You are on page 1of 3

Pagpapalaganap ng Relihiyon

God

Ang unang pamamaraang ginamit ng


mga Kanluranin sa kanilang pananakop
ay ang God. Ang layuning ito ay para sa
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang
mga Europeo ay may layuning
palaganapin ang relihiyong
Kristiyanismo sa mga iba't ibang bansa
sa Asya at sa iba't iba pang kontinente.
Ang pananakop sa Spain ng lupain ay
bahagi ng 500 taon ng pakikibaka ng
mga Kristiyano na palayainang
katimugan ng Spain mula sa Muslim. Ito
rin ay tinatawag na Reconquista. Ang
isang halimbawa ng pagpapalaganap
ng relihiyon ay ang kasunduang
Patronato Real de Ias Indias kung saan
ang Espanya ay nagkaroon ng
kasunduan sa Simbahang Katoliko na
ipalaganap, panatilihin, at ipagtanggol
ang relihiyong Romano Katoliko sa lahat
ng kolonya ng Espanya sa kolonyang
simbahan na malaya sa pakikialam ng
Vatican.
Pagpapaunlad ng Ekonomiya

Gold
Ang pangalawang pamamaraang ginamit ng
mga Kanluranin sa kanilang pananakop ay
ang Gold. Ang layuning ito ay para sa
pangkabuhayan. Ang mga Europeo ay
napapakinabangan ang mga likas na yaman
sa mga lupaing kanilang nasakop. Gusto
nilang madagdagan ang kanilang kayamanan
at pangkabuhayan. Naghangad ang mga
Espanyol ng panibagong rutang
pangkalakalan dahil sa mga produktong
matatagpuan sa Silangan na nagsilbing
malaking motibasyon sa kanila. Ang mga
lupaing ito ay ang mga kalapit na kontinente
katulad na lamang ng Asya. Ang kanilang mga
sobrang produkto ay kanila ring maipagbibili
sa kanilang mga kolonya. Dahil dito, maaaring
umunlad ang kanilang bansa sa ganitong
paraan. Isang pang pamamaraang naisip ng
mga Espanyol na palawakin ang kanilang
kolonya ay ang panggagalugad ng mga
produkto. Dahil sa patakarang merknatilismo
ay nagkaroon ang Espanya ng kolonya kung
saan nasusukat ang kapangyarihan at lakas
ng isang bansa sa dami ng nalikom na
kayamanan sa anyo ng mamahaling
metal katulad ng pilak at ginto.
Pagpalawak ng Kapangyarihan

Glory

Ang pangatlo at ang panghuling


pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin
sa kanilang pananakop ay ang Glory. Ang
layuning ito ay para sa pampolitika.
Nagsisilbing patunay ang pananakop ng
lupain sa pagkakaroon ng malakas na
puwersang pandigma. Lumawak ang
kanilang mga nasakop na teritoryo kaya higit
na naging makapangyarihan ang mga
Europeo. Pagpapalawak ng teritoryo,
pagkakaroon ng pride, pagpapatatag ng
imperyalismo, at pagpapalawak ng kolonya
ang kanilang iba pang layunin. Ang isang
halimbawa nito ay ang pagpapakasal nina
Haring Ferdinand V. ng Aragon at Reyna
Isabella I ng Castille. Nagpakasal sila dahil sa
pagnanais na magkaroon ng kapangyarihan
sa buong daigdig at maging tanyag dito. Ang
mga ekspedisyong naganap ay nagsisilbi
ring mga patunay ng kagustuhan ng mga
taong mapalawak ang kanilang
kapangyarihan sa iba't ibang lugar at sa iba't
ibang kontinente.

You might also like