You are on page 1of 57

HENRY GUSSE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

Lot 9-A, Bagumbong Dulo, Barangay 171, Caloocan City, Metro Manila
Tel. No. (02) 8-277-22-38
Email: administrator@henrygusse.ph.education
Website: henrygusse.ph.education
“The School that offers All- Heart, All Mind- Education”

MODYUL NG
IKALAWANG
KWARTER

ARALING
PANLIPUNAN

IKAPITONG BAITANG
Taong Panuruan 2020- 2021

MR. MARLON P. QUISTO


Guro ng Asignatura

___________________________________________________
Pangalan ng Mag- aaral
Unang Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: Unang Linggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Ang Konsepto at Katangian ng Kabihasnan

Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum

Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

Picture Analysis. Suriin ang larawan at sagutan ang mga pamprosesong


tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

2. Magbigay ng mga katangian ng mga mamamayan na maaaring


naninirahan sa larawang nakita.
Pagtatalakay

Kahulugan at Katangian ng Kabihasnan


Malaki ang papel na ginampanan ng mga kabihasnan sa Sinaunang Asya sa
pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Ang mga ito ang
nagsilbing modelo sa pagtatatag at pamamalakad ng lipunan mula sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
Kahulugan ng Kabihasnan
•Ang kabihasnan ay lipunan ng isang pangkat ng tao na nakararanas ng pag-
unlad sa kanilang paniniwala, pamumuhay, kultura, at kasaysayan. Kung
minsan ay tinatawag din itong sibilisasyon.
•Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay mahalaga sa kasaysayan ng buong
daigdig.
•Ang mauunlad na kabihasnan at sibilisasyon ay umusbong sa Asya.
•Ang pag-unlad ng mga kabihasnang ito ang naging batayan ng marami sa
kasalukuyang sistema ng pamumuhay, kabuhayan, pamahalaan, at kultura ng
mga Asyano at ng mga tao sa buong mundo.

Mga Katangian ng Kabihasnan


Mayroong limang pangunahing katangian ang isang kabihasnan.
a. Maunlad na Kasanayang Teknikal
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang kasanayang nakatutulong
sa kanila sa paghahanap ng pagkain, paggawa ng mga kasangkapan at armas,
at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan tulad ng sumusunod:
•pangangaso
•pag-iimbak ng pagkain
•pagsasaka
•paghahayupan
•paggawa ng tanso at bakal
•paglikha ng kagamitan
•paglikha ng mga sandata
•paggawa ng mga dike at
kanal
b. Matatag na Pamahalaan at Sistema ng mga Batas
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon ding organisadong sistema ng
pamahalaan at mga batas na ipinatutupad sa lipunan. Mayroon silang proseso
at nakagagawa ng paraan para malutas ang suliranin sa lipunan tulad ng
sumusunod:
•pagtukoy sa mga suliranin
•pagpaplano ng solusyon sa mga problema
•pamunuang mangangasiwa sa mga
gawain sa lipunan
•paggawa ng mga batas at alituntunin
•pagpapatupad ng mga batas
•karapatang pantao
•mga pribilehiyo ng bawat mamamayan
•pagtatayo ng mga lungsod-estado

c. Mga Dalubhasang Manggagawa


Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mga
manggagawang eksperto at may maunlad
na kaalaman sa kani-kanilang gawain
tulad ng:

•mga artisano
•mga gumagawa ng alahas, armas,
kagamitang pambahay, at mga
pangangailangan sa pang-araw-araw na
buhay ng mga tao
•mga mangangalakal

d. Maunlad na Kaisipan
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay may
maunlad na kaisipan at talinong magagamit
sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay.
Ang mga tao rito ay:
•may konsepto ng petsa
•natutukoy ang panahon ng pagbaha
•gumagamit ng lunar calendar
•may sistema ng pagsulat
•may pilosopiya at relihiyon
e. Sistema ng Pagsulat at Pagtatala
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang sistema ng pagsulat at
pagtatala ng mga bagay na mayroon at mga pangyayaring naganap sa kanilang
lipunan. Ang mga tao rito ay:
•nakakaalala na ng mahahalagang kaganapan o pagdiriwang sa lipunan
•nakapagtatala ng mga batas at buwis
•nakagagawa ng kalendaryo at listahan ng mga rituwal
•nakapagtatala ng kasaysayan at mga kuwentong maipapasa sa susunod na
henerasyon

Pagsusuri

Maikling Pagpapahayag. Magbigay ng isa (1) hanggang dalawang (2)


pangungusap na sagot sa bawat katanungan.

1. Bakit kinakailangan na magkaroon ng matatag na pamahalaan ang isang


lipunan?

2. Para sa iyo, ano ang pamantayan mo ng maunlad na pamayanan?


Pagtataya

Paalala

Sa pagsusulit na ito ikaw ay inaasahang makakasagot ng may katapatan.


Inaasahan ko na ikaw ay makakasunod ng tama sa mga panuto na aking
inilahad

A. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang salitang “TAMA”, kunipinapahiwatig ng


pangungusap ay wasto. Kung mali naman ay salungguhitan ang salita o
parirala na nagpamali sa pangungusap at ilagay sa patlang na nakalaan
ang tamang sagot. (BAWAL MAGBURA)
____________1. Ang pagplaplano ng mga solusyon sa problema ay nakakatulong.
____________2. Ang mauunlad na kabihasnan at sibilisasyon ay umusbong sa
Hilagang Amerika.
____________3. Ang mga tao noong una sa kabihasnan ay gumagamit ng solar
calendar.
____________4. Mayroong tatlong pangunahing katangian ang isang kabihasnan.
____________5. Ang kabihasnan ay pamilihan ng isang pangkat ng tao na
nakararanas ng pag-unlad sa kanilang paniniwala, pamumuhay, kultura, at
kasaysayan.
____________6. Ang kabihasnan ay tinatawag ding sibilisasyon.
____________7. Naging basehan ng kasalukuyang panahon ang pag-unlad ng
sinaunang mga kabihasnan.
____________8. Mayroong sistema ng pagsusulat ang isang kabihasnan.
____________9. Ang pangangaso ay pangangalaga ng mga hayop.
____________10. Ang karapatang pantao ay para sa iilan.

B. Panuto: Enumerasyon. (BAWAL MAGBURA)


11-15. Limang Pangunahing Katangian ng Kabihasnan.
11.
12.
13.
14.
15.
Takdang Aralin

Panuto: Gumuhit ng isang maunlad na pamayanan. Maaaring lagyan ng kulay


ang iyong iguguhit. Gamitin ang rubriks sa pagmamarka sa gagawing gawain.
Ilagay sa kahon ang iyong gawa.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(20) (15) (10)
Kalinisan Napakalinis ng Malinis ang Hindi masyadong
pagkakaguhit. pagkakaguhit malinis ang
pagkakaguhit
Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mga Hindi masyado
lahat ng mga bagay bagay na makikita malinaw ang ibang
na makikita sa sa gawain. bagay na makikita sa
larawang iginuhit. gawain.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at may Hindi masyadong
binigyang buhay tamang buhay ang masigla ang
ang ginuhit na larawang iginuhit. pagkakaguhit.
larawan.

Binabati kita sa pagtatapos sa unang linggong modyul…….


Ikalawa at Ikatlong Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: Ikalawa at Ikatlong Linggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Sinaunang Kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum

Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,


Tsina)

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

Gawin ang K-W-L Chart. Ang K ay kumakatawan sa KNOW na kung saan ay


isusulat mo ang iyong nalalaman sa paksa, W naman para sa WHAT na
pagsusulatan mo ng mga nais mong malaman sa paksa, at ang L ay LEARN dito
mo naman isusulat ang iyong natutuhan sa paksa. Ang L na column ay iiwan
mo munang bakante hanggat di mo pa natatapos ang modyul. Kapag tapos mo
na ang modyul ay maaari mo na itong punan.

K-W-L CHART
KNOW WHAT LEARN

Dugtungan!
Sa gawaing ito ay mag-search ka ng mga salita na may kaugnayan sa salitang
KABIHASNAN. Isulat ito sa mga nakatapat na arrow.
Pagtatalakay (Ikalawang Linggo)

Ang Kabihasnan ng Mesopotamia sa Kanlurang Asya


➢ Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o
“pagitan” at potamos o “ilog”. Sa makatuwid ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog
➢ Itinuturing na kaunaunahang kabihasnan sa daigdig.
➢ Sinakop at pinanahan ito ng iba’t-ibang pangkat ng tao, kabilang ang mga
Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite.
➢ Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t-ibang lungsod ang umusbong at
bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga
kabihasnan.
➢ Binubuo ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng
Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.
Sumer (3500-2340 B.C.E)
➢ namalagi ang mga ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan
ng lambak-ilog.
➢ Nabuo ang 12 lungsod-estado (Halimbawa: Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at
Ur) na pinamunuan ng isang hari.
➢ Tinawag na Ziggurat ang estrukturang nagsilbing tahanan at templo ng
mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.
➢ Naniniwala sila sa maraming Diyos at Diyosa na anthromorphic o may
katangian at pag-uugaling tao.
➢ Cuneiform (hugis sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus
at clay o luwad na lapida.
➢ Nag-aalaga sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
➢ Madalas ang tunggalian sa lungsod estado sa lupa at tubig kaya hindi
nakabuo ng isang matatag na pamahalaan ang mga Sumerian.
Akkad (2340-2100 B.C.E)
➢ Sinakop ni Sargon (2334-2279 B.C.E) ang mga lungsod-estado at tinatag
ang kauna-unahang imperyo sa daigdig.
➢ Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado
ng Akkad o Agade.
➢ Isa sa pinakahuling mahusay sa pinuno ng Akkadia si Naram- Sin (2254-
2218 B.C.E)
➢ Noong 2100 B.C.E panandaliang Nabawi ng lungsod-estado ng Ur ang
kapangyarihan nito at pinamunuan ang Summer at Akkad.
➢ Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurian
sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-
estado sa katimugan, particular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang
makontrol ang rehiyon.
Babylonian (1792-1595 B.C.E)
➢ Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng Babylon ang Mesopotamia.
➢ Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia.
➢ Sa panahon ng paghahari ni Hammurabi, nasakop niya ang mga kaharian
sa hilaga, kabilang ang kaharing Ashaur.
➢ Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng
Babylon.
➢ Noong 1595 B.C.E sinalakay ng mga Hittit Anatolia ang Babylon bagamat
naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng
mga dayuhang pinuno.
➢ Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa silangang bahagi ng Black Sea.
Lumisan sila at nanirahan sa Asia Mino (kasalukuyang Turkey)
➢ Noong 1120 B.C.E, nasupil ni Tiglath-Pileser I (1140-1076 B.C.E) ang mga
Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag
ang Imperyong Assyrian.
Assyrian (1813-605 B.C.E)
➢ Noong ika-9 na siglo B.C.E nagpadala sila ng mga ekspedisyong military
pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tributo.
➢ Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E) sa mga haring kinakakitaan ng
maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.
➢ Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.
➢ Si Nabopolassar (612-605 B.C.E) ang nagtatag ng bagong imperyo ng
Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria.
Chaldean (612-539 B.C.E)
➢ Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 B.C.E.) anak ni
Nabopolassar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.
➢ Si Nebuchadnezzar II, ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok
ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon
para sa kanyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven
Wonders of the Ancient World.
➢ Noong 539 B.C.E. ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great
ng Persia hanggang tuluyang maging bahagi ng mas malawak na imperyo
ng mga Persian ang Mesopotamia.
➢ Sa silangan ng Mesopotamia, particular sa kasalukuyang Iran, umunlad
ang pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na
imperyo.
Persian (539-330 B.C.E.)
➢ Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinatawag na
Imperyong Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyang Iran) ang sentro ng
imperyong ito.
➢ Sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 B.C.E.) nagsimulang manakop ang
mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng
Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey)
➢ Darius the Great (521-486 B.C.E.) umabot ang sakop hanggang India.
➢ Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang
imperyo hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan
ng gobernador o satrap.
➢ Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677
milya mula Sardis hanggang Susa.
➢ Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng Relihiyong
Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

Pagsusuri

(Ikalawang Linggo) Maikling Pagpapahayag. Magbigay ng isa (1) hanggang


dalawang (2) pangungusap na sagot sa bawat tanong.
1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?

2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo?

3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?

4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at


pagbagsak ng mga kabihasnan”?
Pagtataya

Paalala

Sa pagsusulit na ito ikaw ay inaasahang makakasagot ng may katapatan.


Inaasahan ko na ikaw ay makakasunod ng tama sa mga panuto na aking
inilahad

Panuto: (Ikalawang Linggo). Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin


ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
patlang na nakalaan. (BAWAL MAGBURA)

a. Cuneiform e. Ziggurat i. Nebuchadnezzar


b. Mesopotamia f. Sargon j. Ashurbanipal
c.Nabopolassar g. Anthromorphic k. Hammurabi
d. Achaemenid h. Darius the Great

__1. Pinuno ng Babylon na nagsakop ng Mesopotamia.


__2. Itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa daigdig.
__3. Isa sa mga haring kinakakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang
panahon.
__4. Anak ni Nabopolassar
__5. Nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang
pag-aalsa laban sa Assyria.
__6. Ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
__7. Isang malawak na imperyo na itinatag ng mga Persian.
__8. Ang estrukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na
makikita sa bawat lungsod.
__9. Diyos at Diyosa na may katangian at pag-uugaling tao.
__10. Nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa daigdig.
Takdang Aralin

Panuto: (Ikalawang Linggo). Magsaliksik sa internet ng halimbawa ng


cuneiform. Gayahin ito at ilagay sa loob ng kahon na nasa ibaba. Gamitin ang
rubriks sa pagmamarka sa gagawing gawain.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(20) (15) (10)
Kalinisan Napakalinis ng Malinis ang Hindi masyadong
pagkakaguhit. pagkakaguhit malinis ang
pagkakaguhit
Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mga Hindi masyado
lahat ng mga bagay bagay na makikita malinaw ang ibang
na makikita sa sa gawain. bagay na makikita sa
larawang iginuhit. gawain.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at may Hindi masyadong
binigyang buhay tamang buhay ang masigla ang
ang ginuhit na larawang iginuhit. pagkakaguhit.
larawan.
Pagtatalakay (Ikatlong Linggo)

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya(India)


➢ Ang rehiyong ito ay kakaiba sa daspektong heograpikal at kultural kung
ihahambing sa ibang panig sa Asya.
o Heograpikal: madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-
continent ng India dahili inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya
maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na
kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas at Karakuran, ang nasa
hilaga samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran,
Indian Ocean sa katimugan at Bay of Bengal sa silangan.
o Kultural: tulad ng ibang kontinente iba’t-ibang wika ang ginagamit
sa rehiyong ito.
➢ Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro
sa mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa
kasalukuyang bansang India at Pakistan.
➢ Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang Indus:
ang Harappa at Mohenjo-Daro.
o Harappa-matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng
Pakistan. May 350 milya ang layo nito mula sa Mohenjo-Daro
pahilaga.
o Mohenjo-Daro ito ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus
River.
▪ Natuklasan ang dalawang lungsod na ito sa lambak Indus
at tinatayang umusbong ito noong 2700 B.C.E. Sinasabing
ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
Planado at malalapad ang mga kalsada nito. Ang mga
gusali ay hugis parisukat at ang mga kabahayan ay may
malalawak na espasyo. Ang pagkakaroon ng mga
palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-
unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang
alkantarilya o sewerage system.
➢ Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian.
o Ang kanilang lugar ay matatgpuan sa mababang bahagi ng lupain,
may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng
bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay
napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa
katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan.
o Sa loob ng ilang libong taon nakakuha sila ng bakal, mamahaling
bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad
ng bulak, mga butil, at tela.
o Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka nila.
o Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa at
kambing.
o Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at
nakalikha ng damit mula rito.
o Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa timbang at
sukat ng butil at ginto.
o Samantala ang mga artisan ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto
sa kanilang mga gawain.
➢ Ang lipunang indus ay kinakakitaan ng malinaw na pagpapangkat-
pangkat ng mga tao.
➢ Nakatira sa bahagi ng moog ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
mangangalakal.
➢ May mga bahay ring may tatlong palapag. Maaaring katibayan ito ng
pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’tibang uri ng tao.
➢ Nagtatag ng mga daungan sa baybayain ng Arabian Sea. Ang mga
mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf
upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak,
mga butil, turquoise at ivory.
➢ Natagpuana din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram ng
isang bagay na representasyon ng isang bagay mula sa isang larawan.
Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga
paninda.
➢ Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang
kabihasnang indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang
ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang Sistema ng pagsulat
ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.
➢ Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong
2000 B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus,
ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at
bumagsak.
➢ May iba’t-ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha
at pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog sa
bulkan.
➢ May mga ebidensya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta
sa pagtatapos ng Kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.
➢ Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay
nawasak dahil sa paglusob ng mga nomadiko-pastoral mula sa gitnang
Asya, kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensya na
naglabanan nga ba ang mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa
kabihasnang Indus.
➢ Ang mga Aryan ang pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa
kanluran ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan
ng pagdaan sa Khyber Pass.
o Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga
naunang taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga
Aryan sa panahong mahina na ang kabihasanang Indus.
Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)
➢ Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng
Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag na
Indo-European.
➢ Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa
pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengal ay nag-ugat din sa Indo-European.
➢ Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.
Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi.
➢ Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa
hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat
na tinatawag na Vedas.
➢ Ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay
tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga salawikain at
mga salaysay.
➢ Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500
hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahon ng Vedic.
➢ Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga Diyos (na kadalasan ay mga lalaki
at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki.
➢ Ngunit, unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.
Hindi na pagpapastol an kanilang kabuhayan, natuto na silang magsaka.
➢ Nakabuo rin sila ng Sistema ng pagsulat.
➢ Pagsapit ng 1100 B.C.E. tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang
bahagi ng India.
➢ Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may Tatlong antas lamang:-
maharlikang mandirigma, mga pari at mga pangkaraniwang mamamayan.
➢ Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat
sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang
pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
tao.
➢ Malinaw rin ang mga tungkuling nakaatang sa kalalakihan at
kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa Lambak ng Indus ay nagdulot
ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay.
➢ Ang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatag ng
kaharian at pagiginh pinuno ay nagismulang mamana. Naging mahalaga
sa kanilang paniniwala ang mga ritwal at sakripisyo ng mga pari.
➢ Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na Sistemang Caste sa India. Ang
katagang ito ay unang ginamit ng mga Portugiese na nakarating sa India
noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa alitang casta na
nangangahulugang “lahi o angkan”.
Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E. – 500 C.E.)
➢ Mga 600 B.C.E. noon at 16 pinakamakapangyarihang mga estado ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang
Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang ditto ang Magadha, Kosala,
Kuru, at Gandhara.
➢ Pagsapit ng 500 B.C.E. ang malaking bahagi ng hilangang India ay
pinanirahan at sinaka ng mga Aryan.
➢ Ang dating payak na pamamahala ng mga pinuno sa maliliit na
pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa ilalim ng
monarkiyang namamana.
➢ Ang mga umuunlad na estadong ito ay nangangailangang mangolekta ng
buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo at magtayo ng mga
bagong lungsod at lansangan.
➢ Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian
sa bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang
lupain, mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga table, at elepante
na mahalaga sa panahon ng digmaan at pagsasaka.
➢ Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha at si Bimbisara (545-494 B.C.E.)
nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga
pamayanan at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-
lugar. Lalo pang pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng
kaharian.
➢ Nang lumaon, nagawang mapamunuwan ng Magadha ang kalakhang
kapatagan ng Ganges at buong Hilagang India hanggang Punjab. Ito ang
naging pinakamalawak na kaharian sa panahong ito. Ang kabisera nito ay
nasa Pataliputra na ngayon ay makabagong Patna sa Bihar.
➢ Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong
pinamumunuan ni Cyrus the Great mula sa Persia ang sumalakay sa
hilagang-kanlurang India.
➢ Noong 518 B.C.E. nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga
lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng
Persia sa loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay
naging sentro ng kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t-ibang
kaharian ay maaaring makapag-aral.
➢ Tinapos ni Alexander the Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng
Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan tuluyang tinahak ang
landas patungong India noong 327 B.C.E.
➢ Matapos ang madugong pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa
pinagsamang puwersa ng mga Persian at India, nagawa rin nilang
matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layong kanilang nilakbay at
labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander at nagbantang mag-
alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang India.
➢ Mahihinuhang pagod na nag mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit
o ng sakuna. Bukod ditto, kulang na ang pangtustos sa kanilang mga
pangangailangan. Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E. ang
bahagi ng hilagang-kanlurang India ay naiwang walang mahusay na
pinuno.
➢ Pagkatapos nito, iba’t-ibang mga imperyo ang naitatag sa India.
Imperyong Maurya
➢ Itinatag noong 322 B.C.E. nasakop ni Chandagrupta Maurya ang dating
kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander.
Sakop ng imperyo ang Hilagang India at abhagi ng kasalukuyang
Afghanistan.
o Mga Mahahalagang Pangyayari:
▪ Ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra
▪ Tagapayo ni Chandagrupta Maurya si Kautilya, ang may akda
ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa
pangangasiwa at estratehiyang political.
▪ Ang imperyo ay pinamunuan ni Ashoka o Asoka (269-232
B.C.E.) ang kinilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya
at isa sa mga mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng
daigdig. Matapos ang kanyang madugong pakikibaka sa mga
kalinga ng Orissa noong 261 B.C.E. na tinatayang 100,000
katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod
ang mga turo ni Buddha.
o Pagbagsak:
▪ Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong
malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya
noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan
ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang
hilaga at gitang India ay nahati sa maliliit na kaharian at
estado.
Imperyong Gupta
➢ Ang pangalan nito ay hango sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito
ni Chandagrupta I (circa 319-335 B.C.E.)
o Mahahalagang Pangyayari:
▪ Chandagrupta II (circa 367-415 C.E). Nakontrol uli ang
Hilagang India. Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa
Pataliputra.
▪ Itinuturing itong panahong klasikal na India.
▪ Naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang
panitikan, sining at agham ay yumabong.
▪ Maunlad ang mga larangan ng astronomiya, matematika, at
siruhiya (surgery) sa panahong ito.
▪ Si Kalidasa, ang kinilalang pinakamahusay na manunulat at
makata ng India, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi
alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na
tinatayang isinulat noong ikaapat o ikalimang siglo C.E. ay
hango mula sa kaisipang Hindu.
o Pagbagsak:
▪ Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at
bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop.
Ang White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa
Gitnang Asya.
Imperyong Mogul
➢ Itinatag ito nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong
1526.
o Mahalagang Pangyayari:
▪ Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim
ni Akbar na namuno sa kabuuan ng Hilagang India mula
1556 hanggang 1605.
▪ Nagpatupad siya ng Kalayaan sa pananampalataya at
makatarungang pangangasiwa.
▪ Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad
nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb
nagbawal ng sugal, alak, prostituson, at sati (suttee) o
pagsunog ng buhay sa mga biyuda.
o Pagbagsak:
▪ Labis na humina ang mogul dahil na rin sa pagdating ng
makapangyarihang English sa India.

Ang Kabihasnang Tsina sa Silangang Asya (China)


➢ Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto,
bulubundukin, at dagat ang nagbigay daan sa pagpapanatili ng
natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang
kabihasnang tumagal ng halos 3,000 taon.
➢ Ang mga produkto tulad ng porselana, sutla, tsaa, mga imbensyon tulad
ng pulbura, compass at papel ay nagmula sa kabihasnang ito.
➢ Sa mga lambak-ilog din nagsimula ang dakilang kabihasnang ito noong
5000 B.C.E. Ang mga ilog na ito ay ang Huang Ho o kilala rin bilang Dilaw
na Ilog at Yangtze na siya naming pinakamahaba sa Tsina.
➢ Pinamumunuan ang sinaunang kabihasnan ng Tsina ng mga tinatawag
na dinastiya. Ang dinastiya ay tumutukoy sa pamilyang makapangyarihan
kung saan nagmumula ang emperador na namumuno sa Tsina. Ang
kanilang karapatang mamuno ay nagmumula sa tinatawag na mandate of
heaven o mandato ng langit. Ibig sabihin ang mga namuno sa Tsina ay
may basbas ng Diyos. Tinatawag naman na dynamic cycle ang pag-angat
at pagbagsak ng mga dinastiya sa Tsina.
➢ Mayroong labing isang dinastiya sa kabihasnan ng Tsina
o Dinastiyang Xia
▪ Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang
Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho
▪ Hindi pa ito lubusang napapatunayan dahil sa kawalan ng
matibay na ebidensyang arkeolohiya.
o Dinastiyang Shang
▪ Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit
ng bronze sa panahong ito.
▪ Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa
mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o
mga tortoise shell at cattle bone.
▪ Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo
na sa tuwing may namamatay na pinuno.
▪ Pinatlsik ang Shang noong 1045 B.C.E
o Dinastiyang Chou o Zhou
▪ Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng
Kalangitan” na ang emperador ay namumuno sa
kapahintulutan ng langit.
▪ Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa
kamalayang Tsino kabilang ang:
• Confucianism-layuning magkaroon ng isang tahimik at
organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti
sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.
• Taoism – hangad ang balanse sa kalikasan at daigdig at
pakikiayon ng tao sa kalikasan.
• Legalism – ipinanganak ang tao na masama at
makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa
pamamagitan ng mahigpit na batas at matahas na
kaparusahan.
o Dinastiyang Q’in o Ch’in
▪ Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado sa dinastiyang
Zhou.
▪ Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin
ang mga nagdidigmanang estado at isnailalim sa kaniyang
kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa Tsina. Inihayag niya
ang sarili bilang “Unang Emperador” ng Tsina at kinilala
bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti.
▪ Napatayo ang Great Wall of China upang magsilbing-
tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa
hilaga ng Tsina.
▪ Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at
napalitan ng Dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.
o Dinastiyang Han
▪ Kauna-unahang dinastiya na yumakap sa Confucianism.
▪ Isa sa malaking ambag ng dinastiyang ito ay ang pagsulat ng
kasaysayan ng Tsina.
o Dinastiyang Sui
▪ Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui,
Gayonpaman, nagawa nitong muling pag-isahin ang watak-
watak na teritoryo ng Tsina.
▪ Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na napabayaan sa
mahabang panahon. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-
uugnay sa mga ilog ng Huang ho at Yangtze.
o Dinastiyang T’ang
▪ Si Li Yuan ang dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa
dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang
dinastiyang Tang.
▪ Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya sa Tsina
sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at
mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at
teknolohiya.
▪ Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga
panahong ito ay tinangkilik ng mga dughong bughaw at mga
karaniwang tao.
▪ Ibinalik ang Civil Service Examination System na naging
mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ito ay unang
ginamit sa panahong Han.
▪ Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag-aalsang
naganap sa Tsina.
o Dinastiyang Song
▪ Itinayo ng isang hukbong imperial ang dinastiyang ito.
▪ Naging sapart ang suplay ng pagkain sa Tsina dahil sa pag-
unlad teknolohiyang agricultural.
▪ Sinakop ng mga barbaro ang Hilagang bahagi ng Tsina kaya
napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito.
o Dinastiyang Yuan
▪ Itinatag ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang pagkakataon
para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng
mga dayuhang barbaro.
▪ Ang mga mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural,
tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang
pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa Tsina na hindi
nila pinagkakatiwalaan.
▪ Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa
tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan,
maayos ang komunikasyon, at mabuting kalakalan sa
malawak na teritoryong sakop.
▪ Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa ay
pinamumunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang
dinastiyang Ming.
o Dinastiyang Ming
▪ Naitayo ang Forbidden City sa Peking na naging tahanan ng
mga emperador.
▪ Napayaman ang sining particular na ang paggawa ng
porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at
silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni
Admiral Zheng He.
▪Maraming aklat ang naiambag sa pamamagitan ng movable
type. Lumaki din ang populasyon na umabot sa 100 milyon.
▪ Bumagsak ang dinastiya noong 1644.
o Dinastiyang Qing o Ch’ing
▪ Itinatag ng mga Manchu. Matapos magapi ang Ming ng mga
semi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng
mga Tsino na dayuhang barbaro.
▪ Ang pagkatalo ng Tsina sa mga digmaang Opium laban sa
England at France ay malaking dagok sa imperyo.
▪ Sa pagkatalo ng Tsina, nagkaloob ito ng mga konsesyon sa
mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob ng lupain tulad ng
Hong Kong sa mga British. Pinagkalooban din sila ng
karapatang pakinabangan at pamunuan ang ilang teritoryo
sa Tsina bilang sphere of influence o mga rehiyon kung saan
nangingibabaw ang kapakanang pang-ekonomiya ng
nanalong bansa.
▪ Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at Rebelyong
Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga Manchu na
lubhang mahina at walang kakayahan labanan ang
panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din ng Rebelyong
Taiping na baguhin ang tradisyunal na lipunang Tsino.
▪ Samantala, sumuporta ang Rebelyong Boxer (1900) sa mga
Manchu sa layuning palayasin ang mga mapanghimasok na
Kanluranin.
▪ Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang
hukbong tsino sa Digmaang Sino-French at Digmaang Sino-
Japanese.
▪ Noong 1911, nagwakas ang Sistema ng dinastiya sa Tsinan
ang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na nagbigay-daan sa
pagkakatatag ng Republika ng Tsina.

Pagsusuri

(Ikatlong Linggo) Maikling Pagpapahayag. Magbigay ng isa (1) hanggang


dalawang (2) sagot na pangungusap sa bawat katanungan.
1. Sa paanong paraan mo maihahalintulad ang caste system sa bansa?

2. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga dinastiya ng Tsina ang iyong nais
na buhayin. Bakit? Ipaliwanag.
Panuto: (Ikatlong Linggo). Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra
ng iyong sagot sa kahon na nasa ibaba at ilagay ito sa patlang na nakalaan bago
ang numero. (BAWAL MAGBURA)

a. Qing e. Arya i. Timog Asya


b. Imperyong Gupta f. Silangang Asya j. Harappa
c. Sanskrit g. Pariah k. Brahmin
d. Yuan h. Sui

__1. Kinabibilangan ng mga kaparian.


__2. Nangangahulugang “marangal”.
__3. Itinatag ito ni Chandagrupta I.
__4. Itinatag ni Kublai Khan.
__5. Matatagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan.
__6. Dinastiya na itinatag ng mga manchu.
__7. Rehiyon na pinagsimulan ng kabihasnang indus.
__8. Wikang klasikal ng panitikang Indian
__9. Sa dinastiyang ito isinaayos ang Great Wall na napabayaan sa mahabang
panahon
__10. Kinabibilangan ng mga naglilinis ng kalsada.
Panuto: (11-20). Enumerasyon.
11-20. Isaisahin ang mga Dinastiya ng Tsina ayon sa pagkakasunod-sunod.
11. 16.
12. 17.
13. 18.
14. 19.
15. 20.
Takdang Aralin

Panuto: (Ikatlong Linggo). Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng hindi


pagkakapantay-pantay. Gamitin ang rubriks sa pagmamarka sa gagawing
gawain.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(20) (15) (10)
Kalinisan Napakalinis ng Malinis ang Hindi masyadong
pagkakaguhit. pagkakaguhit malinis ang
pagkakaguhit
Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mga Hindi masyado
lahat ng mga bagay bagay na makikita malinaw ang ibang
na makikita sa sa gawain. bagay na makikita sa
larawang iginuhit. gawain.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at may Hindi masyadong
binigyang buhay tamang buhay ang masigla ang
ang ginuhit na larawang iginuhit. pagkakaguhit.
larawan.

Binabati kita sa pagtatapos mo sa ikalawa at ikatlong linggong modyul……


Ikaapat na Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: Ikaapat na Linggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum

Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang


panlipunan at kultura sa Asya

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

A. Gawin ang K-W-L Chart. Ang K ay kumakatawan sa KNOW na kung saan


ay isusulat mo ang iyong nalalaman sa paksa, W naman para sa WHAT
na pagsusulatan mo ng mga nais mong malaman sa paksa, at ang L ay
LEARN dito mo naman isusulat ang iyong natutuhan sa paksa. Ang L na
column ay iiwan mo munang bakante hanggat di mo pa natatapos ang
modyul. Kapag tapos mo na ang modyul ay maaari mo na itong punan.

K-W-L CHART
KNOW WHAT LEARN

B. Panuorin ang video gamit ang link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=cU5fD8LaduM. Pagkatapos
panuorin ay sagutan ang mga sumusunod na katanungang.

1. Ano ang turing ng mga tsino sa ibang mga mamamayan ng daigdig na


hindi nakatira sa bansang Tsina? Bakit ganito ang kanilang pananaw?
Ipaliwanag.

2. Paano nagsimula ang kasaysayan ng Korea?


Pagtatalakay

Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo


China at Sinocentrism

• Kabihasnang Tsino- isa sa pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.


o Tinawag ang China bilang “Zhongguo” na nangangahulugang
“Gitnang Kaharian.”
o Sinocentrism- paniniwala ng mga Tsino na ang China ang sentro
ng daigdig pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at
kabihasnan ang natatangi sa lahat. Dahil sa paniniwalang ito, para
sa mga Tsino ang iba pang mga lahi ay tinatawag nilang barbaro.
o Son of Heaven- kilala rin sa tawag na Anak
ng Langit.
▪ Pagkakakilala ng mga Tsino sa
kanilang emperador.
▪ Pinaniniwalaang pinili siya ng langit
upang pamunuan ang buong
kapuluan.
o Mandate of Heaven- pahintulot o basbas
ng langit.
▪ Ang nagpapaliwanag kung bakit may
mga naganap na pagbabago o
pagpapalit ng dinastiya sa China.
Japan at Korea at ang Divine Origin ng mga Emperador

• Divine Origin- pinaniniwalaang banal ang kanilang mga pinuno.


Alamat ng Japan

• Ayon sa Kojiki, ang kapuluan ng Japan ay


nabuo mula sa pagtatalik ng diyos na si
Izanagi at diyosang si Izanami.
• Mula sa paghuhugas ng kaliwang mata ni
Izanami nagbuhat ang diyosa ng araw at
kinikilalang diyos ng mga Hapones na
Amaterasu Omikami.

Izanagi at Izanami
• Ipinadala ni Amaterasu ang kaniyang apo na
si Ninigi sa pulo ng Kyushu upang doon
mamuhay.
• Binigyan niya ito ng tatlong kayamanan: alahas,
salamin at espada.
• Ang kaapo-apuhan naman ni Ninigi na si Jimmu ang
naging kauna-unahang emperador ng Japan 600 B.C.E.
• Tanging sa lahi lamang ni
Amaterasu dapat magmula
ang emperador ng Japan.
• Hindi sila naniniwala sa
Mandate of Heaven kaya
hindi maaaring palitan o
tanggalin sa katungkulan
Ninigi ang kanilang mga emperador.
• Nanatili silang simbolo ng
pagkakaisa ng mga Hapones
hanggang sa kasalukuyan.
Jimmu

Alamat ng Pinagmulan ng Korea

• Naniniwala rin sa banal na pinagmulan ng kanilang emperador.


• Alamat ni Tangun Wanggeom
o Si Prinsipe Hwanung, anak ng diyos ng
kalangitan na si Hwanin, ay nagnais na
bumaba mula sa langit at manirahan sa
daigdig ng tao.
o Nang malaman ang ninanais ng anak ay
naghanap si Hwanin ng mataas na
kabundukan at natagpuan ang Mount
T’aebak na nagsilbing panirahan ng
nasabing prinsipe.
o Nang makapanirahan na sa lupa ang
prinsipe, itinatag niya ang lungsod ng
diyos.
o Tinuruan niya ang kaniyang mga
nasasakupan ng kaalaman sa agrikultura
at iba’t-ibang gawain tulad ng paghahabi at pagkakarpintero.
o Bumuo rin siya ng mga batas upang maging gabay sa pagtukoy ng
mabuti at masama at sa pagpataw ng kaparusahan sa mga lumabag
sa batas.
o Siya ay sinasabing nakapangasawa ng isang oso na naging isang
magandang babae.
o Sila ay nagkaanak at pinangalanan nila itong Tangun Wanggeom.
o Siya ang nagtatag ng kaharian ng Gojoseon.
o Namuno siya rito sa loob ng 1500 taon.
Timog-Silangang Asya at ang Paniniwala sa mga Diyos-Diyosan at Espiritu.
• Ang nagtataasang bundok ang sinasabing tirahan ng mga diyos o espiritu.
• Pilipinas- ang mga bundok Arayat, Banahaw, at Makiling ang
pinaniniwalaang tirahan ng mga anino o diwata.
• Myanmar- Ang Mount Popa naman ay tirahan ng mga espiritu ng
kalikasan na kung tawagin ay nat.
• Thailand- ang mga espiritu na kung tawagin ay phi ay sinasabi ring
naninirahan sa mga bundok.
• Kadalasang nagmumula ang imperyo sa pakikipag-isang dibdib ng diyos
sa tao.
• Ang maitatalagang hari ay dapat manguna sa pagsasagawa ng mga rituwal
bilang pagsamba sa mga espiritu.
• Ang pagsasagawa ng mga pag-aalay at tamang rituwal para sa mga
pinaniniwalaang espiritu at diyos ay sinasabing magbibigay sa kanila ng
kasaganaan at katatagan ng kanilang kaharian.
• Ang mapipiling pinuno ay dapat nagtataglay ng hindi pangkaraniwang
katangian tulad ng pagiging matapang, magaling, at matalino.
• Dapat siyang kakitaan ng kahusayan sa pamumuno sa kaniyang
nasasakupan at kakayahang magsagawa ng ritwal para sa mga
kinikilalang espiritu at diyos.

India at Timog Asya at ang Devaraja at Cackravartin

• India- ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng


pagsasama-sama ng diyos ng buwan, apoy, araw, hangin, tubig,
kayamanan, at kamatayan.
o Kinikilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi
lamang iisang diyos ang kanyang taglay. Ang tawag sa kanya ay
Devaraja.
• Sa Hinduism at Buddhism, ang hari ay kinikilala bilang cackravartin o
hari ng sansinukob.
• Ang natatanging haring ito ay may pangakong mamuno nang makatwiran
at mapagkalinga sa mga mamamayan at kanilang relihiyon.
• Nangako rin ng katapatan sa kaniya ang kaniyang mga nasasakupan.
• Si Haring Asoka ay isang halimbawa ng cackravatin. Isa siyang
mandirigma na tumalikod sa karahasan at tumanggap at sumuporta sa
Buddhism.
• Sa Cambodia- ang Haring Khmer na si Jayavarman ay isang cackravatin
na nasa pagkalinga at proteksiyon ni Shiva.
• Lumaganap sa India ang impluwensiya ng Hinduism. Ang naging
pagtingin ng mga tao sa gari ay isang buhay na imahe ng diyos.
• Ang paniniwala sa karma at reinkarnasyon ay bahagi rin ng Hinduism.

Kanlurang Asya at ang Kaisipang Islamiko


• Islam- itinatag ni Muhammad na siyang naging tagapaghatid ng mensahe
ni Allah sa sanlibutan.
• Itinuring siyang pinunong pangrelihiyon at pampolitikal.
• Namatay siya nang walang nataasang kapalit kaya nagpasiya ang
kaniyang mga tagapayong gawing pinuno ng mga Muslim si Abu Bakr.
• Caliph- “tagapagtaguyod ng pananampalataya”
o Kahalili o kinatawan ni Muhammad sa kalupaan.
o Hukom at pinuno ng hukbong sandatahan.
• Caliphat- sistema ng pamahalaang itinatag ng mga caliph.
Pagsusuri

Maikling Pagpapahayag. Magbigay ng isa (1) hanggang dalawang (2) sagot na


pangungusap sa bawat katanungan.
1. Naniniwala ka ba sa mga alamat na iyong nabasa sa teksto? Oo o hindi?
Ipaliwanag.

2. Alin sa mga kaisipang ito ang iyong mas higit na pinaniniwalaan?


Ipaliwanag.

A. Panuto: Analohiya. Ibigay ang hinihingi sa analohiya. Isulat ang iyong


sagot sa patlang na nakalaan.
Hal. Pilipino: Pilipinas, Hapon: Japan.
1. Thailand: Phi, Myanmar: ___________.
2. Muslim:___________, Katoliko: Katolisismo.
3. Korea: ________________, Pilipinas: Alamat ni Maria Makiling.
4. Japan: Izanagi at Izanami, Korea: ______________.
5. Pilipinas: Mount Arayat, Myanmar:________________.

B. Enumerasyon. Ilista ang mga hinihinging kasagutan.


11-12. Diyos at Diyosa ng bansang Japan.
11.
12.
13-15. Mga bundok sa Pilipinas na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga diwata.
13.
14.
15.

Takdang Aralin

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng impluwensiya ng mga


kaisipang asyano sa kasalukuyang panahon.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(20) (15) (10)
Kalinisan Napakalinis ng Malinis ang Hindi masyadong
pagkakaguhit. pagkakaguhit malinis ang
pagkakaguhit
Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mga Hindi masyado
lahat ng mga bagay bagay na makikita malinaw ang ibang
na makikita sa sa gawain. bagay na makikita sa
larawang iginuhit. gawain.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at may Hindi masyadong
binigyang buhay tamang buhay ang masigla ang
ang ginuhit na larawang iginuhit. pagkakaguhit.
larawan.

Binabati kita sa pagtatapos mo sa ikaapat na linggong modyul……


Ikalimang Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: Ikalimang Linggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Pagkakakilanlang Asyano.
Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum
Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa


paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

Picture Analysis: Suriin ang larawan. Ilagay sa mga message box ang napansing
mong pisikal na katangian ng nasa larawan. Sagutan ang mga pamprosesong
tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang lahi ng nasa larawan?

2. Saan kayang kontinente siya ng daigdig naninirahan?


Pagtatalakay

Balik-tanaw

Noong nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa mga kaisipang


Asyano sa pag-usbong ng mga kabihasnan. Ngayon, ay atin namang
aalamin ang mga Kaisipang Asyano na nagbuo ng Pagkakakilanlang Asyano.

Kaisipang Asyano na Nagbigay-daan sa Pagbuo ng


Pagkakilanlang Asyano

Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano


Uri ng Hanapbuhay sa Asya
1. Batay sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the
Pacific (UNESCAP), ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa Asya noon ay
ang:
• pagtatanim ng mga hilaw na sangkap (agrikultura)
• paggawa ng produkto (industriya)
• at pagbibigay ng serbisyo.
Mga Relihiyon sa Asya
1. Hinduismo- Ito ang pinaniniwalaan na pinakamatandang nabubuhay na
relihiyon sa mundo.
a. Ito rin ang pangunahing relihiyon sa India ng mga Aryan, ang unang
tribong sumampalataya dito.
b. Si Brahma ang kinikilalang pangunahing diyos ng Hinduismo na
sinundan ni Vishnu at Shiva.
c. Veda – ito ang banal na kasulatan ng mga Hindu. • Tinuturo ng
Veda kung papaano magkakaroon ng mahaba at mabuting buhay
ang tao.
Mga Paniniwala ng Hindu
a. Naniniwala sila sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa
kapaligiran na nagdadala o ng pagkakaisang ispiritwal.
b. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto
sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa.
c. Naniniwala rin sila sa reinkarnasyon na kung saan ang namatay na
katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang.
d. Naniniwala sila karma, ang karma ay ang pagkakaroon ng mga
gantimpala kung/kapag kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa
naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa.
e. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay
at ito ay dapat na inaalay sa diyos anuman ang kanyang antas sa
lipunan.

2. Budismo- Ito ay itinatag ni Sidharta Gautama, isang batang prinsipe na


ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay.
a. Isinuko niya ang lahat ng karangyaan, luho, masarap na buhay,
iniwan ang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan niya ang
kaliwanagan.
b. Kaya naman ang Budismo ay nangangahulugan ng “kaliwanagan”.

Dalawang Paghahati ng Budismo


a. Mahayana Buddhism – kinikilala bilang diyos si Buddha na siyang
tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng China, Korea, Japan, at
Vietnam.
b. Theravada Buddhism - Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na
tao. Kinilala ito ng mga bansang Sri Lanka, Myanmar, Thailand, Laos,
at Cambodia.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Budismo
a. Ang ating buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.
b. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
c. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
d. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong (8) landas at
matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana.
Ang Walong Dakilang Daan ng Budismo
a. Tamang Pag-iisip
b. Tamang Aspirasyon
c. Tamang Pananaw
d. Tamang Intesiyon
e. Tamang Pagsasalita
f. Tamang Pagkilos
g. Tamang Hanapbuhay
h. Tamang Pagkaunawa

3. Jainismo- isa sa mga relihiyon sa India, ayon sa Veda ang Jainismo ay


itinatag ni Rsabha, subalit ang pinaka naging pinuno na nito ay si
Mahavira o Vhardamana.

Mga Doktrina ng Jainismo


a. Ang bawat tao ay may layunin na na makalaya ang kanilang
kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito
ay siklo na dapat maranasan ng bawat tao.
b. Bawal kumain ng karne
c. Bawal ang pumatay ng insekto
d. Bawal ang magnakaw
e. Bawal magsinungaling
f. Bawal ang magkaroon ng ari-arian
g. Bawal makipagtalik
h. Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng
anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito.
i. Kailangang magtimpi at disiplinado.
j. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay
k. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, ito ay tinatawag na
ahimsa o kawalan ng karahasan (non- violence)
l. Binibigyang diin ng Jainismo pagsagawa ng asetismo o
pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan
ang kasakiman ng katawan.

4. Sikhismo • Ito ay itinatag ni Guru Nanak.


a. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim sa isang kapatiran.
b. Ang mga naniniwala o mananampalataya nito ay matatagpuan sa
India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.
Mga Paniniwala ng Sikhismo
a. May isang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang
pangalan.
b. Naniniwala rin sila sa reincarnation at sa pag-akyat ng mga kaluluwa
mula sa mababang antas pataas.
c. Kailangang masagip ang mga tao kung hindi sila ay patuloy na
makakaranas ng muli’t muling pagsilang.
d. Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal
sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay.

5. Judaismo- Ito ay isa sa mga pinakamatandang relihiyon.


a. Ito ang pinakaunang monoteismong relihiyon.
b. Naniniwala ang mga hudyo sa iisang Diyos na nagpapatunay na
naging batayan ito ng Kristiyanismo at Islam.
c. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng
limang aklat ni Moses.
Ang Sampung Utos ng Diyos
a. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
b. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
c. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
d. Igalang mo ang iyong ama at ina.
e. Huwag kang papatay
f. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
g. Huwag kang magnanakaw.
h. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
i. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
j. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

6. Kristiyanismo - Ito ang may pinakamalaking bilang ng mga tagasunod at


kasapi nito sa lahat ng mga relihiyon sa mundo.
a. Ito ay relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus.
b. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo.
c. Bibliya – ito ang banal na aklat o kasulatan ng Kristiyanismo.
d. Katolisismo – ito ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo.
e. Santo Papa – Siya ang pinakamataas na pinuno ng simbahang
Katolika.
7. Islam- Ang relihiyon ng mga Muslim na sinasabing pangalawa sa mga
pinakamalaking relihiyon sa daigdig.
a. Muhammad – ang dakilang propeta at nagtatag ng Islam.
b. Allah – siya ang diyos ng relihiyong Islam.
c. Muslim – ito ang tawag sa mga tagasunod ng relihiyon.
Mga Paniniwala at Aral ng ISLAM
a. Koran – Banal na aklat ng mga Muslim.
b. Hindi sila maaaring kumain ng baboy at uminom ng alak.
c. Sila Abraham, Noah, Moses, Jesus at Muhammad ay mga propeta ni
Allah.
d. Hindi itinuturing na anak ng Diyos si Jesus.
LIMANG HALIGI NG ISLAM
a. Unang Haligi – IMAN (Pananampalataya) • Pagpapahayag na
shahadah, “Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang
kaniyang propeta.” • Maglingkod at sumunod kay Allah ng buong
buhay batay sa mga turo at gawa ng propetang si Muhammad.
b. Ikalawang Haligi – SALAH (Pagdarasal) • Magdasal ng limang beses
mula sa madaling araw at sa tuwing tatawag ng muezzin o tagatawag.
• Mas kanais-nais na magdasal sa mosque kasama ng ibang Muslim.
c. Ikatlong Haligi – ZAKAH (Pag-aabuloy) • Nararapat lamang na
magbigay ng ilang bahagi o porsyento ng kayamanan sa
nangangailangan. • Zakah, purification, growth. • Sadaqa-h (voluntary
charity) ay maaaring ibigay.
d. Ikaapat na Haligi – SAWM (Pag-aayuno) • Pag-aayuno, di- pagkain, di-
pag- inom, at pagpigil sa seksuwal na relasyon ng mag- asawa. • Pag-
aayuno sa loob nang 40 araw, ito ay nagsisimula sa ika-6 ng umaga
hanggang ika-6 ng gabi (Ramadan)
e. Ikalimang Haligi – HAJJ (Paglalakbay) • Pagpunta sa Mecca (The
Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kaniyang buhay,
ginagawa sa ika-12 na buwan ng taong Islam, para ito sa mga Muslim
na may kakayanang physical at financial.

8. Zoroastrianismo- Itinatag ito ni Zoroaster.


a. Kinikilalang diyos ng kabutihan si Ahura Mazda.
b. Habang kinikilalang diyos naman ng kasamaan si Ahriman, ang
Diyablong Espiritu.
c. Ang pangaral ng relihiyong ito ay nakatala sa mga aklat o kasulatan
na pinagsama- sama sa ilalim ng pamagat na Zend Avesta
d. Ito ang opisyal na relihiyon noon ng Imperyong Persia
e.
9. Shintoismo- Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa
diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan.
a. Ang Shintoismo ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng
diyos.”
b. Tinatawag naman na kami ang mga diyos na mayroon
kapangyarihang likas.
c. Nananahanan ang mga ito sa mga ilog, puno, bato, bundok, buwan,
at araw.
d. Sinasamba rin ng mga Shinto ang namatay nilang mga kamag-anak
at mga ninuno.
e. Sumasamba sila sa mga templo at dambana sa paniniwalang dito
nananahan ang mga diyos.
f. Binubuo ang paniniwala nila ng mga pagdarasal, pagpalakpak, pag-
aalay, at mga pananampalataya
g. Halos sa bansang Japan lang ito kumalat noong unang panahon.
Apat na Paninindigan ng SHINTOISMO
a. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing
prayoridad.
b. Ang Pagmamahal sa Kalikasan: Naniniwala sila na ang kalikasan ay
may malakas na koneksyon sa mga diyos kaya ito’y binibigyang
halaga.
c. Kalinisan: Binubuo ito nang pang pisikal at ispiritwal na paglilinis.
d. Matsuri: Pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espiritu.
Mga Paniniwala ng SHINTOISMO
a. Purification: Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
b. Kami: Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay. Kapag
ikaw ay namatay, ikaw ay magiging isang kami.
c. Aragami: Masamang kami na pinatay at ngayon ay naghahanap ng
kanilang paghihiganti.
d. Mizuko: Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng
problema.
e. Mizuko Kuyo: Pagsamba sa mga Mizuko upang maiwasan ang
problema.

Pagsusuri

Maikling Pagpapahayag. Basahin at magbigay ng isa (1) hanggang dalawang (2)


sagot na pangungusap sa mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong palagay, ano ang relasyon ng mga relihiyon ng asyano sa pagbuo
ng pagkakakilanlang asyano?

2. Ano naman ang relasyon ng uri ng hanapbuhay ng mga asyano sa


pagkakakilanlang asyano?
A. Panuto: Identipikasyon. Basahin at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon na nasa ibaba at isulat
ito sa patlang na nakalaan bago ang numero.

a. Budismo e. Judaismo i. Koran


b. Santo Papa f. Shintoismo j. Veda
c. Purification g. Aragami k. Hinduismo
d. Zoroastrianimso h. Allah

__1. Ito ay nangangahulugang “daan o kaparaanan ng diyos.”


__2. Diyos ng relihiyong Islam.
__3. Ito ay itinatag ni Sidharta Gautama.
__4. Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
__5. Ito ang pinaniniwalaan na pinakamatandang relihiyon na nabubuhay sa
mundo.
__6. Ito ang pinakaunang monoteismong relihiyon.
__7. Siya ang pinakamataas na pinuno ng simbahang Katolika.
__8. Ito ang banal na kasulatan ng mga Hindu.
__9. Masamang kami na pinatay at ngayon ay naghahanap ng kanilang
paghihiganti.
__10. Ang pangaral ng relihiyong ito ay nakatala sa mga aklat o kasulatan na
pinagsama- sama sa ilalim ng pamagat na Zend Avesta.
B. Panuto: Enumerasyon.
11.15- Limang Haligi ng Islam
11.
12.
13.
14.
15.
Takdang Aralin

Panuto: Reflective Journal. Ipaliwanag ang kahalagahan ng relihiyon sa buhay


ng tao. Magbigay ng pito (7) hanggang sampung (10) sagot na pangungusap sa
kahon na nasa ibaba.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Binabati kita sa pagtatapos ng Ikalimang Linggong Modyul………


Ikaanim at Ikapitong Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: Ikaanim at Ikapitong Linggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Mga Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan.
Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum
Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula


sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

Freedom Wall. Mula sa larawan na nasa ibaba isulat sa freedom wall


ang mga karapatan ng kababaihan na sa palagay mo ay dapat na
kanilang ginagawa sa kasalukuyan.
Pagtatalakay

Mga Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan


Naniniwala ang mga sinaunang Asyano sa mga Diyos at sa kapangyarihan ng
mga espiritu
Hilagang Asya
➢ Sumamba sa mga diyosang teriomorphic o may anyong hayop.
➢ Pinatunayan ito ng mga petroglyph na kinatampukan ng mga hayop at
mga babaeng shaman na may sungay.
➢ Sa ritwal ng pangangaso, dumudulog ang babaeng shaman sa ninunong
babae na siyan namang nananawagan sa babaeng usa na magpahintulot
na magpahuli ang ilang hayop.
- Sa Siberia, pangunahing mga diyosa sina Pinga (espiritu ng kalupaan), Sedna
(pinakamataas na espiritu at pinuno ng mga karagatan at mga naninirahan
dito), at Ayysyt (diyosa ng pagsilang). Udagan ang tawag sa kanilang shaman.
- Sa sinaunang Mesopotamia, si Inanna (Ishtar sa mga Akkadian) ang isa sa
pinakatanyag na diyosa. Siya ang diyosa ng pag-ibig at iyag. Tinagurian din
siyang diyosa na maraming katungkulan.
- Sa Japan, ang diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami ang itinuring na
pinakamahalagang diyos at pinaniniwalaang ninuno ng maharlikang pamilya.
Timog-Silangang Asya
Pinaniwalaan ang kakayahan ng kababaihan na makipag-ugnayan sa mga
espiritu.
Bagama’t ikinarangal at iginalang sila dahil sa kakayahang ito, kinatakutan din
sila lalo na ang may katandaan na.
Sapagkat maari nilang magamt ang malakas na kapangyarihang ito upang
manakit ng kapwa.
Kababaihan: Posisyon at Tungkulin sa Tahanan
Sa loob ng tahanan, iba’t – ibang papel ang ginampanan ng sinaunang
kababaihang Asyano – bilang anak, kapatid, asawa, ina, at biyuda.
Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae hindi lamang sa kanyang kabiyak kung
hindi sa buong pamilya ng lalaki. Dala niya ang kaniyang dote at pagiging
busilak. Dala naman ng lalaki ang kaniyang bride price, na tumitiyak sa
kaniyang karapatan sa asawa.
Sa lipunang Vedic sa India, tanging ang mga kababaihan mula sa Kshatriya
lamang ang mamili ng sariling mapapangasawa.
Dinarangal sa kanila ang pagiging asawa ng babae.
Tinawag siyang “jaya” (kahati sa pag-ibig ng asawang lalaki); “jani” (ina ng
mga anak); at “patni” (katuwang sa pagtalima ng at pagsasakatuparan ng
mga sakripisyong pangrelihiyon.
Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya nagbabayad ng bride price ang lalaki
para sa kaniyang mapapangasawa.
Maaari din siyang manilbihan nang may dalawa hanggang tatlong taon upang
“mabili” ang babae.
Sa gawaing ito naipakita ang pagbibigay- halaga sa kababaihan.
May ilang bahagi ng rehiyon kung saan isinagawa ang matrilocal na pananahan
– kung saan ang lalaking ikinasal ay nakipanirahan sa matriclan o angkan ng
babae.
Ang dalawang kaugaliang ito ay dahilan kung itinuring na mapalad ang
pagkakaroon ng anak na babae sa sinaunang Timog-silangang Asya.
Maliban sa nakatanggap ng bride price ang pamilya ng babae sa oras na siya ay
ikasal, katiyakan din din ang matrilocal na pananahan na may kakalinga sa mga
magulang ng babae sa kanilang pagtanda.
Sa China, bunsod ng pagiging opisyal ng Confucianism, napagtibay ang
patrilineal, patrilocal, at patriarkal ng pamilyang Chinese.
Sa lipunang ito, ang sentro ng pamilya ay ang lalaki. • Maari siyang
magkakaroon ng higit sa isang asawa o ng concubine batay sa kaniyang antas
sa buhay at kayamanan. • Tungkulin naman ng babae, sa bawat yugto ng
kaniyang buhay, na sundin at paglingkuran ang malalapit na lalaki sa kanyang
pamilya—bilang anak ng kaniyang ama, kabiyak ng kanyang asawa, at ina sa
kaniyang anak na lalaki sa kaniyang pagkabiyuda.
Ang mga anak na babae ay hindi pinag-aaral at hidi nakapagmay-ari ng ari-
arian.
Hindi rin sila maaaring magmana maliban kung sila ay biyuda.
Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, itinuturing na pangunahing
tungkulin ng kababaihan ang magsilang ng anak.
(Pagpapatuloy ng diskusyon sa paksa ng Mga Kababaihan sa Sinaunang
Kabihasnan) Ikapitong Linggo.
Sa China, ayon sa pilosopong si Mencius, ang hindi pagsisilang ng tagapagmana
(na lalaki) ang pinakamalalang kalapastangan sa mga magulang.
Sa Mesopotamia, sakaling walang kakayahang magsilang ang babae, bagama’t
karaniwang monogamous ang pag-aasawa sa kanilang lipunan, maaaring
magkaroon ang lalaki ng ikalawang asawa o ng concubine.
Ang concubine ay maaaring pagmamay-ari ng babaeng asawa o alipin ng
lalaking asawa. • Ang anak na nagmula sa alipin ay itinuring na legal na anak
ng babaeng asawa at ang aliping concubine ay nanatiling alipin.
May mga lipunang Asyano kung saan ang nabiyuda ay maaaring ipakasal sa
ibang kasapi ng pamilya katulad ng sa Mesopotamia at India.
Sa sinaunang China, limitado ang papel ng kababaihan sa aspektong
pantahanan.
Sa Book of Poetry ni Confucius, binaggit na “hindi dapat makilahok ang
kababaihan sa mga pampublikong usapin, bagkus ay ilaan ang kanilang sarili
sa pagbabantay sa silkworm at paghahabi.
Sa Hilagang Asya, nakaatas sa kababaihan ang pagtitipon at paghahanda ng
pagkain, at mga gawaing tugma sa pagpalaki na supling tulad ng paghahabi, at
pagpapalayok.
Ang mga babaeng walang anak ay maaari ring mangaso.
Malaki rin ang bahaging ginampanan nila sa pagsasaka at paghahayupan.
Sa sinaunang lungsod ng Babylonia, karaniwang ipinadadala ang isang anak
na babae ng mayayamang pamilya sa templo upang maging entumpriestess o
high priestess.
Malaki ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa paggawa ng
pabangong gamit sa panggagamot, mahika, ritwal, at pagpapaganda.
Sa India, tinatamasa ng kababaihang Indian ang karapatan at kalayaang
kapantay sa kalalakihan.
Mas mataas pa ang kanilang posisyon sa mga seremonyang pangrelihiyon kaysa
sa mga kalalakihan. • Maaari silang makapag-aral lalo pa at itinuring ang
edukasyon na isa sa pinakamahalagang kwalipikasyon sa pag-aasawa ngunit
hindi sila nakapagmay-ari.
Si Pimiko (o Himiko) ay isang misteryosong reynang shaman na natalang
gumamit ng mahika at salamangka at bumighani sa tao. Nangangahulugang
“prinsesa ng araw”
Si Iyo ay isa ring reynang shaman. Pinanumbalik niya ang kapayapaan sa
Japan matapos ang isang digmaang sibil. Nanungkulan siya sa edad na 13 taon.
Sa Japan, hinikayat ang pamumuno ng kababaihan sapagkat pinaniniwalaan
na sila ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Naitala sa kasaysayan ang pamumuno nina Pimiko at Iyo, mga reynang
sumalamin sa katangiang taglay ni Amaterasu bilang babaeng diyos –
katalinuhan, kagandahan, fertility, at pagiging busilak.
Sa kabuuan, masasabing bagama’t limitado ang karapatan ng kababaihan sa
aspektong pampolitika at ekonomiko, malaki naman ang bahaging kanilang
ginampanan sa sa usaping panrelihiyon.
Tinupad nila ang mahahalagang tungkulin sa loob at labas ng tahanan – daan
upang mapangalagaan ang kaayusan ng lipunan at maisulong ang pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan.
Sa Myanmar, isinagawa ang pagsuot ng metal na bigkis sa leeg ng kababaihang
Padaung. Karaniwang gawa sa tanso ang bigkis at sinisimulang isuot sa edad
na lima o anim. Dinaragdagan ito bawat dalawang taon hanggang umabot ang
haba ng leeg nang may 15 pulgada o 38 centimetro.
Ayon sa mga salaysay, unang ginamit ang mga metal na bigkis upang
pangalagaan ang kababaihang Padaung mula sa mga mangangalakal na alipin.
Sa isang alamat naman, isinalaysay na proteksiyon ang mga metal na bigkis
mula sa kagat ng tigre.
Sa China, isinagawa ang foot binding sa nakalipas na libong taon. Maaaring
nagsimula ang kaugaliang ito noong dinastiyang Song. Unang bingkis ang paa
ng babaeng may edad tatlo hanggang 11 taon. Layunin ng pagbibigkis na hindi
lumaki ang paa nang lampas sa tatlong pulagada. Maraming salaysay ang
nagpapaliwanag hinggil sa pagsisimula ng kaugaliang ito. Isa rito ay tungkol sa
pagbabalat-kayo ng isang fox sa pamamagitan ng pagbibigkis ng paa upang
magmukha siyang emperatris ng Shang.

Pagsusuri

Maikling Pagpapahayag (Ikaanim at Ikapitong Linggo): Sagutan ang mga


sumusunod na katanungan at magbigay ng isa (1) hanggang dalawang (2) sagot
na pangungusap.
1. Sa iyong nabasang teksto,palagay mo ba ay may ganito pa ring uri ng mga
gawain ng kababaihan sa kasalukuyan?

2. Kung ikaw ay papipiliin, pabor kaba na ang foot binding ay patuloy pang
isagawa sa mga kababaihan sa bansang China sa kasalukuyan? Bakit oo
at hindi? Ipaliwanag.

A. Panuto: Identipikasyon. Basahin at sagutan ang mga sumusunod na


katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon na nasa ibaba at isulat
ito sa patlang na nakalaan bago ang numero.
a. Mencius e. Patriarkal i. teriomorphic
b. Confucius f. Padaung j. Iyo
c. Concubine g. Makiling k. Pimiko
d. Amaterasu Omikami h. Pinga

__1. Tawag sa mga kababaihan sa bansang Myanmar na nagsusuot ng bigkis.


__2. May katha ng libro na sinasabing ang mga kababaihan ay hindi dapat
makilahok sa pampublikong usapain.
__3. Nangangahulugang “prinsesa ng araw”.
__4. Pinanumbalik niya ang kapayapaan sa Japan matapos ang isang digmaang
sibil.
__5. Ayon sa pilosopong ito, ang hindi pagsisilang ng tagapagmana (na lalaki)
ang pinakamalalang kalapastangan sa mga magulang.
__6. Diyosang may anyong hayop.
__7. Maaaring pagmamay-ari ng babaeng asawa o alipin ng lalaking asawa.
__8. Sentro ng pamilya ay ang lalaki.
__9. Espiritu ng kalupaan sa Siberia.
__10. Diyosa ng Araw sa Japan.
B. Panuto: Tama o Mali. Isulat sa patlang ang letrang T kung ang pangungusap
ay wasto at M naman kung mali.
__11. Ang foot binding sa China ay nagsimula noon pang Dinastiyang Song.
__12. Sa Hilagang Asya, ang mga babaeng walang anak ay hindi pinapayagan
mangaso.
__13. Sa Japan, hinikayat ang pamumuno ng kababaihan sapagkat
pinaniniwalaan na sila ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
__14. Sa India, tinatamasa ng kababaihang Indian ang karapatan at kalayaang
kapantay sa kalalakihan.
__15. Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae sa kanyang kabiyak lamang.
__16. Sa sinaunang China, hindi limitado ang papel ng kababaihan sa aspektong
pantahanan.
__17. Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya nagbabayad ng bride price ang
lalaki para sa kaniyang mapapangasawa.
__18. Sa Hilagang Asya, nakaatas sa kababaihan ang pagtitipon at paghahanda
ng pagkain.
__19. Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, itinuturing na pangunahing
tungkulin ng kababaihan ang magsilang ng anak.
__20. Jaya ang tawag sa kahati sa pag-ibig ng asawang lalaki sa India.
Takdang Aralin

Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba. Ipakita ang pagkakaiba at


pagkakapareho ng mga kababaihan sa kasalukuyan at nakalipas na panahon.

Binabati kita sa pagtatapos mo sa ikaapat na linggong modyul……


Ikawalong Linggong Modyul
SELF-PACED LEARNING MODULE

Asignatura: Araling Panlipunan VII


Markahan: Ikalawang Markahan
Linggo: IkawalongLinggo
Yunit 2: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyon na Daigdig.
Paksa: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at Komunidad
sa Asya.
Sanggunian
Bansang Pilipinas Lahing Pilipino VII
K to 12 Araling Panlipunan 7 gabay pangkurikulum
Most Essential Learning Competencies (MELC)

• Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at


komunidad sa Asya.

Mga Gabay na Logo para sa mga Mag-aaral:

Panimula
Ang logo na ito ay kumakatawan sa panimulang bahagi ng
modyul. Dito inaalam ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paksang tatalakayin ng guro.

Pagtatalakay
Sa logo na ito nabibilang ang nilalaman ng paksa sa modyul.
Ito ang magsisilbing mapagkukunang-kaalaman ng mga mag-
aaral sa paksang tatalakayin ng guro.

Pagsusuri
Ang logo na ito ay kumakatawan sa pag-unawa ng mag-aaral
sa paksang nabasa at napag-aralan.

Pagtataya
Ito ang bahagi na susukat sa pagkatuto ng mag-aaral sa
paksang tinalakay. Kinapapalooban ito ng isa o higit pang uri
ng pagsusulit.

Takdang Aralin
Ang bahaging ito ang nakalaan na espasyo ng modyul para sa
output ng mag-aaral.
Panimula

Gawin ang K-W-L Chart. Ang K ay kumakatawan sa KNOW na kung saan


ay isusulat mo ang iyong nalalaman sa paksa, W naman para sa WHAT
na pagsusulatan mo ng mga nais mong malaman sa paksa, at ang L ay
LEARN dito mo naman isusulat ang iyong natutuhan sa paksa. Ang L na
column ay iiwan mo munang bakante hanggat di mo pa natatapos ang
modyul. Kapag tapos mo na ang modyul ay maaari mo na itong punan.

K-W-L CHART
KNOW WHAT LEARN
Pagtatalakay

Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Lipunan at Komunidad sa


Asya
EAST ASIA
CHINA
Kagamitang Tsino
Maliban sa kinilala ang China bilang isa sa
lundayan ng mga sinaunang sibilisasyon sa
mundo, kinatatampukan din ito ng samo't
saring kontribusyon sa ating kasaysayan.
Ang telang seda ay sinimulan ng Dinastiyang
Shang. Sinasabing sa China din galing ang
kauna-unahang kalendaryo at papel, ang
produksiyon ng mga chinaware o pinggan,
ang sining ng kaligrapiya, at ang kaalaman
tungkol sa pag-iimprenta o paglilimbag.
Bukod dito, sa China din nanggaling ang kaalaman ng paggamit ng gun powder
at firecrackers o fireworks. Dito din nanggaling ang payong, saranggola, at ang
abacus.
SINING AT ARKITEKTURA
Ang mahalagang bahagi ng maluningning na sibilisasyon ng Tsina ang may
bukod-tanging arkitektura ng Tsina. Itinuturing na tatlong pangunahing
arkitektura sa daigdig ang arkitekturang Tsino, kanluranin at Islamiko.
Kaisa-isa sa daigdig ang arkitektura ng Tsina na ang pangunahing gamit sa
estruktura ay kahoy. Lubusan itong sumasalamin sa konsepto ng ethic,
pagtingin sa kagandahan, pagtingin sa kahalagahan at pagtingin sa kaliksan.
PILOSOPIYA
Umusbong ang Confucianism at Taoism
sa panahon ng Dinastiyang Zhou sa
China. Ang panahon ng Zhou ay kinilala
bilang “Panahon ng Nagdidigmaang
Estado.” Hati ang China sa iba’t ibang
estadong pinaghaharian ng mga may-ari
ng lupa. May 200 taon ding nag lalabanan
ang iba’t ibang nagmamay-ari ng lupa.
Walang pagkakaisa at sentralisadong
pamahalaan ang China kung kaya’t panahon ito ng kaguluhan, maraming Tsino
ang naghahanap ng solusyon sa problemang ito. Maraming pilosopo ang
nagpatanyag kung kaya’t tinawag din ang Zhou bilang “Panahong ng mga
Dakilang Pilosopo.”
JAPAN
ARKITEKTURA
Bagama't sinabing ang kultura nalinang ng
mga Hapones ay base sa mga
impluwensiyang Tsino, kinakitaan ito ng
kakaibang katangiang naglalarawan ng
kanilang kultura.
Naging modelo ng mga Hapones ang mga
templo ng China sa pagbuo ng sarili nilang
arkitektura, tulad ng templong Shinto.
SINING AT PANITIKAN
Nakilala rin ang mga Hapones sa kanilang mga
naisulat na nobela, at kwentong nagbibigay
buhay sa kanilang mayamang kultura at
kasaysayan.
Noh Play - Pambansang Teatro ng Japan
Joruri Play - Isang
Teatrong ginaganap
sa pamamagitan ng
paggalaw ng mga manikang kasing laki ng tao.
Kabuki Play - Ito ay ang pinaka makatotohanan sa
tatlo dahil sa kahindik-hindik na pag arte ng mga
tagapalabas
Landscape gardening - imitates natural scenery
Ikebana - sining ng hapones ng paga-ayos ng mga
bulaklak.
WEST ASIA
MGA AKKADIAN AT BABYLONIAN
Sinasabing sa pagsakop ng mga Akkadian sa
Mesopotamia, marami pa rin ang
nagtangkang masakop ito. Subalit nagkaisa
ang mga Akkadian at Sumerian na magsanib
at magkasamang labanan ang mga gustong
sumakop dito. Ang pagsasanib na ito ang
naging dahilan ng pagtatag ng siyudad ng
Babylon, na siyang naging kapital ng
imperyo ni Haring Hammurabi, ang
kinilalang hari ng Babylonia.

MGA HITTITE
Ang mga Hittite ay ang sumunod na sumakop sa imperyo ng Babylon. Sa
kasaysayan, sila ang kauna-unahang mga taong nagtunaw ng bakal at nakabuo
ng sandata na maaaring gamitin sa pakikipagdigmaan. Ito ay itinuturing na
pinakamahalagang kontribusyon nila sa kasaysayan ng mundo.
MGA PHOENICIAN
Ang alpabeto ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician sa
kasaysayan ng mundo.
MGA ARABE
Ang relihiyong Islam ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Arabe sa
kabihsnan ng mundo at sa ngayon, ito ay pangalawa sa pinakamalaking
relihiyon sa buong mundo.
SOUTHEAST ASIA
Sinasabing ang kabuoan ng kultura ng Southeast Asia ay nabahiran ng
impluwensiyang India at China.

Pagsusuri

Maikling Pagpapahayag: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at


magbigay ng isa (1) hanggang dalawang (2) sagot na pangungusap.

1. Alin sa mga nabasa mo sa teksto ang masasabi mong naging ambag ng


sinaunang komunidad at lipunan sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.

2. Alin sa mga ambag o pamanang ito ang iyong nagustuhan? Bakit?


Panuto: Tama o Mali. Isulat sa patlang na nakalaan ang salitang TAMA kung
ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi.
_____1. Ang alpabeto ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Tsino sa
kasaysayan ng mundo.
_____2. Ang mga Hittite ay ang sumunod na sumakop sa imperyo ng Babylon.
_____3. Ang Noh Play ang Pambansang Teatro ng Japan.
_____4. Umusbong ang Confucianism at Taoism sa panahon ng Dinastiyang
Sing.
_____5. Ikebana ang sining ng hapones ng paga-ayos ng mga bulaklak.
_____6. Ang relihiyong Islam ay ang pinakamahalagang ambag ng mga Arabe.
_____7. Sinasabing ang kabuoan ng kultura ng Southeast Asia ay nabahiran ng
impluwensiyang India at China.
_____8. Ang mga Phoenician ang kauna-unahang nakalikha ng mga sandata
mula sa pagtunaw ng bakal.
_____9. Ang pagsanib ng puwersa ng Akkad at Sumer ang dahilan ng pagbuo sa
Babylon
_____10. Si Haring Hammurabi, ang kinilalang hari ng Babylonia.
Takdang Aralin

Panuto: (Ikalawang Linggo). Pumili at iguhit sa kahon na nasa ibaba ng isa sa


mga naging ambag ng mga sinaunang komunidad at lipunan sa daigdig.
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman
(20) (15) (10)
Kalinisan Napakalinis ng Malinis ang Hindi masyadong
pagkakaguhit. pagkakaguhit malinis ang
pagkakaguhit
Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mga Hindi masyado
lahat ng mga bagay bagay na makikita malinaw ang ibang
na makikita sa sa gawain. bagay na makikita sa
larawang iginuhit. gawain.
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at may Hindi masyadong
binigyang buhay tamang buhay ang masigla ang
ang ginuhit na larawang iginuhit. pagkakaguhit.
larawan.

Binabati kita sa pagtatapos sa Ikawalong (Ikahuling) Linggong Modyul…..

You might also like