You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

8
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 8
Pagbuo ng Radio Broadcast

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 8
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 8: Pagbuo ng Radio Broadcast
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Annalyn D. Villaruel

Pangnilalamang Patnugot: Evelyn D. Peralta

Editor ng Wika: Jonalyn F. Pedigan

Tagawasto: Annalyn D. Villaruel

Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora, Maja Jorey B. Dongor


at Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Maricel A. Zamora

Tagalapat: Jonalyn F. Pedigan

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon, Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello, Enrile O. Abrigo Jr., Maja Jorey B. Dongor
at Ernesto P. Socrates Jr.

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagbuo ng Radio Broadcast

MELCs: Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio


broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito (F8PB-V-i-j-33);
Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio
broadcast (F8PT-IV-i-j-38); at
Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood
na telebisyon na programang nagbabalita. (F8PD-IV-i-j-38)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast
batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito.
2. Natutukoy ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast.
3. Nakabubuo ng isang radio broadcast hinggil sa mga kaalamang natutuhan sa
napanood na telebisyon na programang nagbabalita.

Subukin Natin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
______1. Ito ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na naghahatid ng balita at
impormasyon sa mga manonood at tagapakinig.
A. scriptwriting C. interviewing
B. newscasting D. discovery
______2. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang Newscaster MALIBAN sa _________.
A. Kahali-halina ang kanyang tinig o boses.
B. Marunong magdala ng isang diskusyon.
C. Mahina ang loob.
D. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
______ 3. Isang aparatong ginagamit sa pagtanggap, pagbrodkast o pagpapadala ng
senyas na panradyo?
A. telebisyon B. radyo C. kompyuter D. pahayagan
______ 4. Siya ang pinakakilala ng mga tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing
mukha ng himpilan.
A. News Anchor B. Direktor C. News Presenter D. Scriptwriter
______ 5. Isang paraan ng pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission mula sa
estasyon ng radyo papunta sa ating mga radio.
A. scriptwriting C. radio broadcasting
B. newscasting D. tv documentation
______ 6. Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa radyo.
A. Announcer C. Scriptwriter
B. Field Reporter D. Direktor

1
______7. Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects sa kabuuan ng programa.
A. Technical Director C. News Anchor
B. Direktor D. Infomercial Director
______ 8. Tinatangkilik lamang ng mga manonood at tagapakinig ang isang balita kapag
ito ay _________________?
A. Walang kabuhay-buhay at kulang sa detalye.
B. Kawili-wili at napapanahon.
C. Luma at matagal nang nangyari.
D. Hindi ito komprehensibo at di- makatotohanan.
______ 9. Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
A. Announcer B. Scriptwriter C. Field Reporter D. Direktor
______10. Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga patalastas na nagtataglay
ng impormasyong makatutulong sa mamamayan.
A. Direktor C. Announcer
B. Infomercial Director D. Technical Director

Ating Alamin at Tuklasin

Isa sa pinakapaboritong libangan ng tao, bata man o matanda, ay ang


pakikinig sa radyo. Maraming uri ng komprehensibong pagbabalita o
newscast. Maaaring ito ay pantelebisyon o sa makabagong paraan tulad ng
internet streaming. Isa sa mga paraan ng paghahatid ng komprehensibong
pagbabalita ay ang radio broadcasting. Sa bahaging ito ng ating aralin, nais
kong malaman mo kung paano bumuo at magsagawa ng isang radio
broadcasting.

Mahilig ka bang makinig ng


Baul ng Kaalaman
mga iba’t ibang programa
Oo, naman!
Iskrip – isa sa mga kopya sa radio?
Madalas nga
ng nasulat sa dula,pelikula, akong nakikinig
radyo,at iba pa. ng mga paborito
Radyo – aparatong kong programa!
ginagamit sa pagtanggap,
pagbrodkast, o pagpapadala
ng senyas na panradyo.
Oo naman! Sige, tingnan
Radyobrodkast – Pareho pala tayo… natin …magagamit natin
pagbrodkast sa Nais mo rin bang ‘yan sa aralin natin
pamamagitan ng radyo. maging isang DJ? ngayon.

Natatandaan mo pa ba ang katatapos na aralin sa


CLAS 7? Natitiyak ko na kumintal sa iyong isipan ang isa sa
bahagi ng Florante at Laura, ang “Damdamin at Motibo ng
mga Tauhan sa Akda”. Ngayon naman, ating alamin ang
pagbuo at pagsagawa ng isang radio broadcasting. Tunghayan
natin ang isang halimbawa ng iskrip para sa radio
broadcasting.

2
Basahin at unawain ang halimbawa ng radio broadcasting script.

Pananda: “RADYO DE CALIBRE”


NP: News Presenter 5-Minute News Broadcast
VO: Voice-over DXYZ 85.9
Music Fade -Up: Paghina ng musika o tunog January 21, 2015
Sneak-in: Pagpasok ng musika o tunog Page 1 of 7
SFX: Sound Effects

THEME MUSIC FADE UP…ESTAB…FADE UP UNDER FOR


ANCHOR: MAGANDANG ARAW PILIPINAS! MABUHAY RIZAL!
: ARAW NG MIYERKULES, IKA-21 NG ENERO,2015
: MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN NG DXYZ.
: ITO PO NEIRVIN PEREZ PARA SA RADYO DE CALIBRE.
MUSIC FADE UP: SA ULO NG MGA BAGONG HANGONG BALITA.
MUSIC FADE UP: MISA NG SANTO PAPA SA TACLOBAN PINAKAAAANTIG!
: UMULAN MAN O UMARAW MGA MAMAMAYAN NA NANATILING NAKATINDIG.
“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”
: PANGALAWANG SERYE NG DIVERGENT, INAABANGAN NA.
: BAGONG CHARACTER NI SHAILENE WOODLEY, ANO NGA BA?
“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”
: INAABANGAN NA SAGUPAAN KASADO NA!
: SAN MIGUEL BEER AT ALASKA MILK PAHIHIYAWIN ANG MADLA!
“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”
: TAXI DRIVER, NAGSOLI NG BAG NA NAGLALAMAN NG MALAKING HALAGA.
: MAY-ARI NG BAG, LUBOS ANG PASASALAMAT!

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson et al, Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang: Kagamitan


ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2017, Muling Limbag 2020 – Department of Education – Bureau
of Learning Resources (DepEd-BLR), Pasig City, Philippines 1600, 263 - 265.)

Newscasting (Pagbabalita)
Ito ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan ng
telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at iba pang mga paksa
sa buong bansa at ibayong dagat. May layuning maghatid sa madla ng mahahalagang
impormasyon sa pamamagitan ng pinakamadaling paraan ng pakikipagtalastasan. Ito
ay ang radyo, telebisyon at pahayagan.
Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na karaniwang tungkol sa
pulitika, ekonomiya at mga balita sa ibang bansa, at maaaring isama rin ang iba pang
uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan ng trapiko sa mga
lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga bagay na nasa interes
ng manonood.
Isa sa mga halimbawa ng komprehensibong pagbabalita ang radio
broadcasting. Ito ay pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission mula sa mga
estasyon ng radyo papunta sa ating mga radio. Inimbento ito upang ipaabot sa
malalayong lugar at sa mas maraming tao ang mga napapanahong balita at
impormasyon.

3
Narito ang mga bumubuo sa Radio Broadcasting Staff:
1. Scriptwriter – Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa
radyo.
2. News Presenter – Tinatawag ding field reporter. Sila ang tagapagbalita at
tagapanayam dahil sila ang madalas na nasa field upang mangalap ng
pinakabagong balita.
3. News Anchor – Kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng mga
tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing mukha ng himpilan.
4. Technical Director – Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects sa
kabuuan ng programa.
5. Infomercial Director – Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga
patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa mamamayan.
6. Director – Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula news anchor hanggang sa
technical director.
Mga Kailangan sa Newscasting
1. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-araw na
pangyayari.
2. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
3. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
4. Ang mga nilalaman nito ay maaaring mula sa talumpati,seminar, pulong,
panayam, sakuna, agham, kaguluhan, paligsahan o iba pang pangyayaring
magiging kawili-wili sa mambabasa o nakikinig.
5. Ito ay madaling mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
6. Sumasagot ito sa anim na katanungan: ano, saan, sino, bakit, kalian at paano.
Mga Katangian ng Isang Newscaster
1. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
2. Marunong magdala ng isang diskusyon.
3. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
4. May tiwala sa kaniyang sarili.
5. Malakas ang loob.
6. Kahali-halina ang tinig.

Sa pagsasagawa ng isang radio broadcasting, narito ang ilang mga hakbang na


puwede mong magamit;
1. Pumili ng pangalan para sa inyong estasyon.
2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Maging maingat sa mga
salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast dahil iba’t iba ang inaasahang
tagapakinig.
3. Maghanda ng mga paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor.
4. Ang mga paksang ito ay puwede ring salihan ng iyong mga tagapakinig.
5. Humanda ka ring bumasa ng ilang liham mula sa mga tauhan ng awit na
nagsasaad ng kanilang suliranin at hayaang ang iyong mga tagapakinig ang
magbigay ng posibleng solusyon o payo sa mga suliraning ito.
6. Magbigay ng ilang balita tungkol sa mga tauhan o pangyayari sa Florante at
Laura.
7. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa inyong pagbo-broadcast.

(Pinagkunan: Marilyn S. Api-it et al, Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2017, Muling Limbag 2020 – Department of
Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR), Pasig City, Philippines 1600,
263 – 265.)

4
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung ang sumusunod na hakbang ay tama at titik M
naman kung ito ay mali.
1. Kailangang pumili ng pangalan para sa inyong estasyon sa iyong gagawing
pagbo-broadcast.
2. Hindi kinakailangang maghanda ng mga paksang tatalakayin sa pagbo-
broadcast.
3. Hindi pupuwedeng salihan ng mga tagapakinig ang paksang tinatalakay sa
radio broad casting.
4. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast.
5. Hindi na kinakailangan ang mga awitin upang may patugtugin sa gagawing
radio broadcast.

Gawain 2

Panuto: Tukuyin at lagyan ng masayang mukha ( ) ang bilog kung ito ay angkop sa
isang radio broadcast at ng malungkot ang mukha ( ) kung hindi.

1. Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na naka-phone patch


habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo siya upang malaman
niyang galit ka.
2. Gumamit ka ng mga salitang simple subalit mauunawaan ng lahat ng iyong mga
tagapakinig na bata man o matanda.
3. Ngumiti habang nagsasalita upang kapag narinig ka ng iba’y tila “nakangiti” rin
ang boses na naririnig nila.
4. Magsalita nang malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.

5. Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang erpat,
ermat, bebot, at iba pa.

Bakit kinakailangang bigyang


pansin ang mga angkop na salitang
dapat gamitin sa pagsasalita sa
isang radio broadcast?

5
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang Y-Chart.

Bago pa man dumating ang mga makabagong teknolohiya ay mayroon na tayong


radyo, masasabi bang hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang radyo lalo na’t sa panahon
ngayon na mayroon tayong kinakaharap na pandemya? Magbigay ng patunay. Kung Oo
ang sagot, isulat sa ilalim ang patunay nito at sa ilalim naman kung Hindi.
Hindi
Oo

____________________________________ ____________________________________

____________________________________ ____________________________________

____________________________________ ____________________________________

____________________________________ ____________________________________

____________________________________ ____________________________________

Gawain 2

Panuto: Bumuo at magsagawa ng isang radio broadcast tungkol sa mga pangyayari sa


Florante at Laura at sa mga pangyayari rin sa kasalukuyan. Sundan ang mga hakbang
sa ibaba upang mapaghandaan at maisagawa mo ito nang maayos. Isumite sa hiwalay na
papel ang skrip at magsumite ng voice recorded.
1. Balikan at basahing mabuti ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga radio
broadcast. Maaari mo pa itong palawakin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
kaalamang nasaliksik mo.
2. Susulat ka ng iskrip batay sa mga hakbang na nabasa at nasaliksik mo. Taglay na
ng iskrip ang mga paksang tatalakayin mo sa pagbo-broadcast, mga mensaheng
pasasagutan sa iyong mga tagapakinig, liham na bababasahin sa ere, mga phone
patch at text message ng mga tagapakinig na babasahin mo sa ere, mga awiting
patutugtugin, at mga komentaryo sa mga pangyayaring babanggitin.
3. Tiyaking piling-pili ang mga salitang gagamitin dahil tanging boses mo lang
maririnig at hindi ka naman makikita ng iyong tagapakinig. Huwag mong
kalimutang banggitin ang pangalan ng inyong estasyon sa inyong pagbo-broadcast.
Dito rin lalabas ang sarili mong estilo.
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG RADIO BROADCASTING
Paman- Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Hindi Mahusay
tayan (10) (9) (8) (7)
Iskrip Napakahusay ng Ang binuong iskrip Di-gaanong Hindi
pagkakabuo ng ay isang komprehensibo at komprehensibo at
iskrip at ito ay komprehensibo at nagtataglay ng nagtataglay ng
nagtataglay ng nagtataglay ng lahat ng lahat ng
lahat ng lahat ng kakailanganin sa kakailanganin sa
kakailanganin sa kakailanganin sa pagbo-broadcast. pagbo-broadcast.
pagbo-broadcast. pagbo-broadcast.
6
Pagta- Napakahusay na Ang radio Hindi-gaanong Hindi naisagawa
tanghal naisagawa ang broadcast ay naisagawa nang nang
radio broadcast. Ito naisagawa nang makatotohanan at makatotohanan at
ay makatotohanan makatotohanan at nakasusunod sa nakasusunod sa
at nakasusunod sa nakasusunod sa mga wastong mga wastong
mga wastong mga wastong hakbang o paraan hakbang o paraan
hakbang o paraan hakbang o paraan ng pagbo- ng pagbo-
ng pagbo- ng pagbo- broadcast. broadcast.
broadcast. broadcast.
Boses Mahusay ang Ang boses ay Di-gaanong Hindi malumanay,
paglakas at malumanay, malumanay, malinaw, at
paghina ng boses malinaw, at malinaw, at nakaaakit sa mga
at lubos na nakaaakit sa mga nakaaakit sa mga tagapakinig.
nakaaakit sa mga tagapakinig. tagapakinig.
tagapakinig.
Salitang Napakahusay ng Ang mga salitang Di-gaanong Hindi nauunawaan
Ginamit mga salitang pinili. ginamit ay nauunawaan ng ng mga
Simple subalit pilimpili, simple mga tagapakinig tagapakinig ang
malaman at subalit malaman at ang mga salitang mga salitang
nauunawaan ng nauunawaan ng ginamit. ginamit.
lahat ng uri ng lahat ng uri ng
tagapakinig. tagapakinig.

Ano ang gampanin ng radyo sa


pagpapaigting ng kamalayan ng
mamamayan sa ating lipunan?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Piliin mula sa kahon ang mga salita/pariralang maaaring ipuno sa bawat patlang
upang mabuo ang pahayag.

pagbo-broadcast kahusayan
pangalan estilo
boses

DUDUGTUNGAN KO!

Sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast ay kinakailangang pumili


ng 1.)________________ ng inyong estasyon. Pag-isipan din ang magiging
2.)__________________ mo sa pagbo-broadcast. Maging maingat din sa mga salitang
gagamitin sa 3.)____________________dahil iba’t iba ang inaasahang tagapakinig.
Tandaang hindi lang ang ganda ng 4.) _________________ang puhunan ng isang
broadcaster kundi ang 5.)__________________din sa pagpili ng salita at ang malawak na
kaalaman sa mga paksang tatalakayin.

7
Ating Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

________1. Isang aparatong ginagamit sa pagtanggap, pagbrodkast, o pagpapadala ng


senyas na panradyo?
A. telebisyon C. pahayagan
B. radyo D. computer

________2. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang Newscaster MALIBAN sa _________.


A. Marunong magdala ng isang diskusyon.
B. Mayroong pag-aalinlangan sa lahat ng kaniyang gagawin sa pagbabalita.
C. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
D. Kahali-halina ang kanyang tinig o boses.

________3. Ito ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na naghahatid ng balita at


impormasyon sa mga manonood o tagapakinig.
A. scriptwriting C. interviewing
B. newscasting D. discovery

_________4. Siya ang pinakakilala ng mga tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing
mukha ng himpilan.
A. scriptwriter C. news presenter
B. direktor D. news anchor

_________5. Isang paraan ng pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission mula sa
estasyon ng radyo papunta sa ating mga radio.
A. scriptwriting C. newscasting
B. radio broadcasting D. tv documentation

_________6. Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects sa kabuuan ng programa.


A. news anchor C. technical director
B. infomercial director D. direktor

_________7. Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa radyo.


A. scriptwriter C. announcer
B. direktor D. field reporter

_________8. Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.


A. direktor C. announcer
B. scriptwriter D. field reporter

_________9. Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga patalastas na nagtataglay


ng impormasyong makatutulong sa mamamayan.
A. direktor C. announcer
B. infomercial director D. technical director

_________10. Upang tangkilikin ng mga manonood at tagapakinig ang binabalita,


kailangang ito ay _________________.
A. Kawili-wili at napapanahon.
B. Luma at matagal nang nangyari.
C. Walang kabuhay-buhay at kulang sa detalye ang binabalita..
D. Hindi komprehensibo ang binabalita.
8
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay Ating Subukin Ating Tayahin
Gawain 1 1. B
1. T 1. B 2. B
2. M 2. C 3. B
3. M 3. B
4. D
4. T 4. A
5. B
5. M 5. C
6. C 6. C
Gawain 2
7. A 7. A
1. 8. B 8. A
2. 9. D 9. B
10. B 10. A
3.
4.
5.
Ang Aking Natutuhan
Ating Pagyamanin
1. pangalan
Gawain 1
2. estilo
(Nakabase sa sagot o
opinyon ng mag-aaral) 3. pagbo-broadcast
4. boses
5. kahusayan
Gawain 2
(Nakabase sa sagot o
opinyon ng mag-aaral)

Sanggunian

Aklat

Api-it, Marilyn S., Ma. Teresa P. Barcelo, Asuncion B. Bola, Christopher G. Francisco,
Nemia G. Gajo, Ernesto U. Natividad Jr. Geraldine V. Nones, Kent Mike S.A. San
Juan, Jocelyn C. Trinidad at Bennedick T. Viola Panitikang Rehiyunal 7 Kagamitan
ng Mag-aaral, Pasig City: Department of Education- Bloombooks Inc. 2020.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like