You are on page 1of 51

ANG BINARY AT

ANG GENDER SPECTRUM


• Malinaw ang paninindigan ng
Pilipinas ukol sa kasarian
bilang isang Katolikong bansa.
• Makikita ito sa mga polisiya
ng pamahalaan.
• Makikita rin sa mga polisaya
ng pamahalaan ang limitasyon
sa dalawang kahulugan ng
kasarian (babae at lalaki) na
hindi kasama sa isyu.
• Nakasaad sa Saligang Batas ng
Pilipinas na “kinikilala ng
Estado ang tungkulin ng
kababaihan sa pagbuo ng
bansa at dapat siguraduhin
ang pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan.
• Nakasaad sa Saligang Batas ng
Pilipinas na “kinikilala ng
Estado ang tungkulin ng
kababaihan sa pagbuo ng
bansa at dapat siguraduhin
ang pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan.
• Sa maraming bansa, ang
kasarian at tinitingnan bilang
dalawang konseptong
nakabatay sa anatomiya.
• Ngunit may mas malawak na
pag-unawa sa bilogy, gender
expression, at gender identity.
• Maari itong tawaging gender
expansiveness na tumutukoy
sa kahulugan ng kasariang
mas malawak sa tradisyonal
na pagkaunawa at mga
kaugalian.
• Ang pagkakaiba ng kasarian batay
sa karanasan ng mga tao ay
umiiral maging sa ibang kultura
tulad ng calabai at calalai ng
Indonesia, two spirit ng
katutubong Americano, at hijra ng
India.
• Nagpapakita ang mga ito ng mas
malawak na pagkaunawa sa
kasarian kung ihahambing sa
dalawangkonsepto.
MGA ISYU AT HAMON:
ANG KATAYUAN NG MGA
NONBINARY SA PILIPINAS

• Ang limitasyon ng Saligang Batas


sa pagtukoy lamang sa dalawang
konsepto ng kasarian ay hindi
nangangahulugang walang
ginagawa ang bansa upang
maisulong ang pagkakapantay-
pantay ng mga kasaeian.
MGA ISYU AT HAMON:
ANG KATAYUAN NG MGA
NONBINARY SA PILIPINAS

• Ang limitasyon ng Saligang Batas


sa pagtukoy lamang sa dalawang
konsepto ng kasarian ay hindi
nangangahulugang walang
ginagawa ang bansa upang
maisulong ang pagkakapantay-
pantay ng mga kasarian.
• Sa 2015 Global Gender Index
(GCI) na iniulat ng World
Economic Forum (WEF),
pampito ang Pilipinas sa 145
na bansa.
• Ang tanda nito ay ang
pakikisangkot sa ekonomiya,
oportunidad, edukasyon,
pagbibigay ng kapangyarihan sa
politika, kalusugan, at survival.
• Magmula nong sinimulan an
paglathala ng GCI noong 2006,
ang Pilipinas ay nanatili sa
unang sampung bansa sa buong
daigdig na nagbibigay ng
opurtunidad sa lahat ng
kasarian.
• Ang kawalan ng batas na
kumikilala at nagtatanggol sa
mga nonbinary ay hindi
nangangahulugan ng kawalan
ng mga hakbang na ginagawa.
• Makikita ang pagsusulong at
proteksiyon sa lokalidad
kagaya g QC.
• Noong 2013, gumawa ang
siyudad ng ordinansang
nagpapataw ng parusa sa
distriminasyon sa mga
nonbinary sa pagbibigay ng
trabaho.
• Suportado rin ng mga
probisyon ng ordinansang
Gender and Development ng
mga LGBT.
• Sa ibang probinsiya, hindi
sapat ang mga ordinansa upang
lubos na maisulong ang pantay
na pagtingin sa mga karapatan
ng mga nonbinary.
• Ang kawalan nito ay hamon sa
kanila.
• Isa sa mga isyu ay ang pag-
aasawa.
• Sa ilalim ng Family Code of the
Philippines, isinasaad na ang
pag-aasawa ay ang pagsasama
ng bbae at lalaki.
• Ito ang dahilan kung bakit
hindi makamit ng mga
nonbinary ang karapatang legal
na magkasamang pagmamay-
ari ng ari arian.
• Hindi lamang ang nabaggit ang
problema ng mga nonbinary.
• Apektado rin ang ibang bagay
kagaya ng pagbisita sa ospital,
paggawa ng desisyong medikal,
at paglilibing, pag-aampon ng
anak, benispiyo ng insurance,
at iba pang kaugnayan na
pribilehiyo ng pag-aasawa.
• Hindi pinapayagang mag-
ampon ang anak ang
magkasamang pareho ang
kasarian. Ngunit pinapayagan
ng DSWD ang pag-aampon ng
nag-iisang LGBT.
• Sa resulta ng pag-aaral ng
UNDP hindi rin pareho ang
pananaw ng nonbinaries ukol
sa same sex marriage sa bansa.
• Ngunit batay rin sa pag-aaral
na ito, ang mga nonbinary ay
humihigi g legal a proteksiyon
ng kanilang mga karapatan.
SA IBANG BANSA

• Ang mga bansang Australia (2017)


at Colombia (2016) ang pinakahuli
sa mga bansang kumilala sa legal
na pagpapakasal ng mga
nonbinary.
• Sinundan nito ang 23 bansakagaya
ng Netherlands (2000), Belgium
(2003), Canada (2005), Spain
(2005), at Soth Africa (2006).
• Bagama’t pinapayagan
ang kasal ng mga
nonbnary sa mga
bansang ito, nagkakaiba
ang mga probisyon sa
ilalim ng kanilang mga
batas.
• Nagkakaiba rin sila sa
probisyon ng pag-aampon,
diborsiyo, pagmamana, at
ang probisyo para sa mga
relihiyon at mga opisyal na
sibil upang hindi payagan
ang kasal.
• Sa South Africa, sa tingin
ng lider ng mga Zulu, ang
pagiging bakla ay masama.
• Sa US, kinikilala ang same sex
marriage.
• Noong Hunyo 26, 2015,
nagbigay ng desisyon ang US
Supreme Court na
pinapayagan ang same sex
marriage sa lahat ng estado sa
US.
• Ang ilan samga hukom na hindi
pumanig sa desiyon ay
nagsabing ang desisyo ay bunga
ng kagustuhan at hindi lregal
na hatol.
• Karamihan sa mga estado ng
US ay hindi sang-ayon sa same
sex marriage.
• Kaya ag turing nila sa desiyon
ay “a threat to American
Democracy”.
ANG SIMBAHAN AT ANG GENDER
SPECTRUM

• Ang relihiyon ang


pinakamahalaga at
pinakamakaimpluwensiyang
institusyon sabuhay ng tao.
• Pinaniniwalaang ang buhay
ng tao ay nakasalig sa
pananampalataya at
doktrina ng relihiyon.
ANG PANANAW NG SIMBAHAN UKOL SA
MGA NONBINARY

• Malaki ang impluwensiya ng


relihiyon sa paanaw ukol sa
ma nonbinary.
• Ang mga Pipilino ay binubuo
ng 80% Kristiyano, 9%
Pretestante, at 8% ang
pangkat na hindi Kristiyano.
• Ang aklat na Homosexuality
and the Catholic Church,
inilarawan ng Simbahang
Katoliko ang kahulugan ng
homosexuality.
• Ayon sa aklat,ito ay ang
atraksiyon sa kabilang
kasarian at ito ay bunga ng
kakulangan sa maayos na
relasyon ng magulang ng
may kaparehong kasarian.
• Dahil dito, hinahana ng tao
ang kakulangan sa
pamamagitan ng relasyon sa
taong may kaparehong
kasarian.
• Para sa Simbahang Katoliko,
ang kalinisan o kadalisayan
ay paraan upang maalis ang
pag-akit sa parehong
kasarian.
• Ito ay layunin ng Courage
Philippines, isang
apostolada ng simbahang
Katoliko Romano.
• Ang pagiging bisexual ay
ang kakayahang
makipagrelasyon sa
alinmang kasarian ngunit
mas matindi para sa
kaparehong kasarian.
• Ayon sa simbahan, ang
pagbabakla ay maaaring
mabago sa pamamagitan ng
pagpapayo.
• May ilang bahagi ng Bibliya
na naglalaman ng pananaw ng
Simbahan ukol sa
homosexual o bakla.
• Sa kabuoan, hindi
tinatanggap ng Simbahan ang
mga gawaing homosexual.
• Ang Islam at Iglesia ni Cristo
ay dalawa pa sa
maimpluwensiyang relihiyon
sa bansa.
• Hindi tinatanggap ng mga
ito ang mga homosexual at
mga gawaing homosexual.
• Para sa mga Muslim nilikha
ng diyos ang mga lalaki
bilang lalaki at ang babae
bilang babae.
• Samakatuwid, itinatatwa
nito ang pagiging bakla.
• Tinitingnan ang gawaing
homosexual bilang “marumi
at makasalanan,’’
• Sa ilalaim ng batas ng
Sharia, hindi lamang ito
kasalanan kundi isang
krimeng dapat parusahan.
PAG-AASAWA NG PAREHO ANG
KASARIAN

• Ang pag-aasawa ng
kapareho ang kasarian
ay hindi tanggap ng
Simbahang Katoliko.
• Tinatanggap nito ang
mga bakla ngunit
hindi ang pag-aasawa
ng may kaparehong
kasarian.
• Kaya ang pag-sasama ng
magkaparehong kasarian ay
labag sa natural na batas
moralidad.
• Hindi ito ang pagsasamang
may pagmamahal at
kapupunang seksuwal.
• Ngunit nilinaw ng
Congregation fot the
Doctrine of the Faith (CDF)
na ang pagtutol sa gawaing
homosexual ay hindi
nangangahulugang
kasalanan.
• Sa halip, tinitingnan ito ng
CDF bilang isang intrinsic
disorder o isang sakit.
• Sa Iglesia ni Cristo, hindi
pinapayagan ang same sex
marriage.
• Sinasabi nila na kailangan ng
lalaki at babae ang isa’t isa sa
batay sa Corithians 11:11.
• Para sa INC, itinuturo ng
Bibliya na kasalanan ang
seksewal na pag-ibig sa kapwa
babae at gayundin sa kapwa
lalaki sa lalaki.
• Batay rin ito sa Levisticus
20:13 kung saan ang
relasyong homosexual ay
kasalanan sa Diyos kaya
pinapatay ang mga may
ganitong kasalanan noong
panahon ni Moses.
SAMAHAN NG LGBTQ+
SA PILIPINAS
• Mahalaga sa tao lalo na sa
Pilipino ang mapabilang sa
isang samahan sa tingin
niya ay may parehong
layunin at paniniwala sa
kanya.
• Sa kulturang Pilipino na
masasabi pa ring may
pagkakonserbatibo, ang
pagiging miyembro ng
LGBTQ+ ay hindi madali.
• Gayunpaman, dumarami ang
naglalakas-loob na sumuong
sa pagbabahagi ng kung ano
ang kanilang kasarian sa
kabila ng mga negatibong
maaring mangyari sa tulad ng
hindi pagtanggap ng pamilya,
kaibigan, at iba pang
miyembro ng komunidad.
• Ang pagbabahagi sa sarili sa
publiko ay maaari ding
makaapekto sa larangan ng
hanapbuhay kung saan sila ay
maaaring makaranas ng
diskriminasyon o kung kaya
naman ay matanggal sa
trabaho, kasama na rito ang
posibilidadna hindi matanggap
sa trabaho.
• Ang pagkakaroon at pagsama sa
mga samahan na may kinalaman
sa LGBTQ+ ay bunga ng hangarin
na mapabilang sa isang
komunidad na makaiintindi sa
mga nararanasan ng isang
LGBTQ+, ang maprotektahan ang
karapatan, ang maging kasapi ng
samahan na may parehong
layunin, ang makatulong sa
kapwa LGBTQ+ man o hindi at
ang maging bahagi ng pagbabago
sa pagtanggap ng lipunan.
• Sa iba’t ibang bahagi ng mundo
makikita ang iba’t ibang
samahan ng LGBTQ+.
• Sa Pilipinas, ang mga samahan
ay karaniwang makikita sa ga
lungsod kung saan mas aktibo
at mas marai ang miyembro ng
LGBTQ+.
• Ang samahang ito ay isang party list
na itinatag noong Setyembre 1,
2003 sa pangunguna ni Danton
Remoto na naglalayon na
mapangalagaan ang karapatan ng
mga LGBTs sa pamamagitan ng pag-
angat ng kaalaman ukol sa LGBTsat
sa iba’t ibang isyu na kanilang
nararanasan.
• Ang samahan ay nagsasagawa rin
ng mga programa na may
kinalaman sa kabuhayan at
pagbibigay ng suportang
panlipunan.
• Ang pangunahin at pinakamatagl na
samahan para sa LGBTQ+ sa buong
UP Sysstem sa bansa.
• Ang samahan ay nabuo sa
ppaniniwala na ang lahat ng tao
anuman ang lahi, nasyonalidad,
relihiyon, at kasarian ay nararapat
na may pagkakapantay-pantay kaya
naman, nilalayon nitong isulong at
pangalagaan ang karapatan ng mga
LGBTQ+.
• Naniniwala ang samahan na
may marginalization sa mga
LGBTQ+ kaya nag-oorganisa ito
at gumagawa ng mga programa
a naglalayon magkaroon ng
pagtanggap sa LGBTQ+.
• Isang kalipunan ng mga samahan
ng LGBTQ kasama ang mga
indibidwal na LGBTQ at mga
tagasuporta nito ang pangunahing
layunin ay isulong at pangalagaan
ang mga karapatan at
pangunahaing kalayaan ng mga
LGBT sa pamamagitan ng paggawa
o pagsuporta sa mga patakara,
ordinansa, at batas.
• Ang Lagablab LGBTQ Pilipinas ay
nagmula sa una nitong pangalan
na Lagblab na binuo noong 1999.
• Muli itong nabuo, bilang isang
kalipunan, upang tumugon sa
mga napapanahong usapin ukol
sa kanilang komunidad.
• Samahan nanakatala sa
Securities ang Exchange
Commision na naglalayong
mapangalangaan ang mga
karapatan ng mga maralitang
taga-lungsod na bahagi ng
LGBTQ na kadalasang biktima
ng diskriminasyon, nakararanas
ng kakulangan sa edukasyon,
kalusugan, at hanapbuhay.
• Isang ecumenical at
progresibong Kristiyanong
simbahan na tumatanggap ng
LGBTQ at mga pamilya nito.
• Pinagtutuonan ng simbahan
ang pagmamahal bilang
pinamahalagang moral at
kanila namang tinututulan ang
pagbubuklod o exlusion sa mga
LGBTQ.

You might also like