You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 7

KABANATA 7

PAG-USBONG NG MGA IMPERYO SA ASYA

Matapos mamayagpag ang mga kabihasnan (Kabihasnang Sumer, Harappa at Shang) sa Asya, pumalit
naman ang iba’t-ibang imperyo na naging daan sa pagkakabuo ng mga rehiyon (Kanlurang Asya, Timog
Asya, Timog Silangang Asya, Silangang Asya at Hilagang Asya).

Mga halimbawa ng mga imperyo at dinastiyang umusbong sa Asya:

Mesopotamia – nagsilbing lunduan ng unang sibilisasyon (cradle of civilization/ center of civilization)


Ito na ngayon ang mga bansang Iraq, Kuwait, bahagi ng Hilagang Saudi Arabia,
Silangang Syria, Timog Silangan ng Turkey

Mga Imperyo sa Kanlurang Asya

1. IMPERYONG AKKADIAN

Imperyong Akkadian – mula sa lupain ng Agade o Akkad

Haring Sargon 1 - hari ng mga Akkadian, namuno sa pananakop sa kabihasnang Sumer


Itinuturing na unang nagtayo ng imperyo sa mundo
napag-isa niya ang watak-watak na ideolohiya ng mga Sumerian

Akkadian – unang nag-imbento ng abacus

Dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Akkadian – napalitan si Haring Sargon 1 ng mahihinang pinuno na


nagging daan din ng panghihina ng imperyo hanggang tuluyan na itong bumagsak.

2. IMPERYO NG LUMANG BABYLONIA - binuo ng mga Amorite na galing sa Babylonia (Iraq)


Ang imperyong nagpakilala sa batas

Haring Hammurabi – matalinong hari na namuno sa imperyong Akkadian


- Bumuo ng Kodigo ni Hammurabi mula sa nilikom na mga batas galing sa mga
mamamayan
Kodigo ni Hammurabi – pinakamatandang kodigo sa buong mundo
Binubuo ng 282 batas tungkol sa kaayusan ng pag-aari, bahay at lupain; usaping
pampamilya; butaw; serbisyong propesyonal; sistemang pangkabuhayan; at
karapatang pantao, nakasulat sa clay tablet
Kilala sa pagiging mahigpit o sa konseptong lex talionis
Lex Talionis - ang alituntunin o batas ng pagbibigay ng parusa sa nagkasala na katulad din sa
kasalanang nagawa, “mata sa mata”, “ ngipin sa ngipin”
Iba pang nagging ambag ng mga Akkadian maliban sa Kodigo ni Hammurabi:
1. unang nagtala ng kilos ng araw, buwan at bituin
2. lumikha ng zodiac signs

3. nag-imbento ng water clock at sundial

Dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Akkadian: naanghina ang imperyo ng mamatay si Haring


Hammurabi

3. Imperyong Assyrian – “lahi ng malulupit at mararahas na mandirigma”


Nanghina at tuluyang bumagsak dahil sa sunod-sunod na pananalakay ng iba’t-
ibang grupo
4. Imperyo ng Lumang Babylonia o Chaldean
Haring Nebuchadnezzar II – pinakamahusay na pinuno sa imperyong Chaldean

Hanging Gardens of Babylon – terasa ng mga bulaklak at halaman na ipinatayo ni Haring


Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawang maysakit na si Amyitis, kinikilala bilang isa sa Seven
wonders of the Ancient World

MGA IMPERYONG UMUSBONG MALAPIT SA MESOPOTAMIA


1. Imperyong Aramean
Wikang Aramiac – pinakamalaking kontribusyon ng imperyong Aramean

2. Imperyong Lydian – kilala sa pagiging mayaman at maunlad


Paggawa ng barya – isa sa pinakamalaking kontribusyon ng mga Lydian

3. Imperyong Phoenician - mahuhusay na manlalayag at mangangalakal

4. Imperyong Hudyo – kauna-unahang mga tao na nagpakilala sa konsepto ng Jehovah (Panginoong


Diyos) bilang mapagmahal na Ama, na siya lamang ang tunay na Diyos para sa lahat ng tao.

Paniniwalang Panrelihiyon – pinakamahalagang ambag ng mga Hudyo sa mundo

5. Imperyong Hittite – nakilala sa buong mundo dahil sa paggamit ng bakal bilang pangunahing sangkap
sa paggawa ng mga kagamitan at sandata
ganap silang nakilala sa buong mundo dahil sa husay nila sa pangangabayo,
pinalaganap nila ang chariot pilang sasakyang pandigma

MGA DAYUHANG IMPERYO NA NAMAYANI SA MESOPOTAMIA

1. Imperyong Persian o Achaemenid – tinuturing na mahalagang imperyo na namayani sa Mesopotamia


dahil sa lawak ng sakop nitong teritoryo

Satrapy – lalawigan
Satrap – gobernador

Royal Road – itinatag upang mapabilis ang sistema ng pangangalakal at paglalakbay


2. Imperyong Macedonian – matandang kaharian na itinatag ni Philip II
Alexander the Great – anak ni Philip II
- Pinakamagaling at pinakadakilang lider pangmilitar sa kasaysayan ng mundo
3. Imperyong Safavid – itinuturing na pinakamakapangyarihang imperyo sa Iran na itinatag ni Isma’il I
4. Imperyong Ottoman - taglay ang malaks na pwersa ng hukbong pandigma sapagkat ang hukbong –
sandatahan nito ay binubuo ng kabataang mandirigmang Kristiyano na sinanay sa pakikipaglaban

MGA IMPERYO SA TIMOG ASYA

1. Imperyong Maurya - matatagpuan sa India

Mga nagging HAri sa Imperyong

You might also like