You are on page 1of 20

URI NG

DISKURSO
PANGANGATWIRAN
PANGANGATWIRAN
Ang sining at agham ng paglalatag,
pagtitimbang at paghahanay ng mga
kaisipan upang mapaniwala at
mahikayat ang kabilang kampo sa
isang proposisyong pinagtatalunan.
Bilang AGHAM
Kailangan itong umayon sa isang
siyentipikong pamamaraan. May mga
hakbang at proseso itong isinasakatuparan
upang magkaroon ng kaayusan. Sangkot
rito ang paggamit ng lohikong kaisipan
upang maging kapani-paniwala ang
binibitiwang mga argumento.
Bilang SINING
Pangunahing kasangkapan ang
limang pandama ng tao upang
mapaniwala at mahikayat ang
katunggaling posisyon. Kasama rito ang
pagkuha ng atensyon, kawilihan o interes
ng mga tagapakinig at lalo na ng pasiya
ng mga tagahatol.
DEBATE O PAGTATALO
Pangatwiranan ang mga nasa pahayag kung sang-
ayon – di-sang-ayon sa 2 or 3 pangungusap lamang.

1. Ang bike ay higit na mainam kaysa sa kotse.


2. Edukasyon sa mga Unibersidad ay kailangan walang fee
o free.
3. Ang Takdang-Aralin ay nakapag-aaksaya ng oras.
4. Ang Internet ay higit na nagdudulot ng di-mabuti kaysa
mabuti.
5. Ang mga pagkaing sitsirya (junk foods) sa paaralan ay
kailangan ipagbawal.
Katuturan ng Debate
Ang Debate o pagtatalo ay isang formal na gawaing
pasalita. Ito ay tuwirang pagsasalitang paligsahan sa
pangangatwiran ng dalawang makasalungat na
panig ukol sa isang tiyak na proposisyon sa isang
tiyak na panahon.Ang pagpapahayag ng kaisipang
pagpapasyahan ay tinatawag na proposisyon. Ito ay
ang isyung papasyahan ang katotohanan at ang
karapatan nitong mapamahagi o hindi sa paniniwala
at pagtupad ng lahat.
Katangian ng Proposisyon
1. Napapanahon pangkasalukuyang
paksa.
2. Patunayan ng mga ebidensya – may
mga makakalap na mga katibayan at
3. Maliwanag – hindi mapag-
aalinlanganan ang katuturan.
Uri ng Proposisyon
1. Patakaran – karaniwang ginagamit sa mga
pampublikong debate. Nagtutulak ito ng pagkilos at
naghahanap ng solusyon. Ginagamitan ito ng
katagang dapat.
2. Kahalagahan – pinaninindigan nito ang kabutihan
ng isang bagay. Isang proposisyong ito na
naghahanap ng pangangailangan sa isang bagay o
palakad.
3. Pangyayari – pinaninindigan nito ang katotohanan
o kabulaanan kaya ng isang pangyayari
Fallacy o Maling Katwiran
1. Argumentum ad hominem= personal na atake. Hal.
Huwag natin siyang iboto sapagkat hindi siya
nakapagtapos ng kolehiyo.
2. Argumentum ad baculum= dinaraan sa lakas o
puwersa
Hal. Sumunod ka sa gusto ko dahil ako ang pinuno
rito.
3. Argumentum ad misericordiam= dinaraan sa awa.
Hal. Huwag mo na po akong ibagsak kasi namatay ang
aking ama.
Fallacy o Maling Katwiran
4. Non sequitor=hindi sumunod Hal. Barumbado ang
batang iyan palibhasa anak sa labas.
5. Ignoratio elenchi= maling kongklusyon Hal. Ang Diyos
ay pag-ibig. Kung gayon, ang pag-ibig ay Diyos.
6. Maling Paghahambing Hal. Puwede tayong gumamit ng
cellphone kasi ang propesor nga natin gumagamit ng
cellphone sa unahan.
7. Argumentum ad vericundiam=maling awtoridad Hal.
“Ang Champion, tapat po sa inyo.”Susan Roces
Fallacy o Maling Katwiran
8. Dilemma Hal. Magbabayad ka ng utang o
ilalabas ko ang mga pinagkakautangan mo?
9. Dobleng Tanong Hal. Nagugulumihanan ka
ba?
10. Petitio Principii= Paikot-ikot Hal. Maganda siya
sapagkat seksi. Seksi siya sapagkat maganda.
11. Maling sanhi Hal. Kaya hindi umulan kasi nag-
alay tayo ng mga itlog sa simbahan.
Uri ng Pagtatalo o Debate

1. Pagtatalong Di Formal
Pagtatalong Oregon
2. – Oxford
Pagtatalong Lincoln
2. – Douglas
Balagtasan o
2. Batutian
Pagtatalong Di Formal
ipinapakita ng tagapangulo ang paksang pagtatalunan at
bubuksan ang pagtatalo. Malayang magsalita ang sinumang
handang magmatuwid. Kapag may magkasabay sa pagtayo,
ang tagapangulo ang magpapasya kung sino sa kanila ang
pahihintulutang magsalita. Kadalasan ang unag tumindig o
ang pinakamatanda ang kinikilala ng tagapangulo. Malaya
siyang makapagsalita sang-ayon man o salungat, maikling
panahon lamang para makapagsalita naman ang isa.
Pagkatapos ang pagpapasyahan ay sa pamamagitan ng
pagbobotohan.
Pagtatalong Oregon – Oxford
maaaring dalawa at tatlo ang mga tagapagsalita
•ngPangalawang Kung–dalawa
bawat panig.Sang ayon –ang
magtatanong sa
tagapagsalita
pangalawang salungat.
sa bawat panig, narito ang pagkakasunod –
•sunod:
Unang Salungat – magbibigay ng ganting
matwid sa talumpati.
• Unang Sang – ayon – maglalahad ang unang
•sang
Unang Sang – ayon – magtatapos sa pagtatalo
– ayon.
sa pamamagitan ng ganting matwid
• Pangalawang Salungat – maglalahad ng sa
talumpati.
kabuuang paliwanag para sa salungat.
Pagtatalong Lincoln – Douglas
may tig – isang tagapagsalita sa bawat
panig ng sang – ayon. Sinusundan ito ng
panig na di – sang – ayon. Magbibigay
naman ngayon ng ganting matwid o
pagpapabulaanan ang unag tapos.
Magbibigay ng pagbubuod ang bawat panig
sa ganoon ding pagkakasunud – sunod.
Balagtasan o Batutian
ito ay pagtatalong patula na may sukat at
tugma. Kadalasang pinakapaksa sa mga ito
ang hinggil sa suliranin o usaping
panlipunan. Maaaring dalawa o higit pang
bilang ang panig sa pagtutunggali.
Paghahanda sa Pakikipagdebate

1. Kailangang may paksa o proposisyong


pagtatalunan.
2. Bigyang katuturan o liwanagin ang mga
termino sa proposisyon. Magtipon ng mga
patunay na susuporta sa magkasalungat na
pananaw. Pag – aralan at paghandaan din ang
panig ng kalaban
Tungkol sa Pagtuligsa:
a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban.
b. Ilahad ang mga walang katotohanang sinabi
ng kalaban.
c. Talakayin ang mga kahinaan ng katibayan ng
kalaban.
d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay
at katuwiran ng kalaban.
e. Lagumin ang mga sariling katuturan at
patunay sa sarili na katuwiran.
Tungkol sa Pagtatanong:
• Tanong na masasagot lamang ng “oo” o
“hindi” ang dapat na itanong. •
Magtanong tungkol sa talumpating
kabibigay ng sinundong tagapagsalita.
• Di dapat magtanong ang dalwang
tagapagsalita sa iisang tagapagsalita.
Paghahanda sa Pakikipagdebate

3. Dapat ihanay nang pabalangkas ang lagom ng


mga katuwiran. Ito’y binubuo ng tatlong bahagi ;
panimula, patotoo at konklusyon

You might also like