You are on page 1of 154

IMPERYALISMO AT

NASYONALISMO SA
SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG
ASYA

ARALIN 1.
ANG IMPERYALISMO SA
SILANGANG ASYA
 Ang hangaring kumita
nang malaki sa kalakalan
ang nagbunsod sa
imperyalismo sa Silangan
Asia.
 Natalo ang China sa
malakas na armas ng mga
Ingles sa Digmaang Opyo.
 Mula noon ang dating
makapangyarihang bansa
ay napayuko ng mga
mananakop.
 Napilitan siyang buksan
ang mga daungan sa mga
dayuhan matapos
lumagda nang sapilitan sa
mga kasunduang hindi
nakabuti sa bansa.
 Nagalit ang mga Tsino sa
mahinang pamahalaan ng
Qing at nagrebelde sila.
 Sinamantala ito mga taga-
Kanluran.
 Tinulungan nila ang
pamahalaang Qing at sa
huli, naipilit nila ang mga
gawain para sa sariling
kapakanan.
 Naging biktima rin ng
Imperyalismo ang Japan
bagama’t sa sumunod na
panahon, siya rin ay
naging imperyalista.
 Naakit ang mga Ingles at
Amerikano sa kanyang
lokasyo sa tabi ng Pasific
Ocean.
 Interesado sila na gawin
itong himpilan ng mga
barko sa panghuhuli ng
pating at pagkarga ng
panggatong habang nasa
bahaging ito ng daigdig.
 Pinaalis ng Japan ang
mga dayuhan at isinara
ang bansa sa mga
impluwensiyang dayuhan.
 Ngunit hindi rin ito
nakaligtas sa superyor na
armas ng mga Amerikano.
 Napilitan itong magbukas
nang gamitin ni Mattew
Perry ng “gunboat
diplomacy” na isang
foreign policy na pinaiiral
gamit ang puwersang
militar.
 Tulad ng
China,napilitan itong
lumagda sa mga
kasunduan na may
extraterritoriality at
most favored nation
clause
 Ang EXTRATERRITORIALITY
ay nangangahulugan na ang
batas ng kanilang sariling
bansa ang susundin ng mga
dayuhan sa lugar kung saan
sila pinapayagang tumira at
hindi ang batas ng bansang
may sakop nito.
 Ang MOST FAVORED NATION
CLAUSE ay bahagi ng
kasunduan na nagsasabing
ang anumang pribilihiyo o
karapatan na ibibigay ng
Japan sa mga bansa ay
ibibigay rin sa mga estado
na tirahan o kontrolado ng
mga dayuhan.
 Pinaghati-hatian ng mga
Kanluranin ang mga
lupain at dagat sa
rehiyon bilang kanilang
“teritoryo” ng kalakalan.
 Ang pagbubukas ng mga
plantasyon ng mga
produktong panluwas ay
naging paraan ng pagkita
ng mas malaking pera.
 Sa paraang ito, ginamit
nila ang mga likas na
yaman at mga yamang-
tao sa kolonya.
IMPERYALISMO SA CHINA
 Dalawang bagay ang
nagtulak sa mga Ingles
upang hawakan ang
kalakalan sa China.
 Ang Una ay ang mataas na
buwis na sinisingil sa mga
mangangalakal sa
daungan sa Canton.
 Dalawang bagay ang
nagtulak sa mga Ingles
upang hawakan ang
kalakalan sa China.
 Ang Una ay ang mataas na
buwis na sinisingil sa mga
mangangalakal sa
daungan sa Canton.
 Sa daungan sa Canton
lamang sila pinapayagang
mangalakal sapagkat
mahigpit ang mga
patakaran ng pamahalaan
ng dinastiyang Qing.
 Dahil sa mataas na presyo,
mas kakaunti ang nabibili
at kakaunti rin ang kita ng
mangangalakal.
 Nang subukan ng mga
Ingles na mangalakal
sa ibang daungan, sila
ay hinuli at
ipinatapon.
 Ang ikalawa, ay ang hindi
pantay na kalakalan.
 Walang produkto ang mga
Ingles na talagang
kailangan ng mga Tsino.
 Upang may bago at
kakaiba, ipinakilala nila
ang opyo na galing sa
India.
 Hindi ito pinayagan ng
China ngunit ipinuslit ng
mga Ingles ang opyo.
 Dahil dito, gumawa ng paraan
ang pamahalaan upang matigil
ang kalakalan ng opyo.
 Ito ang naging dahilan ng
Digmaang Opyo (Opium Wars).
 Noong, 1810, dumami ang
iniluwas na opyo sa China.
 Ipinatanim ng mga Ingles
sa India ang opyo upang
may ipamalit sa seda at sa
tsaang China.
 Mahigpit na ipinagbawal
ng China ang paghithit at
pagtinda ng opyo.
 Ngunit malaki ang kinikita
rito.
 Sa tulong ng mga hindi
tapat na opisyal ng
pamahalaan, naipuslit
paloob ng bansa ang opyo.
 Lumaganap ang
korupsiyon.
 Noong 1839, isang opisyal,
si Lin Tse-hsu, ang
inatasan napumunta sa
daungan ng Canton upang
pigilan ang kalakalang
opyo.
 Nakatagpo ang kanyang
grupo ng nakaimbak na
opyo sa isa sa mga
bodega.
 Kinumpiska ito at iniutos
na sunugin.
 Ang bodega ay pag-aari ng
mga Ingles.
 Dahil naubos na ang
pasensiya ng mga Ingles,
ginamit nila itong dahilan
upang magsimula ng
digmaan.
 Umabot ang labanan
hanggang sa mga daungan
ng Shanghai at Nanking.
 Ang Unang Digmaang
Opyo (1839-1842) ay
nagpakita ng malakas na
puwersa ng mga Ingles sa
karagatan at ng kahinaan
ng mga tropang Tsino.
 Nakipag-usap ang
pamahalaan ng China nang
umabot na ang labanan a
siyudad ng Nanking.
 Ang Kasunduan sa
Nanking ay nilagdaan
noong 1942.
 Ang kasunduan ay bunga
ng:
1. Pagbukas ng limang
daungan para sa mga
dayuhan-Canton, Amoy,
Foochow (Fuzhou), Ningpo
(Ningbo), at Shanghai.
2. Pagbigay ng pulo ng
Hongkong sa mga Ingles.
3. Pagbayad ng China sa
mga Briton ng mga
napinsala ng digmaan.
 Nang sumunod na taon
nakuha pa ng mga Ingles
ang karapatan na
extraterritoriality at most
favored nation clause.
 Noong 1856 hanggang
1860 sumiklab ang
Ikalawang Digmaang
Opyo.
 Nagsimula ito nnag
paratangan ng mga Ingles
ang China na siyang
humuli sa kanilang
barkong Arrow at
naghalughog sa loob nito.
 Pinasok ng mga tropang
Ingles at Pranses ang
Tientsin at ang Peking at
sinunog ang palasyo ng
emperador.
 Noong 1858 nilagdaan ang
Kasunduan sa Tientsin.
 Lalo nitong nilabag ang
soberaniya ng China at
nagmistula itong pag-aari
ng mga dayuhan.
 Sa Kasunduan sa Tientsin:
1. Ginawang legal na
kalakalan ang opyo.
2. Pinayagan ang pagpasok
ng mga misyonerong
Kristiyano at pag-
papalaganap ng
Krisyanismo.
3. Pinahintulutan ang
pagbubukas ng tirahan ng
mga dayuhan sa Peking.
4. Pinagbayad ang China
sa mga pinsalang dulot ng
digmaan.
 Ang mag misyonerong
dayuhan ay pinayagang
pumasok sa mga
probinsiya ng China.
 Nagtayo sila ng mga
paaralan at
nakisalamuha sa mga
tao.
 Pinuna nila ang mga
katutubong kaugalian
dahilan upang
makabanggaan nila ang
mga iskolar ng China.
 Ang mga karahasan sa
mga misyonero ay
nagbunga ng pagparusa sa
mga Tsino, pagbayad ng
multa, at karagdagang
kaluwagan para sa mga
dayuhan.
IMPERYALISMO SA JAPAN
JAPAN
 Narating ng mga Portuges
ang Japan noong 1543.
 Sumunod ang mga
Espanyol, Ingles, at
Olandes upang
mangalakal.
 Isang daungan lamang
ang binuksan para sa mga
dayuhan, ang dayuhn ng
Nagasaki.
 Pinayagan din ang mga
misyonero sa loob ng
bansa at nakuha sila ng
mga tagasunod na
Hapones.
 Ngunit hindi ikinalugod
ng Shogunate ng
Tokugawa ang mga
kaguluhang nangyari.
 Noong 1597, pinatay ang
ilang misyonero at ang
iba ay ipinatapon sa labas
ng bansa.
 Ang kanilang mga
tagasunod ay inatasang
itakwil ang kanilang
relihiyon.
 Ang hindi sumunod ay
pinatay.
 Noong 1638, lahat ng
dayuhan ay hindi na
pinayagang pumasok.
 Isinara ang Japan sa
lahat ng impluwensiyang
dayuhan hanggang 1853
nang dumating ang mga
Amerikano.
 May dalawang
pangunahing dahilan
kung bakit naaakit ang
mga Ingles sa Japan at
nakipag-agawan ang mga
ito sa mga Pranses sa
base o himpilan ng mga
Olandes.
 Una rito ay ang
kagustuhang
makipagkalakalan sa
China, at ang magandang
lokasyon ng kapuluan
para sa mga barkong
gamit sa panghuhuli ng
mga pating sa Pasipiko.
 Walang nagawa ang
Japan nang pumasok ang
mga Ingles dahil hindi
nito kayang labanan ang
puwersa nito.
 Sa huli,lumagda na rin
ito ng mga kasunduan
namay deklarasyon ng
extratterritoriality at
most favored nation
clause.
 Nangolekta ang Japan ng
mas mababang buwis sa
mga Ingles.
 Binigyan din ng
karapatan ang mga
dayuhan at kalayaan sa
mag tirahang itinayo sa
daungan.
 Ang United States ay
naging interesado rin sa
Japan.
 Nais niyang gawin itong
himpilan para sa mga
barkong magkakarga ng
panggatong habang nasa
Pasipiko.
 Noong 1853, ang
uwersa ng hukbong-
dagat ng US sa
pamumuno
Commodore Matthew
Perry ay inatasang
buksan ang Japan
para sa paglalayag,
kalakalan, at
ugnayang
diplomatiko.
 Sa superyor na puwersang
ipinakita ng mga
Amerikano sa Tokyo Bay,
walang nagawa ang Japan
kundi ang sapilitang
sumuko.
 Sa Kasunduan sa
Kanagawa noong 1854,
binuksan ang dalawang
daungan para sa kalakalan
at tirahan ng mga
Amerikano, ang daungan
ng Shimoda at Hakodate.
 Nagtalaga ang US ng isang
konsul na namahala sa
Shimoda, na isang insulto
sa shogun, at naglagay ng
mga pasilidadsa pulo ng
Kyushu para sa mga
naglalayag na barkong
Amerikano.
 Sumunod ang mga
kasunduan sa pagitan ng
iba pang dayuhan at
nabuksan ang iba pang
daungan.
ANG IMPERYALISMO
SA TIMOG-SILANGANG
ASYA
 Dahil binubuo ng
magkakahiwalay na mga
kaharian ang Timog-
Silangang Asya, hindi
kataka-takang
nagustuhan at madaling
nasakop ng mga
European ang rehiyon.
 Nakuha at nakontrol nila
ang kayamanan ng
rehiyon nang buong-buo.
MYANMAR (BURMA)
MYANMAR (BURMA)
 Pinag-aagawan ng mga
Ingles at Pranses ang
Burma dahil sa
mayamang kagubatan ng
Teak at hilaw na
materyales sa paggawa
ng tela.
 Ang English East India
Company ay nakapagtatag
ng himpilan ng kalakalan
sa Chittagong,
Mushidabad, at Kasim
Bazar.
 Sa kasamang-palad ay
hindi sapat ang
katapangan na ipinakita ng
Burma sa puwersang
militar ng mga Ingles, ang
kanilang pagkatalo ay lalo
pang pinadali ng
pagkamatay ng kanilang
heneral.
 Nagtapos ang unang
digmaan sa pagitan ng mga
Ingles at Burmese sa
pamamagitan ng paglagda
ng Kasunduang Yandabo.
 Napilitan ang Burma na
magbayad ng isang milyong
pound sterling bilang
danyos at pinahintulutan
nito ang paglulunsad ng
kalakalan ng mga Ingles sa
kanilang kaharian.
 Upang mabawasan ang
kapangyarihan ng mga
Ingles sa kanilang
teritoryo, naging mas
maluwag ang pagtanggap
nito sa ibang mga dayuhan.
 Nakinabang dito ang mga
Pranses sapagkat binigyan
sila ng karapatan na
lubusang magamit ang mga
kagubatan ng teak.
 Nasakop ng mga Ingles ang
hilagang bahagi ng Burma
at ipinatapon sa labas ng
bansa ang hari at ang
kanyang pamilya.
 Dahil dito, nag-aklas ang
mga tao at inabot ng
limang taon bago natigil
ang labanan.
FRENCH INDOCHINA
(Laos, Cambodia, at Vietnam)
FRENCH INDOCHINA
(Laos, Cambodia, at Vietnam)
 Ang pagsakop ng mga
Pranses sa Tongking,
Annam, Conchinchina, at
Cambodia ay paraan
upang makipagkalakalan
sa Timog-Silangang Asia.
 Isa pang dahilan nito ay
upang protektahan ang
mga misyonerong Pranses.
 Nais ng France na ang mga
kolonya sa Asia ay matuto
ng kulturang Pranses na
para sa kanila ay
“superyor kaysa sa
katutubong kultura”.
 Kaya nang pahirapan ng
emperador ng Vietnam na
si Minh Mang ang mga
misyonerong at mga
tagasunod nito, nakialam
na ang pamahalaang
Pranses.
 Sa pamamagitan ng
paggigipit, sapilitang
nilagdaan ng Vietnam ang
Kasunduan ng Saigon
noong Hunyo 1862.
 Ang kasunduang ito ay
nagbigay ng kalayaan sa
relihiyon ng mga Pranses.
 Maliban dito, nabigyan din
ang France ng
karagdagang teritoryo, ang
katapatang gamitin ang
Ilog Mekong para sa
kalakalan, at mamuno sa
Cambodia na isa sa mga
teritoryo ng Vietnam.
PILIPINAS
 Ang Pilipinas lamang ang
naging kolonya ng Spain
sa Asia dahil nahuli ito sa
ibang mga European.
 Kaya ginamit na lamang
ng Spain ang
estratehikong lokasyon ng
bansa para sa kalakal.
 Ang Pilipinas ay nasa gitna
ng kalakalan ng rekado at
magagamit sa
pakikipagkalakalan sa
China at Japan.
 Upang masolo ang
kalakalan sa bansa,
nagsagawa ng ilang
hakbang ang mga
Espanyol.
 Pinagtanim nang
maramihan ang mga
katutubong Pilipino ng
mga produktong panluwas
tulad ng bulak, tubo,
tabako, indigo, palay, at
abaka.
 Nangolekta rin ng buwis at
pinagtrabaho nang sapilitan ang
mga Pilipino.

POLO Y SERVICIO
 Pinairal ang polo y servicio sa
pamamagitan ng pagtakda na ang
mga kasama sa gawaing ito ay ang
mga kalalakihang Pilipino na may
edad na 16 hanggang 60 taong
gulang. Ang mga kasapi sa polo y
servicios ay pinaggawa ng mga
tulay at simbahan, o di kaya'y
pinasama sa ekspedisyon bilang
tagasagwan.
 Ang may pinakamalaking papel
sapagsakop ay ang mga prayle
na nagpalaganap Kristiyanismo
at nakaimpluwensiya nang
malaki sa buhay at politika sa
bansa.
 Sa loob ng 333 taong
pananatili sa Pilipinas,
maraming pag-aalsa ang
nagyari laban sa
mananakop.
 Ang huli at ang
pinakamalawak na
pagkilos laban sa mga
Espanyol ay ang
Rebolusyon ng 1896.
Rebolusyon ng 1896.
 Nang pumasok ang mga
Amerikano, nakita nila ang
kondisyon ng bansa sa ilalim ng
mga Espanyol.
 Iniba nila ang paraan ng
pagsakop.
 Nangako sila ng kalayaan at
inihanda ang mga pinuno sa
paraan ng pamamahala.
 Isang pamahalang sibil at
demokratiko ang inumpisahan.
 Pinalawak ang edukasyon.
 Itinuon ang pagkolonya sa
mga negosyante at
pamilyang politiko.
 Naging epektibo ang
estratihiya kaya nang
ideklara ang kalayaan
noong 1946, pumayag ang
pamahalaang Pilipino na
hawakan ng mga
Amerikano ang ugnayang
panlabas, buwis sa
adwana, patakaran sa
pananalapi, at paggamit
ng likas na yaman.
MALAYSIA
MALAYSIA
 Nang magkasundo ang
Netherlands at ang Great
Britain noong 1824 at
naitalaga ang ang
teritoryo ng bawat isa
para sa kalakalan.
 Nakontrol ng mga
Olandes ang Indonesia, at
ang Malay Peninsula, ng
Great Britain.
 Noong 1824 hanggang
1826, nagkalakalan ang
mga Ingles sa Penang,
Wallesley, Malacca, at
Singapore ngunit hindi
nila hinawakan ang
pamahalaan hanggang
1871.
 Nakialam ang Great
Britain sa Malaya dahil sa
hiling ng mga
mangangalakal na ibalik
ang kapayapaan sa lugar.
 Bago dumating ang mga
European , ang Malaya
ang sentro ng Islam.
 Sa padating ng mga
Protestanteng Olandes at
Katolikong Ingles,
nagkabanggaan sila ng mga
Muslim at mga pinuno.
 Upang maiwasan ang
nagkakaisang mga Sultan,
sinimulan ang sistemang
residente (resident system).
 Sa paraang ito, ang sultan
o hari ang nangolngolekta
ng buwis at namamahala
samantalang ang Ingles
na residente o dayuhang
tagapamahala ng lugar
ang naging tagapayo at
tagapagtanggol ng estado.
 Hindi maaaring gumawa
ng desisyon ang lokal na
lider nang hindi sinasang-
ayunan ng dayuhang
residente.
INDONESIA
INDONESIA
 Noong una, monopolyo
ng mga Portuges ang
kakalan sa Timog-
Silangang Asya.
 Nagtayo sila ng himpilan
ng kalakalan sa Ternate,
Amboyna, Tidore, Borneo,
Celebes, New Guinea, at
Timor.
 Ang mga Olandes at
Ingles ang nakapagtatag
ng himpilan sa halos
lahat ng lugar sa Timog-
Silangan Asia.
 Lalong pinakas ng mga
Olandes ang kanilang
kontrol nang lumagda sila
ng mga kasunduan
kasama ang mga lokal na
pinuno.
 Napaalis ang mga Ingles
noong 1619 nang nang
makipagkutsaba ang mga
Olandes sa mga lokal na
lider at pinatay ang mga
Ingles sa Amboyna.
 Dahil dito, umalis ang
mga Inles at itinuon na
lamang ang pansin sa
India.
 Noong 1800-1820, nagbago ang
East Indies (Indonesia).
 Naging pinuno ng mga Olandes
sa Java si Herman Daendels.
 Sa ilalim ng kanyang
administrasyon nabawasan
ang korupsiyon.
 Nagtatag siya ng sistema
ng hustisya na batay sa
katutubong kaugalian.
 Nagpagawa siya sa paraan
ng transportasyon mula sa
katutubong kaugalian.
 Ang mga produktong
panluwas ay itinanim nang
maramihan sa malalawak
na lupain at dinala bilang
kalakal sa ibang bansa.
 Dito kumita nang malaki
ang pamahalaan.
 Ipinakilala rin ng isang
ekonomista Olandes ang
“culture system” sa panahon ng
panunungkulan ni
Johannes Van den Bosch.
 Noong 1811, naging
gobernador ng Java si
Thomas Stamford Raffles.
 Isinaayos niya ang
pamahalan, binago ang
sistema ng pagbubuwis, at
pagkolekta ng buwis sa
lupa na nakatulong sa ,ga
lokal na magsasaka.
 Higit sa lahat pinakilala
nya ang ryotwari kung
saan ang mga magsasaka
ay nagkaroon ng sariling
lupa at nagbayad ng buwis
sa lupa.
 Bumalik ang mga Olandes
noong 1816.
 Upang pormal na mahati
ang kapuluan, lumagda ng
kasunduan ang
Netherlands at ang Great
Britain noong 1824.
 Napasa-kamay ng mga
Ingles ang mga estadong
Malay kasama ang
Malaysia at ang Singapore
at sa kamay naman ng
mga Olandes ang East
Indies (Indonesia).
 Naging mapang-api ang
pamahalaan ng mga
Olandes sa Indonesia.
 Sa culture system,
sapilitang pinagtanim ang
mga tao ng mga
produktong panluwas
upang maabot ang dami ng
produktong nais iluwas.
 Dahil dito, iniwan ng mga
magsasaka ang kanilang
mga sakahan ng palay at
marami ang nagutom at
naghirap.
 Yumaman ang mga Olades
ngunit naapis at lalong
naghirap ang mga
katutubong mamamayan
ng Indonesia.
THAILAND (SIAM)
THAILAND (SIAM)
 Magandang talakayin ang
Siam (lumang pangalan ng
Thailand) sapagkat nanatili
itong malaya noong panahon
ng kolinisasyon.
 Napalilibutan man ito ng
Burma at Malaya na
parehong kontrolado ng mga
Ingles, at ng Indochina na
hawak ng mga Pranses,
ginamit nito ang kanyang
lokasyon at nagsilbing
Buffer state.
 Sinigurado rin ng mga hari
nito lalo na si Haring
Mongkut at Chulalongkorn
na kilala rin bilang Rama IV
at Rama V, sa aspeto ng
modernisasyon.
Rama IV

Rama V
 Sinikap nilang maging
moderno at makabago ang
Thailand gaya ng estado sa
Europe.
 Ginawang propesyonal ni
Rama IV ang militar at
nagtayo rin ito ng
sentralisadong sistemang
politikal kung saan hinirang
ang Bangkok bilang sentro
nito.
 Binuwag din nito ang pang-
aalipin at prostitusyon at
tiniyak na kapantay ang
Thailand ng mga bansa sa
Europe na nangunanguna sa
pagpapalawak ng kanilang
teritoryo.
 Naging mahusay rin ang mag
Thai sa diplomasya.
 Nakipagkasundo sila sa ibang
mga dayuhang bansa gaya ng
Great Britain at bagama’t
may mga binitawan sila
teritoryo bilang bahagi ng
kasunduan, nakuha rin
nilang makapagdadag ng
lupain para sa kanilang
kaharian at nakumbinsi nila
ang mga ito na tulungan sila
sa kanilang modernisasyon.
ANG NASYONALISMO NG
MGA TSINO

 Nagsimula ang
nasyonalismo ng mga Tsino
dulot ng kanilang karanasan
sa kamay ng mga
Kanluranin at mga Hapones.
Sa loob ng mahabang
panahon, mataas ang
pagtingin ng mga Tsino sa
kanilang bansa.
 Tinawag nila itong
Gitnang Kaharian (Middle
Kingdom) na siyang
pinakamayaman at
pinakamakapangyarihang
imperyo.
 Ang mga Kanluranin ay
humanga sa China at
tumingala sa mga Tsino.
 Ngunit ang pagkatalo ng
China sa mga Digmaang
Opyo ang naglantad sa
kahinaan ng imperyo.
 Ito ang nagbukas ng pinto
sa mga European upang
pasukin ang imperyo.
 Napalagda nila ang China
sa mga kasunduang pabor
sa kanila.
 Lalong sumidhi ang mga
suliranin ng dinastiyang
Qing na pinalubha pa ng
mabilis na pagdami ng
populasyon, pagbaha,at
korupsiyon.
 Nagkagulo ang bansanoong
1850 hanggang 1864 at
sumiklab ang Rebelyong
Taiping.
Rebelyong Taiping
 Ang Taiping ay isang lihim
na samahan na itinatag ni
Hong Xiuquan ( Hung Hsiu-
ch’uan) noong 1840.
 Ayon sa kanya, nagkaroon
siya ng pangitain kung saan
nakita niya ang sarili bilang
nakababatang kapatid ni
Hesukristo.
 Tinawag niya ang sarili
bilang pinuno ng Kaharian
ng Langit ng Dakilang
Kapayapaan (Heavenly
Kingdom of Great Peace).
 Dahil sa mga di mabuting
nangyayari sa timog-
silangang China, naakit ang
mga tao sa kanyang
pangaral.
 Gustong ibagsak ng Taiping
ang pamahalaan Qing o
Manchu.
 Sila’y nag-aklas at nagsimula
ng rebolusyon.
 Sa hangad ng mga dayuhan
na protektahan ang kanilang
negosyo tinulungan nila ang
pamahalaan Qing at natalo
ang mga Taiping.
 Maraming tao ang
namatayat malaki rin ang
naging epekto nito sa
dinastiya.
 Lalong lumakas ang
kapangyarihan ng mga
dayuhan at sa huli,
pinaghati-hatian nila ang
China ayon sa spheres of
influence.
 Tumutukoy ang Sphere of
Influence sa kahit anong
bahagi kung saan ang isang
bansaay nagpapakia ng
kapangyarihan laban sa iba
pang mga bansa.
 Hindi lamang mga
European ang nagpahirap
sa China.
 Noong 1894 hanggang
1897 sinakop ng mga
Hapon ang Korea, Taiwan,
at Liaotung Peninsula na
mga bahagi ng China.
 Habang nangyayari ito,
sinamantala ito ng mga
dayuhan upang lalong
palawakin ang kanilang
kapangyarihan.
 Ito ang nagpasidhi sa
Nasyonalismo at pagnanais
ng mga Tsino na palayasin
ang mga dayuhan sa
kanilang bansa.
 Noong 1899, isang
samahan na tainatawag na
Boxer (Righteous
Harmoious Fists) ang
itinatag na may layuning
paaalisin ang mga
“dayuhang demonyo”
Boxer
 Sinalakay nila ang tirahan ng
mga dayuhan.
 Bilang tugon upang
malabanan ang mga Boxer,
nagsama-sama ang mga
dayuhan.
 Nabigo ang pag-aalsa ngunit
lalo lamang itong nagpaigting
sa nasyonalismo ng mga
Tsino.
 Noong 1900, isang bagong
lider ang lumutang si Sun
Tat-sen.
 Bumuo siya ng samahang
rebolusyonaryo upang
mabago ang pamahalaang
Tsino.
 Itinatag niya ang
Kuomintang o Partido
Nasyonalista.
 Layunin na baguhin ang
China batay sa tatlong
prinsipyo,
 Una ay ang nasyonalismo na
magpaaalis sa mga dayuhan.
 Ikalawa, ang pagpapatalsik sa
dinastiyang Manchu.
 At ikatlo, nais niyang isulong
ang trabaho para sa mga
mamamayan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng lupa.
 Nang maging presidente si
Yuan Shih-kai, nahinto
ang kaguluhan.
 Ngunit may sariling interes
si Yuan Shih-kai.
 Nais niyang ibalik ang
monarkiya at maging
emperador.
 Nang magtangkang
sumakop ang Japan, nakuha
ni Yuan ang suporta ng US
at iba pang Kanluranin na
nais protektahan ang
kanilang negosyo.
 Nagkagulo muli nang
mamatay si Yuan.
 Napasakamay ng mayayamang
mandirigma ang China.
 Sa gitna ng kaguluhan,
tumanggap ng tulong si Sun-
Yat-sen mula sa USSR
(Russia).
 Nagkasama sa issang pangkat
ang mga nasyonalista at
komunistang Tsino.
 Noong 1925, namatay si Sun
Yat-sen.
 Pumalit na lider ng Kuomintang
si Chiang Kai-shek.
 Nilabanan niya ang mga
mayayamang mandirigma
subalit wala silang tiwala
sa mga komunistang
kasama sa pangkat.
 Isa-isa niyang tinanggal
ang mga komunista at
pinatay ang ilan.
 Binago niya ang
pamamahala sa bansa.
 Ngunit hindi ito
nakatulong sa mga
manggagawa at magsasaka.
 Lumaki ang grupo ng mga
komunista sa pamumuno
ni Mao Tse-tung (Mao
Zedong)
Mao Tse-tung (Mao Zedong)
 Natalo nila ang grupo ni
Chiang Kai-shek at
napilitang umurong sa
papuntang Formosa
(Taiwan).
 Sa Taiwan nagtatag siya ng
isa pang China na
kailanman ay hindi
kinilala ng People’s
Republic of China ni Mao
Tse-Tung.
ANG NASYONALISMO SA
TIMOG-SILANGANG ASIA

 Ang Nasyonalismo sa Timog-


Silangang Asia ay nagsimula
sa huling bahagi ng 1800 at
unang bahagi ng ika-20 siglo.
 Iba’t iba ang paraang ginamit
ng mga bansa-pagtanggap,
pakikisama, at paglaban.
 Ang mga unang uri ay
naramdaman noong huling
bahagi ng ika-19 siglo
matapos mabuksan ang
Suez Canal.
 Ang Pilipinas ang nauna sa
mga bansang nagsimula ng
nasyonalismo sa rehiyon.
 Ang kilusan sa Reporma
ng mga Ilustrado ang
nagbunyag sa mga
pangyayari sa bansa at
gumising sa makabayang
Pilipino sa pamumuno ni
Andres Bonifacio at Emilio
Aguinaldo.
Andres Bonifacio

Emilio Aguinaldo
 Naging halimbawa ito ng
mga mamamayan ng iba
pang bansa.
 Ikalawa, ang mga Asyanong
nakapag-aral sa Kanluran
ang namuno samga kilusan
ang mga ilustrado ng Kilusan
sa Reporma sa Pilipinas, ang
Indonesian Nationalist Party
at ang Dobama Asiayone ng
mga studyante ng Burma.
 Pangatlo, nabuo ang
nasyonalismo matapos
makaugnayan ng mga
makabayang mamamayan
ang mga kilusang
komunista at sosyalista ng
USSR at ng China.
 Sa Indochina, ang Viet
Qouc (Vietnamese
Koumintang) ay nabuo
noong 1927.
 Si Ho Chi Mihn, isang
matalinong Vietnamese na
nakaranas ng komunismo
sa Moscow, ay bumalik sa
Vietnamm at sumama sa
sa kilusang nasyonalista.
 Noong 1941, binuo niya
ang Viet Minh, isang
samahan ng mga gerilya na
lumaban sa mga Hapones
na nais sumakop sa
Vietnam.
 Sa Indonesia, pinangunahan
ni Achmed Sukarno ang
Indonesian Nationality
Party.
 Ngunit dinakip siya ng mga
Olandes at ipinatapon sa
labas ng bansa.
 Nakabalik lamang siya
matapos umalis ng mga
Olandes.
 Nabuo rin sa panahong ito
ang Singapore, Malayan
Union, Malayan Comunist
Party, ang Central Indian
Association of Malaya at
Communist Part of the
Philippines at Indonesian
Communist Party.

You might also like