You are on page 1of 36

Ang mga British sa India

•Sa pamamagitan ng pagtatag ng


British East India Company sa
India,nakontrol ng mga British ang
ang ruta ng kalakalan sa India.
•Dahil sa laki ng kita ng mga
mangangalakal dito, nagkaroon
sila ng kakompetensiya,ang
France.
Itinatag ng France ang French East
India Company, ngunit ito ay
hinadlangan ng mga British sa
pamamagitan sa BATTLE OF PLASSEY
noong 1757.
•Nagpatupad ang mga British
ng mga patakarang
pampolitika, pang-
ekonomiya at panlipunan.
Ipinagbawal nilang ang
kulturang sati sa India at
pinayagang mag-asawa ang
mga balo.
•Bumaba ang katayuan ng mga
Brahman,pinagbayad ng buwis ang
mga nagmay-ari ng lupa at
nagkaroon ng pagtatangi ng lahi na
tanging mga puti lamang ang
nagkaroon ng mataas na posisyon
sa pamahalaan.
Rebelyong Sepoy
•Ang mga Sepoy ay mga sundalong
Indian.Nangyari ang Rebelyong Sepoy
dahil sa balita na ang taba ng baka at
baboy ang ginamit na panlinis sa mga
sandata.Muntik nang mapatalsik ng mga
Indian ang Imperyong Ingles sa India.
•Dahil sa rebelyon,nagkaroon ng
pagbabago sa pamamahala sa India.
Noong 1877,itinalaga si Reyna Victoria
bilang empress ng India. Ang maseselang
posisyon ay hawak ng mga Ingles. Binigyan
ng pabor ang mga katutubong prinsepe na
makipagtulungan at ang ayaw makisama
ay pinaparusahan.
•Ipinatupad ang eksaminasyon sa
nagnanais na mamasukan sa
pamahalaan at nagpataw ng
mataas na buwis sa mga
magsasaka.
•Ipinaayos ang mga estadong
may hidwaan.Nagtatag ng
maayos at sentralisadong
pamahalaan.Dinala ng mga
Ingles ang makabagong
kaalaman sa teknolohiya.
• Nagpagawa ng pantalan, daan,tulay,riles ng tren,
mga pagawaan, sistema ng komunikasyon at
irigasyon.Nagpagawa ng ospital. Bago pa
dumating ang mga Ingles sa India,laganap na
ang sakit na tuberculosis, bubonic plague,
malaria at iba pa.Nagpatayo sila ng paaralan
kung saan Ingles ang gamit na wika sa
pagtuturo.Pinaunlad ang agrikultura at
sapilitang pinagtanim ng mga produktong
kakailanganin ng England sa pag-unlad.
Kanlurang Asya
Sa pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig,BUMAGSAK ANG Turkong
Ottoman. Nakalaya ang Kanlurang Asya
subalit nagkaroon naman ng bagong
mananakop.
Unang Dimaang Pandaigdig 1914-1919
Alyansa na naglalabanan
Central Powers- Allies- binubuo ng
Binubuo ng Germany, France, England,
Austria Hungary. Sa Russia at Amerika.
Central Powers Dito naman
kumampi ang kumampi ang India.
Ottoman Empire.
Natalo ang Central Powers at
napasakamay ng mga Allies ang
teritoryo ng mga Turkong Ottoman
sa Kanlurang Asya.
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
Kanlurang Asya
1. Ipinatupad ang Sistemang Mandato kung saan
mandato ng France ang Syria at Lebanon,
mandato naman ng England ang Iraq, Palestine,
Westbank, Gaza Strip, at Jordan.
Sistemang Mandato- Pansamantalang
pagsasailalim ng isang bansa sa mga Kanluranin
habang tinutulungan silang makapagsarili at
makapagtatag ng pamahalaan.
Idineklara ang Balfour DECLARATION NOONG
Nobyembre 2, 1917 kung saan sinuportahan ang
mga Zionista na ipagkaloob sa mga Hudyo ang
bahaging matitirhan sa Palestine kung saan hindi
tinanggap ng mga Nasyonalistang Arabe. Mula
noon hanggang ngayon ay walang kapayapaan sa
pagitan nga mga Arabe at mga Hudyo. Marami
ang digmaan na naganap sa bansang ito.
Zionism-ang pag –uwi ng mga Hudyo sa
Palestine mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
P-PAMPOLITIKA
Pagtataya:
E-PANG-
EKONOMIYA
SK- SOSYO-
KULTURAL
•1. Ang India ang naging
tagapagtustos ng mga hilaw na
materyales at pamilihan ng
produktong kanluranin.
•2. Maraming katutubo
ang yumakap sa
Kristiyanismo.
•3. Nagkaroon ng fixed border
o takdang hangganan ang
teritoryo ng bawat bansa.
•4. Sumulpot ang
kolonyal na lungsod.
•5. Nagkaroon ng paghahalo
ng lahi ng mga Kanluranin at
katutubo upang manatili ang
katapatan ng kolonya.
•6. Pag-unlad ng sistema
ng transportasyon at
komunikasyon.
•7. Nawalan ng karapatan ang
mga Asyano na pamunuan
ang sariling bansa gamit ang
sariling sistema.
•8.Nailipat sa Europe ang
kayamanan ng Asya na dapat
pakinabangan ng mga
Asyano.
•9. Nagtayo ng mga
irigasyon ,ospital,
paaralan at simbahan.
•10. Nagkaroon ng makabagong
kaisipan at ideya na magamit sa
pagpapatakbo ng
pamahalaan ,ekonomiya at iba
pang aspekto ng buhay.
11. Nabuo ang
kilusang
nasyonalismo.
•12. Nagtatag ng maayos
at sentralisadong
pamahalaan.
•13. Ang mga
kaugalian ay
nahaluan.
•14. Ang istilo ng pamumuhay
ay iginaya sa mga kanluranin.
•15. Isinilang ang mga
Asyanong mangangalakal o
middle men.
•16. Pagpapairal ng wikang
Kanluranin bilang wikang
gagamitin sa mga paaralan.

You might also like