoy sa dramatikong pagpatay sa mga Hudyo ng mga


Nazi German. Ang pag-uwi naman ng mga Hudyo sa lupaing Pangako, o
Palestina, ay kilala sa katawagang _________________.
A. Balfour Declaration C. Sistemang Mandato
B. Sistemang Colony D. Zionism

5. Si Ayatollah Khomeini ay naging lider ng bansang Iran, habang si


_________________ naman ang kinilala bilang “Ama ng Turkey”.
A. Ibn Saud C. Mohandas Gandhi
B. Jawaharlal Nehru D. Mustafa Kemal Ataturk

25
6. Si Mustafa Kemal Ataturk ay isang dakilang lider ng bansang Turkey,
samantalang si Ibn Saud naman ang siyang naging unang hari ng bansang
_________________.
A. China C. Pakistan
B. India D. Saudi Arabia

7. Naging pinuno ng bansang Pakistan si Mohamed Ali Jinnah, habang ang


naging unang pangulo naman ng bansang India ay si _________________.
A. Jawaharlal Nehru C. Mohandas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk

8. Ang Sistemang Colony ay tumutukoy sa tuwirang pamamahala ng isang


malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Sa _________________ naman,
ang mahinang bansa ay nakapasailalim sa pamamatnubay ng isang malakas
na bansa habang ito ay naghahanda sa pagsasarili.
A. Aggressive Nationalism C. Protectorate
B. Defensive Nationalism D. Sistemang Mandato

9. Ang Kuwait ay lumaya mula sa Kanlurang Asya noong 1759, samantalang


taong 1770 naman lumaya mula sa Imperyong Ottoman ang
_________________.
A. Iraq C. Saudi Arabia
B. Lebanon D. Turkey

10. Kinilala bilang “Ama ng Pakistan” si Mohamed Ali Jinnah, habang si


_________________ naman ay nakilala bilang dakilang kaluluwa.
A. Ayatollah Khomeini C. Mohandas Gandhi
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

26
II. Panuto: Suriin ang mga larawang nasa Hanay A at itapat ang mga ito sa kani-
kanilang katawagang matatagpuan naman sa Hanay B. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B

A. MOHANDAS GANDHI

1.

B. AYATOLLAH KHOMEINI

2.

C. JAWAHARLAL NEHRU

3. D. IBN SAUD

E. MOHAMED ALI JINNAH

4.

F. MUSTAFA KEMAL
ATATURK

5.

Napakahusay! Lubos akong nasisiyahan dahil hindi ka


sumuko at tumigil sa ating ikatlong modyul. Ngayon ay nakahanda
ka nang humarap sa mga susunod pang paksa ng modyul. Kung
nais mo pang higit na mapalalim ang iyong pang-unawa patungkol
sa ating aralin ay maaari mong isagawa ang inihandang
karagdagang gawain. Muli ang aking pagbati!

27
Karagdagang Gawain

Nagagalak ako sa kadahilanang napatunayan mo ang iyong husay


at galing sa pagsasakatuparan ng lahat ng mga gawaing inihanda para sa
iyo. Ang pagkakaroon ng isang positibong pananaw sa malayang pag-aaral
ang magbibigay-daan nang sa gayon ay hindi maging balakid ang
kamangmangan sa pagkatuto sa iyong sariling mga paa. Ang susunod na
karagdagang gawain ang higit na magpapalalim upang ikaw ay patuloy na
matuto.

Panuto: Lumikha ng isang acrostic poem patungkol sa araling ating natalakay. Sa


pamamagitan ng salitang NASYONALISMO ay maaari kang makabuo ng
isang akrostikong iikot sa natunghayang paksa. Inaasahan ding ikaw ay
gagamit ng mga simbolismo o kaisipan upang higit na maging kaaya-ayang
basahin ang iyong nalikhang gawain. Ang kalakip na rubrics na
matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing iyong gabay sa
pagsasakatuparan ng itinakdang gawain. Upang higit kang maliwanagan ay
maaari mong tingnan ang inihandang halimbawa. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

28
NASYONALISMO
ni Princess Marjorie D. Canlas

N – akalulugod sa damdamin, ipagmalaki ang sariling


atin
A – ngking yaman at galing, taglay ng mga Pilipinong
magigiting
S – a pagkamit ng tagumpay, kanilang dugo’t pawis ay
handang ialay
Y – umaong mga bayani, dignidad ng bansa’y pinanatili
O – ras man sa mundo’y limitado lamang, kanilang
pakikibaka’y hindi nagpahadlang
N – gayon sa ating kasalukuyang henerasyon, panahon
na upang tayo’y magsagawa ng aksyon
A – ting huwag sayangin, gandang pilit na ipinaglaban
ng mga nauna sa atin
L – ikas na kagandahan, sa kapaligiran man o maging
sa bawat mamamayan
I – layo sa anumang bahid ng kasamaang dulot ng
kasakiman
S – ikaping makiisa sa mga programa upang
patuloy na mamayagpag, ating mga plataporma
M – aaaring tangkilin ang iba, subalit wala nang mas
nakagiginhawa sa pagtangkilik ng sariling gawa
O – ras man ay humantong sa katapusan, wagas ang
pagmamahal sa bayan hanggang sa paglisan

29
Rubrics sa Paggawa ng Acrostic Poem

Kina-
kailangan
Pamantayan Napakagaling Magaling (3) Katamtaman pang Iskor
(4) (2) magsanay
(1)

Lubhang
napaka- Bahagyang
lalim at Malalim at may lalim Mababaw at
Nilalaman napaka- makahulugan na taglay literal ang
makahulugan ang nabuong ang nabuong pagkaka-
ng nabuong akrostiko akrostiko buo ng
akrostiko akrostiko

Gumamit
ng mga Gumamit ng
simbolismo ilang May isa o Walang
o kaisipan simbolismo o dalawang kahit na
Konsepto upang kaisipan simbolismo o anong
tuluyang upang kaisipan ang simbolismo
tumatak sa tumatak sa nagamit o kaisipan
isipan ang isipan ang ang
akrostiko akrostiko nagamit

Hindi gaanong
Lubhang Malikhain ang malikhain ang Hindi
napaka- kabuuang kabuuang naging
malikhain istruktura o istruktura o malikhain
Konstrukyon ng kabuuang pagkakagawa pagkakagawa ang
istruktura o ng akrostiko ng akrostiko kabuuang
pagkakagawa istruktura o
ng akrostiko pagkakaga
wa ng
akrostiko

KABUUANG PUNTOS

30
31
PAGYAMANIN
A.
1. Nasyonalismo 4. India 7. All Indian National
Congress
2. Defensive Nationalism 5. Rebelyong Sepoy 8. Muslim League
9. Mohandas Gandhi
3. Aggressive Nationalism 6. Amritsar Massacre 10. Ahimsa
SURIIN BALIKAN (II)
I. (Mga Posibleng 1. Protectorate 6. Kapitalismo
Kasagutan)
1. Ito ay damdaming 2. Hilaw na Materyales 7. Takdang
makabayan na Hangganan
maipapakita sa
matinding pagmamahal 3. White Man’s 8. Nasyonalismo
at pagpapahalaga sa Burden
Inang-Bayan.
2. Ilan sa mga ipinatupad 4. Rebolusyong Industriyal 9. Kolonyalismo
ay labag sa kanilang
kultura gaya ng 5. Colony 10. Edukasyon
pagpapatigil sa Suttee at
Female Infanticide,
Racial Discrimination, at TUKLASIN SUBUKIN
BALIKAN (I)
iba pa. A. (Mga Posibleng 1. Nasyonalismong 1. D
II. (Mga Posibleng
Kasagutan) Europeo – nais 2. B
Kasagutan)
1. Ipinahihiwatig na magkaroon ng 3. A
1. Dahil hindi agad nito ang malawak na
naipakita ng mga bansa 4. D
pagmamahal sa kapangyarihan
sa Kanlurang Asya ang 5. B
Pilipinas na 2. Rebolusyong
nasyonalismo dulot ng 6. D
bayang ating Industriyal –
Imperyong Ottoman. 7. B
sinilangan. kailangan ng
2. Oo, dahil nakamit nila 2. Sa pamamagitan pagkukunan ng 8. D
ang inaasam na 9. C
ng pag-aaral ng mga hilaw na
kalayaan.
mabuti nang sa materyales at 10. A
III. (Mga Posibleng
gayo’y hindi produktong yari 11. C
Kasagutan)
maging pabigat 3. Kapitalismo – 12. C
1. Si Mohandas Gandhi lamang sa pamumuhunan
dahil sa kanyang 13. A
lipunang upang
mapayapang paraan ng 14. A
kinabibilangan. magkaroon ng
pakikipaglaban. B. (Mga Posibleng 15. D
tubo o interes
2. Pag-aaral ng mabuti Kasagutan) 4. White Man’s
upang makapag-ambag - pagiging Burden – ang
sa ika-uunlad ng makabayan/makaba mga
lipunang kinagisnan. nsa, pagkakaisa, nasasakupan ay
bayanihan, pabigat sa mga
pakikibaka Kanluraning
bansa
Susi sa Pagwawasto
32
TAYAHIN TAYAHIN KARAGDAGANG
II. I. GAWAIN
1. Mustafa Kemal Ata Turk 1. B 6. D Magkakaiba ang likha o
2. Ayatollah Khomeini 2. C 7. A sagot ng bawat mag-
3. Mohamed Ali Jinnah 3. C 8. D aaral.
4. Ibn Saud 4. D 9. B
5. Mohandas Gandhi 5. D 10. C ISAGAWA
Magkakaiba ang likha o
sagot ng bawat mag-
ISAISIP aaral.
1. “…nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan.”
2. “…pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o Sati, gayundin ang PAGYAMANIN
pagpapatigil sa Female Infanticide.” F.
3. “…matamo ang kalayaan ng bansang India.” 1. Ibn Saud
4. “…karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at 2. FACT
matatag na Imperyong Ottoman.” 3. Jawaharlal Nehru
5. “…magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.” 4. FACT
5. Mohandas Gandhi
PAGYAMANIN PAGYAMANIN
D. KANLURANG ASYA – D. TIMOG ASYA - pagpapatigil sa Suttee, pagpapatigil sa Female
Sistemang Mandato, Infanticide, Racial Discrimination, Amritsar Massacre,
Zionism, Holocaust Patakarang hindi angkop sa kulturang Indian
PAGYAMANIN PAGYAMANIN
C. B. (PAHALANG) (PABABA)
1. Ahimsa 6. Nasyonalismo 5. Mohamed Ali Jinnah 1. Suttee
2. Zionism 7. Defensive 6. Mustafa Kemal Ata 2. Zionism
3. Sistemang 8. Muslim Turk 3. Amritsar
Mandato League 7. Ayatollah Khomeini Massacre
4. Racial Discrimination 9. Aggressive 8. Mohandas Gandhi 4. Ibn Saud
5. Suttee 10. Holocaust 9. Female Infanticide
10. Holocaust
Sanggunian
All India Muslim League. 2009. Image.
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:All_india_muslim_league. jpg.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

Detail Of Mural Depicting 1919 Amritsar Massacre - Jallianwala Bagh - Amritsar -


Punjab - India. 2014. Image.
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Detail_of_Mural_Depicting_191
9_Amritsar_Massacre_-_Jallianwala_Bagh_-_Amritsar_-_Punjab_-
_India_(12675536215).jpg.

Indian National Congress Group Convenssion 1885 Konkani Vishwakosh. 2014.


Image.https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Indian_National_Congre
ss_Group_Convenssion_1885_Konkani_Vishwakosh.

Lee, Ken Wilson. 2008. Philippine Flags On Bamboo Poles Near The CCP Complex.
Image. https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:PH_flags_near_ccp.jpg.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management


and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

"Suttee, With Lord Hastings Shown As Accepting Bribes To Allow Its Continuation.
Coloured Aquatint By T. Rowlandson, 1815, After Quiz.". 2021. Wellcome
Collection. https://wellcomecollection.org/works/wc5hunhj.

Tumisu. 2014. Racism Hands Black. Image.


https://pixabay.com/illustrations/racism-hands-black-white-5266891/.

Waldrop, Anne. 2009. "The Indian Uprising Of 1857 In Store Norske Leksikon On
Snl.No". Store Norske Leksikon.
https://snl.no/Det_indiske_oppr%C3%B8ret_av_1857.

Wesleyan Methodist Missionary. 2015. Burying Babies In China (P.40, March 1865,
XXII). Image.
https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Burying_Babies_in_China_(p.4
0,_March_1865,_XXII).jpg.

33
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like