You are on page 1of 35

Ikalawang Yugto ng

Imperyalismong
Kanluranin
Kasunduang Unang
Tianjin Digmaang Opyo

Tagumpay ng
Ikalawang
Imperyalismo sa
Digmaang Opyo
Pilipinas
Industriyalisasyon
Pangangailangan para sa mga hilaw na
sangkap o materyales (Raw Materials)
tulad ng langis, kape, asukal, goma atbp.
Matinding kapitalismo ang prinsipyong
pang-ekonomiya ang naghari sa
pandaigdigang pamilihan
Ang tunggalian ng mga kanluranin sa isa’t
isa ang naging hamon sa
Industriyalisasyon
Pamumuhunan
Itinuturing ng mga Kanluranin ang mga
bansang Asyano bilang mapagkukunan ng
kita o tubo
Naakit ang mga kanluranin sa posibilidad
ng paglago ng kanilang pera sa
pamamagitan ng paglalagay ng kapital sa
mga pataniman at minahan na sagana sa
Asya.
White Man’s Burden
Paniniwala na ang kabihasnan ng mga
kanluranin ay nakahihigit kaysa sa mga
kabihasnang Asyano
Sa palagay nila, mayroon silang tungkulin
na turuan ang mga Asyano.
Ito ang naging pagbibigay-katwiran ng
mga Kanluranin sa ginawa nilang
pananakop sa mga Asyano.
Tagumpay ng Imperyalismo sa
India
Sinimulang subaybayan mismo ng England
ang pamamahala sa India ng English East
India Company.
Dito naganap ang pagpili ng pamahalaan
ng England sa magiging gobernador-
heneral ng India.
Ang Rebelyong Sepoy
Tinatawag ring Rebelyon ng 1857
Sila ang hukbong kolonyal ng England sa
India na nag-alsa dahil sa balita na ang
kanilang bagong cartridge ng ripleng kanilang
ginagamit ay nilangisan diumano ng langis ng
hayop. Tutol dito ang mga Hindu at Muslim
dahil bawal sila ng baka at baboy.
Ginamit ng England ang pagkabigo ng
rebelyon bilang hudyat ng pagpapabagsak sa
English East India Company.
Tagumpay ng Imperyalismo sa
Burma
Ito ang tagapagtanggol ng silangang
bahagi ng kanilang nasasakop, ang India.
Sa haba ng ika-19 na siglo, sinikap ng
England na isailalim ang Burma sa isang
mapagsilbing ugnayan o dependent
relations, tulad ng ginawa nila sa India.
Digmaang Anglo-Burmese
Ito ay naganap simula 1824 hanggang 1826
Ito ang paglusob ng Burma sa mga Estado
ng Assam,Arakan, at Manipur
Natalo ang Burma dulot ng malaking pinsala
na natamo ng pwersa nito sa Arakan at
Tenasserim.
Sapilitang lumagda ang Burma noong 1826
sa Kasunduan ng Yandabo. Sa kasunduang
ito, inililipat ng Burma ang English East
India Company ang Arakan at Tenasserim.
Tagumpay ng Imperyalismo sa
Singapore
Sa dahilang sakop ng mga Dutch ang ang
Indonesia, hindi pinahintulutan ang
England na makipagkalakalan sa
Singapore.
Ang England ay maaari lamang
makipagkalakalan sa Batavia sa Indonesia.
Pagtatatag ng Singapore
Iminungkahi ni Thomas Stamford Raffles
ang pagtatatag ng isang daungan sa timog
Malaya na hahamon sa pananaig ng mga
Dutch sa kalakalan.
Ang Singapore ay matatagpuan sa timog
na dulo ng tangway ng Malaya.
Straits Settlements
Ang mga sakop ng lupain ng England ay
nagsimula sa tatlong daungan na
matatagpuan sa strait of Malacca.
(Penang, Singapore, Malacca)
Ang tatlong daungan ay nagsilbi bilang
sentro ng distribusyon ng mga produkto
ng England at India, tulad ng opyo at
tela.
Resident System
Sa ilalim ng sistemang ito, may tutuparin
ang mga sultan at ang Resident.
Sa bahagi ng sultan, tatanggapin niya
ang pananatili sa lugar ng isang British
Resident.
Sa bahagi ng Resident, ipagtatanggol
niya ang sultan at ang kanyang estado.
Federated Malay States
Ito ay binubuo ng apat na estadong
pumayag sa Resident System. (Perak,
Selangor, Pahang, at Negri Sembilan)
Ang namumuno dito ay isang Resident-
General.
Unfederated Malay States
Ito naman ang mga tumutol sa Resident
System
Apat na estado rin ang bumubuo dito.
(Kedah, Perlis, Kelantan, at Trengganu)
Tagumpay ng Imperyalismo sa China
Naging mahigpit ang pamahalaang Manchu sa
China sa mga mangangalakal na Kanluranin na
dumagsa sa Canton noong ika-19 na siglo.
Hinangad ng England na mas marami ang
kanilang iluluwas sa China kaysa kanilang
inaangkat.
Noong hindi nila mapantayan ang mga
porselana sa China, opyo na lanmang ang
kanilang dinala at ito naman ay naging
mabenta.
Ang Unang Digmaang Opyo
Sumiklab ang Unang Digmaang Opyo noong
1839.
Ang sanhi ng digmaan ay ang ginawang
pagsira ng mga opisyal ng adwnana ng
Canton sa opyo na nais ipagbili ng mga
English.
Tumagal ang digmaan ng 3 taon at natalo
ang China.
Natapos ang digmaan at nagpirmahan ang
2 bansa ng Kasunduang Nanking.
Ikalawang Digmaang Opyo
Muling sumiklab ang digmaan noong 1856.
Ang sanhi naman nito ay ang pagpigil ng
mga opisyal ng adwana sa isang barkong
nangangalakal ng opyo.
Sumali ang France sa panig ng England
dahil sa pagtrato ng Tsino sa mga
misyonerong French.
Pinilit nilang palayasin ang emperador at
sinunog ang kanyang palasyo.
Ang Kasunduang Tianjin
Sa ilalim ng kasunduang ito, pumayag ang
China na mgabukas ng 11 karagdagang
daungan para sa kalakalan ng mga
Kanluranin
Ang Extraterritoriality ay tumutukoy sa
pagpapairal ng batas ng dayuhang bansa
sa hurisdiksyon ng isang bansa.
Paghahati ng China sa mga Spheres of
Influence
Ang unti-unting pagkawala ng
kapangyarihan ng China sa mga lugar sa
kanyang paligid na itinuring nila sa
mahabang panahon bilang mga
protektorado ang sanhi ng pagkakaroon ng
Spheres of Influence.
Paghahati ng China sa mga Spheres of
Influence
Dahil sa pagkatalo ng China sa Digmaang
Sino-Japanese noong 1894, inilipat sa Japan
ang lahat ng karapatan ng China sa Korea,
Formosa (Taiwan), at mga pulo ng pescadores
sa bisa ng Treaty of Shimonoseki.
Ang unti-unting pagkawala ng kapangyarihan
ng China sa mga lugar sa kanyang paligid na
itinuring nila sa mahabang panahon bilang mga
protektorado ang sanhi ng pagkakaroon ng
Spheres of Influence.
Paghahati ng China sa mga Spheres of
Influence
Maraming bansa ang sumang-ayon sa
patakarang Open Door.
Tumulong ang Open Door sa
pagpapanatiling buo ng teritoryo ng China.
Tagumpay ng Imperyalismo sa
Pilipinas
Maraming rebelyon ang naganap sa
Pilipinas upang ipadama ang pagtutol nila
sa patakaran ng Spain.
Matapos ang ika-19 na siglo,
matagumpay na nagsagawa ang mga
Pilipino ng rebelyon laban sa mga
espanyol.
Tagumpay ng Imperyalismo sa East
Indies
Umiwas ang mga Dutch sa direktang
pamamahala sa East Indies hanggang sa
kalagitnaan ng ika-18 siglo dahil mas
pinili nilang pumasok sa mga kasunduan
kung saan ang lupaing sakop nila ay
ipamamahala sa mga katutubong pinuno
kapalit ng mga pampalasang ibibigay ng
East Indies sa kanila.
Ang Culture Sytem
Humina ang pananalapi ng Netherlands
noong ika-19 na siglo dahil sa Napoleon
Wars sa Europa.
Si Johannes van den Bosch ang
nagmungkahi ng produksiyon ng mga
pananim na maaaring ipagbili ng mga
Dutch sa pandaigdigang pamilihan.
Cultivation system ang isa pang tawag sa
Culture system.
Ang Culture Sytem
Sa ilalim nito, kailangang ilaan ng bawat
magsasaka ang sanglimang (1/5) saklaw ng
kanilang bukid o 66 na araw ng
pagtatanim para sa produksiyon ng mga
tanim na iluluwas.
Masahol ang dinanas na hirap ng mga
Indonesian sa pagtatanim sa ilalim ng
sistemang ito.
Tagumpay ng Imperyalismo sa
Indochina
Ang orihinal na dahilan ng panghihimasok
ng France sa Vietnam ay ang
pagpapalaganap ng Katolisismo. Sa
pagtatapos ng ika-18 siglo, ang bilang ng
mga katoliko sa Vietnam ay humigit
kumulang 250,000.
Ang sakop ng Indochina ay ang Vietnam,
Cambodia, at Laos.
Pagsakop ng Cochin China
Naging pagkakataon para kay Emperador
Napoleon III ang mga ulat tungkol sa
pang-aapi ng mga Katoliko sa Vietnam
upang makakuha ng mga lupain sa Timog
Vietnam.
Noong 1862,pumirma ang emperador ng
Vietnam sa isang kasunduang inililipat niya
sa France ang tatlong lalawigan na kung
tawagin ay Cochin China.
Pagsakop ng Cochin China
Pumayag din siyang magbukas ng mga
daungan para sa mga mangangalakal na
French, magbigay ng bayad-pinsala,
pahintulutan ang Katolisismo at pagbibigay
ng karapatan sa France na maglayag sa
Mekong River.
Protektorado sa Vietnam
Noong 1882, isang misyong pang-militar
ng France ang magpunta sa Hanoi.
Tinutulan ito ng China pero wala silang
nagawa dahil nagapi sila ng mga French.
Noong 1884, pumayag ang China na
ilagay ang Vietnam sa France.
Protektorado sa Cambodia
Ipinagbunyi ng France ang pagiging
makapangyarihan ng Cambodia.
Nagmungkahi ang France na ilagay ang
Cambodia sa estadong protektorado nito.
Walang nagawa ang Cambodia kundi
pumayag.
Protektorado sa Laos
Ginamit ng France ang pagapatalsik sa
dalawa nilang kababayan sa Siam bilang
dahilan ng panghihingi ng bayad-pinsala.
Ang Menam River ay ang lugar na
kinatatayuan ng Laos.
Dahil sa pagsasara ng mga French sa
daloy ng mga barko sa Menam River,
walang nagawa ang Siam kundi isuko sa
kanila ang Laos.
Tagumpay ng Imperyalismo sa Japan
Noong ika-19 na siglo, madalas maglayag
sa Hilagang Pacific Ocean ang mga barko
ng United States.
Dahil sa haba ng kanilang paglalayag,
kailangan nilang makahanap ng lugar na
may pagkain, tubig, at panggatong o fuel.
At nakita nila ito sa Japan.
Commodore Matthew Perry
Si Matthew Perry ang ipinadala ng
United States sa Japan upang
makipagkasundo sa Japan upang buksan
ang kanilang bansa sa kalakalan ng US.
Nadala ang mga Hapones sa mga regalo
ng US tulad ng baril, orasan, at iba pang
kagamitan para mapapayag sila sa
pakikipagkalakalan.
Naisip ng Japan na malakas ang puwesa
ng US kaya napapayag nila ito.
Kasunduang Kanagawa
Naisip ng mga Hapones na maaaring
matulad sila sa China sa mga Digmaang
Opyo.
Pumayag sila at lumagda sa Treaty of
Kanagawa.
Sa ilalim ng kasunduang ito, magbubukas
ang Japan ng dalawang daungan-Shimoda
at Hakodate-at magpakita ng mabuting
pakikitungo sa mga nasisiraan ng barko.

You might also like