You are on page 1of 18

POKUS NG PANDIWA

Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t


ibang panlapi ng pandiwa sa naging posisyon ng paksa
sa pangungusap.

1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus


Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
“sino?”.
• [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
Hal:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
3. Bumili si Rosa ng bulaklak.
4. Si Ia ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.
2. Pokus sa layon – ang layon ng pandiwa ang
siyang nagiging paksa ng pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -
an/-han, -ipa, ma-, paki—at pa-
• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na
“ano?”.
• Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Hal:
1. Nasira mo ang mga props para sa play.
2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay
para sa amin.
3. Binili ni Rosa ang bulaklak.
3. Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa
lokasyon.
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an ,
mapag-/-an]
• Hal:
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng
maraming gulay.
2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay
para magluto ng masarap na ulam.
3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng
bulaklak.
4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong
tayong entablado.
4. Pokus sa pinaglalaanan – ang binibigyang-diin
ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-
.
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “para
kanino?”.
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
• Hal:
1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na
ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na
Birhen
5. Pokus sa instrumento – ang paksa ay an
ginagamit sa pagganap ng kilos.
• Ang paksa ang kasangkapan o bagay na
ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.
• [ipang- , maipang-]
Hal:
1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng
masarap na ulam para sa amin.
2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
3. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod
sa magnanakaw.
6.Kosatibong pokus o pokus sa
sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “bakit?”.
[i- , ika- , ikina-]
Hal:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na
ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng
kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang
mag -anak .
7.Pokus sa direksyon
• Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng
kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “tungo saan/kanino?”.
• [-an , -han , -in , -hin]
• Hal:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili
ng kagamitan.
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
Ang nanay ay bumili ng tinapay sa supermart.
2. Pokus sa Layon
Ang tinapay ay binili ng Nanay sa supermart.
3. Pokus sa Ganapan
Ang supermart ay binilhan ng Nanay ng tinapay.
4. Pokus sa Instrumento
Ang pera ay ipinamili ng Nanay ng tinapay sa supermart.
5. Pokus sa Pinaglalaanan
Ipinamili ng Nanay ang mga bata ng tinapay sa supermart.
6. Kosatibong Pokus
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming
nanay.
7. Pokus sa Direksyon
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
PANDIWANG PAWATAS
• Ang salitang pawatas (infinitive) ay
tumutukoy sa isang uri ng pandiwa kung
saan hindi pa ito nababanghay o nalalagyan
ng mga panlapi. Ilan sa mga pandiwa na
nasa anyong pawatas ay ang mga
sumusunod:
1. Manghiram 6. Ipambili
2. Makatapos 7. Ipagluto
3. Itago 8. Baguhin
4. Ibigin 9. Turuan
5. Panghiraman
• Iba pang halimbawa:

Maglaba, manghiram, makiusap,


makatapos, bumili, baguhin,
turuan, ibigin, itago, ipagluto,
ipambili, panghiraman, at iba pa.
ISG #2
(Not Printed)
Bumuo ng pandiwang may
panlapi ayon sa pokus
Pokus sa tagaganap o aktor
panlapi Salitang kilos
mag-
-um
Ma-
sayaw
Makapag-
Maki-/-an
Magpa-
Pokus sa Layon
panlapi pawatas pandiwa

i-

-in/-hin

-an/-han

-ipa bili

ma-

paki-

pa-
panlapi pawatas pandiwa

pag-/-an

Ma-/-an

luto

Pang-/-an

Mapag-/-lu-/-an
panlapi pawatas pandiwa

-in huli

Ma-/-an turo

Pang-/-an laro
Piliin at isulat ang pandiwang ginamit. Isulat sa
patlang ang T kung ito
ay tagaganap; L kung layon; at G kung ganapan.

______________ 1. Si Dr. Jose Rizal ang


nagsulat ng Noli Mi Tangere at El Fibusterismo.
______________ 2. Pinaglutuan ang bagong
palayok ng sinigang.
______________ 3. Pumasa si Ana sa pagsusulit.
______________ 4. Ipinapatimpla siya ng kape
ng mga panauhin.
______________ 5. Ang malaking basket ay
pinagsidlan ng mga paninda.
Gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na pandiwa sa iba’t-ibang
pokus

• 1. naglunsad
• 2. pinagdausan
• 3. ibinili
• 4. humingi
• 5. ipinampunas

You might also like