You are on page 1of 61

7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Araling Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Regional Director: Benjamin D. Paragas, CESO V
OIC, Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral


Mga Manunulat: Eric Justiniano Maningas, Bill Patrick M. Familara,
Lilac F. Fruelda
Pangnilalamang Patnugot: Rosario G. Caluya, Wenceslao P. Pigon
Mga Tagasuri: Freddie Rey Ramirez, Marlou Roderos, Maria Magdalena Lo,
Sylvia Muniz, Nestor Rualo, Pedro Dandal, Jr., Marites Arenio,
Jordan Solatorio
IPR Reviewers: Joriel D. Alburo, Jinkeelyn P. De Jose, Malone C. Perez
Julie Ann B. Cueto, Elizabeth de las Alas
Naglayout/Ilustreytor: Jessmark T. Castro, Ma. Jennifer Z. Pangilinan
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director
Mariflor B. Musa, CLMD Chief
Freddie Rey R. Ramirez, EPS – AP/LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng: _____________________________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 86314070
7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan

Ang karagdagang kagamitang ito sa pagbasa ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan
ng pitong Sangay ng Rehiyong MIMAROPA. Hinihikayat namin ang
ibang mga guro at nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
MIMAROPA sa mimaropa.region@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Talaan ng Nilalaman

1. Teksto 1 - Iba’t ibang Paraan, Isang Adhika …………………4-6


Week 1-2
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya

2. Teksto 2 - Nagmamahal Ako …………………7-9


Week 3-4
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

3. Teksto 3 - Ang Gawain nina Joseph at Erich ………………10-13


Week 3-4
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

4. Teksto 4 - Epekto ng Digmaan ………………14-16


Week 5
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan
ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

5. Teksto 5 - Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Asya ………………17-20


Week 5
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan
ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya

6. Teksto 6 - Sun Yat-Sen ………………21-24


Week 6
Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideoohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista

7. Teksto 7 - Ilaw ………………25-27


Week 7
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang ekonomiya at karapatang Pampolitika

8. Teksto 8 - Aung Sang Suu Kyi ………………28-30


Week 7
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang ekonomiya at karapatang Pampolitika

9. Teksto 9 - Nasyonalismo, Paano Nga Ba Ikaw Nabuo? ………………31-36


Week 7
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

10. Teksto 10 - Nasyonalismo, Susi ng Pagkapanalo ………………37-40


Week 7
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

2
11. Teksto 11 - Bayang Iniibig ………………41-43
Week 8
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya

12. Teksto 12 - Diponegoro ………………44-46


Week 8
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya

13. Teksto 13 - Salamin ng Isang Bansa …..……………47-50


Week 8
Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay

14. Teksto 14 - Kalayaan, Atin na Nga Ba Talagang Nakamtan? ……………51-54


Week 9
Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya

15. Susi sa Pagwawasto ………………55-57

16. Sanggunian ………………… 58

3
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 1
Panuto: Basahing mabuti ang tula. Unawain ang mensahe at damdaming nais nitong
ipahayag.

Iba’t Ibang Paraan, Iisang Adhika


ni Eric Justiniano Maningas

Salapi, lupa at kalakalan ang siyang ginawang batayan


Para dayuhin ng mga Kanluranin ang bahaging Silangan
Hangaring matagpuan, mga lupang kanilang mapagkukunan
Kayamanan doo’y pakikinabangang lubusan.

Inglatera, Germany, Netherlands, Spain ay ilan sa mga ito


Sa Silangan at Timog Silangang Asya ay nagtatag ng kolonya at imperyo
Lalong umunlad, yumaman at naging makapangyarihan;
Na siyang nagbunga sa pagkalugmok ng mga lokal sa dusa’t kahirapan.

Relihiyon ang mabisang paraan ng mga Espanyol para Pilipinas ay makamtan;


Sila’y nakipagmabutihan sa mga katutubo gamit ang Sanduguan.
Ang akalang kapatiran, pananakop pala ang kasasapitan;
Ginto at magagandang daungan nais nilang makamtam.

Ang Mollucas ay pinag-agawan dahil sa angking pampalasa;


Walang nagawa sa Divide and Rule Policy ang Indonesia.
Sapagkat malakas ang pwersa ng mananakop kumpara sa kanila;
Kaya hinayaang kontrolin ng mga Olandes para maging kanilang kolonya.

Singapore na ang daungan sa rehiyon ang siyang pinakamaganda;


Gayundin ang Malaysia na sa plantasyon ng goma ay nakilala;
Kasama rin ang Burma na karatig ng India;
Lahat sila ay sinakop ng England na isang imperyalista.

Pinakamalaking bansa ang China sa Silangang Asya


Sa sibilisasyon, kultura at yaman ay tunay na kahanga-hanga sila;
Hinating parang pakwan ng mga kolonyalista;
Sphere of Influence ang katagang dito’y tawag nila.

Talagang iba-iba ang kanilang hangarin at dahilan di ba?


Pero ang kanilang tunay na adhika’y iisa talaga.
Magtatag ng kolonya at maging bansang imperyalista,
Sa buong mundo sila ay maging tanyag at kilala.

4
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.
1. Ang pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay
naging dahilan upang malugmok sa kahirapan at dusa ang mga Asyano.
A. pakikidigma
B. pakikipagkasundo
C. pakikpagpalitan ng kalakal
D. pagkubkob sa isang teritoryo

2. Ang Malaysia ay may plantasyon ng goma kaya naging interesado ang mga
Kanluranin dito.
A. malawak na bukirin
B. magandang daungan
C. malaking anyong tubig
D. malapad na karagatan

3. “Sila’y nakipagmabutihan sa mga katutubo gamit ang Sanduguan.


Ang akalang kapatiran, pananakop pala ang kasasapitan”
A. kaibigan
B. kaaway
C. kaalyansa
D. kapatid

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Ang sumusunod ay paraang ginamit ng mga Europeo upang makapanakop ng
mga lupain (bansa) sa Silangan at Timog-Silangang Asya MALIBAN sa:
A. Pakikipagkalakalan
B. Sphere of Influence
C. Divide and Rule Policy
D. Pakikipagkaibigan (Sanduguan)

2. Ano ang pangunahing dahilan kaya’t sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas?
A. Pagiging kilala sa pagtatanim ng goma
B. Magagandang daungan at ginto mayroon ito
C. Mayabong na kultura at sibilisasyong nabuo rito
D. Estratehikong lokasyon nito na nakaharap sa Pasipiko

5
3. Ito ang mga bansang sinakop at naging bahagi ng imperyo ng Great Britain sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
A. Singapore, China at Pilipinas
B. Malaysia, France at Indonesia
C. Singapore, Malaysia at Burma
D. Mollucas, China at Pilipinas

4. Bakit hinangad ng mga Kanluranin na manakop ng mga lupain sa Silangan at


Timog-Silangang Asya?
A. Kailangan nilang maipakilala ang sibilisasyong Europeo sa mga Asyano.
B. Bukas sa pananakop ang mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
C. Basehan ng kapangyarihan ang mas maraming salapi (ginto) at matatag na
kabuhayan.
D. Napakalawak ng China kaya kailangang hatiin upang mapamahalaan ito
nang maayos.

5. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamamahala kung saan ang makapangyarihang


bansa ay nagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o
pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitika sa ibang mga bansa gaya ng
Great Britain.
A. Pananakop
B. Imperyalismo
C. Kolonisasyon
D. Sphere of Influence

6. Uri ng pananakop kung saan ang isang lugar o mallit na bahagi ng bansa ay
kontrolado ng isang makapangyarihang bansa ang pamahalaan at pulitika na
siyang ginawa sa China.
A. Kolonya
B. Imperyo
C. Pakikipagsanduguan
D. Sphere of Influence

7. Bakit pinag-aagawan ng mga Kanluranin ang Mollucas na sa bandang huli ay


nakontrol ng mga Olandes?
A. Mayaman ito sa pampalasa.
B. Estratehiko ang lokasyon para sa kalakalan.
C. Kaaya-aya ang mga dalampasigan para sa komersiyo.
D. Maganda ang uri ng lupa dito na angkop para sa pagtatanim ng goma.

6
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 2
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Nagmamahal Ako
ni Eric Justiniano Maningas

Marunong ka bang magmahal? Mahal mo ba ang


iyong Inang Bayan? Paano mo maipadadama na mahal mo
ito? Gusto mo bang maging turista at marating ang iba’t ibang
lugar natin? Halika damhin natin ang sariling atin. Tikman ang
pagkaing Pinoy, lasapin ang ganda ng ating kapaligiran, isuot
ang sariling gawa ng ating kababayan, bilhin ang produkto
nila. Masarap gamitin ang sariling wika sa
pakikipagtalastasan, di ba?
Sinusunod mo ba ang batas natin at may respeto sa mga namumuno? Pwes,
kung ganon, nagmamahal ka nga sa iyong Inang Bayan. Ano nga ba ang
Nasyonalismo at ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang Pilipino?

Ayon kay Teofista L. Vivar, Ed. D et.al sa aklat na “Kasayasayan ng Daigdig”


ang “Nasyonalismo” ay damdaming makabansa na nagbunsod
ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang
bansa mula sa mga mananakop. Maliban dito, ang
nasyonalismo ay nangangahulugan din ng pagkakatanto ng
isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kaniyang
bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga (Asya:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang Edisyon 2014).
Kung minsan ito ay lumalabis at nagiging panatikong
pagmamahal sa bansa. Sa ilan, ang kahulugan nito ay
damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa
iba naman, ito ay pagsasakrispisyo pati ng buhay”.

Bilang isang Asyano naramdaman ko na ito, mula sa pag–aaral noong


elementarya hanggang kolehiyo hanggang sa kasalukuyan. Nabuo na sa
puso ko ang “nasyonalismo”, pagmamahal sa
bansang aking sinilangan. Noong panahong 1521
nang dumating ang mga Espanyol para sakupin ang
Pilipinas, sinundan ito ng mga Amerikano at mga
Hapones. Napakaraming Pilipino ang nagbuwis ng
buhay upang maipaglaban ang kalayaan ng bansang
Pilipinas. Mayroong bumuo ng mga kilusan upang
mapagsama-sama ang lakas at magapi ang mga

7
kalaban. May mga Pilipinong namatay, naghirap dahil sa pagmamahal sa bayan kung
kaya’t natamasa natin ang kalayaan sa kasalukuyan. Sila ang ating mga bayani. Mga
taong lubos na nagmahal at kailanma’y hindi makalilimutan.
Sa kasalukuyang panahon, naipakikita natin na gusto nating ipaglaban ang
ating bansa sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng opinyon o saloobin sa
“social media”. Ngunit kung minsan ang mga opinyong iyon ay nakakasakit,
nakukuhang makipagtalo o makipag-away at humahantong sa paggamit ng mga
maling salita. Nagagawa mo ang mga bagay na ito dahil nagmamahala ka nga Ang
pagmamahal ay isang mahiwagang salita sapagkat ito ang unang sagot sa hidwaan
o tunggalian ninuman.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.
1. Ang ____________ ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao na
kung saan ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
ideya sa isang virtual na network.
A. Facebook C. Social Media
B. Networking D. Telekomunikasyon

2. Mahalagang maunawaan ng tao na mahalagang ipagtanggol ang kaniyang


bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga.
A. Panlilibak C. Pananakop
B. Pagpuksa D. Pagsamsam

3. Maraming buhay ang naisakripisyo ng mga Pilipino matamasa lamang ang


kalayaan ng ating bansa. Ano ang ibig sabihin ng may salungguhit na salita.
A. Masupil C. Maihayag
B. Makamit D. Mahawakan

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang-papel.
1. Batay sa iyong binasang teksto, ano ang nasyonalismo?
A. Ito ay ang pagkakatanto sa kahalagahan na ipagtanggol ang kaniyang
bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga.
B. Ito ay isang konsepto ng pagiging mulat at handang bumili ng produktong
imported sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
C. Ito ay saloobing naipakikita gamit ang dahas at pakikipaglaban upang
mapagtagumpayan na makasulong ang bansa laban sa iba.

8
D. Ito ay isang pagpapahalaga na nag-uudyok upang ipagwalang-bahala ng
tao ang kaniyang pagkakakilanlan para mabuhay.

2. Anong suliranin ang nag-udyok upang lumaban at magbuwis ng buhay ang


mga Pilipino noong una?
A. Pananakop ng mga Kanluraning bansa sa Pilipinas
B. Hindi pagtamasa ng kalayaan ng mga Pilipino
C. Pagdanas ng kalupitan sa mga kolonyalista
D. Lahat ng nabanggit

3. Bakit natamasa ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga dayuhang


mananakop?
A. Sapagkat kusang-loob itong ibinigay ng mga Kanluranin matapos matalo
sa digmaan.
B. Sapagkat ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanyang kalayaan maging
buhay man ang kapalit.
C. Sapagkat bumuo ng samahan ang mga Pilipino upang kausapin ang
mananakop na ibigay ang ating kalayaan.
D. Sapagkat matatag ang mga Pilipino makipaglaban kaya hindi ito nasakop
ng mga bansang mananakop.

4. Paano masasabing mahalaga ang nasyonalismo sa mga mamamayan at sa


bansa?
A. Kapag ang isang adhikain ay nagsusulong upang mabatid kung alin ang
tama o mali.
B. Sa pamamagitan nito matatanto ng isang tao ang kaniyang halaga bilang
mamamayan ng kaniyang bansa.
C. Dahil dito maipahahayag mo ang sariling interes at maipakikita ang antas
ng iyong pagkalinga sa sarili.
D. Kapag ito ay isang instrumento upang pukawin ang damdamin ng isang
tao na magkaisa upang makamit ang isang pangkalahatang layunin.

5. Bilang isang Pilipino, alin ang mga paraan upang maipakita at maipadama mo
ang pagmamahal sa iyong bansang sinilangan?
1. Pagtangkilik ng sariling produkto.
2. Pagpunta sa ibang bansa upang mamasyal
3. Pagsunod sa mga batas.
4. Paggamit ng wikang Filipino at pag-awit ng pambansang awit na
may paggalang.
5. Gagalingan ko ang pagsasalita ng Ingles at Filipino
A. 1, 2,3 B.1,3, 4 C. 1, 2, 5 D. 3, 4, 5

6. Ano ang mga reyalisasyon mo sa iyong nabasang teksto?


A. Ang pagkakaroon ng diwang makabansa ay nagpapakita ng kayabangan.
B. Ang pagmamahal sa sariling bayan ay sumasalamin sa lahing
pinagmulan.
C. Ang diwang makabansa ay likas sa isang taong nakatira sa lupang
sinilangan.
D. Mahalaga ang nasyonalismo sapagkat ito ang nagtuturo ng wasto at
tamang pagmamahal sa bayan.

9
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 3
Panuto: Basahing mabuti ang diyalogo. Unawain ang mga impormasyong inihayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Ang Gawain nina Joseph at Erich


ni Eric Justiniano Maningas

Sina na Joseph at Erich ay magkaibigan at kapuwa naatasan ng kanilang guro


na gumawa ng isang presentasyon tungkol sa nasyonalismong nabuo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya na isasali sa isang exhibit sa kanilang paaralan. Dahil dito,
napagkasunduan nilang magkita sa parke upang pag-usapan ito.
Joseph: Sa aking palagay ay mainam na gawan natin ng presentasyon ay ang
paglaya ng bansang Burma na Myanmar ngayon.
Erich: Sige Joseph, upang magkaroon ang ating mga kamag-aaral ng karagdagang
kaalaman patungkol sa mga bansa sa Asya.
Joseph: Batay sa aking nabasa, ang Burma ay napasailalim sa kontrol ng mga Ingles
(England) matapos matalo sa isang digmaan. Dito nilagdaan ang kasunduang
Yandabo na naging dahilan upang makontrol ang Burma at maikabit bilang
probinsya ng India na isa sa kanilang una at malaking pinagkukunan ng kita na
kolonya sa Asya.
Erich: Iyan ang pangyayaring hindi matanggap ng mga Burmese kung kaya’t nagtatag
sila ng kilusan upang maihawalay sila sa India at maghangad ng kalayaan.
Joseph: Tumpak ka diyan Erich! Mahusay! Sa pamumuno ng mga edukadong
Burmese naging malakas ang sigaw para sa damdaming nasyonalismso sa
Burma. At ang pagpupunyaging ito ang siyang humantong sa
pagkakahiwalay ng Burma sa India noong 1935. Bagaman binigyan ng mga
Ingles ng pagkakataon na maging bahagi ng lehislatura, hindi ito naging
sapat upang hindi ipagpatuloy ang pakikibaka sa pagkamit ng kalayaan sa
pamamagitan ng iba’t ibang makabayang samahan at rebelyon. Sa pagsiklab
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tuluyang nawala sa kamay ng England
ang Burma sapagkat sinakop ito ng bansang Japan.
Erich: Sa aking palagay, sinakop ang Burma sapagkat bahagi siya ng Greater East
Asia Co-prosperity Sphere ng Japan, isang konseptong imperyal ng Japan.
Ito ay mas malaki kaysa sa Silangang Asya at itinaguyod ang kultural at
pang-ekonomiyang pagkakaisa ng Silangang Asya, Timog-Silangang
Asya, Timog Asya at mga karagatang nakapaloob dito. May intensyon din

10
ito na bumuo ng “block” ng mga Asyano na pinamumunuan ng Japan at hindi
sasaklawan ng mga Kanluranin.
Joseph: Tama ka dyan, Erich! At alam mo ba na ang hangaring kalayaan ng mga
Burmese ang kinasangkapan ng Japan upang sila ay makipagtulungan para
labanan ang mga Ingles?
Erich: Talaga? Ibig sabihin, hindi nila tunay na hangad ang makalaya ang Burma
bagkus ay ginamit ito upang maisakatuparan ng Japan ang kanilang interes
sa Asya.
Joseph: Oo. Si Aung San ng Dohma Asiayona (Burma for Burmese) ang siyang
nakipag-alyansa upang makubkob ang Rangoon, na siyang kapital ng
Burma. Dahil dito, nasakop ang Burma ng Japan. Ang pangakong kalayaan
ay ipinahayag sa Burma ngunit nanatiling nasa ilalim ng kontrol ito ng Japan.
Sa bandang huli, natanto nila na ang pagtulong ng Japan sa kanila ay huwad
at ang tunay na adhikain nito ay ang masakop ang mga bansa sa Asya.
Eric: Ayon dito, ang pagkaranas ng kahirapan sa panahon ng pananatili ng Japan
ang dahilan upang muling sumibol ang makabayang damdamin ng mga
Burmese. Kanilang itinatag ang isang samahan na binubuo ng
makademokratiko at makakomunistang pangkat na tinawag na Anti-Fascist
People’s Freedom League (AFPFL) sa ilalim ng pamumuno ni Aung San.
Joseph: Kanilang napasuko at nagapi ang mga Hapones at hindi na hinayaan na
muling mapasakop sa sinomang Kanluranin at isinulong ang usaping
pangkalayaan. Isa sa naging resulta ng usaping ito ang Kasunduang Anglo-
Burmese noong Enero 4, 1948 na ipinahayag ang kalayaan ng Burma. Ito ay
pinamunuan ni U Nu na naging Punong Mahistrado ng Republika ng Burma
na kalaunan ay inilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador militar.
Eric: Wow!! Ang galing. Maganda ang naging ating daloy ng bahaginan. Tiyak na
makakagawa tayo ng magandang presentasiyon nito para sa ating exhibit.
Tara! atin nang simulan ang ating gagawing presentasyon.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang ibig sabihin ng salitang “block” batay sa teksto. “May intensyon din
ito na bumuo ng “block” ng mga Asyano na pinamumunuan ng Japan at hindi
sasaklawan ng mga Kanluranin.”
A. Kabuoan
B. Ugnayan
C. Kapisanan
D. Kasunduan

11
2. Ang salitang __________ ay nangangahulugang paniniwala at damdaming
makabayan, ng katapatan sa interes ng bansa.
A. makatao
B. makabayan
C. nasyonalismo
D. pagpapahalaga

3. Ang mga Hapones ay nagapi ng mga Burmese at kanilang isinulong ang


usaping pangkapayapaan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. natalo
B. nataboy
C. naiwaksi
D. nakubkob

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang naging resulta ng digmaan sa pagitan ng mga Ingles at Burmese sa


bansang Burma?
A. Nahati ang Burma sa Hilaga at Timog Burma.
B. Nilagdaan ang kasunduan sa Yandabo at ginawang probinsya ng India
ang Burma.
C. Nanatiling malaya mula sa mga kolonyalistang Kanluranin ang Burma at
naging mas maunlad.
D. Lumakas ang hukbong sandatahan ng Burma at sila ang nanakop sa
karatig bansa.

2. Ito ay isang konseptong imperyal ng Japan at itinaguyod ang kultural at pang-


ekonomiyang pagkakaisa ng mga bansa sa Silangang Asya, Timog-Silangang
Asya, Timog Asya at mga karagatang nakapaloob dito.
A. Greater Co-Prosperity Sphere
B. East Asia Sphere of Greater Prosperity
C. Prosperity in Greater East Asia Sphere
D. Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

3. Siya ang Burmese na tumulong sa mga Hapones upang matalo ang mga
Ingles sa Burma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Aung San
B. Duang Ban
C. Bue Wei Sung
D. Hua Chong San

12
4. Bansa sa Silangang Asya na naging makapangyarihan at nanakop ng mga
karatig bansa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. China
B. Japan
C. Vietnam
D. North Korea

5. Samahang itinatag na binubuo ng makademokratiko at makakomunistang


pangkat na nagsusulong sa pagkakaroon ng ganap na kalayaan sa Burma.
A. Freedom League Fascist of Burma
B. Anti Fascist People’s Freedom League
C. Fascist of Burma for Freedom League
D. Anti- People’s Democratic Freedom League

6. Ang Kalayaan ng Burma ay nakamit noong __________


A. Enero 4, 1948
B. Hunyo 25, 1948
C. Setyembre 8, 1948
D. Disyembre 12, 1948

7. Siya ang naging punong mahistrado ng Burma ng makamit nito ang kaniyang
ganap na kalayaan.
A. U Nu
B. U Saw
C. Ne Win
D. Aung San

13
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 4
Panuto: Basahing mabuti ang tula. Namnamin ang mensahe at damdaming nais
nitong ipahayag.

Epekto ng Digmaan
ni Eric Justiniano Maningas

Sa Ikalawang Digmaang Pandaidig


Mundo’y nahati sa dalawang panig
Alayd at Aksis, alin nga ba ang mananaig?
Ni isa man sa kanila’y ayaw padaig.

Ang gulong ito’y dahil sa kasakiman,


Mayroong naghahangad ng kayamanan.
‘Di alintana na maraming taong masasaktan,
Paano naman itong naghahangad ng kalayaan?

Resulta ng digmaan ay di maganda,


Natigil ang pagsulong ng ekonomiya,
Transportasyon, agrikultura at industriya,
Maraming Asyano ang nawalan ng pag-asa.

Nang dahil sa digmaan,


Maraming bansa ang isinilang,
United Nations ay itinatag,
Kasangkapan sa kapayapaan ay inilatag.

Bansa sa mundo’y napangkat,


Dahil paniniwala’y magkasalungat,
Rebolusyon ay inilunsad,
Para sa kayapaang hinahangad.

Marami mang taong nasawi,


Nang dahil sa pansariling mithi,
Wala man itong naidulot na kabutihan,
Ngunit naging parte ito ng ating kasaysayan.

14
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.
1. “Marami mang taong nasawi, nang dahil sa pansariling mithi.”
A. nais
B. layaw
C. ambisyon
D. intensyon

2. Nagkaroon ng rebolusyon laban sa mananakop.


A. Samahan ng mga kontrabida sa mga mananakop
B. Pakikipaglaban ng mga sundalo ng mga mananakop
C. Pag-aklas ng mga katutubo laban sa mga mananakop
D. Paglaban ng mga mananakop kontra sa mga taong ayaw pasakop.

3. Paano binigyang kahulugan ang salitang gulo sa pahayag? “Ang gulong ito’y
dahil sa kasakiman, Mayroong naghahangad ng kayamanan.”
A. hidwaan
B. rebelyon
C. digmaan
D. pag-aaklas

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Batay sa tula, aling digmaan ang may malaking epekto sa buhay at ari-arian ng
mga bansang naging kasangkot dito?
A. Unang Digmaang Pandaigdig
B. Digmaang Pilipino-Amerikano
C. Digmaang Malamig (Cold War)
D. Ikalawang Digmaang Pandaigdig

2. Aling pangyayari sa ikaapat na saknong ang nagbigay daan upang isipin ng


mga bansa ang pagpapairal ng pandaigdigang kapayapaan.
A. Pagkakatatag ng United Nations
B. Pagkahinto ng digmaang pandaigdig
C. Pagsilang ng mga malalayang bansa
D. Paglaya ng Asya mula sa isipang liberal

15
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bunga ng digmaan sa mga Asyano?
A. Maraming Asyano ang nawalan ng pag-asang makalaya.
B. Maraming bansa sa Asya ang bumagsak ang ekonomiya.
C. Nabalam (nahinto) ang magandang ugnayan sa transportasyon.
D. Maraming buhay ang naisalba at tumaas ang halaga ng mga ari-arian.

4. Bigyang-interpretasyon ang pahayag na:


“Bansa sa mundo’y napangkat
Dahil paniniwala’y magkasalungat”

A. Lahat ng bansa sa mundo ay pawang magkakasalungat.


B. Pagkakaroon ng iba’t ibang paniniwala ang naging dahilan ng digmaan.
C. Dalawang bansa ang kasangkot sa digmaan at nadamay lang ang Asya
dito.
D. Umiral ang dalawang ideolohiya na siyang tinangkilik ng mga bansa – ang
Komunismo at ang Demokrasya.

5. Anong puwersa/alyansa ang nagtunggali noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
A. Allied at Axis
B. Axis at Central
C. Central at Allied
D. Asya at Europa

6. Ayon sa tula, ano ang kinahinatnan ng mga kolonyang bansa ng mga


Kanluranin matapos ang Digmaang Pandaigdig?
A. Muling sinakop ng kolonyalistang bansa (Europeo).
B. Ipinagpatuloy ang digmaan upang sila naman ang manakop.
C. Sumang-ayon na manatiling nasa kontrol ng mga mananakop.
D. Ipinaglaban ang kalayaang minimithi at naging malaya sa sinomang
mananakop.

16
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 5
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig


sa Asya
ni Eric Justiniano Maningas

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig o WWII ay


isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong
Setyembre 1, 1939 at natapos noong Setyembre 2, 1945
na kinasangkutan ng halos lahat ng mga bansa.

May dalawang entablado ang nasabing digmaan,


sa Europa at sa Asya-Pasipiko. Sa Pasipiko, ang
sorpresang pag-atake ng mga Hapones sa Pearl Harbor
sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941 ang nagpasimula at
nagpainit sa digmaang nagaganap. Matapos salakayin
ang Pearl Harbor, sinimulan naman ng Japan na
bombahin ang Maynila sa Pilipinas. Isinunod nito ang British Malaya at iba pang lugar
sa Asya at isinailalim ang mga nasakop na bansa sa loob ng tinawag na “Far East
Asia Co-Prosperity Sphere”.

Nagbago ang sitwasyon ng digmaan noong 1942 at 1943 dahil sa unti-unting


pagsulong ng tagumpay ng Allied Power (Great
Britain, France, Russia at Estados Unidos) laban sa
Axis Power (Germany, Italy at Japan) sa Europa at
Pasipiko. Ang pananakop sa Pasipiko ay natigil sa
pagkatalo ng Japan sa Battle of Midway. Bumalik si
Hen. MacArthur sa Pilipinas at nagtagumpay sa
Second Battle of the Philippine Sea at kanyang
isinunod na bawiin ang iba’t ibang pulo na nasakop
ng Japan.

Nalupig ang Japan noong Hulyo 5, 1945 at


inihayag ang paglaya ng Pilipinas. Bagamat hindi pa lubos na isinuko ang lahat ng
mga bansang nasakop, naghulog ng unang bomba atomika ang Estados Unidos sa
Japan upang hilingin ang pag-suko nito noong Agosto 6, 1945 sa Hiroshima at
sinundan pa ito noong Agosto 9, 1945 sa lungsod naman ng Nagasaki, na halos
sumira sa mga nasabing lungsod at kumitil sa halos 225,000 tao. Noong ika-15 Agosto
1945, idineklara ng Japan ang kanyang pagsuko at lumagda sa probisyon ng walang
pasubaling pagsuko na ginanap sa USS Missouri sa Tokyo Bay noong Setyembre 2,
1945.

17
Ano nga ba ang naging bunga ng nasabing
digmaan? Nagdulot ang digmaan ng kahindik-hindik
na bilang ng tao na namatay na umaabot sa
50,000,000 sa kabuoan at pagkasira ng mga bayan at
lungsod (Hiroshima, Nagasaki at Maynila sa Asya).
Dahil maraming bansa ang kasangkot dito, maraming
bansa din ang naghirap at nalugmok sa kahirapan.
Mas mataas ang bilang nito kompara sa naunang
digmaang pandaigdig. Natigil ang pagsulong ng
ekonomiya ng mga bansa sa Asya dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya,
transportasyon at pagbabangko. Isa sa resulta nito ang pagbagsak ng Imperyo ng
Hapon ni Hirohito at pinarusahan ng kamatayan ang 7 opisyal na Hapones kasama si
Punong Ministro Hideki Tojo, at napalitan ito ng Constitutional monarchy habang nasa
ilalim ng pamamahala ng Estanos Unidos.

Nagkaroon ng pagbabago sa
pamahaalan. Humina ang kapangyarihan ng
Europeong bansa sa mga kolonya nito na
nagbigay-daan sa pagsilang ng malalayang
bansa- Nasyonalistang Tsina, Mapulang Tsina
(Taiwan), Pilipinas, Malaysia, Indonesia,
Ceylon (Sri Lanka), India, Pakistan, Israel,
Iran, Iraq at marami pang iba pa. Isa marahil
sa pinakamagandang naidulot nito ay ang pagkatatag ng United Nations o
Nagkakaisang Bansa noong Oktubre 24, 1945 bilang kasangkapan ng kapayapaan.
Layunin nitong protektahan ang mga kasapi nito mula sa anomang agresyon at
panatilihin ang kapayapaan. Sa katotohanang ang digmaan ay nagbubunga ng
malaking pinsala sa buhay at ari-arian kung kaya kailangang isulong ang
kapayapaang pandaigdigan nang wala nang digmaan ang maganap pang muli bagkus
ay pagtutulungan at pagkakaisa para sa kabutihang panlahat.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Maraming bansa ang naging kasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaidig.
A. kasapi
B. kaaway
C. alyansa
D. karamay

18
2. Nagdulot ang digmaan ng kahindik-hindik na bilang ng tao na namatay at
pagkasira ng mga bayan at lungsod.
A. nakatatakot
B. nakakabalisa
C. nakakadismaya
D. nakapanghihilakbot

3. Alin sa sumusunod ang HINDI kasingkahulugan ng salitang pagkalupig?


A. pagsupil
B. paglaya
C. pagkatalo
D. pagbagsa

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong bansa ang naging makapangyarihan sa Asya matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig na siyang bumuo ng Far East Asia Co-Prosperity
Sphere na kinasangkapan sa pananakop sa karatig bansa sa Asya?
A. Japan
B. Vietnam
C. Cambodia
D. Singapore

2. Anong pangyayari ang nagpasimula ng digmaan sa Pasipiko?


A. Pagbomba ng Japan sa Maynila
B. Ang pagkampi ng Estados Unidos sa Great Britain.
C. Ang biglaan o sorpresang pagbomba ng hukbong Hapon sa Hukbong
Amerika sa Pearl Harbor, Hawaii.
D. B at C

3. Aling lungsod sa Japan ang unang binagsakan ng bomba atomika ng


puwersang Amerika upang hilingin ang pagsuko ng una?
A. Tokyo
B. Nagasaki
C. Hiroshima
D. Kanagawa

19
4. Anong labanan ang nagpatigil ng pag-abante ng puwersang Hapon sa
pananakop ng mga bansa nito sa Pasipiko?
A. Battle of Midway
B. Labanan sa Look ng Leyte
C. Battle of the Bulge sa Ardennes
D. Second Battle of the Philippine Sea

5. Kailan lumagda sa probisyon ng walang pasubaling pagsuko ang Japan na


ginanap sa USS Missouri sa Tokyo Bay?
A. Enero 8, 1945
B. Marso 19, 1945
C. Setyembre 2, 1945
D. Disyembre 25, 1945

6. Ang mga sumusunod ay mga naging bunga ng digmaang pandaigdig sa


Asya MALIBAN sa:
A. Bumagsak ang Imperyong Hapon na naitatag ni Hirohito at napalitan ng
Constitutional Monarchy
B. Umunlad ang komunikasyon at teknolohiya dahil kinailangang makabuo
ng makabagong paraan ng pakikidigma.
C. Natigil ang pagsulong ng ekonomiya dahil sa pagkawasak ng agrikultura,
industriya, transportasyon at pagbabangko.
D. Nagbigay daan ito sa pagsilang ng malalayang bansa gaya ng
Nasyonalistang Tsina, Pilipinas, Indonesia at India.

7. Alin sa sumusunod ang aral na iyong mahihinuha batay sa nabasang teksto?


A. Ang digmaan ay mapinsala hindi lamang sa buhay maging sa ari-arian.
B. Ang digmaan ay magastos na paraan upang supilin ang kaaway at
labanan ang may interes na manakop.
C. Malawak ang maaaring maging entablado ng digmaan ngunit kabalikat
nito ang pagsang-ayon ng mamamayan sa ikatatagumpay nito.
D. Ang digmaan ay isang halimbawa ng gawa upang maipakita nag
pagmamahal mayroon ikaw sa sariling bansa o lahing kaniyang kabilang.

20
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 6
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

SUN YAT-SEN
ni Bill Patrick M. Familara

Si Sun Yat-sen ay isang pilosopo,


manggagamot, aktibista at politokong instik na
isinilang sa Guangdong, Disnastiyang Qing noong
Ika-12 ng Nobyembre, 1866. Siya ay nagmula sa
isang mahirap na pamilya.
Nang matapos niya ang pag-aaral sa primarya
ay nanirahan at nagpatuloy ng pag-aaral si Sun Yat-
sen sa Honolulu, Kaharian ng Hawaii kasama ang
kanyang kapatid. Dahil sa takot na unti-unting yakapin
ang pananampalatayang Kristiyano, pinabalik siya sa
Tsina. Sa kanyang pagbalik ay nakipagkita siya sa
Sun Yat-sen
Pinagkunan: Fotosearch/Getty Images kaniyang kababata na si Lu Haodong sa isang templo
https://www.gettyimages.com/detail/news-
photo/portrait-of-president-sun-yat-sen-circa-
sa Cuiheng. Dahil sa di nagustuhan ang ginawang
1910s-news-photo/96809666?adppopup=true pagsamba ng mga tao at sa mga sinaunang paraan
ng panggagamot, sinira nilang dalawa ang mga
rebulto sa templo na ikinagalit naman ng mga tao. Sa pangyayaring ito ay napilitan
ang dalawa na tumakas patungong Hong Kong na noo’y isang kolonya ng Imperyo ng
Britanya. Habang nasa Hong Kong, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral.
Noong 1886, nagsimulang mag-aral si Sun ng medisina sa isang ospital na
pinamamahalaan ng isang Kristiyanong misyonero na si John Kerr. Di kinalaunan ay
nakamit niya ang lisenya sa panggagamot mula sa Hong Kong College of Medicine
for Chinese.
Sa panahon ng Rebelyon sa Dinastiyang Qing noong 1888, si Sun ay
kasalukuyang nasa Hong Kong. Dahil sa pagiging konserbatibo ng pamahalaang Qing
at hindi pagyakap sa mga makabagong kaalaman mula sa mga kanluraning bansa,
tinalikuran niya ang medisina at pangagamot upang ilaan ang kaniyang panahon sa
pagsusulong ng pagbabago sa Tsina.
Noong 1894, nagpadala ng petisyon si Sun para kay Li Hongzhang na noo’y
kinatawan ng Qing sa rehiyon. Sinubukang harapin ni Sun si Li subalit hindi sya
pinagbigyan. Dahil sa karanasang iyon, bumalik siya sa Hawaii at itinatag niya ang
Revive China Society na naglalayong paunlarin ang Tsina. Mabilis na dumami ang
suporta ng mga tao na nagmula sa mahihirap na pamilya at mga tao na naninirahan

21
sa labas ng bansa. Samantala, nakipag-anib naman ang isa pang samahan sa Hong
Kong sa samahan ni Sun na nakabase roon. Sa pagsasanib na ito, naging sekretarya
si Sun at nagsilbing pangulo naman si Yeung Ku-wan. Upang maiwasan ang pagtugis
ng mga awtoridad, ay inilihim nila ang mga aktibidad ng samahan at itinago ito sa
pangalan ng isang lehitimong negosyo na “Kuen Hang Club”.
Matapos matalo ng Qing sa Unang Digmaang Tsino at Hapon noong 1895,
nagkaroon ng panibagong suliranin ang Tsina sa pagkabuo ng dalawang
magkasalungat na pangkat. Ang una ay binubuo ng mga iskolar na naniniwala na
tanging ang mga Manchu mula sa pamahalaan ng Qing ang makabubuhay ng
pagiging lihitimo ng bansa at sa pagsulong ng modernisasyon. Samantala si Sun Yat-
sen kasama ng iba pang mga aktibista ay nagnanais ng isang rebolusyon na
naglalayong palitan ang sistemang dinastiya ng pamamahala tungo sa modernong
bansa sa anyo ng isang republika. Ang tungaliang ito ay kinilala bilang Hundred Days’
Reform.
Noong 1911, itinatag ang isang Pansamantalang Pamahalaan ng Republika ng
Tsina at nahalal si Sun Yat-sen bilang pangulo. Sa mga sumunod na araw ang iba
pang rebolusyonaryo ay nagtatag rin ng iba pang republika sa Tsina.
Matapos ang Rebelyong Xinhai noong 1911, naitatag ang partidong
Kuomintang sa pamumuno ni Sun Yat-sen at Song Jiaore. Bumaba sa katungkulan si
Sun at ipinaubaya ito kay Yuan Shikai subalit, agad na tinalikuran nito ang kanilang
unang hangarin at idineklara niya ang sarili bilang Emperador at pinaalis si Sun mula
sa Pambansang Batasan. Dahil sa pangyayaring ito, muling binuhay ni Sun ang
kilusang rebolusyonaryo at naging pangulo ng bagong tatag na republika sa Canton
na naglalayong pag-isahin ang nagkawatak-watak na Tsina. Sa kasamang palad,
noong 1925, namatay si Sun Yat-sen nang bigong muling pag-isahin ang Tsina.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Pamahalaang
Dinastiya?
A. Ito ay isang uri ng pamahalaang monarkiya na kung saan ang namumuno
ay nagmula isang angkan o pamilya lamang.
B. Ito ay isang uri ng pamahalaan na mayroon ang Tsina mula nang maitatag
ito dalawang libong taon na ang nakalilipas.
C. Ito ay isang uri ng pamahalaang diktatoryal na pinamumunuan ng isang
angkan.
D. Ito ay isang uri ng pamahalaang totalitariyan na pinamumunuan ng isang
prominenteng tao mula sa isang angkan.

22
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na kahulugan ng salitang
“konserbatibo”?
A. Pagiging takot sa mga pagbabago
B. Pagsunod sa mga kinagawian at paniniwala.
C. Pagiging tapat sa pagsunod sa mga sinaunang paniniwala at mga gawa.
D. Pagiging istrikto sa pagsunod sa mga sinaunang pamamaran ng
pamumuhay.

3. Ano ang pinakaangkop na kahulugan ng salitang “Republika”?


A. Ang isang republika ay isang bansa na nakabatay ang samahang
pampolitika sa mga tuntunin ng mga mamamayan.
B. Ang republika ay tumukoy sa isang estado o bansa.
C. Ang isang republika ay isang bansa na nakabatay ang samahang
pampolitika sa mga tuntunin na ang mga mamamayan o tagahalal ang
bumubuo ng pinakamataas na ugat ng pagiging marapat at nagsasarili.
D. Ang republika ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang pinuno nito ay
inihahalal ng taumbayan.

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing dahilan ni Sun Yat-sen sa
pagtalikod sa kaniyang propesyon upang maging isang aktibista?
A. Dahil sa kawalang ugnayan ng Dinastiyang Qing sa mamamayan
B. Dahil sa hindi pagbigay ng pagkakataon ni Li na dinggin ang mga hinaing
ni Sun
C. Dahil ang Dinastiyang Qing ay hinayaan lamang ang paglaganap ng
Sphere of Influence sa kanilang bansa
D. Dahil sa pagiging konserbatibo ng Dynastiyang Qing at di nito pagyakap
sa mga makabagong pamaraan ng pamamahala at teknolohiya

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan kay Sun Yat-


sen?
A. Siya ay isang doctor, pilosopo, aktibista at politikong Tsino na nanguna sa
rebolusyon sa Tsina.
B. Siya ay isang aktibistang Tsino na nagtatag ng partidong Kuomintang
C. Siya ay isang edukadong Tsino na makipaglaban sa mga dayuhan para sa
Kalayaan ng kaniyang bansa.
D. Siya ay isang ordinaryong mamamayan na nagmula sa isang ordinaryong
pamilya na nanguna sa pagsulong ng mga pagbabago sa Tsina.

23
3. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naganap matapos matalo ang
Dinastiyang Qing sa Unang Digmaang Tsino at Hapon?
A. Nawala sa kapangyarihan ang Qing
B. Nagkaroon ng panibagong pamahalaan ang bansang Tsina.
C. Nahati sa iba’t ibang paksyon ang Tsina at tuluhayang humina ang ang
Dinastiyang Qing.
D. Naitatag ang mga probisyonaryong mga pamahalaan sa ilalim ng iba’t
ibang rebolusyonaryong kilusan.

4. Maliban kay Sun Yat-sen, sino pa ang kasama nito na nagtatag ng partidong
Kuomintang?
A. Liu Bang
B. Song Jiaore
C. Shang Kai-shek
D. Qin Huang

5. Bakit tumiwalag si Sun Yat-sen kay Yuan Shikai at nagtatag ng panibagong


republika?
A. Dahil di tumalima si Yuan sa mga napagkasunduan nila.
B. Dahil parehas silang may personal na interes sa bansa
C. Dahil iprinoklama nito ang sarili bilang bagong imperador ng Tsina na hindi
sinang-ayunan ni Sun Yat-sen
D. Dahil sa pagtalikod nito sa kanilang mga ipinaglalaban at ginawa ang sarili
bilang bagong imperador.

24
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 7
Panuto: Basahing mabuti ang tula. Namnamin ang mensahe at damdaming nais
nitong ipahayag.

Ilaw
ni Bill Patrick M. Familara

Noo’y hagulhol na di marinig


Sa bayan na ang ilaw ay walang salig
Pag-aari kung ituring ito ng nakararami
Sa pag-aaruga nito tayo rin ay namamalagi

Sa mahabang panahon, ang ilaw ay naghirap


Liwanag nito ay nasakluban ng pighati mula alapaap
Kahit anong lakas ng tinig ay di sasapat
Hiyaw ay tila bulong lang sa hangin, layuni’y di masipat.

Sa paglipas ng panahon, ang ilaw ay namulat


Tama na, ang sumbat sa bawat pagyurak
Nagsimulang maghangad nang matutong magsulat,
Magbasa at makapag-aral hinangad para sa lahat.

Pagkapantay-pantay ang sunod na hiniyaw


Nitong ilaw na ang nais naman ay makagalaw
Magkaroon ng papel sa bayang ginigiliw
Boses ay madinig ng madla sa saliw

Sa sumunod na taon ang ilaw ay ganap nang nakalaya


Mula sa kahon ng kung saan s’ya nanahan
Liwanag nito ay nagsimulang madama at matanaw
Sa mga lugar na noo’y para lamang sa mga lakan

Kung noong araw ang ilaw ay walang magawâ


Ngayon nga ay tila ba sila na ang gumágawa
Mula sa tahanan hanggang sa mga industriya
Sila na nga ang bida sa ating pamilya

Pawis at pagod ang alay nila sa atin


Para sa kasaganahan, tayo ay di mabitin
Ginagawa ang lahat para sa ikabubuti
O ilaw, ikaw nga ang bagong bayani

25
Tunay ngang malayo na ang narating nitong ilaw
Mula sa pagiging simpleng may bahay
Ngayon nga sila’y nangingibabaw
At sa pag-unlad ng bayan, ang ilaw ay siyang tulay.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Sa linyang “Sa bayan na ang ilaw ay walang salig”, ano ang ibig sabihin ng
salitang salig?
A. kakampi
B. masandalan
C. makasama
D. makauunawa

2. Sa linyang “Boses ay madinig ng madla sa saliw”, ano ang ibig sabihin ng


salitang saliw?
A. loob
B. labas
C. pinagkuhaan
D. pinaghanguan

3. Sa linyang “Sa mga lugar na noo’y para lamang sa mga lakan”, ano ang ibig
sabihin ng salitang lakan?
A. mayaman
B. maharlika
C. babae
D. lalaki

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ayon sa mga unang bahagi ng tulang binasa, alin sa sumusunod ang
nagsasaad ng pinakaangkop na paglalarawan sa mga babae?
A. Ang mga babae ay nakararanas ng kalupitan sa tahanan.
B. Ang mga babae ay may mababang karapatan na di tulad ng mga lalaki.
C. Ang mga babae ay walang boses sa lipunan at walang karapatang mag-
aral.
D. Ang mga babae ay kalimitang dumaranas ng pang-aabuso, subalit walang
lakas ng loob para lumaban.

26
2. Alin sa mga sumusunod ang unang hiniling na pagbabago ng mga
kababaihan alinsunod sa tulang binasa?
A. Ang makapagtrabaho para sa pamilya.
B. Magkaroon ng karapatang bomoto sa halalan.
C. Makapagdesisyon para sa sariling kapakanan.
D. Ang makapag-aral sa paaralan na tulad ng mga kalalakihan.

3. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit naghangad ang mga
kababaihan na magkaroon ng pantay na karapatan at oportunidad sa lipunan?
A. Dahil pinagkakaitan silang makapag-aral
B. Dahil sa hindi pantay na pagtingin ng mga tao sa lipunan.
C. Dahil sa mga pang-aabuso na dinaranas sa kanilang mga tanahan.
D. Dahil ang mga babae ay tao lang rin at nagnanais na makalaya.

4. Ayon sa mga huling bahagi ng tula, alin sa sumunod ang pinakaangkop na


paglalarawan sa kasalukuyang lagay ng mga kababaihan sa lipunan?
A. Ang mga babae ay may boses na sa lipunan.
B. Ang mga babae ay mayroong pantay na karapatan.
C. Ang mga babae ay may karapatan na mag-aral at makahanap ng
nininanais na trabaho.
D. Ang mga babae ay nagkaroon na ng pantay na karapatan at oportunidad
ng tulad ng mga lalaki.

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na tema ng tula?


A. Ang lagay ng kababaihan noon at ngayon.
B. Ang pagbabago ng tingin sa kababaihan ng lipunan.
C. Ang paglaban ng mga kababaihan sa kanilang kalayaan
D. Ang mga paglaban ng mga kababaihan upang makamit ang pantay na
pagtingin ng lipunan.

27
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 8
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mensahe at damdaming nais
nitong ipahayag.

AUNG SANG SUU KYI


ni Bill Patrick M. Familara

Si Aung Sang Suu Kyi ay ang ika- 20 at unang babaeng Ministro ng Ugnayang
Panlabas (Foreign Affairs). Siya rin ay ang kasalukuyan at kauna-unahang
Pambansang Tagapayo ng Myanmar (State Counsellor of
Myanmar) ang de facto na namamahala ng pamahalaan
mula April 6, 2016.

Nakilala si Suu Kyi sa kanyang mga natatanging


kontribusyon sa pagsulong ng karapatang pantao at
demokrasya sa Myanmar. Naglathala rin siya ng mga aklat
na sumasalamin sa kanyang pagnanais na magkaroon ng
kapayapaan sa mapayapang pamamaraan, tulad ng ginawa
ni Mohandas Gandhi sa India.

Hindi matatawaran ang mga ginawa ni Suu Kyi sa


Myanmar sa pagsulong ng demokrasya sa isang bansang
Aung Saang Suu Kyi
Pinagkunan:https://en.wikipedia.org/wi nasa ilalim ng military junta. Matapos ang pag-aalsa noong
ki/Aung_San_Suu_Kyiphoto/96809666?
adppopup=true
1988, nakilala si Suu Kyi at nabuksan ang mata ng daigdig
sa kalagayang politikal ng bansa. Dahil dito, isinailalim ang
Myanmar sa batas militar kung saan hinuli at isinailalim si Suu Kyi sa house arrest ng
tatlong taon.

Noong 1990, nagsagawa ang junta ng isang halalan kung saan siya ang
pinaniniwalaang nagwagi. Subalit, ang resulta ng halalan ay ipinawalang-bisa na
naging dahilan ng pag-alma ng iba pang mga bansa. Habang siya ay naka-house
arrest, ginawaran si Suu Kyi ng Sakharov Prize for Freedom of Thought noong 1990
at ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan (Nobel Peace Prize) noong 1991.
Ginamit niya ang perang ipinagkaloob sa nasabing parangal para magtatag ng health
and education trust para sa mga mamamayang Burmese. Samantala, noong 1999,
kinilala naman siya ng Time Magazine bilang isa sa mga “Anak ni Gandhi” (Children
of Gandhi) dahil sa kanyang paglaban ng demokrasya ng walang dahas.

Sa loob ng halos dalawampu’t isang taon na paglaban para sa demokrasya, si


Suu Kyi ay ilang beses rin na sumailalim sa house arrest. Hindi siya nagpatinag at
habang nakakulong ay itinuloy niya ang laban. Nang siya ay makalaya noong 2010,
itinuloy niya ang kanyang hangarin hanggang mailuklok sa bagong tatag na posisyon
na Pambansang Tagapayo ng Estado noong 2016 na katumbas ng isang punong
ministro.

28
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng salitang de facto ayon
sa pagkakagamit sa pangungusap?
A. Tunay na may kapangyarihan
B. Ang may kontrol sa pamahalaan
C. Ang kapangyarihan nito ay naaayon sa batas
D. Ang kasalukuyang may hawak ng kapangyarihan.

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pagbibigay-kahulugan sa salitang


“Military Junta”?
A. Isang lugar na nasailalim ng batas military
B. Isang uri ng pamahalaan na ang namumumo ay isang sundalo
C. Isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga tumiwalag na
sandatahang lakas.
D. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno at may hawak
ng kapangyarihan ay ang military.

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng demokrasya ayon sa


ideolohiya na ipinaglaban ni Suu Kyi?
A. Mula sa sinaunang pamahalaan ng mga Griyego.
B. Ang mga tao ay may kalayaan at pantay na kapangyarihan sa
pamahalaan
C. Pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan at pagsulong ng mga
karapatan nito.
D. Karapatan ng mga tao na mamuhay ng malaya at may paggalang sa
karapatang pantao.

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Anong uri ng pamahalaan ang umiral sa Myanmar matapos ang pag-aalsa
noong 1988?
A. Monarkiya
B. Pasismo
C. Pamahalaang Militar
D. Demokrasya

29
2. Alin sa sumusunod na parangal ang natanggap ni Suu Kyi dahil sa kanyang
pagsulong ng karapatang pantao at demokrasya?
A. Sakharov Prize for Freedom of Thought
B. Nobel Peace Prize
C. Children of Gandhi ng Times Magazine
D. Gawad Tanglaw sa Kapayapaan

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pinakamainam na dahilan sa


pagsasailalim kay Suu Kyi sa mga house arrest?
A. Dahil sa lantarang paglaban sa pamahalaan
B. Dahil ang pagsulong ng demokrasya ay nagsilbing banta sa
kapangyarihan at impluwensya ng pamahalaan.
C. Dahil itinuring si Suu Kyi bilang isang political prisoner na nagsisilbing
banta sa estado.
D. Dahil sa paglason sa isipan ng mga mamamayan upang mag-aklas laban
sa pamahalaan

4. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang naging batayan ng Times Magazine


upang kilalanin si Suu Kyi bilang “Children of Gandhi”?
A. Isinulong na ang mga pagbabago
B. Isinulong niya ang demokrasya sa pamahalaan
C. Isinulong nya ang demokrasya at lumaban ng walang dahas.
D. Isinulong niya ang Karapatan ng mga kababaihan sa bansa.

5. Sa paanong paraan isinulong ni Suu Kyi ang demokrasya at karapatang


pantao sa Myanmar?
A. Sa pamamagitan ng malawakang kilos protesta para sa demokrasya
B. Sa pamamagitan ng pagsulat ng mga aklat tungkol sa estado politikal ng
bansa
C. Sa pamamagitan ng mga debate at lantarang pagtuligsa sa pamahalaan
D. Sa pamamagitan ng pagtatanggol sa Karapatan ng kababaihan sa bansa

30
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 9
Panuto: Basahing mabuti ang diyalogo. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Nasyonalismo, Paano Nga Ba Ikaw Nabuo?


ni Lilac F. Fruelda

Mga Tauhan: Batang Pilipino


Ginoong Nasyonalismo
Ginoong Diskriminasyon
Ginoong Pang-aabuso
Binibining Edukasyon
Ginang Pamamahala

Batang Pilipino: Paano po ba ikaw nagsimula Ginoong Nasyonalismo?


Ginoong Nasyonalismo: Batang Pilipino, mahal mo ba ang iyong bansa?
Batang Pilipino: Opo naman. Mahal ko po at ipinagmamalaki ko na ako ay kabilang
dito.
Ginoong Nasyonalismo: Kung ganoon, ipaglalaban mo ba ang bayan mo sa sino
man na mananakop dito?
Batang Pilipino: Opo naman.
Ginoong Nasyonalismo: Kung ganoon ay kilala mo na ako, dahil ako ay nagsimula
sa damdaming nararamdaman mo. At para mas lalo mo pa akong makilala ay
ipakikilala kita sa mga kaibigan ko na naging dahilan para ako ay mabuo. Halika
kilalanin natin sila.
Batang Pilipino: Sige po.
Ginoong Nasyonalismo: Magandang umaga Ginoong Diskriminasyon at Ginoong
Pang-aabuso.
Ginoong Diskriminasyon at Pang-aabuso: Magandang umaga din sa inyong
dalawa, Ginoong Nasyonalismo at Batang Pilipino. Ano ba ang maipaglilingkod namin
sa inyo.
Ginoong Nasyonalismo: Gusto ko sana kayong ipakilala kung paano kayo naging
kabahagi ng buhay ko.

31
Ginoong Diskriminasyon: Ganoon ba, walang problema iyon. Ako nga pala si
Diskriminasyon. Ito naman ang nakababata kong kapatid na si Pang-aabuso. Isa kami
sa matagal ng kaibigan ni Nasyonalismo. Marami akong naranasan na hindi maganda
lalo na sa kamay ng mga Kanluranin. Ang turing nila noon sa akin ay napakababa
dahil na din daw sa aking panlabas na anyo. Para sa kanila ang pagkakaroon daw ng
kayumanggi at maitim na balat ay katumbas ng kamangmangan at pagiging
mababang uri.
Ginoong Pang-aabuso: Ito din ang naging dahilan ng kanilang pag-aabuso at
pagmamalabis sa amin at sa lahat ng kolonya nila sa Asya.
Ginoong Diskriminasyon: Hindi lang sa panlabas na anyo ang naransasan naming
diskriminasyon pati na rin sa patakarang panlipunan na sa pagitan naming mga
katutubong Asyano at mga Kanluranin. Isang halimbawa na lamang nito ay kahit na
ang ilan sa amin ay matagumpay na nakapagtapos ng kurso sa Europa at
napatunayan na kaya naming lampasan ang pamantayan ng Kanluranin, hindi pa rin
nila kami pinagkatiwalaang umupo sa mataas na posisyon sa loob ng pamahalaan at
sa iba’t ibang institusyon.
Ginoong Pang-aabuso: Hindi lang doon, pati na rin sa mga pampublikong batas, ay
mas lalong hayagan ang diskriminisayon dahil na din na sa Kodigo Penal na
nagbibigay ng mas mabigat na parusa sa mga Indio.
Batang Pilipino: Nakakalungkot naman po at nakakainis sapagkat hindi po tayo ng
maging malaya sa loob ng sarili nating bansa.
Ginoong Pang-aabuso: Tama ka Batang Pilipino. Masakit mang alalahanin ang mga
nakaraan naming ito ay isa sa mga naging dahilan upang makilala namin si Ginoong
Nasyonalismo.
Ginoong Nasyonalismo: Maraming Salamat Ginoong Nasyonalismo at Ginoong
Pang-aabuso, isa kayo sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandito ako.
Batang Pilipino, handa ka na bang kilalanin ang isa pa sa matalik kong kaibigan.
Batang Pilipino: Opo.
Ginoong Nasyonalismo: Magandang umaga Binibining Edukasyon. Ito nga pala ang
bago kong kaibigan si Batang Pilipino.
Binibining Edukasyon: Magandang umaga din naman sa inyong dalawa, Mukhang
nakilala mo na sina Ginoong Diskriminasyon at Ginoong Pang-aabuso. Handa ka na
bang makilala ako Batang Pilipino?
Batang Pilipino: Opo
Binibining Edukasyon: Noong dantaon 19, marami sa mga Pilipino ang nakaaangat
na sa buhay. Ang mga anak ng bawat pamilyang ito ay nagkaroon na ng
pagkakataong makapag-aral sa Maynila, Barcelona, Madrid at Spain. Ang mga
nakapag-aral na ay tinaguriang ilustrado. Sa kanila nabuo ang Kilusang Propaganda
na naglalayong iparating sa kinauukulan ang pagmamalabis at pang-aabuso ng
Espanyol sa kolonya. Isa na dito ay si Dr. Jose Rizal na nagsulat ng nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.
32
Hindi lamang sa Pilipinas nangyari ito pati na rin sa Japan, sa pamumuno ni
Emperador Meiji. Siya ay nagpadala ng 50 opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni
Iwakura Tomomi sa mga bansa sa Europa at sa America upang pag-aralan ang
kanilang sistema ng edukasyon, pangangasiwa, pananalapi, at batas. Pinag-aralan
din nila ang lahat ng uri ng pabrika at minahan. Doon nila napagtanto ang kailangan
nilang gawin upang makahabol sa umuunlad na bansa ng Europa at America, kaya
naman sa kanilang pagbabalik noong 1873 ay sinimulan nila agad ang reporma.
Pagsapit ng 1880, nagtagumpay silang maitatag ang isang masaganang bansa na
may malakas na hukbo.

Sunod naman ay ang Indonesia, sa hanay ng priyayi (maharlika) unang umusbong


ang kilusang makabayan. Sila ang unang namulat sa edukasyong Kanluranin. Isa sa
mga kilalang priyayi ay si Dr. Mas Wahidin Sudirohusodo na nagtatag ng pangkat na
Budi Utomo (Dakilang Pagpupunyagi) na may layuning iangat ang katayuang
pangkultura at pang-ekonomiya ng mamamayan ng Java sa pamamagitan ng pag-
aaral ng sariling kultura at ng mga kaalamang Kanluranin, at kabilang sa mga gawain
nila ay ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa kabataang Indones. Sa pamumuno
naman ni priyayi na si Omar Said Tjokroaminoto ang Sarekat Islam (Samahang Islam)
ay ipinaglaban nila ang kasarinlan ng Indonesia.

Hindi rin pahuhuli ang China. Pinangunahan ni Dr. Sun Yat Sen ang kilusang
makabayan ng bansa at itinatag ang kilusang rebolusyonaryo na Hsing Chung Hui
(Samahang Buhaying Muli ang China) na naglayong pabagsakin ang dinastiyang
Qing. Ngunit hindi siya nagtagumpay sa pag-aalsa at noong 1896 ay nahuli at
ikinulong siya ng embahada ng China sa London, England. Habang nasa bilangguan,
sa pamamagitan ng kaniyang kaibigang misyonero ay nagawa niyang makapagpuslit
ng sulat sa pahayagan na nagpukaw sa damdaming makabayan ng mga Tsino. Ang
ingay na nilikha ng mga pahayagan ang naging dahilan ng bigla niyang pagsikat, kaya
sa huli ay napilitan siyang palayain ng embahada ng China. Sa mga panahong ito,
nabuo na niya ang platapormang “Nasyonalismo, Demokrasya, at Hanapbuhay” na
kilala bilang “Tatlong Prinsipyo ng Madla.”
Anong masasabi mo sa mga bansang ito Batang Pilipino?
Batang Pilipino: Kahanga-hanga po at sa kabila ng pagiging kolonya ng bansa ay
hindi nawala sa mga tao ang pagnanasang matuto upang mapaunlad ang bansa at
matutunang tumayo sa sariling mga paa.
Ginoong Nasyonalismo: Nakita mo na batang Pilipino, napakahalaga ng edukasyon
hindi lamang sa batang katulad mo kung hindi sa lahat ng tao sa mundo. Ito ang
maghahatid sa atin sa mundong gusto nating marating. Maraming Salamat Binibining
Edukasyon.
Batang Pilipino: Maraming Salamat po. Mag-aaral po akong mabuti.
Binibining Edukasyon: Walang anoman, hangad ko lang ay maibahagi sa iyo ang
kahalagahan ng edukasyon lalong-lalo na sa pagiging nasyonalismo.

33
Ginoong Nasyonalismo: Masaya ako at marami kang natutunan tungkol sa akin.
Halika at kilalanin naman natin si Ginang Pamamahala.
Ginang Pamamahala: Magandang umaga sa inyo Ginoong Nasyonalismo at lalo na
sa iyo Batang Pilipino. Alam mo ba na dahil sa kaisipang liberal sa Europa na
nakarating sa Asya ay nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng partisipasyon sa
pamamahala ang mga tao sa sarili nilang bansa. Halimbawa sa Pilipinas, nang
ipinatupad ang Batas Maura na ipinagtibay sa Madrid, Spain noong Mayo 1893 ay
mas pinalawak ang kapangyarihan ng capitan general (gobernadorcillo) na mga Indio.
Kung noong una ay tagapagpatupad lamang ng batas at tagasingil ng buwis, hinayaan
na rin sila na pangasiwaan ang sarili nilang bayan.
Sa Burma naman ay ipinatupad ng Britain ang mga repormang pinairal din nila sa
India. Isa sa mga ito ay ang Repormang Morley-Minto na nagpalawak sa partisipasyon
ng mga katutubo sa pamahalaan, kabilang na ang pagpapatakbo sa Departamento
ng Kagubatan. Napakahalaga ng sangay na ito para sa mga Burmese dahil sa
kagubatan ng Burma nagmumula ang malalaking trosong iniluluwas sa ibang bansa.
Noong 1937, inihiwalay ng Britain ang Burma sa India at binigyan ito ng Saligang
Batas. Sa ilalim ng bagong Saligang Batas, pinayagan ang Burma na magkaroon ng
sariling pamahalaan bagama’t ang gobernador nito ay hinirang pa rin ng Reyna ng
Britain. Kalaunan, lumaganap ang kilusang makabayan sa mga Burmese at sunod-
sunod na protesta ang inilunsad para makamit ang kasarinlan.
Ano sa tingin mo ang ipanapakita nito?
Batang Pilipino: Magsisimula po sa atin ang pamumuno ng sarili nating bansa upang
makamtan ang tunay na Kalayaan.
Ginang Pamamahala: Natutuwa ako at naiintindihan mo itong lahat. Sana ito ay
manatili sa isip at puso mo.
Batang Pilipino: Maraming-maraming salamat po.
Ginoong Nasyonalismo: Maraming salamat Ginang Pamamahala. Ang mabuting
pamamahala ng tao ang nagpapakita ng pagiging nasyonalismo. Ngayon, Batang
Pilipino, alam mo na ba kung paano ako nabuo?

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.
1. Hindi lang sa panlabas na anyo ang naranasan naming diskriminasyon pati
na rin sa patakarang panlipunan na sa pagitan naming mga katutubong
Asyano at mga Kanluranin.
A. Pagtanggi C. Pagtangap
B. Pang-aapi D. Pag-aruga
34
2. Dahil sa kaisipang liberal sa Europa na nakarating sa Asya ay nabigyan ng
pagkakataon na magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala ang mga tao sa
sarili nilang bansa.
A. mapagbigay C.maunawa
B. maluwag D.hindi mahigpit

3. Doon napagtanto ng Japan ang kailangan nilang gawin upang makahabol sa


umuunlad na bansa ng Europa at America, kaya naman sa kanilang
pagbabalik noong 1873 ay sinimulan nila agad ang reporma.
A. Pagpapabuti C.Pagbabago
B. Pagsasaayos D.Pagpapanatili

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isa sa hindi magandang naranasan ng mga tao noon ay pang-aapi at pang-
aabuso dahil na din sa panlabas na anyo nila. Anong salik sa pag-usbong ng
diwang makabayan ang ipinapakita nito?
A. Diskriminasyon C. Edukasyon
B. Pang-aabuso D. Pamamahala

2. Paano nakatulong ang edukasyon sa pagsilang ng nasyonalismo?


A. Napalawak ang ating kaalaman sa karunungang Kanluranin.
B. Nadagdagan ang pagkamangha natin sa pamumuhay ng Kanluranin.
C. Napanatili ang kapangyarihan ng mga kanluranin sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.
D. Nabuksan ang ating kaisipan sa makabagong pamamaraan kung paano
mapapaunlad ang ating sariling bayan.

3. Ano ang maaaring epekto kung patuloy ang pang-aabuso at pagmamalupit sa


mga Asyano?
A. Mapapailalim ng tuluyan ang kolonya sa bansang nakasakop dito.
B. Mag-aalab ang pusong makabayan ng bawat tao.
C. Matatakot na sumuway sa mga Kanluranin.
D. Bababa ang tingin sa sariling bansa.

35
4. Paano ipinamalas ng Japan ang damdaming nasyonalismo sa harap ng
imperyalismong kanluranin?
A. Sa pagsara ng pintuan papasok at palabas ng bansa upang mapanatili ang
kultura.
B. Pagbukas ng pintuan sa mga Kanluranin at pagyakap sa kanilang kultura.
C. Pagbukas ng pintuan papasok at palabas ng bansa upang pag-aralan ang
pamamaraan ng mga Kanluranin
D. Pagsara sa pintuan at pagsisimula ng himagsikan sa mga bansa sa
Kanluranin upang makamtan ang kasarinlan.

5. Bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikabubuti ng kapuwa at ng bansa?


A. Ito ay mahalaga sapagkat ipinapakita nito ang pagiging matapang nating
lahat.
B. Ito ay mahalaga dahil hindi maaaring ang makinabang sa ating sariling
bansa ay ang mga mananakop.
C. Ang pakikibaka para sa ikabubuti ng lahat ay pagpapakita ng pagmamahal
sa sarili, sa kapwa at sa inang bayan
D. Ito ay nagpapakita na handa tayong magbuwis ng buhay para sa ating
Inang Bayan.

6. Alin sa mga bansang ito ang nagpakita ng diwang makabansa sa


pamamagitan ng pagtatag ng pangkat na may layuning iangat ang katayuang
pangkultura at pang-ekonomiya ng mamamayan sa pamamagitan ng pag-
aaral ng sariling kultura at ng mga kaalamang Kanluranin?
A. Pilipinas C. China
B. Indonesia D. Britain

7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang nasyonalismo sa panahong ito?


A. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa produktong sariling atin.
B. Pagtangkilik sa mga imported na bilihin galing ibang bansa.
C. Pagsasawalang bahala at hindi pagsunod sa batas ng bansa.
D. Pagtangkilik sa mga palabas sa ibang bansa higit sa mga palabas sa loob
ng bansa.

36
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 10
Panuto: Basahing mabuti ang diyalogo. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Nasyonalismo, Susi ng Pagkapanalo


ni Lilac F. Fruelda

Nakaraang mapait alalahanin, hindi na mawawala at parte ng nakalipas natin.


Pagkawala ng kalayaan at pang-aabuso sa ating karapatan sa loob pa mismo ng sarili
nating bayan. Sino bang tao ang makakalimot ng lahat ng pasakit na naranasan ng
mga ninuno natin?
Imperyalismo, yan ang nasa isip ng malalakas na bansa, pag-angkin ng mga
lupain at pagpapalawak ng kapangyarihan na hindi nila iniisip kung sino at gaano
karami ang maaapektuhan. Patuloy ang naranasang pang-aabuso at pagmamalupit
sa mga taong sakop nito, na siya namang bumuhay sa masidhing damdamin at
pagmamahal ng tao sa sariling bansa nito. Maalab na damdaming nangibabaw sa
puso at isip ng mga bayaning ipinagtanggol tayo, mawala lamang mga dayuhang
nang-aapi sa atin. Ito ang Nasyonalismo, pagnanasa nating maging malaya tayo.
Tulad ng pagbuo ng samahan at pagsisimula ng rebelyon bilang pagtutol sa
panghihimasok ng mga dayuhan. Katulad ng China, na nagsagawa ng dalawang
rebelyon, isa ay ang Rebelyong Taiping noong 1850 na ang layunin ay pagbabago sa
lipunan, pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kababaihan, at pagtaguyod sa
paniniwalang kanilang sinusundan. Ikalawa ay Rebelyong Boxer noong 1900, na ang
pangunahing mithiin ay pagtuligsa sa korupsiyon ng pamahalaan at pagpapatalsik sa
lahat ng dayuhan. Hindi man sila tuluyang nagtagumpay, hindi naman nawala sa
kanila ang pagsasagawa ng reporma. Hindi ito naging madali, dahil na din sa
impluwensiya ng mga kanluranin. Sa pagbagsak at pagwakas ng matagal na
pamumuno ng mga dayuhan, naging malaking hamon naman kung sino ang susunod
na pinuno. Ito’y naging hudyat ng kawalan ng pagkakaisa at kaguluhang politikal. Sa
kabila ng kaguluhan isang tao ang nakilala. Siya ay si Sun Yat-Sen na nagsulong ng
pagkakaisa gamit ang tatlong prinsipyo: nasyonalismo, demokrasya at kabuhayang-
pantao. Binigyang-diin niya na ang pagkakaisa ay ang susi sa tagumpay laban sa mga
imperyalista. Naging ganap ang kaniyang pamumuno nang mapatalsik niya ang
Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution at itinatag ang bagong Republika ng
China.
Sa Japan naman sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito umusbong ang
kanilang damdaming nasyonalismo. Bagama’t handa silang lumaban para sa kanilang
bayan, hindi sila gumamit ng karahasan laban sa mga dayuhan, sapagkat marami ang

37
madadamay na mga inosenteng mamamayan at malinaw sa kanila ang lakas ng
puwersa ng pandigma ng mga kalaban. Kaya mas pinili nilang tanggapin ang mga
kanluranin sa bisa ng isang kasunduan. Sa pagyakap sa impluwensiya ng mga
kanluranin nagamit niya ito upang ang Japan ay paunlarin. Pagpapatupad ng
compulsory education sa elementarya, pag-imbita ng mahuhusay na guro galing ibang
bansa, at pagpapadala ng scholar sa ibang bansa upang matutunan ang makabagong
pamamaraan ng pagnenegosyo, at pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya.
Pagpapagawa at pagpapaunlad ng sistema ng komunikasyon at transportasyon, at
pagpapalakas ng militar na siyang nakatulong sa kanilang pag-unlad at pagsulong.
Sa Indonesia naman, naipamalas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng
malawakang pag-aalsa, pakikibaka, at pagtatag ng mga makabayang samahan na
siyang nanguna sa pakikipaglaban at paghihimagsik upang makamtam ang kalayaan.
Marami ang nagbuwis ng buhay ngunit ganap naman nilang nakamtan ang kasarinlan.
Isa pa sa mga bansang ipinaglaban ang kanilang kalayaan sa pamamagitan ng
rebelyon at pagtatag ng makabayang samahan ay ang Burma (Myanmar ngayon). Ito
ay sa pangunguna ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob at labas ng
bansa, na ang layunin ay isulong ang kapakanan ng kanilang sambayanan. Si Saya-
San ang namuno sa serye ng rebelyon laban sa Britanya. Nagapi sila ng Britanya,
ngunit tulad ng Rebelyong Saya-San nagpatuloy naman ang All Burma Students
Union na makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng rally at demonstrasyon. Nasakop
ng Japan ang Burma. Nakalaya sila sa kamay ng Britanya ngunit napasailalim naman
ulit sa kamay ng isang banyaga. Hindi natapos ang kanilang pakikipaglaban, ngayon
ito naman ay upang mapalayas ang Japan. Sa pamumuno ni Aung San nabuo ang
isang samahang nakipagtulungan sa hukbo ng Allied Power upang makipaglaban. Sa
huli, nagtagumpay ang samahang mapatalsik ang kalaban.
Ano pa’t hindi tayo magpapahuhuli sa pagpapamalas ng pagmamahal sa
Pilipinas na ating inang-bayan, na ipinakita at pinasimulan ng mga ilustrado na
nakapag-aral sa ibang bayan. Sila ang nagtatag ng Kilusang Propaganda na
naglayong iparating sa mga kinauukulan ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng
mga dayuhan. Isa sa pinakakilala nating bayani at ilustrado ay si Dr. Jose Rizal, na sa
kabila ng kaniyang kabataan, ay ibinuhos niya ang kaniyang lakas at oras sa
pagtataguyod ng kampanya upang matamo ang mga kinakailangang reporma ng ating
lupang tinubuan. Siya ang nagsulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
na parehong bumatikos sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa ating sariling bayan.
Napakasarap isipin na sa loob ng mahabang panahon na pananakop ng mga
kanluranin, ay hindi nawalan ng pag-asa, at patuloy ang mga ninuno nating nakibaka.
Huwag nating isang tabi ang mga nagawa nila, bagkus ipagmalaki ito sa buong
mundo, at ipagpatuloy kung ano ang nasimulan nila. Ang pagmamahal sa sariling
bansa ay magsisimula mismo sa pagtulong natin sa ating mga sarili, sa kapuwa at sa
buong bansa. Ito ang magiging susi upang matamo ang tagumpay na inaasam natin
para sa ating bansa.

38
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa


pangungusap.
1. Patuloy ang naranasang pang-aabuso at pagmamalupit sa mga taong sakop
nito, na siya namang bumuhay sa masidhing damdamin at pagmamahal ng
tao sa sariling bansa nito.
A. mabagsik C. matindi
B. malinaw D. malubha
2. Ang pangunahing mithiin ay pagtuligsa sa korupsiyon ng pamahalaan at
pagpapatalsik sa lahat ng dayuhan.
A. pagsumbong C. pagbatikos
B. paghabla D. paghatol
3. Pagpapagawa at pagpapaunlad ng sistema ng komunikasyon at
transportasyon, at pagpapalakas ng militar na siyang nakatulong sa kanilang
pag-unlad at pagsulong.
A. pag-unlad C. paglaki
B. pagsibol D. pagpatuloy

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagbibigay-kahulugan sa Nasyonalismo?
A. Pagmamahal sa sariling bayan at pagtingkilik sa sariling kultura.
B. Pagtatanggol sa sariling bansa laban sa pananakop ng mga dayuhan.
C. Kamalayan ng isang lahi na sila ay may isang kasaysayan, wika at
pagpapahalaga.
D. Paggaya ng mga mamamayan at pagtangkilik ng mga kultura at
pamumuhay ng mga dayuhan.
2. Alin sa sumusunod ang layunin ng kilusang All Burma Students Union?
A. Makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.
B. Pagtataguyod ng kampanya upang matamo ang mga kinakailangang
reporma.
C. Pagpaparating sa mga kinauukulan ang mga pagmamalabis at pang-
aabuso ng mga dayuhan
D. Pagbabago sa lipunan, pagkakapantay-pantay ng karapatan sa
kababaihan, at pagtaguyod sa paniniwalang kanilang sinusundan.

39
3. Paano ipinakita ng Japan ang pagmamahal nila sa sariling bayan?
A. Pagbukas ng pintuan sa mga dayuhan.
B. Pagtanggap sa loob ng bansa sa mga kanluranin.
C. Paglagda ng kasunduan sa pagitan ng kanluranin at mga Hapones.
D. Pag-aaral ng makabagong pamamaraan upang mapaunlad ang sariling
bansa.

4. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng Nasyonalismo sa panahon ngayon?


A. Paglagda sa isang kasunduang pangkapayaan
B. Pagbuo ng mga samahang makikipaglaban sa mga dayuhan
C. Pagsasagawa ng rebelyon laban sa mapang-aping mga kanluranin.
D. Pagsunod sa batas ng bansa at pagtangkilik sa mga produktong dito lang
sa atin makikita.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gumamit ng dahas para maipakita ang
pagmamahal sa sariling bayan?
A. Pagbuo ng samahan at pagsisimula ng rebelyon bilang pagtutol sa
panghihimasok ng mga dayuhan.
B. Pagtanggap sa mga kanluranin sa bisa ng isang kasunduan at pagyakap
sa kanilang impluwensiya upang ang bansa ay paunlarin.
C. Pag-aalsa, pakikibaka, at pagtatag ng mga makabayang samahan na
siyang nanguna sa pakikipaglaban at paghihimagsik upang makamtam ang
kalayaan.
D. Pagtatatag ng kilusan na naglayong iparating sa mga kinauukulan ang mga
pagmamalabis at pang-aabuso ng mga dayuhan

6. Ano ang ginamit na paraan ni Dr. Jose Rizal upang ipaglaban ang kalayaan
ng bansang Pilipinas?
A. Pagtatag ng mga samahang tutuligsa sa mga mananakop.
B. Pagsasagawa ng rebelyon laban sa mapagmalabis na dayuhan.
C. Pagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na bumatikos sa mga
dayuhan.
D. Pagtanggap sa katuruan ng mga dayuhan kung paano mapapamahalaan
ang bayan na hawak ng kanluranin.

7. Bakit nagnais ang mga Pilipino na makalaya sa mga mananakop?


A. Maipakita ang pagiging matapang ng lahat ng Pilipino.
B. Ang may karapatang makinabang sa sariling bansa ay ang mga Pilipino.
C. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa sarili, sa kapuwa at sa inang bayan
kung saan tayo ipinanganak sa pamamagitan ng pakikibaka para sa
ikabubuti ng lahat.
D. Ito ay pagpapakita na handa tayong magbuwis ng buhay para sa ating
inang bayan.

40
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 11
Panuto: Basahing mabuti ang tula. Namnamin ang mensahe at damdaming nais
nitong ipahayag.

Bayang Iniibig
ni Bill Patrick M. Familara

Mula sa bakas ng bayang iginapos


Mga tao ngayo’y nagnanais makaraos
Makalimot at magpatuloy sa kabila ng mga unos,
Kasaganaa’y tiyak makakamit ng bayang naghihikahos

Sa isang sigaw mula sa Balintawak


Kaisipang makabayan tunay nang nag-alab
Sa damdamin ng mga api sa bayang winasak
Katipunan ay isinilang na may layong lumaba’t mag-aklas.

Sa paglipas ng panahaon dugo’t pawis ang inalay


Mga hardin ay lumawak sa mga pook na pinanday
Mga hiyaw na ang nais makalaya ang umaalingawngaw
May lakas ka ba ng loob para ikaw ay dumungaw?

Sa pamamaalam ng tatlong pari, si Pepe ay naantig


Lumaban, nagsalita at sya nga ay nadinig
Pinag-initan at hinuli ng mga dayong mapang-api
Binaril, namatay, buong bayan ang saksi.

Dumaan pa ang mga araw, mga damdami’y lumakas


Kalayaang hangad tila ba makukuha na sa pagpupumiglas
Mga api ay nagtipon at sila nga ay bumalangkas
Ng rebolusyonaryong pamamahan para sa ating kasarinlang wagas

Sa isang simbahan doon sa Bulacan


May Republikang isinilang mula sa pagmamahal,
Watawat ay iwinagayway na sumisimbolo ng pagkakakilanlan
Awiting pambansa mula sa damdaming makabayan.

Ipinagpatuloy ang paglaban ng watawat na iwinagayway


Mga dugo ng bayani sa inang bayan ay patuloy na inialay
Hinagpis ng isang ina, tila ba walang humpay
Makamit lamang ang layang noon pa hinihintay.

41
Sa kanilang paglaban, kalayaan ay nakamtan
Ngunit tunay nga ba, o tayo lamang ay nalinlang?
Di nagtagal mga kaibigan ay dumating
Kalayaang huwad! Tayo pala’y nabili ng mga dayuhang dating.

Natapos ang digmaan, tayo nga muli ay natali


Di lang isa, kundi sa dalawa pang lahi
Paghihirap at pang-aapi, muling sinapit
Bayang iniirog kailan ka pa kaya matatahimik

Sa mahabang panahon, ang bayang ito ay inalipin


Pinagmalupitan at inabuso ng mga dayong mapang-api
Sa araw ng pagsapit ng tuna’y nitong pagsasarili
Iniwan naman ng kahapon ang sugat at pighati

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Sa linya na “Mga hardin ay lumawak sa mga pook na pinanday”, ano ang ibig
sabihin ng salitang HARDIN?
A. halamanan
B. libingan
C. paraiso
D. parke

2. Sa linya na “Mga api ay nagtipon at sila nga ay bumalangkas”, ano ang ibig
sabihin ng salitang BUMALANGKAS?
A. nagsulat
B. binoo
C. nabuo
D. nagplano

3. Sa linya na “Hinagpis ng isang ina, tila ba walang humpay”, ano ang ibig
sabihin ng salitang HINAGPIS?
A. pag-iyak
B. paghihirap
C. pagsasakripisyo
D. pagmamahal

42
Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang-papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pangunahing
tema ng tula?
A. Ang paghihirap ng mga tao para makamit ang kalayaan ng bayang
minamahal.
B. Ang pagsasakripisyo ng mga mamamayan para sa bayan
C. Ang laban ng mga tao laban sa mga Kastila
D. Ang kawalan ng tiwala sa bansa.

2. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapukaw ng damdamin ni Pepe


na lumaban?
A. Ang kakulangan ng atensiyon mula sa bansang mananakop
B. Ang pagpapahirap ng mga dayo sa kanilang bayan
C. Ang pagmamalupit na dinanas sa mga dayo
D. Ang pamamaalam ng tatlong pari

3. Alin sa mga sumusunod na pmangyayari ang nagpatibay sa pagnanais ng


mga tao na magkaroon ng nagsasariling pamahalaan?
A. Ang pagpapahirap ng mga dayuhan sa kanilang kababayan
B. Ang pamamahalam o pagpatay sa tatlong pari
C. Ang paninirahan ng mga dayuhan sa bansa
D. Ang paghuli at pagpatay kay Pepe

4. Bakit sinasabing hindi tunay na nakalaya ang mga tao sa una nitong
pagkakapanalo sa labanan?
A. Dahil di sila nagkaisa para sa bansa.
B. Dahil sinakop sila muli ng ibang dayuhan.
C. Dahil sumuko sila sa pagdating ng bagong mananakop.
D. Dahil ipinagbili lamang sila at di sila tunay na nagwagi sa digmaan

5. Sa tulang binasa, alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa


inang bayan?
A. Ang inang bayan ay dumanas ng pighati, pang-aabuso at pagmamalupit
sa mga dayuhan sa mahabang panahon.
B. Ang bayan ay naghihirap mapatos makalaya sa pang-aalipin.
C. Ang inang bayan ay umuunlad dahil sa pagsusumikap ng mga tao.
D. Ang inang bayan ay lubusang lumaya sa kamay ng mga dayuhan.

43
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 12
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong inihayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Diponegoro
Pinagkunan: Fotosearch/Getty Images
https://www.gettyimages.com/detail/news-
photo/portrait-of-javanese-prince-
diponegoro-1835-lithograph-from-news-
photo/164074411?adppopup=true

Diponegoro
ni Bill Patrick M. Familara

Malawakang pag-aalsa
Pinamunuan ng isa
Prinsipe ng Yogyakarta
Sa Indonesia ay makikita

Diponegoro, kung tawagin


Bayani ng mga inalipin
Mga mamamayang Indones,
Nagsama para palakasin

Sampung taon nagtagal


Paglaban para sa dangal
Dugo’t pawis ang inalay
Para sa layang tunay

Sawa na sa mga pasakit


Sa pagmamahal sila ay kumapit
Bayan ay ninais palayain
Sa Olandes na mapang-alipin

44
Sa hindi inaasahan
Diponegoro, nagapi
Siya’y siniil, nahuli
Sa Makassar, namalagi

Hindi man nagtagumpay


Legasiya’y naiwan
Nagsilbing inspirasyon
Sa sumunod na paglaban

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod na kahulugan ang tumutukoy sa salitang “dangal” na
ginamit sa tula?
A. mapurol na gamit
B. mabuting pangalan
C. walang pakundangan
D. kalagayan ng pagiging mahusay
2. Ano ang kahulugan ng salitang “bayani” ayon sa tulang binasa?
A. pangunahing tauhan sa dula
B. taong lumaban para sa bayan
C. taong may kahanga-hangang katapangan
D. mandirigma na may pambihirang lakas at kapangyarihan
3. Ayon sa tulang binasa, ano ang kahulugan ng salitang “legasiya”?
A. Pamanang iniwan
B. Testamento na iniwan
C. Mga natatanging ginawa
D. Ipinamana ng sino mang nauna.

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang maaaring naging dahilan ng pag-
aalsa ni Diponegoro?
A. Ang pagmamalabis ng mga Olandes
B. Di patas na pagtingin ng mga Olandes
C. Ang pagyurak sa karapatan ng marami
D. Dahil sa mataas na pagbubuwis ng mga Olandes

45
2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakamainam na pagsasalarawan
kay Diponegoro?
A. Siya ay isang karaniwang tao na may pusong Makabayan
B. Siya ay isang bayani na nanguna sa paghihimagsik laban sa mga
Olandes.
C. Siya ay isang prinsipe na nanguna sa pag-aalsa laban sa mga Olandes
dahil sa di pantay na pagtingin sa mga mamamayan.
D. Siya ay isang prinsipe na unang naghangad ng kasarinlan mula sa mga
Olandes matapos ang pananakop nito.

3. Alin sa sumusunod na pangyayari ang sinapit ni Diponegoro matapos


nabigong mag-aalsa?
A. Siya ay nahuli at pinatay.
B. Siya ay hinuli, subalit napatay sa panlalaban
C. Siya ay hinuli at ikinulong sa Makassar hanggang sa siya ay mamatay
D. Wala sa mga nabanggit.

4. Ano ang naging papel ni Diponegoro sa pagkamit ng kasarinlan ng


Indonesia?
A. Si Diponegoro ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na pag-aalsa.
B. Si Diponegoro ay naging halimbawa ng pagpapakita ng damdaming
makabansa.
C. Si Diponegoro ay naging huwaran sa mga mamamayan dahil sa
katapangan nitong ipinakita.
D. Siya ay nagsilbing tagapanguna sa paglaban sa Karapatan ng mahihirap.

5. Ang tema ng tulang iyong binasa ay tungkol sa_______________ .


A. damdaming makabansa
B. paghahangad ng katarungan.
C. kabayanihan na ipinakita ni Diponegoro
D. pagsasakripisyo ng mga rebolusyonaryo

46
Halina’t Tayo’y Magbasa

Teksto 13
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
upang maging gabay sa pagsagot ng mga katanungang inihanda sa sunod na pahina.

Salamin ng Isang Bansa


ni Lilac F. Fruelda

Ano nga ba ang sumasalamin sa aspeto ng pamumuhay ng isang bansa? Ito


ba ay ang pamamaraan ng pamumuhay sa araw-araw o kung ano ba ang tradisyon
at paniniwalang sinusunod ng bawat tao?
Simula noon pa man, malaking kabahagi na ng ating buhay ang relihiyon. Ito
ang naging batayan natin kung ano ang tama at mali. Ito ang naging basehan ng ating
pagkilos sa araw-araw, paniniwalang sinusunod, at naging dahilan ng pagkakaisa
patungo sa maunlad na kinabukasan ng isang bansa. Subalit minsan, ito rin ang
nagiging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng ilang bansa. Ngunit higit sa lahat, lalong
nakikilala at naunawaan ang isang bansa ayon sa kanilang paniniwala.
Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay. Sa
sining, nariyan ang sikat na “The Last Supper” ni Leonardo da Vinci, “La Pieta” ni
Michaelangelo Bounarotti at iba pa. Sa arkitektura naman ay ang makikita na isa sa
mga pinupuntahang lugar o sentro ng isang bansa ay ang templo, moske at simbahan
na patuloy na pinapangalagaan at pinananatili ang orihinal na disenyo nito. Pagdating
naman sa panitikan, ay kilalang-kilala ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na “El
Filibusterismo at Noli Me Tangere”. Sa drama naman ay ang patuloy na
pagsasabuhay ng mga naranasan noon katulad ng Moro-Moro. Sa musika at sayaw
naman, ay patuloy ang pagtuturo sa mga susunod na henerasyon ng mga tradisyonal
na awitin at sayaw na nagpapakilala ng natatanging tradisyon ng bawat bansa. Naging
malaking kabahagi rin ang relihiyon maging sa personal at pambansang antas ng
pamumuhay gaya ng personal na kilos at pag-uugali ng tao. Sa produksyong
pangkabuhayan ay ang patuloy na pagpapalago at pagpapaunlad ng sariling produkto
na maipagmamalaki sa buong mundo, at maging sa patakarang pambansa katulad na
lamang ng nangyari sa Pilipinas noong 1986 kung saan naging matagumapay na
napagkaisa ng simbahan ang sambayanang Pilipino tungo sa pagbabagong politikal,
ang EDSA People Power Revolution na naging sanhi ng pagpapatalsik kay dating
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Higit sa lahat ay sa patakarang panlabas, kung saan
nagpapatupad ng mga batas ang bawat bansa na sinusunod natin upang maipakita
ang pagrespeto sa paniniwala nila kapag nakapasok na sa loob ng bawat bansa.

47
Malaki rin ang impluwensiya ng relihiyon sa tradisyon at kultura ng lipunan. May
mga pagkakataong nagiging makabuluhan ang pagpapanatili ng tradisyong nakaugat
sa relihiyon katulad sa Japan, kung saan sa kabila ng pagigigng modernong bansa ay
napanatili nito ang kanilang tradisyon. Itinuturo pa rin ng mga Hapones ang pagsusuot
ng tradisyonal na damit ang kimono at obi, ang detalyadong ritwal ng seremonya ng
tsaa at pag-aayos ng bulaklak o ikebana at isinasagawa pa rin tuwing ika-20 taon ang
pagsasaayos ng dakilang dambana ng Ise. Subalit may mga pagkakataong ding ito
ang nagiging sanhi ng tunggalian lalo na sa usapin ng tradisyon laban sa
modernisasyon katulad na lamang sa Pilipinas kung saan tumututol ang Simbahang
Katoliko sa paggamit ng contraceptive.
May mga aspeto rin na ang mga relihiyon ay may direktang epekto sa
kalagayan ng kababaihan. Halimbawa ay ang satti sa India o ang pagtalon ng balong
babae sa funeral pyre na isinasagawa bilang paglilinis ng kasalanan nilang mag-
asawa, ang pagsusuot ng burka o tradisyonal na damit na tumatakip sa buong
katawan ng mga kababaihan sa Afghanistan. Tinanggal rin ang karapatan nilang
bumoto, mag-aral, magtrabaho at tumanggap ng benepisyong pangkalusugan na
nagpapakita ng lumalalang diskriminasyon sa kababaihan. Nagamit din ito bilang
batayan ng ekspresyong pulitikal gaya ng naganap sa Vietnam na pagsusunog sa
sarili o self-immolation ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963
bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng pangulo.
Tunay ngang saan mang aspeto natin tingnan, sinasalamin ng relihiyon ang
bawat bansa. Ang dapat lang nating tandaan, irespeto ang relihiyon at tradisyon ng
bawat isa dahil ito ang susi tungo sa nagkakaisang mundo.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Tunay ngang saanmang aspeto natin tingnan, sinasalamin ng relihiyon ang
bawat bansa.
A. anyo C. ayos
B. anggulo D. asta
2. Pagdating naman sa panitikan, ay kilalang-kilala ang mga nobela ni Dr. Jose
Rizal na “El Filibusterismo at Noli Me Tangere”.
A. literatura C. tula
B. agham D. nobela
3. Naging malaking kabahagi rin ang relihiyon maging sa personal at
pambansang antas ng pamumuhay gaya ng personal na kilos at pag-uugali
ng tao.
A. baitang C. digri
B. taas D. saklaw

48
Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang pinakatamang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kakikitaan ng maraming tradisyon na
may kaugnayan sa relihiyon. Ilan sa mga ito ay pagsasayaw ng Tinikling at
Cariñosa. Anong aspeto ng pamumuhay ang pinapakita nito?
A. Sining C. Musika at Sayaw
B. Drama D. Panitikan

2. Ang Japan ay nagpakita ng malaking impluwensiya ng relihiyon pagdating sa


kanilang tradisyon at kultura sa lipunan. Sa paanong paraan nila ito ipinakita?
A. Pagtuturo ng pagsusuot ng tradisyonal na damit ang kimono at obi, ang
detalyadong ritwal ng seremonya ng tsaa at pag-aayos ng bulaklak o
ikebana.
B. Pagpapanatili ng tradisyon ng pagsusunog sa sarili o self-immolation.
C. Patuloy na pagsasabuhay ng mga naranasan sa mga Kanluranin katulad
ng Moro-Moro.
D. Pagsulat ng nobela ni Dr. Jose Rizal na “El Filibusterismo at Noli Me
Tangere”.

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpakita ng epekto ng Buddhism sa


patakarang pambansa?
A. Pagpapakamatay ng mga balong babae o satti.
B. Self-immolation o pagsunog sa sarili ni mongheng Buddhist na si Thich
Quang Duc.
C. Pagsuot ng burka o tradisyonal na pananamit na tumatakip sa buong
katawan.
D. Pag-aaral ng seremonya ng tsaa.

4. Bakit buong pusong isinagawa ang satti sa India?


A. Nagpapakita ng pagiging deboto ng mag-asawa.
B. Pagpapakita ito ng pagmamahal sa relihiyong kinabibilangan.
C. Paglilinis ng lahat ng kasalanan ng babaeng balo bago makapunta sa
kabilang buhay.
D. Paglilinis ng kasalanan ng mag-asawa at makakamtam ang kaluwalhatian
sa kabilang buhay.

49
5. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kababaihan sa
Afghanistan?
A. Pagpapakamatay ng babaeng balo o sati.
B. Pagsuot ng burka o tradisyonal na damit na tumatakip sa buong katawan.
C. Pagtataguyod ng paggamit ng artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa
pagbubuntis.
D. Pagtanggal sa karapatang bumoto, makapag-aral, makapagtrabaho at
tumanggap ng benipisyong pangkalusugan.

6. Ang relihiyon ay may malaking epekto sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng


tao tulad na lamang ng sikat na obra maestra ni Leonardo da Vinci na “The
Last Supper” at “La Pieta” ni Michaelangelo Bounarotti. Anong aspeto ng
pamumuhay ang tinutukoy nito?
A. Sining C. Arkitektura
B. Hanapbuhay D. Panitikan

7. Bilang estudyante, paano mo maipakikita ang pagrespeto sa paniniwala at


tradisyon ng iba?
A. Pagsunod sa tradisyong kinamulatan.
B. Pagbibigay-galang sa paniniwala ng iba ng walang halong
pangungutya.
C. Pagbibigay ng komento sa tingin mo’y maling paniniwala.
D. Pagpuna sa ginagawa ng iba ng walang pasubali.

50
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 14
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mensahe at damdaming nais
nitong ipahayag.

Kalayaaan, Atin na nga ba Talagang


Nakamtan?
ni Lilac F. Fruelda

Marahil kung ating titingnan ang ating nakaraan,


Masasabi nating nakamtan na natin ang ating Kalayaan
Kalayaan na ipinaglaban ng ating magigiting na bayani ng bayan
Ngunit talaga bang nakamtan na natin ang tunay na Kalayaan?
Wala ng bahid ng impluwensiya ng dayuhan.

Tingnan ang sitwasyon ng dalawang bansang may legal na kasunduan


Pagbibigay at pagtanggap ng tulong, parehong tinatamasa ng lipunan
Pagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar sa oras ng karalitaan
Nagpapakitang malaki ang kapakinabangan ng bawat bayan.
Na kahit sa kasalukuyan ay masasalamin pa rin natin ang pagyakap natin sa
kalinangan

Natuto ng makabagong pamamaraan sa industriyalisasyon upang mapaunlad ang


ating bayan
Pagsama sa mga alyansa at samahan
Mapanatili lamang ang kapayapaan
Pagpapakitang malaki ang impluwensiya sa atin ng dayuhan.
Subalit may kaakibat itong karimlan.

Pagmasdan ninyo ang ating kapaligiran


Ano ang mga estabilsyamentong inyong kilalang laging pinupuntahan?
Ang mga nagmamay-ari ba nito ay isang dayuhan?
Mga pagkaing gustong-gusto niyong kainin sa hapag kainan.
Hotdog, Hamburger, Siomai, Siopao at Bacon
Kaninong produkto ba itong inyong patuloy na tinatangkilik at binibili sa bawat
tindahan?
Ito ba ay sariling produkto ng ating bayan?
Ipinagpalit na natin mga katutubong pagkain na sa atin lang matatagpuan
Pagtangkilik sa mga produktong imported kaysa sa mga produktong makatutulong
ng higit sa lahat ng mamamayan.

51
Mga paniniwala kay Sta. Claus, Tooth Fairy, Easter Bunny at Sandy Man
Ito ba ay nagmula sa kultura ng ating mga ninunong sinalin sa ating kaalaman?
Maging ang paghahangad ng materiyal na bagay na siyang naging batayan
Basehan ng katayuan natin sa lipunan
Pati na rin ang pagkadalubhasa sa salitang Ingles kaysa sa sarili nating wika na
nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan
Napabayaan ang sariling wika at kalinangan dahil sa pagpapairal at paggamit ng
ibang wika sa paaralan

Ilan lamang ito sa mga naging ugat ng kaisipang kolonyal na pumupuri at


dumadakila sa bagay na galing sa ibang bayan.
Isa pa ay ang pagpapautang sa ating bayan
Ito ay may kapalit na kung hindi susundin ay hindi na muli makauutang.
Isang kondisyong hindi madaling takasan.
Pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga dayuhang gustong mamuhunan at
makipagkalakalan.
Kaya’t sa kasalukuyan dayuhan ang patuloy na yumayaman
Kahirapan ang nararanasan ng bawat mamamayan

Kaya’t ating tandaan kung patuloy tayong mangungutang


Lulubog tayo sa labis na kahirapan
Hindi makakaahon ang ating inang bayan
Lalaki ang agwat ng mahirap sa mayaman
Darami ang magkakasakit, apektado pati edukasyon ng maraming kabataan
Ito ang anyo, tugon, at epekto ng neo-kolonyalisasyon
Makabagong pamamaraan na may mabuti at di-mabuting kalalabasan.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng


pangungusap o sugnay.
1. Pagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar sa oras ng karalitaan.
A. kahirapan C. kaliwanagan
B. kadiliman D. kabutihan

2. Na kahit sa kasalukuyan ay masasalamin pa rin natin ang pagyakap natin sa


kalinangan.
A. kahirapan C.kabuhayan
B. kaunlaran D.kabihasnan

3. Pagpapakitang malaki ang impluwensiya sa atin ng dayuhan. Subalit may


kaakibat itong karimlan.
A. kasakiman C. kaganapan
B. kabutihan D. kadiliman

52
Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga ito ang halimbawa ng neokolonyalismo sa kasalukuyan?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa.
B. Pagbili ng mga imported na gamit sa mall.
C. Pagkain ng kalamay, puto, latik, at bibingka.
D. Pagtatayo ng mga negosyo ng mamamayang Pilipino.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin o pagsilang ng


neokolonyalismo?
A. Di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bayan ng isang
makapangyarihang bansa.
B. Ang pagnanais ng mga makapangyarihang bansa na ipagpatuloy ang
kanilang interes sa mga bansang naging biktima
C. Makabagong pamamaraan ng kolonyalismo.
D. Pagbibigay ng kasarinlan sa malayang bansa ng hindi nakikialam sa
pamamaraan pang-ekonomiya, pampulitika at kultura.

3. Sa sumusunod na anyo ng Neokolonyalismo, alin ang may kinalaman sa


Ekonomiya?
A. Pagbibigay ng suportang pananalapi.
B. Pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano tulad ng hotdog at
hamburger.
C. Pagpapairal ng Wikang Ingles bilang wikang gagamitin sa mga paaralan
D. Pagpapasok ng mga dayuhang namumuhunan o mangangalakal.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa anyo ng Neokolonyalismo na may


kinalaman sa Kultura?
A. Pagpapasok ng mga dayuhang namumuhunan o mangangalakal.
B. Pagbili ng mga imported na gamit sa mall.
C. Pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano tulad ng hotdog at
hamburger.
D. Pagpapairal ng Wikang Ingles bilang wikang gagamitin sa mga paaralan

5. Ano ang mabuting epekto ng neokolonyalismo?


A. Pagkahilig sa imported
B. Pagpapairal ng paggamit ng salitang Ingles.
C. Pagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar sa oras ng karalitaan.
D. Walang pagbabago sa pamamaraan ng produksyon.

53
6. Alin sa mga ito ang HINDI kasama sa di-mabuting epekto ng
neokolonyalismo?
A. Pagkahilig sa imported
B. Pagpapairal ng paggamit ng salitang Ingles
C. Pagbabago sa pamamaraan sa industriyalisasyon.
D. Pagtangkalik sa mga produktong tulad ng hotdog at hamburger

7. Alin sa mga ito ang MALI patungkol sa Neokolonyalismo?


A. Ang neo-kolonyalismo ay may mabuting epekto sa lupang sakop.
B. Ang neo-kolonyalismo ay tumutukoy sa bagong paraan ng kolonyalisasyon.
C. Ang pagnanais ng mga makapangyarihang bansa na ipagpatuloy ang
kanilang interes sa mga bansang naging biktima
D. Ang neo-kolonyalismo ay may paraan ng di-tuwirang pagkontrol sa
ekonomiya ng isang maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa.

54
Susi sa Pagwawasto

Teksto 1: Iba’t ibang Paraan, Isang Mga Tanong sa Pag-unawa


Adhika
1. A
Pagpapalawak ng Talasalitaan 2. D
3. A
1. D
4. B
2. A
5. B
3. A
6. A
Mga Tanong sa Pag-unawa 7. A

1. A Teksto 4: Epekto ng Digmaan


2. B
Pagpapalawak ng Talasalitaan
3. C
4. C 1. A
5. B 2. A
6. D 3. C
7. A
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. C
Teksto 2: Nagmamahal Ako
2. A
Pagpapalawak ng Talasalitaan 3. D
4. A
1. C
5. A
2. C
6. D
3. B
Teksto 5: Implikasyon ng Digmaang
Mga Tanong sa Pag-unawa
Pandaigdig sa Asya
1. B
Pagpapalawak ng Talasalitaan
2. D
3. B 1. D
4. D 2. D
5. B 3. B
6. D
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. A
Teksto 3: Ang Gawain nina Joseph
2. A
at Erich
3. C
Pagpapalawak ng Talasalitaan 4. B
5. D
1. C
6. B
2. C
7. A
3. A

55
Teksto 6: Sun Yat-Sen Teksto 9: Nasyonalismo, Paano nga
ba ikaw nabuo?
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. A
2. C 1. B
3. C 2. D
3. C
Mga Tanong sa Pag-unawa
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. D
2. D 1. A
3. D 2. C
4. B 3. B
5. D 4. C
5. C
6. B
Teksto 7: Ilaw
7. A
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. B Teksto 10: Nasyonalismo, Susi ng
2. B Pagkapanalo
3. D
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. C
Mga Tanong sa Pag-unawa
2. C
1. D 3. A
2. B
3. C
Mga Tanong sa Pag-unawa
4. D
5. D 1. D
2. A
3. D
Teksto 8: Aung Sang Suu Kyi
4. A
Pagpapalawak ng Talasalitaan 5. B
6. C
1. D 7. C
2. A
3. D
Teksto 11: Bayang Iniibig

Mga Tanong sa Pag-unawa Pagpapalawak ng Talasalitaan

1. B 1. B
2. D 2. D
3. D 3. A
4. C
5. B

3
Mga Tanong sa Pag-unawa Mga Tanong sa Pag-unawa
1. A 1. C
2. C 2. A
3. D 3. B
4. D 4. D
5. A 5. D
6. A
7. B
Teksto 12: Diponegoro
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Teksto 14: Kalayaan, Atin na nga ba
1. B talagang Nakamtan?
2. B
Pagpapalawak ng Talasalitaan
3. D
1. A
Mga Tanong sa Pag-unawa
2. B
1. A 3. D
2. D
3. B
Mga Tanong sa Pag-unawa
4. A
5. C 1. B
2. D
3. D
Teksto 13: Salamin ng Isang Bansa
4. A
Pagpapalawak ng Talasalitaan 5. D
6. C
1. B 7. A
2. A
3. C

4
Sanggunian

Samson, Ma. Carmela B., et al. Pana-panahon II (Kasaysayan ng Asia),


Rex Book Store Inc., Unang Edisyon 1999

Mateo, Grace Estela C., et al. Araling Panlipunan Kayamamanan II,


Vibal Publishing House, Inc., G. Araneta Avenue, Quezon City, Unang
Edisyon 2005

Michael M. Mercado. 2009. “Sulyap sa Kasaysayan ng Asya.” Pp. 254-261. St.


Bernadette Publishing House Corporation.

Grace Estela C. Mateo. 2010. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Pp. 314-318.


Vibal Publishing House.

Asya Pag-usbong ng Kabihasnan Diwa Textbooks/Diwa Learning Systems Inc.

Project Ease

Portrait of President Sun Yat-sen, circa 1910s. Photo by Fotosearch/Getty Images


Accessed on September 4, 2020, https://www.gettyimages.com/detail/news-
photo/portrait-of-president-sun-yat-sen-circa-1910s-news-
photo/96809666?adppopup=true

Larawan ni Aung Saang Suu Kyi, accessed on Sept 4, 2020, retrieved from
https://en.wikipedia.org/wiki/Aung_San_Suu_Kyiphoto/96809666?adppopup=true
World War II Atomic Bombing of Hiroshima, Battle of Manila, accessed May 8,
2020 retrieved from Wikipedia.org

Nasyonalismo, Ang Kaugalian at Kulturang Pilipino, Accessed on May 8, 2020,


retrieved from Wordpress.com, clipart.email, steemit

Portrait of Diponegoro. Photo by Fotosearch/Getty Images Accessed on


September 4, 2020, retrieved from https://www.gettyimages.com/detail/news-
photo/portrait-of-javanese-prince-diponegoro-1835-lithograph-from-news-
photo/164074411?adppopup=true

3
Para sa mga tanong at suhestiyon, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 86314070

You might also like