You are on page 1of 2

Lagumang Pagsusulit

Kasaysayan ng Daigdig

I. Maramihang Pagpili.
1. Sa paningin ng dayuhang mananalakay, ang mga Greeks ay tila madaling talunin at sakupin
dahil
a. Sila ay mahihina
b. Kulang sila sa mga armas pandigma
c. Kaunti lamang ang kanilang populasyon
d. Sila ay nahahati-hati sa iba’t-ibang lungsod estado na hindi nagkakaisa
2. Nagtagumpay sana ang mga Spartans laban sa mga Persians kung
a. Bawat isa ay tapat na sumunod sa plano sa pakikidigma
b. Dinagdagan pa nila ang kanilang mga armas.
c. Nagsanay pa sila nang husto sa pakikipaglaban.
d. Gumamit sila ng bomba sa pakikipaglaban
3. Bagamat kakaunti, nagawa ng mga Greeks na talunin ang mga Persians dahil
a. Napagod na ang Persians sa pakikipaglaban sa mga Spartans
b. Pinantayan nila ng mas maliliit ngunit mas epektibong armas ang mga armas ng
Persians
c. Nagdasal sila sa kanilang mga diyos
4. Pagkatapos matalo ang mga dayuhan, mga kapwa Griyego naman ang naglaban-laban at
nagpatayan dahil sa
a. Pagsisisihan tungkol sa mga nawalang yaman sa digmaan
b. Kawalang pagkakaisa dahil sa mga heograpikal na balakid
c. Pagkagahaman sa kapangyarihan
5. Sa huli, nabura ang sibilisasyong Sparta at Athens dahil
a. Nagpatuloy sila sa pagpapatayan sa halip na magkaisa at maghanda sa pagpasok ng
mas malaking kaaway
b. Pinarusahan sila ng kanilang mga diyos dahil sa kanilang mga kalapastanganan
c. Naubos ang kanilang populasyon dala ng laganap na pagpapataya.
6. Ang naging responsible sa pagkakaroon ng mga pinakamahusay na sandatahang lakas sa
buong daigdig.
A. Plato b. Socrates c. Sparta D. Athens
7. Mga repormang ginawa ni Pisistratus para sa Athens maliban sa;
a. Inalis ang pagkakautang ng mga mahihirap
b. Maaring magsilbi sa korte ang mga kalalakihan na ipinanganak mula sa mga
magulang na Athenian
c. Nagsagawa ng mga repormang pangkabuhayan
d. nagbigay ng pautang sa mga mahihirap
8. Nagpatupad si Cleisthenes ng isang sistema upang mapanatili ang kalayaan ng mga
mamayan ng Athens. Ano ang tawag sa pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao sa ilam ng
sistemang ito?
a. Ostracism b. Ostrakon c. oracle d. Ostranika
9. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin bilang isang mamayan sa sinaunang Greece maliban
sa;
a. Magkaroon ng ari-arian
b. Paghahatol sa mga nasasakdal
c. karapatang bumoto
d. humawak ng posisyon sa pamahalaan
10. Alin sa mga pahayag ang wasto.
a. Ang Sparta ay lungsod ng mga mandaragat na umaasa sa kalakalan bilang
pangkabuhayan.
b. Ang mga malulusog na sanggol na Spartan ay hinayaang mabuhay kasama ang
kanilang magulang hanggang sa sila ay sumapit ng 8 taong gulang
c. Ang mga Spartan ang nanalo laban sa Athens sa Digmaang Pelopponesian
d. Ang mga kababaihang Spartans ay walang mga karapatang tinatamasa

II. Analohiya
1. Aristotle: Ama ng Biyolohiya; _____________: Ama ng Medisina
2. Iliad and Odyssey: Homer; _____________: Plato
3. Mycenaea: Mycenaean; _______________; Minoan
4. ________; Iran: Mesopotamia; Iraq
5. _________: Phidias; historyador: Thucydides
6. Haring Minos: Minoan; Haring Philip: ________
7. ________: Central America; Maya: Timog America
8. Digmaang Graeco-Roman: Greek laban sa Roman; ____________: Delian League laban sa
Peloponnesian League
9. Sparta: binigyang-diin ang pagpapalakas ng katawan; Athens ___________
10. Athens: Demokrasya; Sparta: ________

III. Modified True or False. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto isulat naman ang
wastong kasagutan kung ang pahayag ay mali.
1. Ang Greece ay napapalibutan ng anyong tubig at ang Black Sea ang nagsisilbing tagapag-
ugnay nito sa iba’t ibang panig ng mundo.
2. Ang mga Dorian ang nakaimpluwensya sa mga Griyego na gumamit ng barya.
3. Ang lahat ng naninirahan sa isang lungsod –estado ay maituturing na mamamayan nito.
4. Sa ilalim ng pamumuno ni Draco natamo ng Athens ang rurok ng demokrasyang tinatamasa
nito.
5. Nanalo ang mga Greek laban sa mga Persian dahil sa malakas na sandatahang lakas ng
Spartans.
6. Kinabibilangan ng mga lungsod-estado ng Sparta at Corinth ang Delian League.
7. Upang maging isang lehitimong mamamayanng Athens , ang mga kalalakihan ay kailangang
magsanay sa military ng 3 taon.
8. Mataas ang tingin ng mga Griyego sa kanilang sarili samantalang hindi edikado at mababa
ang tingin nila sa mga hindi Greek.
9. Ang Digmaang Thermopylae ay naganap sa pagitan ng Athens at mga Persian.
10. Ang Parthenon ay tanyag na isang temple na itinayo ni Ictinus at Calicrates na handog sa
diyosang si Aphrodite.

You might also like