You are on page 1of 2

GONZAGA, ANGEL MARIE E.

2 AR 1
Gawaing Mapagpalaya Blg. 1 “Ako sa Lusak ng Lipunan”

“PINK”

Ang kulay “blue” ay para sa lalaki, at kulay “ pink” naman para sa babae. ‘Yan ang kadalasan turo
sa atin ng ating mga magulang, dahil ayun daw ang nakasanayan. Pink na bag, laruan, sapatos — at kung
ano-ano pang bagay ang pwede maging pink. Ano ba masama sa kulay na iyon? Malamang ay natanong
na ito ng iilan sa kanilang sarili. Nagmimistulang maliit na bagay lamang ito, ngunit ‘di natin namamalayan
ay isa na pala itong maling kaisipan na nagdudulot ng makitid na pag-iisip sa utak ng tao.
Ang pag-ugnay ng mga kulay halimbawa, sa kasarian ng tao ay isa sa mga gender stereotyping na
laganap sa panahon ngayon. Isa ito sa mga suliraning kabilang sa isyu ng SOGIE o sexual orientation and
gender identity or expression ng isang tao.
Para sa mga miyembro ng LGBT community, ang SOGIE ay isa sa mga pinakamahalagang konsepto
na tumutukoy sa kanilang pagkatao. Kabilang sa aking karanasan ang pagdiskubre at pagkatuto tungkol
sa aking gender identity at gender expression. Naalala ko noon kung paanong pinipilit ako ng aking nanay
na magsuot ng mga “pambabaeng damit” tulad ng dress at skirt dahil hindi daw maganda sa babae ang
magdamit lalaki. Kahit sa simpleng pag-upo ko ay lagi ako sinisita ng mga tao na ‘wag daw ako bubukaka
dahil hindi daw iyon naayon sa mga kababaihan. Saka ko lamang napagtanto kung gaano na kalaganap
ang ganitong tradisyunal at hindi makatwiran na pag-iisip ng mga Pilipino. Kulang pa ang kaalaman ng
mga Pilipino ukol dito sapagkat hindi lamang ito isyu na nakapaloob sa LGBT community kundi, isa rin itong
isyung panlipunan.
Sa kasalukuyan, mainit ang mga usapin tungkol sa SOGIE bill. Patuloy na lumalaban ang
komunidad ng LGBT upang maisabatas ang mga panukalang magpoprotekta sa kanila laban sa
diskriminasyon ng mga tao. Layon ng bill na ito ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga lesbyana, bakla,
bisexual, transgender atbp., at mabawasan ang stigma o maling paniniwala sa mga miyembro ng LGBT.
Bukod pa rito ay layon nitong maisulong at makamit ng mga LGBT ang basic human rights na kadalasan
naipagkakait sa kanila sa aspeto ng edukasyon, trabaho, healthcare, atbp. Ang mga taong lalabag dito ay
maaaring patawan ng kaparusahan kung saan kailangan magbayad ng multa na aabot ng 100,000 pesos
o ‘di kaya ay pagkakabilanggo na aabot ng isang taon. Hindi tulad ng sinasabi ng karamihan, hindi naman
“special rights” ang hinihingi ng komunidad. Ang tanging hangarin lamang nila ang pantay na karapatan
tulad ng pribilehiyong tinatamasa ng mga heterosexual na tao.
Sa kasamaang palad, dumaan na ang ilang taon ay hindi pa rin naipapasa ang bill na ito. Patuloy
pa rin ang diskusyon nito sa senado kung saan ay karamihan sa mga mambabatas ang tutol dito. Iilan
lamang sa kanila, tulad ni Sen. Risa Hontiveros ang lumalaban para dito.
Subalit isa pa lamang ito sa mga mahahalagang hakbang na kailangan abutin ng ating lipunan.
Marami pa rin kaso ng harassment, diskriminasyon, karahasan, panggagahasa, at pang-aabuso ang
nararanasan ng mga LGBT. Marami pa rin ang nasa loob ng closeta at takot mahusgahan ang kanilang
pagkatao. Marami pang tao ang kailangan maturuan at mabigyang kaalaman tungkol importansya ng
pagkakaroon ng safe spaces para sa mga LGBT, upang malaya nilang maihayag ang kanilang pagkatao.
Marami pa rin ang dapat mabigyang boses at plataporma upang ihayag ang kanilang adbokasiya. Marami
pa rin hakbang ang maaaring gawin upang unti-unti mawala ang stigma pagdating sa LGBT community.
Kaya naman dapat lamang ipagpatuloy ang protesta para sa pantay na karapatan. Importantent madinig
ang hinaing nga mga ating kapatid na LGBT dahil tulad natin, ay tao din sila na karapat-dapat sa pantay
na pagkilala at karapatan.
Bilang isang mag-aaral, Pilipino, at parte ng LGBT community, malaki ang aking hangarin na
dadating din ang panahon na bawat isa sa atin ay magiging malaya na. Malayang magmahal, malayang
maging kung sino man sila. Sana ay dumating na ang araw na hindi tayo limitado sa iisang kulay lamang.
Pink, blue, red, yellow, o kung ano man. Dahil tulad ng isang kahon ng Crayola, tayo ay binubuo ng samu’t
saring kulay na siyang gughit ng isang magandang larawan. Magandang larawan para sa kinabukasan kung
saan ang pagiging LGBT ay isang parte ng ating pagkatao na dapat natin ipagmalaki.

You might also like