You are on page 1of 7

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya (ika-18 at ika-19 na siglo

Silangang Asya

China

Matagal nang hinahangad ng mga Kanluranin na masakop ang China. Nagsimula


ang pananakop ng mga Kanluranin sa China dahil sa tinutulan ng Emperador na ipasok sa bansa
ang opyo na produkto ng bansang England. Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag
inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Dahil din sa opyo, nabaligtad ang
sitwasyon ng mga British at mga Tsino. Ito ay dahil mas marami na ngayon ang produktong
inaangkat ng mga Tsino mula sa mga British kaysa inaangkat ng mga British mula sa China.
Sinamantala ito ng England, at kahit ipinagbabawal, patuloy pa rin na nagpasok ng opyo ang mga
British sa mga daungan ng China. Ito ang naging dahilan ng mga Digmaang Opyo na naganap sa
pagitan ng China at England.
SPHERES OF INFLUENCE - tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangingibabaw ang
karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito.

Isa pang dayuhang bansa ang nagkaroon ng sphere of influence sa China. Ito ang bansang
Japan. Nakuha ng bansang Japan ang karapatan sa mga isla ng Formosa, Pescadores at
Liadong Peninsula sa pagkatalo ng China sa digmaang Sino-Japanese noong 1894. Nakapaloob
ang pagbibigay ng China ng mga nabanggit na lugar sa Japan sa Kasunduang Shimonoseki.

Ang Open Door Policy

-iminungkahi ni John Hay, Secretary of State ng United States na kung saan ay magiging bukas
ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence rito. Nakapaloob
sa mungkahi ni John Hay ang sumusunod:
1. pagrespeto sa karapatan at kapangyarihan sa pakikipagkalakalan sa mga lugar na sakop
ng sphere of influence ng mga Kanluranin;
2. pagbibigay ng karapatan sa China na mangolekta ng buwis sa mga produktong
inaangkat mula sa bansa; at
3. paggalang sa mga itinakdang halaga ng buwis ng mga Kanluraning bansa sa paggamit
ng mga kalsada, tren at daungan sa kani-kanilang spheres of influence.

Japan

Napaunlad ng Japan ang kaniyang ekonomiya, napatingkad ang kaniyang kultura at


pagpapahalaga at napatatag ang kaniyang pamamahala dahil sa pagsasara ng kaniyang mga
daungan mula sa dayuhan. Bagamat may ugnayan sa mga bansang Netherlands, China at
Korea, hindi nito pinahihintulutan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan.
Sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya, isa ang bansang Japan sa mga ninais nilang
masakop. Nagpadala ng kanilang mga kinatawan ang bansang England, France, Russia at United
States subalit lahat sila ay tinanggihan ng Japan.
Timog Silangang Asya

Perlas ng Silangan
Pilipinas
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay napasailalim
ng mga Español ang Pilipinas. Nagtangka ang mga Pilipino
na makamit ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop Ganito
subalit sila ay nabigo. Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, inilarawan ni
nagsimulang magpalawak ng kaniyang teritoryo sa Asya- Jose Rizal
ang Pilipinas
Pasipiko ang United States. Isa ang Pilipinas sa mga lupain dahil sa ganda
na nais nitong makontrol dahil sa istratehikong lokasyon nito. ng bansa at
Angkop ang lokasyon ng bansa sa kaniyang plano na sakupin sa kaniyang
ang iba pang bansa sa Asya at sa pagkontrol sa kalakalan sa lokasyon nito
sa Asya.
Asya-Pasipiko.
Noong una, tinulungan ng mga Amerikano ang mga
rebolusyunaryong Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo
na talunin ang mga Espanyol. Natalo ang mga Español l at
idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong 20 milyong dolyar
Hunyo 12, 1898. Subalit, lingid sa kaalaman ng mga Pilipino
ay nagkaroon ng lihim na kasunduan ang mga Spain at
United States. Batay sa kasunduan, susuko ang Spain sa
United States at isasalin sa huli ang karapatang pamunuan Ibinayad ng
ang Pilipinas. Samakatuwid, hindi pa din malaya ang United States sa
Spain kapalit ng
Pilipinas dahil sila ay mapapasailaim sa United States – ang pagpapaunlad
bansa na kaniyang itinuring na kaibigan. Pormal na naisalin na ginawa ng
sa kamay ng United States ang pamumuno sa Pilipinas sa España sa
bisa ng Kasunduan sa Paris. Nilagdaan ito ng mga Pilipinas.
kinatawan ng United States at Spain noong Disyembre 10,
1898.

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong


Thomasites 1902 kung saan ay natalo ng mas malakas na puwersang
Amerikano ang mga Pilipino. Itinatag ng mga Amerikano ang
Pamahalaang Militar at nang lumaon ay naging Pamahalaang
Sibil na parehong pinamumunuan ng mga Amerikano at
Tawag sa Pilipino. Nagpatayo rin sila ng mga paaralan at ginawang
mga unang libre para sa lahat ang pag-aaral, ospital, kalsada, at mga
gurong gusaling pampamahalaan. Sa kabilang banda, nagpalabas
Amerikano na
dumating sa din sila ng mga batas na nagpipigil sa pagpapamalas ng mga
Pilipinas lulan Pilipino ng damdaming Nasyonalismo. Sa huling bahagi ng
ng barkong kanilang pamumuno, itinatag nila ang Pamahalaang
S.S.Thomas Commonwealth kung saan ay sinanay nila ang mga Pilipino
sa pagpapatakbo ng isang pamahalaang demokratiko. Bukod
dito, nais din ng mga Amerikano na manatili ang kanilang
Ano ang pagkakaiba ng paraan impluwensiya sa pamahalaan ng Pilipinas upang
ng pananakop at pamamahala maprotektahan ang kaniyang mga interes sa bansa matapos
ng mga Español at mga niyang maipagkaloob ang kalayaan nito.
Amerikano?
22
Indonesia (East Indies)
Patuloy na pinamahalaan ng Netherlands ang CULTURE
Indonesia. Ang mataas na paghahangad ng mga SYSTEM
taga-Europe sa mga pampalasa at produktong
agrikultural ang nagtulak sa mga Dutch na ipatupad
ang culture system o kilala rin sa tawag na cultivation
system. Ang patakaran na ito ay iminungkahi ni
Johannes Van den Bosch. Sa ilalim ng patakarang Patakarang
ito, inatasan ng mga Dutch ang mga magsasakang ipinatupad ng
Indones na ilaan ang sanlimang (1/5) na bahagi ng mga Dutch sa
kaniyang lupain o 66 na araw para sa pagtatanim ng Indonesia
mga produktong iniluluwas ng mga Dutch. Ilan sa upang
mga ito ay asukal, kape at indigo. Nang makita ng matugunan
ang
mga Dutch ang tagumpay ng culture system,
pangangailang
sapilitan na ring ipinatanim sa mga Indones ang iba
an nito sa
pang produkto tulad ng bulak, palms, tsaa, tabako, pagbebenta ng
quinine at iba pang pampalasa. Dumanas nang mga
lubos na paghihirap ang mga Indones sa ilalim ng pampalasa sa
patakarang ito dahil hindi na sila makapagtanim ng
mga produkto para sa kanilang sariling
pangangailangan.

Malaysia at Singapore
SINGAPURA Napasakamay ng mga British ang Singapore, na noon ay
bahagi pa ng Malaysia dahil naghahanap sila ng angkop na
daungan para sa kanilang mga barkong pangkalakalan mula
Salitang India patungong China. Nakilala ang Singapore bilang isa sa
Malay na pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog
ang ibig Silangang Asya. Kinontrol ng mga British ang Singapore at
sabihin sa kumita sila nang malaki mula sa pakikipagkalakalan sa mga
Ingles ay karatig-bansa at sa mga bansang Kanluranin.
Lion City.
Sa kabilang banda, kilala naman ang Malaysia sa
malawak na plantasyon ng goma (rubber) at sa pagkakaroon ng
malaking reserba ng lata (tin). Naging pangunahing produktong
panluwas ng Malaysia ang goma at lata. Kumita nang malaki
ang mga British dahil sa pagkontrol nila ng pagluluwas ng mga
nabanggit na produkto. Upang mas mapabilis pa ang
produksiyon, hinikayat ng mga British ang mga Tsino na
mandayuhan sa Malaysia upang maging mga manggagawa.
Hindi naglaon, mas dumami pa ang mga Tsino kaysa sa mga
katutubong Malay sa Malaysia. Ang pananakop ng mga British
sa Malaysia ay nagdulot ng paghihirap at ng kaguluhan sa
pagitan ng mga nandayuhang Tsino at katutubong Malay na
hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin sa bansa.
Burma (ngayon ay Myanmar)
Ang resident system ay isang patakaran na ipinatupad ng mga British sa Burma.
Ang British
AngResident
lokasyonay kinatawan
ng Burmangsapamahalaan ng England
India, na sakop sa Burma.
ng mga EnglandBilang
ang dahilan kung bakit sinakop
kinatawan, kailangang manirahan ang British Resident sa Burma. Isa sa kaniyang
din ito ng mga British. Mahalaga para sa mga British ang Burma dahil ito ay magagamit niya upang
tungkulin ayang
mapigilan ang mga
pakikipag-ugnayan
magtatangkangsa mga dayuhang
sumakop sa bansa. Ibig bahagi
silangang sabihin, ng
mayIndia na noon ay kabilang sa
karapatan siyang makipag-usap, makipagkasundo, makipagkalakalan at
mga sakop niyang lupain. Noong una ay may maayos na ugnayan ang England at Burma. Subalit sa
magdesisyon sa mga usaping panlabas ng Burma na dati ay gawain lamang ng
hindi inaasahang pangyayari, sumiklab ang mga labanan sa pagitan ng mga British at Burmese na
Hari ng Burma. Nabawasan ang kapangyarihan ngHari at nawala sa kaniyang
tinawag
kamay ang nakarapatan
Digmaang naAnglo-Burmese.
magdesisyon kung kaninong dayuhan makikipagkaibigan
at makikipag-ugnayan.

Unang Digmaang Anglo- Ikalawang Digmaang Ikatlong


Burmese Anglo-Burmese Digmaang Anglo-
Burmese
Taon 1842-1856 1852-1853 1885-1886
Dahilan Paglusob ng Burma sa mga Hidwaan sa kalakalan. Itinuring ng mga
estado ng Assam, Arakan, at Sapilitang kinuha ng British na
Manipur na itinuring ng mga mga British ang mga pagtataksil ang
British na panghihimasok sa barkong pangkalakalan pakikipa
India ng mga Burmese
gkasundo ng mga
haring Burmese sa
bansang France
Bunga Natalo ang mga Burmese at Natalo ang mga Natalo ang mga
nilagdaan ang Kasunduan sa Burmese dahil sa mas Burmese
Yandabo. malakas na kagamitang
pandigma ng mga Ganap na sinakop
Nagbigay ng bayad-pinsala ang British. ng England ang
Burma buong Burma at
Nawalan ng karapatan isinama ito bilang
Napasakamay ng English East ang mga Burmese na probinsiya ng
India Company ang Arakan at dumaan sa mga rutang India. Isa itong
Tenasserim pangkalakalan na dati malaking kahihiyan
ay kanilang pagmamay- para sa kaharian
Tinanggap ng Burma ang British ari. ng Burma na
Resident sa palasyo ng hari matagal nang
namamahala sa
kanilang lupain.

You might also like