You are on page 1of 29

Mga Relihiyon sa Asya

Judaismo
• ang Judaismo ay isa sa pinakamatandang relihiyon
sa daigdig.
• ang paniniwala ng mga Hudyo sa iisang Diyos
(monotheism) ay nagpapatunay na naging batayan
ito ng kristiyanismo at islam.
• ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay
naglalaman ng limang aklat ni Moses.
Ang Sampung Utos
(gabay ng Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay)
• 1. ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
• 2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan
• 3. ipangilin mo ang araw ng Sabbath
• 4. Igalang mo ang iyong ama't ina.
• 5. huwag kang papatay
• 6. huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
• 7. huwag kang magnanakaw.
• 8. huwag kang magbibintang at huwag kang
magsisinungaling.
• 9. huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari
• 10. huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
islam
• ang relihiyon ng mga Muslim ang sinasabing
pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig.
• ito ay galing sa salitang arabic na “salam” na
ang ibig-sabihin ay kapayapaan, pagsunod at
pagsuko sa propetang si Muhammad.
• si Muhammad ang huling propetang pinadala ni
Allah. Siya nag nagtatag ng Islam.
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
• ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim.
• hindi sila maaaring kumain ng baboy at umiinom ng alak.
• Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng apat na asawang
Muslim.
• Nais nilang magkaroon ng kapayapaan, pagkawalang gulo,
pluralism, at consulatative system of leadership.
• sila Abraham, Moses, Noah, Jesus, at Muhammad ay mga
propeta ni Allah.
• hindi itinuring anak ng Diyos si Jesus dahil pinadala
lang daw siya ni Allah bilang isang propeta.
5 Haligi ng Islam
• 1. SAHADA - paniniwalang walang ibang diyos kundi si
Allah at si Muhhamed ang propeta ng Diyos.
• 2. SALAT - pananalangin ng limang ulit sa loob ng isang
araw paharap sa direksiyon ng Mecca.
• 3. ZAKAT - pagbibigay ng limos sa mga mahihirap
• 4. SAUM - pag-aayuno mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito sa buwan ng ramadan.
• 5. HAJ - ang paglalakbay sa lungsod ng Meccaisang beses
sa kanilang buhay
zoroastrianismo
• noong ika-6 na siglo, ipinalaganap ni Zoroastero, isang
marangal na taga-persia, ang isang relihiyon.
• sang-ayaon sa relihiyong ito, ang buhay ng btao sa
daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan.
• pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang kataas-
taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa
pangangasiwa ni Ahriman, ang Diyablong Espiritu.
• ang mga pangaral ng relihiyong ito ay nakatala sa mga
aklat na pinagsama-sama sa ilalim ng pamagat na Zend-
Avesta.
shintoismo
• paniniwala ng mga Hapones sa diyos ng araw at iba pang
diyos ng kalikasan.
• ang Shinto ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng
diyos”
• tinatawag na Kami ang mga diyos na may kapangyarihang
likas.
• sinasamba rin ng mga shinto ang mga namatay nilang
kamag-anak o ninuno.
• binubuo ang paniniwala nila ng mga pagdarasal,
pagpalakpak, pag-aalay at pananampalataya.
PANINIWALA
• PURIFICATION: pagtanggal ng masamang espiritu sa
katawan
• KAMI: banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga
bagay. kapag ikaw ay namatay, ikaw ay magiging isang
kami.
• ARAGAMI: masamang kami na pinatay at ngayon ay
naghahanap ng paghihiganti
• MIZUKO: mga batang hindi naipanganak at nagiging
sanhi ng problema.
• MIZUKO KUYO: pagsamba sa mga mizuko upang
Apat na Paninindigan ng
Shinto
•TRADISYON AT PAMILYA
•PAGMAMAHAL SA KALIKASAN
•KANILANG KALINISAN
•MATSURI
kristiyanismo
• ang Kristiyanismo ang pinakamalaking bilang sa lahat ng
mga relihiyon sa mundo.
• ito ang relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo. Si
Kristo ang ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
• Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano.
• Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa dalawang paniniwala:
• 1. ang pagkilala kay Hesus na Anak ng Diyos at
paniniwala sa kanyang pagkabuhay na muli.
• ang Papa sa Roma ang pinakamataas na pinuno ng
simbahang Katoliko.
• Sina Adan at Eba (mga unang taong likha ng
Diyos) ay sumuway sa utos ng Diyos. Sa galit ng
Diyos, pinaalis niya sina Adan at Eba sa
Paraiso. Nang maglaon, sila ay naghirap at
namatay dahil sila ay nagkasala.
• ipinanganak si Hesukristo sa Bethlehem at
lumaki siya bilang isang Jew. Nagtrabaho siya
bilang isang karpintero hanggang sa marating
ang edad na 30 at sa edad niyang yan ay
sinimulan niya ang pagpapahayag ng mabuting
balita mula sa Diyos.
• sa kasaysayan ng Kristiyanismo, may mga heresy o
heresiya na umusbong.
• ang heresy ay mga paniniwala na salungat o kakaiba
sa doktrina o turo ng simbahan.
• isa rito ang Arianism n itinatag ni Arius;
itinatanggi nito ang buong pagka-Diyos ni
Hesukristo.
• iminungkahi ni Arius na may isang Makapangyarihang
Diyos (ang Ama) at dalawang mababang diyos (ang anak
at espirito santo)
• kinondena ng simbahang katoliko ang
maling paniniwalang ito.

• pinagtibay ng simbahan ang paniniwal sa


Santisisma Trinidad (Holy Trinity). Ito
ang paniniwala sa tatlong persona sa
iisang Diyos; Ama, Anak at Espiritu
Santo.
Mga Pilosopiya sa Asya
PILOSOPIYA

• Nagmula sa slitang Griyego na philo at sophia.


• ang philo ay nangangahulugang “pagmamahal” at
ang sophia naman ay “karunungan”. Kung
pagsasamahin ito ay “pagmamahal sa karunungan”.
confucianism
• itinatag ni Confucius sa Shantung, China noong
ika-6 hanggang ika-5 BCE.
• ang paniniwala ni Confucius ay ang mabuting
paraan ng pamumuhay ng isang tao ay
magdadala ng kapayapaan.
• naniniwala sila sa iisang Panginoon sa langit at
nag-aalay sila ng iba't-ibang sakripisyo.
• hindi sila naniniwala sa buhay pagkatapos
mamatay.
taoism
• itinatag ni Lao Tzu, isinilang siya noong 500 BC sa
Hunan sa timog china. Siya ay nagtrabaho sa
Imperial Library.
• sa kaniyang simpleng pamumuhay, natuto siyang
sumunod sa tinatawag niyang tao na ang ibig-
sabihin ay “ang daan”. Isa itong paraan ng
pamumuhay.
• bago niya iwanan ang Chou Empire, isinulat niya
ang Tao Te Ching.
Mga Turo
• lahat ng mga bagay ay iisa.
• naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama
ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan.
• ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay
isang realidad.
• mga birtud pagpipigil sa sarili, pagpapasensya, at
pagpapakumbaba
• ang estado ay dapat na primitibo, pasibo at
mapayapa.
Mga Paniniwala
• Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan
• Chi: Enerhiya na nanggagaling sa kalikasan o sa
tao.
• Tao: isang puwersa sa likod ng mga natural na
kaayusan.
• Wu Wei: hindi nakikita na kapangyarihan sa loob
nang lahat ng mga bagay.
• Pu: lahat ng bagay ay nakikita, na ito ay walang
preconceptions.
legalismo
• nakabatay ang legalismo sa makabuluhan at malakas
na puwersa na dala ng estado.
• ang agrikultura at sandatahang lakas ang ilan sa mga
elemento na maaaring magpatibay sa estado.
• higit na mahalaga ang istriktong batas ng
pamahalaan at estado upang ang lahat ng miyembro
ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at
wasto.
• ang sinumang lalabag sa batas ay makakatikim ng
• upang makalimutan at mabasura ag
paniniwala sa Confucianismo, pinabasura at
sinilaban ni Emperor Shi Huang Ti ang mga
babasahin na may kaugnayan sa
Confucianismo.
KODIGO NI HAMMURABI SA
KABABAIHAN AT SINAUNANG LIPUNAN
Lumikha si haring hammurabi ng mga
batas upang itaguyod ang maayos na
kaugalian at lipunan sa kanyang
nasasakupan.

Bahagi ng mga probisyon ng mga batas


na ito ang mababang pagtingin sa
kababaihan.
• itinuturing ang babae na parang produkto na
ibinebenta at binibili sa kalakalan.
• ipinagkasundo ang mga babae sa ibang lalake
kapalit ng pera at dote.
• kahit bata pa lamang ang babae ay
ipinangkakasundo na siya hanggang sa umabot ng
apat na gulang.
• ayon parin sa batas n hammurabi, ang babaeng
hindintapat sa kanyang asawa ay parurusuhan ng
kamatayan.
• sa oras na mahuli siyang nakikipagtalik sa ibang
lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang
• pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang
asawa at mga anak.
• mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng babae
sa kalakalan.
KODIGO NI MANU SA KABABAIHAN SA
SINAUNANG LIPUNAN
• ang isang Brahmin o pari sa hinduism ay hindi
pinapayagan na makipagtalik sa mababang uri
ng babae sa lipunan dahilan sa siya ay
mapupunta sa impyerno.
• ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at
hindi sa kaniya.
• ang mga ritwal na may kaugnayan sa
kababaihan ay hindi kinikilala.
• ang agwat ng edad ng mag-asawa ay
tatlong beses ang tanda sa lalaki sa kanyang
asawang babae.
• hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo
ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay
isang malaking paglabag na katumbas ay
pagpapalaglag ng sanggol.

You might also like