You are on page 1of 13

ANGKOP NG GAMIT NG

PANDIWA BILANG
AKSIYON, KARANASAN
AT PANGYAYARI
PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng
pananalitang nagsasaad ng kilos o
galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng
mga salita. Ito’y binubuo ng salitang-
ugat at ng isa o higit pang panlapi.
Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping
makadiwa
Uri ng Pandiwa
Ang pandiwa ay maaring mauri sa dalawa: palipat at ang
katawanin.
Palipat ang pandiwa kung may katwirang layong tumatanggap sa
kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at
pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay,
o kina.
Halimbawa:
pandiwa tuwirang layon

Si Pygamalion ay lumilok ng estatwa.


pandiwa tuwirang layon

Ito ay kanyang sinuotan ng damit at mamahaling alahas


Uri ng Pandiwa
Katawanin ang pandiwang kapag hindi na ito nangangailangan ng
tuwirang layon tatanggap ng kilos at nakakatayo na itong mag-isa.
Halimbawa:
Mga pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari.
pandiwa

Nabuhay si Galatea.
pandiwa

Sina Pygmalion at Galatea ay ikinasal.


Mga pandiwang palikas na walang simuno.
• Umuulan!
• Lumilindol!
Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay may tatlong aspektong nagpapakita kung kalian
naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag
nito.
 Aspektong Naganap o Perpektibo - ito’y nagsasaad na tapos
na o nangyari na ang kilos.
Halimbawa: Natapos ng binata ang kanyang obra maestra.

 Aspektong Katatapos – bahagi rin ng aspektong perpektibo


sapagkat ang kilos ay kakatapos pa lamang gawin o mangyari.
Sa pagbuo nito’y idinudugtong ang panlaping ka sa inuulit na
unang pantig ng salita.
Halimbawa: Katatapos lang gawin ng binate ang kanyang obra
maestra.
 Aspektong Nagaganap o Imperpektibo - ito’y nagsasaad na
ang kilos ay kasalukuyang nangyayari o kaya’y patuloy na
nangyayari.
Halimbawa: Araw-araw na dinadalaw ni Pygmalion ang
minamahal niyang estatwa.

 Apektong Magaganap o Kontemplatibo - ito’y nagsasaad na


ang kilos ay hindi pa isinasagawa o gagawin pa lang.
Halimbawa: Magpapasalamat ang magkasintahan sa butihing
diyosa ng pag-ibig.
Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa o salitang
kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Makikita ito sa
panlaping ginagamit sa pandiwa.
Naririto ang iba’t ibang pokus ng
pandiwa.
Pokus ng Pandiwa
• Tagganap o Aktor ang pokus ng
pandiwa kung ang paksa o simuno ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos
ng pandiwa.
Halimbawa: Si Aphrodite ay tumugon
sa panalangin ni Pygmalion.
Pokus ng Pandiwa
• Layon o Goal ang pokus ng
pandiwa kung ang layon ay siyang
paksa o binibigyang-diin sa
pangungusap.
Halimbawa: Pinag-usapan ng mga
tao ang estatwang nilikha Ni
Pygmalion
Pokus ng Pandiwa
• Ganapan o Lokatib ang pokus ng
pandiwa kung ang lugar o
pinaggaganapan ng kilos ang
paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Pinagmulan ng mga
mitolohiya ag bansang Griyego.
Pokus ng Pandiwa
• Tagatanggap o Benepaktib ang
pokus ng pandiwa kung ang tao o
bagay na nakinabang sa resulta
ng kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Ipinagdala nina
Pygmalion ng mga alay si
Aphrodite.
Pokus ng Pandiwa
• Gamit o Instrumental ang pokus
ng pandiwa kung ang bagay na
ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa ang paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Ginamit ni Pygmalion
ang paet at martilyo sa pag-ukit ng
estatwa.
Pokus ng Pandiwa
• Sanhi o Kosatib ang pokus ng
pandiwa kung ang paksa ng
pangungusap ay ang dailan o
sanhi ng kilos.
Halimbawa: Ikinatuwa ni
Aphrodite ang patuloy na pag-aalay
ng pamilya ni Pygmalion.

You might also like