You are on page 1of 43

Ikalawang

Yugto ng
Pananakop
IKATLONG MARKAHAN
Layunin:
1. Naibibigay ang mga dahilan ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ikalawang yugto (ika 18-
19 siglo);
2. Naipaliliwanag ang mga paraan ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ikalawang yugto ( ika
18-19 siglo); at
3. Nasusuri ang mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
ng mga Kanluranin sa ikalawang yugto ( ika 18-19 siglo).
BALIK-ARAL:
1.Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga
Kanluranin na magtungo sa Asya. Piliin ang HINDI KABILANG.
A. Krusada
B. Kapitalismo
C. Renaissance
D. Pag imbento ng mas maunlad na kagamitang pandagat.
 
BALIK-ARAL:
2. Bakit napilitang maghanap ng bagong rutang pangkalakalan ang
mga Europeo?
a. Naging kontrolado ng China ang rutang pang kalakalan
b. Nagkaroon ng interest ang mga Europeo na marating ang
Silangan.
c. Ang Constantinople (bahagi ng Turkey) ay nagsilbing ruta ng
kalakalan mula Europa patungong India.
D.Nakuha ng mga Turkong Muslim ang Constantinople at nakontrol
ang mga ruta ng kalakalan mula Europa papuntang silangan.
Balik-aral:
3. Ang Krusada ay ang kilusang inilunsad ng simbahan at mga
Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar ng Jerusalem
sa Israel mula sa mga Turkong Muslim. Ang _____ naman ay
nagpasimula sa Italya mula noong 1350. Ito ay galing sa salitang
Pranses na ang ibig sabihin ay “ Muling Pagsilang o Rebirth”.
A. Humanidades C. Principalia
B. Merkantalismo D. Renaissance
 
Balik-aral:
4. Bakit hindi nagkaroon ng interes ang mga Kanluranin na
sakupin ang Kanlurang Asya sa unang yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin?
A. Mahirap pamahalaan ang rehiyon.
B. Maraming disyerto at mainit sa rehiyon.
C. Walang kayamanang makukuha sa rehiyon.
D. Nasa ilalim ito ng malakas na pamumuno ng mga
Turkong Ottoman.
Balik-aral:
5. Ang mga sumusunod ay naging resulta ng matagumpay na
paggalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain ng mga
Kanluranin MALIBAN SA ISA.
A. Tuluyang pananakop ng mga lupain/ teritoryo.
B. Pagdagsa ng mga likas na yaman ng Asya sa Europa
C. Pamumuhunan ng mga Europeo para mas malaking kita.
D. Alyansa sa pagitan ng mga bansang Kanluranin at mga
bansang Asyano.
Dugtungan Mo!
1. Ayon sa tula, ang Asya ay lupain na mayaman sa _______.
2. Nais ng mga tao na manatili ang kanilang _____________.
3. Ayon sa tula, ang mga lupain sa Asya ay ___________________.
4. Ayon sa tula, ang paksang ating pag-aaraaln ay tungkol sa ________.
5. Ayon sa tula, sino ang nasadlak sa dilim at dapat palayain? ____________
Mga Dahilan na Nagbunsod
sa mga Kanluranin na lalong
maghangad ng Kolonya sa
Timog at Kanlurang Asya
(Ika-18 hanggang 19 Siglo):
KOLONYALISMO
AT
IMPERYALISMO
Nasyonalismong
Europeo

Nais ng mga nasyon


sa Europa na
magkaroon ng
malawak na
kapangyarihan
upang labanan ang
kanilang mga karibal
na mga bansa.
 
REBOLUSYONG
INDUSTRIYAL

Isang trasisyonal na
panahon (1760- 1840) sa
Europa at America na
nakatuon sa pagbabago sa
mga proseso ng paggawa,
mula sa pagbuo ng mga
produkto sa pamamagitan ng
kamay papunta sa paggamit
ng mga makinarya.
Kapitalismo
Isang sistema
kung saan
mamumuhunan
ng kanyang
salapi ang isang
tao upang
magkaroon ng
tubo at interes.
White Man’s
Burden
Ipinasailalim sa kaisipan
ng mga nasasakupan na
sila ay pabigat sa mga
Kanluraning bansa. Ang
mga Kanluranin ay
naniniwala na sila ay
may tungkulin na turuan
at tulungan upang
paunlarin ang kanilang
nasasakupan.
Mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismong
Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa
Ikalawang Yugto (18-19 siglo)

Tuwirang Pananakop:
Kasunduan: Binibili Simpleng pananakop
ang mga lupain mula ng isang lupain sa
sa dating mananakop. pamamagitan ng
pwersang militar.
Mga anyo sa paraan na
ginamit ng mga
imperyalistang
kanluranin sa
pagkontrol ng
kanilang mga teritoryo
Colony
- kung saan ay direktang
kinokontrol at
pinamamahalaan ng
imperyalistang bansa ang
kanyang sakop na bansa.
Hal. Spain sa
Pilipinas. Great Britain sa
India, France sa dating
Indo-China.
Protectorate
- ay mayroong sariling
pamahalaan ngunit ang mga
patakaran at kautusan ay
dinidikta ng imperyalistang
bansa lalo na sa patakarang
panlabas. Tulad ng ginawa
ng America sa Pilipinas.
Great Britain sa Hongkong.
Ang Mga
British sa
India
- Nakontrol ng Great Britain ang
kalakalan sa India sa
pagtatatag ng British East
India Company.
- French East India Company-
naging kakompetensya ng
Great Britain sa kalakalan
ngunit hinadlangan ito ng mga
British sa Labanan sa Plassey
noong 1757 na kung saan
natalo ang mga Pranses.
Mga Patakarang
Pinairal ng mga
British sa India.
1. Pagbabawal sa Sati o Suttee-
ang boluntaryong pagsunog
sa katawan ng asawang
babae sa ibabaw ng bangkay
ng asawa.
2. Pinayagang mag asawa ang
mga babaeng Hindu na balo.
3. Pagbaba ng katayuan sa
lipunan ng mga Brahman.
4. Pagpataw ng buwis sa mga
may-ari ng lupain.
Rebelyong Sepoy
- isang grupo ng mga kawal sa
India o kilala sa tawag na
Sepoy ang nag-alsa upang
tutulan ang pagsisimula ng pag
impluwensya ng mga British sa
pananampalataya at
panlipunang pamumuhay ng
mga taga India.
Mga pagbabagong
naganap sa India
pagkatapos ng
Rebelyong Sepoy
Mga pagbabagong naganap sa India
pagkatapos ng Rebelyong Sepoy
1. Tuwiran ng pinamahalaan ng Great Britain ang India. Noong 1877,
ganap ng itinalaga si Reyna Victoria bilang empress ng India.
2. Ang mga maseselang posiyon ay nasa pamahalaang Ingles.
3. Binigyan ng malaking pabor ang mga katutubong prinsipe na
makipagtulungan at ang ayaw makisama ay may kaparusahan.
4. Pagkakaroon ng eksaminasyon sa mga nagnais na mamasukan
sa pamahalaan.
5. Pagpataw ng malaking buwis sa mga magsasaka.
Mga pagbabagong naganap sa India
pagkatapos ng Rebelyong Sepoy
6. Upang lalong maisaayos ang interes sa kalakalan sa India,
ipinasaayos ang mga estadong may hidwaan.
7. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
8. Dinala ng mga Ingles ang makabagong teknolohiya.
9. Upang mabilis na madala ang mga kalakal sa pantalan, ipinagawa ang
mga daan, tulay at riles ng tren, mga pagawaan,at sistema ng irigasyon.
10. Nagpatayo ng mga hospital. Bago pa dumating ang mga Ingles
mayroon ng sakit sa India na hindi mahanapan ng lunas gaya ng
tuberculosis, bubonic plaque, malaria atbp.
Mga pagbabagong naganap sa India
pagkatapos ng Rebelyong Sepoy

11. Nagpatayo ng mga paaralan. Ginamit ang wikang Ingles


bilang wikang panturo sa paaralan.
12. May mga Indian na pinadala at pinag-aral sa England.
13. Pinaunlad ang agrikultura.
14. Sapilitang pinagtanim ang mga magsasaka ng mga
produktong kakailanganin ng England para sa kanyang pag-
unlad.
15. Pagtatangi ng lahi.
Kanlurang
Asya:
UNANG
DIGMAANG
PANDAIGDIG
SISTEMANG
MANDATO
Ang sistemang mandato ay
nangangahulugang,
pansamantala silang
sasailalim sa kamay ng
mga Kanluranin habang
tinutulungan silang
makapagsarili at
makapagtatag ng
pamahalaan.
Sa Larangan ng
Ekonomiya:
1. Pagkakaroon ng mga pamilihan na pinaglagyan ng
mga produktong galing sa mga bansang
mananakop.
2. Pinagkuhanan ng mga hilaw na materyales sa
pagyari ng kanilang mga produkto.
3. Paglalagay ng mga pabrika sa mga bansang sakop
sa paggawa ng mga produkto mula sa mga hilaw na
materyales.
4. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano
ay unti- unting naubos at pinagkakitaan ng mga
dayuhan.
Sa Larangan ng
Ekonomiya:
5. Malaking pakinabang at kita ang napunta sa mga
Europeong bansa.

6. Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga


mananakop upang maging mabilis ang pagdadala at
pagluluwas ng mga produkto.

7. Nagkaroon ng mga Asyanong naging mangangalakal o


Middle Men. Sila ay umunlad sa buhay at naging
tagapagtaguyod ng mga batas na nagpatibay sa
kolonisasyon.
Sa Larangan ng Politika:
1. Nagtatag ang mga mananakop ng
sentralisadong pamamahala, ngunit ang
mataas na posisyon ay sa mga
mananakop at mababang posisyon sa
katutubo.
2. Naalis sa kolonya ang karapatan na
pamahalaan ang sariling bansa.
3. Nagkaroon ng fixed boarder o takdang
hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
Sa Larangan ng Sosyo-
Kultural:
1. Nagkaroon ng bagong paniniwala, pilosopiya at
relihiyon sa mga bansang sakop.
2. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo
at kanluranin upang makuha ang katapatan ng
kolonya.
3. Ang mga kaugalian ay nahaluan at ang istilo ng
pamumuhay ay ginaya.
4. Nagpatayo ng mga paaralan para sa maykaya
lamang at may mga Asyanong nakapag-aral sa
Europa.
5. Nagkaroon ng mga liberal na kaisipan na
nakatulong sa pagpukaw ng damdaming
Nasyonalismo sa mga Asyano.
GAWAIN: AYUSIN MO:
1. OMSILAYNOLOK - Ito ay isang patakaran ng isang bansa na
mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman
ng mga sinakop para sa sariling interes.
 
2. OMSILAYREPMI - Ito ay nangangahulugang dominasyon ng
isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pang pulitikal,
pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na
nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
GAWAIN: AYUSIN MO:
3. GNOMSILANOYSAN OEPORUE - Pagkakaroon ng
malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang
mga karibal na bansa.
 
4. ETIHW SNAM NEDRUB - Kaisipan na ang mga Asyano
ay pabigat at pasanin sa balikat ng mga Europeo. May
tungkulin ang mga Europeo na ibahagi ang kanilang
superyor na kultura sa mga Asyano.
GAWAIN: AYUSIN MO:
5. OMSILATIPAK - Isang sistema kung saan gagamitin ang
naipong salapi upang mamuhunan at kumita ng mas malaki.
 
6. GNOYSULOBER LAYIRTSUDNI - Panahon sa Europa na
kung saan ang gawaing manwal ay napalitan ng pag-imbento
ng mga makinarya upang mapadali ang paggawa ng mga
produkto. Ang bansang nagpasimula nito ay ang Great Britain
dahil sa kanyang reserbang uling at iron.
GAWAIN: AYUSIN MO:
7. YNOLOC - Sa paraang ito, tuwiran o direktang
kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang
bansa ang kanyang sakop na bansa.

8. ETAROTCETORP - Sa paraang ito, may sariling


pamahalaan ang bansa ngunit ang mga patakaran at
kautusan ay dinidikta ng imperyalistang bansa.
GAWAIN: AYUSIN MO:
9. OTADNAM - Ang mga ilang bansa sa Kanlurang Asya ay
pansamantalang napasailalim sa kamay ng mga Kanluranin habang
tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan.
 
10. GNARULNAK AYSA - Ang rehiyong ito ay hindi agad nakuha
ng mga kanluranin dahil sa malakas at matibay na pamamahala ng
mga Turkong Ottoman.
 
GAWAIN 3: KKK! – (20 puntos)
Gumuhit ng tatlong larawan na kumakatawan sa KALAYAAN,
KARAPATAN AT PAGKAKAPANTAY–PANTAY. Lagyan ng kulay ang
iyong guhit. Maaari din namang sketch mula sa lapis. Sundin ang
rubrik sa ibaba bilang gabay sa pag-gawa ng iyong guhit.
PAGLALAHAT:
1. Ano ang pagkakaiba ng Kolonyalismo at Imperyalismo?
2. Ano ang pagkakaiba ng “colony” at “protectorate?”
3. Ano-ano ang mga dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng
mga Kanluranin sa ikalawang yugto ng pananakop?
4. Ano-ano ang mga paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng
mga Kanluranin sa ikalawang yugto ng pananakop?
5. Ano-ano ang mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa ikalawang yugto ng pananakop?
Sanggunian/References:
Anicete, Catherine S. Modyul 2: Ikalawang Yugto ng Pananakop. DepEd Region III, SDO City
of San Fernando. 2020Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA:
Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

https://www.google.com/search?q
 

You might also like