You are on page 1of 11

7

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 7
Pagsusuri sa mga Katangian
at Papel ng mga Tauhan
sa Ibong Adarna

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 7: Pagsusuri sa mga Katangian at Papel ng mga Tauhan
sa Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Jane Marie R. Oreo
Pangnilalamang Patnugot: Norita L. Adorna
Editor ng Wika: Maricar T. Cuenca
Tagawasto: Jouilyn O. Agot
Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora,
Maja Jorey B. Dongor at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Jane Marie R. Oreo
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:

Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo, Jr.


Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri sa mga
Pagsulat Katangian at Papel
ng Awiting-bayan
ng mga Tauhan sa Ibong Adarna
MELC: Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing tauhan at
mga pantulong na tauhan. (F7PB-IVg-h-23)

Mga Layunin:
1. Nakikilala ang mga pangunahin at pantulong na tauhan batay sa kanilang
katangian;
2. Nabibigyan ng kahulugan ng mga di pamilyar na salita;at
3. Nasusuri ang katangian at damdamin ng mga tauhan batay sa mga pangyayari
sa akda.

Subukin Natin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy
ng bawat aytem.
1. Anong katangian ni Don Juan ang naipamalas nang kanyang malagpasan ang lahat ng
pagsubok ni Haring Salermo?
A. Madiskarte B. Masipag C. Matapang D. Matiyaga
2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang ipinamalas ni Haring Salermo?
A. Mapagmahal na ama C. Pinoproteksyonan ang mga anak
B. Makapangyarihan D. Mapang api
3. Anong damdamin ang nangibabaw sa amang hari upang mapatawad agad ang dalawang
prinsipe sa ginawa nila sa bunsong si Don Juan?
A. Awa B. Hinanakit C. Pagmamahal D. Takot

Panuto: Tukuyin kung anong katangian at damdamin ang ipinapakita ng tauhan batay sa
pangyayari o pahayag mula sa akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

4. “Kapwa kami mayroo’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa
akin ang kaharian.” -Don Pedro
A. Mayaman B. Mapagmahal C. Mayabang D. Mapagkumbaba
5. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na
ituro yaong landas.” -Don Juan
A. Maawain B. Madasalin C. Mapamahiin D. Matatakutin
6. “Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayunpaman, prinsipe ko,
pagpagurang lakabayin mo.” -Ibong Adarna
A. Maaalalahanin B. Maawain C. Mapagpaubaya D. Masayahin
7. “Giliw ko, ang singsing ko’y bayaan na, ang pagparoon mong mag-isa’y lubha kong
inaalala” -Donya Leonora
A. Naaawa B. Nalulungkot C. Nangangamba D. Natatakot
8. “Manalig kang walang hirap na di-nagtatamong palad, pagmasdan mo’t yaong ulap
hinahawi ng liwanag.” -Ibong Adarna
A. Agresibo B. Matalino C. Maaalalahanin D. Positibo
9. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad
mo’y aking hintay.” -Donya Leonora
A. Maawain B. Maka-Diyos C. Mapagmahal D. Mapagpakumbaba
10. “Mga mata’y pinupungay, si Leonora’y dinadaingan: Prinsesa kong minamahal, aanhin
mo si Don Juan?” -Don Pedro
A. Mayabang B. Nagagalit C. Nayayamot D. Taksil
1
Ating Alamin at Tuklasin

Mahalagang alam at nauunawaan nating mga mababasa ang papel at katangian ng


mga tauhan sa akdang ating binabasa. Makatutulong ito ng Malaki upang maunawaan at
maging kapana-panabik ang istorya.

Bakit tila parang ang lalim ng iniisip mo,


Kaban ng Kaalaman Niko? May problema kaba?

himutok- sigaw ng Iniisip ko lang Delia


kabiguan, matanding kung kelan ba
kalungkutan matatapos ang
kinahaharap nating
daluyong- malaking problema dulot ng
along likha ng matinding pandemya?
ihip ng hangin

prasko- bote ng alak na


may apat na gilid, mataas
at makipot ang bibig Lagi mong tandaan na Tama! Dapat ay hindi
lahat ng problema ay ako sumuko sa hamon
saligimsim- pangamba; may solusyon. Gawin ng buhay. Magandang
kutob ng loob; kaba ng mong huwaran ang isa halimbawa ang iyong
dibdib sa pangunahing tauhan ibinigay sa akin, Delia.
sa ating aralin na si Don Nagkaroon ako ng
Juan. Bagamat inspirasyon upang
maraming pagsubok magpatuloy at huwag
siyang kinaharap ay magpapadaig sa
hindi siya sumuko kaya hamon ng buhay.
nakamit niya ang
tagumpay.

May napapansin ka ba sa pahayag sa usapan ng dalawang magkaibigan? Ang


iyong natutuhan sa mga naunang modyul ay makatutulong nang malaki upang higit
mong maunawaan ang bagong tatalakayin at maisagawa ang mga gawain.

2
Buod ng Ibong Adarna Saknong 1286-1712

Ibinigay ni Haring Salermo ang huling pagsubok kay Don Juan at nagtagumpay
naman ang binata nang kanyang mapili si Donya Maria na kanyang tunay na minamahal.
Hindi ito ikinatuwa ni Haring Salermo kaya’t gumawa siya ng paraan upang hindi mapunta
kay Don Juan ang kanyang pinakamamahal na anak. Nalaman ni Donya Maria ang
planong ito ng kanyang ama kaya’t sinabihan niya si Don Juan na sila’y umalis o
magtanan. Pinilit silang habulin ni Haring Salermo ngunit siya ay nabigo. Bunga ng
matinding galit ay isinumpa niya ang dalawa.

Bumalik sa Berbanya sina Don Juan at Donya Maria. Sa pakiusap ni Don Juan
ay iniwan muna niya si Donya Maria sa nayon upang mabigyan ito ng maayos na
pagsalubong sa kanilang kaharian. Nang makabalik sa Berbanya si Don Juan ay agad
siyang pinuntahan ni Donya Leonora na pitong taon nang naghihintay sa kanya. Hindi
napigilan ng dalaga ang kanyang damdamin at ipinahayag niya ang nilalaman ng kanyang
nararamdaman para sa bunsong prinsipe. Kasabay nito ang pagsisiwalat ng katotohanan
sa mga kasinungalingang hinabi nina Don Diego at Don Pedro na madali namang
napatawad ng hari dahil sa pagmamahal sa mga anak.

Samanatala, marahil ay nagkatotoo na ang sumpa ni Haring Salermo kaya’t sa


pagbabalik ni Don Juan sa Berbanya ay tuluyan na niyang nakalimutan si Donya Maria
Blanca. Inihanda ang lahat para sa pag-iisang dibdib nina Don Juan at Donya Leonora.
Nang malaman ito ni Donya Maria Blanca ay agad siyang tumungo sa kaharian ng
Berbanya at doon muling ipinaalala kay Don Juan ang kanilang pag-iibigan. Nang bumalik
ang alaala ng bunsong prinsipe ay ipinahayag niyang si Donya Maria ang tunany na
nilalaman ng kanyang puso at at si Donya Leonora naman ay ipinakasal sa kanyang
panganay na kapatid na si Don Pedro.

Sa huli ay itinanghal na bagong hari ng Berbanya si Don Pedro at si Donya


Leonora bilang kanyang reyna. Samantalang bumalik sa kanilang kaharian si Donya Maria
kasama si Don Juan kung saan sila masayang nanirahan at itinanghal na bagong hari at
reyna ng kaharian. Masaya silang tinanggap ng mga tao bilang kapalit ng kanyang
yumaong ama at mga kapatid.

(Pinagkunan: Ma. Rosario Benedicta, Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at


Pagpapahalaga, Quezon City: ISA-JECHO Publishing, Inc.,2014.1-8.)

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Kaugnay sa iyong natutuhan mula sa binasang buod, hanapin at bilugan sa word
search puzzle ang limang pangalang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

________________1. Siya ang nakatuluyan ni Don


Juan at naging Reyna ng Delos
Cristales.
________________2. Bunso sa tatlong prinsipeng
magkakapatid na may busilak na
kalooban.
________________3. Ama ni Maria Blanca na
nagbigay ng maraming pagsubok
kay Don Juan upang malaman
kung karapatdapat ba ito sa
kanyang mahal na anak.
________________4. Siya ay prinsesang naghinatay
ng pitong taon sa pagbabalik ni
Don Juan sa Kahariang
Berbanya.
________________5. Panganay sa magkakapatid na prinsipe at naging hari ng Berbanya.

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung tama ang
paglalarawang isinasaad sa mga tauhan at M kung mali. Isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_________1. Si Haring Salermo ay isamg mapagmahal na ama kaya gagawin ang lahat
maproteksyonan niya lamang ang kanyang anak.
_________2. Isang prinsipeng may busilak na puso si Don Juan at hindi siya madaling
sumuko sa hamong ibinibigay sa kanya.
_________3. Pinatunayan ni Donya Leonora ang kanyang pagiging matiisin at katapatan
pagdating sa pag-ibig sa kanyang paghihintya ng pitong taon.
_________4. Mapagmahal at maalagang mga kapatid sina Don Pedro at Don Diego.
_________5. Sunod-sunuran si Donya Maria Blanca sa sa lahta ng kagustuhan ng kanyang
amang hari.

Sa paanong paraan mo magagamit


ang iyong mga natutuhan patungkol
sa mga katangian at damdamin ng
mga tauhan sa Ibong Adarna?

4
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat


pahayag. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

alaala galit takot


walang sigla namangha pagkabigo

_________1. Ang magandang karanasan ng magkapatid na prinsipe ay nag-iwan ng


salimsim sa buong kaharian.
_________2. Pinaglabanan ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
_________3. Nanamlay si Donya Leonora nang malamang ikakasal sina Don Juan at
Donya Leonora.
_________4. Nanggilalas si Don Juan sa kagandahan ni Donya Maria Blanca.
_________5. Napuno ng tinik ng siphayo ang puso ni Don Juan sa ginawang pagtataksil sa
kanya ng mga kapatid na prinsipe.

Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang damdamin o saloobin na masasalamin sa mga pahayag ng mga


tauhan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Haring Salermo “Hari’y hindi makahuma daal ay parang napatda, mahal pa
naman sa kanya ang ngayo’y mawawalay na.”
A. pag-asa B. pagmamahal C. pagtitiwala D. pagkatakot
________2. Don Juan “Ako ay may kasalanan sa dusa mo’t kalumbayan, kung di kita
nalimutan gulong ito’y maiiwasan.”
A. pag-aalala B. pagmamahal C. pagsisisi D. pagtitiwala
________3. Donya Maria Blanca “Hinihiling ko sa iyong pagdating mo sa palasyo iwasan
sanang totoo, sa babae’y makitungo.”
A. pag-aalala B. pagmamahal C. pagtitiwala D. pagkatakot
________4. Don Juan “Ikaw nga at hindi iba ang tangi kong sinisinta, ang sa aking madlang
dusa’y nakasalo sa tuwina.”
A. pag-aalala B. pag-agam-agam C. pagmamahal D. pagtitiwala
________5. Donya Leonora “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y
mapagbiro’t matuwaing sumiphayo.”
A. pag-aalala B. pag-aalinlangan C. pagtitiwala D. Pagkatakot

5
Mula sa ating aralin, ano ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman
patungkol sa mga
tauhan?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa buong aralin ay buuhin ang pahayag. Piliina nag
sagot sa mga salitang nasa kahon at isulat ang angkop na salita sa espasyong inilaan.

DUDUGTUNGAN KO!

Natutuhan ko sa araling ito ang 1.____________________ at

2.________________ ng mga tauhan sa koridong Ibong Adarna.

Mahalagang may sapat na kaalaman patungkol dito upang mas

3._________________ at maintindihan ng mga mambabasa ang akda.

Marami ring mga 4.___________________ na mapupulot mula sa mga

tauhan na magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Nawa’y

magsilbing 5.___________________ ng bawat isa ang mgagandang

katangian na ipinkita ng bwat tauhan.

aral papel katangian


maunawaan huwaran

6
Ating Tayahin
Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy
ng bawat aytem.

1. Anong damdamin ang nangibabaw sa amang hari upang mapatawad agad ang dalawang
prinsipe sa ginawa nila sa bunsong si Don Juan?
A. Awa B. Hinanakit C. Pagmamahal D. Takot

2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang ipinamalas ni Haring Salermo?


A. Mapagmahal na ama C. Pinoproteksyonan ang mga anak
B. Makapangyarihan D. Mapang api

3. Anong katangian ni Don Juan ang naipamalas nang kanyang malagpasan ang lahat ng
pagsubok ni Haring Salermo?
A. Madiskarte B. Masipag C. Matapang D. Matiyaga

Panuto: Tukuyin kung anong katangian at damdamin ang ipinapakita ng tauhan batay sa
pangyayari o pahayag mula sa akda.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

4. “Di rin namin natagpuan ang bunso mong minamahal, at sa aming kapaguran ito po
ang natagpuan.” -Don Pedro at Don Diego
A. Pang-aalipusta B. Pandaraya C. Pagsisinungaling D. Pangyayamot

5. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkupkop, na bayaan mong matapos ang panata
ko sa Panginoon.” -Donya Leonora
A. Maka-Diyos C. Mahilig mapag-isa
B. Malungkutin D. Masunuring anak

6. “Mga mata’y pinupungay, si Leonora’y dinadaingan: Prinsesa kong minamahal, aanhin


mo si Don Juan?” -Don Pedro
A. Mayabang B. Nagagalit C. Nayayamot D. Taksil

7. “Kapwa kami mayroo’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa
akin ang kaharian.” -Don Pedro
A. Mayaman B. Mapagmahal C. Mayabang D. Mapagkumbaba

8. “Manalig kang walang hirap na di-nagtatamong palad, pagmasdan mo’t yaong ulap
hinahawi ng liwanag.” –Ibong Adarna
A. Agresibo B. Matalino C. Maaalalahanin D. Positibo

9. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na
ituro yaong landas.” -Don Juan
A. Maawain B. Madasalin C. Mapamahiin D. Matatakutin

10. “Giliw ko, ang singsing ko’y bayaan na, ang pagparoon mong mag-isa’y lubha kong
inaalala” -Donya Leonora
A. Naaawa B. Nalulungkot C. Nangangamba D. Natatakot

Matapos mong maisagawa ang napakahalagang


gawaing ito ay lubos kitang binabati at
pinasasalamatan!

7
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 1 Gawain 2

1. Maria Blanca 1. T 1. D 1. alaala


2. Don Juan 2. T 2. C 2. takot
3. Haring Salermo 3. T 3. A 3. walang sigla
4. Leonora 4. M 4. C 4. namangha
5. Don Pedro 5. M 5. B 5. pagkabigo

Subukin Ating
Natin Ang Aking
Tayahin
Natutuhan
1. D 1. C
2. D 1. katangian
2. D
3. C 2. papel
3. D
4. C 3. maunawaan
4. C
5. B 4. aral
5. A 5. huwaran
6. A 6. D
7. C 7. C
8. D 8. D
9. D 9. B
10. D 10. C

Sanggunian
Aklat

Benedicta, Ma. Rosario. Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga, Quezon
City: ISA-JECHO Publishing , Inc.,2014.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin


nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like