You are on page 1of 10

POKUS NG PANDIWA

FILIPINO X
Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t ibang panlapi ng
pandiwa sa naging posisyon ng paksasa pangungusap.
 Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa tanong na“sino?”.
• [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
Hal:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulamsi nanay.
3. Bumili si Rosang bulaklak.
4. Si Ia ay humingi ng payo sa kanyangkapatid.
• Pokus satagatanggap – ang binibigyang-diin ay
ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “para
kanino?”.
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirectobject.
• Hal:
1. Kami ay ipinagluto ni nanay ngmasarap na
ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen
Taga-ganap???
Taga-tanggap???
• Pokus sa layon – ang layon ng pandiwa ang
siyang nagiging paksa ng pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/-
han, -ipa, ma-, paki—atpa-
• Ang paksa ang layon ng pandiwasa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “ano?”.
•D.O
Hal:
1. Nasira mo ang mga props parasa play.
2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa
amin.
3. Binili ni Rosa angbulaklak.
• Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa
lokasyon.
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na“saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
• Hal:
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ngmaraming
gulay.
2. Pinuntahan ninanay ang kusina ng bahay para
magluto ng masarap naulam.
3. Ang tindahan ang pinagbilhan niRosa ng
bulaklak.
4. Pinadausan ng paligsahan ang bagongtayong
entablado.
• Pokus sa instrumento – ang paksa ay an
ginagamit sa pagganap ng kilos.
• Ang paksa ang kasangkapan o bagay naginagamit
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa
pamamagitan ng ano?”.
• [ipang- , maipang-]
Hal:
1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng
masarap na ulam para saamin.
2. Ipinampunas ni Marco ang basahan samesa.
3. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkodsa
magnanakaw.
Kosatibong pokus o pokus sa
sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “bakit?”.
[i- , ika- ,ikina-]
Hal:
Ikinatuwanamin ang pagluluto ng masarap na ulam
ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang
nobyo para sakanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag
-anak .
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
• Ang nanay ay bumili ng tinapaysa supermart.
2. Pokus sa Layon
• Ang tinapay ay binili ngNanay sa supermart.
3. Pokus sa Ganapan
• Ang supermart ay binilhan ng Nanay ng tinapay.
4. Pokus saInstrumento
• Ang pera ay ipinamili ng Nanay ng tinapay sa
supermart.
5. KosatibongPokus
• Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
6. Pokus sa Taga-tanggap
• Siya ay nagsulat para sa kanyang mga magulang.
DULA
SUBTEXT
KARAKTERISASYON
BISWALISASYON
INTERNALISASYON

You might also like